Report ni: Richard Kenneth U. Bandiola
Noong 1500, ang rebolusyong pang-komersiyo ay sumaklaw sa mga pagbabago sa lawak at pamamaraan ng kalakalan. Ang mga pagtuklas ay bunga ng paghahangad ng Espanya at Portugal na maging kabahagi sa kalakalan sa Asya na noon ay monopolyo ng Italy. Nakatulong din sa malawakang pagtuklas at paggalugad ng mga bagong lupain ang pagsulong ng kaalamang pangheograpiya, at imbensiyon ng compass, astrolabe at sextant. Ang mga instrumentong ito ay nagganyak sa pakikilahok ng Britain, France, at Netherlands sa larangan ng paggagalugad.
Noong 1500, ang rebolusyong pang-komersiyo ay sumaklaw sa mga pagbabago sa lawak at pamamaraan ng kalakalan. Ang mga pagtuklas ay bunga ng paghahangad ng Espanya at Portugal na maging kabahagi sa kalakalan sa Asya na noon ay monopolyo ng Italy. Nakatulong din sa malawakang pagtuklas at paggalugad ng mga bagong lupain ang pagsulong ng kaalamang pangheograpiya, at imbensiyon ng compass, astrolabe at sextant. Ang mga instrumentong ito ay nagganyak sa pakikilahok ng Britain, France, at Netherlands sa larangan ng paggagalugad.
Mga Dahilan ng Paggalugad at Pananakop Kolonisasyon- ang pagtatatag ng permanenteng panirahan (kolonya) sa mga dayuhang lupain. Mga Salik na Sanhi ng mga Paggalugad at Pananakop: 1. Luma Lumala laki king ng Popu Popula lasy syon on 2. Mga Mga Panga Panganga ngaila ilang ngan an sa mga mga Produkto Mula sa Silangan 3. Ang Ang Pag Paglal lalak akbay bay ni Marco Marco Polo Polo 4. Mga Mga Tukl Tuklas as sa Pag Pagla lala lakb kbay ay
Mga Tuklas para sa Nabigasyon
Kahalagahan
Compass
Instrumentong gabay sa tamang direksiyon. direksiyon.
Astrolabe
Instrumentong panukat sa mga anggulo ng kinalalagyan ng bituin at araw
Mercator Projection
Isang mapang nagpapakita sa latitude at longitude ng mga lugar.
Sextant
Isang instrumentong sumusukat sa taas ng araw o ng bituin at sa pamamagitan ng pagsukat sa anggulo ng mga ito ay maaaring malaman ng manlalayag man lalayag ang layo o distansya ng isang lugar.
Compass
Astrolabe
Mercator Projection
Sextant
Ang Paghahanap ng Bagong Daanan Kontrolado ng mga Muslim at mga negosyanteng Italian ang kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya. Dinadala ng mga Muslim ang mga rekado at iba pang mahalagang produkto ng Asya sa mga daungan sa Ehipto, Syria at Turkey. Mula sa mga daungan, ang mga rekado ay kinukuha naman ng mga negosyanteng Italyano sa iba’t-ibang lungsod ng Italy. Sa bawat salin ng mga produkto sa iba’t-ibang negosyante, ang halaga ng produkto ay tumataas. Nais putulin ng mga Europeo ang mga ahente at dumirekta sa mga kayamanan ng Asya. Upang isagawa ito, ang mga makapangyarihang bansa sa Atlantic, una ang Portugal at sumunod ang Espanya, ay naghanap ng bagong ruta upang marating ang Asya nang hindi dadaan ng Mediterranean Sea.
Ang Pagnanais na Ikalat ang Kristiyanismo Sa panahon ng Repormasyon, maraming misyonero at sundalo ang ipinadala sa ibang lugar upang binyagan ang mga tao sa Kristiyanismo. Ang diwa ng Renaissance na pagiging mausisa ay nagpaalab sa pagnanasang malaman at marating ang mga lupain sa labas ng Europa. Para sa mga namumuhunan, may pangangailangan ang mga taong makipagsapalaran para sa katanyagan. Para naman sa Simbahan, ang paglaganap ng pananampalataya ng Diyos ang pangunahin. Para sa mga naghaharing uri, ang bawat paglalakbay ay maaaring nangangahulugan ng ibayong yaman para sa kanilang bayan o angkan.
Sa kabuuan, ang paghahangad na marating ang malayong mundo ay masasalamin sa tatlong kataga: Kaluwalhatian Kabanalan Kayamanan
Mga Pangunahing Bansa sa Larangan ng Kolonisasyon
Portugal
Ang Portugal ay ang unang bansang pumalaot sa kolonisasyon. Ito ay isang maliit na bansa na may mahabang baybayin. Ang Portugal ay laging umaasa sa dagat para sa kanyang kabuhayan. Habang ang kalakalan sa mundo ang pangunahing pinagmulan ng kapangyarihan at kayamanan ng mga bansa sa Europa, nais mapakinabangan ng Portugal ang kanilang kalapitan at kaalaman tungkol sa dagat. Layunin nilang makipag-ugnayan sa mga kahariang mayaman sa ginto sa Africa at mahanap ang daan tungo sa Indies.
Umunlad ang kaalamang pandagat ng mga Portuguese dahil sa suporta ni Prince Henry the Navigator. Ang mga barkong Portuguese ay naglayag patungo sa Strait of Gibraltar, na papasok ng Mediterranean Sea. Nagapi nila ang isang lungsod ng mga Muslim – ang Ceuta sa Hilagang Africa. Noong 1488, ang nabigador na si Bartolomeu Diaz ay lumibot sa dulo ng Africa. Dahil may malakas na bagyo, siya ay napadpad sa pook na tinawag niyang Cape of Storms. Ang tagumpay ni Diaz ay nagpahiwatig na may daan patungong Silangan. Masaya niya itong ibinalita sa hari ng Portugal at ang Cape of Storms ay napalitan ng Cape of Good Hope.
Bartolomeu Diaz -siya ang nabigador na lumibot sa dulo ng Africa, at ang kanyang paglalakbay ay nagpahiwatig na mayroon ngang daan tungo sa silangan.
Ang paglalakbay ni Diaz ay biyaya para sa Portugal. Ang pinakamalaking tagumpay ay nang marating ni Vasco da Gama ang kanlurang baybayin ng India noong 1498. Bagama’t mahigpit ang kontrol ng mga Muslim sa kalakalan, nagawa ni Vasco da Gama na magtakas ng kalakal na cinnamon at paminta. Itinuring siyang bayani sa kanyang pagbabalik sa Portugal noong 1499. Sa pagputol niya sa monopolyo ng kalakalan ng Italy sa Silangan, mabilis na nakilala ang kapangyarihan ng Portugal.
Vasco da Gama -siya ang nabigador na nakarating sa kanlurang baybayin ng India noong 1498.
Espanya
Habang naggagalugad ang Portugal sa mga baybayin ng Africa, isang kapitang Italian na nagngangalang Christopher Columbus ay naghahanap ng ebidensya na isang ruta patungong India ang mararating sa pamamagitan ng paglalakbay pakanluran. Dala-dala ang mga mapa, naglakbay si Columbus patungong Espanya at Portugal upang kumbinsihin ang mga hari na gastusan ang kanyang paglalakbay. Hindi siya nakakuha ng suporta kay Haring John II ng Portugal at Isabela I ng Espanya. Pagdating ng 1942, pumayag si Ferdinand V na pondohan ang kanyang ekspedisyon.
Christopher Columbus -isang kapitang Italian na nakahanap ng ebidensiya na may isang ruta patungong India na maaaring marating sa pamamagitan ng paglalakbay pakanluran.
Haring John II -ang hari ng Portugal na tumangging pondohan ang ekspedisyon ni Christopher Columbus.
Reyna Isabella I -ang reyna ng Espanya na tumangging pondohan ang paglalakbay ni Christopher Columbus.
Haring Ferdinand
V -ang hari noong 1492 na nagpondo kay Christopher Columbus para maisagawa ang kanyang ekspedisyon.
Nagkaroon ng apat na paglalakbay si Columbus sa tinaguriang New World, at naabot niya ang mga lugar na ngayon ay Dominica, Antigua, Venezuela, at Panama. Ang eksplorer naman na si Amerigo Vespucci, isang Italian, ay nagsagawa ng ekspedisyon sa Timog Amerika noong 1499 hanggang 1502. Sa kanya ipinangalan ang Amerika at napatunayan niya na ang New World ni Columbus ay isang bagong kontinenteng hindi bahagi ng Asya.
Amerigo Vespucci -isang Italian na nagsagawa ng ekspedisyon sa Timog Amerika noong 14991502. Sa kanya ipinangalan ang Amerika.
Naging mahigpit na magkalaban ang Espanya at Portugal. Hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng alitan dahil sa kanilang mga inangking lupain. Noong 1493, hiniling ng Espanya sa Papa na bigyan sila ng karapatang tumuklas ng mga lupain sa ibayo ng Atlantic Ocean. Isang dikreto ang inilabas ng Papa na nagsasaad na lahat ng bagong tuklas na lupain sa silangan ng isang imahinaryong guhit na nasa 250 milya ng Azores ay mapupunta sa Portugal at ang nasa kanluran naman ay mapupunta sa Espanya. Tumanggi ang Portugal, kaya nagkasundo ang mga kinatawan ng bansa at bumuo ng panibagong kasunduan, ang Kasunduang Tordesillas, kung saan ang imahinaryong guhit ay inilipat ng 700 milya pakanluran.
Iba Pang Mga Nabigador ng Espanya at Portugal
Pedro Cabral -siya ay isang nabigador na naglakbay sa silangang baybayin ng Timog Amerika. Natuklasan niya ang Brazil, at inangkin ito para sa Portugal.
Vasco de Balboa -ang nabigador na nagtagumpay sa pagtayo ng permanenteng panirahanan sa Amerika sa may silangang baybayin ng Isthmus ng Panama noong 1510.
Francisco Pizarro -ang nabigador na nakatuklas at sumakop sa mayamang kaharian ng Inca sa Peru. Inangkin niya ang halos lahat ng lupain sa Timog Amerika para sa Espanya.
Juan Ponce de Leon -isang eksplorer na ginalugad ang Bahamas at baybayin ng Florida sa paghahanap ng tinatawag na “Fountain of Youth”, isang bukal na pinaniniwalaang nagpapanumbalik ng kabataan ng sinumang maligo rito.
Hernando de Soto -isang eksplorer na nagpatuloy sa paggalugad sa timog silangang hangganan ng Hilagang Amerika.Pinangunahan niya ang paggalugad sa mga estadong ngayon ay ang Florida hanggang Oklahoma. Siya rin ang isa sa mga unang Europeo na nakarating sa Ilog Mississippi.
Francisco de Coronado -Isang nabigador na ipinadala sa isang misyon ng mga pinunong kolonyal ng Mexico. Naglakbay siya pahilaga at nagalugad ang rehiyong nagyo’y tinatawag na Estados Unidos. Siya rin ang kinikilalang nakatuklas sa Grand Canyon.
Ferdinand Magellan -isang Portuguese na ipinadala ng Espanya upang hanapin ang daan patungong Asya, partikular ang Mollucas Islands, upang makuha ang mga pampalasa dito at makontrol ang kalakalan sa Europa. Tumawid siya sa Pacific Ocean, nalihis ng daan at napunta sa mga grupo ng pulong pinangalanan niyang Felipinas, bilang parangal kay Haring Felipe II ng Espanya.
Haring Felipe II ng Espanya -ang hari ng Espanya noong panahon ni Magellan. Sa kanyang karangalan ay ipinangalan sa kanya ang Felipinas o Pilipinas.
Britain at France
John Cabot (Giovanni Caboto) -ang nabigador na kinomisyon ni Haring Henry ng Britain upang maghanap ng mga lupain. Narating niya ang baybayin ng lupaing ngayon ay Nova Scotia o Newfoundland. Inangkin niya ang lupain para sa Britain.
Jacques Cartier -siya ang naglayag sa malapad na St. Lawrence River at narating ang lugar na ngayon ay tinawag na Montreal. Inangkin niya ito para sa France.
Sir Francis Drake -isang eksplorador na kinomisyon ni Reyna Elizabeth I upang hanapin ang lagusan sa kanlurang baybayin ng Amerika. Sa pinagsamang eksplorasyon at pamimirata, biniktima niya ang mga barko ng Espanya sa may Atlantic at Pacific Ocean. Hindi niya nakita ang ruta, ngunit nagsimula sa kanyang paglalakbay ang pamamayani ng Britain sa mga karagatan.
Nagtatag ng mga Imperyo ang mga Europeo Pagkaraan ng unang mga tuklas, nagsimulang kontrolin ng Europa ang maraming lupain na kanilang inangkin. Ang kanilang mga superyor na armas tulad ng kanyon at mga baril at ang bilis ng kanilang mga barko at mga kabayo, ay nakatulong upang masakop ang malaking bilang ng katutubong populasyon. Pagkatapos kontrolin ang lupain ay inangkin na ito bilang isang kolonya. Hindi nagtagal, ang mga kolonyang ito ay nakapagdulot sa kanila ng kapangyarihan at kabantugan.
Isang Imperyong Kalakalan ang Itinatag ng Portugal Sa kadahilanang hindi malaki ang populasyon ng Portugal,isang imperyong pangkalakalan lamang ang minimithi niyang itatag. Noong unang bahagi ng ika-16 na siglo, hinirang si Don Alfonso de Albuquerque upang wasakin ang monopolyo at kontrolin ang kalakalan sa rekado. Sa pamamahala niya ay napasakamay ng Portugal ang Dagat Indian. Noong 1557 naman ay nabigyan sila ng kolonya sa may baybayin ng Tsina at Macao.
Don Alfonso de Albuquerque -ang hinirang sa Portugal noong ika16 na siglo upang wasakin ang monopolyo at kontrolin ang kalakalan sa rekado.
Hindi gaanong nagtagal ang monopolyo ng Portuges sa kalakalan ng rekado. Humina ang Portugal noong 1580. Naangkin ng Espanya ang gobyernong Portuges, habang nakontrol ng mga Dutch ang kalakalan ng mga rekado ng Portugal. Gayunman, nanatili bilang kolonya ng bansa ang Tsina, India, Africa, at Brazil. Tulad ng Portugal, nagsimula ang Espanya na magtatag ng kolonya sa pamamagitan ng pananakop. Nasakop ng Espanya ang dalawang malaking imperyo, ang Aztec ng Mexico, at ang Inca ng kalakhang Timog Amerika.
Nadala ng mga Kastila ang isang uri ng mikrobyong nagdulot ng mga sakit tulad ng scarlet fever, influenza, tigdas, smallpox, chicken pox, at iba pa. Ang mga sakit na ito ay nagpababa sa populasyon ng mga Aztec. Dahil malaki ang populasyon ng Espanya, nakabuo ito ng mas matatag na kolonya. Karamihan sa mga nandayuhan ay nagmula sa mahirap na bahagi ng Espanya. Umasa silang makagawa ng yaman sa pamamagitan ng mga itatayo nilang mga plantasyon sa malalawak na lupain.
Mga Kolonya ng Britain sa Hilagang Amerika Itinayo ng Britain ang unang permanenteng tirahan sa Jamestown, Virginia noong 1607. Noong 1640 ay may 60,000 katao ang lumikas sa New World. Ilan sa kanila ay mga mahihirap na magsasakang natambakan ng utang at napalayas sa kani-kanilang lupa. Ang iba, tulad ng mga Quaker at Puritan, ay lumikas dahil sa persekusyong dulot ng kanilang pananampalataya. Sa tulong ng British East India Company, na naitatag noong 1600, natamo ng Britain ang mayamang kalakalan sa buong subcontinent ng India.
Itinatag ang Imperyong Pangkalakalang Balahibo Sa paglalakbay sa St. Lawrence River ni Jacques Cartier sa France, naengganyo niya ang mga French na magtayo ng imperyo sa Bagong Daigdig. Noong 1608, ang eksplorer na si Samuel de Chaplain ay nagtatag ng unang permanenteng paninirahanan sa Hilagang Amerika at Quebec.
Samuel de Chaplain
- ang eksplorer na nagtatag ng unang permanenteng paninirahanan sa Hilagang Amerika at Quebec.
Ang mga balahibo ay naging mahalaga sa France. Sa paghahanap ng bagong rehiyon, ang mga French ay ang mga unang Europeong gumalugad sa rehiyon ng Great Lakes. Noong 1673, sina Louis Joliet at Jacques Marquette ay nagsagwan mula sa Great Lakes patungong Mississippi. Inangkin naman ni Robert Dela Salle ang lupain para sa France at ang lahat ng mga lupaing pinatuyuan ng tubig mula sa Mississippi ay pinangalanang Louisiana bilang parangal kay Haring Louis XIV.
Louis Joliet & Jacques Marquette
-dalawang eksplorador na nagsagwan mula Great Lakes patungong Mississippi noong 1673.
Natamo ng Netherlands ang mga Kolonya ng Portugal
Mga Pagbabagong Dulot ng Pagtuklas at Pananakop
Pang-aalipin
Sumibol ang Kapitalismo sa Europa