Banghay-Aralin sa Pagtuturo sa Filipino 8 I. Layunin: A. Nahuhulaan Nahuhulaan ang ang ibinigay na bugtong; bugtong; B. Nabibigyang-kahulugan ang salitang pang-abay at ang mga uri nito; C. Nagagamit ang pang-abay upang makabuo ng pangungusap; D. Natutukoy ang pang-abay sa loob ng pangungusap; E. Nauuri ang pang-abay; at F. Nakasusulat ng sariling karanasan gamit ang pang-abay. II. Paksang-Aralin: a. Paksa: Pang-abay at mga Uri Nito b. Sanggunian: Dayag, A.M, Pinagyamang Pluma Quezon City: Phoenix Publishing House Inc. pp. 367-372. c. Mga Kagamitan: flashcard ng mga bugtong, mga larawan ng isang pamayanan, tanawin, pista at kartolina d. Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa Kultura at Pagiging Pilipino III. Pamamaraan Gawaing-Guro
Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain 1. Pagdarasal 2. Pagbati B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa klase ang may alam kung ano ang bugtong? Sinu-sino ang mahilig sa bugtong? Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino? Bakit?
-
Ang bugtong ay isang pangungusap Na may nilulutas bilang palaisipan.
-
Opo. Dahil inilalarawan inilalara wan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-arawaraw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
-
kasoy
-
bunganga
-
bangka/barko
Mayroon ako ditong inihandang mga bugtong. Hulaan at sagutin ninyo ang mga sumusunod na bugtong: 1. Isang prinsesa nakaupo sa tasa. (isang uri ng prutas) 2. Isang balong malalim puno ng patalim. (dito nagmumula ang iyong sinasabi) 3. Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya. (isang sasakyan ito sa tubig) 4. Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw. (pinatugtog ito sa simbahan tuwing pasko) 5. Bituing buto’t balat kung pasko lamang kumikislap. (sinasabit ito tuwing pasko)
C. Paglalahad Ngayong umaga ay tatalakayin natin ang isa sa mga bahagi ng pananalita at ang mga uri nito.Mayroong nito.Mayroong iba’t ibang uri ang pang -abay. Ito ay ang pang-abay na Pamaraan, Pamanahon, at Panlunan.
-
kampana
-
parol
D. Paghambing at Paghalaw Balikan ulit natin ang mga bugtong na inyong sinagutan. Sa unang bugtong, saan daw nakaupo ang prinsesa? Sa ikatlong bugtong, papaano lumakad ang tinutukoy na bagay? Sa ikalimang bugtong, kalian naman kumikislap ang bituing buto’t balat?
-
sa tasa
-
patihaya
-
tuwing Pasko
1. Nakaupo ang prinsesa sa tasa. 2. Patihayang lumakad ang bangka. 3. Tuwing Pasko kumikislap ang bituin.
-
Babasahin ng mga mag-aaral
Anong bahagi ng pananalita ang ang may salungguhit? Ano ang pang-abay?
-
Ang salitang nakasalungguhit ay tinatawag na pang-abay. Ang pang-abay ay salitang naglalarawan sa pandiwa, panguri, at kapwa pang-abay.
Suriin ninyo ang sumusunod na pangugusap: Basahin ito nang sabay-sabay.
-
Para lubos pa ninyong maunawaan ang ang pang-abay, suriin ang iba pang pangungusap. Ang mga salitang nakasalungguhit ay tinatawag na pang-abay. 1. Masarap lumangoy sa dalampasigan. Anong inilalarawan ng salitang masarap? Anong bahagi ng pananalita ang lumangoy? 2. Tunay na masaya ang mag-anak nang mamasyal sa Palawan. Anong inilalarawan ng salitang tunay? Anong bahagi ng pananalita ang masaya? 3. Talagang masayang mamasyal sa Palawan. Anong inilalarawan ng salitang talaga? Anong inilalarawan ng salitang masaya? Anong bahagi ng pananalita ang masaya? Samakatuwid, anu-ano ang salitang inilalarawan ng pang-abay?
-
lumangoy Pandiwa
masaya Pang-uri masaya mamasyal Pang-abay Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa nito pang-abay.
Tama. Magaling! Ngayon naman alamin natin ang mga uri ng pang-abay. Pansinin at suriin ang mga pangungusap. Basahin nang sabay-sabay. 1. Magaling sumayaw ng Tinikling si Andrea. Ano ang inilalarawan ng salitang may salungguhit? Anong tanong ang sinasagot nito? Tama. Ito ay tinatawag na pang-abay na Pamaraan. Kung gayon, ano ang pang-abay na pamaaraan?
-
sumayaw Paano
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan sa paraan kung paano ginagawa ang kilos o pandiwa. Sumasagot sa tanong na paano.
2. Ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing Linggo. Ano ang inilalarawan ng salitang may salungguhit? Anong tanong ang sinasagot nito?
-
nagsisimba
-
Kailan
Tama. Ito ay tinatawag na pang-abay na Pamanahon. Kung gayon, ano ang pang-abay na pamanahon? -
3. Hinintay nila ang kanilang nanay sa harap ng gate. Ano ang inilalarawan ng salitang may salungguhit? Anong tanong ang sinasagot nito? Tama. Mahusay! Ito naman ay tinatawag na pang-abay na Panlunan. Kung gayon, ano ang pang-abay na panlunan?
Ang pang-abay na pamanahon ay naglalarawan kung kailan ginagawa ang kilos o pandiwa. Sumasagot sa tanong na kailan.
-
hinintay
-
Saan
-
Ang pang-abay na panlunan ay naglalarawan sa kung saan ginagawa ang kilos o pandiwa. Sumasagot sa tanong na saan.
E. Paglalapat Bibigyan ng Pangkatang Gawain ang mga mag-aaral. Batay sa larawang hawak, gumawa ng tatlong (3) pangungusap na may pang-abay. Maaaring ito ay pang-abay na pamaraan, pamanahon, o panlunan. Salungguhitan ang pang-abay at bilugan ang salitang inilalarawan nito.
Magpapangkat-pangkat ang mga mag-aaral
F. Paglalahat Batay sa tinalakay nating aralin, ano ang Pang-abay? - Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na naglalaran sa pandiwa, pang-uri, at kapwa nito pang-abay. Ano-ano ang mga uri ng pang-abay? G. Pagsubok A. Panuto: Salungguhitan ang pang-abay bawat pangungusap. 1. 2. 3. 4.
Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay. Babalik na sila sa isang lingo. Magkikita kami ng aking pinsan sa restoran. Masayang ikinuwento ni Lisa ang kaniyang mga naging karanasan. 5. Tahimik naman akong nakinig sa kanyang mga kuwento.
Pang-abay na Pamaraan Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na Panlunan
B. Panuto: Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, pamanahon, o panlunan. Isulat ang sa sagot sa patlang bago ang bilang. ___________ 6. Maagang pumasok si Noel. ___________ 7. Sinagot nang mabilis ni Angel ang bugtong ng guro. ___________ 8. Tuwing hapon naglalaro ng bugtungan ang mga magkakaibigan. ___________ 9. Dadalaw kami sa bahay ni Lola Nena. ___________ 10. Masayang nagbugtungan ang mga magkakaklase -
Sagot: 1. sa Tagaytay 2. sa isang linggo 3. sa restoran 4. masayang 5. tahimik 6. pamanahon 7. pamaraan 8. pamanahon 9. panlunan 10. pamaraan
IV. Kasunduan: Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na hindi malilimutan tulad ng pasko, pista, kaarawan, at iba pa. Gumamit ng mga pang-abay sa pagsasalaysay. Isulat ito sa isang buong papel.
Banghay-Aralin sa Filipino 8 Wika
Inihanda ni: Bb. Mariecon S. Salvacion