Diocese of San Jose De Nueva Ecija APO JOSE CATHOLIC EDUCATIONAL SYSTEM Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba, Inc. Guimba, Nueva Ecija Website: www.olshco.edu.ph E-mail:
[email protected] Tel. Nos. (044) 943-0553 611-0026 PAKSA: Epikong Ibalon LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. 2. 3. 4.
Nalalaman kung paano lumitaw ang isa sa sikat na tanawin ng bansa. Nalalaman ang Tagpuan bilang Elemento ng Epiko at ang kahalagahan nito. Nuunawaan ang mga pangyayari sa epikong Ibalon. Naiguguhit ang mga pangyayaring naganap sa Epikong Ibalon sa pamamagitan nang masining na pagguhit. 5. Naisasabuhay na ang pagiging isang pinuno ay hindi lamang makikita sa kanyang katapangan kundi maging sa kanyang pagpapakumbaba sa pamamagitan ng pagtanggap sa sariling kahinaan. PANIMULA: PAGGANYAK: Sa pamamagitan ng imahinasyon ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang nalalaman tungkol sa Bulkang Mayon. Punan ang concept web
Bulkang Mayon
PAGLALAHAD: Sa epikong tatalakayin natin ay mababanggit kung paano lumitaw ang isa sa mga pinakamaganda at pinakasikat na tanawin sa bansa, ang Bulkang Mayon. Paglinang sa talasalitaan:
o
Ipapasagot ang talasalitaan sa kwaderno. Piliin sa kahon ang wastong kasingkahulugan ng mga malalalim na salita. Mabangis Mabagsik nanira Nagtangka Naminsala Nagbalak Nalipol Naubos lumitaw Sumipot
Pagbasa at pagtalakay sa epiko: Ang mga mag-aaral ay magiging prinsesa at prinsipe. Kapag sinabing basa ng mga prinsesa, lahat ng babae ay magbabasa at kapag sinabing basa ng prinsipe, mga lalaki ang magbabasa. Habang binabasa tatalakayin na rin ang mga pangyayari sa epiko sa pamamagitan ng question and answer. Takdang Aralin: Magdala ng oslo o bond paper, lapis at krayola. PANGKATANG-GAWAIN: Ipapangkat ang mga mg-aaral sa limang grupo. Bawat grupo ay may nakatalagang gawain. Bawat pagkat ay may itatalagang Lider, tagapagsalita at kalihim. Gamit ang imahinasyon iguguhit ang mga pangyayaring naganap sa epikong ibalon. Pamantayan: Pagkamalikhain 5 Pagkakaisa 5 Nilalaman 5 Kabuuan 15puntos Pangkat 1 – Gamitin ang imahinasyon. Iguhit ang tatlong pinuno na nagpapakita na talagang sila ay magigiting na pinuno. Lagyan dayalog o caption. Pangkat 2 – Gamit ang imahinasyon. Iguhit ang iba’t ibang mga hayop na nakalaban ng talong magigiting na pinuno na makikiitang sinisira ang mga pananim ng mga taga-Ibalon at kinakain ang mga tao. Lagyan ng dayalog o caption. Pangkat 3 – Gamit ang imahinnasyon. Iguhit ang isang lugar na kung saan payapa at maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Makikitang tulung-tulong ang mga tao na gumagawa ng Bangka, gulok at nagtatanim ang mga tao. Lagyan ng dayalog o caption. Pangkat 4 – Iguhit ang pagpatay ni bantong kay Rabut na walang kalaban-laban dapat Makita rito ang paghihirap ni Rabut. Gamitin ang imahinasyon at lagyan ng dayalog. Pangkat 5 – Iguhit ang mga sumulpot na mga isla, bundok na bato at lawa. Makikita rin dito ang paglitaw ng Bulkang Mayon na may perpektong kono. Dapat makikita ang iba’t ibang ekspresyon ng mukha ng mga tao sa nakikita nilang di-kapani-paniwala. Lagyan ng dayalog. Matapos gumuhit ipakita at ipaliwanag ito sa klase. PAGPAPAHALAGA Ipapabasa ang islogang nasa ilalim ng pamagat ng epiko.
“ang mabuting pinuno ay hindi lamang nakikita sa kanyang angking talino at tapang kundi maging sa pagtanggap ng kayang kahinaan”. PAGTUKOY SA TAGPUAN NG BINASANG EPIKO: TANONG: Saan naganap ang mga pangyayari sa binasa nating epiko? Anong elemento ng Epiko ang tinutukoy kapag sinabi natin kung saang lugar naganap ang pangyayari sa binasa? Sa mga nakaraang aralin ay natutunan nating ang pook o lugar at panahon ang tinutukoy na tagpuan. Gaano kahalaga ang tagpuan bilang mahalagang element ng epiko? Mahalagang bigyang pansin ang tagpuan lalo na sa epiko sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa paksa, sa banghay, at maging sa mga tauhan.
Sagutin ang Gawin Natin, sa pahina 260 PAGTATAYA (QUIZ) KNOWLEDGE 1-3. Sinu-sino ang naging pinuno ng Ibalon? 4. Saang lugar nagmula si Baltog? 5. Siya isang babaeng may ulong ahas at may aliping mga higanteng may sa tagabulag. 6. Ano ang itinuro ni handiong sa mga tao? 7. Sino ang nagturo sa sistema ng pagsulat? 8. Sino ang pinakahuling halimaw na dumating sa Ibalon? 9. Ano ang kayang gawin ni Rabut? Magbigay ng isa. 10. Sa wakas ng kwento, ano ang lumitaw? UNDERSTANDING 1. Anong mahalagang aral ang natutuhan mo sa epikong Ibalon? Sa paanong paraan makakatulong ang kaalamang ito sa iyong buhay? Ipaliwanag. 5 puntos 2. Gaano kahalaga ang tagpuan blang mahalagang elemento ng epiko? Ibigay ang sariling pananaw. 5puntos.
Inihanda ni:
Ipinasa kay:
Binigyang Puna ni:
Bb. Mary Ann A. Pascua
Bb. Lovelyn M. Almario
Christina G. Cutaran, MAEdA
BSED-IV
(Gurong-gabay)
(Supervising Instructress)