Modalities governing the loss of civilian protection in armed conflicts
Full description
Full description
Description : Gas cyclone thesis
this is the body
Full description
thesisFull description
Full description
Fly Ash and RHAFull description
Full description
Full description
...
Full description
thesisFull description
ThesisFull description
Descrição completa
A part of our thesis .
Republika ng Pilipinas Nueva Ecija University Of Science and Technology Lungsod ng Cabanatuan
ISANG PANANALIKSIK UKOL SA EPEKTO NG BROKEN FAMILY SA PAG AARAL NG ESTUDYANTE
Isang pananaliksik na iniharap sa guro ng FILIPINO
Bilang katugunan sa mga gawaing kailangan sa asignaturang FILIPINO 1
Jie ann E. Merez
Enero 2016
ii
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 1 tungo sa pananaliksik ,ang Pananaliksik na ito ay pinamagatang “ EPEKTO NG BROKEN FAMILY SA PAG AARAL NG ESTUDYANTE “ ay inihanda at iniharap ng mananaliksik na si Jie ann E. Merez.
Tinanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino 1 sa, Nueva Ecija University of Science and Technology , Bilang isa sa katugunan sa mga gawaing kailangan sa asignaturanng Filipino 1.
Ph.D Marianne R. De Vera GURO
iii
PASASALAMAT
Ang pananaliksik sa paksang “EPEKTO NG BROKEN FAMILY SA PAG AARAL NG ESTUDYANTE” ay nagpapaabot ng taos pusong pasasalamat sa mga sumusunod na naging dahilan upang maayos at matagumpay ang pagsasagawa ng pananaliksik.
Sa Panginoon na siyang nagbigay ng Talino at Lakas ng loob upang matagumpay na magawa ang pananaliksik. Kay Bb. Laramae Maniego na tumulong sa paggawa ng pananaliksik. Sa mga respondent , sa paglalaan ng panahon upang matapos na masagutan ang inihandog na katanungan/kwestyuneyr. Kay Ph.D Marianne R. De Vera sa kanyang matiyagang pagtuturo at pagpayo upang mapagbuti ang paggawa ng pananaliksik sa pagkakataong masubukan ang paggawa ng pag aaral.
J.E.M
iv PAGHAHANDOG
Ang pag aaral na ito ay buong pusong inihahandog sa Panginoon na siyang nagbigay ng Talino at Lakas ng loob upang matagumpay na magawa ang pananaliksik na ito. Sa pamilya na walang sawang nagbibigay ng suportang moral maging sa pinansyal, upang makapanaliksik ng maayos. Sa aming kagalang-galang na propesor Gng Marianne R. De Vera na walang sawang gumagabay sa aming pag aaral
J.E.M
v
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina PAHINA NG PAMAGAT
i
DAHON NG PAGPAPATIBAY
ii
PASASALAMAT
iii
PAGHAHANDOG
iv
TALAAN NG NILALAMAN
v
KABANATA 1 : ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG AARAL a. b. c. d. e. f.
Panimla Pagpapahayag ng Suliranin Layunin at kahalagahan ng pag aaral Konseptwal at Paradaym ng pag aaral Saklaw at Delimitasyon Terminolohiya
1 3 3 4 5 6
KABANATA 2 : MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL a. Mga kaugnay na literature b. Mga kaugnay na pag aaral
7 8
KABANATA 3 : PAMAMARAAN AT PANANALIKSIK a. b. c. d.
Pagkuha ng mga kasangkot sa pag aaral Pamamaraan sa pananaliksik Pangongolekta ng Datos Pag-aanalisa ng Datos
TALAAN NG MGA SANGGUNIAN . . . . MGA DAHONG DAGDAG . . . . RESUME . . . . 1
KABANATA 1 PANIMULA
Ang pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Ito ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo at naninirahan sa isang tahanan. Mahalaga ang pananatili ng pamilya dahil ito ang tumutugon sa maraming pangangailangan tulad ng pangangalaga sa mga batang kasapi nito. ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Ayon sa Blogspot Ang pamilya ay isang makabuluhang paghubog sa kaisipan ng bawat indibidual. Mula ng tayo’y isinilang, lahat tayo ay inilaan upang bumuo ng isang pamilyang susukat sa hangganan ng pagkakaisa. Lubos na kailangan ng isang buong pamilya tungo sa pagbuo ng kaganapang panlipunan. Sa loob ng tahanan, sa apat na sulok ng kwartong iyon unang minulat at hinubog ang kakayahan, karanasan at kaganapang pang indibidwal ng bawat isang kasapi. Ang pamilya ang maituturing mong kasama sa pagtupad ng iyong pangarap. Sa bawat pagsubok sa buhay, ang pamilya ang isa sa mga laman ng bawat bahagi nito. ang pamilya ay paraang isang sasakyang panghihipawid na lilipad kung saan naising pumaroon ngunit laging isa-isip kahit saan ka man pumaroon ang pamilya ang laging kasama kaya hindi masasayang ang mga oras at panahon. May mga pagkakaton na dadating sa isang pamilya ang hindi pagkakaunawaan ngunit hindi ito pinatatagal ng mahabang panahon.
Sa paglipas ng panahon marami na ngang pagbabago ang nagaganap sa mga pamilya sa buong mundo. Sa kabila ng matibay na pagkabukod-bukod ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang maraming pamilya ang nasisira, ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng isang broken family o isang sirang tahanan. kung saan ang nanay at tatay ay hindi magkasamang naninirahan sa iisang tahanan. ngunit anu nga ba ang epekto ng broken family sa pag aaral ng estudyante?
2 Maraming dahilan ang maaaring maging bunga dahilan sa pagkakaroon ng hindi perpektong pamilya. Isa na rito ang epekto sa pag-aaral ng mga anak. Marahil, isa itong hadlang upang hindi makapagfocus sa mga aralin. Maaaring ito rin ay pakadaragdag pa sa mga iniisip o iniintindi ng mga bata. Ito rin ay nakakaepekto sa emosyonal na aspekto ng bawat kasapi ng pamilya Maaring magbago-bago ang emosyon ng bawat tao dahil sa isang broken family, mahirap dalhin at ipasok sa isip na bahagi ka ng pamilyang ito. Nagiging moody ang tao dahil nadadala sila sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Nahihiyang makisalamuha, isang salik na makikita sa isang taong bahagi ng broken family. Maari nating sabihin na nasa antas sila ng pagkakaroon ng hiya dahil sa kung anong pamilya mayroon sila at maaring pumasok dito ang pagkainggit nila sa mga kapwa nila bata na mayroong kumpleto at masayang pamilya kaya ang ilan ay mas piniling wag na lamang makisalamuha sa mga ito.( http://familybroken.blogspot.com/ ) Ang kawalan ng kalinga at gabay mula sa magulang ay nagnanais ng sapat at lubos na kalinga mula sa magulang ngunit anong kakulangan kung isa sa iyong magulang ay wala sa tabi mo. Hindi mabubuo ang pagkatao ng isang kasapi ng pamilya kung walang sapat at makabuluhang kalinga at gabay ng magulang. Masasabi nating hindi makabubuti sa bawat isa at sa lipunang ating ginagalawan ang broken family. Sapagkat ang pamilya ang daan sa pagiging balanse ng bawat bagay dito sa lipunan. Ang pamilya ay sumasalamin sa tamang gawi at pagtupad ng mga pangarap hindi lamang sa pag-unlad ng sarili bagkus para sa lipunan din. (http://familybroken.blogspot.com/)
Tunay ngang napakalaki ng impluwensya ng pamilya sa buhay ng isang tao. Pamilya man ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang pamayanan , ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat myembro nito. ito rin ang nagpaparamdam ng pagmamahal, kasiyahan at inspirasyon.
3 PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Ang pagaaral na ito ay isinagawa upang masagot ang mga sumusunod. 1. Dimograpikong profile. 2. Anu-ano ang epekto ng broken family o (sirang pamilya sa tagalog)sa pag aaral ng estudyante? 3. Anu-ano ang mga salik ng pagkasira ng isang pamilya?
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng broken family , kung bakit ito nakakaapekto sa pag aaral ng estudyante at malaman ang mga salik ng pagiging broken family ng isang pamilya.
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang makatulong sa bawat myembro ng isang pamilya. Lalong-lalo na sa mga magulang upang malaman at maintindihan nila ang nagiging dulot nito sakanilang mga anak.
4
PARADAYM NG PAG AARAL
Ang pigura sa ibaba ay nagpapakita ng ugnayan ng mga baryabol sa isinagawang pananaliksik.
MGA
MGA
SANHI
BUNGA
MGA EPEKTO SA ESTUDYANTE
5
KONSEPTWAL NA BALANGKAS Sa grapikong ito ay naipapakita ang ugnayan sa pagitan ng mga epekto ng broken family sa pag aaral ng estudyante gayundin ang mga salik nito.
SAKLAW AT DELIMITASYON Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng broken family sa pag aaral ng estudyante gayundin, ang mga salik ng pagkasira ng isang pamilya. Nakatuon ang pag aaral na ito sa mga opinyon ng mga estudyante sa E1-H sa taong 2015-2016 na hawak ni Ph.D Marianne R. De Vera sa Nueva Ecija University of Science and Technology. Hanggang Dito lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito at hindi na masyadong palalawakin pa.
6
TERMINOLOHIYA AMA- Haligi ng tahanan. BROKEN FAMILY- Isang pamilyang di magkasundo at magkahiwalay. ESTUDYANTE- isang taong nag aaral at maaring bihasa sa talino. INA- ilaw ng tahanan. MAGULANG- isang ama at ina na ginagampanan ang responsibilidad sa kanilang mga anak. PAMILYA- tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan.