Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya Lydia B. Liwanag, Ph. D.
Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralang pambansa.
Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa umiiral na patakarang pangwika na ipinatutupad kaugnay ng gagamiting wikang panturo sa mga paaralan.
Una, ituturo ito bilang isang sabjek o aralin na bahagi ng kurikulum sa elementarya at sekundarya.
Ikalawa, gagamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa mga tiyak na sabjek o aralin na iniatas sa Patakarang Bilinggwal noong 1974 at 1986.
Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin subalit magkatuwang ng kaganapan sa pagkatuto.
Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may sariling kakanyahan upang magamit ito sa pagkatuto ng iba pang sabjek na itinuturo sa Filipino at magiging tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika ng mga mag-aaral.
Ang Pagtuturo ng Wika Batay sa DepEd Kurikulum sa Filipino
Sa ipinatupad na kurikulum ng DepEd para sa pagtuturo ng Filipino may mga pananaw at simulain sa pagkatuto ng wika na binibigyang pansin. Una ay ang pagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral, ng guro at ng teksto.
Mas mabisa ang pagkatuto kung nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-isip, magpalitangkuro at tumanggap ng ideya mula sa iba. Ikalawa, ang pagkakaroon ng integrasyon sa mga kasanayan at gawain sa pagtuturo ng wika. Ang apat na makrong kasanayan sa wika ay nakikita o naituturo sa isang kabuuan at hindi na hiwa-hiwalay na tulad ng ginagawa dati (Whole Language Approach and Integrative Approach).
Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa pag-aaral ng wika. Dito ginagamit ang nilalaman ng ibang aralin o disiplina sa pagtuturo ng wika (Contentbased Instruction / Literaturebased Instruction).
Narito ang mga pagdulog at istratehiya sa pagtuturo ng wika na angkop sa mga simulain ng kurikulum sa Filipino.
Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (Communicative Language Teaching) Inilarawan nina Richards at Rodgers
(1986) ang CLT bilang isang lapit (approach) sa halip na isang pamaraan sa dahilang ito ay nagrerepresenta sa isang pilosopiya ng pagtuturo na batay sa komunikatibong gamit ng wika. Nagsimula ang lapit na ito sa mga naisulat nang literatura na nauukol sa konseptong nosyonal-functional at paglinang ng kasanayang komunikatibo sa halip na sa gramar o istruktura ng wika nakatuon ang pagtuturo.
Sa lapit na ito binibigyang pansin ang sumusunod na pananaw o simulain: Pagbibigay diin sa gamit ng wika sa komunikasyon sa halip na sa pag-aaral ng kayarian ng wika. Pagkakaroon ng katatasan sa pagsasalita sa halip na sa pagiging tama o wasto sa kayarian o gramar ng wika.
Pagbibigay pansin sa mga gawaing aktwal na ginagamit ang wika sa halip na pagsasanay o drill sa mga bahagi ng wika. Pagkakaroon ng kamalayan sa iba’t ibang gamit o tungkulin ng wika ayon sa pagkakataon sa halip na pagbibigay pansin lamang sa wika.
Sa komunikatibong lapit sa pagtuturo ng wika, nililinang ang mga kasanayang kognitibo tulad ng kaalaman sa gramar ng wika, pagpili ng angkop na bokabularyo at kasanayang sosyolinggwistika o angkop na paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Gayundin nililinang ang makagawi o behavioral na aspekto ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika sa aktwal na sitwasyon (Littewood 1984).
May mga mungkahing hakbang na magagamit ng guro sa pagtuturo ng wika na sinusunod ang mga simulain ng pagdulog na komunikatibo. Narito ang mga hakbang at ang paliwanag sa bawat isa.
Pagtiyak sa Layunin. Isa sa mga simulain ng pagdulog na komunikatibo ay ang pagkakaroon ng kamalayan ng mga magaaral sa ginagawa nila sa klase at sa kahalagahan nito sa kanilang pang-arawaraw na buhay. Magiging makahulugan ang aralin kung malinaw sa bawat magaaral ang layunin nito. Sa hakbang na ito ipinaaalam sa mga mag-aaral kung ano ang nilalayon ng aralin. Halimbawa: Ang tatalakayin nating aralin ay tungkol sa paghingi at pagbibigay ng payo. Maaari ring ipakita ang mga larawan na nauukol sa mga sitwasyon na nagpapakita ng mga gawaing pangwika o kaya naman ay dayalogo na maglalaman ng aktwal na nangyayari sa pag-uusap.
Paglalahad. Dito ipinakikita o ilalahad ang mga kayarian ng wika na gagamitin sa isang sitwasyon o konteksto na ang tuon ay sa gamit o tungkulin ng wika. Pag-uusapan dito ang layunin ng nag-uusap, mga paraan na ginagamit upang magkaunawaan tulad ng kilos o mga pahiwatig na salita.
Pagsasanay. Pagkatapos na matutuhan ng mga mag-aaral ang mga kayarian na angkop gamitin sa sitwasyon, bibigyang laya ang mga mag-aaral na gamitin ang mga ito sa iba’t ibang sitwasyon. Dito, iba’t ibang gawain ang ibibigay ng guro tulad ng pag-uusap tungkol sa napapanahong paksa, paglutas ng suliranin, mga roleplay na isasakilos o mga larong pangwika.
Paglilipat. Paggamit ng mga natutuhang kayarian at kasanayan sa makatotohanang sitwasyon. Ang mga mag-aaral ay iisip o pipili ng mga sitwasyon sa tunay na buhay na ipinakikita ang aktwal na paggamit ng wika. Halimbawa: Pagdedebate tungkol sa isang paksa, paghingi ng payo, at pagpapaturo sa pagsasagawa ng isang bagay.
Mga Gawaing Maaring Ihanda ng Guro ayon sa mga Simulain ng Pagdulog na Komunikatibo
Paghahanda ng mga sitwasyon o cue cards, na gagamitin sa role-play ng mga mag-aaral. Halimbawa:
Paksa: Pagsali sa club o samahan Gamit ng Wika: Paghikayat, pagtanggi Kayariang gagamitin: Pandiwa, pangabay Sitwasyon: Dalawang mag-aaral ang nag-ussap Isang mag-aaral ang nanghihikayat sa kaklase o kaibigan na sumali sa club. Sasabihin niya ang ang kahalagahan ng pagsali sa club, kung kailan at saan sila magmimiting, at mga ginagawa. Ang kaklase naman ay tatanggi at ipaliliwanag kung bakit ayaw niyang sumali.
Sa pagbibigay ng mga sitwasyon na isasagawa ng mga mag-aaral, maaring dalawang paraan ang gawin. 1. Una, sitwasyon na may cue na ilalagay na cue cards ng mga mag-aaral ang sasabihin nila. Halimbawa: Paksa: Panonood ng sine Gamit ng wika: Pagtatanong, pagpili, paghikayat Kayarian ng wika: Mga pananong na Sino, Ano, Alin, Bakit Sitwasyon: Magkamag-aral na nasa lugar ng mga sinehan. Nais nilang manood ng sine. Bawat isa ay may gustong panoorin.
Mag-aaral A Itanong kung aling sine ang gustong panoorin. Magmumungkahi ng gustong panoorin. Hihikayatin ang kausap na gustong panoorin. Itatanong kung anong pagkain ang dadalhin sa loob ng sinehan. Sasang-ayon sa kausap.
Mag-aaral
B Sasabihing hindi pa alam kung ano. Hindi sasayong-ayon sa sinabi ng kausap at sasabihin ang dahilan. Sasang-ayon din sa kausap. Pipili ng pagkain at itatanong sa kausap kung gusto rin ito.
2. Ikalawa, maaring sitwasyon na may impormasyon sa mga magaaral ngunit malaya sila sa pagbuo ng usapan ayon sa hinihingi sa sitwasyon. Halimbawa: Paksa: Pagpapaalam para sumama sa field trip Gamit ng wika: Pamamaalam, panghihikayat, pagpapaalala Kayariang gagamitin: Mga pangungusap na nakikiusap, nagpapaliwanag, mga magagaling na ekspresyon tulad ng maari po ba, sige na po, at mag-ingat ka.
Kard ng Mag-aaral A Galing ka sa eskwela. Sinalubong ka ng nanay mo. Nagmano ka. Sinabi mo na may field trip kayo sa darating na Sabado. Nagpapaalam ka sa kanya. Hihikayatin mo siya na payagan kang sumama at magbigay ka ng dahilan. Magpapasalamat ka sa pagpayag ng ina at hihingi ka rin ng pera pambayad sa bus at pambili ng baon.
Kard
ng Mag-aaral B Tatanungin mo ang dahilan kung bakit may field trip, saan, sino, ang mga kasama, gaano katagal ito gagawin. Papayagan ang anak matapos marinig ang paliwanag. Magpapaalam sa anak. Bibigyan ng pera ang anak para sa field trip.
B. Paghahanda ng mga gawaing
aktwal na ginagawa sa loob at labas ng paaralan (simulation) Ito ay masasabing simplikasyon ng mga tunay na sitwasyon sa buhay. Ang mga halimbawa ng ganitong gawain ay ang sumusunod: 1. Pagsasagawa ng eleksyon ng pamunuan ng klase. 2. Pagpupulong ng club o samahan
3. Pagpupulong ng klase tungkol sa field trip 4.
5.
6.
Pakikipanayam sa bisita sa klase. Pagtatalo ng mga paksa ng nauuol sa kasalukuyang mga isyu sa bansa. Pagsasagawa ng pag-aaral sa paaralan tungkol sa pagkaing binibili ng mga mag-aaral at tungkol sa mga gawi sa pagaaral (study habits).
C.
Paghahanda ng mga sitwasyon na isasadula ng mga mag-aaral nang daglian o unscripted play Maari namang mula sa mga kuwento na binasa sa aklat sa pagbasa o panitikan ay makabuo ng script ang mga magaaral na isasadula sa klase.
D.
Pagtitipon ng mga biswal tulad ng mga poster, anunsyo, mapa, tsart, grap, karikatura, movie page, at TV programs na pagkukunan ng impormasyon at pag-uusapan sa klase. Ang halimbawa ng ganitong biswal ay ang karikatura tungkol sa pagputol ng mga kahoy sa kagubatan. Maaring pag-usapan sa klase ang mga epekto nito, ang mga paraan na dapat gawin upang maiwasan ang pagkakalbo ng kagubatan, atbp.
E. Paghahanda ng mga larong pangwika Iba’t ibang larong pangwika ang maihanda ng guro na magsasanay sa mga mag-aaral upang mahasa sa pagpapahayag. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1. Dugtungan Mo Ito ay isang dugtungang pagkukuwento. Sisimulan ng guro o isang mag-aaral ang kuwento at ito ay durugtungan ng iba pang mag-aaral sa bawat pangkat.
2.
Ihatid Mo Sa larong ito, papangkatin ng guro ang mag-aaral. Bibigyan ng guro ng mensahe ang lider ng bawat pangkat at sasabihin naman ng lider ang mensahe nang pabulong sa isa sa kanyang kapangkat hanggang makarating ito sa kahuli-hulihang kasapi. Ang huling mag-aaral ay siyang maguulat ng mensahe sa klase. Ang pangkat na makapag-ulat ng buo at malinaw na mensahe ay may puntos.
3.
Magbugtungan Tayo Ilalarawan ng mga mag-aaral ang mga bagay, tao, hayo o lugar at pahuhulaan ito sa mga kaklase.
4.
Ituloy Mo Bubunot o kukuha sa kahon ang mga mag-aaral ng kapirasong papel na may nakasulat na pahayag na hindi tapos. Itutuloy nila ang mga pahayag ayon sa kanilang palagay o pananaw. Halimbawa: Nababahala ako sa mga… Marami na ngayong nangyayari…
F.
Paghahanda ng mga gawaing transcoding Ito ay isang paraan ng pagsasalin mula sa isang anyo ng pagpapahayag tungo sa iba pang anyo. Ang mga halimbawa ng ganitong gawain ay ang mga sumusunod: 1. Isang patalastas o anunsyo na isasalin sa anyong tuluyan. 2. Isang pagpapahayag na gagawing anyong telegrama 3. Isang tala o impormasyong nabasa na gagawing balita 4. Kuwento na gagawing dula-dulaan 5. Mapa ng isang lugar na ilalahad sa isang talata
Sa pagsasaayos ng kurikulum inilapat ang Understanding by Design (UBD) na modelo nina Jay Mctighe at Grant Wiggins. Narito ang mga elemento ng kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010.
Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at maisagawa ng magaaral sa loob ng isang markahan, yunit o kurso; makikita sa bahaging ito ng Gabay sa Kurikulum ang mga pamantayang pangnilalaman, pamantayan sa pagganap, mga kakailanganing pag-unawa at mahalagang tanong.
A.1. Ang Pamantayang Pangnilalaman ay ang mahahalagang paksa o konsepto na dapat maunawaan ng mag-aaral sa bawat asignatura. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na, “Ano ang nais nating matutuhan at maisagawa ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit?”
A.2. Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang tiyak na produkto o pagganap at ang antas o lebel na inaasahang maisagawa ng mag- aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na: “Paano isasagawa ng mag-aaral ang inaasahang produkto o pagganap? Anong antas o lebel ng pagganap ang dapat magawa ng mag-aaral upang makapasa siya sa pamantayan?”
B.
Ang Mga Kakailanganing Pagunawa ay ang mahahalagang konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral sa bawat asignatura. Mga konseptong hindi makakalimutan at magagamit ng mag-aaral sa kanyang pamumuhay.
C.
Ang Mahahalagang Tanong ay mga tanong na nasa mataas na lebel at inaasahang masasagot ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Kinakailangang ang mga ito ay nasasagot ng Mga Kakailanganing Pag-unawa.
Antas 2: Pagtataya Ito ang mga inaasahang produkto o pagganap; inaasahang antas ng pag-unawa at pagganap ng magaaral; at mga kraytirya o panukat na gagamitin sa pagtatay ng inaasahang produkto o pagganap.
A.
Ang Produkto o Pagganap ay ang inaasahang maisasagawa pagkatapos ng isang paksa o markahan. Ito ang magpapatunay na natutuhan niya ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa isang markahan/asignatura.
B. Ang Antas ng Pag-unawa ang susukat sa iba’t ibang aspekto ng pag-unawa ng mag-aaral sa mahalagang konseptong dapat niyang matutuhan. Masasabing may pag-unawa na ang magaaral kung siya’y may kakayahan nang magpaliwanag, magbigay ng sariling kahulugan, makabuo ng sariling pananaw, makadama at makaunawa sa damdamin ng iba, makapaglapat, at makilala ang
C. Ang Antas ng Pagganap ay ang inaasahang produkto o pagganap na maisasagawa ng mag-aaral. Makikita rin sa bahaging ito ang kraytirya sa pagtataya ng nasabing produkto o pagganap.
Antas 3: Mga Plano ng Pagkatuto Mga gawaing instruksyunal at mga kagamitan na gagamitin ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum na makatutulong upang matamo ang mga pamantayan. Inaasahan ang pagiging malikhain ng guro sa pagpapatupad ng antas na ito dahil nakasalalay ang ikapagtatagumpay ng pagtuturopagkatuto.
A. Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay binubuo ng mga gawaing isasagawa ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum upang matamo ang mga pamantayan, matutuhan ang mga kakailanganing pag-unawa at masagot ang mahahalagang tanong.
B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga guro at mag-aaral upang maisakatuparan ang mga gawaing instruksyunal.
Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010
Pamantayang Pangnilalaman Masasalamin ba sa Pamantayang Pangnilalaman ang resulta o inaasahang bunga? Ang mahalagang ideya, isyu, prinsipyo o konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral sa bawat asignatura na magagamit niya maging sa labas ng paaralan? Masusukat at matatamo ba ng mag-aaral ang mga binuong pamantayan?
Pamantayang Pagganap Masasalamin ba sa Pamantayan sa Pagganap ang mga kraytirya kung paano tatayain ang produkto o pagganap ng magaaral? Masasagot ba nito ang tanong na: Ano ang inaasahang magagawa ng mag-aaral?
Pamantayang Pag-unawa Ito ba ang malalaki at mahahalagang konsepto na nais maipaunawa sa mag-aaral? Masasailalim ba dito ang mga manginahing suliranin, isyu na dapat malaman ng mag-aaral?
Mahahalagang Tanong Nakatuon ba ang mga tanong sa mahahalagang isyu o suliranin? Ang mga tanong ba ay masasagot ng Kakailanganing Pag-unawa? Ang mga tanong ba ay may kabuluhan sa buhay ng magaaral? Sa lipunan? Ang mga tanong ba ay kaagad na masasagot ng mag-aaral? Akma ba ang tanong sa kawilihan, edad at kakayahan ng
Narito ang mga Katangian ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag-unawa mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan) – tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at ang antas ng pagganap ng mag-aaral mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na istratehiya upang malinang ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral
inihahanda ang mag-aaral tungo sa paghahanapbuhay kung di man makapagpapatuloy sa kolehiyo tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay magagamit sa buhay.
Batayang Konseptwal Filipino (Deskripsyon)
ng
Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapakipakinabang ng Lietrasi para sa lahat (Functional Literacy For All) na ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015).
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literasi ng mga magaaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang kasanayan – pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng iba’t ibang tekstong literari (rehiyunal, pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at
Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration) sa pag-aaral at pagsusuri ng iba’t ibang tekstong literari. Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang iba’t-ibang teorya sa pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuring literasi, inaasahang matatamo ng mga guro ng Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa inilarawan sa batayang konseptwal.