Republic of the Philippines University of Rizal System Morong, Rizal Graduate Studies
Maria Cecilia R. San Jose MAT – Filipino Dr. Maria Martinez Ed.D. Prof. Lecturer Report _____________ ___________________ _____________ ______________ _____________ _____________ ______________ _____________ _____________ __________ ___
PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA
Ang paghahangad ng pantay at matuwid na pagtingin.
Nagsimula ng payagan ng Espanya sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa.
Damdaming liberal na nagsimula sa Europeo.
Kasabay nito ang himagsikansa Espanya noong 1868 at ang pagbubukas ng kanal Sues noong 1869. DIWANG MALAYA
Ang paghahangad ng pantay at matuwid na pagtingin.
Nagsimula ng payagan ng Espanya sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa.
Damdaming liberal na nagsimula sa Europeo.
Kasabay nito ang himagsikansa Espanya noong 1868 at ang pagbubukas ng kanal Sues noong 1869.
MGA NAKAIMPLUWENSYA SA MGA PILIPINO UPANG MAGHANGAD NG BAGONG-BIHIS NA PAMAHALAAN
Mga pananaw sa panulat nina Rousseau, Voltaire, Locke at iba pa.
Ang mga ideolohiya ng mga pag-aaklas ng mga Amerikano at Pranses .
Sabay na pag-unlad ng Pilipinas sa sistemang pandaigdigan.
KAISIPAN NG MGA ILUSTRADO
Di pagkakapantay-pantay na pagtingin o pagtrato ng mga Kastila at Pilipino.
Lantarang pagsasamantala’t paniniil ng mga namumuno.
Pagkakaroon ng liberal na gobernador. Ang pag-aalsa ng mga manggagawa sa arsenal sa Kabite at
pagbitay kina Padre Gomez, Burgos at Zamora.
KASAYSAYAN NG LIBERALISMO SA PILIPINAS.
Pagkagapi ng Reyna Isabela II at ang pag-akyat sa kapangyarihan ng liberalismo sa Espanya.
Ang pagiging Gobernador-Heneral ni Carlos Ma. Dela Torre sa Pilipinas. Ang pagkatha ni Jose Rizal ng tulang “Ala Jeventud Filipina” (Sa kabataang Pilipino) na inihandog niya sa kapisanan ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas ,ang Felipe Buencamino.
1870 – Natalo ang pansamantalang Republika ng Espanya sa mga Monarkista at naging hari si Amadeo ng Savoy (1871-1873)
Pumalit kay Hen. Carlos Dela Torre si Rafael de Izquierdo at umusbong ang kaguluhan.
Enero, 1872 – Nag-aklas ang mga manggagawa sa arsenal sa Kabite na pinamunuan ni Lamadrid, isang sarhentong Pilipino .
Pebrero 17, 1872 – Nahatulan ng bitay sa garote sina Padre Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto Zamora .
Maraming Pilipino pa ang isinangkot sa kaguluhan sa Kabite at ipinatapon sila sa Hongkong, Singapore, Barcelona, Madrid, Londres at iba pang pook-banyaga.
Pagkakatatag ng Kilusang Propaganda.
KILUSANG PROPAGANDA LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA
Pagkakapantay-pantay na pagtingin sa Pilipino at Kastila sa harap ng batas.
Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
Ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
Italaga ang mga Pilipino bilang mga kura-paroko.
Kalayaang pangkatauhan para sa mga Pilipino, gaya ng makapagpahayag, makapagsalita, kalayaang makapaglunsad ng pagtitipon at pagpupulong at paghingi ng katarungan sa kaapihan.
ANG MGA PROPAGANDISTA KATANGIAN NG MGA PROPAGANDISTA:
Karamihan sa kanila ay may mga angking talino, may damdaming makabayan, may dakilang katapangan at lakas ng loob, anak ng nakaririwasang pamilya at nagsipag-aral at nakapagtapos sa mga kilalang unibersidad.
Naipaabot ang kanilang simulain sa pamamagitan ng pagsapi sa samahang masonaria.
Naglathala at nagpalimbag sila ng mga pahayagan, aklat, mga artikulong tumutuligsa sa maling pamamahala tungo sa paghingi ng reporma
DR. JOSE P. RIZAL
Isinilang noong Hunyo 19, 1861.
Manunulat,pintor, maglililok, kinilalang manggagamot, paham at siyentipiko sa Europa.
Makapagsasalita ng 22 na wika.
Pinagbintangan ng sedisyon at paghihimagsik ng pamahalaang Kastila, nakulong sa Real Fuerza de Santiago at nahatulang barilin sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre.
ANG MGA TANYAG NA AKDA NI RIZAL
Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin)
El Filibusterismo (Ghent, 1891)
Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hingil sa Katamaran ng mga Pilipino)
Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos (London,Pebrero 22,1889)
MARCELO H. DEL PILAR (1851-1896)
Isinilang sa nayon ng Kupang n San Nicolas, Bulacan noong ika-30 ng Agosto, 1850
Anak nina Julian (mambabalarila) at Blasa Gatmaytan na kilala sa tawag na Donya Blasica.
Nagtapos sa Pamantasan ng Santo Tomas,nag-eeskrima, at tumugtog ng biyolin at plawta.
Itinatag at pinamatnugutan ang Diariong Tagalog (1882)
Humalili kay Graciano Lopez-Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.
Gumamit siya ng mga ngalang sagisag sa panulat tulad ng “Dolores Manapat,” “ Piping Dilat,” “Plaridel,” at “Pupdoh.”
MGA KINIKILALANG AKDA NI DEL PILAR
Caiingat Cayo (Kaingat kayo)
Ang Cadaquilaan ng Dios (Barcelona,1888)
Ang Kalayaan
“La Frailocracia en Filipinas” at “La Soberaña Monacal en Filipinas.”
“Dupluhan… Dalit…Mga Bugtong” (Malolos,1907)
Dasalan at Tocsohan
Isang Tula sa Bayan
Paciong Dapat Ipag-alab Nang Puso nang Taong Babasa
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
GRACIANO LOPEZ JAENA (1860-1896) Ipinagmamalaking anak ng Jaro,Iloilo.
Ipinanganak noong Disyembre 18, 1860.
Itinuring na isa sa pinakadakilang henyo ng Pilipinas.
Kritiko ng pahayagang Kastila – Los Dos Mundos.
Itinatag at pinamatnugutan ang La Solidaridad noong 1889.
Kabilang sa Associacion Hispano-Filipino, kapisanan ng mga Kastila at Pilipino na tumutulong sa mga pagbabago.
MGA AKDA NI GRACIANO LOPEZ-JAENA
La Hija Del Fraile (Ang Anak Ng Prayle)
Sa Mga Pilipino (1891)
En Honor de los Filipinas (Ang Dangal ng Pilipinas)
Mga Kahirapan sa Pilipinas
En Honor del Presidente de la Assocasion Hispano-Filipino
Ang Lahat ay Pandaraya
Fray Botod (Disyembre 17,1856-Enero 20,1896)
ANTONIO LUNA (1868-1899)
Isinilang sa Urbis, Tondo, Maynila noong Oktubre 29,1868.
Isang parmasyotikong produkto ng Ateneo.
Ginamit ang Taga-ilog bilang sagisag sa pagsulat.
Naging patnugot ng La Independencia.
Namatay noong Hunyo 7, 1899, di umanoy nabaril sa Kabanatuan, Nueva Ecija.
ILANG AKDA NI ANTONIO LUNA
Noche Buena
Divierten
Por Madrid (Sa Madrid)
La Maestra De Mi Pueblo
Todo Por El Estomago
La Tertulla Filipina (Ang Piging na Pilipino
Impresiones
MARIANO PONCE
Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Marso 22,1863.
Nakasulat ng mga akdang pampanitikan gamit ang wikang kastila, Tagalog at Ingles.
Nagkubli sa sagisag na Tikbalang, Nanding at Katipulako.
Tagapamahalang patnugot , mananalambuhay at mananaliksik ng kilusang propaganda.
Namatay noong Marso 23, 1918.
MGA AKDA NI MARIANO PONCE
“Mga Alamat ng Bulakan”
“Pagpugot kay Longino”
“Sobre Filipinas”
“Ang Mga Pilipino sa Indi Tsina”
“Ang Oaniyakan ng Kilusang Propaganda
PEDRO SERANO LAKTAW
Isa sa mga pangunahing Mason na kasama ni Antonio Luna na umuwi sa Pilipinas upang bunuo ng Masonarya.
Itinatag ang Lihiyang “NILAD”
Sumulat ng unang “Diccionario Hispano-Tagalog” na nalathala noonh 1889.
Ang kanyang “Estudios Gramaticales” at “Sobre La Lengua Tagala” ang pinagbatayan ni Lope K. Santos ng balarila ng Wikang Pambansa.
JOSE MARIA PANGANIBAN
Isinilang sa Mamburaw, Camarines Norte noong Pebrero 19, 1865.
Kilala sa sagisag na JOMAPA sa kanyang panulat.
Siya ay nakilala sa pagkakaroon ng Memoria Fotografica
ILANG AKDA NI JOSE MARI PANGANIBAN
A Nuestro Obispo
Noche de Mambulao
Ang Lupang Tinubuan
Sa Aking Buhay
El Pensamiento
La Universidad de Manila
Su Plan de Estudio
DR.PEDRO PATERNO
Isinilang sa mayamang angkan sa Sta. Cruz Maynila noong ika-17 ng Pebrero 1857.
Napabilang sa tatlong panahon ng panitikang Pilipino – panahon ng Propaganda, Himagsikan at Amerikano
Iskolar at mananaliksik
MGA AKDA NI DR. PEDRO PATERNO
Ninay
Sampaguita y Poesias Varias (Mga Sampaguita at Sarisaring Tula)
El Cristianismo y La Antigua Civilizacion Tagala (1892)
La Civilizacion Tagala, “El Alma Filipinos” at “Los Itas”
A Mi Madre (Sa Aking Ina)
PASCUAL POBLETE
Isinilang sa Naic Kabite noong ika-17 ng Mayo, 1856.
Tinaguriang “Ama ng Pahayagan.”
Itinatag at pinamatnugutan ang pahayagang “El Resumen” matapos maghiwalay ni Marcelo Del Pilar sa pagsusulat sa “Diyariong tagalog.
Napatapon sa Africa at nagtatag ng “El Grito el Pueblo” na may pangalang “Ang Sigaw ng Bayan.”
Itinuturing na kauna-unahang nagsalin ng “Noli Me Tangere” ni Rizal sa wikang Tagalog.
MGA AKDA NI PASCUAL POBLETE
Salin ng nobelang “Konde ng Monte Kristo” ni Alexander Dumas
Lucrecia Triciptino
Salin ng “Buhay ni San Isidro Labrador” ni Francisco Butina
Ang Kagila-gilalas sa buhay ni Juan Soldado
Ang Manunulat sa Wikang Tagalog
ISABELITO DELOS REYES
Itinatag ang “Iglesia Filipina Independencia.”
Nagtamo ng gantimpala sa exposisyon sa Madrid sa kanyang kathang “El Folklore Filipino.”
May akda ng: Las Islas Visayas En La Epoca de la Cobquista, Historia De Ilocos at La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina