Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861 –Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid. Ang ina ni Rizal Rizal ay siyang siyang kaniyang kaniyang unang guro guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal Ang Ateneo Municipal de de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas.. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya Tomas ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuri mapansuring ng pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiyaat-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Si Andres Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897 ) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa. Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Melsi c subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila. Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini. Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang mangagawa ang pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano). Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay. Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga cedula. Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director). Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andrés Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan
sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaki na si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.
Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas. Edukasyon
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pagaaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894. Buhay Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon. Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo. Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang
iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino. Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.
Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.
Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 –Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan. Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Ipinnganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa Luzon[1] sa panahong kolonya ng Espanya ang Pilipinas, ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ng isang paring Jesuit, nagpatala siya sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina. Nagbaelik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong panguiinahan ang isang pag-aalsa na sa kaunting panahon ay nagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinatapon si Aguinaldo sa Hong Kong noong 1888. Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ng mga Britanya at nagtipon ng mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas. Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio, na may layuning patalsipokkin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Kasama ni Dr. Jose Rizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896, at ginapanan niya ang pamumuno sa kilusan pallgkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol sa pamamagitan ng pwersang militajjr at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon.
Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol – kasama ng paglilipat ng maghigit na 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gaya ng ginawa ng mga Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapulungan ng Saling-batas ng Pilinas bilang pangulo noong Enero 1, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899. Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral,tulad ni Gen.Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa halalan. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang pagsuporta sa mga Hapon. Pagkatapos makuhang muli ng mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa kaaway, ngunit sa paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang mga pahayag (binantaan siya ng mga Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong 1946, at noong 1950 nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling namahinga. Namatay siya sa atake sa puso sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94.
Si Graciano Lopez Jaena ay isang Pilipinong manunulat na higit na kilala sa kaniyang akdang Fray Botod. 'Butod' ang salitang Hiligaynon para sa "kabag" at katumbas din ito ng balbal na "tabatsoy". Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 17, 1856. Ang ina niya, si Maria Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si Placido Lopez, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano. Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na
noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing niyang magsalita. Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid. Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao. Nuong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang "Fray Botod," prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao." Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campana, campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Español na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graci ano na ipahayag na "natural" ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle. Nuon siya tumakas sa España. Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila. Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.
Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang PilipinoAmerikano. Siya ay isinilang sa Bulakan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio. Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro Monico at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang Himagsikan. Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng maghihimagsik at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya sa Kakaron de Sili at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo. Napatay siya at ang kanyang mga tauhan sa pagtatanggol ng Pasong Tirad. Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (Marso 22, 1869 –Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan. Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Si Melchora Aquino (kapanakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang paguusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong
taong 1896. Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal. Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa paguusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki. Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919. Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Lungsod ng Quezon) Si Gabriela Silang (Marso 19, 1731 - Setyembre 29, 1763) ay ang unang Pilipinong babae na
namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.
Siya ay ipinanganak bilang Mari a Josefa Gabriela Cariño Silang noong Marso 19, 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay ang pagpapakasal laban sa kanyang kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda. Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda. Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan iteres ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero, 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong Setyembre 29, 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaing Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.
Si Jose Abad Santos y Basco (Pebrero 19, 1886 - Mayo 2, 1942) ay ang ika-5 Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. Siya ay naisakatuparan ng Japanese pwersa sa panahon ng pananakop ng Pilipinas sa World War II. Abad Santos ay isinilang sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga sa Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Ang kanyang kapatid na lalaki, Pedro, sa wakas ay lumitaw bilang isang nangungunang lider sosyalista sa panahon ng Komonwelt na panahon. Sa 1,904, siya ay ipinadala sa Estados Unidos bilang isang pensionado ng gobyerno. Siya ay tapos na ang isang pre-batas ng kurso sa Santa Clara College sa Santa Clara, California; kanyang Bachelor ng Batas sa Northwestern University sa Evanston, Illinois; at ang kanyang mga Masters ng Batas sa George Washington University sa 1,909. Ipasok sa Philippine Bar sa 1,911, nanilbihan siya bilang Assistant Abogado sa Bureau of Justice 1913-1917. Sa 1,919, Abad Santos ay maging nakatulong sa pagtula ang mga legal na batayan pati na rin sa pagbalangkas ng mga by-batas at saligang batas ng Philippine Women's University, ang bansa at Asia's unang pribadong walang pangkatin institusyon para sa mas mataas na pag-aaral para sa mga kababaihan. Ang isang matibay Methodist, Abad Santos ay isang miyembro ng Central United Methodist Church sa Kalaw Street sa Maynila at pagkatapos ay kilala bilang Luzon Methodist ukol sa mga ubispo Iglesia. Siya ay hinirang mamaya ang unang Filipino corporate abugado ng Philippine National Bank, Manila Company riles ng tren at iba pang mga pampamahalaang korporasyon. Siya ay bumalik sa Department of Justice kung saan siya ay naging Attorney-General, pandalawang ministro ng Katarungan at pagkatapos ay Kalihim ng Katarungan 1921-1923. Noong Hulyo 1923, siya ay nakatalaga bilang Secretary of Justice kasama ng iba pang mga secretaries departamento bilang isang resulta ng kontrobersiya sa pagitan ng GobernadorHeneral Leonard Wood at mga lider ng Filipino. Si Abad Santos pagkatapos ay nanilbihan bilang Punong Counsel ng Pangulo ng Senado ng Pilipinas at sa Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa 1,926 siya nagpunta sa Estados Unidos bilang pinuno ng Philippine Educational Mission. Siya ay muli na itinalaga ng Kalihim ng Katarungan sa 1,928 at muling mahirang sa Hulyo 1, 1931. Sa 1,932, siya ay naging Associate Justice ng Korte Suprema. Siya ay naging nito Chief Justice noong 24 Disyembre 1941. Bilang bahagi ng pangemergency pagbubuong muli ng pamahalaan ng Commonwealth, Abad Santos, sa kanyang kapasidad bilang Chief Justice, ay ibinigay sa mga pananagutan na dati pagdederekta sa pamamagitan ng Kalihim ng Katarungan (ang posisyon ng Kalihim ng Hustisya ay inalis sa panahon ng digmaan). Abad Santos sinamahan sa Commonwealth ng pamahalaan sa Corregidor, kung saan sa Disyembre 30, 1941, siya ay ibibigay ang panunumpa ng tanggapan ng Pangulo sa Quezon at BisePresidente Osmeña para sa ikalawang termino nila gusto ay pinili na noong Nobyembre ng taon. Siya rin ang undertook, sa Manuel Roxas, ang pangangasiwa ng pagsira ng Commonwealth ng pamahalaan na pera upang maiwasan ang pagbagsak nito sa kamay kaaway.
Ang mga magulang ni Lapu Lapu ayon sa kwento ay sinasabing sina Kusgano at Inday Puti. Siya ay may nakatatandang kapatid, si Mingming. Ang pangalang Mactan ay sinasabing nagmula sa kanyang lola, si Matang Mantaunas, na sinasabing isang makapangyarihang reyna sa kanyang kapanahunan. Si Lapu Lapu ay isang pinaka-iginagalang na Bagani, isang matandang salita para sa mandirigma, kilala dahil sa kanyang katapangan at kakayahan ng pakikidigma. Sinasabi rin na si Lapu Lapu ay ikinasal sa isang magandang Prinsesa, si Bulakna, na anak ni Datu Sabtano, at nagsilang kay Sawili na lumaking isang matapang na mandirigma gaya ng kanyang ama. Si Lapu-Lapu ay sinasabing isang di-pangkaraniwang tao na iginagalang na pinuno. Sa panahon ng tanyag na Labanan sa Mactan na nagpakilala kay Lapu-Lapu bilang unang matagumpay na tagapagtanggol ng kalayaan ng ating bayan, sinasabing siya ay nasa kasukdulan ng kanyang pisikal na lakas sa pagiging isang lalaki. Maging ang mananalaysay na Portuges na si Gaspar Correa na kumausap sa nakaligtas na tauhan ni Magellan sa India ay humanga sa pamamagitan ng nabuhay na saksi na nagsabing si Lapu-Lapu ay isang hari na nakitungo ng maayos at "nagpapalakas ng loob sa kanyang mga tauhan at nakidigma sa mga mas makapangyarihang mga tribo." (Lendas de India por Gaspar Correa, v.2, p. 630). Gayunman, si Lapu-Lapu ay isa nang makapangyarihang pinuno ng isang alyansa o kompederasyon ng pitong tribo sa isla ng Mactan nang dumating si Magellan para sakupin ang isla para sa korona ng Espanya. Ang katanyagan ni Lapu-Lapu bilang mandirigma ay kilala na kung kaya't si Sebastian de Elcano, ang humalili kay Magellan nang ito'y mapatay, ay inilarawan si Lapu-Lapu sa mga salitang ito: "Mayroong islang malapit na tinatawag na Manthan (i.e. Mactan), ang hari nito ay higit na iginagalang bilang isang mahusay na lalaki sa sining ng pakikidigma at itinuturing na mas makapangyarihan sa lahat ng kanyang kapitnayon..." (sinipi sa Gonzalo de Oviedo y Valdez, Segunda Parte de la Natural y General Historia de las Indias Yslas y Tierra Firme de Mar Oceano, Villadolid, 1552 fol. Viii, verso). Ang mga kastilang manunulat, bagaman may kinikilingan, ay nagtala at naglarawan ng makasaysayang kultura bago dumating ang mga mananakop at sibilisasyon na kanilang napagmasdan sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga naninirahan sa ating mga isla. Si Francisco Alcina, sa kanyang Historia de las Islas y Indios de Bisaya (MS 1668), ay naglarawan na kahit na ang pag-inom ng alak sa komunidad nina Lapu-Lapu ay isang seryosong gawain. " Sa pagdating ng mga bagay, maging pampulitikong proyekto, utos mula sa hari o sa kanyang mga opisyales, o kahit anong trabaho at kanilang tinatalakay ang pinakamabuti, pinakamabilis at pinaka madaling paraan upang maihatid ito, at kung sila'y nagkikita ng malungkot at walang kaunting alak upang bigyang buhay ang kanilang interes, sila'y nag-uusap muna nang mahinahon. Subalit, matapos ang inuman, sila na nagmungkahi ay gagawin ito ng may kahusayan at ang mga tumugon ng may malayang pagpapasiya, lahat ng nagpasya na may pagkakapantay-pantay."