"EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAMUMUHAY NG MGA MAG-AARAL NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY – SCC"
KABANATA I
Panimula
"I love the Internet because it helped me discover everything that matters to me. But I also hate the Internet because every piece of true pain I've experienced as an adult – with the exception of death in the family and break-ups – has come from it."
-Lena Dunham
Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. Kaalinsabay nito ay patuloy din tayong binabago nito. Hindi natin mapagkakailang hinaplos nito and pang-araw-araw nitong pamumuhay. Masasabi ng isa sa mga may pinakamalaking impak sa ating buhay ay ang social media (sosyal midya). Ginagamit natin ito upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa ating mga kaibigan, kamag-anak, at maging sa mga hindi natin kakilala.
Ilan sa mga nauusong social media sites ay ang Facebook, Twitter, Snapchat, Instagram, at Tumblr. Nakatutulong ito sa atin, ngunit madami rin itong hindi magandang epekto sa bawat isa. Bilang isang mag-aaral, alam naming isa ito sa mga salik na nagiging dahilan ng pagiging wala sa pokus ng mga kamag-aral naming. Maaaring maging adbanteyj and social media bilang portal ng madaling paraan ng pagpapasa ng mga fayls, reports, mensahe, at ideya. Ngunit maaari rin nitong kainin ang ating oras sa mga hindi produktibo at hindi kapaki-pakinabang na bagay. Sa puntong ito ay nais naming malaman kung nakatutulong ba o hindi ang social media sa mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus.
Balangkas na Teoretikal
Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa isang mananaliksik sa itinatagong pangalan na Resident Patriot sa kanyang artikulo na Social Media at and Modernong Pilipino na nagsasaad ng mga naging epekto sakanya at sa ibang tao ng social media. Sinasabi dito na ang social media ay isang tulay na maaaring magdugtong sa ating nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na sitwasyon o kaisipan.
Ang pag-aaral na ito ay masasabi ring kritikal sapagkat malaki ang impak sa isipan at pamumuhay ng isang tao ang social media. Nais ng mananaliksik na mapag-aralan kung pano nga ba ito nakaaapekto sa pamumuhay at pag-aaral ng mga mag-aaral ng LSPU at kung ano ang kahalagan nito.
Paradima ng Pag-aaral
OUTPUT
Pamumuhay ng mga mag-aaral:
1. Pag-aaral
2. GradoPROCESS
Pagsasarbey ukol sa nasabing input
Pagsasama-sama ng mga tala ng nakuhang sagot sa sarbey
Pag-aanalisa ng mga kasagutanINPUT
Mga uri ng social media:
1. Facebook
2. Instagram
3. Twitter
4. Snapchat
5. Tumblr
OUTPUT
Pamumuhay ng mga mag-aaral:
1. Pag-aaral
2. Grado
PROCESS
Pagsasarbey ukol sa nasabing input
Pagsasama-sama ng mga tala ng nakuhang sagot sa sarbey
Pag-aanalisa ng mga kasagutan
INPUT
Mga uri ng social media:
1. Facebook
2. Instagram
3. Twitter
4. Snapchat
5. Tumblr
Layunin ng Pag-aaral
Nais ng mananaliksik na matuklasan kung naapektuhan ng social media ang pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Santa Cruz Campus. Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang malaman kung malaki ang epekto ng mga social media sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Santa Cruz Campus.
Paglalahad ng Suliranin
Ano-ano ang maaaring epekto sa pamumuhay ng mga mag-aaral ang mga iba't ibang uri ng sosyal midya gaya ng:
Instagram;
Facebook;
Twitter;
Snapchat; at
Tumblr?
Paano nakakaapekto ang paggamit ng sosyal midya sa pag-aaral ng mga estudyante?
May kahalagahan ba ang pagiging aktibo sa sosyal midya sa pang-araw-araw na gawain ng isang mag-aaral?
Haypotesis
Nakatutulong at positibo ang epekto ng social media (sosyal midya) sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito, ating malalaman kung ano at gaano kalaki ang epekto ng social media sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus.
Saklaw nito ang mga mag-aaral ng LSPU-SCC at ang matugunan kung ano ang maaaring epekto ng sosyal midya sa mga estudyante at kung may kahalagahan ba ang pagiging aktibo dito.
May kabuuang limampung mag-aaral mula sa Laguna State Polytechnic University – SCC ang naging tagatugon ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.
Aalamin ng mga mananaliksik kung gaano kadalas ang paggamit ng mga mag-aaral sa iba't ibang uri ng social media, kung may kahalagahan ba ito para sa kanila, at kung ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga mag-aaral negatibo man o positibo.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang social media ay hindi maituturing na maliit na bagay sapagkat mahigit 70 porsyento ng mga tao sa ating mundo ay nagamit ng iba't ibang uri ng mga social networking sites. Sa pagiging aktibo ng maraming tao rito, ito ay nakakabuo ng komunidad na itinatawag na "virtual community" na kung saan ito ay binubuo ng mga globalisadong tao na aktibo sa mga social networking sites.
Kung ating papansinin, masasabi natin na mas marami ang bilang ng kabataan na nag-so-social media kaysa bilang ng matatanda. Dahil dito, naisipan ng mga mananaliksik na bigyang pansin ang mga mag-aaral na kabataan mula sa kanilang unibersidad. Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay makahanap ng solusyon para sa mga mag-aaral na labis na naapektuhan ng social media.
Nais ng mga mananaliksik na makapag-ambag ng mga solusyon o rekomendasyon para sa mga kabataan ngayon at para na rin sa mga susunod pang henerasyon. Ang kahalagahan nito ay magkakaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa maaaring maging epekto ng social media sa kanila at sa kanilang pamumuhay.
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Kaugnay na Literatura
Ayon sa Wikipedia, ang social media ay isang strakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling sabi ay mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig at sekswal na relasyon.
Hindi natin maipagkakaila na patuloy na lumalawak ang mundo ng social media, lahat tayo ay kailangan ito hindi lamang bilang pakikipagkapwa kundi pati narin sa ating pag aaral. Sa katunayan, patuloy ang pagdami ng mga estudyanteng mayroong account sa mga social media sites.
"As of 2015 the world's largest social networking company, Facebook, has 1.49 billion active users, and the number of users is increasing every year. One of the most interesting things to look at is the increasing number of student users on such social networking sites. As per the survey conducted by Pew Research Center, 72 percent of high school and 78 percent of college students spend time on Facebook, Twitter, Instagram, etc. These numbers indicate how much the student community is involved in this virtual world of social networking."
-TECHNICIAN, The Student Newspaper of North Carolina State University, February 17, 2016 issue, Abhishek Karadkhar, correspondent
Napatunayang lumalago ang bilang ng mga estudyante sa mundo ng netizens, ibig sabihin malaki ang nagiging bahagi nito sa pang araw –araw nating pamumuhay. At ang ating buhay ay halos umiikot sa pag-aaral, ngayon,paano nga ba ito (social media) nakakaapekto sa ating pag-aaral.
Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban,PhD (2013), ang social media o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaring magbigay ito ng oportunidad sa mga guro upang komonekta sa kaniyang mga mag aaral.
Sinasabing hindi lamang sa mga mag aaral mayroong advanteyj ang social media,kundio maging sa mga guro.
Batay naman sa mga pagaaral ni Fionamae Abainza 2014,ang social media katulad ng facebook
ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isa na dito ay ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahiul sa paggamit nito.Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon .
Ito ay maoobsebahan kahit sa grupo ng aming pangkat sa paaralan,dito nagpapahatid ng mga mahahalagang impormasyon ang pangulo ng aming klase ukol sa mga mahahalagang paalala sa aming mga kamag-aral. Ang mga naturang impormasyon ay naipapahatid ng mas mabilis at sa mas medaling paraan.
Naging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga magaaral ang social media, huwag lamang itong aabusuhin at ito na ang kumain sa ating mahalagang panahon. Marami ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng social media sa ating mga pamumuhay bilang estudyante.
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Ginamit sa pag-aaral na ito ay ang palarawang pamamaraan o deskriptibong pamamaraan. Ang pamamaraang ito'y mabisa sa paglalarawan ng kasalukuyang sitwasyon ng mga bagay (Walliman 2002). Karaniwan itong ginagamit sa pananaliksik ukol sa linngwistika, agham panlipunan, at panitikan.
Gumamit ng sarbey ang mananaliksik sa pamamagitan ng talatanungan upang malaman kung may mayroon bang epekto ang iba't ibang uri ng social media gaya ng; Instagram, Facebook, Twitter, Snapchat, at Tumblr sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State polytechnic University – SCC.
Populasyon at Tagatugon ng Pananaliksik
Ang mga ginamit na tagatugn ay mga mag-aaral mula sa iba't ibang kolehiyo na may bilang na limampung (50) mag-aaral mula sa Laguna State Polytechnic University – SCC.
Dahilan na ang binuong glosaryong ito ay nakatuon sa mga epekto ng social media sa pamumuhay ng mga mag-aaral kaya ang mga napiling tagatugon ay mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang kolehiyo sa Laguna State Polytechnic University – SCC.
Instrumento ng Pananaliksik
Isinagawa ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang upang maisakatuparan ang kasalukuyang pag-aaral:
Pagkalap at pagbasa ng mga aklat sa riserts o pananaliksik
Ang mananaliksik ay naglikom at nagbasa ng mga aklat tungkol sa riserts o pananaliksik sa wikang Ingles at Tagalog upang malaman ang mga karaniwang terminong ginagamit sa pananaliksik at mapalawak pa ang corpus na maaring pagkunan ng glosaryo ng mga terminolohiya.
Pagbuo ng Talatanungan
Bumuo ng talatanungan ang mananaliksik batay sa limang uri ng social media (Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, at Tumblr) na maaaring mayroong epekto sa pamumuhay ng mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – SCC. Ang talatanungan ay isang talahanayan ng limang uri ng social media kasama ang opsiyon sa paglalarawan ng kasagutan. Bahagi ng pagsagot ang paglagay ng tsek sa bawat katanungan sa limang uri ng social media (Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, at Tumblr) at maaaring epekto nito sa pag-aaral/grado ng mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University –SCC batay sa opsiyon ng paglalarawan ng kasagutan.
Pagbuo ng Talatanungan Batay sa Limang Uri ng Social Media
Gumawa ng talatanungan ang mananaliksik na kinapapalooban ng dalawampung (20) katanungan na nakaugnay sa mga baryabol (Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, Tumblr, at Pag-aaral/Grado).
Pumili ang mga tagatugon ng kanilang kasagutan sa panukatang ibinigay ng mananaliksik batay sa limang uri ng social media (Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, at Tumblr) at maaaring epekto nito sa pag-aaral/grado ng mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University –SCC.
Panukatan sa Paglalarawan ng Kasagutan
3 Oo
2 Minsan
1 Hindi
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito isinaad ang mga datos at interpretasyon na nakalap ng mga mananaliksik mula sa kanilang pagsasarbey sa kabuuang limampung (50) mag-aaral.
Talahanayan 1. Positibo at Negatibong Epekto ng Facebook sa mga Mag-aaral
Pahayag:
Oo
Minsan
Hindi
1. Nakakausap ko ang aking mga kamag-anak sa malalayong lugar.
66%
34%
0
2. Nagkakaroon ako ng mga bagong kaibigan.
64%
28%
8%
3. Inuuna ko ang pagpopost dito bago gumawa ng gawaing bahay/asignatura.
10%
44%
46%
Interpretasyon:
Ayon sa Talahanayan 1, masasabi na maraming mag-aaral ang sumang ayon sa mabuting epekto ng Facebook sa kanilang pamumuhay kaysa masamang dulot nito. Dahil dito, napatunayang ginagamit ng mga mag-aaral ang Facebook bilang portal ng komunikasyon at hindi lamang para gamiting libangan. Sa kabila nito, mayroon pa ring iilang mga estudyante na inuuna ang paggamit nito bago gumawa ng mga mas importanteng gawain gaya ng gawaing bahay at asignatura.
Talahanayan 2. Positibo at Negatibong Epekto ng Instagram sa mga Mag-aaral
Pahayag:
Oo
Minsan
Hindi
1. Palagi ko itong tsinetsek kapag may internet ang aking gadyet.
28%
32%
40%
2. Nahiligan kong mag-post ng litrato/piktyur ng iba't ibang bagay o pangyayari sa aking buhay.
24%
34%
42%
3. Nagagalak ako dahil nasusubaybayan ko ang mga post ng aking idolo/crush.
32%
20%
48%
Interpretasyon:
Batay sa Talahanayan 2, mas marami ang hindi sumang ayon sa mga negatibong dulot o epekto ng Instagram. Ibig sabihin, hindi gaanong naaapektuhan ang kanilang pamumuhay. Ngunit ilan sa mga mag-aaral ang madalas rin gumamit ng uri ng social media na ito (ipinapakita sa hanay ng 'Minsan'). Sa madaling sabi, hindi gaanong negatibo ang epekto ng Instagram sa limampung mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – SCC.
Talahanayan 3: Positibo at Negatibong Epekto ng Twitter sa mga Mag-aaral
Pahayag:
Oo
Minsan
Hindi
1. Nailalabas ko ang aking saloobin at hinaing.
34%
24%
42%
2. Nakakasabay ako sa kung anong trending sa mundo.
30%
40%
30%
3. Nababawasan ang komunikasyon ko sa aking pamilya.
6%
32%
62%
Interpretasyon:
Isinasaad naman sa Talahanayang ito na nakatutulong ang Twitter sa pamumuhay ng mga mag-aaral sa aspetong paglalabas ng sariling damdamin, ideya, at ito ay nakapagbibigay ng impormasyon ukol sa kasalukuyang mga isyu sa loob at labas ng bansa. Makikita rin na may kakaunting bilang lamang ng mga mag-aaral na nababawasan ang komunikasyon sa kanilang pamilya. Ibig sabihin, hindi negatibo ang epekto ng Twitter sa mga mag-aaral.
Talahanayan 4: Positibo at Negatibong Epekto ng Snapchat sa mga Mag-aaral
Pahayag:
Oo
Minsan
Hindi
1. Madali kong malaman ang iba't ibang pangyayari na nagaganap sa ibang bansa.
20%
44%
36%
2. Inuuna kong kuhanan ng bidyo ang mga pangyayari sa aking buhay bago ko ito ienjoy.
8%
32%
62%
3. Aktibo ako dito.
6%
30%
64%
Interpretasyon:
Ayon naman sa ika-apat na talahanayan, ang Snapchat ay walang negatibong epekto sa mga estudyante ng Laguna State Polytechnic University – SCC. Base sa hanay ng mga sumagot ng 'Oo', maliit na bilang lamang ng mga mag-aaral ang aktibo sa nasabing uri ng social media.
Talahanayan 5: Positibo at Negatibong Epekto ng Tumblr sa mga Mag-aaral
Pahayag:
Oo
Minsan
Hindi
1. Nauubos ang oras ko paggamit nito.
10%
22%
68%
2. Marami akong natututunan mula sa mga blogger dito.
16%
38%
46%
3. Nagiging habit ko ang pagpipiktyur para sa ipopost ko dito.
8%
22%
70%
Interpretasyon:
Ipinapakita naman sa talahanayang ito ang porsyento ng mga mag-aaral na sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa maaaring epekto ng Tumblr sa kanilang pamumuhay. Masasabi dito na may pinakamalaking porsyento ng mga mag-aaral ang hindi sumang-ayon sa mga nakasaad na pahayag. Iniindika lamang nito na hindi nakakaapekto ang social media na Tumblr sa mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – SCC.
Talahanayan 6: Positibo at Negatibong Epekto ng Social Media sa Pag-aaral at Grado ng mga Mag-aaral
Pahayag:
Oo
Minsan
Hindi
1. Bumababa ang aking grado dahil sa pagiging aktibo ko sa social media.
0%
36%
64%
2. Nawawala ako sa pokus sa aking pag-aaral.
8%
52%
40%
3. Mas ginaganahan ako sa pag-aaral dahil sa mga nakikita ko sa social media.
12%
62%
26%
4. Tinatamad akong pumasok dahil mas gusto at mas interesado akong mag-internet.
2%
24%
74%
5. Malaki ang tulong sa akin ng social media sapagkat nagkaroon kami ng mabilis na komunikasyon ng aking mga kaklase.
88%
10%
2%
Interpretasyon:
Kung titignan naman kung positibo o negatibo ang epekto ng social media sa pag-aaral at grado ng mga mag-aaral, masasabi na maaaring mapabuti ng social media ang pag-aaral ng mga estudyante ng Laguna State Polytechnic University – SCC. Makikita sa talahanayan na malaking porsyento ng mga mag-aaral ang hindi sumang-ayon sa mga negatibong epekto nito (social media) sa kanilang pamumuhay. May iilang nawawala sa pokus sa pag-aaral dahil dito ngunit mas lamang ang bilang ng mga estudyante na nagsabing malaki ang naitulong ng social media sa kanilang pag-aaral.
KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Lagom
Dito nakapaloob ang naging resulta ng mga kinalap na datos at infomasyon ng mga mananaliksik. Ito ay kaugnay ng Kabanata 3.
Kabuuan
Nilalayon ng pananaliksik na ito na mahinuha ang mga detalye ukol sa kung ano nga ba ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University –SCC P.T. 2015-2016.
Binigyang diin sa pag-aaral na ito ang iba't ibang kahalagahan at epekto ng social media sa mga estudyante sa nasabing paaralan. Ito ay sumagot sa mga sumusunod na pahayag: Nakakausap ko ang aking mga kamag-anak sa malalayong lugar, nagkakaroon ako ng mga bagong kaibigan, inuuna ko ang pagpopost dito bago gumawa ng gawaing bahay/asignatura, palagi ko itong tsinetsek kapag may internet ang aking gadyet, nahiligan kong mag-post ng litrato/piktyur ng iba't ibang bagay o pangyayari sa aking buhay, nagagalak ako dahil nasusubaybayan ko ang mga post ng aking idolo/crush, nailalabas ko ang aking saloobin at hinaing, nakakasabay ako sa kung anong trending sa mundo, nababawasan ang komunikasyon ko sa aking pamilya, madali kong malaman ang iba't ibang pangyayari na nagaganap sa ibang bansa, inuuna kong kuhanan ng bidyo ang mga pangyayari sa aking buhay bago ko ito ienjoy, inuuna kong kuhanan ng bidyo ang mga pangyayari sa aking buhay bago ko ito ienjoy, marami akong natututunan mula sa mga blogger dito.
Ginamit ng mga mananaliksik ang paraang diskriptib o palarawan upang mabuo ang isang mahalaga at makatotohanang impormasyon.
Mga mag-aaral na may kabuuang bilang na limampu (50) ang tumugon sa pagsasanay.Sila ay mula sa iba't ibang kurso at antas sa tersarya ng Laguna State Polytechnic University –Santa Cruz Main Campus.
Ang instrumentong talatanungan ang ginamit ng mga mananaliksik. Ito (talatanungan) ay binubuo tatlong (3) katanungan sa bawat bahagi, at mayroong limang (6) bahagi. Sa kabuua'y mayroong dalawampung katanungan o pahayag.
Ang mga kasagutan sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Pinapakita ng mga porsyento sa pagsusurvey na positibo ang naging epekto ng Facebook sa mga piling mag aaral ng Laguna State Polytechnic University –SCC. Malaking bahagdan ang 66% sa bilang ng mga estudyante ang gumagamit ng Facebook bilang debays sa komunikasyon.
Hindi naging negatibo ang naging resulta ng instagram sa mga mag aaral ayon sa pagsasaliksik. Naging matalas ang isip ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng nasabing uri ng social media.
Masasabing nakatulong ang Twitter sa mga mag-aaral. Nakapagbigay ito ng mga impormasyon ukol sa mga kasalukuyang pangyayari sa mundo. At kakaunting bilang lamang ng mga mag aaral ang nagiging hadlang ang Twitter sa komunikasyon sa kanilang pamilya.
Walang negatibong epekto ang Snapchat sa mga mag-aaral, malaki rin ang naging epekto sa naging resulta ng mga sagot ang pagiging hindi aktibo ng mga mag aaral sa Snapchat.
May pinakamalaking bahagdan ang mga hindi sumangyon sa mga nakasaad na pahayag, dahil dito'y masasabing hindi nakaaapekto ang social media application na Tumblr.
Konklusyon at rekomendasyon
Mula sa mga nakalap na mga datos, nabuo ang konklusyon ukol sa tinalakay na pananaliksik:
Batay sa mga nakalap na datos, nalalaman ng mga mag-aaral ang magiging resulta ng labis na pag gamit ng social media. Kapansin pansin ang naging positibong kinalabasan ng nasabing pananaliksik.
Matalino ang nagiging mga paggamit ng iilang bilang ng mga estudyante sa Laguna State Polytechnic University-SCC sa iba't ibang uri ng social media.
Batid nila ang magiging epekto nito sa kanilang di lamang pag-aaral kundi pati na rin sa kanila pamumuhay kung sila ay magpakalulong dito.
Alam nila kung ano ang dapat iprayoridad at hindi ang social media ang nararapat unahin.
Hindi lahat ng mga estudyante ay ginagamit ang lahat ng nailathalang mga uri ng social media.
Rekomendasyon
Rekomendasyon
Batay na rin sa nagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagmumunkahing:
Ipagpatuloy ang ginawang pag-aaral para sa pag monitor ng asal ng mga mag-aaral patungkol sa social media.
Mas palawakin ang pananaliksik, kung maari kalapan ng datos ang buong bilang ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – SCC.
Kasabay ng pag aapdeyt ng mga uri ng social media'y gawing kaalinsabay rin ang pagkalap ng kanilang reaksyon ukol dito, kung ito ba'y mas naging kapikipakinabang o ito'y nawalan ng halaga.