Pundamental na impormasyon tungkol sa panitikan at panitikang Pilipino
BAnghay aralin sa Filipino
Full description
PanitikanFull description
Ang artikulo na ito ay tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas – isang talumpati ng awtor para sa Southern Luzon Education Conference sa Los Baños, Laguna noong nakaraang Enero 29. A…Full description
ang panitikan
Ladlad
Full description
lkjjkjj.kjFull description
Full description
Panitikan Sa Panahon Ng Amerikano
Contents in Filipino. Contains a basic research on the history of Philippine Literature from the Pre-Spanish Period to the Japanese OccupationFull description
Iba't ibang istratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ng wikaFull description
filipino grade 8 tg
Panitikan Sa Panahon Ng Katutubo Document for free.
INSTRUCTIONAL MATERIALS
Ito ay kinapapalooban ng isang pag-aaral tungkol sa mabisang istratehiya sa pagtuturo ng Panitikan.
Ang Pagtuturo ng Panitikan sa batayang Edukasyon Sa isang pambansang seminar na dinaluhan ng mga guro sa Filipino mula sa mga paaralang pribado at publiko sa iba¶t ibang panig ng ating bansa, sinimulan ko ang aking panayam sa tanong na: Anu-ano ang inyong problema sa pagtuturo ng panitikan sa inyong mga klase? Napakarami at iba-iba ang nakuha kong sagot mula sa mga partisipant ng nasabing seminar, ngunit ang pinakapalasak ay ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Samantala, sa isang klase ko sa Filipino sa kolehiyo, isang mabilisang sarbey ang aking ginawa. Tinanong ko ang aking mga mag-aaral kung sino sa kanila ang may hilig sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Hindi na ako nagulat nang ilan-ilan lamang ang nagtaas ng kamay. Tinanong ko ulit ang mga hindi nagtaas ng kamay kung bakit. Sa tanong na iyon, iba-iba ang aking nakuhang sagot. Ngunit nang tanungin ko sila kung bakit hindi ba sila namotibeyt sa elementarya at hayskul upang makagiliwan ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, sunud-sunod na pamumuna at paninisi sa kanilang mga naging guro ang natanggap ko! Kung tutuusin, maging ang maraming dalubhasa ay sang-ayon sa mga guro dapat isisi ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng tunay na panitikan, lalo na kung panitikang Filipino ang pag-uusapan. Kung nagbabasa man sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila ng guro. Sa isang panayam ay ganito ang sinabi ni Badayos (1998): « May malaking bagay na nagagawa ang paraan ng pag-aaral at pagtuturo ng panitikan sa ating mga paaralan. Hinayaan nating magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan. Naging maluwag tayo sa pagsasabing ³magaling´ sa sinumang makasasagot ng mga tanong na ang simula ay Sino, Ano, Alin, Kailan, Saan tungkol sa itinakdang aralin sa panitikan. Idinagdag pa ni Badayos ang mga sumusunod na oberbasyon: Hindi tumutugon sa tunay na kalikasan ng panitikan ang karaniwang pag-aaral nito. Sa pag-aaral ng isang akdang pampanitikan, malimit nang sinasabi ng guro kung ano ang makikita at madarama sa akda. Ang tungkulin niya na iparanas sa mga mag-aaral ang kabuuan ng akda ay tuluyan nang kinalilimutan.