Ang Simula at Ang Katapusan _ TagalogFull description
Filipino
The Fable of the Turtle and the Monkey originally written by Dr. Jose Rizal
Teksto sa Grade 10
ang matanda at ang dagatFull description
tulang pang bata
FILKOMU
FILKOMUFull description
Ang Epiko Ni GilgameshFull description
worshipFull description
Full description
Florante at Laura, Filipino, High SchoolFull description
ang kwento ni solampid
Short Story
May paliwanag ang bawat talata ng tula.Full description
Filipino
filipinoFull description
Ang Pusa at Ang Daga Pabula ni Donato Sebastian Noong unang panahon, may magandang samahan ang mga pusa at daga. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak nyang kuting na maysakit para makahanap ng manggagamot. Ginising ng Inang daga ang kanyang anak para tumulong magbantay sa kuting. Ang sabi ng bubwit, ayaw pa nya bumangon kasi maaga pa. Ang sabi ni Inang daga, maraming pagkain sa bahay ng mga pusa para sumama ang kanyang anak. Nagpunta ang mag-inang daga sa bahay ng mga pusa at nakita ng bubwit na may maraming pagkain at tinawag ang Inang daga. Kinain ng mag-ina ang pagkain at naubos nila lahat. Nang magising ang kuting, nagpumilit syang pumunta sa kusina at nakita na ubos na lahat ang kanilang pagkain. Tinawag nyang matakaw ang mag-ina. Nagalit ang bubwit sa sinabi ng kuting at kinagat sa paa ang pusa. Gumanti ang kuting sa bubwit at nakalmot nito ang mukha ng daga. Nagalit ang Inang daga at kinagat sa paa ang kuting. Tumakas ang mag-inang daga at nagtago sa kanilang lungga. Pag-uwi ng Inang pusa, wala sa higaan ang kanyang anak. Nkita nya sa kusina ang kuting na sugatan. Ginamot nya ang mga sugat ng anak. Nang makapagsalita ang kuting, ikinuwento ng anak ang mga pangyayari. Nagalit ang Inang pusa at sinugod ang mag-inang daga. Sabi ng inang pusa, "Daga, daga... lumabas ka diyan sa lungga..." ngunit hindi lumabas ang mag-ina dahil sa takot. Tinawag ng Inang pusa ang kanyang mga kaanak at ikinuwento ang pangyayari. Simula noon, lagi na lamang nag-aaway ang pusa at daga. Ang Pabula ng Ang Daga at ang Leon Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga. Matsing at Pagong Nakakita si pagong ng putul na puno ng saging sa ilog, hindi niya ito mabuhat kaya nag patulong siya kay matsing pero humingi ng kasunduan si matsing, "kukunin ko ang puno ng saging pero sa isang kundisyon sa akin ang bahaging taas ng puno at sa iyo naman ang ugat" nalungkot si pagong pero pumayag na ang pagong sa gusto ng matsing, pag kaahon pinutul nga ng matsing ang puno kinain niya nag bunga nito at humihingi si pago ngunit hindi man lang binigyan ni matsing ito, kung kayat ginawa ni pagong tinanim niya ang ugat ng sanging, ilang araw ang dumaan lumaki at namunga ulit ito, naingit si matsing at inakyat niya at kinain ang mga bunga nito nainis na si pagong at nilagyan niya ng mga tinik ang katawan ng puno ng sanging at nag tago siya sa bao ng niyog, bumaba si matsing sa puno ng sanging at natinig siya sa nilagay ni pagong. at pagkatapos noon hinanap ng matsing ang pagong at nakita siya sa bao ng niyog. sabi ng matsing:"didikdikin kita ng pinung pinu" sabi ni pagong: "sige para dumami kami." sabi ni matsing: "ay hindi tatapon na lang kita sa ilong para dun ka mamatay sa lunod" sabi ni pagong: " naku wag matsing hinid ako marunong lumanguy mamamatay ako dun.... wag matsing" at dali daling dinala ng matsing ang pagong sa ilong at dun niya ito tinapon. at sabi ni pagong " matsing hinid mo ba natatandaan na dito ang tahanan ko sa tubig.