PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang AntasFull description
asasa
PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas
PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas
Epekto Ng Social Media
Full description
Full description
Full description
Positibo at Negatibong Epekto Ng SocialFull description
Filipino ResearchFull description
Sample QuestionnaireFull description
Filipino ResearchFull description
Epekto ng ‘Social Media’ sa Paglinang ng Personalidad ng mga Kabataan
Isinumite sa Departamento ng Filipino Bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang Filipino
Isinumite ni Alyana M. Alipio Grade 11 – Tech-voc (HE)
Isinumite Kay: G. Roman Marcial D. Gallego
2016
2
I.
Kahalagahan Sa panahon ngayon, hindi maipagkakaila na ang internet ay isa sa mga pangunahing pamamaraan upang mabilisang maksasagap at makapagbigay ng impormasyon. Ginagawa nitong possible ang komunikasyon at interaksyon ng mga tao saan mang panig ng mundo. Dahil dito, labis na popular ngayon ang mga social networking sites katulad ng Facebook, Twitter, Instagram at Snapchat, lalo na sa mga kabataan. Sa katunayan, masasabing bihira na lamang ang mga kabataan na hindi aktibo sa mga nabanggit na social networking sites. Maituturing na malaking bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng mga kabataan ang paggamit ng Social Media. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng organisasyon na Common Sense Media sa Estados Unidos noong 2015, pangkaraniwang umaabot sa isa’t kalahating (1.5) oras kada araw ang inilalalaan ng mga kabataan sa mga social networking sites. Dito sila kadalasang naglalahad ng kanilang mga saloobin, kumakalap ng mga balita at nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Isa sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan ay ang pagkahumaling ng mg kabataan sa internet. Ang pagtutuunan ng konseptong papel na ito ay ang implikasyon ng paggamit ng social media sa paglinang ng personalidad ng mga kabataan. Mahalagang maunawaan kung anu-ano ang mga positibo at negatibong dulot ng pagamit ng social media sa emosyunal at sosyal na pag-unlad ng mga kabataan upang magkaroon tayo ng konkretong ideya kung paano higit na mapapalaganap ang wasto at responsableng paggamit ng mga
II.
naturang teknolohiya. Layunin
3
Matukoy ang mga implikasyon ng paggamit ng social media sa paglinang ng
personalidad ng mga kabataan Mailahad ang mga dahilan ng pagkahumaling sa paggamit ng mga social networking
sites ng mga kabataan Maisa-isa ang mga positibo at negatibong dulot ng pagamit ng social networking sites
sa mga kabataan Makapagmungkahi ng mga pamamaraan upang maitaguyod ang wasto at responsableng paggamit ng internet
III.
Metodolohiya Magpapakalat ng mga questionnaire tungkol sa paggamit ng social networking sites sa mga mag-aaral sa Angelicum College na may edad labin’ apat hanggang labin’ walong (14-18) taong gulang. Magkakaroon din ng mga panayam sa mga awtoridad tungkol sa nasabing usapin. Sa pamamagitan ng mga talakayang ito, makakalikom ng sapat na impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang tinatalakay.
IV.
Inaasahang Bunga Ang konseptong papel na ito ay inaasahang makapagbigay impormasyon sa mga posibleng epekto ng paggamit ng social media sa mga kabataan. Ito ay naglalaman ng mga datos na tumatalakay kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa paggamit ng ganitong teknolohiya at kung paano ito nakakakapekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Inaasahan din na batay sa mga datos na nakalap, makakapagmungkahi ang mga mananaliksik ng mga paraan upang maitaguyod ang wasto at responsableng paggamit ng internet.
4
V.
Mga Sanggunian Teenagers in the US Spend about Nine Hours in a day in front of a screen, http://www.forbes.com/sites/jordanshapiro/2015/11/03/teenagers-in-the-u-s-spend-aboutnine-hours-a-day-in-front-of-a-screen/#3f489d747c34 The Impact of Social Media on Children, Adolescents, and Families, http:// pediatrics. aappublications .org/content /127/4/800 How Using Social Media Affects Teenagers, http://childmind.org/article/teens-and-socialmedia/