Pagsusuri ng Nobela “Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez
Ipinasa nina: Ralph Cesar V. Frivaldo Carl Walfred A. Dael III – Lavoisier
Ipinasa kay: Gng. Rosalie M. Abucay Guro
PAGSUSURI NG NOBELA A. Pamagat ng Nobela Noong 1950, ang militar ay nagsimula ng isang ―crackdown‖ laban sa mga kilusang komunista, nanagpasiklab ng lantarang paghihimagsik sa ilang mga lugar sa Luzon isla, at ang punong himpilan ng CLO ay sinalakay noong ika-20 ng Enero 1951. Si Amado V. Hernandez ay naaresto sa Enero 26 sa hinala na siya ay kabilang sa mga pinuno ng paghihimagsik. Ngunit ang mga awtoridad ay hindi nakahanap ng katibayan upang ihabla sa kanya. Sa loob ng anim na buwan, siya ay inilipat mula sa isang kampo ng militar sa isa pa at umabot ito ng isang taon bago siya ay nakasuhan sa kasong rebelyon pagpatay, panununog at pagnanakaw - isang komplikadong krimen hindi kilala sa kasaysayang legal ng Pilipinas. Nakahikayat ang kaso ng interes ng mga aktibistang pangkarapatang sibil sa Pilipinas at si Hernandez ay tinulungan nang makailang-ulit ng mga ―legal luminaries‖ tulad nina Senador Claro M. Recto, dating Pangulong Jose P. Laurel at si Claudio Teehankee, na magiging Punong Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas. Ngunit siya ay nanatili sa bilangguan habang ang kanyang apila ay nakabinbin. Ang panahon ng kanyang pagkakakulong ang panahon na kanyang isinulat ang kanyang mga pinakamatanyag na gawa. Isinulat niya ang Isang Dipang Langit, na nanalo ng isang Republic Cultural Heritage Award, at Bayang Malaya, na nanalo isang Balagtas Award. Isinulat din niya sa bilangguan ang kanyang obra maestra na Luha ng Buwaya, batay sa mga personal na pangyayari na nagresulta sa pagkakakulong niya. Isinulat din nya ang ilang kabanata ng kanyang nobela na Mga Ibong Mandaragit habang siya ay sa New Bilibid Prison. Siya rin ang nagpamatnugot ng pahayagan sa bilangguan - ang Muntinglupa Courier.
B. Talambuhay ng May-akda Si Amado Vera Hernández (Setyembre 13, 1903—Marso 24, 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipagugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong
aktres na si Atang de la Rama. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin. Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat(Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan naAklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus. Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik. Subalit ang tunay na dahilan ay naipakulong si Hernandez dahil sa pagiging pinuno ng Kongreso ng mga Samahang Manggagawa (Congress of Labor Organizations), na isa sa pinakamalaki, pinakamilitante at pinakamakabayan sa lahat ng unyon noong kapanahunan ni Hernandez.
C. Elemento ng Nobela
1. Tagpuan Ang Sampilong ay isang bayan na pinamumugaran ng mga nang-aapi at ng mga inaapi, ng mga mayayaman at mahihirap, at ng ingat-yaman ng mga ideolohiyang nabaon na sa limot. Ito ay mapapnsin sa pamamagitan ng mga kumbensyonal na opinyon ng mga makapangyarihan, mayayaman at maimpluwensiya sa lipunan. Ito ay isang bayan na biniyayaan ng mga liikas na yaman – mga yamang para sa lahat pero inaangkin ng iilan. Makikita sa paligid ang panlipunang estado ng isang mamamayan dito sa Sampilong: sa mga mayayaman – isang magarang mansyon, napakaraming ari-arian, iba’t ibang uri ng pagkain at
maraming alila; sa mga mahihirap – pwedeng isang barong-barong o bahay-kubo, walang ariarian pero maraming prinsipyo, konting pagkain at walang alilia. Isa itong lugar kung saan ang hustisya ay mabibili at ang mga batas ay nakokontrol ng mga kontrabida at kanilang papet. 2. Tauhan Protagonista: Bandong Cruz – Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punongguro ng isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila, kaya’t siya’y kinupkop ng kanyang tiya. Siya ay matuwid, matulungin, responsable, at mapagkakatiwalaan kaya’t palagay sa kanya ang mga mahihirap at ordinaryong tao sa Sampilong. Pina – Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at Aling Sabel. May kapatid siyang lalaki na nagngangalang Dinong. Tinaka siyang gahasain ni Dislaw pagkat di niya ito makuha sa santong dasalan. Andres – Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangan siyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Siya ang asawa ni Sedes at mayroon silang apat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala ang tagapagmana ng malaking lupain ni Kabesang Resong, isang mayaman ngunit mabuting kabesa noon. Tasyo – Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at kay Dislaw dahil nais niyang protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan at mabigyan ng hustisya ang mga pang-aabuso sa kanilang mga mahihirap. Antagonista: Don Severo at Doña Leona Grande – Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa kanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet. Madalas silang magsimba ngunit sila’y lubhang sakim at gahaman. Maaaring mahalintulad sa matakawa na buwaya. Dislaw – Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ng mga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina. Palagi siyang may dala-dalang rebolber na baril saan man magpunta.
3. Banghay
a. Introduksyon Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superindente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manupang pansamatalang prinsipal sa kanilang
nayon samantalang nagbabakasyon ang talagangprinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan at magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na may pabatares sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si Donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya Lena. b. Papataas na Aksyon Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang mga saka. Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nangalap sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. c. Kasukdulan Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ibedensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya Leona ang alkalde na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng asawang Grande. Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa Maynila. Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na pinakamatandang tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Intern na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit ng mamatay itoay napasalin sa mga magulang ni Donya ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande. Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa Sampilong.
Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Dislaw si Pina, mabuti na lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw. d. Pababang Aksyon Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong. Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda. Dahilan sa kahihiyang tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit at alta presyonat naging paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya. Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ang mga bata. Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakanditato pang alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.
4. Tunggalian Dalawang tunggalian ang nakapaloob sa nobela. Ito ay tao laban sa tao at tao laban sa lipunan. Masasabi nating nangyari ang mga tunggaliang ito sa pakikibaka nina Bandong at Andres laban sa kanilang mga pansariling hangarin sa buhay. 5. Tema/Kaisipan Ang teksto ay makatotohanan, napapanahon, makabuluhan at makatutugon sa sensibilidad ng mambabasa. Ang paksa ng teksto ay isa sa mga isyu na kailangang tugunan ngpansin ng mga lider ng bansa. Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at
karanasan. Ang mga kaisipan ay sumalungat din. Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan. 6. Uri ng Nobela Dahil sa mga kaisipan at mga pangyayari nakapaloob dito, maaari nating sabihin na ang akda ay isang nobelang pagbabago, na ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema.
D. Pag-uugnay ng Binasang Nobela sa:
1. Sarili: Para sa aking sarili, naiiugnay ko ito sa paraan kung paano ako tinatrato ng mga taong nag-babysit sa akin dati. 2. Lipunan: Maiiugnay naman ang nobela ito sa lipunan natin sa paraang ang mga tao sa ating lipunan ay nanggagamit ng mga mabababang uri ng tao. 3. Bansa Gaya ng sa lipunan, maiiugnay ang nobelang ito sa bansa sa paraang ang ating mga opisyal at pinuno ng bansa ay ginagamit ang mga mabababang uri ng tao sa kanilang pansariling kagustuhan. E. Rekomendasyon Naging maayos at maganda ang daloy ng kuwento. Sadyang nakapanghihimok ng damdamin ang kwentong isinasalaysay ng Luha ng Buwaya dahil ito ay tungkol sa masaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka at mga iskwater matapos ang panahon ng pananatili at pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Wala na akong mairerekomenda pa sa nobelang ito.