Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Magaaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul
Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay: Gng. Zendel M. Taruc Kagawaran ng mga Wika UST, Kolehiya ng Nursing
Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2007-2008
Ipinasa nina: Banzon, Jose Paulo Luigi A. Bayot, James C. De Chavez, Renz Irvin A. Isidro, Robin Delfin Lopez, Victor Rico P. Paulino, Alberto P. III Surell, Rusell John P. Unas, Janssen Dion T. Versoza, Jonas Ian R. I-1 Marso 7, 2008
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina I.
Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral
1-2
a. Abstrak
1
b. Mga Layunin
2
II.
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
3-15
III.
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
16-22
a. Metodolohiya
16-17
b. Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng Datos
17-22
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
23-25
a. Lagom
23
b. Kongklusyon
24
c. Rekomendasyon
25
Bibliografiya
27-29
IV.
V.
I.
Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral 1. Kaligiran ng Pag-aaral(abstrak) Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social networking bilang public property. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw, kaugalian, at ideya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa mga piling kolehiyo at hayskul. Ang ginamit na instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey na naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan tungkol sa ideya at pananaw ng mga mag-aaral sa social networking. Sa lumabas na resulta ng mga datos, lumalabas na malaking porsiyento ang nagsasabing higit na nakakabuti ang paggamit nito at ang mga
pangkaraniwang dahilan
ay ang pakikihalubilo at
pagpapakita ng sariling identidad. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o impormasyon at pornograpiya
Lumabas rin sa pag-aaral na ang kanilang malawak na kamalayan sa seguridad. Ito ay dahil sa mga karanasan ng kanilang mga kaibigan o kaya ay sa sariling kaganapan sa kanilang buhay. Isa pang dahilan ay ang mga lumalabas sa media na naging impluwensyal sa pananaw at desisyon ng tao.
2. Mga Layunin
Sa pagsisimula ng pag-aaral na ito, nais naming malaman kung ano ang mga saloobin ng iba’t ibang Thomasian students sa napapanahong penomena ng Social Networking. Sa tulong ng pananaliksik at pangangalap ng mga datos gamit ang sarbey ay nais naming maipakita:
¾
ang dami ng mag-aaral sa kolehiyo at hayskul na
gumagamit ng social networks. ¾
ang kadalasang kasarian ng mga mag-aaral na
gumagamit ng social Networks. ¾
ang kadalasang ginagamit na social network site, ang
oras na ginugugol nila para ditto, at ang mga personal na impormasyong kanilang inilalahad sa mga sites na ito. ¾
kung ang social network site nila ay pampubliko o
pampribado, ang kadahilanan sa pagpili nito, at ang possibleng maging bunga nito. ¾
ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasalukuyang
umiiral na problema tungkol sa panloloko gamit ang social networks. ¾
kung
saang
aspeto
nakabubuti ang social networks.
ng
buhay
nakasasama
o
II.
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 1.
Mga Batayang Kaalaman sa Social Networking A. Kahulugan ng Social Networking
Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming
tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na
relasyon. Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga indibiwal para (1) bumuo ng isang pangpublikong profile, ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapag nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system, (2) makita ang profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at (3) para makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag pa ng mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang ibang tao. B. Maikling Kasaysayan ng Social Networking Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring maging basehan para sa interaksyong sosyal na computer-mediated. Ito ay bunga ng The Network Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na nagdulot ng pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media release ng Oregon State University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mga
residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa militar. Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa SN na ito. Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga kaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg padala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa SixDegrees, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal. Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ng SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong 2002, Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com naman noong 2004. C. Mga uri ng Social Networking 1. Friendster.com Ayon kay Ronald S. Lim(2007), ang Friendster ay isang pribadong pagmamayaring sayt sa California noong 2002, at, naging pinakapolular na social networking sayt sa Amerika bago ang MySpace sa taong 2004 Bumaba man ang popularidad nito sa Estados Unidos, ang Friendster pa rin ay ang mas pinupuntahan ng mga Asyano .Sa katunayan
ng
popularidad
nito,
nakumbinsing
dumalaw
ang
musikerang si Bonnie Bailey na kumanta ng popular na “Ever After” dito sa Pilipinas dahil lamang sa mga komento na iniwan sa kanyang
Friendster. Sa kasalukuyan ay may 50 milyong tao na ang tumatangkilik nito. Isa sa mga pinakasikat na gawin sa Friendster ay ang “language options” nito. Dito, maaring pumili sa mga linggwaheng Chinese, simplified Chinese, Hindi, Japanese, Korean, Spanish at Tagalog. 2. MySpace Ayon kay Paul Marks (2006) lumalaganap na daw ang iba’tibang uri ng SN at isa na dito ang MySpace. Ang MySpace, na ayon sa OUT-LAW.com (2006), ay ginawa ni Brad Greenspan, ay isang uri ng SN na para sa lahat. Ito ay para sa mga magkaibigang mahilig makipagusap gamit ang Internet, mga taong gustong makipagkilala sa iba, mga taong nagtutugma o nagrereto sa kanilang mga kaibigan, mga tao na malayo sa pamilya na gustong makipagkamustahan o makipagusap sa kanilang pamilya, mga negosyante at kanilang mga katrabaho na interesado sa SN, mga magkakaklase at mga kapareha sa pag-aaral, at marami pang iba. Maihahalintulad natin ang myspace sa Multiply sapagkat halos parehas lang ang kanilang mga layunin at mga katangian. Mas kumplikado nga lang ang myspace kumpara sa multiply dahil mas madaming taga ibang bansa ang gumagamit dito. Ito ay naitala na pang anim sa pinaka popular na website at pangatlo ito sa sa Amerika. Sa kasalukuyan, naitala ng MySpace network na mahigit kumulang na 300 milyon na tao ang gumagamit ng SN na ibinabahagi ng MySpace at patuloy pa itong nadadagdagan pa ito araw-araw. Masasabi natin na sa panahon ngaun, ang SN ay isa nang bahagi ng ating buhay dahil din ito sa patuloy na pagunlad ng ating teknolohiya at ang epekto nito sa larangan ng social networking.
3. Multiply Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri ng social networking na nagbibigay kakayahan sa mga gumagamit nito na mamahagi ng mga uri ng media media tulad ng litrato, video, musika, at iba pa sa loob ng iyong sariling websayt. Ito ay may kakaibang uri ng serbisyong higit sa ibang SN sayt. Dahil nga naturingan itong isang SN, hinahayaan nito ang gumagamit na makipagpalitan ng media sa iba’t-ibang kasama niya sa kanyang network.
Maaari
silang
magpalitan
ng
impormasyon
o
makipagtalakayan tungkol sa mga bagay na nagbibigay interes sa kanila. Pinahihintulutan din ng Multiply na ayusin ng gumagamit ang kanyang sariling websayt upang mas maenganyo ang mga tumitingin dito. Anong maganda sa pamamahagi ng media kung wala naman titingin dito? Isang tanong na sinolusyonan ng Multiply. Ang Multiply ang may kakayahang ibalita sa mga kasama sa iyong sariling SN kung may bago kang inilagay sa iyong sariling Multiply account. At ganun din sayo, ipinapakita din nito sa gumagamit kung merong mga bagong lagay na media o kung anung bagay sa mga iba’t ibang tao na kasama mo sa iyong social network. Sa kabuuan, ang Multiply ay isang SN sayt na nangingibabaw sa ibang uri ng SN dahil sa iba’t-ibang bagay na nag-aangat dito sa iba pang maliliit na SN. Hindi tulad ng maliit na networks na ito, ang Multiply ay laganap sa buong mundo.Ibig lang nitong sabihin ay hindi lang tayong mga Pilipino ang gumagamit nito kundi pati rin ang mga kapatid natin sa iba’t-ibang lugar sa buong mundo.
D. Mga kagamitan para magkaroon ng Social Networking 1. Kompyuter Ayon
sa
Wikipedia,
ang
kompyuter
ay
isang
uri
ng
mekanismong ang ginagawa ay mangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto. Sa karagdagan, ang programa na isang termino sa pagiimbak at pangangasiwa ng mga panuto ay isang katangian ng kompyuter.Isang magandang katangian nito ay ang pagsasa-ayos ng mga impormasyon sa iba’t ibang lugar. Ang kompyuter network na nabuo ay itinawag na internet. Isa sa gamit ng computer ay ang pagkonekta nito sa internet sa pamamagitan ng telepono. Sa pamamagitan ng koneksyon sa Internet, maaaring makapasok o makapagbigay daan sa mga website na may kinalaman sa social networking. 2. Internet Ang Internet na kilala ring “information superhighway”
ay
malawakang pang madlang daan na pinagsama-samang kompyuter networks na naghahatid ng datos sa pamamagitan ng pocket switching na gumagamit ng pamantayang Internet Protocol(IP). Ito ay isang “network of networks” na binubuo ng milyon na maliliit na networks sa larangan ng pantahan, pampaaralan, pangangalakal, pampamahalaan at sosyal na nagdadala ng iba’t ibang impormasyon at paglilingkod katulad ng e-mail, online chat, file transfer o paglipat ng salansanan at pinagdugtongdugtong na web pages at iba pang mapagkukunan ng impormasyon ng World Wide Web. Maraming tao o kumpanya ang gumagamit ng web logs o blogs na pangkaraniwang ginagamit bilang online diaries o talaarawan. Mahalaga ang ginagampanang papel ng Internet sa pagpapalawak ng social networking. Sa pamamagitan ng
Internet nakakagawa ng e-mail address na isa rin sa mahalang kasangkapan para maiproseso ang SN. 3. E-mail address Ang email, mula sa salitang elektronik mail, ay kadalasan na isinusulat na email, e-mail o mail, ay isang paraan ng paggawa, pagpapadala, pag-iimbak at pagtanggap ng mga mensahe sa paraan ng systemang elektronik na komunikasyon. Ayon sa Wikipedia, ang terminong email ay naaplika sa sistemang Internet email base sa Simple Mail Transfer Protocol (SMTP) at sistemang Intranet na pinahihitulutan ang mga manggagamit sa loob ng isang organisasyon na iemail ang bawat isa. Ang email ay karaniwang ginagamit upang magpadala ng mga di-inaasahang mga mensahe, ngunit may mga programa na may kakahayan na automatikong magbura ng mga ito. Ang e-mail address ay kinakailangan para maging kasapi sa isang SN na websayt. Dito ipinapadala ang mga impormasyon tulad ng mga paalala tungkol sa isang kaibigan. Kinakailangan din ng isang kasapi na magbigay ng password kaugnay ng email address para mapangalaagan ang kanyang pagiging kasapi sa isang SN. E. Mga proceso sa paggawa ng Social Networking Account Friendster Sa paggawa ng isang account, na ang ibig sabihin ayon sa online na diksyunaryo ng Merriam-Webster ay lipunan ng mga pormal na usaping kalakaran
para
sa
isang
serbisyo,
simulang
bisitahin
ang
http://www.friendster.com at hanapin doon ang hyperlink na Sign Up at ito’y pindutin. Katulad ng sa e-mail, pupunan mo ang isang aplikasyon upang makagawa ng iyong sariling account, na ang ibig sabihin ay isang lipunan ng
mga detalye na magbibigay paraan upang magamit ng isang tao ang isang serbisyo. Pagkatapos mapunan ang aplikasyon ay buksan ang account. Maraming mga katangian ang Friendster na nagpapaiba dito sa ibang mga programang pangsocial networking. Ito ay nagtataglay ng pakikibahagi sa isang komunidad ng mga tao. Pwede kang mag-upload ng mga litrato ng iyong sarili upang maibahagi ito sa iba, magbigay ng komento o testimonial sa ibang tao at pati na rin ang pagbibigay ng mga pribadong mensahe sa iyong mga kaibigan. Multiply Katulad ng Friendster, bisitahin ang http://www.multiply.com at gumawa ng sariling account. Buksan ang nagawang account at magsimulang mag-upload ng mga litrato na gustong ibahagi sa iyong mga kaibigan o sa ibang mga tao. Katulad ito ng Friendster ngunit limitado ka lang sa pamamahagi ng iyong mga litrato at dito nagaganap ang malawakang social networking. MySpace Sa paggawa ng MySpace account, bistahin ang http://www.myspace.com kung saan kagaya ng mga nauna ay makakakita ka ng isang aplikasyon sa paggawa ng sariling account. Pagkatapos gumawa ay buksan ito. Maraming pinagkatulad ang Friendster at MySpace ngunit ang nag-iibayo sa lahat ay ang kakayahan ng MySpace na makipaghalubilo sa buong mundo maging ikaw ay magpunta sa iba’t ibang bansa.
F. Mga ibinunga ng Social Networking Ang Internet ay isang “social space” na kung saan naghahalo ang kalayaan at ang mga mas tradisyunal na sistemang sosyal. Dahil sa kombinasyong ito, ang mga pamilyar at di-kilalang kondisyon ay nagiging isang potensyal na pagbabago sa ugali’t kultura, online man ito o hindi. F. 1. Epekto sa Sarili “Acting Out” Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng mga teenagers bilang isang bagay o maaaring pangyayari upang mapag-usapan ang isang isyung pangmadla o kilala rin bilang forum para ipakita ng kontra-sosyal at palabang ugali. Kadalasan, ang komunikasyon sa Internet ay nauugnay sa madalas na paggamit ng mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita. (Wallace,2000). Marahil ang kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa Internet ang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito. Ito ay pwedeng iwan ng kung sinuman na nagsulat ng masamang komento sa pamamagitan ng paglo-logoff. Sa karagdagan, ang SN ay nagdudulot ng adiksyon sa sarili at ito ay ipinapakita sa dalawang klase ng gumagamit ng Internet, ang dependent at independent. Ayon kay Young(1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras sa Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang independent naman ay kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang sosyal ang apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa rin
na mas mahina itong adiksyon na ito kung ikukumpara sa mga lasenggo o durugista. F.2 Epekto sa Pamilya Pagbukod at Depresyon Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa Internet, ang mga potensyal na pakinabang at disadbentahe ng internet ay kaduda-duda. Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal na pag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya. F. 3 Epekto sa lipunan Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman ng mga teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sa ibang mga komunidad. Sa karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan at oportunidad sa mga teenagers na parte ng mga binubukod na grupo at sumasali sa SN. Mas magkakaroon sila ng kaalaman sa mga ibang kabataang tulad nila. Mayroon rin itong mga masasamang epekto, isa na dito ay ang pagtaas ng aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal. Isama pa natin ang cybercrime na ayon sa isang report ng BBC, ay laganap sa buong mundo at mahirap tugisin. Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime and Security(2000), sinasabi na 79% ng mga empleyado ang umaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa sa mga abusong ito ay ang pagdownload ng pornograpiya. Sa karagdagan, sa isang sarbey na ginawa ng NOL poll ng ICM, sinasabing halos lahat ng
respondenteay humihiling ng karagdagang control upang maiwasan at panloloko, pornograpiya at pedopilya. 2.
Ang Social Networking Bilang Public Property A. Depinisyon ng Public property Ang simpleng kahulugan ng salitang public property ay “bukas sa lahat,
maaaring
makita
o
ma
obserbahan
ng
lahat
ng
walang
pahintulot
(answers.com)”. Sa karagdagan, ayon sa isang artikulo ni Jon Udell na Omnidirectional Identity(2006), ang public property o kilala rin na public identity ay isang penomenang imahinasyunal na laganap sa mga websayt. B. Mga Kalakasan at Kahinaan ng pagiging Iang Public property Ang public property ng SN ay may kalakasan at mayroon din naming kahinaan. Una, ang pinaka hangarin ng public property social network ay ang makapagbigay ng higit na impormasyon tungkol sa iyong sarili. Sa pagkakaroon din ng public property, marami tayong maaaring makilala, iba’t ibang tao na may iba’t ibang ugali, sa mga taong ito makakakilala tayo ng mga bagong kaibigan at maaaring ang taong ating mamahalin. Mapapadali din tayo sa paghahanap ng mga dati nating kaibigan. Sa pamamagitan din ng public property na SN ay mailalahad natin ang ating mga saloobin sa pamamagitan ng tinatawag na blogs, mailalabas natin ang bawat reaksyon na hindi natin kayang ilabas ng harap harapan sa sitwasyon. Masasama din natin na dahil dito ay maaari nating makausap agad ang mga kaibigan natin sa pag- iiwan ng mga mensahe sa SN nila. At ang ibang public property social networks ay ginagamit sa negosyo tulad ng pagbenta at pagbili o sa pag-aanunsyo ng mga pangyayari.
Sa likod ng mga kalakasang ito ay hindi maitatago ang maraming kahinaan. Una, dahil public property nga ito, marami ang manloloko. Maaaring gamitin lahat ng impormasyon tungkol sa iyo at gamitin sa mga illegal na gawain. Maaaring maloko din ang user sa mga tao na nakikipagkita para lang perahan ka o pagsamantalahan ka. Dito nagsisimula ang ibang kaso ng panggagahasa at pagkawala ng mga tao lalo na ang mga menor de edad(Harvey). Ang kahinaan din ng public property social networking ay may direktang epekto sa gumagamit dahil sa public property, maaaring mawalan na ng oras ang isang indibidwal sa kanyang sarili at kaibigan dahil lamang sa pagtingin sa iba’t ibang pahina sa network ng sari-saring tao na kadalasan ay hindi naman kilala. Pwede ring mawala ang galing natin sa pakikipag-usap sa ibang tao sa totoong mundo dahil sa mga chat rooms at SN. Nagkakaroon ng social isolation o ang paghiwalay natin sa ibang totoong mundo para sa oras ng public property sa networking. C. Mga Kaugnay na pag-aaral sa Social Networking bilang Public Property Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000 mag-aaral sa kolehiyo sa walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng Internet upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at ang akademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na gumagamit ng Internet ay kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong ito ang nagsasabing ang Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang buhay. “America, kilalanin natin ang mundo ng MySpace ”.(Frauenhelm, 2007) Ito ang sinabi ni Ed Frauenhelm sa kanyang artikulong Social Revolution. Sinabi niya na ang SN ay unti-unting sinasakop ang iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay at isa na dito ang sa kalakaran .Ito ay sa ikabubuti at para sa ikasasama nito. Ayon kay Frauenhelm(2007), sa kasalukuyan ay mayroong higit sa 14,000 na
pangkatan sa
MySpace na may kaugnayan sa mga kumpanya o mga katrabaho habang may
walong libong network sa karibal na websayt na Friendster. Ang pagdating ng Generation Y (mga ipinanganak sa pagitan ng 1970 hanggang 2000) sa industriya ng pagtatrabaho ay nagsasabing ang mga kumpanya ay may kaunti o walang mapili kung hindi ang iakma ang mga ito sa mga dumadaming katrabahong mahilig makihalubilo at gamay ang umuusad na teknolohiya sa Internet. Sinasabi sa mga nakalipas na pananaliksik na ang sobrang paggamit ng Internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay umuugnay sa mga isyung debelopmental na pangkaraniwan sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Samantala, habang ang ilang mag-aaral ay nasa kapaligirang nagbibigay ng maraming oportunidad sa pakikipagkita sa ibang tao at pag-unlad ng bagong relasyon, ang ilan na hindi mahilig makihalubilo ay may kahirapang sa pakikipagkapwa- tao. Sa karagdagan, ang pagkakaroon ng di pagkakakilanlan sa Internet ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng seguridad at hindi mapanganib na oportunidad sa pagkakaroon ng relasyon sa Internet (Anderson). Ang paglago ng SN sayt ay may kasabay na mga problema. Sinasabi sa artikulong pinamagatang Social Revolution (Frauenheim, 2007), ang mga kumpanya ay unti-unting inaaral ang SN na parang isang malaking pagsubok. Sinasabi na ang mga ito ay maaaring magdulot ng nakaka-asiwang relasyon sa mga katrabaho at paraan upang sayangin ang oras. Bunga dito, ang mga negosyante ay dumisenyo ng mga SN na nakapokus sa kalakaran upang maiwasan ang mga nasabing suliranin. Sa mga nakalipas na pag-aaral na nakalap ni Anderson, sinasabi na ang paggamit ng Internet bilang isang computer-mediated na komunikasyon ay may mga isyung kinahaharap tulad ng panggigipit, stalking, at pornograpiya. Ang mga termino tulad ng “Internet dependence” at “pathological computer use” ay ginagamit sa taong may adiksyon sa Internet. Sa kabila ng mga suliranin sa paglaganap ng social networking, may mga mabubuting epekto ito. Sa artikulo, sinabi na ang mga ito ay nakakatulong sa mga kumpanya na pagbutihin ang “organisasyong impormal” na tumutukoy sa mga hindi
opisyal na channels ng komunikasyon at kolaborasyon na may malaking kontribusyon sa bisa ng isang kumpanya. Sa karagdagan, ito ay ginagamit upang makakuha ng mga magagaling na aplikante sa isang trabaho. Ito rin ay nakakapabuti ng pagtuturo at pagpupursige sa mga empleyado at pagkakaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng kumpanya at mga dating empleyado nito. Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics: Identity and Community in Cyberspace(1997), sinasabi na may malaking kahalagahan ang mga kapalit o katumbas ng paglalabas ng ating kakilanlan sa mga teknolohiya. “Ang mga uri ng teknolohiyang ito ay nagbibigay ng malaking posibilidad na hindi tayo ‘mawawala’”(Holmes, 1997). Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating kinokonsumo ang ating oras makabalik sa ating pinagmulan at hinahanap kung gaano natin kilala ang ating sarili . Dahil dito, nawawalan tayo ng kontrol sa pisikal, mental, at emosyunal na mundo. Ito ay nababago sa paggamit ng mga kagamitang komunikasyon.
III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
1. Metodolohiya A. Instrumento Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang sarbey na naglalaman ng dalawampu’t tatlong katanungan na maaaring open o close- ended. Ang close- ended na mga katanungan ay naglalaman ng kwantitatib na mga sagot. Sa karagdagan, ang mga uri ng mga close-ended na katanungan na ginamit ay ang multiple choice kung saan mas limitado ang mga posibleng sagot at ordinal na siya namang katanungang nagbibigay ng pagkakasunud- sunod. Sa kabilang dako naman, ang openended na mga katanungan ay ginagamit kung ang sariling salita ng tagatugon ay ay kinakailangan. Ito ay karaniwang tinatawag na “breaking the ice” na mga tanong. Dahil ang sariling salita ng tagatugon ang kailangan, ito ay nagiging kwaliteytib na mga tanong. Ang nasabing sarbey ay ibinigay kay Gng. Zendel Taruc, punong tagapayo at guro ng Filipino II, upang iwasto at suriin ng husto ang sarbey.
Pagkatapos
nito
ay
binago
ang
sarbey
sa
tulong
ng
www.surveymonkey.com at ayon na rin sa mga komento at suhestiyon ng tagapayo. Ang naayos na sarbey na may 400 na kopya ay ipinamahagi at sa kalaunan ay kinolekta rin at 290 na sarbey na lamang ang naibalik
B. Respondente Ang naturang sarbey ay ipinamahagi sa 400 na mga tagatugon na kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan: a. Isang mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas b. Maaaring undergradweyt o hayskul c. Kung isang undergradweyt, siya ay dapat kabilang sa mga sumusunod na kolehiyo: i. AB ii. Commerce iii. Engineering iv. Nursing v. Pharmacy vi. Architecture vii. Rehabilitation Sciences Sa kabuuan,
290 lang ang naibalik na sarbey. Ang datos ay
binigyan ng interpretasyon. Sa karagdagan, ang datos ay nilagay sa mga bahagdan para sa mas magandang pagkakaiba ng mga resulta. 2. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos 1. 1 Katangian ng mga Tagatugon
Larawan
Larawan 1b
Sa 400 na sarbey na ipinamahagi, 290 lamang ang bumalik sa mga mananaliksik. 271 o 93% ng mga tagatugon ang may social networking site habang 19 o 7% ang walang social networking site
Larawan 1c
na makikita sa Larawan 1a. Pinapakita dito ang malaking bahagdan ng mga kabataan ang may lubos na kaalaman at ginagamit ang SN sayt. Sa Larawan 1b, pinapakita ang bilang ng kasarian ng lahat ng mga tagatugon.
176
o
61%
ang
mga
kababaihang respondente samantalang 114 o 39% ang mga kalalakihang tagatugon. Larawan 1d
239
o
82%
ng
mga
tagatugon ay mga undergradweyt na mag-aaral samantalang 51 o 18% ang
mga hayskul Sa larawan 1d, pinakita ang mga undergradweyt na kalahok pati na rin
ang
mga
kolehiyong
nirerepresenta
nito.
Nangunguna
ang
Pharmacy(54 na tagatugon o 22%) at sumunod ang Commerce at Engineering( tig- 50 na tagatugon o 21%). Sumunod ang AB (31 na tagatugon o 13%), Rehabilitation Sciences(23 na tagatugon o 10%), Architecture(17 na tagatugon o 7%) at nahuhuli ang Nursing(13 na tagatugon o 6%). 1. 2 Katangian ng mga Sagot ukol sa Social Networking
Bilang ng oras na ginugugol sa bawat pagpunta sa mga social networking sites
Wala pa sa isang oras
4% 23%
35%
Higit sa tatlong oras
Larawan
Ang
Friendster
ay
Isang oras
ang
pinakaginagamit ng mga kabataan sa
15% 23%
Dalawang oras Iba pa
Larawan 2b
ngayon( 271 o 53%). Sumunod sa Friendster ay ang Multiply( 182 o 36%) at ang pinakahuli ay ang MySpace(57 o 11%). Pinapakita sa Larawan 2a na mababa
man
ang
paglaganap
ng
Friendster
sa
Estados
Unidos,
pinakapopular naman ito sa mga Asyano dahil sa mga “language options” nito. Sa larangan ng bilang ng oras na ginugugol sa SN, nangunguna ang mga gumagamit ng wala pa sa isang oras( 102 o 36.17%), sumunod ang isang oras at dalawang oras(64 o 23%), ang higit sa tatlong oras(41 o 15%) at ang panghuli ay iba pa(11 o 4%). Pinapakita sa larawang ito na hindi gaanong sinasayang ng SN ang oras ng kabataan sa mas importanteng gawain.
Larawan
Sa
Larawan
2c, inilalarawan ang lebel
ng
pagiging
pribado ng SN sa aspeto na may kasama o wala sa oras na pupunta sa isang SN sayt. Nangunguna ang sumagot sa “minsan nag-iisa at minsan ay kasama ang kaibigan” na may 61%. Sumunod ang “nag-iisa” (88 na tagatugon o 31%), “may kasamang kaibigan”( 17 o 6%) at ang huli ay ang iba pa na may limang tagatugon o 2%. Sinasabi dito na ang lebel ng pagiging pribado ay limitado lamang sa mga kaibigan at nagdudulot ito na ang paggamit SN ay isa ring paraan ng pakikihalubilo. Sa larangan ng uri ng profile, pinapakita sa Larawan 2d na hindi nagkakalayo ang agwat ng mga gumagamit ng pampubliko o pribadong profile. Ang karaniwang sagot ng mga respondenteng sumagot sa pribadong profile ay dahil sa seguridad as sa gusting maging eksklusibo ang kanilang sayt sa mga kaibigan lamang. Isa pang dahilan
Larawan 2d
ay ang takot na maaaring maloko o kunin ang inilathalang impormasyon sa web. Ang karaniwang sagot naman ng mga gumagamit ng pampublikong profile ay dahil sa kagustuhang maipakita ang identidad at magkaroon ng maraming kaibigan at makita ang profile sa mga kaibigang hindi kasama sa listahan ng mga kaibigan.
Larawan
Sa antas ng kaalaman sa seguridad ng kanilang katauhan sa SN sayt, nangunguna ang sumagot sa “naglilimita ang mga makakakita” na may bilang na 131 o 46%. Sumunod dito ay ang sagot na “maaaring makita ng sino ang tauhan”(101 o 36%), “mga kaibigan lamang ang nakakakita ng impormasyon”(46 o 16%) at nahuhuli ang “wala akong alam kung nakikita man o nalilimita ang pagtingin” na may bilang na anim o 2%. Pinapakita sa Larawan 2e na may malaking kamalayan ang mga kabataan sa kanilang seguridad sa SN.
Sa Larawan 2f, pinapakita na malaki ang hilig na kabataan sa pangkalahatan ang SN. Ang kanilang ayaw sa SN ay ang mga hackers o mga tao na kumukuha ng impormasyon pornograpiya.
Larawan
upang
gamitin
sa
kalokohan
at
Larawan
Larawan
Ang dalawang larawan (2g at 2f) ay nagpapakita ng kamalayan sa pagiging pribado at seguridad sa paggamit ng SN sa pag-iimbita at pakikipagkita sa ibang tao. Napakalaki ang bahagdan ng hindi sumasang-ayon sa pag-iimbita at pakikipagkita dahil sa takot na sila ay maloko. Ang kadahilanan kung bakit gusto ng iilang tagatugon ang makipagkita o mag-imbita ay upang makipagkaibigan at lumalim ang relasyon. Sa larawan 2i, 80% ng mga tagatugon ay naniniwalang maaari silang mabiktima ng SN. Ito ay sa mga sariling karanasan ng tagatugon o karanasan o sa mga karanasan ng kanilang mga kaibigan.
Sa
karagdagan,
ang
media
ay
nakakaimpluwensya sa kamalayan ng mga tagatugon.
Ang
mga
hindi
naniniwala
ay
nagbigay ng kadahilanang kailangan laman ng pag-iingat upang hindi ka mabiktima ng SN.
Larawan 2i
Ano ang higit na naidudulot ng SN sa iyo?
Mabuti
Masama
9%
Sa kabila ng isyu ng seguridad, “hackers”, at paggamit ng impormasyon ng walang pahintulot, at sagabal sa pagaaral, nananatiling mabuti ang epekto nito sa mga mag-aaral sa UST. Ito ay sa kadahilanang: ◦
Pakikipagkaibigan sa mga taong hindi kilala
91%
◦
Pagpapatibay ng relasyon sa mga kaibigan
◦
Pagkakaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak sa ibang bansa
◦
Nahahasa ang pakikihalubilo ng tao
◦
Naipapahayag ang sariling identidad
IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 1. Lagom
Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao partikular ng mga estudyante
sa pamantasan ng Unibersidad ng Santo Tomas tungkol sa social
networking. Batay sa nagawa naming interpretasyon ng mga datos na aming nakalap mula sa mahigit na 250 na estudyante mula sa iba’t-ibang kolehiyo ng unibersidad, aming nalaman na karamihan sa mga estudyante sa nasabing unibersidad ay tumatangkilik sa mga social networking sites. Sa nasabing pamantasan, napag-alaman ng grupo na mas popular ang Friendster bilang kanilang pangunahing social networking site at ang Multiply na sumusunod. Marami ang naidudulot na maganda ng mga social networking sites na ito sa kanilang pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagama’t alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa rin nila ang pagiging aktibo sa mga social networking sites na ito sa kadahilanang nakikita nila at napipapakita nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social networking bilang isang “social trend” na humahatak sa bawat estudyante na gumawa ng kani-kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala ang seguridad ng mga estudyante at maari silang masangkot o mabiktima sa mga di kanais-nais na tao na mayroon ding account sa social networking sites. Sa lahat ng mga nasabi, mayroon ngang maganda at masamang epekto ang pagkakaroon ng accounts sa mga social networking sites ngunit sa aming mga nakalap na impormasyon, mas nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto nito sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pa.
Lahat ng aming ebidensya ay nagtutugma upang ipakita na ang social
networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon at ang mga benepisyo nito sa kanila ay kanila namang nararamdman.
2. Kongklusyon Sa pagwawakas ng aming pananaliksik tungkol sa Social Networking, nais naming ilahad ulit ang mga pag-aaral mula sa mga nakalap naming mga datos. Ang mga datos ay ikinumpara sa aming review of related literature. Naipakita dito na lumabas na magkatugma ang sarili naming pag-aaral sa mga nakalap na mga datos at ang review of related literature na buhat sa iba pang mga pag-aaral sa Social Networking. Ang pag-aaral na aming isinagawa ay ang paraan ng pagkuha ng pananaw ng mga piling mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa pamamagitan ng sarbey. Ang sarbey na ito ay naglalaman ng mga open-ended at closed-ended na mga tanong para malaman naming ng lubos ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa Social Networking. Pagkatapos ng pangangalap ng mga datos, ang mga ito ay aming pinagaralan at sinuring mabuti. Sumonod na hakbang ay ang pag-iinterpreta ng mga ito, nang hindi mahirapan, kami ay gumawa ng mga bahagdan upang mapadali ang interpretasyon ng mga datos. Ito ang buod ng aming pag-aaral: Una sa lahat, inasahan na napakalaking porsyento ng mga mag-aaral ang may kaalaman at gumagamit sa Social Networking Site. Isang simpleng dahilan ng pagkakaroon ng bawat kabataan o kahit mga matatanda ng Social Networking Site ay upang makihalobilo sa ibang tao sa internet. Ikalawa, sa mga uri ng Social Networking Sites, may kanya-kanya ring preperensya ang mga tao, higit na ginagamit at may pinakamaraming myembro ng mga mag-aaral ang Friendster, sunod ang Multiply, at panghuli naman ang Myspace. Ito ay tumugma sa mga unang mga pag-aaral sa Social Networking, na ang Friendster ay ang siyang pinakapopular na Social Networking Site sa Pilipinas. Susunod, kaunti lamang ang oras na inilalaan ng mga mag-aaral sa pagpunta sa mga Sites na ito. Ibig sabihin nito ay hindi nila inilalaan lahat ng oras nila ditto na nagbibigay daan sa mga mas mahahalagang bagay pa sa kanila gaya na lamang ng pag-aaral at pakikihalubilo sa pamilya at mga kaibigan nila.
Nagiging maingat din ang mga higit sa mga mag-aaral sapagkat nililimita lamang nila ang mga impormasyon na kanilang inilalathala sa internet, hindi nagiimbita ng mga taong hindi nila kilala at hindi nila binabalak na makipagkita sa mga taong nakilala sa internet lamang. Karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng pribadong profile at higit sa kanila ay may kaalaman na maaari silang mabiktima ng mga manloloko kaya’t alam nila ang mga dapat gawin upang ito’y hindi mangyari. Naitanong din namin kung may ayaw sila sa mga Social Networking Sites na ito. Kakaunti lamang ang sumagot na mayroon silang ayaw sa mga sites na ito, karamihan sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng madaming manloloko, talamak na pornograpiya at mga hackers. Konti lamang sa tingin namin ang may ayaw, sapagkat mayroon naman paraan upang malimita ang mga impormasyon na puwedeng ilathala ng mga indibidwal sa internet. Ito ay nakasalalay na lamang sa pag-iingat ng bawat indibidwal sa mga impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili. Sa kabuuan, ang Social Networking ay may higit na mabuting naidulot sa mga mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral, napagtitibay ang relasyon sa mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal ng bawat tao, nagtatagpo ulit ang mga dating mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t-isa at higit sa lahat, naipapahayag ang sariling idea at pananaw sa buhay sa buong mundo.
3. Rekomendasyon Imunumungkahi ng mga manunulat na higit na mapaghusay pa ang kanilang pag-aaral sa larangan ng Social Networking sa kadahilanang nais pa nilang higit na maunawaan ang mga mabubuting implikasyon na Social networking. Nais din irekomenda ng mga manunulat ang ilang mga dapat na gawin upang makaiwas sa mga manloloko. Isa sa mga dapat gawin dito ay ang pag-iingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong network. Ito ay makakatulong upang higit na mas mapaganda ang pag gamit ng social networking.
Para higit na mas mpagtibay ang mga datos na
nakalap, dapat din tagalin ang limitasyon sa mga tagatugon. Sa mga gusto pang ipag patuloy ang pag-aaral tungkol sa social networking, nais ng mga manunulat na payuhan ang mga magaaral na huwag limitahan ang social networking sa isang aspekto lamang at huw ag din limitahan ang kanilang mga tagatugon.
V. Bibliografiya: About Classmates Online, Inc., Classmates.com, Nakuha noongFebruary 12, 2008 from http://www.classmates.com/cmo/about/;jsessionid=RIVWXDQ2MEVJ4CQKWZ SSVRQKBK1GMIV3?s=74606&_requestid=171457, http://en.wikipedia.org/wiki/Classmates.com A n d e rso n , K . I n te rn e t u s e am on g c o lle ge s t u d e n t s: A n e xp lo ra t o ry s t u d y[ P a gga m it ng in t e rn e t s a m ga m a g-a a ra l s a ko leh iyo : I s a n g e k s p lo ra to rin g
p ag-a a ra l] .
Nakuha noong February 12, 2008 from
h t t p :/ / www. rp i. e d u /~a n d e rk 4 / re se a rc h. h tm l B o yd , D. M. a t E lliso n , N. B . (20 0 7). S o c ia l n et wo rk s it e s : Def in it ion, h is t o ry, a n d s c ho la rs h ip [ Mga s o c ia l n e t wo rk in g s a yt : De p in is yo n , k a s a ysa ya n
at
k a a lam a n]
Co mm u n ic at io n ,
.
Jo urn a l
1 3 (1 ),
of
Co mp u te r-Me d ia t e d a rt ic le
1 1.
h ttp ://jcm c. in d ian a.e d u/vo l1 3 / issu e1 /b o yd . e lliso n . htm l Changing adolescent experience[ Pagbabago ng karanasan ng tin-edyer]. Cambridge University Press. F ra u e nh e lm, E . (2 00 7 ) S o c ia l Re vo lu t io n . W o rk f o rc e Ma n ag e me n t , (2 8 37) Harvey, G. The pros and cons of social networks[Mga kabutihan at kapalit ng social networks]
,
Ezine
Articles.
Nakuha
noong
February
12,
2008
from
http://ezinearticles.com/?Social-Networking,-The-Pros-and-Cons-of-SocialNetworks&id=683823CSI/FBI Computer Crime and Security Survey, 2000 Friendster. Kinuha mula sa website na http://www.friendster.com noong Pebrero 11, 2008. Ho lm e s ,
D(1 9 97 ).
C yb e r s p c a e
V irtu a l
P o litics:
Ide n t ity
an d
Co mm un ity
in
http://en.wikipedia.org/wiki/Computer http://en.wikipedia.org/wiki/Internet http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com http://multiply.com/info/about http://news.bbc.co.uk/hi/english/static/in_depth/uk/2001/life_of_crime/cybercrime.stm http://www.answers.com/topic/public-space Iskold, A(2006).Multiply: A different approach To social networking[Multiply: Isang kakaibang pakikitungo sa social networking]. Nakuha noong February 12, 2008 sa http://www.readwriteweb.com/archives/mutiply_analysis.php Lim, R (2008) J1, Students and campuses, friends,inc., Retrived January 6, 2008 from Manila Bulletin Multiply. Kinuha mula sa website na http://www.multiply.com noong Pebrero 12,2008. Myspace. Kinuha mula sa website na http://www.myspace.com noong Pebrero 12,2008. Social
Networking,
Retrived
February
12,
2008
from
http://en.wikipedia.org/wiki/Social_networking S t ive rs ,
Rich a rd .
(2 0 0 4 ).
Sh a de s
of
lo n e line s s :
P a t ho lo gie s
of
a
te ch no lo gica l so cie t y[ P a n gu n gu lim lim n g ka lun gku tan : P a to lo h iya ng
t e k n o lo h iya l
na
lip un a n] .
L a nh a m:
Ro wm a n
&
L it t lef ie ld
P u b lish e rs , I n c . W olf , Ma rk J. (2 000 ). A b st ra ct in g re alit y: A rt , co mm u n ica t io n , a nd c o gn it io n in th e d igit a l a ge [ P a gwa wa la n g k a t iya k a n s re a lid a d: S in in g, ko m un ika syo n a t p a glilim i sa d igi ta l n a pa na h on ]. L a nh am : Un ive rs it y P re s s o f Am e ric a, I n c .
WordNet 1.7.1 Copyright © 2001 by Princeton University. All rights reserved www.en.wikipedia.org/wiki/MySpace www.mashable.com/2006/08/09/myspace-hits-100-million-accounts www.myspace.com/index.cfm?fuseaction=misc.aboutus