Kasaysayan ng Wikang Filipino Ang Pilipinas ay binubuo ng 7, 107 pulong tinitirhan ng may mahigit nang 80 milyong mamamayang gumagamit ng may 86 na iba’t ibang dialekto. Kabilang sa mga pangunahing dialekto ay ang: Tagalog
Bicol
Cebuano
Waray
Ilocano
Pampango
Hiligaynon
Pangasinan
Maranaw
Naging malaking hadlang sa pagkakaroon ng wikang katutubo noon ang pagkakahiwahiwalay nila ng lugar. May kasulatan noong 1681 na nagsasabing ang wikang Tagalog ay wikang ginagamit at nauunawaan hindi lamang ng mga katutubo sa Luzon kundi maging sa iba pang isla. PANAHON NG KASTILA Sa hangaring mabilis na mapalaganap ang Kristyanismo sa kapuluan, ipinag-utos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila ang mga Pilipino subalit ang mga prayle ang naging hadlang sa pagsasakatuparan ng gayong kautusan. Minabuti nilang hindi matutunan ng mga Pilipino ang wikang Kastila kung kaya’t ang mga prayle ang siyang nag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas upang makausap at maturuan ng relihiyong Kristyano. Upang mapadali ang pagaaral ng wikain, isinulat ng mga naunang napadestinong prayle ang mga aklat-panggramatikang maaaring maging gabay sa pag-aaral ng sinumang mapupuntang pari sa lugar na iniwan. Sa gayon, naiambag ito sa panitikan ng Pilipinas: (1) Romanisasyon ng Alibata at (2) pagkakasulat ng aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas. PANAHON NG PROPAGANDA at HIMAGSIKAN Matapos ang matagal-tagal ding pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, namulat ang damdaming makabayan ng mga Pilipinong natutong maghimagsik sa pang-aabuso ng mga mananakop. Maraming nasulat na panitkan sa wikaing Tagalog – tula, sanaysay, kwento, atbp mga akdang hitik sa damdaming makabayan. Napatatag ang Katipunan at naisulat ang Kartilya ng Katipunan sa Tagalog.
PANAHON NG AMERIKANO Nagpadala si Pangulong Mc Kinley ng isang lupon upang mapag-aralan ang mga pangungunahing pangangailangan ng mga Pilipino.
Ang lupon ay pinamunuan ni Komisyong
Schurman at ayon sa kanilang ulat, lumitaw na ang pangunahing pangangailangan ng bansa ay ang “walang gugol at pambayang paaralan.” Sinabi rin nila na ang pagpipilit na wikang Ingles ang gawing wikang panturo sa mga Pilipino ay kawalan ng katarungan.
Ngunit lumitaw na
mahirap gawing wikang panturo ang katutubo dahil sa walang isang wikang katutubo lamang na magagamit at mauunawaan ng buong kapuluan. Noong 1924, si N.M. saleeby, sa kanyang artikulong “The Language of Education in the Philippine Islands,” ay nagwika na kailangan ng Pilipinas ang isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga vernakular. Sang-ayon dito si Blake at sinabi pa niyang ang Tagalog ay siyang karapat-dapat na maging saligan ng wikang pambansa. PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Manuel L. Quezon nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang pambansa.
Sinikap niyang mapasama sa Saligang Batas ng Komonwelt ang Artikulo XIV,
Pangkat 3 nag nagsasaad na “ . . . . ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.” Itinalaga ng Kongreso ang pagkakaroon ng lupong siyang mag-aaral kung aling wikang katutubo ang ang pagbabatayan ng wikang pambansa at ang lupon ay kinilalang Surian ng Wikang Pambansa ayon sa bisa ng Batas Komonwelt 184. nagmula sa iba’t iabng panig ng bansa. rekomendasyon ng lupon
Ang mga miyembro ng lupon ay
Matapos ang matamang pag-aaral, lumabas sa
na ang Tagalog and dapat maging batayan ng wikang pambansa
sapagkat ito ang nakatugon sa tatlong panukatan:
(1) sinasalita at nauunawaan ng
nakararaming Pilipino, (2) may mayamang panitikang nasususlat at (3) wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, komersyo at edukasyon. PANAHON NG HAPON Sumiklab ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Nasakop ng mga Hapon ang Pilipinas at pansamantalang naipasara nila ang mga paaralan at nang magbukas muli ay ipinagamit na wikang panturo ay wikang katutubo.
Inalis ng mananakop ang wikang Ingles sa kurikulum
upang malimit ng mga Pilipino ang nasabing wika at sapilitang ipinaturo ang wikang pambansa at ang Niponggo.
Nagkaroon ng malaking pag-unlad ang wikang pambansa
at ang Panitikang
Pilipino sapagkat ang mga manunulat na Pilipino
na dati’y sumusulat sa wikang Ingles ay
napalitang sumulat sa wikang pambansa. PANAHON NG REPUBLIKA Hulyo 4, 1946 nakamit ng mga Pilipino ang
minimithing kasarinlan at noon din
pinagtibay ang Batas Komonwelt 570 na nagtatadhanang ang wikang pambansa ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas. Ang pambansang patakaran noon ay ang pagtuturo ng wikang pambansa sa paaralan, Ingles ang nananatiling wikang panturo at iminumungkahing ihandog na aralin sa mataas na paaralan ang Kastila. Samantala, ang Superintendente ng Iloilo ay gumawa ng isang pag-aaral na tinawag na The Iloilo Experiment kung saan napatunayang higit na mabilis matuto ang mga batang sinimulang turuan sa unang dalawang baitang sa wikain ng pook (Hiligaynon) kaysa sa mga batang tinuruan sa pamamagitan ng wikang Ingles. Noong 1958, sa Binagong Palatuntunang Edukasyonal ng Pilipinas na naglalayong magkaroon ang bansa ng isang “integrated nationalistic and democracy-inspired educational system”, ipinatupad ang ganitong programa: Ang paggamit ng katutubong wikain ng pook bilang wikang panturo sa unang dalawang baitang ng elementarya, ituro ang wikang Pilipino at ang wikang Ingles simula sa unang baitang; at simula sa ikatlong baitang ay wikang Ingles ang gawing wikang panturo. Noong 1959, nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinagubilin na kailanman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag. ANG PILIPINO SA BAGONG LIPUNAN Mga suhestyon: 1. Gawing wikang pambansa ang Ingles. 2. Pagsama-samahin ang mga salita mula sa iba’t ibang wikain upang makabuo ng tatawaging wikang pambansa. Noong 1974, isang kautusang pangkagawaran ang pianlabas ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagbibigay-sigla sa pagpapalaganap ng wikang pambansa. Ito ay ang Kautusang Pangkagawaran 25 s.1974 na nagtadhana ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Layunin nito ang paglinang ng isang bansang bilinggwal na may sapat na kakayahan sa paggamit ng Ingles at Filipino. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang Kautusan Pangkagawaran 22 s. 1987 na nagsasaad ng paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.
Kasaysayan ng Wikang Filipino Ang Pilipinas ay binubuo ng 7, 107 pulong tinitirhan
ng
may
mahigit
nang
70
milyong
mamamayang gumagamit ng may 86 na iba’t ibang dialekto. Kabilang sa mga pangunahing dialekto ay ang: Tagalog Cebuano
Bicol Waray
Ilocano
Pampango
Hiligaynon
Pangasinan
Maranaw May kasulatan noong 1681 na nagsasabing ang wikang Tagalog ay wikang ginagamit at nauunawaan hindi lamang ng mga katutubo sa Luzon kundi maging sa iba pang isla.
PANAHON NG KASTILA Sa hangaring mabilis na mapalaganap ang Kristyanismo sa kapuluan, ipinag-utos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila ang mga Pilipino subalit ang mga prayle ang naging hadlang sa pagsasakatuparan ng gayong kautusan.
Minabuti
nilang hindi matutunan ng mga Pilipino ang wikang Kastila kung kaya’t ang mga prayle ang siyang nagaral
ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas upang
makausap at maturuan ng relihiyong Kristyano.
PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN Maraming
nasulat
na
panitkan
sa
wikaing
Tagalog – tula, sanaysay, kwento, atbp mga akdang hitik sa damdaming makabayan.
Napatatag ang
Katipunan at naisulat ang Kartilya ng Katipunan sa Tagalog.
PANAHON NG AMERIKANO Nagpadala si Pangulong Mc Kinley ng isang lupon upang mapag-aralan ang mga pangungunahing pangangailangan ng mga Pilipino.
Ang lupon ay
pinamunuan ni Komisyong Schurman at ayon sa kanilang
ulat,
lumitaw
na
ang
pangunahing
pangangailangan ng bansa ay ang “walang gugol ay pambayang paaralan.” Noong 1924, si N.M. Saleeby, sa kanyang artikulong “The Language of Education in the Philippine Islands,” ay nagwika na kailangan ng Pilipinas ang isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga vernakular. Sang-ayon dito si Blake at sinabi pa niyang ang Tagalog ay siyang karapatdapat na maging saligan ng wikang pambansa.
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN
Saligang Batas ng Komonwelt ang Artikulo XIV, Pangkat 3 ang nagsasaad na “ . . . . ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.” Itinalaga ng Kongreso ang pagkakaroon ng lupong siyang mag-aaral kung aling wikang katutubo ang ang pagbabatayan ng wikang pambansa at ang lupon ay kinilalang Surian ng Wikang Pambansa ayon sa bisa ng Batas Komonwelt 184. Tagalog and dapat maging batayan ng wikang pambansa sapagkat ito ang nakatugon sa tatlong panukatan:
(1)
sinasalita
at
nauunawaan
ng
nakararaming Pilipino, (2) may mayamang panitikang nasususlat at (3) wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, komersyo at edukasyon.
PANAHON NG HAPON
Sumiklab
ang
Pangalawang
Digmaang
Pandaigdig. Nasakop ng mga Hapon ang Pilipinas at pansamantalang naipasara nila ang mga paaralan at nang magbukas muli ay ipinagamit na wikang panturo ay wikang katutubo.
Inalis ng mananakop
ang wikang Ingles sa kurikulum upang malimit ng mga Pilipino ang nasabing wika at sapilitang ipinaturo ang
wikang
Nagkaroon
ng
pambansa malaking
at
ang
pag-unlad
Niponggo. ang
wikang
pambansa at at ang panitikang Pilipino sapagkat ang mga manunulat na Pilipino ay na dati’y sumuslat sa wikang Ingles ay napailitang sumulat sa wikang pambansa. PANAHON NG REPUBLIKA Hulyo
4,
1946
nakamit
ng
mga
Pilipino
ang
minimithing kasarinlan at noon din pinagtibay ang Batas Komonwelt 570 na nagtatadhanang ang wikang pambansa ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
-The Iloilo Experiment Noong
1958,
sa
Binagong
Palatuntunang
Edukasyonal ng Pilipinas na naglalayong magkaroon ang bansa ng isang “integrated nationalistic and democracy-inspired educational system”, ipinatupad ang
ganitong
programa:
Ang
paggamit
ng
katutubong wikain ng pook bilang wikang panturo sa unang dalawang baitang ng elementarya, ituro ang wikang Pilipino at ang wikang Ingles simula sa unang baitang; at simula sa ikatlong baitang ay wikang Ingles ang gawing wikang panturo. Noong 1959, nilagdaan ni
Kalihim Jose E.
Romero at itinagubilin na kailanman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.
ANG PILIPINO SA BAGONG LIPUNAN Mga suhestyon: 1. Gawing wikang pambansa ang Ingles. 2. Pagsama-samahin ang mga salita mula sa iba’t ibang wikain upang makabuo ng tatawaging wikang pambansa. Noong 1974, isang kautusang pangkagawaran ang pianlabas ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagbibigay-sigla sa pagpapalaganap ng wikang
pambansa.
Ito
ay
ang
Kautusang
Pangkagawaran 25 s.1974 na nagtadhana ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.
Layunin nito
ang paglinang ng isang bansang bilinggwal na may sapat na kakayahan sa paggamit ng Ingles at Filipino. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang Kautusan Pangkagawaran 22 s. 1987 na nagsasaad
ng paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.