Florante at Laura, Filipino, High SchoolFull description
Ang Epiko Ni GilgameshFull description
worshipFull description
Full description
ang kwento ni solampid
Short Story
from Pan Pil 19 class
filipino
Case analysis on Ang Kwento ni Rosario
Comics Strip
FILKOMU
Philippine Literature
FILKOMUFull description
Ang Bagong Paraiso Ni Efren Reyes AbuegFull description
Ang talambuhay ng authur ng ibong adarna.Full description
Full description
Ang Paglilitis ni Mang SerapioFull description
bob ongFull description
Full description
Full description
A case analysis regarding 'Ang Kwento ni Rosario'
ANG HINAGPIS NI SISA
Mga bata pa ang aking mga anak… Sampung taong gulang lamang si Basilio…Si Crispin? Pitong taong gulang … Dapat na ba silang maging sacristan? Pilosopo Tasio, maraming salamat po sa tapang baboy-ramo. Tiyak na magugustuhan ito ni Basilio. Ang hita ng patong bundok? Para kay Crispin ito… Todos los Santos ngayon… bakit malaki ang pagkakaiba ng mga mayaman sa mga dukha? Napipilitang magkasala dahil sa karukhaan! Kailangan kong tapusin ang apurahang patahi…piso rin ang kikitain ko rito…Ah… hindi na ako magsisimba…sayang din ang dalawang oras pagpunta sa bayan at pag-uwi …Wala rin akong dalawang piso para sa misa… at wala akong pambili ng bula…Patawad po Mahal na Poon…at patawarin mo po ang kaluluwa ng namatay kong ama’t ina… Wala na akong natitirang salapi…Ibinigay ko na sa’yo ang kaunting naipon ko. Hindi pa sumasahod ang mga anak mo. Aray! Aray! Tama na.... Maawa ka… hu hu hu… Tirhan mo naman ang mga bata. Paborito ni Crispin ang inihaw na tuyong tawilis…kahit isang piraso lang… Basilio! Ang kawawa kong anak! Anong nangyari sa’yo? Nasaan ang kapatid mo? Duguan ka anak! Guwardia sibil? Pinatawan ka ng dalawang real… Alas diyes ka lang pinauwi? … Daplis na bala…Matulog na tayo… Bukas…susunduin ko si Crispin sa kumbento… Basilio…gumising ka…’ya’y masamang panaginip lamang… Sana nga anak…matupad sana ang mga pangarap mo…payagan ka sana ni Crisostomo Ibarra na magpastol ng kanyang mga kalabaw at baka… at hindi ka na magsasakristan…Sana nga ay bigyan ka ng isang guya ni Ibarra… kapag nakita niya ang iyong kasipagan…Tama ka anak…lalo ngang mas maganda kung bibigyan ka ni Ibarra ng isang kapirasong lupa na iyong masasaka… At pag-aaralin mo si Crispin kay Tandang Tandang Tasio… tapos sa Maynila…Matulog na tayo anak… Para sa kura ang mga gulay na ito…Nasaan ang anak ko? Si Crispin? Crispin? Tumakas kagabi? Hindi!... Hindi magnanakaw ang anak ko… Hindi tooto ang ibinibintang ‘nyo! Pinalaki ko sila sa kagandahang asal at pagkatakot sa Diyos…
(Humihingal si Sisa) Maawa po kayo… Wala rito ang aking mga anak… Hindi sila magnanakaw… Wala rito ang hinahanap ninyong salapi…Opo…sasama po ako sa inyo…huwag lamang ninyong saktan ang aking mga anak … (nagtatakip ng mukha si Sisa) Muchas gracias Senyor Alferez…’ Fraile…guardia sibil….kura… sacristan mayor…Senyor, por favor…Dale mas palos senyor! Por favor senyor…Dale mas palos Senyor… Basilio? Crispin? Kakain tayong sabay-sabay…bagong kanin…sariwang gulay…inihaw na tuyong tawilis…Ha ha ha ha! Hu hu hu hu… Don Crisostomo Ibarra…tulungan mo po si Basilio…Pilosopo Tasyo… matalino po si Crispin ko…di po ba? Senorita Maria Clara…maganda… ang inyong saya! (aawit) “At ikaw, Relihiyon… na itinuturo sa nagdurusang sangkatauhan… nalimutan mo na ba ang iyong misyon…na aliwin ang inaapi sa kaniyang pagdaralita… at payukuin ang makapangyarihan sa kaniyang kapalaluan? Bakit ngayon… may mga pangako ka lamang sa mga mariwasa… at ukol sa mga makapagbabayad sa iyo?” Crispin! Basilio! Media Noche…tapang baboy-ramo…hita ng patong bundok….Bukas…Pasko na … Basilio? Crispin? Lalarin-larin