Ang Wikang Filipino sa Pambansang Pagpapaunlad ni Ponciano B. P. Pineda
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura ng lipunang li punang pinag-ugatan ng wikang iyon. Ang isang kultura'y maipapahayag ang katapat sa wikang kakambal ng naturang kultura. Subuking ilipat ang isang wika sa lupaing dayo. Ihasik at palaganapin ang wikang iyon at makikitang kasamang sisibol at yayabong sa naturang wika ang kulturang kakambal. Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan at kagamitan ng isang wika. Ito'y tagapagdala ng mga ideya. Iniimpluwensiyahan nito ang ugali ng tao ang kaniyang isip at damdamin. Ang wika'y instrumento sa paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Samakatuwid, upang magamit sa sukdulan ang wika, dapat itong hawakan nang buong husay, angkining ganap. Ang mahina m ahina at di ganap ding bunga ng naturang paggamit nito. Tunay na napakahalaga ng wika sa karunungang pantao, at ang karunungan ay napakahalaga sa tao. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiba ng tao sa iba pang mga kinapal ng Diyos. May wika siyang kasangkapan sa kaniyang lipunang pinamamayanan ng katuwiran at ganting pakinabang. Sagisag ang wika, durungawan ng kultura ng lipunan ang wika. Ito ang dahilan kung bakit ang sariling wikang panlahat ay pinili ng mga makabagong lipunan na tagapagpahayag ng kanilang pambansang pagkakakilanlan at buklod pa rin ang pagkakaisang panlahi. Ang sariling wikang panlahat ay buklod ng pambansang pagkakaisa at pahayag ng pagkakakilanlan. Tayo ay nasa panahon pa ng pagpapaunlad at pagpapalaganap ng ating wikang pambansa —FiIipinol Mahaba pa ang landas na tatahakin natin bago maging lubos ang ating hangarin na ang Filipino'y maging tagapamansag ng ating mga pambansang mithiin, isipan at damdamin. Sapagkat hanggang sa ngayon ay watakwatak pa rin tayo, pangkat-pangkat. Tayo'y hindi pa isang tunay na pambansang bayan, ang ating likas na pagkakatuiad-tulad sa wika, kaugalian at heograpiya ay pinalubha ng pagsikil ng mga kulturang banyaga sa ating mga likas na katangian kabutihang-palad tayo'y nagmamadali ngayon sa pagtatayo ng sarili nating karangalang panlahi. Pinagsisikapan nating majwaksi ang ano mang banyaga na pumipinsala sa ating kapurihan. Ibig nating kilalanin tayo ng daigdig bilang tayo, ang tunay na tayo,—hindi malabong larawan ng mga umaalipin sa atin. Tayo'y nagbabalikwas, nagbabagong puri. natangis ng ating matatanda ang di-urnano'y pagkawala sa ating kabataan ng kahalagahang pamanang yaman. Ang nais nila'y mapasigla ang mga iyon. Ngunit hindi magaganap ang pagbabalik sa sarili sa paghahangad lamang. Kailangang suysuyin ang ugat na dahilan. Sa ganang akin ang pagkawalang tinutukoy ay likha ng sistema ng edukasyon na ang pangunahing kasangkapan ay wikang Amerikano. Ang humigit-kumulang 75 taon ng Sistematikong Amerikanisasyon ng batang Pilipino ay sapat upang siya'y maging estranghero sa tinubuang lupå,Jinutukoy ko ang mga mag-aaral. Bukod doon, ang bahagi ng mga mamamayang hindi nakapag-aral, at kung nakapasok man sa paaralan at natuto lamang bumasa at sumulat ay binubuo naman ng isang antas ng rnga mamamayang hiwalay sa una, na bumuo naman ng isang pangkat ng kakaunting pribiliheyo.
Samakatuwid ang wika at kulturang Amerikano (Kastila (Kasti la noong una) ay lumikha ng estratipi. kasyong sosyal. Tumalamak sa sensibilidad ng lahi ang "karamdamang" ito ubukin mong tayahin ang hangarin at pangarap ng isang hinubog sa wika at kulturang dayuhan at masasalat mo ang katotohanan: nais niyang mangibang bansa upang makapagtamasa ng magandang buhay at ikintal sa kanilang pahat na isip ang kaalamang sinalik sa pamamagitan ng kaniyang pinagsanayang wika; makikita mong nagrnamadali siya sa pagtakas sa mga kahirapang dinaranas ng kaniyang bayan at mga kababayan. Nais niyang maging kaganapan ang mga katotohanang ipinaranas sa kaniya ng kulturang banyaga sa bisa ng wikang banyagå. Gusto nating lurnakas bilang bansang Malaya, Ang isang daan ay ang wikang Filipino. Ang kailangan natin ay isang kasangkapan ng komunikasyon para sa lahat ng ating mga mamamayan—kasangkapang simple, abot ng lahat. gamitin, mabisa at di kumukupas. Sa kabila ng kahabaan ng panahong ginagamit ang wikang Amerikano bileng kasangkapan ng instruksyon, ito'y bigo pa rin bilang daluyan ng pakikipagtaiastasan o pagtatalastasan sa masa. Sa gayon nalikha ang guwang kung di man kawalan ng komunikasyon. Bunga nito'y humina ang pamahalaan, Isipin na lamang ang magagawa sa pagsulong ng nagkakaisang lakas ng såmbayanan kung pakikilusin sila ng makahuluhang kabatirang dala ng lengguwaKeng abot ng kanilang kakayahan tulad sa kanilang isip at damdamin. Ang wikang Filipino sa katutubong wika, na pinayaman ng mga sangkap lingguwistiko mula sa mga wikang katutubo rin at banyaga ay tugon sa pambansang pagsulong. Ito'y sariling wika tagapagdala ng kulturang sarili, tagapagsalaysay ng impluwensiyang dayuhang iniakma sa mga katangian, kaugahan at idyosinkrasyang Pilipino. Pansinin ang mauunlad na bansa. Kung nais mong makuha ang Siyensya at teknolohiya ng bansang iyon, gawin mo sa pamamagitan ng kaniyang sariling wika. Ang siyensya at teknolohiya ng isang bayan ay di maiwasang bahagi ng kabuuan ng kultura ng bayang iyon. Kailangang maging gayon tayo pagdating ng araw. Hindi tayo maaaring manatiling manghihiram, manggagaya, mangongopya sa siyensya at teknolohiya at sa lahat ng bagay sa buhay sa habang panahon, sa ating at ing pakikipagugnayan sa iba't ibang dako ng daigdig na ang TimogSilangang Asya. Sa panahong ito ay napatunayan na nating hindi hindi sapat ang kahusayan sa dayuhang Wika ng ating mga kinatawan. Dala ng kahihiyan o baka naman ng na pananalig ay ipinasailalim sa Pilipino ang mga kasunduan. Bagong Lipunan ang Bayang Pilipino'y walang katubusan. — Mula sa Filipino sa Nagbabagong Panahon (Batayang Aklat sa Sinng ng Komunikasyon Para sa Kolehiyo)