Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III,Sangay ng Pampanga Dibisyon ng Pampanga IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO GRADE 9 Pangkalahatang Panuto:Basahin ang mga akda/aytem at sagutin ang mga tanong.Itiman ang bilog ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1.Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal mula sa angkan ng mga Tsino na ang apelyidong pinagmulan ay ___ a.Alonso b.Lamco c.Realonda d.Tan 2.Pinalitan ng Mercadoang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Claveria na nag-aatas na gamitin ng lahat ang mga apelyidong Espanyol noong 1849.Ang Mercado ay nangangahulugang____ a.palengke b.pera c.talino d.yaman 3. Samantalang ang apelyidong ‘Rizal’ ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang pamilya sa bisa rin ng kautusan ni Gobernador Claveria noong 1849 na nangangahulugan namang____ a. b. c. d.
katalinuan luntiang bukid pagsasaka palengke
4. Isang obra maestrani Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. Ito ay salitang Latin na nangangahulugang___ a.Huwag Mo Akong Apihin b.Huwag Mo Akong Galitin c.Huwag Mo Akong Linlangin d. Huwag MoAkong Salingin 5.Sino ang kauna-unahang Pilipinong nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog? a. Alejandro G.Abadilla b.Lope K.Santos c.Pascual Poblete d.Virgilio Almario 6.Ang Noli Me Tangere ay isang halimbawa ng nobelang___ a.pampamilya b.pampolitika c.panlipunan d. panrelihiyon 7.Iniaalay ito ni Rizal sa a.GOMBURZA b. Inang Bayan c. kasintahan Inang Bayan d.pamilya 8.Naging instrumento ang aklat na ito upang makabuo ang mga Pilipino ng___ a.samahan ng maghihimagsik b.pagkakaisa ng mga Pilipino c.pagkakapatiran d.pambansang pagkakakilanlan
9.Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
a.Doctor Zhivago b.Les Misarables c.The Pathfinder d.Uncle Tom’s Cabin 10.Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging dahilan upang maipalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Berlin noong Marso 1887? a.pagbibigay ni Maximo Viola ng pera b.pagpapadala ng pera ng ama c.pagpapautang ng tagapaglimbag d.pagtulong ni Retana 11.Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng isang nobela? a.kawili-wili at maaksyon b.mahabang tuluyang salaysay na hinati sa bawat kabanata c.may mga tauhan at tagpuan d.may simula at katapusan 12.Ang mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang nobela ay may kaugnayan sa kanyang buhay.Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa kanyang kapatid na si Paciano na madalas niyang hingan ng payo? a.Don Rafael Ibarra b.Kapitan Tiyago c.Pilosopo Tasyo d.Tinyente Guevarra 13.”Tagapaghatid po ako ng mithiin ng mga sawimpalad.” Sino sa mga tauhan sa Noli Me Tangere ang nagwika nito? a.Basilio b.Elias c.Pilosopo Tasyo d.Tinyente Guevarra Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing na hulog ng langit.Siya ay pandak—kayumangging kaligatan at may katabaan.Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang.Maitim ang buhok.kung hindi lang nananabako at ngumanganga,maituturing na siya ay isang magandang lalaki. Sadyang tanyag at itinuturing napinakamayaman sa bayan ng Binundok si Kapitan Tiyago.Isa rin siyang kilalang asendero sa mga lugar sa Pampanga,Laguna at lalo na sa San Diego. Malaki rin ang kinikita niya sa paglalagom ng apyan na kung saan kasosyo niya ang mga Tsino.Hindi kataka-taka na para siyang lobong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman. 14.Ang binasa sa itaas ay isang halimbawa ng tekstong___ a.naglalahad b.naglalarawan c.nagsasalaysay d.nangangatwiran 15.Alin sa mga sumusunod ang pinaangkop na kahulugan ng pariralang’ hulog ng langit’na ginamit sa teksto? a.kapalarang hindi inaasahan b.kapuri-puring pag-uugali c.kayamanang bigay ng Diyos d.mga likas na katangian 16.Siya ay pandak,kayumangging kaligatan at may katabaan.Sa paglalarawang ito kay Kapitan Tiyago. Alin sa mga epektibong paraan ng paglalarawan ang ginamit? a.paggamit ng mga idyoma b.paggamit ng mga pandamdam c.paggamit ng mga tayutay d.paggamit ng tiyak na pangngalan at pandiwa
17.Alin sa mga sumusunod na pang-uri sa unang talata sa itaas ang ginamitan ng tiyak at kongkretong detalye ? a.35 taong gulang b.maitim c.kayumangging kaligatan d.pandak 18.Sa pangungusap na” Sadyang tanyag at kinikilalang pinakamayaman sa Binundok si KapitanTiyago”.Ang pang-uringtanyag ay nasa kayariang___ a.Inuulit b.Maylapi c.Payak d.Tambalan 19.Samantalang ang pang-uringpinakamayaman ay nasa kaantasang___ a.Lantay b.Katamtaman c.Tambalan d.Pinakamasidhi 20.Suriin ang nakasalungguhit na pangungusap sa huling talata ng teksto.Alin sa mga tayutay ang makikita rito? a.pagmamalabis (hayperboli) b.pagtutulad (simili) c.pagwawangis (metaphor) d.personipikasyon “Pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab.Ang bayan ay maniningil ng pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan”—Pilosopo Tasyo 21.Layunin nang nagsasalita sa teksto ang magpahayag ng kanyang___ a.damdamin b.opinyon c.pangaral d.payo 22.Alin sa mga sumusunod na salita sa teksto ang ginagamit sa pagpapatibay ng opinyon ? a.ang mga b.darating c.katunayan d.kaya 23. “Mamamatay akong hindi ko makikita ang ningning ng bukangliwayway,”ani Elias.Ang nakasalungguhit ay halimbawa ng mga salitang masining o matalinhaga na nasa antas___ a.balbal b.kolokyal c.pambansa d.pampanitikan 24.Paano ka na kung wala na ang ermat mo ? Ang ermat ay halimbawa ng salitang ___ a.balbal b.kolokyal c.lalawiganin d.pampanitikan 25.Meron ka bang dalang yosi para sa mga dabarkads na naghihintay sa haybol natin? Alin sa mga salitang ginamit sa pangungusap ang nasa antas kolokyal? a.dabarkads b.haybol c.meron d.yosi 26. “Ikinagagalak kong makita muli ang dating kura paroko ng bayan ng San Diego at kaibigang matalik ng aking ama.” Anong damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap na ito? a.kalungkutan b.kasiyahan
c.pag-ayaw d.pagkainis
27.Suriin ang mga sumusunod na pahayag.Tukuyin alin ang nagpapahayag ng damdamin. a.Ang kurang nagparatang ay inilipat lamang sa ibang lugar. b.Inilahad ni Elias ang mga kahilingan ng mga sawimpalad kay Ibarra. c.Karumal-dumal ang sinapit ng aking mga anak! d.Nagkasakit si Ma.Clara sa nangyaring sigalot nina Ibarra at Padre Damaso. 28. “Mabuti’..huwag mong kalimutang ipagbukod mo ako ng piso. “Naluha na lamang si Sisa.Nang maalala ang mga anak agad siyang nagsaing muli at inihaw ang tatlo pang tuyong tawilis na nalabi. Ano ang katangian ng tauhan ang ipinahihiwatig sa pahayag? a.mahirap b.mapagmahal c.masipag d.matiisin Naghandog ng isang salu-salo si Kapitan Tiyago sa pagdating ni Crisostomo Ibarra na nag-aral ng pitong taon sa Europa.Nang ipakilala ng kapitan ang binata sa panauhin,nagalak ang lahat maliban kay Padre Damaso na hindi nakaimik at namutla pagkakita sa binata.Tumangging makipagkamay ang kura at ikinaila nito na kaibigan niya ang yumaong amang si Don Rafael Ibarra. 29.Ano ang paksa ng tekstong binasa? a.pag-aaral ni Ibarra sa Europa b.pagdating ni Crisostomo Ibarra c.pagtatagpo ni Ibarra at Padre Damaso d.Si Kapitan Tiyago 30.Bakit si Kapitan Tiyago ang naghandog ng salu-salo para sa pagdating ni Ibarra? a.dahil kaibigan niya ang ama ni Ibarra b.dahil kaibigan niya si Ibarra c.dahil kamag-aral niya si Ibarra sa Europa d.dahil may gusto siyang hingin kay Ibarra 31.Ano ang ipinahihiwatig ng reaksyon ni Padre Damaso kay Ibarra? a.hindi kilala ni Padre Damaso si Ibarra b.hindi gusto ni Padre Damaso si Ibarra c.natutuwa si Padre Damaso kay Ibarra d.takot si Padre Damaso kay Ibarra 32.”Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at pilibustero,”ang kwento ni Tinyente Guevarra kay Crisostomo.Alin ang kahulugan ng salitang “ erehe”? a.isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan b.isang taong lumalabag sa batas ng simbahan c.isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal d.isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias. Sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.Inilahad niya nang walang pag-aalinlangan ang mga kahilingan ng mga sawimpalad sa binata. 33.Sino sa mga sumusunod ang kinakatawan ng tauhang si Elias sa Noli Me Tangere? a.mga edukadong taong Pilipinong nagnanais na matamo ang mga pagbabago sa kolonya b.mga katutubong naninilbihan sa mga Espanyol upang mabuhay nang matiwasay c.mga may-ari ng malalaking lupaing nakinabang sa pamahalaan d.mga pangkaraniwang taong nakaranas ng mga pang-aabuso sa kamay ng mga Espanyol 34.Ang mga sumusunod ay mga kahilingan ng mga sawimpalad na inilahad ni Elias maliban sa: a.humihingi sila ng makaamang pagtangkilik ng gobyerno gaya ng ganap na pagbabago sa mga prayle at kawal sandatahan sa paglalapat ng katarungan at saibang pangangasiwa ng
gobyerno b.pagbabawas sa lakas at kapangyarihan taglay ng mga sibil c.pagkakaloob ng kaunting dignidad sa pagkatao ng mga tao d.pagkakaroon ng representasyon ng mga sawimpalad sa pamahalaang kastila 35.”Matuto kang yumuko sa mga maykapangyarihan.Ngunit hindi lahat ng sasabihin nila ay iyong susundin.”Sino ang mga makapangyarihansa bayan ang tinutukoy ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra? a.alkalde b.alperes at kura c.Don Rafael Ibarra d.Kapitan Tiyago
36. Sino ang pinakamataas na pinuno ng kolonya batay sa nobelang Noli Me Tangere? a.Alperes b.Cabeza de barangay c.Kapitan Heneral d.Prayle “Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking bayan!Kayong makakakita,salubungin ninyo ito,at huwag kalimutan ang mga nangabulid sa dilim ng gabi”. 37.Sa siniping pahayag na ito,ano ang tinutukoy na bukang-liwayway? a.kalayaan b.pagbabago c.paglago d.umaga 38. “Ang mga nangabulid sa gabi ng dilim” ay tumutukoy sa mga___ a.bayani b.kabataan c.ninuno d.pinuno ”Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw,lalong pag-ingata’t kaaway na lihim”---Pilosopo Tasyo. 39. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa___ a.naghahambog b.nagpapahanga c.nagpapanggap d.nagpapasaya 40.Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng bait ni Sisa? a.pagkakakulong ng dalawang anak b.pagkamatay ni Crispin c.pagkawala ng dalawang anak d.pagpaparusa kay Basilio 41.Wala sa sariling napatindig ang binata nang marinig ang salitang “ama at kulungan.” Nilapitan nito ang kura, sinuntok at idinikit sa leegang nadampot na kutsilyo.Akmang sasaksakin ang kura kung hindi langpumagitna at nakiusap si Ma.Clara.Aling bahagi ng banghay ng nobela ang tagpong ito?(kabanata 34-Ang Pananghalian ) a.panimula b.tumitinding galaw c.kasukdulan d.wakas 42.Ang uri ng tunggalian ginamit sa sa bahaging ito ng nobela ay___ a.tao vs. kalikasan b.tao vs. lipunan c.tao vs.sarili d.tao vs.tao 43.Alin sa mga kabanata ang maituturing na panimulang pangyayari ng banghay ng nobelang Noli Me Tangere?
a.Paghahadog ng Salu-salo ni Kapitan Tiyago b.Pagdating ni Crisostomo Ibarra c.Pag-uulayaw sa Asotea ng magkasintahan d.Pag-uwi ni Ibarra sa San Diego upang dalawin ang puntod ng ama 44.Si Donya Agustin Medel de Coca-isang mayamang nagmamay-ari ng Teatro Zorilla at mga lupain,ayaw niyang tanggapin ang kanyang pagka-Pilipina.Tukuyin kung sino sa mga tauhan sa Noli Me Tangere ang kumakatawan dito. a.Donya Consolacion b.Donya Pia Alba c.Donya Victorina d.Tiya Isabel
45.Sino naman sa mga tauhan ng nobela ang kumakatawan kay Kapitan Hilario Sunico-isang Pilipino na nagpasakop sa mga Espanyol , sunud-sunuran at walang sariling desisyon? a.Alperes b.Kapitan Heneral c.Kapitan Tiyago d.Tinyente Guevarra 46. “Ialok mo ngayon sa kanya ang ibang katipan!Akala mo ba’y nagpapalit ang iyong anak ng mga katipan na gaya lamang ng pagpapalit ng damit.” Mula sa binasang pahayag, tukuyinkung sino ang nagsabi nito at kanino ito sinabi. a.Crisostomo Ibarra kay Kapitan Tiyago b.Padre Damaso kay Kapitan Tiyago c.Padre Salvi kay Padre Damaso d.Tiya Isabel kay Kapitan Tiyago (47-50) Tukuyin kung sinong tauhan ang nagwika ng sumusunod na pahayag: a.Basilio b.Elias c.Pilosopo Tasyo d.Tinyente Guevarra 47. “Tagapaghatid po ako ng mithiin ng mga sawimpalad.” 48. “Makikiusap po ako kay Don Crisostomo Ibarra na gawin akong tagapastol ng kanyang mga hayop at hihingi po ako ng kapirasong lupa upang sakahin.” 49. “Para sa akin ang pagpipyesta ay walang kawawaang paglustay ng salapi.” 50. “Ikinagagalak kong makilala ang anak ng itinuturing kong pinkamarangal na tao sa bayan ng San Diego. “ `