Adriel Joshua O. Ong
Enero 22, 2013
11229799
FILDLAR-ED
Ang pagkaunawa ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika ay hindi ito para sa mga intelektwal na tao, kung hindi para sa mga hindi edukado. Pero bakit naman ginagamit ang kaalaman sa wikang Ingles o Filipino para sukatin kung gaanong kaintelektwal ang isang mamamayan? Ang wika ay isang mahalagang instrumento na ginagamit natin para sa komunikasyon. Ito ay walang katulad sa mga ibang bansa at ito ay bahagi sa kultura ng ating bansa — kaya kaya kailangan nating ipagmalaki ito.
Ang pagkaunawa ng mga Pilipino ay kapag ang isang mamamayan ay edukado kapag siya ay magaling sa Ingles o sa mga iba’t ibang lengguwahe. lengguwahe. Hindi naman batay sa kaalaman ng isang wika ang panunukat kung gaanong kaintelektwalado ang isang tao. Malalaman ito sa paraan kung gaanong kataas ang an g IQ natin, o kung anong natutunan natin sa paaralan sa paraan ng kahit anong lenggwahe ito. Ang intelektwalisasyon ng wika ay kung paano makakamit ng isang lengguwahe na maituturo ang lahat ng iba’t ibang larangan ng edukasyon. edukasyon. Sa palagay ko, kaya ng wikang Filipino na matruan tayo sa kahit anong larangan ng edukasyon — galing galing sa pinakaunang araw natin sa eskwelahan eskw elahan hanganng na nasa kolehiyo na tayo. Kahit na maraming mga termino na wikang Ingles na makasalubong natin sa Agham at Teknolohiya at tsaka sa Matematiko, hindi ibig sabihin na hindi pwede itong itong maipaliwanag sa sa wikang Filipino. Filipino. Ang problema lamang dito ay ang katunayan k atunayan na higit lamang ang mga teksto na nasa wikang Filipino na mahusay sa pagtur o sa mga iba’t ibang paksa na kailangang natin para magiging edukado. Ito ay dahil sa pagangkop natin sa sistema ng edukasyon na katulad sa mga Amerikano.
Sa katotohanan, ang pagkaunawa natin sa wikang Filipino ay mababa ito. Bakit naman hindi natin ipagmamalaki ang ating sariling wika at sa halip ay ipagmamalaki naman natin ang ating kaalaman sa ibang mga wika? Wala ba tayong kapurihan sa ating bansang Pilipinas? Bakit naman natin gustong mag-Ingles kaysa gamitin natin ang ating sariling wika? At kapag ang sagot nito ay para mas madali maghanapbuhay, makipag-usap, o makakuha ng trabaho sa Pilipinas o sa iba’t ibang mga bansa kapag matuto tayo ng Ingles, hindi naman ito ang wastong pananaw. Kapag interesado at magaling tayong mga Pilipino, ang ibang tao naman sa iba’t ibang bansa ay
ang gustong maintindihan at matuto sa ating lengguwahe kaysa sa tayo ang matuto sa kanila. Ito ay makikita natin sa mga Tsino na magaling sa larangan ng negosyo. Dahil sa kanilang ekonomiya, ang mga tao naman sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagiging interasado sa kanilang wika upang makikipagnegosyo sa kanila. Kapag yung mga natutunan natin sa ating mga propesyon ay gagamitin natin dito sa ating bansa kaysa sa pagpapaunlad ng ibang bansa sa talino at tiyaga natin, at kapag mabibigyan tayo ng wastong sweldo sa gobyerno para sa pagpapaunlad ng ating bansa, pwede nating mas mabigyan ng dahilan kung bakit dapat ipagmamalaki natin ang sariling wika at yung pananaw na ang wikang Filipino ay hindi para sa edukado ay mapuksa. Ang isang dahilan na bakit ipinagmamalaki natin ang kaalaman natin sa ibat ibang wika ay para maipadama natin na mas edukado tayo kapag marunong tayong mag-Ingles. Isa lamang ang dahilan kung bakit dapat natin matutunan ang wikang Ingles — para sa komunikasyon — sa ibang bansa at hindi para maging mas edukado sa iba.
Sa katotohanan, ang wikang Filipino ay ang pangatlong wika ko lamang. Ang unang wika ko ay ang Ingles na natuto ko sa paaralan at yung ikalawa ay ang Bisaya, dahil isinilang at galing ako sa lungsod ng Cebu. Aaminin ko na mahirap para sa akin ang tagalog at para isulat ang papel na ito, humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Pero hindi ibig sabihin na wala akong pagnanais o gusto na matutunan ang Filipino o magsalita ng wikang Filipino. Sa totoo lang, ginagawa ko ang aking makakaya para matutong mag-Filipino at sa tingin ko naman ay mas napabuti ko ang kaalaman ko sa wikang ito noong unang dumating ako sa Manila at sa La Salle. Pero malungkot man sabihin at aminin, na ipinagmamalaki ko ang wikang Ingles, hindi naman dahil sa persepsyon na ito ay para sa edukado kung hindi dahil na halos ito ang sistema ng edukasyon sa karamihan ng mga pribadong paaralan sa Pilipinas.
Sa kurso kong inhenyero naman, importante ang wikang Filipino dahil sa komunikasyon. Kung wala tayong komunikasyon sa larangan ng pag-iinhenyero, hindi natin makakamit ang kailangan makamit sa trabaho. Importante sa inhenyero ang pagkaunawa, para gumawa sa ano mang kailangan para sa larangang ito, kailangan natin ang wastong pagkakaunawaan para ito ay magawa ng tama at maayos. Tayo ay humaharap sa mas mabibigat at malalaking responsibiidad at trabaho at madami ang naka taya rito na kapag hindi maayos ang ginagawa namin dahil sa walang ayos na pagkaintindi at sa hindi maayos na komunikasyon.
Tayo, bilang mga kabataan ay pwede pang hubugin at baguhin ang ating pagdama at pagunawa sa ating sariling wika. Kailiangan natin ipagmalaki ang ating wika kasi ito ang ating kultura at ang kultura natin ay ang nagibibigay ng pagkakakilanlan sa ating bansang Pilipinas. Walang kakaiba sa Ingles, Español, Filipino, o ano pang wika kundi ito lang ay isang paraan ng komunikasyon na kakaiba sa bawat bansa, at dapat nating ipagmamalaki ang ating bansa na yaman sa wika, kultura, agrikultura, talino, at ablidad. Tayo ay mamayan sa Pilipinas at dapat natin ipagunlad ang ating bayan gamit ang ating sariling wika. At dahil tayo ay bata pa, hindi natin masasabi na huli na tayo para sa bagong Pilipino.