APOLINARIO MABINI
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864— 1864 —Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nagaral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal. Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo". Noong 1899, si Mabini ay nadakip ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.
TEODORA ALONZO
Si Teodora Alonzo ay maituturing na isang Pilipinong Bayani pinanganak sa Meisik, Tondo, Maynila noong ika-9 ng Nobyembre 1827. Ang kanyang asawa ay si G. Rizal Mercado na taga Binan, Laguna. Ang kanilang mga anak ay sina Paciano, Saturnina, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, Soledad at ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Si Gng. Teodora Alonzo ang unang naging guro ng dakilang si Dr. Jose Rizal. Siya ay nakapag-aral at natuto ng salitang Kastila sa Kolehiyo ng Santa Rosa. Bata pa si Rizal at may nakagalit ang kanyang ama na mga Kastila. Dahil dito ay pinag initan sila ng mga Kastila at ang napagbuntunan ng galit ng mga ito ay ang kawawang si Gng. Teodora. Pilit siyang pinalakad mula sa Calamba hanggang sa Sta. Cruz Maynila. Pagkatapos nito ay pinagbintangan siya ng isang bagay na di niya naman ginawa. Dito nagsimula ang galit ni Jose Rizal sa mga Kastila. Nang ang mga Amerikano ang sumakop sa Pilipinas ay nais nilang bigyan ng pensyon si Gng. Teodora Alonzo ngunit ito ay di niya tinanggap dahil siya ay naniniwala na “Ang mga RIzal ay naghahandog ng kanilang buhay sa Inang Bayan dahil sa katutubong kabayanihan at hindi dahil sa salapi.” Binawian ng buhay si Gng. Teodora Alonzo noong taong 1911.
JULIAN FELIPE
Si Julian Felipe ay kinikilala bilang may-katha ng Lupang Hinirang ang pambansang awit ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong Enero 28, 1861 sa Lungsod ng Cavite, Cavite at siya ang bunso sa labindalawang anak ng mahirap na mag-asawang sina Justo Felipe at Victoria Reye s. Si Julian ay nag-aral sa isang pampublikong paaralan sa Binondo, Maynila. Dito siya natutong tumugtog ng piyano at kinalaunan ay naging organista rin siya sa simbahan ng San Pedro. Bukod sa pagtugtog ng piyano ay nagkatha rin siya ng mga awiting gaya ng Mateti el Santesismo, Cintas y Flores at Amorita Danga. Nagkamit siya ng karangalang diploma bilang pagkilala sa kanyang kakayahan dahil sa mga awiting ito. Pansamantalang isinantabi ni Julian ang musika nang siya ay sumanib sa kilusan ng kalayaan sa Kabite. Naaresto at nakulong siya noong Hunyo 2, 1898 ngunit nakalaya rin naman. Kinuha siya ni Heneral Aguinaldo bilang isang piyanista at kompositor. Nang ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa balkohahe ng bahay ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Kabite ay iwinagayway ang watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng martsang kinatha ni Julian Felipe. Dahil dito ay hinirang siya ni Heneral Aguinaldo bilang direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Pilipinas. Sa larangan ng pulitika si Julian ay nanilbihan bilang konsehal ng lungsod ng Kabite, Kabite noong taong 1902. Siya ay binawian ng buhay noong Oktubre 2, 1941 .
FRANCISCO DAGOHOY
Si Francisco Dagohoy ay pinanganak Francisco Sbilang endrijas ay isang anon Bol-sino ang humahawak ng pagkakaiba ng pagkakaroon ng humantong ang pinakamahabang pag-aalsa sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga bantog ni Francisco Dagohoy na paghihimagsik. Ang paghihimagsik laban sa mga Espanyol kolonyal na pamahalaan, naganap sa isla ng Bohol mula 1744 hanggang 1829, humigit-kumulang 85 taon.