Panahon ng Enlightenment
Ipinasa nina: Chloe Grant, Ronald Benecio Ipinasa kay: Sir Randy Cruz
Ang Panahon ng Pagkamulat o Ang Paliwanag (Ingles: Age of Enlightenment) ay isang katawagan na ginagamit upang ilarawang ang panahon sa Kanluraning pilosopiya at buhay pang-kultura na nakasentro noong ika-18 siglo, kung saan sinusulong ang katuwiran bilang ang pangunahing pinagmulan at pagkalehitimo ng may kapangyarihan. Sumusulong na tuloy-tuloy sa Alemanya, Pransya Britanya, ang Olanda, Italya, Espanya, at Portugal, lumaganap ang kilusan sa karamihan sa Europa, kabilang ang Komonwelt ng Polako-Lituano, Rusya at Eskandinabya at gayon din ang Amerika.
Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.
Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pagunlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.
Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan, sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.
Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay magpatuloy sa pag-unlad.
Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.
www.wikipedia.com kasaysayanngmundo.blogspot.com Brittanica Encyclopedia
Ang pagkakaroon ng Panahon ng Enlightenment ay maraming nagging positibong nagawa sa panahon noon at sa mga henerasyon ngayon. Naisip ng mga tao sa panahon na ito na kailangan ng pagbabago. Kanila ring naisip na ang mga bagaybagay sa kanilang paligid. Nagkaroon sila ng maraming katarungan. Sila ay naki isa sa mundo. Sa ganitong paraan, ang kanilang mga isipan ay nahubog sa paghanap ng mga katarungan. Naging matalin ang mga tao. Simula ng kalayaan ,pagkapantay-pantay,at kapatiran .Bagaman ang iba ang naging tanglaw ng maraming mga kilusang panlipunan ,pulitikal at pangkabuhayan.