GAWAIN BILANG.1
1. Magsaliksik kung naging mabisa o hindi ang pagkakaroon ng Batas Rizal sa pagpapayabong ng nasyonalismo ng mga Pilipino. Base sa mga nakatalang talata ng kasaysayan, sadyang naging mabisa ang pagkakaroon ng Batas Rizal sa marami narin naming kadahilanan. Ang batas na ito ay nagsilbing modelo sa nakararami, nagsilbing paalala na rin ng ating bayani. Namulat ang nakararami lalo na ang mga kabataan na itinuring ang mga gawi ng bayani upang harapin ang suliranin ng ating bansa.
2. Ano ang naging damdamin mo ninyo ng makaraang mabasa ang talumpati ni kinatawan
Arturo
Tolentino
sa
paghahain
niya
ng
inamyendahang
Panukalang Batas? Ang talumpati ni Arturo Tolentino ay nagpapahiwatig ng malawakang pakikibaka upang maibangon ang nasyonalismo ng bansa. Upang maging daan tungo sa pakikipaglaban na maipasa ang batas at panukalang ito, ang maayos na pagkakasalansan ng damdamin na nakapaloob sa talumpating ito ay
nakatulong
sa
pagpapalaganap
ng
kaisipang
ipinaglalaban
nito.
Nakakatuwang isipin na dahil sa pagwaksi niya sa pansariling ikakabuti lamang, pinili niyang maikiisa at tumulong sa mas nakararaming kababayan na maamyendahan ang batas na ito. Ang bansang watak watak ay di kakikitaan ni anino ng nasyonalismo, ito ang pangunahing kaisipan ng talumpati, ibig sabihin, ang bansang walang pagkakaisa ay madadaig ni ng maliit na bansa.
3. Magsagawa ng paniniliksik sa buhay nina Kinatawan Titong Roces at Senador Francisco Rodrigo.
Si Titong Roces o Joaquin ‘titong’ Roces ay isang kilalang manunumat at publisher noong 1995 ng mga kilalang dyaryo tulad ng Manila Bulletin ng Liwayway at Balita na ginagamit pa rin hanggang ngayong kasalukuyan. Siya ay ipinanganak noong September 28, 1919 at nagkaroon ng dalawang anak na pinangalanang Teresita at Danilo. Ang kaniyang maybahay ay si Lita Bautista. Nag aral siya sa Ateneo de Manila University sa kaniyang antas na primarya at sekondarya at pagtungtong ng kolehiyo sa nag aral naman sa Unibersidad ng Maynila ng abogasya. Makaraan ng ilang taon ay naging isang professor ng English at Law sa Far Eastern University. Si Francisco Soc Rodrigo ay isang sikat na politiko ng Pilipinas na sumalungat sa pagpapasa ng Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na Batas-Rizal na naglalayong isama sa kurikulum ng lahat ng kolehiyo sa Pilipinas na pag-aralan ang Noli me Tangere at El Filibusterismo. Mahigpit niyang tinutulan ito sapagkat para sa kanya ay maari itong humantong sa di pagkakaunawaan ng Paaralan at Simabahan. Si Rodrigo ay ipinanganak sa Bulacan noong 1914 at nag -aral sa Pamantasang Ateneo de Manila, ikinasal sa kaniyang kababatang si Remedios Enriquez. Kabilang siya sa Simabahang Katoliko at namatay noong Enero 1998 dahil sa kanser.
GAWAIN BILANG.2
1. Magsaliksik ng mga kasalanang ipinataw kay Rizal at ng mga taong sumaksi laban sa kanya. Ang pagpataw ng kamatayan sa ating pambansang bayani na si Rizal ay ibinase sa ibat ibang kasalanang isinisi sa kanya. Ilan sa mga kasong ipinaratang sa kanya ay konspirasyon o pakikipagsabwatan, rebelyon o paghihimagsik, at Sedisyon o panunulsol laban sa pamahalaan. Maging si Paciano na kapatid ng ating bayani ay dinakip, pinarusahan at pinilit na papirmahan ang kasulatang nagpapatunay na si Rizal ay kasama sa mga naghihimagsik. Isa na sa mga dahilang ito ang pakikisama niya sa ama ng katipunan na si Andres Bonifacio at utak na si Apolinario Mabini. Sa panahon ng himagsikan ay naptunayang nakasama siya sa samahang KKK O Kataastaasan Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan, isang samahang pambansa na itinatag na ang pangunahing layunin ay ang paglaya mula sa Espanya.
2. Magtungo sa Fort Santiago at bisitahin ang mga gamit na inilagay doon ng pamilya ni Rizal. Anong damdaminang pinukaw sa inyo ng kanyang mga gamit? Sa aking pagbabalik tanaw, aking natuklasan na pangkaraniwan din lamang ang mga gamit ni Rizal tulad ng ilang bayani o nakalipas na tao noong unang panahon. Bagamat, aking naramdaman na sa pamamagitan
nito, ang prisensya niya ay nasa puso lamang ng bawat Pilipino, ang kanyang kalakasan sa puso at pagkadalubhasa upang makalaya ang bayan, ang kanyang tahimik na pakikibaka at pangangaral sa kabataan ang siyang naiwan at umukit sa puso ng nakararami. Sa tingin ko, ito ang mga bagay na di kayang palitan ng anumang ginto, ito ang inihandog niya sa sambayanang Pilipino.
3. Ano ang inyong masasabi sa itinayong edipisyo sa likod ng monumento ni Rizal sa Luneta? Sa totoo lamang, ako ay bukas sa lahat ng pananaw at hindi ko iniisip ang edipisyo sa likod ng monument ni Rizal sa Luneta. Ang simbolo ng kabayanihan n gating magiting na si Rizal ay di kayang sirain o iwaksi sa ating isipan ng mga ganitong bagay. May mga tao pa rin na sa kabila ng pagbabago, ay masayang binabalik tanaw ang mga kadakilaang ipinakita ng ating mahal na bayani.
4. Bisitahin ang Luneta Park at tingnan ang ginagawang gusali. Ibigay ang inyong reaksyon tungkol dito. Ang pagbabago ay hindi maiiwasan ninuman. Lahat ng bagay at mga pangyayari sa mundo ay patuloy na gumagalaw, patuloy na nagbabago at napapalitan. Maging ang Luneta Park ay bahagi na ng pagbabagong ito, ang mga tao, mga gusali, mga establisyimento at istruktura ay unti unting binabago ng makabagong panahon sa ilalim ng teknolohiya. Ang mga pagbabagong ito ay maganda sa aking palagay, mas nabibigyang pansin ang monument at dumadami ang mga turistang nakikilala ang ating bayani. Di tulad ng dati, marami na ring palikuran at kainan ang nasa paligid.
GAWAIN BILANG 3
1. Ipaliwanag ang mga sumusunod na konsepto: A. Nasyon – ito ay kinikilala bilang isang kolektibong diwa nang isang pangkat ng tao tungkol sa kanilang iisang kultura, karanasan, at kasaysayan. Isang bansa na buo at hindi nahahati ang kanilang kultura, lengwahe at iba pa. B. Bayan – ito ay itinuturing na isang bahagi ng lokal na pamahalaan, ang mga lalawigan ay binubuo ng mga lungsod at mga bayan at ito ay pinapayagang
gumawa
ng
kanilang
sariling
mga
pang-
ekonomiya, industriya at pampolitika na pagpapaunlad ng pambansang pamahalaan C. Bayani – ito ay kinikilala bilang pang tukoy o pang uri, sa mga taong nag lalaan ng tulong o pagpapahalaga sa kapakanan ng iba. Tinatawag na bayani ang tao kapag nakagawa siya ng kabutihan,sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kanyang sarili o pagka martir na inaalay bilang
paninindigan para sa isang bagay na kanyang pinagpapahalagahan tulad ng bayan na ginawa ni rizal. D. Heroe –ito ay tinuturing na isang banyagang kataga na ang ibig sabihin ay may lubos na pagmamahal at malasakit sa bayan. E. Separarista – ito ay kinikilala bilang isang taong matalino, may paninindigan at determinsayon, malasakit sa kapwa o bayan at hindi umaasa sa ibang tao kundi sa sarili niang kakayahan . F. Repormista – ito ay tumuktukoy sa pagnanais ng pagbabago sa pamamagitan ng malinis at tahimik o mapayapang paraan.
2. Magsagawa ng pagsaliksik sa buhay ng mga sumusunod na personahe: a. Benedict Anderson- Si Benedict Anderson ay lumaki sa China, isang kilalang manunulat at lumikilha ng magagandag literature. Kilala siya sa kanyang isinulat na libro na Imagined Communities: Reflections on the Origin and Spread of Nationalism. Siya ay ipinanganak sa Kunming China nina James Anderson noong August 26, 1936 at Veronica Anderson. Nang mag limang taon siya ay lumipat sa Ireland at lumipat muli sa England At doon siya nag aral ng kolehiyo na may kursong Politcal Science sa eskwelehang University of Cambridge. Ibat ibang lenggwahe ang kaa niyang bigkasin tulad na lang ng
Indonesian, Javanese, Thai and Tagalog. Hinihalal si Anderson
bilang Fellow of the American Academy of Arts and Sciences in 1994 at nagturo sa Cornell hanggang 2002 bilang Professor Emeritus ng International Studies. Ginugol niya ang oras sa paglalakbay sa ibat’t ibang bansa ng Southeast Asia nang magretiro. Namatay siya noong December 13, 2015 sa kanyang pagtulog sa Batu, Malang, Indonesia at ayon sa kanyang matalik na
kaibigan na si Tariq Ali, namatay si Anderson dahil sa heart failure sa edad na 79. b.Floro Quibuyen - Si Floro Quibuyen ay ipinanganak sa Pilipinas. Siya ay kinilal sa kanyang libro na Nation Aborted: Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism. Isa siyang propesor ng Philippine Studies sa University of the Philippines na siya ding kumuha ng kanyang doctoral sa Hawaii. Siya ay naninirihan at nagtatrabaho sa Australia. Isa sa kanyang pinabulaanan ang kumakalat na paniniwalang puro repormista lang si Rizal at ang mahigpit niyang pagtutol sa rebolusyon. Ipinaliwanag din niya ang tungkol sa mga kultong maka-Rizal na isiasaad ng mga smusunod:
Ang
pagsigaw ni Rizal ng ‘naganap na’ matapos siyang barilin ng mga Guardia Sibil (ito rina ang winika ni Hesus bago siya mamatay at malagutan ng hininga); Pagbigay ni Rizal ng mga larawan ni Hesus sakanyang mga mahal sa buhay; at Paghahalintulad ng buhay ni Rizal sa kalbaryong dinannan ni Hesus. c. Zeus Salazar - Si Zeus Salazar ay ipinanganak sa bayan ng Tiwi, Albay noong 29 Abril 1934 nina Ireneo Salazar at Luz Salazar (nee Atayza) bilang kanilang panganay sa pitong anak. Namayagpag bilang estudyante ng Bikol at Maynila bago tumuntong ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 1951. Noong 1955, nagtapos siya ng AB Kasaysayan bilang Summa Cum Laude. Simula lamang ito ng marami pang karangalan para kay ZAS kabilang
na
ang Chévalier
dans
l’Ordre
des
Palmes
Academiques ng
Pamahalaang Pranses noong 1978 at “Gawad Lope K. Santos”.
At tila
naipasa niya ang dangal na ito sa kanyang mga anak na matatagumpay sa kanilang napiling karera sa Europa. “Bathala.” Ito ang tawag, kapwa ng mga nagmamahal at naiirita, kay Zeus Atayza Salazar, retiradong propesor ng Kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, at Ama ng Pantayong Pananaw. Tanggap niya ang tawag na ito, subalit marami ang namamali sa pag-aakalang Diyos ang turing niya sa kanyang sarili. Ang tanging dahilan ng kanyang pagtanggap sa tawag na ito ay sapagkat ito ang direktang salin
ng kanyang pangalan sa wikang Filipino, na kanyang masigasig na isinusulong tungo sa pagkakaisa at pagbubuo ng bansa. natuto siya ng humigit-kumulang sampung wika at nakakapagsalita at nakakapagsulat sa mga wikang Filipino, Bicolano, Ingles, Español, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, Malayo. Naging tagapangulo ng Departamento ng Kasaysayan (19871989) at Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (19891992). d. Teodoro Agoncillo- Si Teodoro Agoncillo ay kilala sa mahalagang kontribusyon niya sa pagsulat ng kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagsulat siya ng mahigit na 20 aklat at mga artikulo ukol dito. Siya ay hinirang bilang isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)", ng Junior Chamber of the Philippines noong 1963 at bilang "Distinguished Scholar of the University of the Philippines" noong 1968.Teodoro ang tunay niyang pangalan ngunit kilala sa katawagang "Teddy" o "Ago" ng mga kaibigan. Ipinanganak siya noong Nobyembre 9, 1912. Ang kanyang mga magulang ay sina Pedro Medina
Agoncillo
(ng Taal, Batangas)
at
Feliza
Zaraspe
Adan
(ng Lemery, Batangas). Lumaki sa Intramuros, Maynila, nakapagtapos si Agoncillo
ng
kanyang doctorate
B.M.A.) noong 1934 at Philosophy (1935)
degree
sa Unibersidad
ng
(Ph. Pilipinas.
Nagawaran din siya ng Doctors of Letters, Honoris Causa ng University of Central Philippines, taong 1969. Ang kanyang mga aklat na isinulat mula sa pananaw ng isang Pilipino para sa mga Pilipino ang pinakamagandang pamana ni Teddy sa bansang Pilipinas. Ilan sa kanyang mga: Ang Kasaysayan ng Pilipinas,The Revolt of the Masses, The Story of Bonifacio and the Katipunan, Malolos, the Crisis of the Republic, Philippine History, The History of the Filipino People. e.
Renato
Constantino-
Si
Renato
Constantino
ay
isa
sa
mga
maimpluwensiyang Pilipinong historyador. Siya ang pinakamatanda sa magkakapatid na sina Atty. Amador Constantino and Francisca Reyes. Meron siyang maraming naging propesyon tulad ng isang propesor sa kolehiyo, a
museum director, a journalist at sumulat ng maraming libro tulad ng The Philippines: A Past Revisited, Philippines: A Continuing Past, Excerpts from the Speeches of Claro M. Recto, Dissent and Counter-consciousness. Si Renato ang Executive Secretary ng Philippine Mission to the United Nations simula 1946 hanggang 1949 at Counsellor ng Department of Foreign Affairs muka 19498 hanggang 1951. Tumagal ang kanyang pagtuturo sa loob ng tatlong taon sa Far Eastern University, Adamson University, Arellano University and University of the Philippines, Manila at Diliman. Isa rin siya sa mga representatnte na bumibisita sa iba’t ibang unibersidad sa ibang bansa tulad ng in London, Sweden, Japan, Germany, Malaysia and Thailand at iba pa.isa rin siya sa Director NG Lopez Memorial Museum mula 1960 hanggang 1972.
3. Magbigay ng ilang patunay na si Rizal ay may diwang separatista. Marami ang patunay na ang ating bayani ay may diwang separatista. Isa na dito ang kanyang pagtutol sa dahas at lakas na pamamaraan ng paghihimagsik. Naisip niya na ang ga bagay na ito ay di makakapagpalaya sa atin, iminulat niya tayo na ang pagiging dalubhasa at pagkadunong sa lahat ng aspeto at ang paggamit ito sa tama ang daan upang makamtan ang pagbabago at ito ay nagsisimula sa ating mga sarili.
GAWAIN BILANG 4
1. Gumawa ng sanaysay sa temang "Ang Diwang Pilipino at ako." Ang pagiging isang makabansa ay di nakikita sa pananamit, sa salita o sa pagkain na inihahain natin sa hapagkainan. Marami sa atin ang patuloy na lumalaban, patuloy na ipinaakita ang maalab na pagsagip at pagmamahal sa bayan, ngunit tunay ba na ito ang pagpapakita ng diwa ng pagiging isang Pilipino? Nakakalito man at nakakabahala, marami ang nagkakamali sa usaping ito, tunay nga na marami pa din ang di nakiintindi ng mga aspetong nakapaloob dito. Subalit masasabi rin na nabubuhay sa ibat ibang paraan ang diwa ng pagkaPilipino. Ang ilan ay pilit inimumulat ang sarili sa katotohanan at di nagpapataboy sa mga makadayuhang pagnanais at pamumuhay, ang ilan din naman ay idinadaa sa literature at pagsulat ng mga akda, ang ilan din naman ay masugid at buong pusong kinakanta ang kagalang galang na Lupang Hinirang. Ngunit sa aking palagay, bilang isang Pilipino, ang maiaambag ko ay ang patuloy na pagkamulat sa totoong kaugalian na tinitingala ng ilan sa ating mga Pilipino.
2. Magbasa ng pahayagan at suriing mabuti ang mga balita kaugnay ng mga iskandalo na kinasangkutan ng mga mambabatas. Isulat ang iyong damdamin kaugnay ng iyong nabasa. Malaki na ngang tunay ang suliraning kinahaharap ng ating bansa. Ang mga namumuno sa ating bansa ang siya pang puno ng panloloko sa ating mga nasasakupan nila. Mula sa pagbabasa ng ibat ibang kolum sa pahayagan, aking mas naiintindihan ang malawak na suliranin ng bansa. Ito ay ang kawalan ng seryoso at malalim na pagsusuri sa pamimili ng mga
namumuno, at higit sa lahat sa pagiging isang responsableng bahagi ng pamayanan.
3. Bilang isang Pilipino, paano mo isasabuhay ang iyong pagiging Pilipino? Ako ay Pilipino, sa isip, sa diwa at sa puso; hindi bat ito ang winika sa ilang libro ng ilang makabayang manunulat ng bansa? Ngunit sino nga ba talaga ang makapagsasabi kung paano mamuhay ng matapat sa bayan. Madaling tumanda pero mahirap mabuhay, yan ang laging saad sa akin ng aking ama, marahil bata pa ako upang maintindihan ang mga bagay na ito, subalit sa pagkabata nabubuo ang sigla ng buhay. Malaki ang aking paniniwala na bilang isang kabataan, ako ay mayroong kalakasan at kakayahang magbago at maging epekto sa aking komunidad. Isa akong Pilipino na ipagmamalaki ang lahi ko saan man ako narororoon, ipakikita ko ang likha ng ating inang bayan, isang mabuti at puno ng dignidad, isang masigasig sa pag aaral man at sa pagtatrabaho. Mamahalin ko ang aking mga magulang, lalong lalo na ang aking pamilya, ang aking mga kalahi at aking mga pinuno, higit sa lahat nakasentro ang Panginoon na nagbibigay kalakasan. Bilang isang mabuting Pilipino, aalamin ko ang mga isyu ng bayan at makikibahagi sa pagresolba nito sa mabuting paraan na hindi makakasira sa kapayapaan. Papaunlarin ko rin ang aking sarili, sa pamamagitan ng maayos na pagnenegosyo at pagtatrabaho. Aking igagalang at pananatilihin ang maayos na pagsunod sa mga batas, alituntunin at regulasyon ng ating bansa. Muli rin akong magbabaliktanaw sa aking mga ninuno at atuloy silang titingalaan at pasasalamatan. Mahirap man ang aking bansa, naniniwala ako na unti unti tayong babangon at magiging maunlad na mamamayan ng bansa.
GAWAIN BILANG 5
1. Magsagawa ng pananaliksik sa Order of the Knights of Rizal. Itala ang mga pinuno at mahahalagang personahe ng daigdig na kasapi dito. Itala din ang mga programa nito na nakakatulong sa pagpapalaganap ng mga kaisipan at gawain ni Rizal. Ang Order of the Knights of Rizal ay nagbibigay pugay sa lahat ng ating mga Bayani na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para lamang makamit ang ating matagal na minithing kalayaan. Ang Pilipinas ay pinamumunuan ni Jeremias German Crisologo Singson, KGCR Supreme Commander; Avelino Volante Torres, KGOR Supreme Chancellor; Maximo Salazar, KGOR Supreme Pursuivant;
Reynaldo
San
Juan
KGOR
Supreme
Archivist
at
Antonio
Templanza Manzano KGCR Supreme Auditor. Sa Italy ay hinirang naman sina Romulo Salvador KCR bilang Area Commander at Carlos Simbillo, KCR bilang Area Deputy Commander for Italy . Kabilang sa mga bumubuo ng Italy Chapter commanders ng Italy ay sina Ferdinando Marchiani KCR - Frosinone, Henry Amboy KCR - Cagliari, Hon. Consul Domenico Marciano KCR- Reggio Calabria, Gerry Adarlo KCR- Modena at Emerson Malapitan KCR Modena adviser at bilang kauna-unahang Knight at chapter commander sa Buong Italya na sa kasalukuyan ay binubuo ng anim na Chapters mula sa Italy, ito
ay ang Modena, Roma, Cagliari, Firenze, Frosinone at Reggio Calabria at marami pang mga personahe na kabilang dito. Kabilang sa kanilang programa ang paglibot o pagpunta sa mga lugar na pinuntahan ni Jose P. Rizal, kung anung mga ginawa ni Rizal sa lugar na iyon.
GAWAIN BILANG 6
1. Ipaliwanag kung bakit may di kanais- nais na kahulugan ang salitang radikal sa kasalukuyang panahon. Di
kanais
nangangahulugan
nais ito
ang
pag
na
gamit
nagsusulong
ng
salitang ng
mga
radikal
sapagkat
pangunahin
at
rebolusyonaryong pagbabago sa kasalukuyang kalagayan.
2. Magbigay ng mga patunay na si Rizal ay ibinabandila bilang isang Kristo ng mga mamamayang Pilipino noong panahon ng himagsikan. Inuturing nila na si Rizal ang kanilang tagapagligtas na nagbigay sa kanya
ngpopularidad
na
bagamat
siya
ay
hindi
naging
bahagi
ng
Himagsikang 1986 ay malinaw nanaging kabahagi ng bayan sa diwa upang isulong ang kalayaan ng sambyanan. Isa pangpatunay ay inahalintulad nila
ang pangyayari na inalay ni Rizal ang kanyang buahy para sasanlibutan tulad ng ginawa ni Kristo.
3. Pangatwiranan kung tama ang naging pasya ni Rizal na umalis sa Madrid ng magkaroon sila ng hidwaan ni Del Pilar. Kung kayo si Rizal, ano ang gagawin ninyo sa ganoong sitwasyon? Naging tama ang desisyon ni Rizal sa pag-alis sa Madrid ng nagkaroon sila ng hidwaanni Del Pilar. Iba ang paniniwala ni Del Pilar at ni Rizal sa kanilang ideolohiya at pulitkal.Napagtanto ni Rizal na hindi dapat maging probinsya ang Pilipinas ng mga KasTla dahilaabushin nila ang Pilipino tulad ng pataas ng renta at buwis na kanilang ginawa sa mgamagsasaka. Kaya na imbis na magtalo pa sila ni Del Pilar ay lumisan nalang siya upang itoay maiwasang mangyari.Kung ako si Rizal, gagawin ko rin ang ginawa niya dahil wala nang silbing makipagtalokay Del Pilar dahil may sarili siyang talino at may sarili siyang paniniwala kung ano angmakakabuT sa Pilipinas. Kung ako man ay makipagtalo sa kanya ay maaaring magkaroon nghindi inaasahang pangyayar
GAWAIN BILANG 7
1. Sa mga babaing naging bahagi ng buhay ni Rizal, sino ang higit niyong hinangaan? Bakit? Ang isa sa aking hinahangaan ay ang pag iibigan nila ni LEONOR VALENZUELA.
Sila
ay
magkapitbahay
noon,
nagpalitan
ng
sulat
at
nagkaibigan. Maganda si Leonor at masasabing may pinag aralan, tingin ko rin ay mabuti ang kanyang puso sapagkat sa kabila ng paghihiwalay ila ni Rizal ay naging magkaibigan pa rin sila.
2. Hinandugan ng tula ni Rizal si Consuelo Ortiga y Perez. Ipaliwanag kung ano ang mensaheng nasa tulang ito ni Rizal.
Si Consuelo Ortiga y Rey ay ang pinakamagandang anak ni Don Pablo Ortiga kayat di nakapagtataka na dahil dito kaya napaibig niya si Jose Rizal. Ang tulang alay niya sa dalaga ay nagpapaliwanag ng isang pag ibig na wala sa panahon at di pa maaaring mahinog. Dahil sa hilig ng dalaga sa mga tula, siya pa rin ipinapadala ni Rizal ang mga damdaming nakaulat sa tula. Sayang ang ganitong pag ibig, di nga lang malinaw kung ganon din ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya.
GAWAIN BILANG 8
1. Paghambingin ang dalawang nobela ni Rizal. Alin sa akala ninyo ang superyor? Bakit? Ang Noli Me Tangere ay mula sa salitang Latin na nangangahulugang HUWAG MO AKONG SALINGIN, hinango ito sa bibliya sa ebanghelyo ni San Juan. Ito ay nagsimulang gawin ito noong 1884 sa Spain at natapos ito noong Pebrero 1887 sa Berlin,Germany, ginawang inspirasyon niya ang nakitang pagkakatulad sa pagmamaltratong malupit ng Spain sa diskriminasyon ng Amerikanong puti sa itim at inihandog ang akdang ito sa Bayang Sinilangan. Samantala, ang El Filibusterismo ay mula sa salitang Filibustero na ibig sabihin ay taong kalaban ng mga prayle at nagsimulang gawin ito noong
1890 sa England at natapos sa Belgium noong 1891 kung saan naniniwala si Rizal na biktima sila ng walang katarungan at kalapastanganan ng Spain sa tatlong pari na sina Mariano Gomez,Jose Burgos at Jacinto Zamora kayat itoy alay para sa tatlong pari na GomBurZa.
2. Anong damdamin ang napukaw sa inyo sa sinambit ni Elias bago siya namatay? Nang mamatay si Elias, tunay nga na nakalulungot sapagkat di niya nakamit ang hustisya na inasam.
3. Tama ba ang ginawa ni Padre Florentino na pagtatapon sa dagat ng kayamanan ni Simoun? Kung kayo si Padre Florentino, ano ang gagawin ninyo sa kayamanan? Ayon sa akin pagaanalisa, tama lamang ang ginawa ni Padre Tollentino dahil walang halaga ang kayamanang di naman magagamit sa tama. Kung ako ang nasabing Padre, gagawin o din ito sapagkat mas pipiliin kong itapon na lamang ang bagay na alam kong di ko naman magagamit at wala namang halaga. 4. Basahin ang Elias at Salome, ang nawawalang kabanata sa Noli Me Tangere. Tama ba ang naging desisyon ni Elias na layuan si Salome? Makikita sakripisyo sa ginawa ni Elias subalit ito ay ginawa niya pagsagip din sa nasabing tauhan. Tunay nga na ang pagmamahal ay kaakibat ng pagsasakripisyo at kabigatan ng loob ngunit maswerte ang nagmamahal, yan ang totoo.
5. Ihambing ang ilang karakter sa Noli at Fili sa mga kasalukuyang tao, pinuno ng ating lipunan.
Kabesang tales Parasa mga mahihirap na magsasaka sa bansa na pinagkaitan ng lupang kanilang
sasakahan
na
kanila
naming
pinaghirapan,
tulad
ng
mga
nararanasan ng iba pang mga magsasaka sa panahon ngayon na naabuso ng mga makakataas sa kanila.
Si sisa Sumasalamin sa isang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak na nakakaranas ng pagmamalupit ng asawa na tulad ng sa kasalukuyan na maraming naabusong kababaihan dahil sa pananakit.
Si kapitan tiago Tulad ng mga taong ginagamit ang koneksyon upang maisagawa ang kanilang mga kagustuhan tulad ng nasa mga gobyerno ngayon na madalas gumagamit ng gabnitong paraan upang maisagawa ang masama o mabuting balak.
Si elias Maihahalintulad sa mga taong di nakakamit ang hustisya ng pagkamatay o di makamit ang pinaglalaban katulad ng mga tao ngayon na walang pera upang makamit ang hustisya.
Isagani Dahil sa kahirapan na kanilang nararanasan ay hindi na nakakamit ang kanilang mga pangarap. Ngunit may mga nananatili pang matapat, may mga
busilak na puso na nais makatulong sa pamilya, kapwa at bayan, tulad ni ibarra.
6. Kung kayo si Rizal, paano niyo wawakasan ang dalawang nobela? Ang nobelang ito ang nagpatibok sa maraming mambabasa, at naghayag ng napakadaming aral sa nakararami. Ang pagwawakas ng kwentng ito ay ayon sa aking opinyon ay nasa napakagandang kalagayan sapagkat itoy naghahatid ng katotohanan at nagpapabatid sa nakararami ng ibat ibang mkha ng buhay.
GAWAIN BILANG 9
1. Basahing
mabuti
ang
liham
ng
mga
kababaihang
taga
Malolos
sa
Gobernador-Heneral. Ano ang napansin niyo sa liham? Sa aking pagbabasa ng nasabing liham, ang sulat na ito taong 1889, ay nagpapahayag ng papuri at paggalang ni Rizal sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon, na kung saan ay isang di-karaniwang hakbang para sa maraming kababaihan sa kanyang panahon. Adahil sa pananaw na ang kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan, siya ay nagulat at namangha sa ipinakita ng mg kabaaihan noong panahon a iyon. Batay sa kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa karunungan ay patunay ng pagkamulat sa tunay na kahulugan ng kabanalan, at ito ay ang kabanalang nakatuon sa kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag-iisip.
2. Kumuha ng sipi ng buong liham ni Rizal sa mga kababaihang taga-Malolos at pag aralan ito. Ano ang ipinapahiwatig ni Rizal ng banggitin niya ang mga inang taga-Sparta? Minsa’y nagtagó sa simbahan ang isang napatalong harí nila, sa takot sa galit sa bayan; pinagkaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg gutum. Ñg papaderan na ang pinto’y ang ina ang unang nag hakot ñg bato. Ang mga ugaling ito’y karaniwan sa kanila, kayá ñga’t iginalang ng buong Grecia (=Greece) ang babaing Esparta. Sa lahat ñg babai, ang pulá ñg isa ay kayo lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki. Ang mga sipi ni Rizal na tumutukoy sa mga Esparta ay nagpapahiwatig ng kanyang paghanga sa kanila. Bagamat ang mga kababaihan ay marapat lamang na di sumali sa pakikipaglaban sapagkat sila ang ilaw ng tahanan, pinili ng karamihan sa kanila noong panahon ng himagsikan na lumaban at ipagtanggol ang bansang natatangi.
3. Magtala ng mga kababaihan sa kontemporaryong panahon na hinahangaan ninyo at ibigay ang dahilan kung bakit ninyo sila hinahangaan.
Si Miriam Santiago ang maituturing natin na isa sa mga pinaka kontrobersyal at pinaka intelektwal na kababaihan sa Pilipinas. Ilan lamang sa mga patunay na ito ay noong ipinaglaban niya ang karapatan ng mga Propessor ng Ateneo ng pro-RH bill kahit sa banta ng excommunication sa kanya ng obispo. Kamakailan siya ay naitayo bilang hukom ng International Criminal Court of the United Nations noong Marso 2012.
Si J.K. Rowling ay isa sa mga hinahangaan ko sa parte ng literatura. Isinulat niya ang Harry Potter sa ibat ibang pagkakataon ng kanyang buhay. Nagbigay ito g imahinasyon, kakaibang saya sa nakararami. Naisalin din ito sa takilya at tumabo ng maramig manonood. Malaki ang insprasyon na ibinigay niya sa mga tao.
GAWAIN BILANG 10
1. Magsaliksik tungkol sa kaganapang naganap sa Pilipinas ng nakaraang isang daang taon. Isa sa mga kilalang naganap noong nakaraang isandaang taon ay ang Unang Digmaang Pandaigdig (Ingles: World War I o pinaikling WWI). Ito ay isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan. Sa kabilang banda, tayo naman ay nasakop ng mga Amerikano na siyang nag abuso sa atin matapos ang mga Espanyol.
2. Gumawa ng isang matrix presentation gaya ng nasa ibaba na naglalarawan sa Pilipinas. NOON Ating mga ninuno, sila ang pinagmulan at kadahilanan ng mga bagay, tradisyon, kaugalian, itsura at maging sa pag tatag ng ating bansa. Mahalaga na atin itong pag aralan upang malaman natin kung gaano kahalaga ang ginampanan ng ating mga ninuo sa kasalukuyan at para matutunan natin itong pahalagahan.
Kabilang din sa ating mga ninuno ay ang mga bayani, sila ang mga taong matatawag kong matapang, sapagkat nagawa nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa kaligtasan at kalayaan ng kanilang bayan. Marami ang bayani sa Pilipinas, kabilang dito sina Andress Bonifacio, Melchora Aquino at Apolinario Mabini, at ang atin namang pambansang bayani ay si Dr. Jose Rizal. Kung hindi dahil sa kanila ay baka nasakop na tayong tuluyan ng
mga
dayuhan.
NGAYON Marami silang pamanang iniwan sa atin na hanggang ngayon ay pinapakinabangan na'tin at tumatak na sa puso ng bawat isa. Sa ngayon, tunay na patuloy ang pag-unlad ng panahon. Patunay na riyan ang mga makabagong teknolohiya, mga lengguwahe(jejemon) at kung anu'ano pa, na nagiging parte ng kasaysayan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakabuti ang mga makabagong imbensyon sa ngayon. Tulad ng ng mga sasakyan, factoy at kung anu-ano pa na nag dudulot ng pagnipis ng atmospera, at ng mga drugs, yosi, cellphone, internet na kung minasan ay inaabuso ng iba at ginagamit sa maling paraan.
BUKAS Lahat ng mga nangyari ng nakaraan at sa kasalukuyan ay malamang na makaaapekto sa kinabukasan.
GAWAIN BILANG 11
1.
Kung tamad ang mga Pilipino sa kasalukuyang panahon, ano sa akala ninyo ang mga dahilan? Anong solusyon ang maaari ninyong maibigay upang mawala ang katamarang ito? Ang katamaran ay nasa kawalan ng interes at pakikisama sa mga gawaing nakapaligid sa iyo. Ito ay nagmumula sa mapurol na pag iisip at kawalan din ng imahinasyon. Kung ang mga Pilipino ay tamad sa kasalukuyang henerasyon, maaaring marami ang mga kadahilanan nito. Syempre, maisama na natin ang tuluyang pagsakop ng teknolohiya sa mundo na iyang unang adhikain na pagaanin ang trabaho ng mga tao. Isama din ang napakaraming pang aliw o mga entertainment sa ibat ibang bahagi ng bansa. Ang internet na nagtuturo sa karamihan ng halos lahat ng bagay ay siya ring punot dulo ng lahat. Ang mga makamundong mga bagay na ito ang siyang sumisipsip sa ating mga oras kung kayat karamihan rito ay nasasayang lamang sa mga walang kwentang bagay. Bilang solusyon, malabo naman na baguhin ang sistemang dinala a rin ng teknolohiya, ang mga bagay na ito kasi ay hindi na maiiiwasan pa kayat nais kong bigyang babala ang nakararami na gamitin sa tama ang mga resorses na ito at muling buhayin ang diwa ng pagsisikap sa nakararami. Marapat din sanang magbigay pansin tayo sa mga interaktibong aktibidad sa mga pamayanan na naglalayong makiisa ang lahat ng mga mamamayan upang maitaguyod ang totoong pakikipagkomunikasyon at pakikisama sa mg tao.
2.
Gumawa ng isang sanaysay sa temang "Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagsugpo ng Kahirapan" "Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagsugpo ng Kahirapan" Ang pamahalaan ang sentro ng isang sambayanan, ang pamahalaan ang pundasyon ng lahat ng karapatan maging responsibilidad bilang isang mamamayan, subalit, ang pamahalaan din ang susi sa kaunlaran ng bansang ating ginagalawan. Mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa bawat buhay ng mga Pilipino, ito ang modelo at pag asa ng mga mahihirap, tagapagtaguyod ng katarungan at katapatan sa ating mga nasasakupan. Subalit, ano nga ba ang maaaring mangyari kung ang pamahalaan ay winasak na ng makasariling motibo ng bawat namumuno, syempre simula ito ng ibat ibang sigalot at problema na di sa kalaunan ay magiging problema ng mga mamamayan. Napakahalaga ng parte ng na ginagampanan ng pamahalaan lalo na sa kahirapan ng bansa. Ngunit ano nga ba ang sanhi ng kahirapan? ayon sa aking pananaliksik, ang kahirapan ay bunga ng kawalan ng maayos na trabaho, sapat na budget sa buong mag anak, kawalan ng edukasyon, pagiging mangmang, walang alam at katamaran. Paano nga ba ito masosolusyunan ng gobyerno? Ang ilan sa mga proyekto ng bansa ay nakatuon madalas sa mga programang tumutulong sa mga mahihirap , kapus palad at walang pera. Ilan na dito ang ibat ibang uri ng scholarship, 4p’s pampamilya, libreng pag aaral, libreng gamot at iba pa.
GAWAIN BILANG 12
1. Lumikha ng isang tula tungkol sa bayan.
AALIS MUNA AKO Bayan ko na sa aki’y kumalinga Salamat sayo at sa iyong tuwina Ako’y lumaki sa iyong kandungan Puno ng pangarap at walang alinlangan
Ako sanay iyo pang patnubayan Saan man ako naroroon, malayo man sa bayan Ika’y aking alalahanin
At pangakong di ka lilimutin
O kay sarap nga sa piling mo oh aking ina Subalit kailangan kong magipon at kumita Akoy aalis lang sandali at magbabakasakali Baka sa pagbalik ko ay kaya na kitang bigyang sukli.
GAWAIN BILANG 13
1. Sumulat ng sanaysay tungkol sa alinman sa ss. na paksa: a. Ang Kabataang Pilipino sa Kasalukuyang Panahon b. Ang Pangarap ko Para sa Pilipinas. c. Ang Gurong Huwaran sa Aking Isipan
“Ang Pangarap ko Para sa Pilipinas” Ano nga ba ag isang pangarap? Paano nga ba ang mangarap? Saan ba dapat magsimula ang sinumam? Tunay ngang kaibig ibig ang mangarap at ihandog ito sa mga minamahal, lalo na sa akig bayan na higit akong inalagaan at pinuspos ng katalinuhan. Ang pangarap ay nagsisimula sa kahit anong sukat, sa kahit anong pagitan at higit sa lahat, sa kahit anong pagkakataon. Subalit, gayunpaman, napakarami ang lumaki at pumanaw na lamng na hindi pa nararanasan ang mangarap. Bakit kaya? Pwede ba yun?
Yan lamang ay ilan sa mga katanungan ng aking munting isipan. Sa kabila ng mga katanungang ito, nagtatago ang aking pangarap para sa aking minamahal na Pilipinas. Ang pangarap ko sa Pilipinas ay nagsisimula sa aking mga guro. Pangarap kong mabigyan sila ng malaking pribelehiyo sapagkat sila ang tunay na kumakalinga sa pag asa at pangarap ninuman. Sumunod dito, pangarap ko ang libre at malinis na tubig para sa aking mga katutubo, ang mga klinika na pun ng lahat ng ur ng gamot para sa kanila at ilang teknolohiya para sa kanilang kabihasnan. Pangarap ko din ang masayang pagsasalo salo ng lahat n pamilya sa bawat hapagkainan, masaya at magagandang balita lamang habang nanonood ng telebisyon at nakikinig ng radyo. Pangarap ko ang mulat at respnsable, interaktibong kabataan sa mga isyung panlipunan, ang kanilang pagpaplano upang maging tulay ng pamahalaan sa pagtulong sa mga kapwa mamamayan. Pangarap ko ang tahimik at mahimbing na gabi para sa lahat, pangarap ko ang masaganang pagkain, sapat at nagkukulang na suplay sa loob ng bansa at maayos na pakikipagkaibigan sa mga bansa malapit man o malayo sa atin. Pangarap ko ang simpleng pamumuhay, ang walang stress at polusyon na bayan. Maliit man, pero malaki para sa akin ang mga bagay na ito, masarap itong makamtan lalo na at ito ang pangarap po para sa aking Pilipinas.
2. Ano ang mensaheng nakapaloob sa tulang "Buhayin si Rizal"? Paano ninyo magagawang mabuhay si Rizal sa inyong mga sarili? Ang tulang buhayin si Rizal ay nagpapakita ng ibat ibang pahiwatig. Tunay na makakapagisip ka kung ano nga ba talaga ang papel ni Rizal sa buhay nating mga Pilipino, wala man siya subalit, patuloy na tumutunog ang kanyang ngalan sa alinmang panig ng mundo. Ang mahahaba niyang akda ay nakababagot para sa iba at sakit naman sa ulo ng mga estudyanteng ayaw magbasa ng aklat. Mahalaga pa nga ba pag-aralan si Rizal? Anu-ano ang maitutulong nito sa ating kinabukasan? Ilan lamang ito sa tanong g
nakararami, ngunit nasasabi lamang sa mensahe ng tulang ito ang mabuting layunin ng mga akdang ito sa ating buhay. Salamat sa kalayaang inhandog ng maaming bayani sa atin kayat di na tayo nagdarahop, salamat sa kanilang sakripisyo at pakikipaglaban.