http://filipinofolksongsatbp.blogspot.com Teaching children the Philippine Folk songs, Elementary Music, and other related topics about Filipino Culture, Traditions and Others.
Full description
reviewer for KASPIL2 DLSU under Dr. HernandezFull description
Ang Teritoryo ng Pilipinas ayon sa iba't-ibang kasulatan
kasaysayan
Sagisag Kultura ng Pilipinas Sagisag Kultura ng Pilipinas Sagisag Kultura ng Pilipinas Sagisag Kultura ng Pilipinas Sagisag Kultura ng Pilipinas Sagisag Kultura ng Pilipinas Sagisag Kultura …Full description
second year group report on Florante at Laura kabanata 13 - “Moro Ako’y Lubos na Taong May Dibdib at Nasasaklaw Rin ng Utos ng Langit”Full description
Full description
Talambuhay Ng Mga Pangulo Ng Pilipinas
notes on politics
Revolutionary Poetry of Marcelo H. Del Pilar against the Spanish regime.
Full description
Talambuhay Ng Mga Pangulo Ng PilipinasFull description
Full description
GRADE VI LOKASYONG INSULAR AT BISINAL NG PILIPINAS
ALAMIN MO
Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas .
Ano ang malaking anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas sa dakong silangan? kanluran? timog? hilaga?
Ito ang isang paraan ng paglalarawan ng kinalalagyan ng ating bansa. Mayroon pa ba kayang iba? Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito.
PAGBALIK-ARALAN MO
Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng bansa.
1. Bansang nasa hilaga ng Taiwan at Pilipinas. H
P
N
2. Malaking bansa sa hilagang kanluran ng Pilipinas. T
S
A
3. Lalawigan sa bansang Tsina na nasa hilaga ng Pilipinas. T
I
A
4. Bansang nasa timog-kanluran ng Pilipinas. M
L
Y
S
A
5. Bansang nasa kanluran ng Thailand at Pilipinas. M
Y
PAG-ARALAN MO
Pag-aralan ang mapang ito ng Asya.
1. 2. 3. 4.
Ano ang malaking anyong tubig na nasa gawing kanluran ng Pilipinas? Saang direksyon matatagpuan ang Karagatang Pasipiko? Anong anyong tubig ang nasa dakong hilaga ng bansang Pilipinas? Saang direksyon matatagpuan ang Bashi Channel?
Ito ang paglalarawan ng lokasyon ng ating bansa ayon sa kalapitan nito sa mga anyong tubig na tinatawag na lokasyong insular.
Tingnan muli ang mapa, anu-ano naman ang bansang karatig ng Pilipinas?
Anong mga bansa ang nasa gawing kanluran? Sa dakong hilaga, anu-anong bansa ang matatagpuan doon? Mayroon din bang bansa sa bahaging timog? Ano-ano ang mga ito?
Sa silangang bahagi naman ng bansa natin, matatagpuan ang Estados Unidos, Hawaii, Marianas at Guam. Malalaman din ang kinalalagyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga karatig-bansa nito. Ito ay tinatawag na lokasyong bisinal.
PAGSANAYAN MO
Balikan muli ang mapa ng Asya sa pahina 3. Gamitin ang krokis sa ibaba sa pagtukoy ng mga anyong tubig sa bawat direksyon. Isulat sa iyong kwaderno ang sagot. Hilaga
Hilagang silangan
Hilagang kanluran
Kanluran
Silangan
Timog silangan
Timog kanluran
Timog
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Hilaga : _____________________________ Hilagang Silangan : ___________________ Hilagang Kanluran : ___________________ Silangan : ____________________________ Kanluran : ____________________________ Timog : _______________________________ Timog Silangan : _______________________ Timog Kanluran : _______________________
TANDAAN MO
Ang lokasyong in sul ar ay paglalarawan ng lokasyon ng bansa sa pamamagitan ng mga anyong tubig na nakapaligid dito. Ang lokasyong bi sin al ay paglalarawan ng kinalalagyan ng bansa sa pamamagitan ng mga karatig-bansa nito.
ISAPUSO MO
Paano mo dapat gamitin ang globo upang mapakinabangan pa ng mga susunod na mag-aaral sa pagtalunton ng iba’t ibang lugar sa daigdig?
GAWIN MO
Basahin at unawain ang tula. “Itong Pilipinas” ( Hango sa sanayang aklat sa Makabayan nina L. Raganit at Mr. Agapay)
Itong Pilipinas ang mahal kong bayan Namumukod tangi di-mapapantayan Tila nakalutang sa dakong silangan Malalaking dagat ay matatagpuan. Sa dakong hilaga ay ang Bashi Channel At doon sa timog ay Celebes naman Dagat Timog Tsina ay nasa kanluran Karagatang Pasipiko ay nasa silangan. Marami rin namang bansa sa paligid Tulad nitong Taiwan, Tsina, Korea, Hapon Sa bandang hilaga naman naroroon At sa silangan nito’y Micronesia naman. Doon nga sa timog nitong Pilipinas Silangang Malaysia, Brunei, Indonesia At lalong marami roon sa kanluran Kampuchea, Laos, Burma, Thailand at Vietnam.
Naibigan mo ba ang tula? Ano ang natutuhan mo sa mensahe nito? Makakaya mo bang isaulo ito?
PAGTATAYA
Tingnan ang mapa sa pahina 3. Hanapin ang mga 3 lugar ayon sa hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Anong kapuluan ang nasa timog ng Pilipinas? A. Guam B. Taiwan C. Indonesia D. Kanlurang Malaysia 2. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Vietnam? A. Hilaga B. Timog C. Silangan D. Kanluran 3. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas? A. Dagat Celebes B. Dagat Mindanao C. Dagat Timog Tsina D. Karagatang Pasipiko 4. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Dagat Celebes? A. Hilaga B. Timog C. Silangan D. Kanluran 5. Ang Hapon ay nasa hilaga ng Pilipinas. Alin ang isa pang bansa na nasa hilaga nito? A. Taiwan B. Malaysia C. Thailand D. Indonesia
PAGPAPAYAMANG GAWAIN
Ang tulang “Itong Pilipinas” na binasa mo ay maaari ring isaawit sa himig ng “Paru parong Bukid”. Subukin mo nga. Nasiyahan ka ba sa pag-awit?
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.