I.
Pamagat: Isang Pagsusuri kay Jose Rizal Bilang Little L ittle Bad Boy
II. Suliranin: Anu-ano ang ginawa ni Rizal sa Europa kaya siya siy a ay binansagang Little Bad Boy? III. Panimula: Wala na sigurong ikasisikat pa kay Doktor Dokto r Jose Rizal kung ihahambing sa iba pang katutubong bayaning nag-alay ng kanilang k anilang buhay para sa kalayaan ng Inang I nang Bayan. Sa bawat sulok ng bansa, mayroong makikitang mga bantayog ni Rizal na nagsisimbolo sa kadakilaan ng ating pambansang bayani. Pati na sa mga mg a lupaing banyaga ay kinahahalumingan siya at ang kanyang mga obra. obr a. Sa pagkakaroon ng opurtunidad na ungkatin muli ang pagkatao ni Rizal, malalaman na siya ay isa ring imperpektong imperpek tong nilalang. Siya ay nakaranas ng kabiguan, at siya ay mayroon m ayroon ding sinasabing dark side. Sa pampanahunang papel na ito, nakalahad ang mga pagkakataon sa buhay ni Rizal kung saan sa an naipamalas niya ang
kakaibang personalidad na mag-uugnay sa interseksyon sa kanyang pagiging tao at pagiging bayani. IV. Mga Layunin: 1. Matutuklasan ang pagiging Little Bad Boy ni Jose Rizal. 2. Maikukumpara si Little Bad Boy sa tauhan nito bilang Simoun na naging Bad Boy rin sa El Filibusterismo. 3. Mapapahalagahan ang mga ginawa ni Rizal para sa bayan at sa mamamayan nito. V.
Kahalagahan ng Paksa: Napakahalagang malaman ang buhay ni Doktor Jose Rizal pati na rin ang katauhan nito. Sa mundong unti-unti nang nawawalan ng kaalaman sa pambansang bayani, karapat dapat lamang na buhayin ang pagnanais na mapag-aralan ang tungkol dito sapagkat ang buhay niya ay napupulutan ng aral lalung lalo na ang pagmamahal sa Lupang Sinilangan, ang Pilipinas.
VI.
Paraan ng Pananaliksik: 1. Pagbuo ng balangkas 2. Paghalugilap ng mga impormasyon at datos
3. Pagbasa at pagsipi ng mga mahahalagang tanda tungkol sa paksa 4. Pagkabit-kabit ng mga natuklasang detalye sa paraang pagsasalin sa wikang Filipino VII. Katuturan ng mga Salita: 1. principalia mga mayayamang mamamayan noong panahon ng mga Kastila 2. kalakhan kadakilaan 3. bilyete tiket VIII. Paglalahad ng Paksa: Noong ika-19 ng Hunyo ng 1861, iniluwal ang isang sanggol sa munting bayan ng Kalamba sa lalawigan ng Laguna. Naging mahirap ang panganganak ng ina dahil sa malaking ulo ng sanggol. Gayunpaman, matagumpay na naisilang niya ito dahil sa pananampalataya niya sa Birhen ng Antipolo. Hindi pa batid ninuman ang kalakhan na ipamamalas ng sanggol sa buhay na tatahakin nito. Tatlong araw pagkatapos isilang ang sanggol, bininyagan siya ni Padre Rufino Collantes sa isang Katolikong simbahan. Pinangalan
siyang Jose Protacio Alonso Realonda Mercado Rizal na mas kilala bilang Jose Rizal. Si Jose Rizal ang ikapito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Nabibilang ang kanilang pamilya sa mga principalia. Naging maginhawa ang buhay nila dahil sa mga pangkalakalan na pinagmamay-ari nila. Nagkaroon sila ng isang malaking bahay sa Kalamba at mga negosyo. Musmos pa lamang si Rizal ay mababanaag na ang kanyang natural na angking katalinuhan kaya noong siya ay walong taong gulang, pinaaral siya ng kanyang magulang sa Paaralan ni Maestro Justiniano Aquino Cruz sa Biñan. Ngunit noong unang araw niya sa eskwelahan, pinagtawanan siya ng kanyang mga kaklase sapagkat hindi pa siya masyadong hasa sa pagbibigkas ng lenguwaheng Español at Latin. Noong hapon ng araw ring iyon, unang nakipagtunggali si Jose laban sa mapangutya nitong kaklase na si Pedro. Tinalo niya ito sa wrestling kahit mas malaki ang kaaway nitong siga. Sa sumunod na mga araw, nakipag-away pa si Jose laban sa ilang batang lalaki sa Biñan.
Sa taong 1872, pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal sa Maynila. Kumuha siya ng Bachiller en Artes sa Paaralan. Sa apat na taong inilagi niya sa Paaralan, pawang mga magagandang grado ang nakukuha niya. Patuloy ang hangarin ni Rizal na palawakin pa ang kanyang pag-iisip kaya kumuha siya ng Kursong Pilosopiya ng isang taon at Kursong Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas kahit labag ito sa kagustuhan ng kanyang ina. Kung gaano napamahal kay Rizal ang Ateneo, kabalintunaan nito ang naramdaman niya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nang matapos ang ika-apat niyang taon sa Kursong Medicina , nagdesisyon siyang sa Europa na lamang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Humayo siya papuntang Espanya noong ika-3 ng Mayo ng 1882. Ang kanyang paglisan ay hindi tanto ng kanyang mga magulang. Tanging sina Paciano, Saturnina, Lucia, Antonio Rivera, Kapitan Juan, Kapitana Sanday, Pedro A. Paterno, Chengoy at mga paring Hesuwita ang nakaalam sa kanyang pakikipagsapalaran. Sa Europa, naging matiyaga si Rizal sa kanyang pag-aaral hindi lang sa kanyang kurso pati na ang kultura ng ibang bansa. Dito rin
gumana ang kanyang loob sa pagsulat kaya naman ang unang nobelang naipalimbag niya na ang Noli Me Tangere ay tinangkilik talaga ng mga Pilipino at maging ng mga dayuhan. Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobela ni Rizal na sinimulan niyang sulatin noong Oktubre ng 1887 sa Kalamba. Ipinagpagtuloy niya ang pagsulat nito sa Londres, Paris at Madrid at natapos sa Biarritz noong ika-29 ng Marso ng 1891. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Valentin Ventura, naipalimbag niya ito sa Ghent sa F. Meyer Van Loo Press. Sinasabi na ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika na binubuo ng mga emosyong galit, poot, dahas, hapdi at kasawian. Katulad ng Noli Me Tangere ang mga tauhan sa El Filibusterismo ay mga totoong tao sa lipunang Pilipino noon. Ang pangunahing tauhan ng nobela na si Simoun, ang mang-aalahas na nagbalak ng himagsikan, ay kinuha mismo sa karakter ni Rizal. Marami ang nagulantang dito sapagkat ipinalilitaw nito ang personalidad ni Rizal na hindi pangkaraniwan. Ayon pa kay Teodoro A. Agoncillo, si Simoun ay siyang kumakatawan sa mapaghimagsik na bahagi ng pagkatao ni Rizal.
Sa panahon na iginugol ni Rizal sa pagsusulat ng El Filibusterismo, maraming hindi kanais-nais ang nangyari sa buhay niya na siyang nagpasiklab ng temang himagsikan sa nobela. Nagdulot sa mapait na karanasan niya ang kasakiman ng mga prayle laban sa mga mahal niya sa buhay, hindi pagkakaisa ng mga Pilipino, ang pangulila niya sa kanyang mahal na si Leonor Rivera na noon ay ikakasal na sa isang Ingles na si Charles Kipping at kakulangan ng pinansyal na suporta. Ganoon pa man, isang gawi ni Rizal ang iprinisenta niya sa ikalawa niyang nobela. Maaalala sa kabanata labing-isa, ang Los Baños, ang karunungan ni Rizal sa pagsusugal. Noong napili si Simoun na humalili kay Padre Camorra, isang maliksing tugon ang sinambit ni Simoun ukol sa nais niyang itaya ng mga prayleng sina Padre Irene at Padre Sibyla sakaling matalo niya ang mga ito sa laro. Hinamon ni Simoun na itaya nila ang pag-ayaw sa mga gawaing mabubuti tulad nang pagpapaumabaw sa kapangyarihan, kayabangan at katamaran. Hindi kataka-taka ang kaalaman nito ni Rizal pagkat siya ay talaga namang sumusugal sa totoong buhay. Ayon pa kay Wenceslao E. Retana, nakaugalian na ni Rizal ang
maglaan ng tatlong pesetas para sa bilyete ng loto. Nanalo rin siya ng mahigit P6, 200 sa Dapitan nang ang Lottery Ticket No. 9736 niya ang napulot. Si Jose Rizal kahit wala masyadong maibubuga sa pisikal na anyo ay matirik din pagdating sa mga kababaihan. Una niyang naranasang umibig kay Segunda Katigbak, ngunit , dahil ang kanyang naramdaman ay tila banyaga para sa kanya, hindi niya nagawang ipagtapat ang sigaw nang kanyang puso. Hindi nagtagal isang babae sa Kalamba na pinangalanan lamang niyang Miss L sa kanyang mga sulatin ang kanyang nakatagpo subalit madali rin lang ang romansang iyon. Noong ikalawang taon niya sa Santo Tomas nakilala niya ang anak nina Kapitan Juan at Kapitana Sanday na si Leonor Valenzuela o si Orang. Niligawan niya ito ngunit bigla rin lang naunsyami ang kanilang pag-iibigan. Isa pang Leonor ang abot langit na minahal ni Rizal, si Leonor Rivera. Siya ay isang pinsan ni Rizal na minahal niya nang lubos. Sa isang pagkakataon, nagdesisyon na silang magpakasal. Ganoon na lamang ang pagmamahal niya kay Leonor Rivera kaya lahat ng mga pangunahing karakter na babae sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sina Maria Clara at Paulita
Gomez ay inalay niya para kay Leonor. Noong lumisan si Rizal papuntang Europa upang mag-aral, magkatipan pa sila ni Leonor Rivera. Ngunit, hindi ito naging dahilan upang huwag niyang pansinin ang mga nagagandahang dalaga na nakilala niya sa kanyang paglalakbay. Una siyang nakipagromansa kay Consuelo Ortiga Y Rey sa Madrid. Natigil ang kanilang suyuan nang naalala ni Rizal na ikakasal na sila ni Leonor Rivera. Sa ikalawang pag-alis ni Rizal sa Pilipinas, una niyang narating ang Land of the Cherry Blossomsang Japan. Dito niya nakilala si Seiko Usui o mas kilalang O-SeiSan. Ang pag-ibig niya kay O-Sei-San ay katulad din noong kay Leonor Rivera. Binalak na nilang magpakasal ngunit umiral ang pagiging nasyonalismo ni Rizal kaya napilitan siyang iwanan ang magagandang alaala sa Japan. Si Gertrude Beckett ay nakilala ni Rizal sa London. Nahinto ang kanilang suyuan dahil kinailangan ni Rizal na lisanin ang lugar. Nag-iwan siya ng isang iskultura ng mga ulo ng magkakapatid na Beckett bago siya umalis. Dahil sa kalayuan nila ni Leonor Rivera, naibaling ni Rizal ang kanyang damdamin kay Petite Suzanne Jacoby sa Belgium. Noong umalis si Rizal sa Brussels upang manirahan sa Espanya, nakipag-ugnayan si Petite Suzanne
kay Rizal sa pamamagitan ng pagsulat. Laman ng isa sa mga ito ang katagang: There will never be any home in which you are so loved as that in Brussels. So you little bad boy, hurry back. Noong namasyal si Rizal sa Biarritz, mainit na sinalubong siya sa pamilyang Bousteads. Sa panahong inilagi niya sa lugar, nabatid na niya ang balitang ikakasal na si Leonor Rivera sa isang Charles Kipping. Kaya naman noong nagpaunlak ng pagiging interesado si Nellie Boustead, binalak ni Rizal na pakasalan ito ngunit hindi rin ito natuloy pagkat ayaw niyang isuko ang kanyang pagiging Katoliko. Si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan dahil sa mga isinulat niya laban dito. Dito niya nakita ang huling babaeng nagpatibok sa kanyang puso. Ito ay walang iba kundi si Josephine Bracken. Naging Masaya sila sa piling ng isat isa kaya kahit hindi sila ikinasal sa Dapitan namuhay sila na parang mag-asawa. Sina Rizal at Josephine ay Nagkaroon ng anak na pinangalanan nilang Francisco. Binawian lang din ito nang buhay ilang oras matapos isilang. IX.
Konklusyon: Hinahangad ng mananaliksik nito ang mabigyang kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa isang katauhan ni Rizal na nalalayo sa
katauhang nakilala at hinahangaan ng nakararami. Ang pagkatao ni Rizal na ito ang siya ring nagsisilbeng daan sa katotohanan na si Rizal ay hindi rin perpekto. Ito ay hindi ibig sabihan na hindi na siya dapat igalang bagkus siya ay mas nararapat pang ipagbunyi. Ipinakita niya sa kanyang ginawa na ang mga dakilang tao kagaya niya ay namumuhay bilang mga simpleng mamamayan lang din kung kaya lahat ng tao sa buong mundo ay pupuwedeng maging isang bayani. Yaon ay kung ninanais nilang ipaglaban ang mabuti laban sa kabagsikan. X.
Pagbibigay ng Kuru-kuro at Mungkahi: Kung ipagpapalagay na nabubuhay pa ngayon si Rizal, maaari nating sabihin na siya ay isang sugarol na malimit nating matagpuan sa mga casino o hindi naman sa mga lotto. Maaari rin siyang isa sa inyong mga kilala na sobra kung makipagkalaguyo sa mga kadalagahan. Mangyayari rin na isa siyang taong hindi magpapalupig kung kaya hindi niya hinahayaang makaalis ang kanyang kalaban hanggang hindi niya ito nagagantihan. Kahit ganito ang maaaring maibiwalisasyon kay Rizal kung ito ay buhay pa, hindi maipagkakaila na mas mamahalin natin siya sa kabila ng mga ito. Ito ay dahil alam
na natin na si Rizal ay minsan ring tumapak sa lupang tinatapakan natin, huminga sa hanging hinihinga natin at higit sa lahat, nagkasala at nagkamali na gaya ng kadalasang nagagawa natin. Ito ay kwento ng ordinaryong Pilipino. Ito ang kwento ni Doktor Jose Rizal. XI.
Talasanggunian: Zaide, Gregorio at Sonia M. Zaide, Jose Rizal: Life, Works, and Writings of a Genius, Writer, Scientist, and National Hero, Quezon City: All-Nations Publishing Co., Inc., 1994. --- Jose Rizal: Life, Works, and Writings of a Genius, Writer, Scientist, and National Hero. 2nd ed., Quezon City: All-Nations Publishing Co., Inc., 1995. Zulueta, Francisco M. at Virsely M. dela Cruz, Rizal:Buhay at mga Kaisipan, Navotas, Metro Manila: Navotas Press, 1995. Cordero, Aurora S. at Corazon G. Magbaleta, Usbong: Wika at Panitikan Ikaapat na Taon, Valenzuela City: Mega-Jesta Prints, Inc., 2002, p. 139t. de Vera, Estrella E. at Amelia V. Bucu, Obra Maestra: El Filibusterismo, Bagong Edisyon, Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2006.
A Heros Day Quiz, Current Events Digest Senior Edition, vol.47 is. no. 10, Quiapo, Manila: Current Events Digest, Inc., 2008, p. 7. Severino, Howie, Who called Rizal Little Bad Boy? Rizal: Bad Boy, June 19, 2008. http://blogs.gmanews.tv/sidetrip/blogindex. php?archives/342-who-called-Rizal-little-bad-boy.html. Little Bad Boy, The Best of I-Witness, vol.2. CD ROM Philippines: GMA News and Public Affairs, 2005. Diksyunaryo: Santiago, Aurea Jimenez at Manuel Franco, Talahulugang Pilipino (Pilipino - Pilipino), Manila: Merriam and Webster Bookstore, Inc., 1985. De Guzman, Maria Odulio, Diksyunaryo Pilipino - Ingles - Pilipino, Mandaluyong: National Bookstore, 1970. Enriquez, M. Jacobo at E. Santos, Pilipino Dictionary Talatinigang Pilipino ( English Tagalog English Vocabulary), Manila: Philippine Book Company, 1949.
Pamanahong Papel IV
Isang Pagsusuri kay Jose Rizal Bilang Little Bad Boy
Ipinasa ni:
Denise Dawn H. Duran Fourth Year Namuncura
Ipapasa kay:
Ginang Chona Mongcopa