ANG KADALASANG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA PAG ARAW-ARAW NG PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL NG MARYKNOLL COLLEGE OF PANABO SA IKASAMPUNG BAITANG.
Arriba, Schousmarie Shaine
Bersamen, Glen Loyd
Haohao, Alisson
Napuecas, John Lenon
Rogador, Kimberly
Oktubre, 2016
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL
Sanligan ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na "Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend na Nakakapagbagsak ng Ekonomiya ng Bansa" nina Ofrecio K., et.al. (2010) ng Unibersidad ng Santo Tomas. Patok na patok sa mga Pilipino ang mga "Korean Trend" dahil sa mga napapanood nilang "koreanovela" na ipinapalabas sa telebisyon,simula noo'y mas naging interesado na ang mga Pinoy sa mga koreano lalung-lalo na ang mga kabataan. Kasama na dito ang pagtangkilik ng koreanong restaurant, make-up mga damit at iba pa. Ito ay ayon kay Margie Quimpo-Espino (Philippine Daily Inquirer).
Ayon naman sa artikulong"A Modern Portrait Of Juan Dela Cruz", na isinulat ni G. Roger Cerda, isang propesor sa asignaturang ingles ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang mga Pilipino ay "trying hard copycats". Kung hindi nagkakamali ay isa ito sa mga dahilan kung bakit patok na patok ang Korean Trend" dito sa Pilipinas.Dahil mahilig manggaya ang mga Pilipino na kulang nalang ay maging Koreano na rin sila na kung ano man ang nakikita nilang uso ay gagayahin nila.
Sa patuloy na pagtangkilik ng mga ito umuunlad na ang ating kaalaman sa linggwahe ng ibang bansa. Maging ang kanilang paraan ng pagdikta ng salita ay ginagaya na rin.Simula elementarya palang ay hinahasa na ang kanilang pagsasalita ng ingles dahil ito ang kadalasang gamit na linggwahe sa pagtuturo ng matematika agham at halos lahat ng asignatura hanggang sa pagtungtong ng kolehiyo.(Nakahara, 2006)
Halos lahat ng Pilipinong mag-aaral sa nakaraang limang henerasyon ay nakaranas ng iba't ibang porma ng parusa, gaya ng mababang marka, panlalait, pagmumulta at pananakit sa katawan, dahil sa patakarang English-only sa mga eskuwelahan. Bagamat naniniwala kami na kailangan nating matuto ng isang wikang pandaigdig, gaya ng Ingles, ang patakarang English-only ay hindi nakatulong sa pagkamit ng layuning ito. Sinikil lamang ng patakarang ito ang aming konstitusyunal na karapatan na malayang makapamahayag at maging edukado sa sarili naming mga wika, kabilang na rito ang Wikang Senyas ng mga Pilipino.
Hinihiling namin sa pamahalaan na ipagbawal ang patakarang English-only sa lahat ng paaralan sa Pilipinas sapagkat sumasalungat ito sa saligang batas, lumalabag sa aming karapatang pantao at nakakapinsala sa edukasyon ng kabataan. Nananawagan din kami sa pamahalaan na pagtibayin ang patakaran ukol sa wika-sa-edukasyon na kumikilala sa wikang Ingles pero hindi sa paraang pumapaibabaw ito sa mga wika ng bansa. Ang patakarang ito ay umaalinsunod sa matagal nang ipinahayag ng Presidente: kailangan natin ang Ingles para umugnay sa daigdig, ng wikang panlahat para umugnay sa bansa, at mga wikang kinagisnan para umugnay sa ating pamanang pangkultura at identidad (Aibe Aligno, 2013).
Ito ang dahilan kung bakit mas marami sa mga kabataan ngayon na mas ginagamit na ang wikang ingles kaysa sa wikang Filipino. Para sa kanila mas nakatalino at mas nakakamangha ka pakinggan kapag magaling ka sa pagsasalita o paggamit ng wikang Ingles.
Layunin ng pag-aaral
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Upang malaman kung gaano nila kadalas gamitin ang wikang Filipino.
Upang malaman rin kung gaano ba sila kadalas gumamit ng code-switching?
Upang malaman kung ano ang mas nakahiligan nilang gamitin ang wikang Filipino ba o ang mga wikang dayuhan.
Upang malaman ang kahalagahan ng pagsasalita ng wikang Filipino ngayon.
Upang malaman ang mga positibo ang negatibong epekto ng paggamit ng code switching.
Mabigyan nang maayos at malinaw na kasagutan ang mga suliranin sa pag-aaral na ito nasiyang magiging makabuluhan sa kaalaman ng nakararami.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga estudyanteng nasa ika-10 baitang at ang epekto ng madalas na paggamit ng wikang Filipino sa pagsasalita. Sa pamamagitan nito, inaasahang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Gaano mo ba kadalas ginagamit ang wikang Filipino sa pagsasalita araw-araw?
2. Ano ang mga bagay na nag-impluwensiya sayo sa paggamit ng code-switching?
3. Ano ang mas madalas mong ginagamit ang wikang Filipino o ang mga wikang dayuhan?
4. Marami ka bang alam na malalim na salita sa wikang Filipino?
5. Ano nga ba ang mga bagay na maaaring maging negatibong epekto sa paggamit ng code-switching sa pakikipagkomunikasyon?
6. Ano nga ba ang mga bagay na maaring maging positibong epekto sa paggamit ng code-switching sa pakikipagkomunikasyon?
7. Bakit nga ba mahalaga ang pagsasalita ng wikang Filipino?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa Administrasyon. Upang mapagtanto nila na dapat ay bigyang halaga parin ang paggamit ng sariling wika dahil kung minsan ay pinagbabawalan tayong gumamit ng ating sariling wika at mas ineemplementa pa ang paggaamit ng nga dayuhang linggwahe tulad ng Ingles.
Sa mga Guro. Upang mabigyang pansin nila ang pagkahilig ng mga estudyante sa paggamit ng code-switching at bigyang diin ang pagturo ng kahalagahan ng pagsasalita ng wikang Filipino.
Sa mga mag-aaral. Upang mapagtanto ang kaakibat na epekto sa paggamit ng wikang at pagkahilig sa paggamit ng code-switching. Upang mas bigyang halaga ang pagtatangkilik sa sariling wika.
Sa mga susunod mananaliksik. Upang sila ay mabigyan ng ideya sa mga posibleng pag-aaral na may kaugnayan sa paksa na ito.
Saklaw at Limitasyon
Makikita ang pag-aaral sa lungsod ng Panabo particular sa Maryknoll College of Panabo.Isinasaalang-alang lamang dito ang opinyon ng mga estudyante ng mga nasa Ika-10 na baitang na estudyante sa Maryknoll College of Panabo, Inc. sa taong panuruan 2015-2016. Hanggang dito lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito at hindi na masyadong palalawakin pa.
Depinisyon ng mga Termino
Upang mas mapaiging maunawaan ang mga nilalaman ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:
Korean Trend- mga nauusong bagay-bagay o tradisyon sa Korea
Koreanovela- mga nobelang ginawa ng mga Koreano
PTL- Patakarang Tagalog Lamang
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga ideyang galing sa iba't ibang awtor at mga babasahin kung saan nauugnay sa ginawang pag-aaral.
Ang wikang Filipino ang ginagamit sa buong kapuluan sa pakikipagkomunikasyon sa iba't ibang etnikong grupo. Ang wikang Filipino ay dumadaan sa isang prosesong paglinang sa pamamagitan ng paghiram ng mga wika ng pilipinas at di katutubong wika sa ebolusyon ng barayti ng wika para sa mga iba't ibang sitwasyon, ang mga nagsasalita nito ay may iba't ibang saligang sosyal at para sa mga talakayang paksa at iskolariling pagpapahayag. Sa mga nagkaroon ng kaalaman sa mga barayti ng wika, magkakaroon ng mga pagbabago sa atityud o kaugalian ng mga Pilipino sa wikang pambansa. Ang kamalayan ng bawat isa sa atin na mayroon tayong malaki at mahalagang papel sa pagpapaunlad ng wikang filipino. Nagiging mas aktibo na ang partisipasyon ng lahat sa iba't ibang gawain at mas ikakalago ang isang barayti ng wika kaya mas gagamitin at tatangkilikin ang wikang Filipino ng iba't ibang Pilipinong nagsasalita nito. Isang bagong istratihiya ito upang magamit sa iba't ibang paksa at gawaing pag aralan at saliksikin ng mga mag aaral at guro sa ano mang antas ng pagaaral na hindi hadlang sa antas ng gradwado. Sa isang simpleng paglista ng mga salita o diskurso, isinasagawa pa ang mas malalim na pagtugon sa mga sumasalita at gumagamit sa pasulat na anyo ng wika ng mga tao sa iba't ibang grupo o pangkat. Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga ang mag aaral at guro ng malinaw na paraan tungkol sa konsepto ng barayti at barvasyon ng wika. Makikita ng mga magaaral at guro na ang bawat grupo, komunidad at rehiyon na gumagamit ng wika ay hindi naiiba o iba kundi kasapi at kabahagi ng wikang pambansa at kultura. Mawawala ang mababang antas na pagtingin sa mga wika ng mga taong hindi kasapi o karehiyon.
Matatanaw rin ang malaking kontribusyon ng iba't ibang uri ng wika sa bansa sa pagpapaunlad ng wikang filipino. Kinukunan ang mga rehiyonal na wika ng mga datos mula sa kanilang etnolinggwistiko, kornuniclad at sosyal na kinabibilangan. Ang mga kaalaman ng mga magaaral sa pagaaral nila nito ay dala dala nila sa kanilang pagpasok sa eskwela at kanila itong minumungkahi at bukambibig na ibinahagi sa kanilang interaksyon sa klase. Nabibigyan pansin at halaga ang mga sari-sariling wika at kultura bilang bahagi ng ating kasaysayan. Bilang pagtatapos, nais kong ipaalala sa lahat na huwag nating pagaksyahan ang yaman ng ating wika na laging meron sa pintuan ng ating silid-aralan. Huwag nating pabayaan na maimpluwensyahan tayo ng iba't ibang dayuhang wika tulad ng Ingles. Ang mga nagaaral at nagtuturo ng wika sa ating bansa ay magsikap at magkusang pagaralan ang ating sariling wika, dahil magagamit pa ito sa mga susunod na henerasyon na mamumuhay sa ating bansa. Makakatulong ang pagbuo ng isang panukala o patakaran na ang wika ay angkop sa lahat ng mga Pilipino ( Lydia Liwanag, 2005).
Tayo ay nasanay na mag-angkat ng mga aklat na nkasulat sa Ingles dahil kombinyente ito. Ngunit hindi natin alam na sa wika ng hanunuo Mangyan ng Mindoro na matatagpuan ang 1500 specie ng halaman, 450 species ng hayop at 30 uri ng lupa-higit sa kayang ibigay ng taksonomiya ng kanluran. Ngunit hindi natin ito napag-aaralan sa paaralan at nakakapanghinayang ang mga ganitong kaalamang hindi natin natututunan dahil lamang sa pagkabulag natin sa Ingles. Mas mainam na matutuhan natin ang mga ito kasabay Nagkamali tayo kapag iniisip natin ang tanging wika ng agham at teknolohiya. Nakakahiyang hindi talaga natin ginagamit ang Filipino na sa katunayay nakalagay pa ito sa ating konstitusyon. Nakakalungkot na inferior ang pananaw sa atin ng karamihan, kaya ingles ang pilit nating niyayakap. Ang wikang Ingles ay ang wika ng mundo kaya hindo masama na maging mahusay tayo dito ngunit hindi sana natin makalimutan na ang wikang Filipino ang wika ng ating lahi. Bigyang diin na gamitin an gating wika sa lahat ng aspeto ng lipunang Pilipino lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon at pamahalaan. Ito ay ayon kay Propesor Jayson Petras ng UP Diliman (Lou Mercado, 2013).
Ang mga Intsik at Hapon ay nagpapakita ng kanilang pagkakaisa at pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsasalita ng kanilang wika. At sila ang mas maunlad na mga bansa kahit na hindi sila marunong ng Ingles.Tinatanggap natin na dahil sa karunungan natin ng Ingles, libo-libong kababayan natin ang nakahahanapng trabaho sa labas ng bansa. Kaya lang, karamihan sa mga gawain ng mga Pilipino doon ay iyong paninilbihan sa mga dayuhan. Ang wika ay karugtong ng ating kultura at kung sino tayo.Ngunit ang tinatawag nating "Cultural Identity" ay hindi na masyadong napagtutuunan ng pansin dahil sa malawakang impluwensiya ng kanluraning kultura. Kung lahi naman ang pag-pag-uusapan, ang ating mukha ay walang kaibahan sa mga mamamayan sa Myanmar, Kampuchea, Malaysia, Indonesia at Brunei. Isang malinaw na dahilan na ang linggwahe lamang ang batayan ng pagiging isang bansa natin. Isa pa ang nakakatulong ang wika sa paglinang ng pagkakaisa at ang tinatawag na "sense of belongingness".
Ang Intsik at Hapon ay nagsasalita ng kanilang wika bilang pagpapahalaga sa sarili at pagkakaisa.Ngunit mas umuunlad parin sila kahit na hindi sila marunong mag-ingles. Libo-libong sa Pilipino ang nangingibang bansa.Ngunit karamihan sa kanila ay mga "Domestic helpers", "Caregivers", "Entertainers", at mga nars.kaya hindi matatawag na "competitive" ang mga Pinoy . Ang tunay na pagiging "competitive" ay kung tayo ay magiging negosyante, kapitalista, mangangalakal, teknisyan, may-ari ng paaralan at tindahan, at tagapagbenta ng ating mga produkto sa ibang bansa. Ika nga ni Jose Rizal "ang hindi marunong magmahal sasariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda!" Hindi maituturing na makabayan ang isang tao kung ikinahihiya niya ang sariling wika. Ito ay isang bagay na dapat mapagliming mabuti ng mgakababayan natin na walang pagpapahalaga sa sariling wika, pambansa man o rehiyunal. Nakakalungkot isipin na sa kasalukuyang panahon, marami sa ating mga Pilipino ang higit na humahanga sa mgakababayan nating napakahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa, kapag hindi marunong mag-Ingles ang isang Pilipino, itinuturing na hindi siya kasinggaling o kasingtalino ng iba na mahusay mag-Ingles (Kristina Vicente,2013).
Ang dating wikang Filipino ay nahahaluan na ng mga banyagang salita tulad ng Ingles. Ang wika ay isang matibay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Hindi maaaring magkaroon ng isang matatag at buong pamayanan kung walang wikang mag-uugnay sa bawatisa. Ang wika ang dahilan kung bakit may pagbubuklod at pagkakaisa. Ito rin ang pinakamahalagang salik sa pagganap at pagtupad bilang tao sa kanyang lipunang ginagalawan. Ang wikang Ingles ang pandaigdigang lingua Franca. Noong 1762, ipinakilala ng mgamananakop na Briton ang wikang Ingles sa mga Pilipino. Gayunpaman, ang wikang Ingles ay nabigyang saysay lamang ng mga Pilipino sa pagitan ng mga taong 1898 at 1946, mga taon kungkailan ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Mula noon, ang wikang Ingles ang naging opisyal na wika ng Pilipinas. Noong Hulyo 14, 1936, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog bilang basehan ng pambansang wika ng Pilipinas. Sa paglipas ng panahon, ang mga Pilipino ay nagsimulang gumamit ng wikang Filipino at Ingles sa pakikipagkomunikasyon ng halinhinan, at dahil doon ay sumibol ang code-switching. Sa bawat araw na lumilipas, lumalaki ang pangangailangan ng mga Pilipino na matuto ng wikang Ingles.
Patuloy na lumiliit ang mundo dahil sa dumadaling paglalakbay sa pagitan ng mga bansa at patuloy na dumadaming ibayong kalakal na pumapasok sa Pilipinas, dulot na rin ngmakabagong teknolohiya na patuloy ang mabilis na pag-unlad. Dahil dito, nararapat lamang nahasain ang pananalitang banyaga upang makasabay ang mga Pilipino sa malakas na ihip ng modernisasyon. Gayunpaman, sa konteksto ng lumiliit na mundo at ng lumalagong ibayongkalakal, higit na mahalaga pa ring pagyamanin ang kaalaman sa wikang Filipino. Tumitingkadang pangangailangang maging sanay ang bawat Pilipino sa sariling wika hindi lamang upangmakipag-ugnayan gamit ang wikang Filipino ngunit dahil ang wikang Filipino ang sisidlan ngmga pagpapahalaga, kasaysayan, at kulturang Pilipino mga bagay na kahit kailanman ay hindi mananakaw ninuman. Kung ang isang Pilipino ay makikisalamuha sa ibang lahi at kultura, angkanyang pagpapakilala sa sarili at sa bayan ay maiaayon sa mga ito.
Sa bagong sitwasyon ng wikang Filipino, ang mga nabibilang sa nakababatang henerasyon ay hindi lubusang sinasanay ang paggamit ng pang-akademikong Filipino at Ingles. Sa halip, ang mga Pilipino, sa pangkalahatan, ay marunong gumamit ng "street Filipino na siya nilang natututunan sa media at hindi sa pang-akademikong Filipino na natututunan sa paaralan. Hindi lubos na naiintindihan ng mga Pilipino ang pang-akademikong Filipino sapagkat karamihan sa mga guro ay hindi komportable sa paggamit ng wikang Filipino lamang bilangmidyum sa pagtuturo. Dahil na rin sa kakulangan ng mga aklat at babasahing Filipino, ang pag-aaral sa pang-akademikong Filipino ay nagiging kasinghirap ng pag-aaral sa pang-akademikong Ingles. Hindi maipagkakaila ng mga Pilipino na kahit saanman sila magpunta, hindi nilamaiiwasang gumamit ng code-switching at mahantad sa paggamit ng code-switching. Ang mga Pilipino ay mahilig sa pakikipagkapwa. Ang paggamit ng Filipino ay hindi sapat sa mga interpersonal na pakikisalamuha kaya t ihinalili ang paggamit ng "Taglish" na siyang taliwas sa itinuturong Filipino sa paaralan.
Gayunpaman, ang paglaganap ng "Taglish" ay iniiwasan ang wikang Filipino na mapalitan ng wikang Ingles bilang gamiting wika sa pakikipagkomunikasyon sapagkat ang pang-akademikong Filipino at Ingles pa din ang ginagamit sa pagsagot sa mga pagsusulit sa paaralan at paghahanap ng trabaho. Mula sa mga impormasyong nabanggit, masasabing laganap na nga ang code-switching o pagapalit-koda at ito ang nagtulak sa mga mananaliksik upang pag-aralan ang code-switching sapagkat karamihan sa mga Pilipino ngayon ay hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng code-switching kahit ito ay madalas nilang gamitin sa pakikipagkomunikasyon. Isa itong paksa nakailangang saliksikin at ipaalam sa mga Pilipino kung ano ang tungkulin nito sa kanilang mga buhay at sa mundong kanilang ginagalawan. Binanggit sa isang artikulo sa Manila Bulletin noong taong 2006 na ang paggamit ng Taglish, ang pinakagamiting uri ng code-switching sa Pilipinas, ay nangangahulugang maykakulangan sa kasanayan ang isang indibidwal sa paggamit ng Tagalog at Ingles sa isangkumpletong diskurso o hindi kaya ay parehong magaling ang isang indibidwal sa dalawang wikangunit gumagamit ng code-switching upang mahasa ang komunikatibong kahusayan (Jee Geronimo, 2015).
Pinili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog bilang basehan ng pambansang wika ng Pilipinas. 2. Sa paglipas ng panahon, ang mga Pilipino ay nagsimulang gumamit ng wikang Filipino at Ingles sa pakikipagkomunikasyon ng halinhinan, at dahil doon ay sumibol ang code-switching (Mark Angel Arceo, 2013).
Ang pananaw ni Doktora Amalia Cullalin-Rosales, maraming nagsakripisyo para maipatupad ang adhikain na palaganapin ang paggamit ng wikang filipino sa modernisasyong panahon. Nakahanap tayo ng kakampi para maisakatuparan lang ang isinisulong na paggamit ng ating sariling wika at iyon si pangulong joseph ejercito estrada na ang wikang Filipino ay dapat gamitin sa lahat ng institusyong na kinabibilangan ng mga Pilipino tulad ng mga paaralan, mga tanggapan ng pamahalaan, lehislaturang departamento (bumabalangkas ng batas) at ugnayang panlabas, ay naging kontroberysal dahil maraming kilalang tao ang tumutol na gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagsalita o pakikipagtalastasan. Ang pananaw Padre Pedro V. Salgado, OP: bakit kailangan pa nating magaral ng ibang wika kung may sarili naman tayong wikang ipagmamalaki sa buong mundo? Maraming taong nagsikap at nagsakripisyo upang mapaunlad lang ang ating sariling wika. Layunin ng wikang Filipino na magamit sa antas ng pakikipagtalastasan o sentro ng komunikasyon sa ating bansa at magamit sa antas ng pagaaral. Naniniwala ang mga dalubhasa o makata sa wika na ang paggamit ng pambansang wika ay tugon sa pagkakaisa at pagunlad ng ating bansa. Mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo dahil malaki ang maitulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang pagaaral na ginawa lumabas na ang pagtuturo gamit ang katutubong wika ay napabilis ang proseso ng edukasyon. Kung ibang wikang ang ating pagaralan o mga dayuhang linggwahe may tatlong proseso na palaisipan sa atin: perpesyon (kaalaman), pagsalin, at pagunawa (Jovie Halasan, 2010).
May mga iba't ibang katangian kung bakit gumagamit ng code-switching mula sa isang lingguwahe patungo sa magkakaibang lebel na lingguwahe ang mga nagaaral ng dayuhang lingguwahe, ito man ay sinadya o hindi. Gayunpaman, hindi rin nila namamalayan ang mga dahilan kung bakit sila nagcocode-switch. Dahil dito, layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung ang paggamit ng code-switching ay mayroon nga bang positibo at negatibong epekto sa kanilang pagsasalita ng dayuhang lingguwahe. Bagama't nangyayari rin ang code-switching sa pagsusulat, ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsasalita lamang. Ang code switching ay nakakaapekto sa mga mag-aaral hindi lamang nakadepende sa kakulangan ng talasalitaan kundi pati na rin sa uri ng sitwasyon, mga paksa na kanilang pinag-uusapan, ang iba't ibang uri ng aktibidad ng pagsasalita na kanilang ginagampanan, at ang presyon na kanilang nararamdaman kapag sila ay sinusuri. Sinasadya man o hindi ang code switching ay nakakabuti sa mag-aaral; ginagamit nila ang code-switching sa pinakamahusay na paraan at maiikling pangungusap kapag nagsasalita. Nung sila ay nahalo sa ibang silid nakita ko na mas nagkakaintindihan sila nung kapag sila ay gumagamit ng code switching. Gayunpaman ito ay nkakatulong lamang sa mag-aaral kapag hindi sila pinipinlit na magsalita nito, dahil kung oo, nagpapanutnay lamang ito na hindi ito nkakabuti para sa mga mag-aaral. Bukod dito, dapat ring isaisip na hindi lamang code switching maaaring ang tanging diskarte kapag sila aay nagsasalita sa bawat aktibidad na pinapagawa ng guro; hindi rin ito ang tanging paraan upang mapabuti ang mag-aaral sa pagsasanay ng banyagang wika.
Natagpuan rin na ang code switching ay kumakatawan sa isang kawalan para sa mga estudyante kapag ito ay napilitan sa pagsasalita at sa kanilang mga takot na wala nang masabi kapag nagpapahayag ng kanilang sarili at paggamit ng code switching bilang ang tanging mekanismo upang magpatuloy sa pagsasalita. Ang mga natuklasan ay magkaugnay rin sa pag-aaral ni Macias '2002 kay Susan Huertas. Na nagsiwalat tungkol sa mga estudyante na ginagamit code switching "upang magdagdag ng mga paliwanag, upang magbigay-diin, tukuyin at magbigay linaw". Ang kanyang mga natuklasan ay may kaugnayan sa ang mga resulta dahil natuklasan nila na ang code switching ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na na mas epektibong ilahad ang kanilang mga ideya, opinyon at mga saloobin kahit na inihalo nila ang dalawang wika. (Susan Huertas, 2005)
KABANATA III
BUOD, KONKLUSYON at REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng buod ng pag-aaral, konklusyon at rekomendasyon para sa mga solusyon ng mga problemang naitala sa pag-aaral na ito.
Buod
Ang mga sumusunod ay ang mga buod na naayon sa nalikop na resulta ng mga kaugnay na pag-aaral at literaura sa Kabanata II.
1. Ang mga mag aaral sa ikasampung baitang ng MCPI ay mayroong siyam na asignatura ngunit, dalawa lamang nito ang gumagamit ng wikang Filipino. Ibig sabihin sa isang araw dalawang beses lang sila nagsasalita ng wikang Filipino.kasaali na rin ang kadahilanang may EOP ang paaralan. Sa loob ng 100%, 22% lamang sa kanilang pang araw-araw na pagsasalita nila ginagamit ang wikang Filipino.
2. Ang panonood ng mga dayuhang pelikula at nobela sa telebisyon at internet, pagbabasa ng libro at ang mga linggwahe na naririnig sa paligid o ng kaibigan, guro at ang patakarang EOP ng paaralan ang mga bagay na nag-impluwensiya sa mga mag-aaral na gumamit ng code switching.
4. Kaunti lamang ang malalim na talasalitaan nila sa Filipino, sapagkat 2 beses lang sa isang buong araw sila magsalita ng Filipino. Dahil dito mas nasasanay silang gumamit ng ibang lingguwahe kaysa sa Filipino.
5. Ang paggamit ng code switching sa pagsasalita ay may negatibong epekto sa pakikipagkomunikasyon. Ito ay ang hindi masyadong naiintindihan ng kanilang kausap. Lalong-lalo na kapag nagsasalita ng mga Korean at Japanese.
6. Ang paggamit ng code switching sa pagsasalita ay may positibong epekto sa pakikipagkomunikasyon. Nakakatulong ang paggamit ng code switching dahil mas naipapaliwananag nila ang kanilang ideya at pananaw kapag gumagamit sila ng code switching. Isa rin itong paraan ng nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na na mas epektibong ilahad ang kanilang mga ideya, opinyon at mga saloobin kahit na inihalo nila ang dalawang wika.
7. Ang pagsasalita ng wikang Filipino ay mahalaga sapagkat dito tayo nakikilala bilang mga Pilipino. Ang pagsasalita nito ay isang paraan ng pagmamalaki at pagpapahalaga ng ating kultura at higit sa lahat ang ating sarili.
Konklusyon
Ayon sa buod ng pananaliksik ang mga sumusunod ay maaring maging rekomendasyon sa suliranin ng pag-aaral.
1. Unti-unti nang namamatay ang ating kultura hindi nila masyadong ginagamit ang wikang Filipino sa kadahilanang dalawa sa walong asignatura lamang ng baitang 10 ang gumugamit o nakasalin sa wikang Filipino a dahil sa EOP ng paaralan.
2. Ang simpleng panonood ng mga dayuhang palabas sa telebisyon, na mga pelikula at nobela ng mga o pagbabasa ng mga dayuhang libro ay nakakadagdag ng kaalaman sa wika ng iba. Ang mga naririnig din na salita na ginagamit ng ibang tao sa paligid ay nakakahawa at maaring magaya ng ibang tao at gamitin ito sa pang-araw-araw na pagsasalita.
3. Sa pagsasalita natin ng wikang dayuhan, hindi natin namamaalayan na unti-unti na pala nating pinapatay ang halaga ng ating wika, pagkakakilanlan at kultura.
4. Humihina at lumiliit ang ating kaalaman sa Wikang Filipino sapagkat mas nalilinang ang ating atensiyion sa wikang Ingles at sa tuwing tayo ay nagsasalita mga dayuhang lingguwahe.
5. Lubos na nakakaapekto ang paggamit ng code switching dahil maari itong magdulot ng hindi masyadong pagkakaintindihan sa kausap. Maari rin itong maging isang balakid o sagabal sa mabuting pakikipagkomunikasyon sa mga taong hindi nakakaintindi sa dayuhang wika na isinasalita.
6. Ang paggamit ng code switching ay mainam at nakakatulong sa pagpuno o pagbahagi ng ideya lalong lalo na kapag ang isang tao ay naubusan ng talasalitaan sa wikang Filipino.
7. Napakahalaga ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsasalita sapagkat sapagkat dito tayo nakikilala bilang mga Pilipino. Ang pagsasalita nito ay isang paraan ng pagmamalaki at pagpapahalaga ng ating kultura at higit sa lahat ang ating sarili.
Rekomendasyon
Matapos ang masusing pagkalap ng mga datos, nabuo ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:
1. Hikayatin ang mga mag-aaral na magsalita ng wikang Pambansa sa lahat ng oras sa paaralan maliban na lamang kapag Ingles at Matematika ang kanilang asignatura
Ipagwalang bisa ang EOP ng paaralan at palitan ito PTL (Patakarang Tagalog Lamang).
Ang pagsasalita ng wikang ingles ay ikonsidera ngunit mas bigyang diin ang pagsasalita ng wikang Filipino.
Mas bigyang diin ng paaralan ang pagtuturo ng gamit ang wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles.
Dapat ugaliin ang pagsasalita ng wikang Filipino dahil tungkulin ng bawat Pilipino na pagyamanin at paunlarin ang wikang Pambansa.