WIKANG FILIPINO: TANGLAW NG BAYAN TUNGO SA TUWID NA DAAN
Ang Ang kaha kahang ngaa-ha hang nga a sa wika wika ay ang ang kaka kakaya yaha han n nito nitong ng pagpa agpant ntay ayin in ang ang lah lahat, at, lalo lalo na sa mga taon taong g nakatatalos ng silbi at tunay na layunin nito.
-
Michael Kitz
May pahiwatig ng pagbubunyi ang palakpakan ng mga residente ng Payatas sa Lungso Lungsod d Quezo Quezon n mata matapos pos ang ikalaw ikalawan ang g Talum Talumpa pati ti sa Kala Kalagay gayan an ng Baya Bayan n ni Pang Pangulo ulong ng Benign Benigno o S. Aquin Aquino o III kamak kamakail ailan an.. Ayon Ayon sa isang isang ulat ulat sa teleb telebisy isyon, on, mababak mababakas as sa mga nag-ump nag-umpukan ukang g tao sa isang isang bakante bakanteng ng espasyo espasyo ang kanilang kanilang masidhing interes sa pag-uulat ng Pangulo hinggil sa sitwasyon ng bansa mahigit isang taon matapos siyang mailuklok sa kapangyarihan. Iba-iba man ang reaksyon ng mga residente sa talumpati ng Presidente, nagkakaisa ang lahat sa pag-aninag ng pagasan asang g mulin muling g makak makakab abang angon on ang ang bans bansa a mula mula sa kawa kawawa wang ng kalag kalagay ayan an nito nito sa kasalukuyan. Ngunit hindi lamang ang laging paggamit ng Pangulo ng metaporika ng “daang matuwid” sa kabuuan ng kanyang SONA ang nagdulot ng kasiyahan sa mga tagaPayatas. Hindi rin naman ito maiuugnay maiuugnay lamang sa sinasabing sinasabing “ Aquino “ Aquino magic ” na dulot ng mga magulang ng Presidente – sina dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating pangulong Corazon Aquino. Higit sa ano pa mang dahilan ay ang madaling pagkakaunawa ng mga ordinaryong mamamayan sa talumpati dulot ng paggamit ni Pangulong Aquino ng ating pambansang wika. Walang ibang mas epektibong manguna sa paglalakbay natin sa tuwid na landas kundi ang Pangulo mismo, na laging ginagamit ang Filipino sa pakikipag-ugnayan sa
taumbayan – mula sa talumpati sa kanyang inagurasyon hanggang sa pagsagot niya sa mga tanong ng mga mamamahayag. Ang palagiang paggamit sa wikang Filipino ng mga opisyal ng pamahalaan ay isa nang malaking hakbang sa ating matagal nang pinapangarap: ang mapasailalim sa tapat at responsableng pamamahala. Sa kasalukuyang panahon kung saan pilit pa ring kumakawala ang ating bayan mula sa mga anino ng katiwalian sa lipunan at pamahalaan, nagsisilbing liwanag at lakas ang wikang Filipino sa ating paglakad tungo sa daang matuwid. Nagpapatunay lamang ito na ang ating wika ay isang epektibong kasangkapan upang mapagtanto ng bawat indibidwal ang kanyang tungkuling iwasan ang mga kamalian at tulungan ang bayan – bata man o matanda, nasa kanayunan man o nasa kalunsuran, nasa kapangyarihan man o ordinaryong Pilipino lamang.
Ang wika at ang bayan Batay sa mga tala ng ating kasaysayan, maituturing na magkaugnay ang laban ng mga Pilipino para sa mabuting pamamahala at ang laban para sa pambansang identidad sa pamamagitan ng wika. At kung tutuusin, nagkaroon ng dalawang mukha ang ating lingguwahe sa mga mahahalagang pangyayari sa ating bansa: ang pagiging repleksyon nito ng baluktot na sistemang umiiral sa lipunan, at ang pagiging sandata nito upang supilin ang kawalan ng katarungan sa panig ng mga mamamayan. Sa panahon ng kolonisasyon, ang mga wikang Kastila at Ingles ay naging salamin ng pang-aapi ng mga mananakop sa ating mga kababayan noon. Mula sa sapilitang paggawa at pagbabayad ng sobra-sobrang buwis, hanggang sa paggamit sa relihiyon at edukasyon upang sakupin ang bansa, sinamantala ng mga wikang
banyagang hindi maintindihan ang pagkakataon upang sirain ang dangal ng lahing kayumanggi. Ngunit sa bandang huli, sapagkat wala pang wikang pambansa, ang mga vernakular na lingguwahe ang gumising at nagpaalab sa damdaming makabayan upang labanan ng mga Pilipino ang mga nasa kapangyarihan – sa pamumuno nina Sultan Kudarat sa Mindanao, Simeon Ola sa Bicol, Francisco Dagohoy sa Bohol, ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang sa Ilocos, at Andres Bonifacio sa Katagalugan. Pormal na nasimulang mailantad ang konsepto ng wikang pambansa sa ating kasaysayan nang magkaroon ng probisyon sa ilalim ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1896 ukol sa gagamiting opisyal na wika ng bansa. Mas pinasidhi pa sa panahon ni dating pangulong Manuel L. Quezon ang pagnanasang magkaroon ng katiyakan ang ating pagkabansa nang simulan niya ang pagkilos upang tayo ay magkaroon ng isang pambansang lingguwahe. At gamit ng mga makabayang kasapi ng lehislatura noon ang wika upang sa bandang huli ay tuluyan na nating makamit ang kasarinlan mula sa malasariling pamahalaan sa patnubay ng mga Amerikano. Wika pa rin ang siyang naging kasangkapan sa pagpapanatili at pagpapayabong ng ating kultura sa panahon ng pananakop ng mga Hapon. Habang karahasan, kawalan ng katarungan at pang-aabuso (partikular sa mga “ comfort women”) ang naging mukha ng wikang Nihonggo, pag-asa naman ang dala-dalang mensahe ng ating mga lokal na lingguwahe na ginagamit sa pagpapalabas ng mga bodabil, o kapag may ginaganap na sarsuwela o mahahabang pagtatanghal sa mga natatanging lugar sa Kamaynilaan. Noon ay nakapailalim ang Pilipinas sa isang papet na pamahalaan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nang sa wakas ay nakamit natin ang kalayaan mula sa kamay ng Estados Unidos noong 1946, nagsisimula pa lamang ang pagbangon ng bansa mula sa kahirapang dulot ng digmaan. Ayon sa mga umiiral na batas noon, hindi pa rin malinaw ang tunguhin ng pamantayan ng ating pamahalaan ukol sa pagkakaroon ng isang pambansang wika. Malaya pa ring nagagamit ang Ingles at Kastila sa araw-araw na pakikipagtalastasan, samantalang Ingles ang gamit na wika sa mga tanggapan ng gobyerno. Kaugnay naman nito ang wala ring kasiguraduhang paglalakbay ng bansa patungo sana sa kaunlaran. At sa halip na masugpo, kundi man tuluyang mawala, nagsimula ang pag-usbong ng iba’t-ibang kaso ng korupsyon sa pamahalaan. Matindi na ang antas nito sa panahon ni dating pangulong Elpidio Quirino, at maging ang polisiyang Pilipino Muna ni dating pangulong Carlos P. Garcia ay wala ring nagawa upang ito ay masawata. Pagdating sa pamunuan ni Ferdinand Marcos bilang presidente, itinuon ng mga opisyal ng pamahalaan ang pansin sa mga programang dapat ay makakapag-aangat sa antas ng buhay ng mga mamamayan. Sa patnubay ng bisyong “Bagong Lipunan,” naipasa ng mga mambabatas ang Konstitusyon ng 1973, na siyang nag-atas sa gobyerno na gumawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng wikang pambansa na tatawaging Filipino. Mismong si G. Marcos ay gumamit ng wikang sarili upang ipahayag ang mga nais makamit ng kanyang administrasyon; sa katunayan, malaki ang ipinuhunan noon ng pamahalaan lalo na sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino. Ngunit tila nagamit noon ang wika sa maling paraan upang supilin ang kalayaan sa pamamahayag at mga karapatang pantao. Dumami ang kanyang mga “ crony,” at lalo pang tumindi ang kahirapan sa bansa dahil sa korupsyon. Subalit sa bandang huli,
taumbayan pa rin ang nanaig nang mag-aklas ito sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon sa EDSA. Gamit ang wika, naipahayag ang islogan na “Tama na! Sobra na! Palitan na!” bilang tanda ng pagkadismaya ng mga mamamayan sa bulok na sistemang umiiral sa lipunan at sa kagustuhang masimulan na ang mga hakbang tungo sa pagbabago. Matapos ang diktaturya, malinaw nang nakasaad sa Saligang-Batas ng 1987 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” (Seksyon 6, Artikulo XIV). Sa kabila nito, nanaig pa rin ang pasimpleng pagkilos ng katiwalian sa loob ng gobyerno, animo’y isang kanser na unti-unting pumapatay sa sistemang moral at pangkaisipan ng mga nagtatrabaho sa burokrasya. Nabunyag ang kabi-kabilang maanomalyang kontrata na kinasangkutan ng pamahalaan – mula sa edukasyon hanggang sa mga lansangan at pagawaing bayan – lalo na’t wikang Ingles ang opisyal na gamit sa mga transaksyon at prosesong umiinog dito. Idagdag na sa mga ito ang pagkakasangkot ng ilang opisyal sa paggamit ng salaping nakamal mula sa ilegal na larong ‘jueteng,’ lalo na si dating pangulong Joseph Ejercito Estrada. Bukod pa ang ilang kaso ng korupsyon na kinasangkutan ng mga nasa gobyerno sa ilalim ng kanyang pamunuan. Ngunit sa bandang huli, ang wikang Filipino pa rin ang nanaig sa gitna ng mga katiwalian. Sa pamamagitan ng mga tula at kanta na isinulat sa ating lingguwahe, naipahayag ng mga galit na mamamayan ang pagnanais na makamit ang malinis na gobyerno kontra sa sistemang kinakatawanan ng “carabao English” ng dating presidente (bagamat nagsasalita rin naman si G. Estrada sa wikang Filipino lalo na kapag napag-uusapan ang mga karaniwang mamamayan).
Nagbunsod ito sa pagkakaluklok sa puwesto ni Gloria Macapagal-Arroyo na noo’y pangalawang pangulo. Bilang isang taong bihasa sa pagsasalita sa Filipino at marami pang wika (ilan sa mga ito ay Ilocano, Cebuano, Pangasinense at Kapampangan) bukod sa kanyang talino at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan, marami ang nag-akalang mabibigyan ni Gng. Arroyo ng kaukulang pansin ang pagsugpo sa mga matagal nang suliranin ng lipunan. Inaasahang mas maipapahayag niya nang maayos sa taumbayan ang dapat na tahaking daan ng Pilipino.
Bagong simula? Nang lumaon, bigo ang taumbayan sa administrasyong Arroyo. Sa pagtutok nito sa mga programang pangkaunlaran na diumano’y magpapataas ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino, lalong lumala ang kahirapan sa bansa. Dumami rin ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao – pinakamabilis na antas ng pagtaas sa loob ng mahabang panahon. At ang baluktot na pamamalakad sa pamahalaan ay lalo pang lumala, mula sa dayaan sa halalan hanggang sa mga kontrata sa mga dayuhang mamumuhunan na puno ng butas. Marahil ang pinakamabigat na pagkukulang ni Gng. Arroyo sa sambayanan ay ang kanyang kawalan ng pitagan sa ating wikang pambansa. Sa kabila ng nakatadhana sa ating konstitusyon, nilagdaan niya ang Atas Tagapagpaganap Blg. 210 noong 2003, na nag-utos na pag-ibayuhin ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo. Hindi pa sapat ito, kapansin-pansin ang paghilig ng dating presidente sa pandaigdigang lingua franca nang ilabas ang paksa para sa Buwan ng Wikang Pambansa noong taon ding
iyon: “Wikang Filipino, Pagyamanin; Wikang Vernakular, Huwag Limutin; Wikang Ingles, Pagbutihin.” Palibhasa ay nakatuon ang mga programa ng kanyang administrasyon sa paghikayat sa mga dayuhang mangangalakal na mamuhunan sa Pilipinas, tunay nga namang mabibigyan ng higit na pansin ang Ingles bilang midyum ng pakikipagtalastasan sa mga banyaga. Kaya tuloy ang ugnayan sa mga Pilipino ay naisantabi, at naisakripisyo ang dapat sana’y pag-unlad ng ating wika kasabay ng pagresolba sa mga problema ng ating bansa. Marahil ay hindi napagisip-isip ng mga nasa pamahalaan noon ang mga sinabi ng isang katutubong Amerikano-Indiyan tungkol sa ugnayan ng buhay at wika: “Kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili upang mabuhay nang habampanahon.” Ang dapat sana’y wikang Filipino, na kapag ginamit bilang midyum ng komunikasyon sa pagtugon sa mga matatagal nang problema ng bayan, ay na-itsapuwera sa layuning makamit ang panandaliang “kaunlaran.” At higit pa rito ang naidulot na negatibong problema ng pagpapayabong ng wikang Ingles sa ating pagka-mamamayan. Ang wikang Filipino – na siyang makapagbubuklod sana sa mahigit 7,000 libong pulo sa ating bansa – ay hindi nangingibabaw sa lipunan. Sa halip, naipalaganap ang paggamit ng Ingles kasabay ang paglaganap ng elitistang diskurso ukol sa wikang gamit. Kapag hindi ka nag-i-Ingles, sasabihing hindi mataas ang iyong pinag-aralan. Ang mga tunay na edukado at matalino ay nagsasalita sa wikang Ingles.
Kapag hindi ka nag-i-Ingles, sasabihing mahirap ka o naninirahan sa probinsya. Ang mga mayayamang nagmamay-ari ng malalaking negosyo at ang mga nasa lungsod ay nagsasalita sa wikang Ingles. Kapag hindi ka nag-i-Ingles, sasabihing wala ka uso. Ang mga taong nakakaalam ng mga ginagawa ng mas nakararami, at sa gayon ay uso, ay nagsasalita sa wikang Ingles. Ang mga maling kaisipan na ito ukol sa lingguwaheng sinasalita ang nagbunsod sa nananatiling pagkakahati-hati ng mga Pilipino. Ang mahihirap ay napag-iiwanan ng mga nakikirawasa, ang mga nanggaling sa payapang lalawigan o mga “promdi” ay kinukutya pagdating sa magulong siyudad, at ang mga “jologs” at “ social climber” ay hindi pinapansin ng mga sinasabing nasa uso. Panahon na upang itigil ito. Ngayon ang tamang panahon upang bigyang-pansin ang pagtahak sa daan tungo sa tunay na pagbabago.
Ang silbi ng wikang Filipino Pitumpu’t-limang taon na nang magsimula ang mga hakbangin ukol sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa, at matagal na rin ang panahong hindi naisasara ang pinto sa kultura ng katiwalian sa pamahalaan at lipunan. Bagamat taos sa puso ang kagustuhan ng kasalukuyang pamunuan na burahin ang sistemang baluktot ngayon, hindi pa rin ito magiging epektibo kung ang mensahe ng pagbabago ay ipahahayag sa lingguwaheng hindi lubusang kilala ng isip at puso ng mga mamamayan.
Tunay ngang makahulugan ang mga naisulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo: “Habang napag-iingatan ng isang bayan ang kanyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kanyang paglaya .... Ang wika ang pag-iisip ng bayan.” Ang wikang Filipino ang siyang magiging susi sa tuluyang paglaya natin sa nangingibabaw na “kultura ng wangwang.” Sa wikang sarili, walang distinksyon sa kalagayan sa buhay o antas ng kaalaman, at naisasantabi ang pagkakaiba sa kasarian at edad. Lahat ng mga Pilipino ay kabilang sa sambayanang dapat paglingkuran nang tapat, at gayundin naman ay dapat tumulong sa kapwa. Sa wikang sarili, walang hindi makakaintindi. Dahil ito ay wikang panlahat, ang bawat isa ay matututong makinig sa pamahalaan ukol sa mga programang laan nito para supilin ang katiwalian sa bayan. Sa kabilang banda, makikinig rin ang pamahalaan sa mga tao sa mga suhestiyong irerekomenda nila upang mapigil ang masasamang gawi ng iilang Pilipino. Sa wikang sarili, walang Ilokano, Kapampangan, Tagalog, Cebuano o Maguindanao. Walang grupong etnolinggwistiko ang hindi apektado ng problema sa korupsyon, at walang sinuman ang dapat na maging bahagi nito. Lahat ay makakabilang sa solusyon, anuman ang nakagisnang wikang rehiyonal. Maituturing na biyayang galing sa Dakilang Lumikha ang pagkakaroon natin ng isang pambansang wika, bukod pa sa napakaraming pagpapalang ating natanggap bilang “Perlas ng Silangan.” Ang wika ang dahilan ng pagkakabuklod ng maraming pangkat at ng ating iisang pagkakakilanlan bilang bayan. Kaya dapat lamang na gamitin
natin ang wikang Filipino para sa pagpapalaganap ng kabutihan at pagpigil sa kabuktutan.
Hakbang tungo sa katuwiran Kahanga-hanga ang madalas na paggamit ni Pangulong Aquino ngayon sa wikang Filipino. Patunay na ito na kung talagang nanaisin, magagamit na epektibong daan ang lingguwahe upang magkaintindihan ang lahat ng mga kasangkot sa pagresolba sa mga kaso ng kamalian at katiwalian. Ngunit hindi nagtatapos sa simpleng paggamit ng ating sariling wika ang pagpupunyagi na makamit ang mithing kaayusan sa bayan at pamahalaan. Dito sumesentro ang kahalagahan ng ating mga batas, na siyang magtatakda sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng mga Pilipino sa anumang larangan. Ang mga batas ay isa ring paraan ng pagpapalapit ng taumbayan sa mga opisyal nito upang maging mag epektibo bilang magkatuwang sa pagharap sa mga suliranin. Sa ating Mataas na Kapulungan, kapuri-puri ang naihapag na Senate Bill No. 2639 noong Enero ni Senador Manuel “Lito” Lapid. Laman ng nasabing panukalangbatas na bigyan ng dagdag na kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan upang siguraduhing ang mga karatula at “ billboard ” ng mga nakatayong kainan, pamilihan at iba pang establisimyento ay nakasulat sa Filipino, o kung nakasulat man sa wikang dayuhan ay dapat na may salin sa Filipino. Sa kanyang paliwanag ukol sa panukala, tama ang ibinahaging punto ng senador na katungkulan ng Estado ang ipalaganap at panatilihing nag-aalab ang diwa ng nasyonalismo sa mga Pilipino, na unti-unting pinapatay ng mga karatulang nakasulat
sa wikang banyaga. Dahil sa pagbukas ng bansa sa mga dayuhang kompanya, ang ating pagkakakilanlan bilang bansa ay mistulang nawawala na. Sa gitna ng kasalukuyang panahon ng globalisasyon na bumubura sa mga hangganan ng mga bansa at maaaring maging dahilan ng lalong paglaganap ng mga maling gawain, nararapat lamang na bigyang-diin ang pangangalaga sa ating sariling wika na napagyaman sa loob ng maraming dantaon. Sa katunayan, nauna na ang bayan ng Carmona, Cavite sa pagsasa-Filipino ng mga karatula, lamang ay sa larangan ng kaayusan sa trapiko. Ang kanilang lokal na pamahalaan ay naglalagay ng mga karatulang nagsasaad ng mga patalastas o paunawa ukol sa mga isinasara o ma-trapik na kalsadang nasasakupan nila. Kaya naman habang pinapatag ang mga lubak sa kahabaan ng Governor’s Drive, hindi naging mabigat ang daloy ng trapiko rito dahil sa pagtugon ng mga tsuper ng pampasaherong sasakyan. Bagamat nasa Katimugang Tagalog ang Carmona, marami na ring tao mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang napiling manirahan dito, kung kaya’t ang paggamit sa wikang Filipino sa mga karatula ay malaking tulong sa pagkaunawa nila sa sistema ng trapiko. Harinawa’y ang hakbanging ito ay pamarisan ng mga ibang bayan o lalawigan na nilalayong ayusin ang araw-araw na daloy ng trapiko. Bilang bahagi naman ng layunin nitong ilapit ang pamahalaan sa ordinaryong Pilipino, inaprubahan sa Senado ang isang resolusyong nagsasalin sa mga tuntuning ginagamit nito sa araw-araw nitong sesyon. Bagamat sinabi ng noo’y senador na si Juan Miguel Zubiri na magsisilbi lamang itong “ reference material ,” isa itong magandang simula upang mas maintindihan ng mga mamamayan ang palitan ng
kaisipan sa pagitan ng mga senador ukol sa pagsasabatas ng mga panukalang makakatulong sa bayan, lalo na sa aspeto ng mabuting pamamahala at pagpigil sa pandarambong o pagnanakaw sa kaban ng bayan. Tunay ding mahalaga ang papel na gagampanan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagpapalaganap ng ating wikang pambansa bilang daan sa tuwid na pamamahala. Ambisyoso mang maituturing bilang isang proyekto, sinimulan na ng komisyon ang mga hakbang sa pagsasalin ng ating mga batas. Tunay nga namang makatutulong ito upang maunawaan ng kahit sinong Pilipino, nakatapos man o hindi ng pag-aaral, ang mga naipasang batas. Makakatulong ito upang magawa niya ang tama at maiwaksi ang mali. Ang proyekto ay masasabi na ring pagtupad ng komisyon sa tungkulin nitong pag-ibayuhin ang pagpapaunlad ng wikang Filipino, na pinatibay ng Seksyon 31, Artikulo VIII ng Batas Republika Blg. 10066 o ang “ National Cultural Heritage Act of 2009.”
Ang mga magagawa natin At hindi rin naman natatapos sa pamahalaan ang responsibilidad ng paggamit ng ating wikang pambansa bilang ilawan sa tinatahak na daan. Tayo mismong mga mamamayan, sampu ng lahat ng mga sektor ng lipunan, ay may magagawa upang matupad ang ating hinahangad. Mismong ang ating Konstitusyon ang nagtakda sa wikang Filipino bilang pangunahing midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Tungkulin ng mga guro na palagiang ituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkatuto at pag-ibig sa sariling lingguwahe. Sa ganitong paraan ay magkakaroon tayo ng mga lider at mamamayan sa
hinaharap na nagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa ating bansa at sa kabutihan nito. Magkakaroon tayo ng mga kabataang mas mulat sa mga nangyayari sa lipunan, at sa gayon ay matututong umiwas sa maling gawi ng mga iilang lingkod-bayan, mangangalakal at maging kapwa nila bata. Sa aspeto ng kalakalan, hindi maiiwasan ang mga suliranin sa loob ng mga kompanya. May mga empleyadong nagnanakaw o naninira ng kapwa nila empleyado, may mga hindi malinaw na probisyon sa sistema ng pasweldo sa mga kawani, at may mga pagkakataong nalulugi ang kompanya sa kita nito. Kung gagamitin ang wikang Filipino kahit sa mga simpleng sulat-pabatid ukol sa mga problemang kinakaharap sa negosyo, mas madaling mabibigyan ng solusyon ang mga ito. Sa ganitong paraan, mapaparusahan ang mga gumagawa ng mali at agad mabibigyan ng linaw ang mga detalye ukol sa mga hakbanging gagawin ng mga namumuno sa kompanya. Matagal na rin at paulit-ulit nang napatunayan ng midya ang kapangyarihan nito bilang bantay ng sambayanan. Sa pamamagitan ng mga nailathala sa radyo at Internet o naipahayag sa pamamagitan ng radyo at telebisyon, nailantad ang mga kabuktutang ginagawa ng mga nasa poder ng kapangyarihan at maging ng mga nasa pribadong sektor. Kahit ang mga pilit na nagtatago sa kanilang mga atraso sa taumbayan ay nagtataka kung saan-saang dako nakuha ng mga peryodista ang mga impormasyon ukol sa mga anomalyang itinatanggi nila. Malaki ang potensyal ng mga “ investigative report ” na makapagmulat ng mas nakararami kung ito ay nakasulat sa wikang alam ng mga Pilipino, hindi lamang sa pandinig kundi sa puso at kaluluwa. Dapat namang samantalahin ng mga nasa radyo at telebisyon ang mga bagong teknolohiya, kabilang ang “ online media,” upang gumawa
ng mas maraming programang nakabase sa wikang sarili na magpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino ukol sa pamahalaan at katiwalian. Maging ang mga aktor ay direktor sa pinilakang tabing ay dapat hikayating gumawa ng mga pelikulang sumasalamin sa adhikain ng sambayanan para sa katotohanan at tuwid na sistema, gamit pa rin ang wikang Filipino.
Sa ating paglalakbay bilang isang bayan, lagi tayong nahaharap sa mga sangang-daan kung saan ay papipiliin tayo ng ating gagawin. Ngunit kadalasan ay naliligaw tayo ng landas, lalo na ang mga karatulang makikita natin sa daraanan ay nakasulat sa wikang hindi natin kilala. Nagiging dahilan ito ng paglala ng mga suliraning lalong nagpapahirap sa atin bilang mga mamamayan. Ngunit ang wikang Filipino, sagisag ng ating pagkakaugnay bilang isang bansa, ay nariyan upang ating gamitin bilang ilawan at sisidlan ng lakas sa paghanap sa mabuting daan. Ang tuwid na landas ay posibleng masumpungan kung mananatiling nakasindi ang liwanag ng katuwiran sa ilawan dulot ng ating masidhing pagnanais na paunlarin ang wikang sarili. Sa huli, gaya ng nabanggit sa SONA noong nakaraang taon, maaari na tayong “muling mangarap” ng isang bayang tunay na nagkakaisa para sa katuwiran, malaya sa katiwalian at laging nakaharap sa kaunlaran.
Mga Sanggunian
1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Batas Republika Blg. 10066 (2010, Marso 26). National cultural heritage act of 2009. Senate Bill No. 2639 (2011, Enero 18). An act amending Section 447 (a)(3)(iv) of the Local Government Code of the Philippines, requiring all signs, signboards or billboards written in a foreign language other than English to bear corresponding Filipino or English translation. Angara: Ang wikang Filipino ay unibersal. (2010, Agosto 18). Press release. Senate of the Philippines. Kinuha noong Agosto 1, 2011, mula sa http://www.senate.gov.ph/press_release/2010/0818_angara2.asp. Arao, D.A. (2009, Hulyo 10-16). Wikang Filipino bilang puhunan? Rising Sun. Kinuha noong Hulyo 27, 2011, mula sa http://risingsun.dannyarao.com/2009/07/11/wikang-filipino-bilang-puhunan. Avendaño, C.O. (2009, Pebrero 5). Lito Lapid: No more lost in translation. Inquirer.net. Kinuha noong Hulyo 28, 2011, mula sa http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20090205-187510/Lito-Lapid-No-more-lost-in-translation. Kitz, M. (2010). Overcoming the language of racial slums. Writing.com. Kinuha noong Agosto 4, 2011, mula sa http://www.writing.com/main/view_item/item_id/1730563-Overcoming-the-language-of-Racial-Slums. Nolasco, R.M.D. (2007, Mayo 23). Maraming wika, matatag na bansa. Keynote na talumpati sa 2007 Nakem Conference na ginanap sa Mariano Marcos State University, Ilocos Norte. Kinuha noong Hulyo 30, 2011, mula sa http://wika.pbworks.com/w/page/8021683/Maraming%20Wika,%20Matatag%20na%20Bansa%20%20Chairman%20Nolasco. Teodoro, J.I.E. (2010, Hulyo 27). Si PNoy at ang pambansang wikang Filipino. GMANews.tv. Kinuha noong Agosto 3, 2011, mula sa http://www.gmanews.tv/story/197120/si-pnoy-at-ang-pambansang-wikangfilipino.