MGA BUOD NG NOBELA LALAKI SA DILIM
Sa bahay ni Don Benito Benito sa Quezon City nakaupo siya sa sopa sa salas at kausap nya ang kanyang anak na si Rafael. Nung una’y una’y nag mumuni-muni mumuni-muni pa lamang si Rafael sa kanyang buhay dahil may nobya na siya ngunit wala parin siyang plano. Puro bisyo parin ang laman ng kanyang utak. Napagsabihan siya na magkaroon ng plano ni Don Benito. Sapagkat sayang ang kanyang pag aaral sa alemanya. Sabi nyay kung ayaw nya mag doktor edi tumulong nalang sya sa negosyo nilang pamilya o kaya naman kung gusto nya eh humanap sya ng kanyang ospital. Sabi din eh pag nag asawa na sila ni Margie eh mahihirapan sya. Si margarita ang tinutukoy nila. Habang nasa gitna sila ng pag uusap eh biglang tumawag ang kanyang kaibigan. Ang kaibigan na iyon ay si Nick Cuerpo. Isang lalaking may anak nat asawa at kanya ngang kaibigan. Ang sabi nitong si Nick eh niyayaya niya itong si rafael sa isang lakad.Nang marinig ni Don Benito ang kanilang usapan eh pinaalalahanan nanaman sya nito. At hindi ito nag kulang sa kanyang pag papaalala. Ang tanong ni Rafael eh kung saan pero hindi naman sumagot itong si Nick. Nasabi din ni Nick na tinawagan nya na ang iba pa nilang kaibigan ngunit si Lucas lang ang sumama. Sa huli ’y nalaman nyang pupunta sila sa isang nayt klab at bibigyan daw nila ng stag party itong si Rafael dahil mag-aasawa na ito. Linngo noon at pagkatapos syay sinundo. Nang makatating sila sa nayt klab ay madilim mailaw at may mga tugtug makikita mo rin ang mga hostes na sumasayaw. Inumpisaham na nila ang kanilang pagiiinom. Uminom sila ng wiski. At nag kwentuhan pa. Nang maparami na ang kanilang naiinom eh nakita nyang lasing na ang dalawa nyang kasama na si Nick at Lucas. Ang sabi ni Nick “humanap ka na ng Kursunada mo Rafae”l. Rafae”l. Ang Ang ibig sabihin nya eh ang hostes. Ang sabi nyay ikaw na ang maghanap para sakanya. Tapos may biglang may nabbangga si nick na babaeng hostes nung unay biniro nya ito ngunit sa likoran palay nakita silang ng mga nakatable dito at masama ang tingin sa kanila. Kaya’ Kaya ’t nilapitan sila nitong mga lalaking ito. Dalawa ang lumapit na tila lasing narin sa kanilang iniinom na alak. At silay kinausap.
Nang Nilapitan sila ng lalaki at kinausap sila. Masama na ang mga tama ng lalaki. Kaya itong si rafael eh pilit na naghahanap ng bouncer upang mapigilan ang pagaaway dahil maaaawat ito ng mga bouncer. Ngunit wala syang makitang bouncer. Nilapitan ulit sila ng dalawa pang lalaki kayat naging apat sa tatlo ito. Nang magkabunggoan na eh nag umpisa na ang sapakan. Nag sisipa at nag sususuntok. Hanggang sa mapahiga si Rafael. Nagkagulo ang lugar na iyon. Nang makadinig silang may pulis. Pilit na tumayo si Rafael dahil alam nya kung sasabit sya doon eh sasabit pa ang pangalan ng kanyang amang si Don Benito at alam nyang ikakasal na sya baka malaman pa ni Margarita. Kaya’ Kaya’t syay nagpumilit na sumibat. Dumaan sya sa bandang kusina sa likoran ng klab. Pero nakita sya ng isang pulis kayat pilit syamg hinabol niyo hanggang sa labas eh hinabol sya kayat pumara sya ng taxi at sinabi sa taxi driver na patakbuhin ang sasakyan ng mabilis at dodoblihin nya daw ang bayad doon. Kayat ganoon na nga ang ginawa ng driver. Pinatakbo nya ang taxi . At nang malaman nyang may humahabol na pulis eh sinabi nya sa driver na kaliwa, kanan,kaliwa,kanan hanggang sa malarating sila aa isang maliit na kalye at doon sya tumalon. Nalaman ng pulis iyon kayat hinanap sya ngunit wala syang makita kayat umalis nalang ito. Napadpad sya sa isang silong ng bahay at doon nakita nya ang maginang lumbas ng bahay upang umalis. Kayat
inakyat nya ang bahay at doon nakita nya ang isang magandang babae. Ang pangangatawa pangangatawa’’y maganda at ang mukha nito. Nag init si Rafael at tsaka nya ito ginahasa. Tinakpan nya ang bibig at hinawakan ang kamay upang hindi mag pipiglas. Pagkatapos nyang gawin yun eh. Nakita nyang bulag pala ito. At sobra syang nakonsensya sa kanyang ginawa. Nang magsisisigaw ang dalagang babae na labing walo hanggang labing syam ang edad eh tumakbo na sya papalayo. Pagdating sa bahay sinalubong sya ng kanyng ama pero hndi nya na lubos na nakausap ito dahil sa kalasingan nya . Kayat itoy nagtungo na sa kanyang kwarto. Ang huling naisip nya noong gabing iyon eh ang kanyang pinagsamantalahan. Pagising nya sa umaga nakita nyang may dugo sa salawal kayat naalala nya ang babaeng bulag. Hinugasan nya agad upang hindi mapansin ng katulong. Naisip ni rafael na dapat eh mag asawa na sya upang maiwasan na ang mga ganoong pangyayari. Kayat yun inasikaso na ang kasal nila margarita. Gumawa din sya ng paraan upang masuklian nya ang kalapastangganang ginawa at makapag hugas kamah sya. Kaya’ Kaya’t binigyan nya ito ng pera na gagastusin nito sa pagpapagamot. Ang pera na may sulat eh pinaabot nya sa isang batang nagdaraan. Sumapit ang kasal nya at naroon ang lahat kasama na ang kaibigan ni Margarita. Ayaw nya rito dahil iba ang tingin nito dito naroon din si Nick at nakilala ito ni margarita. Matapos nun eh pumunta na sila sa baguio upang doon mag honey moon. Sa byahe eh naalala nya nanaman ang babaeng bulag. Pagdating sa baguio ilang oras o sandali ginawa na nila ang mga ginagawa ng mga mag asawa. Hindi katulad ng sa bulag eh wala ng dugo ang kay margarita kaya ’t nagduda siya nagduda siya dito. Di nya na to pinaalam at makalipas ang ilang araw eh umuwi na sila sa bahay. Bukas ang klinika tinanong nya kung may nagtungong mag ina at nasabi ng nag babantay eh oo. Sabi ni rafael na sanay pinabalik nya ang mga ito at sinabi ng katulong eh oo pinabalik nya raw iyon Pag kauwi nya sa klinila dahil malapit lang ang klinika sa kanilang bahay eh nakita nya si margarita at kanyang ama na nag kakandamabutihan. Nag tatawanan tatawanan kayat nakiisa na rin sya doon. Isang araw sa silid ni rafael sa klinikay kinatok sya ng atendant nya at nasabing nariyan na daw ang mag inang bulag. Pinatuloy mo sabi at ayon nakita nya ang mag ina nakatingin pa sya noon sa bulag na babae at pagkatapos binaling ang ulo sa matandang babae. Tinanong kung anong mapag lilingkod at sinabing may nag rekomenda daw sakanya upang gamutin ang sakit sasabihintinanong nito kung anong pangalan ng bulag at napag alaman nyang Ligaya pala ang pangalan nuto. Ininterbyu muna nya ito. Unay kinakabahan syat masaya. Pagkatapos nooy tinignan nya ang babae. Nalaman nyang makakakita iyon dahil hindi naman malala ang sakit ng babaeng iyon kayat mapapakuta nya ulit iyon. Matapos tiganan eh tinanong kung kelan gustong umpisahan ang operasyon at sinabi nilang sa lalong madaling panahon kayat pinabalik nya ito ng ilang linggo. Biglang may tumawag sakanya si margarita at sinasabing nandoon daw sa bahay si nick. Paguwi nyay may bote ngbalak silang hawak at doo. Nag usap sila kinamusta langvsya ni nick kung ano ang nangyari sa kanya ng gabing yon at yun lang. Isang araw eh inihanda nya ang gagamitin sa babaeng bulag atvpag uwi nya sa kanilang bahay eh nadatnan nya doon ang kaibign. Nag taka sya kung bat di man lang sya tinawagan. Nagkwentuhan daw sila at nasarapan. Pag kauwj ni nick eh nasabi nya ang binyag ng anak nito at inmbitahan nya si nick at si margarita dito. Pagakatapos ng ilang araw eh inumpisahan nya na angbpag oopera kay ligaya. Inoperahan nya ito at pag katapos eh sinabi na maglalagi sya roon ng ilang araw upang mag pagaling. Dapat daw eh wag muna syang mag kilikilos upang hindi masira ang tahi sa kanyang mata. Nakaupo si rafael sa salas paglatapos kumain at nagbasa ng diyario pero di nya maituon doon ang isip. Dahil kay margarita at kay nick na nadatnan nyang masayang nag tatawanan.kayat tinawagan nya si nick upang malaman kung nasan yun at napag alamang nasa opisina nga ang kaibigan ngunit di nya malaman kung bakit sya nag seselos sa kanyangbkaibigan.
Huli na ng umuwi si margarita at sabi nitoy galing lang sa isang ensayo. Nang magtungo sya sa klinikay sinabi ni aling sela na may importante syang sasabihin. Tinanong ni rafael kung ano ito. Nasabi nitong madalas daw ang pag suauka ni Ligaya at baka daw nakakasama ito. Nasabi nitong baka buntis si Ligaya. At lubos na nagulat si Rafael dun dahil isang problema nanaman iyon. Nai kwento din ni aling sela kung ano ang nang yari na nagahasa si Ligaya. Ang sabi ni rafael dito eh kangan bigyan sya ng gamot upang maiwasan ang pag susuka upang hindi makasama kay ligaya. Dumatingbang araw ng binyag at nandoon lahat ang kaibigan ni nick unang lumapit si marina at nakipag kwentuhan sakanila tungkol sa nangyari sa klab. Nang gabing iyon pagkauwi eh pinipilit nila si Ligaya na iplaglag ang anak. Tinatanong nila ito. Dapat daw eh ipalaglag ito ni Ligaya pero parang ayaw pumayag. Pag uwi nyay nakita nya si margaritang may katawagan at syay nag dududa sa ganoong gawain ni Margarita. Dumalaw isang araw si margarita at naki kwrnto ni rafael ang nangyari sa babae na sya din ang may gawa sa kanyang asawa at ama. Ilang araw pay nakauwi na si Ligaya at doon nagsimula ang awayan nila rafael at margarita. Madalas may kausap sa telepono itong si margarita at ang ibang araw eh umaalis sya. Isang araw umuwi si margarota at tinanong ni rafael kung san sya nanggalin at sabi nito kina terry daw isang kaibigan. Dumadalaw dalaw si rafael kina Ligaya kung minsan upangvkamustahkn ang lagay nito. Sya ang naghatid sa bahay nila Ligaya kaya alam nya kung saan ito nakatira nang hindi sya nahahalata. Isang umaga eh nag paalam itong si margarita na makikipag kita daw sa isang kaibigan. Kina terry daw. Matapos non eh ilang sandali pat pumunta sa downtown itong si rafael upang bumili at magkape at sa hindi inaasahang pagkakataon eh nakita nya si margarita at ai nick na magkasama. Nilapitan nya ang dalawa na nasa isang kapihan . At hinatak si margarita sinabi nya na umuwi at sinabi nya kay nick na wag nang lalapitan muli ang asawa. Sa bahay , nagtalo sila dahil dun tinanong ni rafael kung bakit sila magkasama at ang sabi ni margaritay dahil naglita lang sila. Nag timpi si rafael sa mga nangyaring yun. Nanganak na si ligaya at siya daw ang kukuning ninong ng anak nito nakita nya ang bata at gusto nya itong hawakan pero hndi nya ginawa baka mahalata sya. Napansin dn nila na may hawig ang bat kay rafael at ang pangalan ng batay rafael din. Pagkauwi nyay narinig nya si margarita na makikipag kita at alas dos daw iyon. Dahil doon eh inawat nya si margarita ngunit hindi ito nagpaawat kay rafael. Kaya sinundan nya si margarita. Ang taxing sinasakyan nyay sinundan . Hanggang makaratimg sila sa isamg otel. Doon na balisa si rafael.umakyat sya ng hoter pero walang nakapagsabi kung asan ang asawa doon kaya ang kanyang ginawa eh hinintay nya itong si Ligaya at matapos ang ilang oras eh nakita nya si margaritat si nick na magkasama.dali daling lumabas sya ng kotse at doon bigla nyamg sinapak si nick. Kinaladkad nya si margarita dahil sa kanyang galit. Umuwi sila at napag usapan nila. Buti nalang hindi sya nakipaghiwalay pero simula noon eh magkaiba na sila ng kwarto. Malungkot si don Benito dahil hindi sila nag iimikan at nalaman na nito ang nangyari. Nang bumiaita ulit si rafael eh binyag na ni rafael jr. Ang anak nya kay ligaya. Unay kumain sya nakakita sya ng mga dalaga ngaunit di na sya naakit dito ang gusto nya lang eh makipag kaibigan. Pagkatapos eh nagbigay sya ng pakimkim dito sa inaanak nya. Atatapos nun masaya syang umuwi na tila nakalimutan nya ang problemanilang mag asawa. Pag uwi nyay wala paring kibuan . Ilang araw eh tumawag salanya si marina at parang nakipag kita. Nagusap sila tungkol sa kanikanilang asawa. Ilang linggo pat nabalitaan ni rafael na hiwalay na si marina kay nick kaya mas lalo syang kinabahan at naging malaya na si nick at kung gagawin nyang makipaghiwalay eh mas magihingmalaya sila. Pag tapos noon eh tapos na isang araw dumalaw si rafael kina Ligaya at habang nagkwentuhan nakita nya si margarita sumunod sa kanya. Nag eskandalo to sa bahay nila Ligaya at binastos pa nya si Ligaya. Kayat ng umuwi silay nag away sila mahaba ang pag aaway napag buhatan nya ng kamay si margarita at yun ang simula
ng kanilang hiwalayan. Nandahil doon nagkasakit si don benito at itoy namatay. Sa sobrang problemat pag iisip kaya ito namatay. Nakiramay si mr carrasco at sk margarita. At doon wala na silang pakielamanan. Dahil sa problemang iyon eh nag klab sya at nakipag talik sa hostes. Pag kauwi nitoy dumiretso aya kila ligaya at doon hinalikan nya ito at niyakap. Nagalit sakanya si ligaya kayat di na sya nito pinansin. Makaraan ang Ilang araw malik sya kila ligaya. Sya’y humihingi ng tawad sa kanyang nagawa . Pinatawad sya nito pero ayaw nya munang makipag usap kay rafael. Umulit ulit syang nagtunho kila ligaya at humingi ng tawad pero ayaw parin syang kausapin nito. Sa bahay nya eh sya nalang mag isa at ang mga katulong nakita nya sa dyaryo si margarita at nick. Namatay daw at pinatay ng isang babaeng nag ngamgalang marina. Nagulantang sya sa kanyang mga nakita at agad pinuntahan si marina. Nakipag usap sya dito at sinabing hindi nya kinaya. Kinuha daw ni nick ang kanyang mga anak sa piling ng kanyang mga magulang at ayaw nyang mangyari yon kaya kinuha nya ang baril sa bahay nila dati ni nick at noong unay dapat daw eh tatakutin lang pero nakalabit nya sa sobrang galit. Nakulong sya. Sabi nya eh hahanap daw si rafael ng kanyang magiging abogado upang syay makalaya. Pag tapos nung araw na yin nakapag ipon na ng lakas ng loob ai rafael at pumunta sya kila ligaya nung unay ayaw pa syang kausapin nito pero sa pag pupumulot nya na importante ang sasabihineh pumayag na. Sonabi nya ang lahat na sya ang lalaki sa dilim na sya ang gumahasa kay ligaya na sya ang nag bigay mpera . Gulantang si ligaya at si aling sela. Pero imbia na.magalit eh napatawad nila ito at sa huliy pinag minandal. Tumawag si mt carrasco at sinabing kung alam na ba ang nagyari kay margarita. Nakiramay sya dito at sa huli eh pinalibing nya sa tabi ng kanyang ama. Nakipag ayos din sakanya si mr carrasco na kanyang biyenan at pumayag naman syang makipag ayus dito. Sa huliy naging masaya itong si rafael sa pilung ni ligaya at kanyang anak. Niyaya nya rin itong si ligaya na makasal aila dahil nooy wala naman syang asawa at ayun nag tawanan sila na papayag naman din si ligaya naging masaya sila at lalo na si rafael dahil nahawakan nya na ang anak nya at hinalikan bigla nalang inihian sya nito at sa ganoon naramdaman nya ang isang maging ama.
ANG TUNDO MAN AY LANGIT DIN
Sa lugar na kung saan ay napakagulo, madumi at maingay na tinatawag na “Tundo” ay may isang pamilya na marangal at mahirap sila ay ang pamilyang del Mundo. Sila sina Victor, Aling Sion at Lukas.Si Victor ay nasa huling taon na ng kanyang pagaaral sa kursong Education. Isang hapon may tumawag sa kanya at nagyayayang lumabas bigla na lamang niya napagalaman na ang nasa kabilang linya ay ang kanyang dating kasintahan na si Flor tumawag ito para makipagusap at makipagkita sa dati nilang lugar na madalas pagkitaan.Nakipagkita naman si Victor at doon nagbalik lahat ng dating pakiramdam niya kay Flor.doon naipagtapat ni Flor na siya ay nagdadalang tao ngunit ang kanyang napangasawa na si Tonyo ay may asawa na kaya naman hindi nila kailangan na ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Sa paaralan naman ni Victor ay may naghihintay sa kanya siya ay si Alma Fuertes isang anak mayaman.kaya naman nagpaalam na si Victor kay Flor pagkatapos niya ipaalala kay Flor na hindi niya
dapat talikuran ang bata napag-usapan din nila ang kanilanag nakaraan. Pagdating ni Victor sa paaralan sa silid aklatan kung saan inip na inip na naghihintay si Alma kaagad silang nagtungo sa kanilang klase sa pangkaraniwang pagsasama nila Victor at Alma natural na sakanila ang madalas na pagaasaran at tampuhan ngunit sa pagtatapos ng araw ay nagkakabati naman sila.pagdating sa kanilang klase nagkailangan ang dalawa sapagkat sa nangyaring matagal na paghihintay ni Alma sa kanilang pag-uwi nagyaya na manood ng sine si Alma kasama ang mga pinsan at kaibigan ng dalawa ngunit tumanggi si Victor sapagkat sakanyang isip ay nandon pa din ang ipinagtapat ni Flor sakanya hindi niya maiiaalis sa kaniyang isip na may nararamdaman pa din siya kay Flor. Sa kanilang buhay eskuwela natural na kay Victor ang makipagpalitan ng kanyang ideya at magbigay ng reaksyon lalong lalo na ang pagyurak sa mga kapuspalad.sa kanilang araw araw na paaralan na magkasama ni Alma na kanyang kaklase ay hindi mawawala na nahuhulog na ang loob ni Alma kay Victor.madami na din ang kanilang napagsamahan kaya naman ng maihatid ng kanyang mga kaibigan na sila Monching na nakita nila si Victor noong araw na si Alma ay naghihitay dito na may kasamang magandang babae sa isang palamigan kaagad na nagtampo itong si Alma at sa natural na nagyayari sa kanila ay nagkatampuhan nanaman sila ni Victor.ngunit naulit ang pagkikita ni Flor at Victor ngunit ito naman ay sa apartment mismo ni Flor. Sa bahay naman na marangya ni Alma hindi niya maramdaman ang kasiyahan sa lipunan na kanyang kinabibilangan.lalo na sa isang panaginip na bumabagabag sakanya dahil sa isang sikreto na nalman niya tungkol kay Mister Fuertes ang kanyang ama.Na itoy may nabuntis na kanilang kasambahay na nagngangalang Dolores at binayaran na lamang upang lumayo at manahik.kaya nman ipinangako niya sa kanyang sarili na hahanapin niya si Dlores at ang anak nito Sa ganitong suliranin ang Talaarawan na lamang ni Alma ang kanyang sabuhan ng problema sa suliranin na ito at sa lihim na pagmamahal niya kay Victor. Sa kanilang pagkikita ay muling bumalik sa kanila ang kanilang nakaraan ngunit ayaw na nito balika pa ni Victor dahil para sakanya kailangan na harapin ni Flor ang kanyang kapalaran at hanapin ang langit.Hindi kagaya ng kanyang pagtalikod ni Flor sa Tundo.matapos ang pag-uusap nagpaalam na si Victor at umuwi sa Tundo doon naabutan niya sila Lukas,Paeng Gasti,Pilo at Tatong BamBan na nagkakasiyahan kahit na tumangggi siya ay naupo pa din siya.matapos ang inuman ay naparambol sila ni Lukas sapagkat noong sila ay umiinom nagkaroon ng hindi magandang pagtitinginan at ang pagagaw ng kanilang nakaalian sa kanilang inorder na pampalamig.kinabukasan nalaman ito ng lahat.ngunit sa natural na araw-araw ay pumasok pa din sa pag-aaral si Victor at magtrabaho sa palimbangan kung gabi.hindi siya nagpaapekto sa Rambol na angyari.lumipas pa ang ilang araw papalapit na ang kanyang pagtatapos napagpasiyahan ni Victor na huwag ng pumunta sa kanilang baccalaureate ngunit. Kinabukasan ay pinilit siya ni Alma na dapat siyang pumunta dahil minsan lang iyon at ito ang kapalit ng kanyang paghihirap.napag isip isip naman ito ni Victor na hindi niya dapat ipagkait sa kanyang pamilya ang kaligayahang madadama nila sa pagtatapos niya lalo na ang kanyang ina na si Aling Sion naisip ni Victor kasi an ibigay na lamang ang kanyang sweldo kay Lukas para sa lisensya nito imbes na pambili ng toga.palapit na ang araw na kanilang baccalaureate.Pagkauwi ni Victor ay naabutan niyang nasa hagdanan si Lukas at wari Masaya sinabi nito sa kanyang nanay na ilabas ang ibibigay nila kay Victor ang kanilang handog at ito ay isang bagong toga,nagalak si Victor at sinukat ni Victor ang pamilya at maluhaluha noong
gabi
na iyon.naisipan niyang bigyan
ng
regalo
si Alma sa
kanilang
baccalaureate.matutuloy na ang ang pagdalo ni Victor.Sa araw ng baccalaureate nagulat si Alma sa pagdalo ni Victor.nagpasalamat si Alma sa regalo at nanagkong kinabukasan na niya dadalhin ang kanyang handog. Ito ay ang kanilang graduation. GRADUATION DAY. Lahat ay abala at naghahanda si Lukas ay naging Masaya din hinanda niya nag kanyang sorpresa kay Victor at ito ay si Flor na kanyang nakita noong araw na iyon.Si Victor naman ay maagang umion. alis upang sabihan ang kanyang boss sa palimbangan na hindi siya makakapasok kaagad naman itong pumayag. Sinabi ni Victor sa kaliwang bahagi na lamang ng stage magkita at sumipol sila upang malaman ni Victor kung nasan sila pupunta sila Paeng Gasti.Pilo at Tatong Bamban,Lukas at siyempre si Aling Sion. Ibinilin din ni Victor na palakpakan din nila si Alma Fueretes.Noong araw din na iyon ay dumating ang Ilan sa kanilang mga kapitbahy sa Tundo at pinakilala din ni Victor kay Alma ang kanyang pamilya at kaibigan.Ganun din naman si Alma ngunit ang pamilya ni Alma ay nagparamdam ng lamig kala Victor at sila Victor ay nagpaalam na din at pinagpasyahang kumain sa isang restaurant,ang sumagot ay si Flor na andon din.nalungkot naman si Alma at inilagay sa kanyang talaarawan na nalulungkot siya sa mabilis na pagalis ni Victor. Pagkatapos ng graduation ay nagkaroon na si Alma ng trabaho sa ilang araw. Ngunit itong si Victor ay napagpasiyahang magtayo o maglunsad ng pagtuturo sa matatanda sa Tundo.madami ang nagtaas ng kilay ukol ditto ngunit ipinagpatuloy niya ito sa kabila ng kakaunting sumasangayon.Samantala,pinakilala naman nila Paeng Gasti, Lukas kay Victor sa konsehal na si Paking na maaring maglakad sa appointment ni Victor upang makapagturo.noong una ay nagmatigas si Victor ngunit pumayag din dahil sa kanyang ina na pumayag na tanggapin niya ito. Sa pagkakaibigan na iyon ni Lukas kay Paking ay napaginitan siya ng mga kaaway sa Politika ni Paking na si Reyes.nasaksak si Lukas at nadala sa ospital sa pagdaan ng araw ay gumaling si Lukas at pinagpatuloy ang pagkampanya kay Paking.Samantala natagpuan na ni Alma si Dolores na katulong pala ni Flor sa Tulong na din ni Victor.napgalaman ni Alma na ang anak ni Dolorse ay buhay at nagngangalang Boy.nagalok si Alma na sustentohan ang bata ngunit ito ay tumanggi ngunit ang kanyang pakiramdam ay gumaan na.Sa kabilang banda naman ay unti-unti na nagkakalapit sina
Victor
at
Alma.at
di
lumaon
ay
naging
magkasintahan
at
patuloy
pa
din
ang
pagbabangayan.Samantala si Flor naman ay nanganak at pinangalanan an Anton Boy Flores na dinala ang apelyido ni Tonyo.naging Masaya si Tonyo at naging lubos ang kanyang kasiyahan n gang kanyang tunay na asawa ay tinanggap ang kamaliaan ni Tonyo ang kanyang asawa na si Chabeng ay tinagap si For.napagpasiyahan ni Flor na putulin na nag ugnayan nila ni Tonyo.at naging masiya silang lahat. Sa patuloy na magnadang pagtitinginan ni Victor at Alma ay pumunta ng Sabado si Victor kala Alma upang harapin ang ama ni Flor.noong nakita ni Mister Fuertes ang mga ngiti ni Alma habang kasaman si Victor ay maayos niyang tinggap si Vicor.Samantalang biglang sinabi ni Alma na sila ay magpapakasal.at kinasal nga sila sa kabila ng karangyaan ni Alma pinili niya maging simple ang lahat pati ang kanilang titirhan na binayaran ni Lukas ng isang taong upa.naging Masaya lalo si Alma ng sa oras ng kanilang kasal ay binulong ng kanyang ama na susustentuhan niya si Dlres at ang bata.ang kasal na iyon ay naging payak at sa huli ay masayang nagyakap at ibinigay sa isa’t isa ang panganay na halik at binaggit ni Alma na….. “Ang langit ko’y ikaw; Ikaw ang langit ng a king bagong daigdig , daigdig na nasa Tundo, nasa iyo,”
SAMPAGUITANG WALANG BANGO
Noong 17, 1917, araw ng Sabado, sa palasyo ng Malacanang ay nagkaroon ng isang malaking pagdiriwang bilang pagtanggap sa bumubuo ng lehislatura. Ito ay dinaluhan ng mga panauhin mula sa matataas na antas ng lipunan. Kabilang sa mga panauhing pinakatampok sa kagandahan sa gabing iyon si Nenita. Kasama niya ang kanyang asawa na isang mayaman at tanyag na mangangalakal, si Mang Bandino. Habang siya’y tahimik, nagpatuloy sa pag-aaliw ang kanyang kabiyak na tuwang-tuwa sa pakikipagsayaw sa iba’t ibang babae. Niyaya siya ni Pakitong sumayaw at ito’y kaniyang pinaunlakan. Si Pakito ay ang binatang abogado na dating kasintahan ni Nenita na magpahanggang ngayon ay taos-puso pa ring umiibig sa kanya. Dahil sa kapaguran sa pagsasayaw, nagpasya ang dalawa na magpahinga nang sila ay makapag-usap. Sa kanilang salitaan, may mga tinuran si Nenita na nakatawag ng loob ni Pakito. Mukhang may dinaramdam ang kanyang sinta sa asawa nito. Muli silang sumayaw at ipinagpatuloy ang kanilang salitaan. Nanariwa ang pag-ibig na napaham ng panahon sa pagitan nilang dalawa. Pagkatapos ng isang tugtog ay nagpasya ang dalawa na tumigil na ngunit nangakong ang muli nilang pagkikita ay hindi nagtatapos sa piging na iyon at nagkasundong magkikita sa darating na Sabado. Sa pagsapit ng madaling-araw, nagpaalam na ang mga panauhin, ang mag-asawang Deala gayundin si Pakito na nagkasabay sa kanilang pag-alis. Araw ng Linggo, nagising si Nenita na wala ang kanyang asawa sa kanyang tabi. Gayunpama’y batid na niya na sa abala na naman ito sa pag-aaliw. Habang nasa harap ng salamin, nakikita niya ang sarili na hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagandahan na lubos na kinahuhumalingan ng maraming lalaki lalo na ng siya ay dalaga pa lamang. Wala na siyang ibang dinidili kung hindi si Pakito. Sa muli nilang pagkikita ni Pakito, hindi na niya pinagpapansin ang pag-aaliw ng asawa. Muling binalikan ni Nenita ang matamis nilang simula ni Pakito at ang pagdating ng araw ng hapis sa kanilang pag-ibig na naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Hanggang sa pinag-aaralan niyang limutin si Pakito at nakilala si Bandino na naging kanyang kabiyak. Nang malaon, ay nalaman ni Pakito ang kanyang pagpapakasal at ito’y lubos na nanibugho sa pag-aakalang iniwan siya ni Nenita dahil sa kaniyang pagiging maralita. Sa kalauna’y nalaman ni Nenita na mali ang kanyang hinala kay Pakito na may ugnayan ito kay Liling. Magkagayunpama’y naisip niyang kanya ng muli si Pakito. Tinawagan niya ito at sinabing tuloy ang kanilang pagkikita sa araw ng Sabado. Samantala, nahihiwagaan naman si Pakito kung ano ang sasabihin sa kaniya ni Nenita. Naisip niyang itigil na ang muling pakikipag-ugnayan sa dating katipan ngunit naramdaman niyang muli ang pagtibok ng kaniyang puso para sa babaeng may asawa na. Nagtungo si Pakito sa klub kung saan ngkakaingay ang kaniyang mga kasama. Ang klub ay itinayo ng mga maykaya at titulo sa lipunan na kung saan ito ay may sari-sariling libangan. Kasama ang matalik na Peralta at Collantes, pinag-usapan nila ang tungkol sa pag-iibigan ng may-asawang lalaki. Sinabi ni Peralta na ito ay imoral at labag sa batas ng lipunan. Samantalang ayon naman kay Peralta, ang hindi pagtanggap sa babaeng nag-aalay ng ligaya bagaman ito ay may asawa na ay karuwagan at insulto sa pagkalalaki. Matapos ang makakatuwirang palitan ng mga pahayag, nagkabiruan ang magkakaibigan maliban kay Pakito na naiwang tahimik na iniisip ang mga narinig sa salitaan. Isang umaga, napadaan sa tapat ng bahay ng mga Deala si Don Diego. Inanyayahan siya ng magasawang Deala sa kanilang tahanan at nagalak ang matanda sapagkat nakita niyang magkasama ang mag-asawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Don Diego ang pag-aaliw at pagtataksil ni Mang Bandino, kaya nama’y lubos siyang naawa sa asawa nito na lagi niyang nakikitang malungkot.
Samantala, isang araw ay nagtungo so Mang Bandino sa tahanan ni Don Diego. Ikinuwento niya rito ang kanyang mga karanasan sa pang-aaliw at katulad ng dati, nagkukuro ang matanda tungkol sa kaniyang mga maling gawain. Sinabi nito na kung si Nenita ang nagkaroong ibang lalaki, marahil ay hindi rin niya ito matatnggap. Naisip ni Mang Bandino na hindi niya iyon matatanggap at baka makapatay pa siya. Ngunit hindi siya nag-aalala sapagkat uliran at mabait ang kaniyang asawa. Kinaumagahan ay ipinagmalaki pa ni Mang Bandino ang kanyang tagumpay na mapasagot ang isang babaeng matagal na niyang kinahuhumalingan. Walang nasabi ang matanda at awang-awa kay Nenita. Araw na ng Sabado, sa paligid ng Luneta ay maraming magagarang babae at sasakyan ng mga kalalakihan. Ang lugar na ito ay naging aliwan na ng mga tinatawag na hari. Dito rin magtatagpo sina Nenita at Pakito. Sa kanilang pagtitipan ay namayani ang simbuyo ng pag-ibig. Muling nanariwa kay Pakito ang kanilang matamis na yaman ng kahapon ngunit ipinaalaala ni Nenita ang kanilang kalagayan. Gayunpaman ipinilit pa rin ni Pakito na ibalik ang dati nilang pag-ibig na madali namang sinang-ayunan ni Nenita. Napagdesisyunan ng dalawa na mananatiling isang lihim ang kanilang pagtatalik habang buhay. Ito ang gabi ng pagsisimula ng kanilang pagtataksil. Samantala, nag-iisip ng malalim si Don Diego tungkol sa babaeng kaibayo niya sa tabing-dagat na malapit sa may Luneta kasama ang abogadong Herbosa. Natanto niya na iyo’y walang iba kung hindi si Nenita, ang asawa ng matalik niyang kaibigang Bandino. Nangilabot siya sa maaaring sapitin ni Nenita kapag nalaman ni Mang Bandino ang kaniyang pagtataksil. Naisip niyang ito ay paraan marahil ni Nenita upang makilala ng asawa ang ginagawa nitong kasalanan. Ngunit nanghihinayang siya sapagkat ang inakala niyang sampaguitang pinakatampok ay isang sampaguitang walang bango. Siya ay nagalit sa mga magagarang may-asawang babae at tinuring ang mga itong sampaguitang walang bango dahil sa nasaksihan niyang pagtataksil ni Nenita. Nakatanggap ng isang liham si Pakito mula kay Pilar Amado o Liling na ikinapawi ng tuwa’t sayang kanyang nararamdaman. Ang babaeng ito ay kanyang katipan mula ng siya ay itinakwil ni Nenita. Sinagot niya ang liham at isinulat niya na hindi niya nababatid ang mensahe ng liham, gayunpama’y humihingi siya ng paumanhin sa dalaga. Samantala, tinawagan niya si Nenita upang tanungin kung ito ay tutungo sa handaan ni Esteban at sinabi rito na huwag ng tutungo sa uma no’y pagdiriwang sapagkat maaaring mabunyag ang kanilang lihim. Ngunit ang totoo ay makikipagtipan siya kay Liling sa mismong handaan. Sa araw ng piging sa bahay ni Esteban Collantes na para sa binyag ng pamangkin nito, naroon si Liling at dumating din si Nenita sa kabila ng pagtutol ni Pakito. Nang magtagpo ang dalawang babae, masaya silang nagbatian at nagyakapan. Naroon rin si Don Diego na lihim na nagmamasid sa mga babaeng naroroon at tinuran sa sariling wala na talagang dalagang Filipina. Hanggang sa nasilayan niya si Liling at pinabulaanan nito ang kanyang dinidili tungkol sa babae. Bukod sa kanya, napansin din ng mga kasamahan ni Pakito ang kahinhinan ni Liling na higit sa ibang babaeng naroroon,kaya naman ninais nilang ito’y makilala sa pamamagitan ni Pakito na kakilala ni Liling. Samantala, nakipagsayaw naman si Nenita sa maraming kalalakihan ngunit hindi pa rin siya nilalapitan ni Pakito na tahimik sa isang sulok. Nang tangka niya itong lapitan, siya namang paglapit dito ng isang babae at nagtungo ito sa komedor na agad niyang sinundan. Doo’y kaya itong inusisa at tila nagulat si Pakito sapagkat akala niya ay si Liling ang kakausapin niya. Dahil sa pangambang maabutan sila ni Liling sa gayong sitwasyon, itinaboy niya si Nenita na lubos naman nitong ikinagalit. Sa pagbalik ni Pakito sa kasiyahan, narinig niya ang mga paghanga at papuri kay Liling. Isinayaw niya nag dalaga na ikinainis lalo ni Nenita. Nang sila’y pauwi na, sinabi ni Nenita kay Pakito na siya’y ihatid na may
kagaspangan sa pagsasalita, dahilan para mapansin ito ni Peralta. Dahil sa inasal ni Nenita nabatid ni Peralta ang lihim nila Pakito. Dahil hindi nakapag-usap sina pakito at liling sa piging ni Collantes, nagtungo siya sa tahanan ng dalaga. Sa kanilang pag-uusap ay tinuran ng dalaga ang pagbabago sa pakikitungo sa kaniya ng katipan na naging dahilan ng pagkakaroon ng mga agam-agam at pag-aalinlangan sa katapatan nito. Upang mapawi ang mga pag-aaalinlangan ng dalaga, hinamon siya ni Pakito na magpakasal silang dalawa. Ikinabigla naman ito ni Liling. Nagdalawang-isip siya at nagpasiyang huwag tanggapin ang hinihiling ng katipan sapagkat ayaw niyang magkaroon ng maling desisyon na pagsisisihan niya sa huli. Lubos itong ikinalungkot ni Pakito at nagpaalam ito na wasak ang puso. Ngunit ang pagtanggi ni Liling ay paraan lamang niya upang subukin at sukatin ang lalim ng pag-ibig sa kanya ng binata. Dahil sa lumbay na nararamdaman ni Pakito, nagtungo siya sa Luneta at nadatnan niya si Nenita at ang anak nito. Matapos, libangin ng alilang si Salud ang anak ni Nenita, nag-usap sina Nenita at Pakito. Inusisa si Pakito ni Nenita kung bakit galit na galit ito sa kaniya nang hindi niya ito sundin na huwag magtungo sa piging. Hindi siya tinugon ni Pakito hanggang sa nagbadya nag pagbuhos ng ulan. Nang wala ng mga tao sa paligid, hinila ni Pakito si Nenita patungo sa kaniyang oto hanggang tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Samantala, nagtungo ang magkaibigang Mang Bandino at Lijuicom sa Silver Pollar. Doon sila ay nag-inuman at buong pagmamalaking ikinuwento ni Mang Bandino ang kaniyang tagumpay sa pagsulot sa lahat ng babaeng may asawa na ay nahuhumaling pa sa kaniya. Pagkatapos niyon ay nagtungo sila sa bahay-sayawan sa San Juan kung saan naroon rin ang ilang kaibigan ni Pakito tulad ni Peralta. Habang nagsasayaw ang magkaibigang lasing na sa alak, napansin ni Peralta si Mang Bandino na asawa ni Nenita. Dahil sa nabatid niyang lihim nina Pakito at Nenita, naawa siya sa mayamang mangangalakal. Ngunit sa nasaksihan niyang pag-aaliw nito, nasabi niyang may katwiran ang ginagawang pagtataksil ni Nenita. Naguguluhan si Pakito sa kaniyang nararamdaman para kay Nenita at Liling kung kaya’t ikinuwento niya ang tungkol dito sa matalik niyang kaibigang si Peralta. Sinabi nito sa kanya na ang nararamdaman niya para kay Liling ay pag-ibig at tukso lamang ng kaniyang pagkalalaki ay kay Nenita. Gayunpama’y pinayuhan din siya ni Peralta na magpakaligaya muna sa pagiging binata at pag -isipang mabuti ang pag-aasawa. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagtungo siya sa bahay nina Liling. Sinabi niya rito na hindi pa tamang panahon para sila’y magpakasal. Kaya naman naisip ni Pakito na habang wala pa siyang asawa ay magpapakaligaya muna siya kay Nenita. Pagkatapos niyo’y tinawagan niya si Nenita subalit ang alilang si Salud ang nakasagot ng tawag. Nalaman ni Nenita na batid na nito ang kanilang lihim ni Pakito kaya naman lubos siyang nag-alala. Binayaran niya ito at binigyan ng ilang damit at nangako naman ito na mananahimik. Nang nagkausap na sila ni Pakito, nanaig ang kanilang di mapigilang damdamin na kahit sa linya ng telepono ay nagawang mgapalitan ng maiingay na halik. Hanggang sa dumating si Bandino na walang kamalay-malay sa pagkakatuwa ng kaniyang asawa. Dalawang buwan na ang lihim na pagtataksil nina Pakito at Nenita. Naging madalas ang kanilang pagtatalik na kahit sa pamamahay ni Mang Bandino ay naging ganapan na ng kanilang pagsasarili. Akala ng dalawa’y sina Salud at Peralta lamang ang nakaaalam ng kanilang makasalanag lihim ngunit nababatid din ito ng kaibigan ni Mang Bandino na si Don Diego. Bukod pa rito, nalaman din nitong pinagnanakawan ang kaniyang kaibigan. Samantala, isang gabi, nang nasa loob ng kwarto nina Mang Bandino at Nenita si Pakito, ninais nitong doon din mapalipas ng gabi. Ngunit hindi pumayag si Nenita hanggang biglang dumating si Mang
Bandino. Mabuti na lamang ay naging alerto si Salud. Sila’y nasabihan at nkapagtago si Pakito samantalang namumutla naman si Nenita. Nagkaroon ng prusisyong bayan para sa pagsisimula ng karnabal. Napakaraming tao na halos karamiha’y magagandang babae. Isa na rito si Nenita na nakasakay sa isang magarang karo. Nginitian nito sina Peralta at Pakito. Samantala pagkatapos ng prusisyon ay nagtungo ang magkaibigan sa tinatawag na Jardin de las Palmas. Sa loob nito ay may mga pribadong silid at agad naisip ni Pakito si Nenita. Tinawagan niya ito at nagkasundong magtatagpo sa koronasyon. Dahil sa kapal ng tao, nahirapan si Pakito na hanapin ang katipan. Nang sila’y nagkatagpo, sandali silang sumayaw at pagkatapos niyo’y dinala na ni Pakito si Nenita sa Jardin de las Palmas. Sa pagpasok ni nenita, nakita niya si Lijuicom. Siya’y nahintakutan ngunit ito’y pinawi ni Pakito. Sa loob ng pribadong sili na Le Sonaire, naganap ang muli nilang pagsasarili. Pagkatapos niyon ay bumalik na sila sa sayawan. Doo’y nakita ni Nenita ang kanyang asawa na nag-aaliw pa rin ngunit ng makita niyang muli si Lijuicom, matatalim ang tingin nito sa kaniya. Hanggang sa ika-7 araw ng karnabal, ang pagsasarili nina Pakito at Nenita ay muling naganap sa Jardin de las Palmas. Ngunit ang hindi nila alam, lihim silang sinusundan ni Lijuicom. Sa kaniyang nalaman, lubos siyang nanibugho para sa kaibigan. Noong una ay ayaw pa niya itong sabihin ngunit kalauna’y hindi na niya ito natiis. Ibinunyag niya ang lahat sa kaibigan. Sobrang galit ang nakita niya kay Mang Bandino lalo na ng makita niya ito ng harapan. Sinabi nitong makapapatay siya ngunit pinaliwanagan niya ito na nakinig naman sa kaniya. Hindi umuwi ng bahay si Mang Bandino. Tanghali na ng umuwi si Mang Bandino sa kaniyang tahanan. Nadatnan niyang natutulog ang kaniyang asawa at anak. Nang magising si Nenita inusisa niya ang asawa ngunit sa galit ni Mang Bandino isinigaw niya ang buong pangalan ni Nenita na Ana Maria Del Prado. Naramdaman ni Nenita na tunay na nagagalit ang kaniyang asawa. Sinabi sa kaniya ni Mang Bandino ang lahat ng kaniyang nasaksihan. Nagulantang naman si Nenita sa pagkakabunyag ng kanilang lihim ni Pakito. Naisip ni Mang Bandino na maaaring ito ay kabayaran sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa asawa niya. Naranasan na rin niya kung paano pagsukaban ng asawa. Nagtungo siya sa bahay ni Don Diego upang ihinga ang lahat ng kanyang sama ng loob. Sa paglalahad niya sa matanda. Pinayuhan siya nito na walang magagawang mabuti ang paghihiganti sapagkat ito ay maaaring lalo pang ikalugmok niya sa kahihiyan at kapahamakan Kumalat na ang balita tungkol sa pagtataksil ni Nenita. Marami ang nasuklam sa kaniya at naawa sa kaniyang asawa. Samantalang tagumpay naman ito ni Pakito para sa kanyang mga kasamahan sa klub. Ngunit hindi ito naging lingid sa kaalaman ni Liling. Sinulatan niya si Pakito at sinabing tapos na ang lahat sa kanilang dalawa. Dahil dito, nanlumo si Pakito at sinisi si Nenita. Naging malungkot ang bahay ng mga Deala at ilang araw na ring di lumalabas si Mang Bandino. Lubha siyang nanibugho sa galit kay Nenita kaya’t pinasunog niya ang lahat ng larawan nito. Naisip niyang maghiganti ngunit ito’y hindi makabubuti. Naisip din niyang magpakamatay ngunit magiging kaawa-awa lamang ang kaniyang anak. Kinaumagahan ay nagpahanda siya ng masarap na almusal at nanaog sa likod-bahay. Nakita siya ni Nenita at inutusan ang anak na lapitan ito. Samantala, binunot ni Mang Bandino ang kaniyang baril at tinangkang paputukin nang biglang tawagin siya ng kaniyang anak at sa lupa niya ito ipinutok. Mag-iisang buwan na ng naging ulila sa asawa’t anak si Nenita. Mula ng nagpaputok ng rebolber si Mang Bandino, nilisan na nito ang kanilang tahanan kasama ang kanilang anak at kailanman ay din a bumalik. Lubos siyang nalungkot at nagdadalamhati. Natanto na ito marahil ang parusang dulot ng kaniyang pagtataksil. Ang pagkawalay sa ank ang pinakamabigat na parusa. Huli na rin para sa kaniya
ang pagsisisi sapagkat wala na ang kaniyang puri at dangal. Naisip niyang kitilin ang sariling buhay ngunit pinipigil siya ng pagmamahal sa anak. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkakalihis ng kaniyang landas. Nagkatipon muli sa klub sa Pasay ang mga kasamahan ni Pakito. Doo’y pinag -usapan nila ang pagtataksil ni Nenita sa asawa. sa pagdating ni Peralta, isinalaysay niya ang lahat ng nalalaman tungkol kay Pakito at Nenita. Sa huli, sinisi nilang lahat si Nenita sa pagkakalugmok ng asawa nito sa kahihiyan, sa pag-alis ni Pakito sa Maynila patungo sa malayong probinsya, pagkakasakit ni Liling at ang pagkaudlot ng kasal nina Pakito at Liling. Sa pagwawakas, naiwan si Nenitang lugmok sa kahihiyan at kalungkutan. Mistulang baliw na ang dating pinakatampok na babae sa Maynila dahil sa pagdadalamhati sa pagkakalayo sa anak. Si Pakito, naninibugho ang puso sa muling pagkabigo sa pag-ibig dahil sa tukso ng dating katipan. Nilisan niya ang Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Si Mang Bandino naman ay tuluyan ng nilisan ang Maynila kasama ang kaniyang bugtong na anak na nangungulila sa pagkalinga ng ina.
ANAK NG LUPA
Ang akda ay nagsimula sa pagtutulungan ng mga taga-Makulong sa paggagamas ng damo nga kanilang lupang sakahan para sa paghahanda para sa sunod na ani. Ito ay para na din sa pagdating ng bgaong may ari ng lupa na si Senyor Martin. Ang pagsasaka ang pangunahing buhay ng mga taga-Makulong. Ito ang kanilang buhay. Habang naggagamas ng damo ang mga lalaki ay sinasabayan ito ng mga kasiyahan ng ibang magsasaka tulad ng kantahan, sayawan at kantyawan. Kasabay na din nito ang paligsahan ng mga kabinataan sa paggagamas ng damo para lamang mapahanga nila ang kanilang mga babaeng nagugustuhan. Sa Makulong kasi, kung sino ang binatang sanay na sa mga gawaing bukid ang siyang handa na mag-asawa. Syempre, kapag may mga ganitong gawain sa Makulong, hindi nawawala ang mga tagapaghanda ng pagkain at maiinom para sa mga nagpapakahirap sa bukid. Ang mga kadalagahan naman ang siyang bahala sa ganitong bagay. Habang kumakain ang mga binata at ibang magsasaka, napag-usapan naman ng ilang katandaan at kabataan si Toryo, ang tanging taga-Makulong na nakapagtapos ng hayskul at may pagkakataong makapag-aral sa Maynila sa tulong ni Senyor Martin. Hanga sila sa binata sapagkat kahit matagal itong nawala sa Makulong ay marunong pa ri ito maggamas at hindi talaga nakakalimutan nito ang pinagmulang pamumuhay. Pati ang mga kadalagahan ay napapahanga sa kanya at hindi naiiwasang ipareha kay Bining, ang anak ni Ka Sabel at Ka Anane na siyang pinakamaganda at pinakamahinhin sa lahat ng mga dalaga sa nayon. Kinagabihan matapos ang araw na iyon ay napag-usapan nina Ka Anane at Ka Antang ang tungkol sa pagaasawa ng anak niang si Bining. Halos umiiwas si Bining na pag-usapan ang ganoong bagay pero nasa tama na siyang edad para lumagay sa tahimik. Nang matutulog na ang pamilya ay biglang dumating si
Toryo kasama ang iba pang kabinataan ng nayon. Nangharana ang mga iyon upang makuha ang pagtingin ni Bining. Ito ay isang tradisyon sa Makulong upang makuha ang matamis na oo ng isang babae. Binigyan naman ng pagkakataon ng mga magulang ni Bining na magkausap sila ni Toryo. Tulad ng inaasahan ay namutawi sa mga labi ni Toryo ang mga salitang makakapagpa-ibig sa dalaga. Ngunit biglang naiba ang ihip ng hangin ng mapag-usapan ng dalawa ang tungkol sa pag-alis ni Toryo papuntang Maynila upang mag-aral. Natahimik ang dalawa. Alam kasi ni Bining na aalis din si Toryo para ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Gustuhin man daw ni Toryo na hindi na tumuloy ng Maynila, ay hindi na iyon magagawa sa kadahilanang iyon ang pangarap ng nayon para sa kanya. Nagpaalam na sina Toryo at iba pang kasamahan nitong tumulong sa panghaharana. Kinabukasan ay nagkatumpukan na naman ang magkakaibigan, sina Toryo, Oyo, Emong at Oden kasama si Ka Baleryo. Usapang lalaki ang apat na pawang paninilong, panghaharana at pag-aasawa ang napapagusapan. Hindi pa ganap na lalaki si Oden kaya’t napagpasiyahan niyang magpatuli kay Ka Baleryo. Tulad ng inaasahan, ang pagsasagawa ng bagay na ito ay sa paraang naaayon sa tradisyon ng Makulong - ang paraang pukpok habang nanguya ng dahon ng bayabas. Sa simula ay natatakot pa si Oden pero nalampasan din naman niya ito. Sa ngayon ay masasabi na siya ay isang tunay na lalaki. Pinaalalahanan ni Ka Baleryo at ng ibang kasama si Oden na huwag muna magbabayo, maggagamas at dapat ay langgasin nya iyon ng dahon ng bayabas tuwing umaga. Napag-usapan naman ng ilang katandaan ang pagdating ni Senyor Martin bilang may-ari ng lupa na kanilang sinasaka. Iniisip nila kung papaano ang magiging bagong buhay nila sa bagong may-ari ng lupa. Naungkat din ang pagpapapista ng senyor sa kanilang nayon. Pakiramdam ng madaming katandaan na nag-uusap-usap na may isang malaking pagbabagong magaganap sa Makulong. Pagkauwi naman ni Oden ay agad siyang pinagpahinga ng kanyang ama na si Ka Bisyong at pinaalalahanan na matulog sa lugar na hindi siya malalakdawan ng kanyang ate na si Ligaya. Ngunit bago matulog ang magkapatid ay nakapag-usap sila ng ilang mga bagay – mga bagay tungkol sa paghihirap na buhayin sila ng kanilang ama, pag-aasawa ng kapatid na si Ligaya, pangarap ni Oden na makapag-aral din sa Maynila at matulungan ang kanilang ama. Nagkaasaran lang ang magkapatid nang sabihin ni Oden sa kapatid na gusto nito si Toryo, ngunit tinakot na lamang ni Ligaya si Oden na lalakdawan kapag hindi nagtigil sa pang-aasar. Sabay na silang natulog nang unti-unti ng dumata ang gabi. Nang sumunod na araw ay hindi pa nagsisimulang sumikat ang araw ay nagsisimula ng mag-araro ang ilang magsasaka sa ilang ektaryang lupain ni Senyor Martin. Lahat ng mga inusap ni Ka Sepa ay nakadating, isang tanda ng pagbabayanihan sa Makulong. Ngunit tinangahali ng dating si Toryo. Halos nagsisimula na ang ibang binata ay siya ay wala pang nasisimulan. Walang kibo naman si Oyo ng malaman niyang nangharana na si Toryo kina Bining. Animo’y nag-iiwasan ang dalawa dahil sa iisang babae lamang ang kanilang iniibig. Nagpapagalingan ang dalawa sa pag-aararo sa bukid, sinusubukan na mapahanga ang kanilang mga iniibig. Hindi naman bulag ang mga dalaga at kita nilang nagpapabango ng pangalan ang mga lalaki para sa kanila, lalo na si Toryo at Oyo para kay Bining. Nagkatuksuhan tuloy ang mga dalaga at sinabihan ng iba na dapat ay nalabas din si Ligaya ng kanilang bahay upang mapansin ng mga binata. Nagkatuksuhan, nagtawanan at nagkantahan na naman ang mga taga-Makulong. Mabilis namang natapos ang mga magsasaka sa kanilang gawain. At nang pauw na ay sumabay si Toryo sa
paglalakad ni Bining upang sabihin na dadalaw siya mamayang gabi at biglang nauna na kay Bining. Sinundan na lamang ng tingin ni Bining ang anino ni Toryo habang naglalakad ito papalayo sa kanya. Kinagabihan, si Oyo naman ay napatambay sa tindahan ni Ka Saning at napainom ng kaunti kasama ang ibang kanayon. Nang naglalakad ito pauwi, napadaan siya sa bahay nina Bining, sumilip siya sa nakakawang na bintana ng bahay at nakita niyang magkatabi, masayang nag-uusap sina Bining at Toryo. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa kanyang nakita. Pakiramdam niya ay wala na siyang pag-asa sa dalaga. Ngunit kahit na ganoon ang kanyang nararamdaman, hindi siya umalis sa kinatatayuan nito kahit na unti-unti ng bumabagsak ang kanyang mg luha. Ilang araw ang makaraan ay ipinagdiwang ang pista sa Makulong. Sa unang pagkakataon ay nailawan ang madidilim na kalsada ng Makulong, nagkaroon ng makukulay na banderitas sa daan, ipinarada ang ilang mga santo at patron na gumagabay sa Makulong, kasabay ang pagparada ng ilang magagandang dalaga kasama ang kanilang mga kapareha. Kitang kita naman ng mga katandaan ng Makulong na ibangiba ang ganda ng mga dalagang taganayon sa mga tagalungsod. Kahit sa pag-uugali ay napaghambing agad ito ng iba at lumalabas na napakayumi ng bawat kilos nga mga taga nayon kumpara sa mga tagalungsod. Sa pista ding ito ay naghanda nga malaki si Senyor Martin para sa mga taga-Makulong. Samu’t saring putahe ang naroon at lahat ng bisita ay nasiyahan sa pagkaing inihanda. Kasabay na din ng gabing ito ang pagtanggap ni Senyor Martin sa bago nitong lupain, at ang mainit na pagsalubong ng mga magsasaka sa bagong may-ari ng lupa. Ipinaliwanag ni Senyor Martin ang mga batas na kanyang bagong ipapatupad sa Makulong. Kasama na rito ang hatian sa ani ng mga magsasaka at ng may ari. Sinabi din ni senyor ang na habang wala siya ay babantayan ang mga magsasaka ni Kabesang Ote, ang kanang kamay ni Senyor Martin. Madaling pinabulaanan naman ito ng ibang magsasaka sapagkat ayaw nilang sila ay binabantayan, dating kasi nito ay nag-aalinlangan ang may ari nga lupa na siya’y dadayain ng mga magsasaka. Ngunit sang-ayon naman ang iba sa bagong panuntunang pinatupad sa Makulong. Ngunit nasiyahan din ang marami lalo na si Ka Bisyong dahil sa pag-aaralin din ni Senyor Martin ang anak nitong si Oden. Dahil sa ito ay isang gabi ng pagsasaya, hindi mawawala ang sayawan. Kakaiba ang galaw ng mga dalagang tagalungsod sa mga mahihinhing taganayon. Si Karen, na anak ni Senyor Martin ay nakadikit agad kay Toryo, at niyaya itong sumayaw. Hanggang sa ang sayaw nito ay yung para sa mga magsingirog. Nagkadikit ang katawan ng dalawa, ngunit kahit ganoon ay kay Bining pa rin napapasulyap si Toryo. Sa gabing iyon ay kasayaw ni Bining si Oyo, at kitang kita ang mga luha ni Bining na nasa gld ng mga mata nito, tanda ng pagseselos. Ilang beses naulit ang pagsasayaw at ilang beses din nakasayaw ni Karen si Toryo, hindi naman makatanggi si Toryo sa dalaga. Kaya’t nang magka-usap sina Toryo at Bining ay labis ang pag-iwas ng dalaga. Isinumbat na naman nito ang pag-alis ng binata. Nagpaalam sina Bining at iba pang dalaga at umuwi na pagkatapos. Kinabukasan ay nagyaya si Karen kasama ang dalawang kaibigang tagalungsod kasama si Marko at ibang taganayon. Nagkakatuwaan ang mga kabataan nang makasakay sila sa bangkang de motor habang nilalasap ang simoy ng hangin. Nang makadating na sila sa pupuntahan ay halos nagkakahiyaan pa ang mga taganayon na maligo dahil sa ang mga kasama nila ay mga tagalungsod. Ngunit nawala din ang pagkamahiyain nina Bining at iba pang taganayon kina Karen ng mismong si Karen ang nag-abot ng
prutas sa kanila. Napagtanto nilang iba si Karen sa ibang mga anak mayaman. Ngunit nasira ang masayang tagpo nang biglang binastos si Ligaya ni Marko na pawang lulong sa alak nang mga panahon iyon. Kaagad namang nasuntok ni Toryo si Marko at pinauwi na ni Karen ang kaibigang tagalungsod. Kitang-kita tuloy kung papaano tratuhin na isang tagalungsod ang isang dalaga. Sa kabilang dako naman, si Oyo at ama nitong si Ka Garse ay nagbabayo ng palay habang pinapanood sila ni Ka Antang. Pinatigil na ni Ka Garse ang anak at pinapunta na ito sa may bulusan para makatulong sa pagpapalawak ng daan. Tutol si Ka Garse sa pagpapalawak ng daan dahil sa mahahagip nito ang kanilang puno ng balete na mas matanda pa sa kanya. Mahalaga ang puno para sa matanda kaya ayaw nitong ipaputol ito. Ipinaliwanag naman ni Ka Antang ang kahalagahan ng pagpapalawak ng daan. Ito ay para makarating na din sa Makulong ang mga jip na dati ay hindi nakakarating sa kanilang nayon. Maaari din itong maging gabay para sa kanilang para sa anak nilang si Oyo. Napagpasyahan naman ni Ka Garse na siya na ang pumutol sa puno nang biglang dumating si Ka Tulume at binalaan na magagalit ang mga lamang lupa sa gagawin nito. Hindi naman natinag si Ka Garse sa mga pananakot ng matandang albularyo. Nagpatuloy ito hanggang sa nasira ang palakol nito at tumama ang talim sa kanyang paa. Naging matindi ang sugat ng matanda na ipinag-aala naman ni Ka Antang. Dali-daling umuwi si Oyo kasama ang tatlo pang kaibigan na siya nang puputol ng puno. Nakatitig lamang si Ka Garse sa kulimlim na langit. Kinagabihan naman ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Basang-basa si Oyo ng umuwi at pinagpalit siya ng dait bago pumunta sa bukid upang ayusin ang kanal ng tubig para hindi malunod ang mga pananim nila. Nang makabalik ito sa bahay ay inayos naman niya ang lubid na nakatali sa silangan ng bahay, upang hindi ito masira ng hangin. Bigalng sumunod si Ka Garse, walang alinlangan kung may suat man o wala. Nagawa naman ng mag-ama ang paghigpit sa lubid. Pagkatapos ay nagbihis ang dalawa. Pagkabihis ni Ka Garse ay tumulog na ito habang naglilitanya pa ang asawa dahil sa pagsugod nito sa ulan. Nang hindi na nakaimik si Ka Garse, biglang kinabahan si Ka Antang at nilapitan ang asawa. Nagaapoy ito sa lagnat. Dali-daling tinawag ni Oyo si Ka Tulume. Malala na daw ang kalagayan ng matanda na siyang nagdala sa kamatayan ng matanda. Nagkwekwentuhan ang mga taga-Makulong sa bulusan tungkol sa pagpapalawak ng daan. Maswerte daw ang kasal nina Emong at Elay, dahil sila ang unang ikakasal na nakajip. Para sa mga matatanda, ang pagpapalawak ng daan ay bagong simula sa dalawang paglalakbay – paglalakbay ng dalawang bagong kasal patungo sa pagkakaroon ng buhay pamilya at ang paglalakbay ng isang magsasaka patungo sa kanyang dapat puntahan. Nang pangalawang araw, noong ay sa baysanan nagsipunta ang mga taganayon, at noong hapon naman ay sa libing ni Ka Garse. Pagkatapos ng libing ni Ka Garse ang panahon nga pag-alis ni Toryo papuntang Maynila. Nagkausap naman ang dalawang magsing-irog, at nagpaalam sa isa’t isa na may pangakong iintayin ni Bining ang pagbabalik ni Toryo. Pagkaalis ni Toryo ay biglang nagbukas naman ang patahian ni Nyora Tinay. Madaming dalaga sa nayon ang nagtatrabaho doon sa loob ng anim hanggang walong oras sa isang araw para makakuha ng sahod. Dahil sa nagtatrabaho na ang mga dalaga kay Nyora Tinay, natuto ang mga dalaga na magpaganda ng sarili at natuto mamustura. Hanggang ngayon ay tutol pa rin si Ka Tulume sa mga nangyayari sa Makulong. Ito ay dahil ang pagbabagong ito ay napapasama sa kanila. Mali ang bagong patakaran na
susweldo na lamang ang mga magsasaka sa kanilang paghihirapan at wala man lang makukuhang bahagi sa kanilang ani. Gustuhin man nila na doblehin ang ani nila para sa kanilang pamilya ay hindi nila magawa. Hanggang sa dumating ang balita na sa kabisera ay may itatayong sentral ng asukal. Dahil dito ay maapektuhan ng lubos si Ka Bisyong na siyang gumagawa ng asukal na sa Makulong. Hindi iyon pulbos na asukal kundi ayung matigas-tigas na asukal na kayang tumagal ng halos isang taon. Hindi naman payag ang mga magsasaka sa pulong na nangyari noong araw din iyong dahil sa ang tanging itatanim na lamang daw sa lupa ni Senyor Martin ay puro tubo na siyang dadalhin sa kabisera at doon gagawing pulbos na asukal. Wala namang nagawa ang mga magsasaka dahil sa iyon ang desisyon ng may-ari ng lupa. Samantalang sa lungsod na namumuhay si Toryo. Nagtatrabaho siya sa isang gasolinahan kasama sina Ado, Tino at Anyong – pawang galing din sa iba’t-ibang probinsya at halos pare-pareho sila ng kwento. Isang araw, pagkakatapos magkatuwaan dahil sa kaarawan ni Ado, biglang dumating si Karen at niyaya siyang sumama sa isang aktiviti ng kanilang grupo. Habang kasama ang dalaga, biglang nakakaramdam si Toryo ng kakaibang init sa kanyang katawan. Ito ay dahilan na din ng mga nakapaligid sa kanila na puro naglalampungan sa gitna ng dilim. Dahil sa nagbigay ng motibo si Karen, naging mapusok si Toryo at nagsama sila buong gabi. Sa probinsya naman, dinala ni Ka Tales ang kanyang mga ani sa bahay ni Senyor Martin upang ipakita na hindi niya dinadaya ang may-ari ng lupa tungkol sa kanyang ani. Maaga siyang umalis ng kanyang bahay at sa kanyang pag-iisip habang nakasakay sa kariton na hila-hila ng kalabaw. Naisip niya ang patron na gumagabay sa Makulong at ang pangarap niya para sa kanyang anak. Nang makadating siya sa bahay ni Senyor Martin, ikinamusta na lamang niya ang anak ni Toryo sa amo. Pagka-alis ni Senyor martin, si Ka Tales na lamang ang nagdala nga mga sako ng palay sa bodega. Hindi na kinaya ng matanda ang pagbubuhat ng mga sako na siyang naging sanhi ng kamatayan nito. Sa naging libing ni Ka Tales, umuwi si Toryo galing Maynila. Madami ang nakiramay sa kanya lalo na si Bining. Ngunit biglang umalis ang dalaga nang sinabi ni Toryo na di na siya nararapat para sa dalaga. Masakit ito para kay Bining kaya’t umalis na siya sa bahay ni Ka Tales at halos pansin na pansin ito ng lahat ng tao doon . Dahil sa nangyaring ito, parang napapakiramdaman ni Ka Antang na may pag-asa na ang kanyang anak na si Oyo para kay Bining. Ito ay parang pagsasakatuparan ng pangarap ni Ka Garse na maipakasal si Oyo kay Bining kaya’t alam na ni Oyo ang dapat niyang gawin sa ngayon. Dumating din a ng araw ng siyaman ni Ka Tales, buong nayon ay nagtutulong-tulong para sa siyaman ni Ka Tales. Ngunit napansin ng madami ang hindi pagdating ni Bining sa siyaman ni Ka Tales na siyang naging usap-usapan sa nayon. Ngunit kahit ganoon may kanya-kanyang gawain ang bawat tao sa okasyon na iyon. At sina Toryo ang naatasan para magsibak ng kahoy. Sinibak ng mga kabinataan ang isang puno ng duhat. Sabi ni Ka Tulume ang punong ito ay itinanim pa ni Ka Tales, noong araw ng kapanganakan ni Toryo. Kaya’t nasabi niyang ito ang kakambal ni Toryo sa Makulong, na kail anman ay hindi umalis. Ngunit nawala lang ito sa isang iglap, at naging abo. Kinagabihan na biglang natapos ang padasal sa siyaman, naiwang nag-iisa si Toryo sa bahay. Nang biglang nakatulog ang binata, nagkaroon siya ng isang panaginip na halos nakikita nya ang iba’t-ibang nangyayari sa kanyang buhay lalo na ang pagtatapos niya sa ugnayan niya kay Bining. Malaki ang kagustuhan niyang sumigaw ngunit hindi nya ito magawa hanggang sa nagising na lamang siya sa unang tilaok ng manok sa umaga.
Pagbalik ni Toryo sa Maynila, nalipat na siya sa pabrika na pagmamay-ari din ng pamilya ni Karen. Dahil sa ugnayan nila ni Karen, kilala siya doon, at naging masama ang tingin ng ibang manggagawa sa kanya. Isang hapon ay nag-usap muli sina Karen at Toryo. Sinabi ng dalaga na alam na ng pamilya ang tungkol sa kanila ni Toryo. Nabanggit pa nito na pinaglalaban nya si Toryo sa pamilya nya. Ngunit nakiayon si Toryo kay Senyor Martin na hindi naman talaga sila bagay sa isa’t isa. Nasaktan dito si Karen at umalis na agad sila. Sa huling sulyap ni Toryo sa dalaga ay nagpaalam siya at humingi ng tawad. Nagbago na ang buhay ni Toryo. Bilang isang manggagawa sa pabrikang piangtatrabahuhan nito, siya ay sumali sa unyon ng ibang manggagawa na naglalayon na lumaban kay Senyor Martin para mapagbigyan sila na gawin ang mga karapatan nila bilang manggagawa. Dahil dito, biglang kinausap si Toryo ni Senyor Martin. Animo’y nagpupuyos sa galit ang senyor dahil pakiramdam niya ay tinatraydor siya ng taong tinulungan niya. Iginiit din ni Senyor Martin ang pagpatol ni Toryo sa anak nitong si Karen. Dinepensahan naman ni Toryo ang kanyang sarili at wala siyang pakialam kung matanggal siya sa trabaho hangga’t hindi nya iiwan ang unyon kanyang pinangakuan. Kahit na natanggal siya sa trabaho ay nagkaroon pa rin siya ng trabaho sa isang pederasyon. Sa kabilang dako naman, nagsisimula na ng bagong buhay si Bining. Unti-unti na niyang nakakalimutan si Toryo at nagsimula na din ang pamamanhikan ni Oyo sa kanya. Napagtanto ni Bining na kailangan na niyang ibalik ang singsing na binigay ni Toryo sa kanya. Ipinadala ito ni Bining kay Oden na dadalaw kay Toryo kamakalawa. Umalis si Oden pauntang Maynila dala ang singsing ni Bining. Nagpagala-gala siya sa buong lungsod bago pumunta sa tinutuluyan ni Toryo. Nakita ni Oden ang bawat pasikut-sikot ng Maynila. Sari-saring panganorin ang kanyang nakita at napagtanto niyang iyon din ang kanyang makakasanayang lugar kpag nag-aral na siya sa Maynila. Hanggang gumabi na at inintay niya si Toryo sa labas ng tinutuluyan nito noong sumapit na ang gabi. Nagkakwentuhan naman ang dalawang magkaibigan. Ikinuwento ni Toryo ang kanyang buhay sa Maynila, kasama na ang mga pagbabagong na nangyayari sa buhay nya doon. Pagkatapos magkwentuhan ay natulog na sila sa masikip na kwarto ni Toryo. Sumapit na ang kasal nina Oyo at Bining. Abalang-abala ang lahat sa kasiyahang nangyayari doon. Kahit na hindi ganon kasaya si Bining, alam ni Oyo na dadating din sa punto na matutuhan siyang mahalin ng buong puso ni Bining. Kailangan lamang niyang maghintay. Nakaugalian na din ng mga taga-Makulong ang magbigay ng sabog sa bagong kasal upang makapagsimula sila ng kanilang buhay. Kanya-kanyang sabog ang ibinigay ng mga taganayon sa mag-asawa. Malaki ang ibinigay ng inangkasal at amangkasal sa mag-asawa. Ipinamana naman halos ng dalawang magbiyenan ang kanilang ari-arian para sa mga anak nila. Inihabol naman agad ni Oden ang sobrang galing kay Toryo at ibinigay ito kay Bining. Naging maayos naman ang araw na iyon para sa dalawang pamilya na siyang hudyat ng bagong buhay para kina Oyo at Bining. Samantalang habang nagsasaya sa Makulong ay tumitindi naman ang mga takbo ng pangyayari sa lungsod. Nag-rally ang mga mangagawa ng pabrika ni Senyor Martin kasabay na din ng rally na pinaglalaban ng ibang tao ukol sa masamang pamamalakad ng kasalukuyang pamahalan. Naging marahas naman ang pakikitungo ng mga pulis at sundalo sa rally. Kitang-kita kung paano pinaghahampas
ng batuta ang mga nagrarali at kung paano nakikipaglaban ang mga raliyista. Nakita mismo ni Toryo ang karahasahan na nangyayari sa lungsod. Pagkauwi ni Toryo ay nagpahinga na lamang ito at umaasa siya na babalik siya sa lupang sinilangan. S babang-luksa ni Ka Tales, muling bumalik si Toryo sa Makulong. Nagpasalamat naman ang binata sa lahat ng ginagawa ng kanyang tiyahin sa lahat ng ginagawa nito para sa kanyang ama. Nagsimula ang mga padasal at naging maayos at makabuluhan ang araw na iyon para kay Toryo, ngunit nanaginipi ulit siya tungkol sa kanila ng kanyang ama – mula sa araw na siya ay isilang pati din sa mga araw na siya ay unti-unting natututo sa buhay hanggang sa biglang namaalam ang kanyang ama. Inamin niya na isang malaking kawalan ang pagkamatay ng kanyang ama, ngunit nananatili pa rin ang liwanag ng pag-asa para sa kanyang buhay. Sa kabilang dako naman ay pinayagan ni Ka Bisyong si Ligaya na magtrabaho sa patahian ni Nyora Tinay. Nagpasya si Ligaya na gawin ito para matulungan pag-aralin si Oden sa Maynila. Sa simula ay iginagalang ni Ka Bisyong ang desisyon nga anak na anak. Ngunit bigla itong kinabahan nang balitaan siya ni Ka Tulume tungkol sa mga nangyayari sa patahian ni Nyora Tinay hangga’t naroon si Marko na siyang nambastos kay Ligaya noon. Hanggang sa dumating ang dalawang dalaga na nagtatrabaho sa patahian, umiiyak, dala-dala ang isang balita. Dali-daling umalis si Ka Bisyong sa kanilang bahay dala ang gulok nito. Pagdating sa patahian ay nagdilim ang paningin ng matanda at nataga nito si Marko. Nag-iiyak si Ligaya habang si Ka Bisyong naman ay tumakas. Dahil sa sugat na natamo ng binata, binawian ito nga buhay. Halos walang mukhang ihaharap si Ligaya sa buong bayan, iyak ito ng iyak at panandalian siyang tumira muna kina Bining, at si Oden naman ay nanatili sa bahay nila. Dumating si Toryo, kaagad niyang nalaman ang balita at dinamayan ang kaibigan. Binisita din nila si Ligaya, at nakita ni Toryo na malaki na ang tiyan ni Bining. Nagngitian naman ang dalawa, at alam ni Toryo sa sarili nya na masaya na siya ngayong masaya si Bining sa piling ni Oyo at wala siyang pinagsisisihan kahit kaunti s kanyang nagawang desisyon. Dinamayan din ni Toryo ang kaibigang di Ligaya at sinabing isasama nya si Ligaya sa Maynila at doon siya magtatrabaho kasama ang ilang kababaihan na inaalagaan ng isang pederasyon. Nabuhayan naman ng loob kahit papaano si Ligaya sa mga naging payo ni Toryo, ngunit hindi pa rin talaga ito handa na harapin ang buong nayon ngayong siya ang nakikitang may dahilan kaya napasama si Ka Bisyong. Nang kinagabihan ay nagpasya si Toryo na bumalik ng Maynila para tapusin na ang kanyang pag-aaral at pinangako niyang babalik siya para kunin si Ligaya at para na din maipagmalaking kahit na may mga pagbabagong nangyari sa buhay nya ay kahit kailan ay hindi niya nakakalimutan ang lupang sinilangan. Buo na ang isip niya sa desisyong ito. Ngunit nanaginip na naman siya tungkol sa lungsod. Nakita niya ang apoy na bumabalot sa lungsod, ang karahasan, ang kalupitan at iba pang bagay na nagpapakita ng kasamaan sa lungsod. Hanggang sa nagising siya sa unang tilaok ng manok at sinalubong niya ang pagsapit ng bukang-liwayway.
ANG MAG-ANAK NA CRUZ
Si Remy ay isang mananahi at si Tinoy naman ay isang namang kawani. Nag-aaral ang kanilang dalawang anak na sina Baby, panganay at si June, bunso. Nagsimula ang kwento sa isang sitwasyon na si Remy, sa sobrang katarantahan, ay naiwan ang sinaing niya at nasunog. Sa sitwasyong iyon, walang bagay na matino ang pumapasok sa isip niya dahil siya ay hirap na hirap na at may nag-aalala siyang wala na silang pambili ng bagong bigas. Bigla naman dumating si Tinoy at pinalakas ang kaniyang loob a sinabing ang sinaing na nasunog ay maaring dalhin kay Aling Tomasa. Ikinatuwa naman iyon ni Remy. Masayang masaya ang mag-asawang Remy at Tinoy nang mabanggit ni Tinoy ang tungkol sa promosyon sa trabaho ni Tinoy. Matapos ng nangyari, naisipan ni Tinoy na bumalik muli sa pag-aaral at dito nakaroon ng pangyayaring tila sisira sa kanilang pagsasama. Nagkaroon ng kaklasi si Tinoy na inakala ni Remy na kalaguyo ni Tinoy. Nang makita ni Remy si Tinoy at may kasamang ibang babae, natuwa siya, dahil ito palang babae ay si Mrs. Esteban. Pinakilala ito ni Tinoy si Remy sa kanya at napatawa naman si Tinoy dahil nag-seselos si Remy sa isang babae na kasal at napakataba pa. Hindi natuloy ang promosyon sa dibisyon nila dahil nag-hire ang kumpanya ng bagong Ahente na ikinalungkot ng buong pamilya at ng mga umaasa sa promosyon. Minsan nabigla si Remy nang may isang babaeng kalahok sa Peach face powder na nanghihingi ng singkwenta sentimos at sulat upang manalo sa nasabing programa. Hindi ito pinaunlakan ni Remy. Nang ikinuwento ni Remy kay Tinoy ang nangyari, natawa na lamang si Tinoy dahil papara singkwenta sentimos na lamang ay hindi pa nito naibigay. Isang araw matapos umuwi ni Baby galling sa kanyang iskuwelahan nagtanung ito sa kanyang nanay kung mayaman ba sila Sioning. Sumingit naman si Petra at sinabing hindi ito mayaman at nagalit si Remy at pinatahimik ito. Pinagusapan nila kung paano nagpapataasan ang pamilya nila Sioning at nina Misis Rubio. Nayamot si Remy nang makita niya na may isang lasenggero sa tapat ng kaniyang patahian at ito ay nanghaharang ng mga dyip upang manghingi ng abuloy daw para sa namatay nilang kapitbahay. Alam ni Remy na ang mga nakokolektang pera ng lasenggero ay hindi mapupunta mismo sa patay kundi sa kaniyang mga alak. Ibibili na lamang niya iyon ng alak kaya ayaw niyang magpabiktima sa lasenggerong ito. Magpipista na kina Remy at napakadami nitong dapat tapusin na mga tahiin mula sa kaniyang mga suki. Gabi na at nagising si Tinoy nang makita niya si Remy at inaakalang nananahi pa ito. Sabi ni Remy, titingnan na lamang niya ang mga order sa kaniya kung maayos na at naghahanda na rin siya ng ilang tela para maipagtahi naman niya ng damit ang kaniyang mga anak na sina Baby at June. Inintay nina Baby at June ang kanilang ina para makapagpaalam dito dahil naimbitahan sila sa kaarawan ng kanilang kaibigan. Noong una ay nag-aalala si Remy kaya hindi sila pinayagan. Nang dumating si Tinoy, pinayagan na ang dalawa. Nagtagal sila bago nakabalik na pinag-alala naman ni Remy ngunit natuwa din ito nang ihatid sina Baby at June ng kanilang mga kaibigan.
Kinabukasan, bumisita sa bahay nina Remy si Mr. Bernal kasama ang anak niyang si Eddie at ipinakilala kay Baby. Sumunod na Sabado, mag-isang pumunta sa bahay nina Remy si Eddie para bisitahin si Baby. At tila nagkakaroon na ng relasyon sa pagitan nilang dalawa. Nagplano sina Tinoy at Remy na magpagawa ng bahay sa naibili nilang bakanteng lote. Ang napili nilang gagawa ng kanilang bahay ay sina Tata Ponso. Sa paggawa ng kanilang bahay nakita ang bayanihan ng mga kasama ni Tata Ponso at nila sa paggagawa ng bahay. Nakatipid man sila ng gastos sa pagpapagawa, hindi naman nila mababayaran ang utang na loob nila sa matanda. Dumating ang araw na si June ay magpapakasal na kay Fred. Ayaw man makialam ni Remy sa kasal ng dalawa, napilit pa rin siya ng kaniyang anak na tumahi ng trahe de boda nito. Matapos ang kasal kahit na may konting kalungkutan siyang nararamdaman, masaya pa rin siya para kay June. Abalang abala si Remy sa pag aayos sa kanyang bakuran. Nagulat na lamang siya ng makita ang kaniyang apong si Vic sa tabi niya. May nakita silang uod at papatayin na sana ito ni Remy dahil makasasama ito sa halaman. Hindi naman pumayag si Vic dahil alam niyang ang uod na iyon ay magiging isa pang magandang paru-paro. Natutuwa si Remy sa apo niyang si Vic dahil alam niyang napalaki siya ng maayos ng kaniyang mga magulang. Naalala niya tuloy ang kaniyang mga anak noong ito ay mga maliliit pa. Ngiti-ngiti si Remy habang nakatingin sa mga larawan sa hawak niyang magasin. Pahapyaw niyang binabasa ang mga nakasulat na kasama ng mga larawan. Nag-aaway sila ni Tinoy kung bakit hindi totoo ang mga nasa magasin. SInabi ni Tinoy na hindi naman ito katulad ng diyaryo na pawang katotohanan lamang ang nilalaman. Sabi ni Tinoy na kung maglalagay ang magasin ng masasamang artikulo ay magiging bad publicity ito. Noong una hindi pinansin ni Remy ang kaibigan ni June galing Amerika na si Joan. Isa itong amerikana na nais tumulong sa community nila Remy. Naging masaya ang mga tao sa pagtulong ni Joan lalo na nang tumulong ito sa housing project para sa mga nakatira sa bukid. Sa isang programa, akangiti si Joan ng humarap sa mikropono at sinabing “Meynga Keybigeyn Meyreming Seleymet pow sa leyhat” at masigla itong yumukod. Si Remy ang unang pumalakpak bago ito nagpatuloy sa mga sasabihin nito. Sinabi ni Remy kay Tinoy na malapit nang ilibing ang Tata Mante nito. At sa lamayan na kanilag pinuntahan, samu’t saring tradisyon ang kanilang nagawa. Katulad na lamang ng paglalakad ng lahat nang ihatid ang namatay sa huli nitong hantungan. Sina Remy at Tinoy lamang ang hindi sumama sa pagliliwaliw ng mga magkakapitbahay papuntang Tagaytay. Ayaw ni Remy sumama sa araw na iyon dahil noon ay Biernes Santo. Mariing idinidiin ni Remy kay Tinoy na ang mga tradisyon tuwing Mahal na Araw hindi nararapat baguhin. Bigla na lamang pumasok si Petra at binalita nito na naaksidente ang kanilang mga kapitbahay na napunta sa Tagaytay. Ang buong mag-anak na Cruz ay masayang pinagdiriwang ang kanilang Bagong Taon. Sa pagdiriwang nilang iyon, naalala ni Remy na ang mga panahon noong bata pa sina Baby at June. Noon ay kumpleto silang nagdiriwang at ngayon naman ay may kani-kaniya na silang mga pamilya na nagdiriwang ng
Bagong Taon sa kani-kanilang bahay. Masaya si Remy dahil alam niyang kayang palakihin ng kaniyang mga anak nang maayos ang kaniyang mga apo. Ipapadala sa Amerika si Tinoy dahil sa kaniyang trabaho. Noong una ay ayaw pang sumama ni Remy dahil napamahal na siya sa kanilang bahay. Nakumbinsi naman siya ni Tinoy nang sabihin nitong wala na siyang dapat alalahanin dahil ang kaniyang mga anak ay maayos na ang kalagayan sa piling ng kanikanilang mga pamilya. Ang kaniyang mga apong sina Vic, Lina at Osi. Sa huli naiyak si Remy at hindi na nagawang kumaway pa sa kanyang mag-anak dahil sa lungkot na nararamdaman.