I. Panimula A. Panukalang Pahayag Ang An g Nu Nurs rsin ing, g, Ho Hote tell an and d Re Rest stau aura rant nt Ma Mana nage geme ment nt,, To Tour uris ism, m, Eng Engin inee eerin ring g at Information Inform ation Technology Technology ay ang limang pangunahing pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa matataas na paaralan sa Maynila sa panahong ito. B. Introduksyon o Paglalahad ng mga Suliranin Ang paksang ito ay tumatalakay sa limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyante sa Maynila para sa kolehiyo sa panahong ito. Bakit nga ba ito ang kadalasang mga kurso na pinipili ng mga Pilipinong estudyante sa Maynila? Ano ba ang mga iniaalok ng mga kursong ito? Paano nga ba pumipili ang mga estudyanteng ito ng kursong kanilang kukunin sa kolehiyo? Ano ang kanilang mga basehan sa pagpili? Maaaring isa sa mga dahilan dito ang malaking sweldong nakukuha sa mga propesiyong ito. Ang pagiging “in demand” ng mga ganitong propesiyon ay maaaring isa sa mga batayan ng mga estudyante sa pagpi pagpili li ng kur kurso. so. Par Parama amasma smatuk tukoy oy ang mga sag sagot ot sa mga kat katanu anunga ngang ng ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng masusing pag-aaral ukol dito. Ang pagdami ng mga estudyante sa ko kole lehi hiyo yo sa mg mgaa ku kurs rson ong g Nu Nurs rsin ing, g, To Tour uris ism, m, Ho Hote tell an and d Re Rest stau aura rant nt Ma Mana nage geme ment, nt, Information Technology at Enigneering ang nag-udyok sa mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. Nais din nilang madagdagan at ma- update ang mga naunang pag-aaral tungkol dito. C. Rebyu o Pag-aaral Source:
http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawing-basehan-sa pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/ Ayon sa manunulat, hindi matibay na batayan sa pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo ang malaking sweldo sa propesyon na tatahakin. Wika niya, “Piliin mo ang kursong kunektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig. Maaaring narinig niyo na ang payong ito, pero sa totoo lang ay ito ang matibay na basehan at tamang paraan sa pagpili ng kurso at upang maiwasan mong magsisi sa huli ayon sa aking karanasan at obserbasyon.” D. Layunin Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga pangunahing kurso sa panahong ito ang pinipili ng mga estudyante sa Maynila. Ang mga mananaliksik ay nagnanais na mag maging ing mag magand andaa ang pun pundas dasyon yon ng mga sus susuno unod d na pan panana analiks liksik ik na nag naglal lalayo ayong ng palawakin ang pag-aaral tungkol sa mga kursong pinipili ng mga estudyante sa Maynila. Layunin din ng pananaliksik na ito na makatulong sa madaling pagpili ng mga susunod pang henerasyon ng mga estudyante ng kursong nararapat para sa kanila. E. Halaga Maaaring makatulong ang pananaliksik na ito bilang batayan ng mga unibersidad, eskuwelahan, akademiya sa kursong pwede nilang ialok sa kolehiyo at kung saan nila dapat ginagawang dekalidad ang kanilang mga programa. Makatutulong ito sa mga career talks sa paraan paraan ng pagbi pagbibigay bigay-impor -impormasyo masyon n sa mga estudyante estudyante tungk tungkol ol sa kursong malam malamang ang ay kukunin ng karamihan at kung maganda nga ba o hindi ang kursong ito. Ito ay maaaring maging magandang basehan sa pagpili ng kurso ng mga estudyante. Makakatulong ito sa ibang ahensya ahensya ng gobyerno na nagbi nagbibigay bigay ng isko iskolarshi larship p sa mga estud estudyante yante sa paraa paraang ng malalaman nila kung anong kurso ang magandang ialok sa mga susustentuhan nilang mga estudyante. Batayan din ito ng mga pangunahing guro at mga guro sa mga matataas na paaralan kung saan nila ipaghahanda, pagsasanayin at pagyayamanin ang mga estudyante. F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas
G. Metodolohiya Mahirap man makahanap ng iba pang naunang pag-aaral ukol dito, ang mga mananaliksik ay pumunta sa mga matataas na paaralan sa Maynila tulad ng sa Unibersidad ng Santo Tomas, St. Jude College, Angelicum, University of the East High School, Immaculate Heart of Mary College, Sta. Isabel College at Ramon Magsaysay High School. Isasagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga survey kung saan sasagutin ng mga piling sampung estudyante bawat eskuwelahan ang mga tanong sa survey sheet , kasama na rito ang tanong ukol sa kung ano ang kanilang dalawang pangunahing kursong pinili para sa kolehiyo. Base dito, ibibigay ng mga mananaliksik ang datos na nakalap na magsasabi ng bilang ng mga estudyante na pumili sa iba’t bang kurso sa isang paaralan at pagkatapos ay gagawa ng isa pang talaan para naman sa kurso na may pinakamataas na bilang ng estudyante. Batay din dito, maaaring malaman kung ang kursong Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ang limang pangunahing kurso na pinipili ng mga Pilipinong estudyante sa mga matataas na paaralan sa Maynila. H. Saklaw o Delimitasyon Ang pananaliksik ay sumasaklaw sa mga estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa mga matataas na paaralan sa Maynila. Mula sa kabuuang populasyon nila, pipili lamang ng sampung estudyante na magiging kinatawan sa iba’t- ibang paaralan para magsagot ng survey. I. Daloy ng Pag-aaral Ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ay ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa matataas na paaralan sa Maynila sa panahong ito. Ang pagdami ng mga estudyante sa kolehiyo sa mga kursong ito ang nag-udyok sa mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. Makatutulong ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga estudyante kung hindi pati na rin sa mga unibersidad o eskuwelahan. Bukod sa pagkakalap ng mga impormasyon sa silid-aklatan at internet, ang pag-aaral na ito ay base rin sa mga sagot ng mga estudyante sa isinagawang survey. Sa pamamagitan nito, nalaman ng mga mananaliksik ang iba’t-ibang salik na maaring naka-impluwensiya sa mga estudyante sa pagpili ng mga kursong kukunin nila sa kolehiyo. Ang survey ay isinagawa sa Unibersidad ng Santo Tomas High School, St. Jude College, Angelicum, University of the East High School, Immaculate Heart of Mary College, Sta. Isabel College at Ramon Magsaysay High School. Upang mapadali ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumawa ng talaan ng mga resulta ng survey. Ang pananaliksik ay sumasaklaw sa mga sampung piling estudyanteng nasa ikaapat na baitang ng bawat paaralang nasabi. Ang unang bahagi ng
pananaliksik ay tungkol sa limang pangunahing kursong nais kunin ng mga estudyante. Sunod ang kanilang dahilan sa pagpili nito at ang mga salik na nakaimpluwensiya sa kanila sa pagpili nito. Batay sa survey na ginawa ng mga mananaliksik, ang limang pangunahing kurso na nais kunin ng mga estudyanteng nasa ikaapat na taon sa mga matataas na paaralan ng Maynila ay Nursing (14.5%), Hotel and Restaurant Management (12.95%), Tourism (11.87%), Engineering (11.5%) at Information Technology (10.07%). Ang karamihang dahilan ng mga estudyante sa pagpili ng mga kursong ito ay ang pagiging “in demand” ng propesyon na ito sa abroad. Ang iba naman ay nagsasabing ito ay ang kanilang sa sariling kagustuhan. Isa pang dahilan ng kanilang pagpili ng mga kursong nasabi ay ang pagsunod sa gusto ng kanilang magulang. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik sa mga estudyanteng ito na maging seryoso at praktikal sa pagpili ng kanilang kurso.
II. Big Panimula A. Small Panimula Ang pananaliksik na ito ay ukol sa mga pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyante para sa kolehiyo. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng survey sa sampung estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa iba’t-ibang matataas na paaralan sa Maynila. Sa pamamagitan ng survey na ito, nalaman ng mga mananaliksik kung anu-ano ang mga basehan ng mga estudyante sa pagpili ng kursong kanilang kukunin para sa kolehiyo. Dito rin napatunayan na ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na baitang. B. Small Katawan Halimbawa ng pinasagutang survey sheet : SURVEY SHEET Pangalan: Paaralan: Edad: [ ] Babae
[ ] Lalake
Anu-ano ang dalawang pangunahing kursong nais mong kunin sa kolehiyo? a. b. 2. Bakit ito ang iyong napili? 1.
3.
Anu-ano ang mga salik na naka-impluwensiyo sa iyo?
4.
Ano ang iyong paboritong asignatura?
Ito ang mga talaan ng mga resulta ng isinagawang survey: Ang mga sumusunod ay ang mga kursong napili ng 140 na estudyanteng nasa ikaapat na taon sa mataas na paaralan ng University of Santo Tomas, Ramon Magsaysay, University of the East, Immaculate Heart of Mary College, Sta. Isabel College at St. Jude College: Nursing Hotel and Restaurant Management 36 Tourism 33
41
Engineering Information Technology Accountancy Psychology Advertising Business Administration Architecture Education Pharmacy Journalism BS Biology Mass Communication Medical Technology Political Science Fine Arts Electronics Asian Studies Theatre Arts Culinary Arts BS in Mathematics Public Administration Chemical Engineering
Physical Therapy Food Technology Occupational Therapy
32 28 23 12 10 10 9 8 8 5 3 3 3 2 1 1 1 1 1 1 1 1 Nutrition 1 1 1
Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga estudyanteng nagsabing ito ang mga salik na nakaimpluwensiya sa kanila sa pagpili ng kukuning kurso sa kolehiyo: Pamilya 39 Interesado sa kurso 24 Kaibigan 20 Balita sa TV, internet at radio 17 Hilig 15 Dito magaling 13 Kagustuhang gumaling sa aspetong napili 10 Madaling pagkakitaan ng pera 8 Sariling kagustuhan 8 Positibo/magandang paningin ng mga tao sa kursong ito 6 Pangarap simula pagkabata 3
Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga estudyanteng nagsabing ang English, Math, Science, Araling Panlipunan, Computer, Filipino, Values Education at Home Economics ang paborito nilang asignatura: English 40 Math 33 Science 31 Araling Panlipunan 19 Computer 10 Filipino 4 Values Education 1 Home Economics 1
1
III. Big Pangwakas A. Small Pangwakas Batay sa survey na ginawa ng mga mananaliksik, ang limang pangunahing kurso na balak kunin ng mga estudyante na nasa ikaapat na taon sa mga matataas na paaralan dito sa Maynila ay Nursing (14.5%), Hotel and Restaurant Management (12.95%), Tourism (11.87%), Engineering (11.5%) at Information Technology (10.07%). Sa mga kursong nabanggit, lahat ng ito ay ang mga trabahong “in demand” sa abroad. Sa 140 na estudyante, 36(25.9%) ang nagsabing ito ang kanilang dahilan kung bakit nila napili ang mga kursong nasabi. Ayon din sa resulta, 20(14.4%) na estudyante ang nagsabing binase nila ang kanilang pagpili mula sa sariling interes sa kurso. Napansin din ng mga mananaliksik na halos parehas lamang ang bilang ng mga estudyanteng nagsabing binase nila ang pagpili sa desisyon ng kanilang magulang at ang nagsabing ito ay sarili nilang kagustuhan. Ito ang pangatlo sa pinakamataas na dahilan ng mga estudyante sa pagpili ng kanilang kurso na kukunin sa kolehiyo. Base sa resulta, may mga nagsasabi ring impuwensiya ito ng kanilang mga kaibigan o impuwensiya ng media. B. Konklusyon Batay sa mga impormasyong nakalap, napatunayan na ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na taon sa mga matataas na paaralan sa lungsod ng Maynila. Napagtanto din ng mga mananaliksik na ang dahilan ng karamihan sa mga estudyante sa pagkuha ng isang kurso ay ang pagiging “in demand” nito sa ibang bansa at hindi sa sariling kahustuhan. Nakakapanghinayang malaman na ang karamihan sa mga Pilipinong estudyante ay nagnanais nang lisanin ang inang bayan upang kumita ng malaking perang pantustos sa araw-araw na pamumuhay. Ito ang nagpapatunay na bumababa na ang . Masasabi rin na bagama’t nasa ikaapat na baitang ng mataas na paaralan na ang mga estudyanteng kinunan ng survey, umaasa pa rin sila sa mga sinasabi o desisyon ng kanilang mga magulang. C. Rekomendasyon Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makatulong sa mga estudyante, lalo na sa mga nasa ikaapat na baitang ng matataas na paaralan, na makapagdesisyon ukol sa pagpili ng nararapat na kurso sa kolehiyo. Ito ay maaaring maging magandang basehan ng pagpili ng kanilang kurso. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga estudyanteng ito na maging seryoso at praktikal sa pagpili ng kanilang kurso. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring mabawasan ang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo na palipat-lipat ng mga kurso sa kadahilanang hindi pala nila nais ang naunang kursong pinili. Iminumungkahi din sa mga propesor ng iba’t-ibang mga unibersidad at sa mismong mga unibersidad at matataas na paaralan na magsagawa rin ng ilang pag-aaral ukol sa mga kursong napili ng kanilang mga estudyante upang malaman kung sila nga ay nararapat sa kursong iyon. Makakatulong din ito sa kanila upang mapaghandaan ang mga nais matutunan ng mga estudyante sa kanilang mga napiling kurso. Sana nawa’y makatulong ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga estudyante, kung hindi pati na rin sa mga guro o propesor at mga paaralan dito sa Pilipinas. Mga Miyembro: Mark Brecia Aziel Guzman Michelle Valerio 1-Kam
2 comments
FILIPINO:THESIS
Feb 27, '09 5:58 AM for everyone
1. BIG PANIMULA A. PANUKALANAG PAHAYAG Nakakatulong ang mga lending companies sa mga nangungutang dito B. INTRODUKSYON NG SULIRANIN •
Ang paksa ng pananaliksik ay tungkol sa pananaw ng mga tao na nangungutang sa mga lending companies particular na ang mga negosyante.
•
Sa kakulangan ng perang pantustos sa mga gastusin, napipilitan ang mga tao na mangutang sa mga lending companies. Sa pananliksik, aalamin kung paano nakakatulong ang paguutang.
• •
Magbibigay ng ilang detalye kung paano nangungutang sa mga lending companies upang malaman ang disposition ng mga nangungutang dito.
•
Bilang mga estudyante ng Komersyo, inaasahan na makakatulong ang pananliksik sa pagiging mga baguhang negosyante ng hinaharap.
C. REBYU O PAGAARAL •
•
•
•
Introduction to study of business in the Philippines by G.S. Miranda Ang linalaman nito ay tungkol sa mga batas sa Pilipinas tungkol sa pagpapautang, halimbawa ang “Truth in Lending Act” o “Republic Act No. 3765”. Kinakatawanan nito ang mga polisiya, sakop at iba pang probisyon tungkol sa pagpapautang. Philippine tycoon the biography of an industrialist, Vicente Madrigal by C. Quirino Ang aklat na ito ay tungkol sa buhay ni Don Vicente Madrigal. Siya ay nagmula sa mahirap na pamilya na nagmula sa Bikol at nagsikap at nagging isang Business Tycoon nuon post war era sa Pilipinas. Nakasulat dito sa aklat na ito kung paano niya ginawa ang kanyang business empire, ang kanyang mga paghihirap at sa mga suliranin at solusyon sa kanyang kumpanya. NeGosyo, 50 Joey Concepcion’s Inspiring Entrepreneurial Stories by J. Concepcion Ang aklat na ito ay kalipunan ng mga kwento ng mga entrepreneurs na nagtatag ng kanilang mga negosyo. Kinakabilangan dito ang mga kwento ng mga taong nangutang muna bago nakapagtaguyod ng negosyo. Halimbawa si Jesus Tambunting, CEO ng Philippine Development Bank, sinabing nangutang muna siya bago nakipagsapalaran sa negosyo. Profiles of Success Stories of Gawad Pitak Winners by Land Bank of the Philippines. Ang linalaman ng aklat na ito ay mga kalipunan ng mga kwento ng mga cooperatives sa probinsya, kung paano sila nakapagtaguyod at nakipagsapalaran sa pagpapaunlad sa kanilang mga bukid sa pamamagitan ng kanilang pangungutang sa Land Bank of the PhilIppines at sa Department of Trade and Industry.
D. LAYUNIN •
Upang malaman ang mga opinyon ng mga nanghiram ng pera sa mga lending companies.
•
Upang malaman kung nakakatulong ba talaga ang pangungutang.
•
Upang malaman ang epekto ng pangungutang sa lipunan at sa ekonomiya ng bansa.
•
Upang malaman ang mga epekto nito sa financial sector ng lipunan.
E. HALAGA
Sa lumalaking market at sa tumataas na pangangailangan ng salapi, nagagawa ng mga tao, particular na ang mga businessman na manghiram ng pera sa mga lending companies. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito makapagbibigay ng overview at ng mga risks sa pangungutang at ng mga personal na pananaw ng mga taong nangutang sa mga lending companies. Makakatulong din sa mga baguhan na mangungutang ang pananaliksik dahil mabibigyan ng impormasyon tungkol sa personal na opinyon ng nangungutang at paraan kung paano mangutang sa isang lending company.
F. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Ang loans ay pinapakinabangan ng madaming tao at instutusyon sa ating bansa. Ang mga loans ay ginagamit ng mga negosyante, ng gobyerno at ng mga ordinaryong mamamayan. Kadalasan nangungutang ang mga negosyante sa mga lending companies upang matustusan ang mabilisan pangangailangan nila. Ang gobyerno naman ay nangungutang din sa mga malalaking intitusyon tulad ng World Bang at ng IMF o International Monetary Fund.
G. METODOLOHIYA Ang pananaliksik ay isinagawa sa pamamagitan ng surbey at pagkonsulta sa isang empleyado ng lending company. Ang impormasyon na galing sa ng mga taong nangungutang sa mga lending companies ay ilalagay sa ilalarawan sa isang graph upang lubos na maintindihan. Aalamin din kung paano umapply ng loan sa isang lending company para malaman kung madaling makakatulong ang pangungutang sa nanganagailangan.
H. SAKLAW O DELIMITASYON Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw lamang sa mga tao na nakapag apply na ng loans sa isang lending company. Ang impormasyon na makakalap ay base sa surbey na isasagawa sa mga nakapangutang na.
Magdadagdag din ng impormasyon kung paano mangutang sa isang lending company upang lubos na maintindihan and disposisyon ng mga nangungutang dito. Ang impormasyon na makakalap ay base sa mga sagot at pananaw ng mga nainterbyu o nasurbey na tao, mga impormasyon na nasaliksik galing sa libro at pagkonsulta sa isang emleyado ng isang lending company.
I. DALOY NG PAGAARAL Ang grupo ay nagsaliksik kung paano nakakapagapply sa isang loan. Kumuha din ng mga papeles at detalye nang kumunsulta sa isang empleyado ng isang lending company at inalam ang prosesso ng pangungutang at mga requirements na kakailanganin. Gumawa ng isang surbey upang masagot ang mga katanungan ukol sa pangungutang. Sa isang lending company nag surbey ng mga mangungutang upang makakalap sapat na impormasyon. Bar graph ang ginamit upang maayos na mailarawan ang mga datos na nakuha ng upang lubos na maintindihan ng mga mambabasa.
2. BIG KATAWAN A. Small Panimula Ang paksa ay tungkol sa mga naidudlot na tulong para sa mga tao at mga business, mapalaki man o maliit. Ang mga lending companies ay ang mga kompanyang nagpapautang ng pera sa mga nangangailangan na tao o businessmen para makatulong ang mga ito sa kanilang. Nakakatulong ang mga lending companies sa panahon ng pangangailangan ng pera para sa pamilya o sa mga panahon na mahina ang kita sa business. Natutulungan ng mga Lending companies nang mga ito sa pamamagitan ng pagpapautang ng pera na may mababang interest. Ngunit, sa kanilang pagpapautang dito din kumikita ng mga Lending Companies dahil ito ay ang kanilang business. Kumikita sila sa mga pinapatong nilang interest sa pinautang nilang halaga.
B. Small Katawan Upang makakalap ng impormasyon at magampanan ng maayos ang pananaliksik, sinurbey namin ang mga tao na nangungutang sa mga lending companies. Sa kabuuan, nakapag surbey ng 10 tao kung saan sinagot nila ang mga sumusunod na katanungan sa isang surbey sheet.
Sa impormasyon na nakalap, ipinapakita na 60% o 6 sa 10 na nasurbey ay nagsabi na mas nakakatulong ang pangungutang kesa sa peligro o risk na maari nitong dala. Makikita ito sa pulang parte ng pinresentang bar graph sa baba. Sinagot din ang katanungan kung sigurado bang mababyaran ang inapplyang loan. 40% o 4 ang nagsabing siguradong mababayaran ito, 1 ang nagsabing hindi at 5 ang hindi sigurado. Ang datos ay makikita sa asul na parte ng bar graph. Para sa pangatlong katanungan, tinanong kung may panahon na hindi nabayaran ang loans sa tamang oras, 3 ang nagsabing may pagkakataon na hindi nakapagbayad sa oras, 2 ang nagsabing laging nakakabayad at 2 ang pumiling hindi sagutin ang tanong. Para sa susunod na katanungan na nakalagay sa pink na parte ng bar graph, itinanong ang dahilan kung bakit nangungutang. 80% ang nagsabing para sa pondo sa negosyo, 1 ang nagsabing para pandagdag dahil kulang ang kita at 1 din ang nagsabi na para sa pambili ng kalakal na ibebenta. Para sa panghuling katanungan sa kulay berde na parte ng graph, itinanong kung paano nakakatulong ang mga loans sa kanila, 90% o 9 ang nagsabing pang gastos at 10% o 1 ang nagsabing pang emergency fund.
Para sa karagdagang impormasyon, inilagay dito ang mga klase ng nag papautang na mga tao o institusyon. Ang ordianary lender (individuals, 5-6 system) ay binubuo ng mga taong konti lang ang pinapautang nag rarange sa halagang php 100.00 to php. 1000. Hindi masyadong mabusisi ang proseso ng paghiram ng pera sa kanila, ngunit may kataasan ang interest. Ang business lender naman ay ang mga pawnshops, credit cards, banks, and credit companies. Ito ay may mabusisisng proseso para maka pangutang sa kanaila, kabilang sa proseso ang pag fill-up ng application form at interview at pag bayad ng processing fee na 300pesos. May Credit investigation na isasagawa na kasama ang Lending Association and Credit Management Association of the Phil. Kailangan din ang Residential Checking. Prep of Evaluation Report. Route all reports to Credit Committee or approval.
3. BIG PANGWAKAS A. SMALL PANGWAKAS Ang pangungutang base sa pananaliksik ay nakakatulong sa mga tao at negosyante. Ipinakita ng surbey na merong mga nangungutang na hindi palaging sigurado na makakabayad at merong din mga nagsasabi na hindi sa takdang panahon nagbabayad ng utang. Bagamat mas madami ang hindi rinerekomenda ang pangungutang, madami parin ang nangungutang upang matustusan ang pinansyal nilang pangangailangan. Ang dalawa sa pinakaprominenteng sagot kung bakit sila nangungutang at para saan ay sinabing para ito sa pondo ng kanilang negosyo at para sa pang gastos. Isa din sa mga impormasyon na nalaman ay merong mga negosyanteng nangungutang upang ipambili ng kalakal na ibebenta. Pag nabenta na ang mga kalakal na pinatungan na nila ng tubo, saka lang nila babayaran ang utang. Masasabing ang gawain na ito ay maaring nagdudulot ng pagkalugi sa mga negosyo pag nagkaroon ng pagkakataon na hindi nabenta ang kalakal at nalulugi.
Ang prosesso naman ng pangungutang ay mabusisi at madaming requirements. Isa itong paraan ng mga lending companies upang makasigurado na may kapabilidad ang mangungutang na mabayaran ang inaaplayang loan. Sa parte naman ng nangungutang ang mga requirements na ito ay isang palatandaan ng risk na papasukan nila.
B. KONKLUSYON Ayon sa nakalap na datos, sinasabi ng mas madami na ang pangungutang ay nakakatulong sa mga tao at negosyante upang matustusan ang kanilang pinansyal na pangangailangan kahit hindi positibo ang tingin ng madaming nangungutang dito.
C. REKOMENDASYON
Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay maaring magamit ng mga nagbabalak at mga unang beses na mangungutang. Ito ay nagtataglay ng impormasyon at opinyon ng mga taong nangungutang at kung saan mapupulutan ng aral para sa mga baguhang negosyanteng o sinumang taong nangangailangan ng pera. Ang pananaliksik ay nalaman ang relation ng nangutang at nagpapautang kung saan ang tiwala at responsibilidad ng 2 panig ay kailangan. Ang mga lending companies ay dapat maging tapat sa kanilang mga kliyente at siguraduhin na hinde lumalabag sa batas ang pagpapautang. Mas magandang kung magbibigay ng mga “tips” ang lenders para sa mga nangugutang at mas mapadali ang pagpapatupad nang kanilang tungkulin. Sa mga nangungutang naman ay dapat siguraduhing makakabayad sila sa takdang oras ng kanilang inutang dahil responsibilidad nila ito upang maiwasan ang problema.