Roxenette Gil B. Pangilinan BSN 1-1 Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang pagkakakilanlan. Maaring Maaring ito ay sa porma ng watawat, sa himig ng pambansang awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang Pilipinas ay may sarili ding wika. Ngunit saan nga ba nagsimula ang wikang Filipino? Kusa lamang ba i tong sumibol? Ito ba ay i sang wikang hiram? O ito ba ay pinagsamasamang mga salita mula sa iba‘t -ibang kultura? May siyam na pamilya ng wika sa buong daigdig at kinabibilangan ito ng humigit-kumulang 3,000 pangunahing wika. Isa sa siyam na ito ay kinabibilangan ng wika sa Pilipinas. Ang ating wika ay nasasaklawan ng pamilyang Austronesian o Malayo-Polynesian na kinabibilangan ng mga kawikaan sa Timog Silangang Asya gaya ng Indonesia at Malaysia. Sawaiori at Jahori, Mela-nesia, at Malay ay ang tatlong subpamilyang nasa ilalim ng pamilyang Malayo-Polynesian. Sa mga sub-pamilyang ito, ang ating wika ay napapaloob sa Malay bilang sangay na Tagala. Itinuturing pangunahing wikang katutubo ang Tagalog, Ilocano, Pangasinan, Kapam-pangan, Bicol, Waray o Samar-Leyte, Cebuano, Hiligaynon o Ilongo, Maranaw, Tausug, at Maguindanao, batay sa dami ng populasyon o porsyento ng mga tao na gumagamit, nagasalita, nagsusulat, at nakakaunawa rito. Halos lahat ng mga wikang ito ay may kanya-kanyang dayalekto, gaya ng Tagalog (Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Marinduque, Tagalog-Cavite, at iba pa. Gauyundin sa Cebuano, na kung saan ay may Cebuano-Cebu, Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao, at iba pa. Ang Hiligaynon naman ay mayroong Aklanon, Kiniray-a, Cuyunon, Palaweño, Ilongo, at i ba pa. Ang Bicol ay mayroong Naga, Legaspi, Bato, Buhi, Catanduanes, Sorsogon, Masbateño, at iba pa. Samantala ang Ilocano naman ay may Ilocos, Abra, Cagayan, Samtoy, Ibanag, Bulubundukin, at iba pa. Ang alif-ba-ta at abecedario
Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pili pinas tulad ng mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na ―alibata‖ o alif-ba-ta sa Arabo. Ang matandang alpabeto ng mga katutubo ay syllabic at binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-apat na katinig (consonants). Ang patinig ay mayroong a, e, at i, samantalang ang o at u naman ay may iisa lamang tunog na lubhang nakalilito. Bawat isa sa mga katinig ay binabasa na may kasama na patinig a, kapag ito ay walang marka sa itaas o sa ibaba na mas kilala sa tawag na ―kudlit,‖ o isang uri uri ng marka marka na ginagamit ginagamit sa mga matatandan matatandang g sistema ng pagsusulat. pagsusulat. Kapag ito naman naman ay may kudlit sa ibaba, ang patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u. Ngunit kung ang kudlit naman ay nasa itaas, ang patinig ay nagiging e o i. Nang sinakop ng mga Kastilang mananakop ang Pilipinas, pilit na binago ng mga ito ang kulturang pangkatutubo ng mga sinaunang Pilipino. Binura ng mga Espanyol ang mga paganong pag-uugali ng mga katutubo, kabilang na ang pag-iiba sa sistema ng pag-susulat, pagbasa at mga salita ng mga ito. Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol. Nang dumating naman ang mga Amerikano sa Pilipinas, ipinatupad ang patakarang alinsunod sa ilang patakarang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila. Ang mga ito ay ang pagyakap sa Kristyanismo at ang pagiging sibilisado ng mga pamayanan. Ipinalaganap Ipinalaganap ng mga Amerikano ang pam-publikong sistema ng edukasyon. Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang Hispanisasyon ng mga Kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon. Ang Surian ng Wikang Pambansa
Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña bilang pangalawang Pangulo, binig-yan pansin ang isyung ―nasyonalismo.‖ Naniniwala ang mga liderato ng bansa noon na dapat magkaroon ng isang pangkalahatang pambansang pambansang wika na siyang mahalaga sa pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng pambansang pagmamalaki pagmamalaki ng sambayanan. Ayon sa Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa ating bansa. Ang Unang Pambansang Asemblea noong ika-13 ng Nobyembre, 1937, ang siyang bumuo sa Institusyon ng Wikang Pambansa. Ang mga naging kasapi sa komiteng ito ay sina Jaime de Veyra (Hiligaynon), Santiago Fonacier (Ilocano), Casimiro Perfecto (Bicol), Felix Rodriguez (Samarnon), Felix Sotto (Cebuano), Cecilio Lopez (Tagalog), Hadji Butu (Maranao-Maguindanao), (Maranao-Maguinda nao), Isidro Abad (Cebuano), Zoilo Hilario (Pampango), Jose Zul ueta (Pangasinan), at Lope K. Santos (Tagalog). Nang binuo ang Commonwealth Constitution, ang wikang ―Tagalog‖ ang siyang naging pambansang wika ng Pilipinas, ayon na rin sa Executive Order Bilang 134. Ang mga naging batayan nito ay ang: pagiging lingua franca nito, o paggamit ng
Tagalog sa maraming sangay ng komersyo at kalakalan; ang dami ng katutubong nagsasalita nito, sa dahilang ang wikang ito ay ang pangunahing ginagamit sa lun gsod ng Maynila gayundin sa mga kalapit probinsya nito, at; ang karamihan ng panitikang Pilipino ay nakasulat sa Tagalog. Ngunit dahil sa ilang pagtuto l ng mga kinatawan ng iba‘t -ibang bahagi ng bansa matapos ang tatlong taon, ang naturang konstitusyon ay hindi klinasipika ang wikang Tagalog bilang opisyal na wikang pambansa, ngunit bilang isang pormal na dayalekto ng ating bansa lamang. Nang kinilala ang Philippine language based-Tagalog, isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa na siyang nagpakilala sa Abakada na may 20 letra, na kung saan ang letrang ―a‖ lamang ang idinadagdag sa dulo ng bawat
katinig para sa tunog nito. Nung panahong din ito, umusbong ang mga salitang ginamit sa Balarila at ito ay ang mga: balarila (grammar), pandiwa (verb), pangngalan (noun), pang-uri (adjective), pang-abay (adverb), pangatnig (conjunction), patinig (vowel), katinig (consonant), panaguri (predicate), simuno (subject), pang-ukol (preposition), paningit (inclitic). Samantala, nakasaad din sa Konstitusyon ng Komon-welt na ang wikang pambansa ay dapat na kumatawan sa lahat ng lalawigan ng bansa. Ibig sabihin, ito ay dapat na ginagamit sa halos lahat ng mga lalawigan. Hindi lamang iyan, ang naturang pambansang wika ay dapat may mga elemento ng iba‘t -ibang dayalekto na siyang ginagamit ng iba‘t -ibang lalawigan sa buong bansa. Ang Tagalog bilang Pilipino
Bago naisagawa ang pangalawang konstitusyon noong dekada ‗70, higit na sa kalahati ng mga mamamayan ng bansa ang gumagamit na ng wikang Tagalog, kumpara noong nakaraang apat- napu‘t taon na kung saan ay may halos dalawampu‘t limang porsyento lamang ng mga Pilipino ang nagsasalita ng Tagalog. Isa sa mga kadahilanan ng paglaki ng bilang na ito ay nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigidig, ipinag-utos ng mga mananakop na Hapones na Tagalog ang wikang gamitin sa mga paaralan at maging sa mass media. Dahil dito, ang mga ―nationalists academics‖ ay nagk aisang magtulong-tulong upang magbigay daan tungo sa pagtatatag ng isang opisyal na pambansang wika, na siyang tatawaging ―Pilipino‖— na kung saan ay tanggap ng karamihan bilang ang wikang ―Tagalog.‖
Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, and Pampalakasan noong ika-30 ng Hulyo, 1976, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang banyagang-hiram na titik. Ang naturang revised Filipino Alphabet na binubuo ng 31 na letra, ay kinabibilangan ng mga letrang banyaga tulad ng c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, at z. Ngunit dahil sa hindi naging malinaw ang paggamit sa mga letrang ito, ang naturang alpabeto ay dumaan uli sa panibagong pagsususog. Noong mga panahong din iyon, isinagawa ang iba‘t ibang paraan nan g pagpapayaman ng pambansang wika. Pinilit ng mga dalubhasa na gawin itong maka- katutubo, na kung saan ang mga ―salitang hiram‖ o mga salitang galing sa mga
banyagang wika ay unti-unting tinanggal at pinapalitan ng katutubong salitang katumbas nito. Isang h alimbawa ang salitang Espanyol na silya—na siyang pinalitan ng salitang ―salumpuwit.‖ Ngunit sa kadahilanang ang mga salitang madalas na nating ginagamit ay hiram na h alos sa mga banyagang salita tulad ng Ingles, Espanyol, Intsik, Hapon, at kung anu-ano pa, hindi na naging epektibo ang mga naturang hakbang ng mga nasyonalista sa larangan ng akademya. Ang makabagong Filipino
Nang dumating ang kapanahunan ng panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino, ang naturang isyu ay binigyang pansin sa pag-sasagawa ng Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay kinilala bilang Filipino at hindi na Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang ―Filipino‖ ay nag -bibigay halaga sa mga salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating pansariling wika. Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi lingid sa kaalaman ng bawat Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa makabagong alpabetong Pilipino. Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon —na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino. Ang ebolusyon ng Pam-bansang Wika ng Pilipinas ay naging bahagi rin ng kurikulum ng iba‘t ibang paaralan sa Pilipinas. Ang mga estudyante ng mga paaralan ay kinikilala ang salitang ―Filipino‖ bilang ang wikang pambansa, at ang ―Tagalog‖
bilang isang uri ng katutubong salita o dayalekto. Hindi lamang mga asigna-turang Filipino ang meron sa kurikulum ng mga paaralan sa Pilipinas, nariyan rin ang mga asignaturang Ingles at iba pang klase ng aralin n a siyang nagtuturo rin ng
iba‘t-ibang lenguwahe ng iba‘t ibang bansa. Sa ibang dako naman ng daigdig, tulad ng Amerika, ang mga Philippine
Schools ay mayroon ding mga klase sa Filipino na siya namang nagtuturo sa kanila ng sarili nating wikang pambansa. Imperyalismong Tagalog
Kahit na dumaan na sa maraming salin o pagbabago ang tawag sa wikang pambansa —mula sa Tagalog, na naging Pilipino (na base pa rin sa Tagalog ), na ngayon ay Filipino na —marami pa rin ang nasanay na sa pagtawag ng Tagalog bilang pambansang wika, mapabanyaga man o katutubong Pilipino. Ang kaisipang ito ay tinawag ni Prof. Leopoldo Yabes na ―Tagalog Imperialism.‖
Ang pangyayaring ito ay ikinasama rin ng loob ng ilan nating kababayan na di-Tagalog. Sa tingin nila, hindi nabibigyan ng pansin ang ilan pang malalawak na gamiting wika tulad ng Ilokano at Cebuano. Nagbigay daan din ito sa pagpapalit ng mga konsepto ng wikang pambansa. Sa ibang bansa, napansin ninyo ba na mas kilala ang salitang ―Tagalog‖ kaysa sa Filipino bilang pangunahing wikang
pambansa ng Pilipinas? Ang salitang Filipino para sa mga banyaga, ay isa lamang klase ng pang-uri. Ngunit ang ganitong pagkakakilanlan nila sa salitang Filipino ay hindi nagbibigay ng malaking pagkakaiba sa salitang Pilipino at Tagalog —gaya ng pagkakakilanlan ng mga Amerikano at maging ng mga Canadian. Pilipino o Filipino?
Ngayon, malinaw na ba sa isipan n g lahat ang pinagkaiba ng salitang Filipino sa Pilipino? Para sa mga naguguluhan pa, ang wikang Filipino ay tinaguriang ―Tagalog -plus‖ na kung saan ito ay binubuo ng iba‘t -ibang banyagang salita maliban sa Tagalog. Ito rin ang nagbibigay lawak sa ideya ng makabagong diksyunaryong Filipino, na kung saan ang salitang Ingles na Dictionary at Espanyol na Diccionario ay maaari na ring gamitin sa wikang Filipino bilang ―diksyunaryo.‖ Ngunit para sa mga malamim managalog o mas kilala sa tawag na ―purist,‖ ang salitang dictionary ay ang ―talatinigan.‖ Ilan pa sa mga
halimbawa nito ay ang kompyuter, kwalipikasyon, okasyon, indibidwal, sipilis, at iba pa na galing sa mga salitang Ingles tulad ng computer, qualification, occasion, individual, at syphilis. Ngunit para sa mga eksperto, mas maiging tawaging ―Filipino‖ at hindi ―Tagalog‖ ang sarili nating wika. Ito ay upang
magbigay galang o konside-rasyon sa mga kababayan nating hindi ginagamit ang wikang Tagalog bilang kanilang pangunahing salita. Ang hinaharap ng wikang Filipino
Sa kasalukuyan, masasabi pa ring dapat ituloy ang paglinang sa wikang Filipino at nararapat lamang na ito ay lubusan pa ring pagyamanin. Isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ay ang pagiging intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng masin-sinang pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan para maisakatuparan ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman at mga konsepto na pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka‘t maram ing termino sa agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o ―counter -part‖ sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon. Ito ang dilemma ng pagiging intelektwalisado ng wikang Filipino: Kailangang palitan ng Filipino ang wikang Ingles bilang pinakagamiting wika sa ating bansa; ngunit para mangyari ito, kailangan munang maging intelektwalisado ang wikang Filipino. (Revisyon ng DECS Kautusang Pangkagawaran Blg. 81. s. 1987) I. Ang Alfabetong Filipino Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ganito ang ayos: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Sa 28-letrang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y), at 8 letra ang dagdag dito (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) na galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ang ngalan ng mga letra. Ang tawag sa mga letra ng alfabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles maliban sa Ñ (enye) na tawag-Kastila. A /ey/
G/ji/
L /el/
B /bi/
H
M /em/
/enji/
T /ti/
N /en/
O /o/
U /yu/
u/
Ñ
P /pi/
V /vi/
X /eks/
C /si/
/eych/
D /di/
I /ay/
E /i/
J /jey/
F /ef/
K /key/
/enye/
NG
S /es/
W /doboly
Q /kyu/
Y /way/
R /ar/
Z /zi/
II. Mga Tuntuning Panlahat sa Ispeling o Pagbaybay A. Ang Pasalitang Pagbaybay Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pangagham, atb. Pasulat - Pabigkas Salita
boto /bi-o-ti-o/ plano /pi-el-ey-en-o/
vinta /vi-ay-en-ti-ey/ jihad /jey-ay-eich-ey-di/
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/ Pantig
it /ay-ti/ kon /key-o-en/
pa /pi-ey/
trans /ti-ar-ey-en-es/
tsart /ti-es-ey-ar-ti/
Akronim
MERALCO (Manila Electric Company)
/pi-ey-en-di-ey-way-el-ay-
/em-i-ar-ey-el-si-o/ LEDCO (Language Education Council) /el-i-di-si-o/
pi-ay/ ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao)
PANDAYLIPI (Pandayan ng Literaturang Pilipino)
/ey-ar-em-em/ ASEAN (Association of Southeast Nations)
/ey-es-i-ey-en/
Gng. (Ginang) /kapital ji-ay-en-eyen-ji/
Daglat
Bb. (Binibini) /kapital Bi-bi/ G. (Ginoo) /kapital ji/
Kgg. (Kagalang-galang) /kapital key ji-ji/ Dr. (Doktor) /kapital di-ar/
Inisyal ng Tao
MLQ (Manuel Luis Quezon) /em-el-kyu/ CPR (Carlos P. Romulo) /si-pi-ar/ JVP (Jose Villa Panganiban) /jey-vi-pi/ LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/ AGA (Alejandro G. Abadilla) /ey-ji-ey/ Inisyal ng Samahan/ Institusyon
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino /key-dobolyu-ef/ PSLF (Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino) /pi-es-el-ef/ KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster Pilipinas) /key-bi-pi/ PLM (Pamantasan ng Lungsod Ng Maynila) /pi-el-em/ MSU (Mindanao State University) /em-es-yu/ NGO (Non-Governmental Organization) /en-ji-o/ Simbolong Pang-agham Pang-Matematica
Fe (iron) /ef-i/ H2O (water) /eich-tu-o/ NaCl (sodium) /en-ey-si-el/ lb. (pound) /el-bi/ kg. (kilogram) /key-ji/ v (velocity) /vi/ Ang Pasulat na Pagbaybay Manatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino. Gayon pa man, may tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng walong (8) dagdag na letra Ang panghihiram Isang realidad ang pangangailangan ng wikang Filipino na manghiram sa Ingles, Kastila at i ba pa pang wika para matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong kultural na aytem at mga bagong konsepto na dala ng modernisasyon at teknolohiya. Idagdag pa na ang karaniwang Pilipino ay nagpapalit-wika at malayang nanghihiram ng mga salita anumang varayti ng wika ang ginagamit, pasalita man o pasulat.
Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang le ksikal na elaborasyon ng Filipino. Nililimitahan ni to ang panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong dagdag na letra (C, F, Ñ, J, Q, V, X at Z) doon lamang sa mga sumusunod: · Pantanging ngalan · Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas · Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na kapag binaybay ayon sa alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito · Salitang pang-agham at teknikal · Simbolong pang-agham Kung kaya‘t napapanahon lamang ang pagrevisa sa mga tuntunin sa ispeling. May mahalagang kraytirya para matamo ang
isang efisyenteng sistema ng ispeling: 1.
kasimplihan at ekonomiya na kaugnay ng isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra, at
2.
fleksibilidad, ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng mga wika.
Batay rito, pinaluluwag ng nirevisang tuntunin sa ispeling ang paggamit ng walong (8) dagdag na letra sa lahat ng hiram na salita. Mga Tuntunin sa Panghihiram Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita: Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga. Halimbawa: Hiram na salita/Filipino
attitude – saloobin rule – tuntunin ability – kakayahan wholesale – pakyawan west - kanluran Kumuha ng mga salita mula sa iba‘t ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa: Hiram na salita/Katutubong Wika
hegemony - gahum (Cebuano) imagery - haraya (Tagalog) husband - bana (Hiligaynon) Muslim priest - imam (Tausug)
Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino. Halimbawa: Kastila/Filipino
cheque – tseke litro – litro
economics – ekonomiks
liquido – likido
radical – radikal
educación – edukasyon
Iba pang wika/Filipino
quilates – kilatis
coup d‘etat (French) – kudeta
Ingles/Filipino
chinelas (Kastila) – tsinelas
centripetal – sentripetal
kimono (Japanese) – kimono
commercial – komersyal
glasnost (Russian) – glasnost
advertising – advertayzing
blitzkrieg (German) – blitskrig
Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayong pa man, sa pagpili ng salitang gagamitin isaalang-alang din ang mga sumusunod: (1) kaangkupan ng salita, (2) katiyakan sa kahulugan ng salita, at (3) prestihiyo ng salita. 1.
Gamitin ang mga letrang C, F, Ñ, J, Q, V, X, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon: Pantanging ngalan
Valenzuela City
Doña Monserat
Tao
Gusali
Pangyayari
Quirino
Ceñeza Bldg.
First Quarter Storm
John
State Condominium
El Niño
Lugar
Sasakyan
Canada
Qantas Airlines
Salitang teknikal o siyentifiko Halimbawa: cortex
Marxism
vertigo
enzyme
x-ray
infrared
quartz
zoom
filament
joules
Salitang may natatanging kahulugang kultural Halimbawa: cañao (Ifugao)
pagdiriwang
→
señora (Kastila)
ale
→
hadji (Maranao)
lalaking Muslim na
→
nakapunta sa Mecca
masjid (Maguindanao)
pook dalanginan,
at init, yari sa palmera o dahon ng saging
→
ifun (Ibanag)
moske vakul (Ivatan)
panakip sa ulo bilang
pinakamaliit na banak
→
azan (Tausog)
→
pananggalang sa ulan
unang panawagan sa
→
pagdarasal ng mga Muslim
Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog. Halimbawa:
champagne
bouquet
plateau
rendezvous
monsieur
laissez-faire Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit. Halimbawa: taxi exit fax Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram Halimbawa:
Halimbawa:
fixer
cornice
fikser
→
subject
→
vertical
→
zipper
sabjek
cell
vertikal
reflex
ziper
→
requiem
Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang
xenophobia
hiniram nang buo.
cataluña
Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8) Letra
Letrang C Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo. calculus
carbohydrates
chlorophyll
de facto
cellphone
corsage
Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C. c
→
s
participant
partisipant
→
central
→
census
→
circular c
→
sentral
magnetic
sensus
card
sirkular
cake
→
k
magnetik
→
kard
→
keyk
→
empirical
empirikal
→
Letrang Q Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo. quo vadis quotation quad quartz quantum opaque Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q. q
→
kw
quarter
kwarter
→
sequester
sekwester
→
equipment q
→
ekwipment
→
k
quorum
korum quota
→
kota querida
→
kerida
→
Letrang Ñ Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo. La Tondeña Santo Niño El Niño Malacañang La Niña coño Palitan ang Letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hi ram na salitang may letrang Ñ. ñ
→
piña
ny pinya
→
cariñosa cañon
karinyosa
→
kanyon
→
paño
panyo
→
bañera
banyera
→
Letrang X Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo. axiom wax
xylem
export
praxis
exodus Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X. x
→
ks
experimental taxonomy texto exam
exsperimental
→
taksonomi
→
teksto
→
eksam
→
Letrang F Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita. Tofu (Nihonggo) ‗tokwa‘
Futbol French fries Fasiliteytor Lifeguard Fraterniti Fuddul (Ibanag) ‗maliit na burol‘
Foto Fokus Letrang J Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita. jam juice majahid (Arabic) ‗tagapagtanggol ng Muslim‘ jantu (Tausog) ‗puso‘
sabjek jaket jornal objek
bajet Letrang V Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita. vertebrate varayti verbatim volyum video valyu Letrang Z Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita. zebra magazin zinc bazaar zoo bazuka Iba Pang Tuntunin
Mga Diptonggo Ang mga salitang may diptonggo o magkasunod na patinig ay baybayin ayon sa mga sumusunod: Magkasunod Ilang na Patinig/Halimbawa
ia - ya
ortografia – ortografya, ortografiya dialecto – dyalekto, diyalekto iya
cristiano – kristyano, kristiyano sentencia – sentensya, sentensiya
ie - ye
tiempo – tyempo, tiyempo iye
enmienda – enmyenda, enmiyenda pie - pye, piye
io - yo
divorcio – diborsyo, diborsiyo iyo
exportacion – eksportasyon, eksportasiyon
ua - wa
guapo – gwapo, guwapo uwa
aguador – agwador, aguwador cuarto – kwarto, kuwarto santuario – santwaryo, santuwaryo estatua – estatwa, estatuwa
ue - uwe
cuento – kwento, kuwento suerte – swerte, suwerte absuelto – abswelto, absuwelto
ui - wi
buitre – bwitre, buwitre uwi
perjuicio – perwisyo, peruwisyo Mga Digrapo Ang digrapo ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isa o dalawang tunog. Gamitin ito sa mga sumusunod: Digrapong Ch Panatilihin ang digrapong CH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo. Halimbawa: chopsuey chips Chavez charter Palitan ang digrapong ito ng CH kung ang tunog ay /ts/ sa hiniram na salita. Halimbawa: chalk – tsok cochero – kutsero checklist – tseklist
chocolate – tsokolate channel - tsanel Digrapong SH Panatilihin ang digrapong SH kapag ang salita ay hini ram sa orihinal na anyo. Halimbawa: Sharon Shampoo Sheik shangri-la shamrock Palitan ang digrapong SH ng SY kung ang tunog ay /sy/ sa hiniram na salita. Halimbawa: workshop – worksyap shooting – syuting censorship – sensorsyip scholarship – iskolarsyip Ang NG Panatilihin ang NG para sa tunog na /ng/ sa dahilang mahalagang ambag ito ng palatunugang Filipino. Ang tunog na ito ay maaaring nasa inisyal, midyal at final na posisyon. Ngayon
Panginoon
Ngipin
Payong
Pangalan
tanong
Ang Pantig at Palapantigan Ang Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Halimbawa: a-ko
sam-bot
i-i-wan
mang-ya-ya-ri
it-log
ma-a-a-ri
Kayarian ng Pantig
Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga lokal na wika at panghihiram. Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
Kayarian – Halimbawa P: u-pa
PKK: eks-perto
KP: ma-li
KKPK: plan-tsa
PK: is-da
KKPKK: trans-portasyon
KPK: han-da
KKPKKK: shorts
KKP: pri-to Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal, midyal at final na salita, ito ay hiwalay na mga patinig. Salita - Mga Pantig
aalis: a-a-lis maaga: ma-a-ga totoo: to-to-o Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa l oob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod. Halimbawa: Salita - Mga Pantig
buksan: buk-san pinto: pin-to tuktok: tuk-tok pantig: pan-tig sobre: sob-re kopya: kop-ya kapre: kap-re tokwa: tok-wa Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod. Halimbawa: Salita - Mga Pantig
eksperimento: eks-pe-ri-men-to transkripsyon: trans-krip-syon
Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig. Halimbawa: Salita - Mga Pantig
asambleya: a-sam-ble-ya alambre: a-lam-bre balandra: ba-lan-dra simple: sim-ple sentro: sen-tro kontra: kon-tra Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig ng sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod. Halimbawa: Salita - Mga Pantig
Ekstradisyon: eks-tra-di-syon Eksklusibo: eks-klu-si-bo Ang Pag-uulit ng Pantig Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit. Halimbawa: a-lis: a-a-lis i-wan: i-i-wan am-bon: a-am-bon eks-tra: e-eks-tra Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita. Halimbawa: mag-alis: mag-a-a-lis maiwan: ma-i-i-wan umambon: u-ma-am-bon mag-akyat: mag-a-ak-yat umekstra: u-me-eks-tra Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa: ba-sa: ba-ba-sa, mag-ba-ba-sa la-kad: la-la-kad, ni-la-la-kad tak-bo: ta-tak-bo, nag-ta-tak-bo lun-dag: lu-lun-dag, mag-lu-lun-dag nars: mag-na-nars Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin. Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad. Inuulit lamang ang unang katinig at patinig. Halimbawa: plan-tsa – pa-plan-tsa-hin – mag-pa-plan-tsa pri-to - pi-pri-tu-hin – mag-pi-pri-to ku-wen-to – ku-ku-wen-tu-han – mag-ku-ku-wen-to Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang patinig. Halimbawa: plan-tsa - pa-plan-tsa-hin – mag-pa-plan-tsa pri-to – pi-pri-tu-hin – mag-pi-pri-to kwen-to – ku-ku-wen-tu-han – mag-ku-ku-wen-to Ang Gamit ng Gitling Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: 1. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: araw-araw
sari-sarili
isa-isa
kabi-kabila
apat-apat
masayang-masaya
dala-dalawa Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan Halimbawa: mag-alis
pang-ako
nag-isa
mang-uto
nag-ulat
pag-alis
may-ari
pag-asa
tag-init Kapag may katagang kinaltas sa pagitan n g dalawang salitang pinagsama. Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito. Halimbawa: dalagambukid (isda) buntunghininga Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling Halimbawa: maka-Diyos
mag-pal
maka-Rizal
maka-Johnson
maka-Pilipino
mag-Sprite
pa-Baguio
mag-Corona
taga-Luzon
mag-Ford
taga-Antique
mag-Japan
Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan Halimbawa: mag-Johnson magjo-Johnson mag-Corona magco-Corona mag-Ford magfo-Ford mag-Japan magja-Japan mag-Zonrox magzo-Zonrox Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Halimbawa: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. Halimbawa: isang-kapat (1/4) lima‘t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6) Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. Halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo Conchita Ramos-Cruz Perlita Orosa-Banzon Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya. Halimbawa: Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit ng Filipino.