ANG KAUGNAYAN NG BILIS SA PAGBASA NG AKADEMIKONG TEKSTO AT ANG KAKAYAHAN SA PAG- UNAWA NG MAG-AARAL SATERSYARYA NG SOUTHERN CHRISTIAN COLLEGE
LEDESMA, ANGELU S. ALBAY, ELIEZA C.
ISANG UNDERGRADWET TESIS NA INIHARAP SA MGA KAGAWAD NG KARUNUNGAN SA KOLEHIYO NG PAGTUTURO, SOUTHERN CHRISTIAN COLLEGE,MIDSAYAP, COTABATO BILANG KATUPARAN SA PANGANGAILANGAN NG DIGRING
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION (FILIPINO)
MAY 2013
KABANATA 1 SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG-AARAL Panimula Ang mga kabataan ngayon na mahilig magbasa ng mga libro at iba pang babasahing materyal na may kaugnayan sa kanilang sariling interes ay nagpapakita lamang na ang pagbasa ay isang pamamaraan sa pagkatuto at pagkakaroon ng interaksyon sa awtor na sumulat sa binasang teksto. Sa pagbasa, mapapalawak at mapapaunlad ang kritikal na pag-iisip at paguunawa.Pangunahing layunin ng pagbabasa ang paghugot ng impormasyon sa tekstong binasa.Nagbabasa tayo ng diyaryo halimbawa dahil gusto nating malaman ang pinakasariwang balita.Nagbabasa tayo ng mga teksbuk dahil kailangan natin ang impormasyong naroroon upang makipagbahagi ng kaalaman sa klase.Nagbabasa tayo ng mga kwento,tula,sanaysay at nobela dahil ibig nating makibahagi sa buhay ng ibang nilalang na inilalarawan sa ganitong uri ng teksto.Ibig nating maaliw sa pagtikim ng isang bahagi ng buhay ng iba. Ngunit, hindi sapat na kumuha lamang ng impormasyon o humango ng kasiyahan sa tekstong binabasa.Upang maging tunay na kapakikapakinabang ang ating pagbabasa, kailangang maging malay tayo sa mapanuri o kritikal na pagbasa.
Ayon sa akda nina Beldez, P., Baira, N.T. at et.al(1990), 80% ng ating mga gawain ay kasangkot ang pagbasa. Binabasa natin ang ngalan ng kalye, ang mga patalastas, ang mga tala ng pagkain sa restoran, pamilihan, at mga babala sa daan.Bumabasa tayo ng pahayagan, magasin, komiks at iba’t ibang uri ng babasahin at aklat para sa ating kasiyahan. Sinasabing 90% sa napagaralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa. Ang pagbasa ay isa ring
pamamaraan ng mga guro upang masukat ang
komprehinsyon ng mga mag-aaral kaakibat dito ay ang oras na inilaan sa pagbasa. Sa isang pagganap ng mga mag-aaral na nagtapos sa kanyang kursong nangangailangan ng Board Exam,
kinakailangan ang bilis at tahimik na pagbasa upang masagot ang mga katanungan sa pagsusulit na naaayun sa ibinigay na oras sa kanila. Sa pamamaraang ito nais linawin ng mga mananaliksik kung may kaugnayan ba ang bilis sa pagbasang akademikong teksto sa kakayahan sa pag-unawa ng mag-aaral. Aalamin din ng mga mananaliksik kung may ibang salik na nakaimpluwensya sa bilis ng pagbasa at komprehensyon ng mga respondente. Ang mananaliksik ay natatangkang matukoy kung ang tribu, kurso at paaralang pinagtapuasan sa sekondarya ay may kaugnayan sa bilis sa pagbasa at kakayahan sa pag-unawa ng mga respondente .
Ito ang nagtulak sa mga mananaliksik na siyasatin at bigyan ng linaw ang
mga suliranin. Paglalahad ng Suliranin Nais ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang katangian ng mga respondente batay sa kanilang a. Kurso b. Tribu c. Paaralang pinagtapusan 2. Ilan ang kabuuang minuto na nagamit ng mga mag-aaral sa pagbasa ng akademikong teksto kung ito’y i-grupo ayon sa kanilang kurso?
3. Ilan ang kabuuang bilang na nakuhang tamang sagot ng mga respondente ayon sa nabasang teksto kung ito ay i-grupo ayon sa kanilang kurso? 4. May kaugnayan ba ang bilis sa pagbasa ng akademikong teksto sa kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa Unang taon ng Tersyarya? 5. May kaugnayan ba ang bilis sa pagbasa ng akademikong teksto ng mga mag-aaral ayon sa kanilang : a. Kurso
b. Tribu c.Paaralang pinagtapusan Ang bilang 1,2,3 ay hindi na kinakailangan ng palagay na pinaghahanguan ng katwiran. Ngunit ang bilang 4 at 5 ay nagkakroon ng sumusunod na pinaghahanguan ng katwiran. Ho1:Walang kaugnayan ang bilis sa pagbasa ng akademikong teksto sa kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa unang taon ng tersyarya sa kolehiyo ng Southern Christian College. Ha1:May kaugnayanang ang bilis sa pagbasa ng akademikong teksto sa kakayahan sa pag- unawa ng mga mag-aaral sa unang taon ng tersyarya sa kolehiyo ng Southern Christian College. Ho2: Walang kaugnayan ang bilis sa pagbasa ng mga mag-aaral sa akademikong teksto ayon sa kanilang Kurso, Tribu at Paaralang pinagtapusan. Ha2:May kaugnayan ang bilis sa pagbasa ng mga mag-aaral sa akademikong teksto ayon sa kanilang Kurso, Tribu at paaralang pinagtapusan.
Kahalagahan ng Pag-aaral Naniniwala ang mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito upang masuri ang kaugnayan ng bilis sa pagbasa ng akademikong teksto sa kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Naniniwala rin ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito upang makapaglahad ng kaalaman sa kaugnayan ng bilis sa pagbasa at sa kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa akademinkong teksto. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga: Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing hanguan ng mga mag-aaral na magkaroon ng sapat na pang-unawa upang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa upang magiging angat sa kasalukuyang kalakalan ng mundo. Mga Guro. Ang resulta ng pag-aaral ay magiging basehan o magiging sukatan sa pangangailangang palihan (workshop) at kasanayan sa pagbasa nang mabilis at pag-unawa na siyang mahalagang
sandata ng tao sa pagdukal ng karunungan na magagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa lipunan. Mga Institusyon. Ang magiging kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magagamit bilang gabay sa pagpapahalaga ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa na siyang pinakapondasyon ng edukasyon.
Saklaw at Limitasyon Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa bilis sa pagbasa ng akademikong teksto at kaugnayan sa kakayahan sa pag-unawa ng mag-aaral sa unang taon ng tersyarya ng Southern Christian College. Gagamitin ang Sloven Formulasa pagkuha ng populasyon. Gagamit ang mananaliksik ng isang Akademikong teksto na napabilang sa panghumanidadis na kung saan ay sumasaklaw sa lawak ng kalinangan ng tao na masasalamin sa kanyang sining at literatura bilang paraan ng pagpapahayag ng kanyang sarili. Ito ay binubuo ng isanglibo apat nadaan, apat naput isang salita (1441) .
ANG KAUGNAYAN NG BILIS SA PAGBASA NG AKADEMIKONG TEKSTO AT ANG KAKAYAHAN SA PAG- UNAWA NG MAG-AARAL SA TERSYARYA NG SOUTHERN CHRISTIAN COLLEGE
Balangkas sa Kabanata 2 I.Kahulugan ng Pagbasa 1.1. Bilang unang hakbang sa pag-aaral 1.2. Bilang susi sa pagdukal ng karunungan 1.3. Bilang pag-unawa sa kahulugan na nakalimbag na simbolo 1.4. Bilang pagkain ng utak 1.5. Pagtanggap sa mensahe 1.6. Bilang pundasyon sa edukasyon II. Proseso ng Pagbasa 2.1. Interaktibo 2.2. Metacognitib III. Elemento ng Pagbasa 3.1. Bokabularyo at Talasalitaan 3.2. Kahusayan sa Pagbasa 3.3. Pag-unawa 3.4. Palabigkasan IV. Pamamaraan sa Pagbasa 4.1. Mabilis 4.2. Mabagal 4.3. Tahimik 4.4. Malakas
KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.Malaki ang papel na ginagampanan ng pag-unawa sa binasang teksto sapagkat dito maisanib ang pagpapalawak ng kaisipan at pagbabago ng pananaw ng mga taong mahilig bumasa.
Kahulugan ng Pagbasa Ang pagbasa ay unang hakbang sa anumang larangan ng pag-aaral at pagkatuto. Malaki ang impluwensya ng pagbababasa sa pagkatao o personalidad ng isang nilalang.Ayon sa akda ninaBeldez, P., Baira, N.T. at et.al (1990). Ang pagbasa ay gintong susi na nagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunugnan at kasiyahan. Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay. Ang kasaysayan ng tao, ang kanyang pagkakalikha, panlulupig at pananagumpay, ang kanyang mithiin, mga pagnanasa at pag-asa sa hinaharap ay napapaloob sa mga aklat. Ang pagbasa’y tiket sa paglalakbay sa mga lugar sa daigdig na nais mong marating, ang pagkilala sa mga bantog at dakilang taong hindi mo nakikita. Ito’y patnubay sa landas sa mga karanasan at mga mithiing iyong pinapangarap. Binigyan kahulugan ni Hank (1983) ayon sa akda ni Austero, C.S., Mateo E.C.,et.al (2011), ang pagbasa bilang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbigay ng interpretasyon dito. Pinaunlad pa ito nina Bond at Tinker (1967)at sinasabing ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na nagiging stimuli upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman/ karunungan mula sa karanasan ng mambabasa. Samantala, sinabi ni G. Valentine, J.L. (2000) sa akda niAustero, C.S., Mateo E.C.,et.al (2011) , na ang pagbasa ang pinakapagkain ng utak sapagkat ang anumang binasa o kaalaman inilagak sa utak ang pinakapagkain nito. Ayon kay Sauco(2004) sa akda ni. Espina, L.D.,at Plasencia, N.R.,et.al. (2009),ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ang pagbasa ay isa sa apat nakasanayang pangwika,kasama nito
ang pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Ito ay gawaing mental ng pagpapakahulugan sa mga nakalimbag na mensahe ng kaisipan at damdamin. Sa mga mag-aaral, ang pagbasa ay maituturing na pundasyon sa edukasyon.Ayon kay Conan sa Lalunio 1985, banggit ni Geronimo et.al 2007,pinakamahalagang kakayahang maituturing kung kaya nararapat na linangin ng mga kabataan upang makasabay sa mabilis na takbo ng panahon. Sa pamamagitan ng pagbasa, natutulungan ang mga mag-aaral na masanay at mahasa sa kritikal na pagunawa sa mga teksto. Totoong napakalaki ng naidudulot ng pagbasa sa isang tao, dahil ito ang magbubukas sa kanyang isipan sa mga kaalaman sa iba’t ibang larangan.
Mga Proseso ng Pagbasa May dalawang (2) proseso ng pagbasa, ito ay ang Interaktibong pagdulog sa pagbasa at Metakognitib na pagbasa.
Interaktibong pagdulog sa pagbasa Mahalagang magkaroon ng sariling pagtasa o pagkaunawa ang tao sa mga bagay-bagay na kanyang nakakatagpo lalo na sa pagbabasa. Kailangan naihahanda niya ang isipan sa pagtugon,pakikipag-interaksyon sa mga kaisipang kanyang nababasa sa teksto nang sa gayon ay makukuha niya ang mensaheng ipinapahiwatig ng tekstong kanyang binabasa. Ang ganitong proseso ay makatutulong upang maging mas malawak ang pag-unawa sa mga opinyon o saloobing pinaniniwalaan ng isang tao o mga grupo ng tao sa ating paligid. Binanggit ni Alejo ayon sa akda ni Espina L.D.,et.al.(2009),na kailangang tandaan na ang proseso ng interaktibong pagbasa ay nangangailangan ng masalimuot na koordinasyon sa pinagmulan ng maraming impormasyon; ang teksto ng pahina, nilalaman mula sa naunang teksto, dating kaalaman at layunin sa pagbasa.
Ayon sa akda nina Austero C.S., Mateo E.C. et.al.(2008), ang kombinasyong ibabaitaas(bottom-up) at itaas-ibaba (top-down) ay kailangan mangyari upang magkaroon ng pagkatuto. Kapag nagawa ang kombinasyong ito, matutulungan ng guro ang mambabasa sa kanyang pagbasa. Ang interaksyong namagitan sa guro at mambabasa ay tinatawag na interaktibo. Sinang-ayunan din ito nila Galang T.T., Samson L.P. et.al.(2010), na napahakahalaga sa isang guro at mag-aaral ang pagkakaroon ng isang matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa. Metakognitib na Pagbasa Isa sa mahahalagang konsepto sa paglinang ng kahusayan sa pagbasa ay tinatawag na kamalayang metakognitiv.Ayon kina Baker at Brown(1987)ayon sa akda nina Austero C.S., Mateo E.C. et.al.(2008), ang metacognitive na pagbasa ay tumutukoy sa kaalaman at pagkontrol sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto ng mga estudyante.Ang pagkatuto sa tiyak na impormasyon at paggamit ng impormasyong ito para magawa ang ilang gawain ang nagiging hangarin o layunin ng pagbasa. Ang ganitong uri ng pagbasa ay kasama sa ilang masalimuot na gawain gaya ng pag-unawa at paggunita sa pangunahing ideya ng seleksyon, pagsusubaybay sa pag-unawa , pagkatuto at pagalam kungkailan at paano gagamitin ang metakognitive na estratehiya kapag hindi naunawaana ang binasa.Ang metakognitiv na estratehiya ay binigyan ng kahulugan ni Ciardiello (1998) na “pinatnubayang Pamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at magampanan ang pamamahala sa pinakamataas na antas ng kaisipan”. Ang pagbuo ng mga tanong ay mahalaga sa metakognitib na pagbasa. Si Bloom(1984) ay gumawa ng kategorya sa paraan ng pagbuo ng mga tanong na saklaw ng kognitibong kaalaman. Ito ay pagkilala, pag-unawa, aplikasyon, pagsusuri, sintesis at ebalwasyon. Ginagamit na gabay ng mga guro ang ibinigay na paraan ni Bloom sa pagbuo ng ma tanong dahil natutulungan nito ang mga mag-aaral na maunawaan ang teksto. Elemento ng Pagbasa
Ayonsa akda niAlejo, C.T., Astorga R.E. et.al.(2005), may apat na elemento ng pagbasa. Una, Bokabularyo o talasalitaan,ito ay ang mga salitang nalalaman ng isang tao. Kailangan na magkaroon ng malawak na talasalitaan para maging mahusay na mambabasa. Mas maraming alam na salita ay mas malaki ang posibilidad na maunawaan ang tekstong binasa. Ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan ay nakatutulong na maging matagumpay sa loob at labas ng paaralan. Ikalawa, Kahusayan sa pagbasa .Ito ay tumutukoy sa kakayahan sa pagbasa nang mabilis at wasto sa teksto. Alam ng isang mahusay na mambababasa kung paano magagawang masigla ang isang kwento, kung saan hihinto sa kuwit, tuldok at pag-iiba-iba ng tono sa mga tanong o iba pang uri ng mga pangungusap. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakauunawa kung ano ang kanyang binabasa.Ikatatlo,Pag-unawa, Ito ay ang pag-intindi sa kahulugan ng teksto o sa mga susing salita nito. Maaaring gumagamit ng iba’t ibang paraan ng pagtuklas ng kahulugan ang mambabasa gaya ng paglikha ng magagandang tanong at pag-uugnay nito sa ibang materyal na nabasa ng magaaral.at pang-apat,Palabigkasan at Palatanungan.Ito ay ang pag-aaral kung paano nagiging tunog ang mga letra. Sa pamamagitan din ng palabigkasan at palatunugan, natututong magbasa at magbaybay ng mga salita ang mga mambabasa. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Mangagel A.B. at Raboy J.V. (2013), na sa resulta ng kanilang pag-aaral na may sariling palabuuan at palatunugan ang iba’t ibang pangkat entiko partikular ang pangkat Maguindanaon. Mga Pamaraan sa Pagbasa Mabilis Ayon sa akda ni Austero,C.S., Mateo,E.C. et.al.(2012),ang isang mag-aaral sa kolehiyo ay nakababasa ng dalawandaa’t limangpung salita (250) hanggang tatlundaa’t limangpung salita (350) bawat minuto. Tinatayang ang magaling na pagbasa ay nasa pagitan ng limang daan (500) hanggang pitong daang(700) salita bawat minuto o kaya’y mas higit pa. Idinagdag pa nila, natatanggap ng mambabasa ang 75% na komprehenyon o pag-unawa kapag nabasa na may pag-unawa ang 200 hanggang 220 salita bawat minuto, Kadalasang ginagamit ng mambabasa ang Scanning,ito ay isang
masusing pagtingin sa babasahing material o pagbabasa sa isang tiyak na impormasyong kailangan sa isang pahina Ayon sa akda ni Cecilia S. Austero, Emilia C. Mateo etal.(2012), at sinang-ayunan rin ito Roldan (1993) sa akda ni Alejo,C.T., isinasagawa ito ng mambabasa upang matukoy o mahanap agad ang partikular na impormasyon. Ipinapakita sa estratehiyang ito ang paghanap sa tiyak na imporamasyon gaya ng salita, bilang at ideya. Ang Skiming, ayon sa akda ni Cecilia S. Austero, Emilia C. Mateo etal.(2012), ito ay ang pinaraang pagbasa (glancing). Isang paraan ng pagbasa kung saan ang mga mata ay mabilis na tumutingin sa mga nakalimbag na papel upang maghanap ng informasyon. Ito ay sinang-ayunan rin ayon sa akda nina Alejo,C.T., Astorga, E.R. et.al. (2005), ito ay isang paraan ng pagkuha ng nilalaman ng teksto o materyal sa mabilisang paraan upang madali nilang mahanap ang nais nilang basahin na ayon sa kanilang kagustuhan at mapapadali pa ang kanilang pagbabasa at malakap ang mga impormasyon na nais maunawaan. Mabagal Ayon sa akda ni Austero, C.S., Mateo E.C. et.al.(2012),may mga salik na sinasabing dahilan kung bakit nagiging mabagal ang pagbasa. Ito ay ang mga sumusunod: Una, mahinang mata. Ang pinakamahalang gamit sa pagbasa ay ang ating mga mata, kapag malabo ang paningin ng mambabasa ay mas lalo siyang mahihirapan na tukuyin ang salita na binasa kaya kailangan niya pa itong tingnan ng mas mabuti hanggang sa kanyang mabasa.Pangalawa, kulang sa konsentrasyon, nawawalan ng konsentrasyon ang mambabasa kapag ang paligd nito ay maingay o magulo at may taong kinakausap siya habang nagbabasa, sapagkat ito ay maaring makakaagaw ng kanyang atensyon. Pangatlo, kasanayan na ang mabagal magbasa, sapagkat may mga mambabasa na ang nakasanayan ng paraan sa pagbasa ay mabagal. Ito rin ay epekto ng kung ang mambabasa ay hindi naturuaan ng tamang paraan ng pagbasa simula pagkabata nito. Dahil dito, ito ay nagreresulta na ang mambabasa ay nangangailangan pa na gumamit ng maraming oras bago maunawaan ang binasang teksto.
Malakas na Pagbasa Kung ang mga inihanda o hinalaw na diskurso ay binabasa sa harapan ng mgatagapakinig. Sa pagbasa ng malakas ay dapat na isaalang-alang ng nagbabasa ang mga sumusunod: ang tindig, tamang pagbigkas ng mga salita, kontak sa mga tagapakinig, at tamang paghawak ng aklat o anumang babasahin. Austero, C.S., Mateo, E.M.(2012).Sa pagbasa ng malakas, nahahasa ng mambabasa ang kanyang boses na bumigkas ng may tamang lakas upang marinig nito o ng mga tagapagpakinig ang kanyang mga sinasabi. Isa rin itong mabisang paraan upang madedebelop ang kumpyansa sa sarili ng mambabasa na humarap sa maraming tao habang nagbabasa. Madaling maunawaan ng mambabasa ang kanyang mga binabasa sapagkat itoy kanyang nababasa ng tama,maayos at kanya rin itong naririnig mula mismo sa kanyang bibig na syang maging dahilan upang sya ay hindi mahirapan umintindi sa kanyang binasa. Tahimikna Pagbasa Ang tahimik na pagbasa ay isang uri ng pagbasa na kinasasangkutan ng mataas na kasanayan sa wika.Ang karaniwang gumagamit ng ganitong pamamaraan ay ang mga sanay na at bihasa na sa pagbasa sapagkat sa paraang ito ay mata lang ang ginagamit.Mahahalagang salik sa pamamaraang ito ang; posisyon sa pagbasa,kahandaan ng bumabasa,kapaligiran at kakayahan sa pag-unawa.Tanging mga mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa. Hindi nangangailangan ng tinig upang mabigkas ang mga salita. Kadalasan sa isang tahimik at komportableng lugar ito isinasagawa.May konsentrasyon sila. Hangga’t maaari ay ayaw nilang sagabal. Umiiwas sila sa mga ingay sa kapaligiran at may fokus ang kanilang pagbabasa.Austero, C.S., Mateo, E.M.(2012). .Schematic Diagram Ang dayagram ay nagpapakita ng kaugnayan ng bilis sa pagbasa sa kakayahan sa pag-unawa sa tekstong binasa na sinisimbuluhan ito ng palaso. Ang tribu ,kurso at paaralang pinagtapusan ay mga salik na maaring makaapekto sabilis sa pagbasa at pag-unawa ng mga respondente.Natutukoy
ang kakayahan sa pag-unawa sa pamamagitan ng resulta ng pagsusulit na inihanda ng mananaliksik. May kakayahan sa pag-unawa ang mag-aaral kung ang resulta ng pagsusulit ay 17-20, katamtaman ang kakayahan kung ang resulta ng pagsusulit ay 13-16, may kahinaan kung 9-12, at walang kakayahan kung 8-pababa ang magiging resulta ng pagsusulit. Ang bilis sa pagbasa ay susuriin sa pamamagitan ng mga konseptong makikita sa kaugnay na literature at pag-aaral.
Tribu, Kurso at Paaralang Pinagtapusan
Pagbasa sa Akademikong Teksto Paraan: Tahimik Bilis: Oras na inilaan
Kakayahan sa Pa 1. May kakayahan 2. Katamtaman 3. Kahinaan 4. Walang kakaya
1,441 / 2 minuto- mabilis 1,441/3 minuto- katamtaman 1,441/4 minuto- mabagal 1,441/5 minuto- mahina
Schementic Diagram
KABANATA 3 Metodolohiya Inilalahad sa bahaging ito ang istilo ng pag-aaral, pangangalap ng datos at kung paano mabigyang lunas ang mga suliranin sa pamamagitan ng maayos at maingat na pagsususri.
Lugar ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa Southern Christian College, Pob.5 Midsayap, Cotabato sa taong panunuruan 2013- 2014 sa mga mag-aaral ng unang taon ng tersyarya. Disenyo ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng mga correlation designna kung saan ay inuugnay ang bilis sa pagbasa sa kakayahan sa pag-unawa. Upang masuri at masiyasat ang mga nakalap na datos at impormasyong kailanganin sa pag-aaral. Paraan sa Pag-aaral Lilikumin ang mga datos sa pamamagitan ng deskriptibong talatanungan kung saan sinususi at siniyasat kung may kaugnayan ang bilis sa pagbasa ng akademikong teksto at ang kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa unang taon sa tersyarya ng Southern Christian College. Instrumentong ng Pananaliksik Ang akademikong tekstong humanidades ang gagamitin bilang instrument sa pagbasa. Ito at binubuo ng 1,441 mga salita. Kukuha o bubuo ng mga katanungan ang mananaliksik mula sa tekstong ito na babasahin ng mga respondent. Mga Respondente Ang mga respondente sa pag-aaral ay magmumula sa unang taon sa tersyarya ng Southern Christian College na galing sa iba’t ibang kurso. Pagproseso ng Datos Susuriin ang mga datos sa pamamagitan ng pagtabulate at pagkuha ng bilang at bahagdan upang malinaw na mailahad ang mga impormasyon. Ang magiging sukatan sa kakayahan sa pagunawa ay ang magiging resulta sa pagsusulit ng mga respondent. Sa loob ng dalawangpung katanungan, susukatin ang kakayahan sa pag-unawa kung ang mga respondente ay makakakuha ng iskor na isinasaad sa sumusunod na batayan: Iskor
Deskriptibong paglalarawan
17-20
-
may kakayahan sa pag-unawa
13-16
-
katamtaman sa pag-unawa
9-12
-
may kahinaan sa pag-unawa
8- pababa -
walang kakayahan sa pag-unawa
Susukatin ang kakayahan sa bilis sa pagbasa ng mga respondente ayon sa isinasaad na batayan: Bilis sa pagbasa
Deskriptibong paglalarawan
1,441/ 2 minuto -
mabilis
1,441/ 3 minuto -
katamtaman
1,441/ 4 minuto -
mabagal
1,441/ 5 minuto -
mahina
Talasanggunian
Alejo,C.T.(2005) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,Manila,Phil. C & E Publishing,Inc. Austero,Cecilia.,et al.(2007).Komunikasyon sa Akademikong Subd.Caloocan City,Philippines:Grand C. Graphic Inc.
Filipino.Morning
Breeze
Austero,Cecilia S.,et al.(2008). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, # 200 – C Insilay Street,Pineda,Pasig City : UNLAD PUBLISHING HOUSE Austero,Cecilia S., et al (2011) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Unit 401 4th floor.Maui Oasis Sta.Mesa, Manila: RAJAH PUBLISHING HOUSE INC. Austero,Cecilia S.,et al (2012) Komunikasyon sa Akademikong Filipino :Unit 4th floor Maui Oasis,Sta.Mesa,Manila: RAJAH PUBLISHING INC.
Belvez,Paz M. et al (1990) Gamiting Filipino,Pagbasa at Komposisyon :REX BOOKSTORE
Espina, Leticia T. et al (2009) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Filipino 2) 61 Muralla St.Intramuros,Manila:MINDSHAPERS CO.,INC.
Galang ,Teresita T., et al (2007) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.856 Nicanor Reyes,Sr. St. REX BOOK STORE INC.
Mangagel A.B,Raboy J.N et.al (2013) Ang pagkakaiba at Pagkakatulad ng Dayalektong Maguindanawun sa Wikang Filipino na ginagamit sa Barangay Nalin 2.Midsayap Cotabato.
Pangalan:
Petsa:
Kurso:
Paaralang Pinagtapusa:
Tribu:
Pribado Pampumbliko
Panuto:
Lagyan ng tsek ang kahon ng tamang sagot.
1. Sino ang nagsabing “Sadyang ang pagsayaw ay hindi mapigilan ng tao,dahil para sa kanya,ito ay katumbas na rin ng kanyang buhay at ng kanyang pagiging tao.Bago paman niya naunawaan ang kahulugan ng mga salita,naunawaan na niya ang kahulugan ng sayaw”?
a. Abraham Lincoln b .Edru Abraham c. Edie Abraham d. Eric Abraham
2. Saan namayani ang konsepto ng animismo sa pakikitungo nila sa kanilang kaligiran?
a. Grupong Aeta b. Grupong Malay c. Grupong Etniko sa Cordillera d. Grupong Etniko sa Cagayan
3. Ano ang ibinigay na halimbawa na sayaw ni Abraham?
a. Sayaw Pampestibal b. Sayaw Pangkultural c. Sayaw Pang ispiritwal d. Sayaw Pampatay
4. Anong lugar na inaalayan ng sayaw na alay sa Diyos ng mga ulan?
a. Benguet b. Kalinga c. Bontok d . Ifugao
5. Anong lugar na may takiling na sayaw ng tagumpay?
a. Benguet b. Ifugao c. Kalinga d. Bontok
6. Anong lugar ang may sayaw na naglalayong bigyang-buhay ang espiritu ng mga patay? a. Kalinga b. Benguet c. Bontok d. Ifugao 7. Saang mga Bansa maaring ihambing an gating mga sayaw?
a. Indonesia,Thailand,Malaysia b. Malaysia,Singapore,Korea c. Korea,Thailand,Sweden d. Indonesia,Malaysia,Korea
8. Ano ang dalawang bahagi ng Kuntao? a. Langka at Kuntao b. Langka at Bunuan
c. Kuntao at Saot d. Bunuan at Kuntao 9. Anong uri ng Kuntao na ipinapakita ang banayad na kilos ng mga kamay?
a. Bunuan b. Saut c. Genum d.Langka
10. Anong yugto ng panahon napaloob ang konsteksto ng katolisismo ang mga katutubong sayaw ngunit naglalayon pa ring maipahayag ng mga ito ang mga saloobin sa buhay?
a. Panahon ng Hapon b. Panahon ng Espanyol c. Panahon ng Tsino d. Panahon ng Amerikano
11. Saan matatagpuan ang panata sa Mahal na Pook ng Sta.cruz?
a. Subli sa Batangas b. Obando,Bulacan c. Gasan Marinduque d. Subli ng Cordillera
12. Sino ang nagsabi na para sa manunubli ay hindi nila itinuturing na estriktong sayaw ang kanilang ginagawa?
a. Edru Abraham b. Elena Mirano c. Elena Abraham d. Elena Edru
13. Anong sayaw ang nagbibigay ng ginhawa sa katawan at ipinapahiwatig sa ideya ng elegansiya sa mga mananayaw? a. Street dancing b. ballroom dancing c. hiphop dancing d. cultural dancing 14. Ano ang nagging ritwal ng buhay ng Pilipino? a. sayaw b. pag-awit
c. pagguhit d. pag-ukit 15. Ano ang tinatawag na “mahal na poon” at itinuturing na buhay,umiimik,lumilibot at nagpapagaling, kasa-kasama sa pang araw- araw na buhay lalo na sa panahon ng kahirapan at sakuna?
a. Icon b. Langka c. Subli d. Genum
16. Bakit nasabi ni Edru Abraham na ang pagsayaw ay hindi mapigilan ng tao?
a. dahil itoy kanyang kahiligan b.katumbas ng buhay at pagiging tao c.magandang ehersisyo d.aliwan ng mga tao
17. Paano isinasagawa na mga Igorot ang kanilang sayaw upang pakitunguhan ang mga anito ng kalikasan at kabahayan?
a.lapit ng mga galaw sa lupaa,tila tiklop ng mga tuhod habang lumulukso b.sumasayaw sabay sa saliw ng tunog ng tambol c.sumasayaw habang umaalay ng putting manok d.sumasayaw kasama ang lahat ng angkan
18. Anong tribu ang sumasayaw na naglalayong gawing buhay ang mga patay?
a.Ifugao b.Benguet c.Kalinga d.Bontok
19. Bakit mahalaga ang sayaw ng mga katutubong Pilipino? a. sapagkat ito ang nagpapakita ng kultura ng Pilipino b.nakatutulong ito sa ideya ng etnisidad natin bilang bahagi ng timog Silangang Asya c.sapagkat ito ang nagbibigay saya sa mga Pilipino d.sapagkat ito ang nakalakihan na sayaw 20. Paano mapanatili n gating mga ninuno ang mga katutubong sining? a.dahil sa pagtaggi sa mga mananakop na Espanyol b.dahil sa itinuturo nito sa kanilang anak
c.dahil sa isinusulat sa libro d. dahil sa ikinukwento ng matatanda