catalogo completo de los manometros más vendidos en la industria. medición de presión y sistemas de controlFull description
pagsasaling wikaFull description
Deskripsi lengkap
Full description
mga pakahulugan sa wika
metode pelaksanaan teknik sipil
fgf
antas ng wika
Full description
ukol sa wika
jki,;jkljkl;
yes
Dito sinasabi ang maikling kasaysayan at pinagmulan ng wikang Filipino.Full description
kasaysayan ng wika mula taong 1930's hanggang kasalukuyan.
Filipino
Deskripsi lengkap
harga pancangFull description
ibat ibang teorya ng wika na tagalog
Komunikasyon
Pangalawang Wika Mga Konseptong Pangwika
Mga Layunin Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na:
nakapagbibigay-kahulugan sa konsepto ng pangalawang wika; at
nakatutukoy ng mga isyung nakapaloob sa pagtuturo ng pangalawang wika.
Ano ang pangalawang wika?
Ano ang halaga nito sa pagkatuto?
Ano ang mga hamon sa pagtuturo ng pangalawang wika?
Alamin ang mga sagot sa araling ito!
Pag-aralan Natin! Ang Pangalawang Wika Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matutuhan ang kaniyang unang wika. Ito ay nauunawaan ng mga taong nasa komunidad na kinabibilangan niya kung saan ginagamit ang pangalawang wika bilang opisyal na gamit sa komunikasyon, edukasyon, pakikipagkalakalan, at iba pang gawain. May tatlong pangunahing perspektiba o pananaw sa pagtuturo ng pangalawang wika: 1. lingguwistiko 2. sosyolingguwitiko 3. pulitikal/ideolohikal
Pag-aralan Natin! Lingguwistikong Perspektiba Sa tradisyonal na pananaw, pinaniniwalaang ang pinakamainam na paraan upang matuto ang isang tao ng anumang wikang hindi niya unang wika ay sa pagkatuto ng mga salita. Nakatuon ito sa pagtuturo ng:
Sosyolingguwistikong Perspektiba
Naninindigan ito na mahalagang maunawaan ang ugnayan ng pag-aaral at paggamit ng pangalawang wika at ng kontekstong panlipunang kinabibilangan nito.
Pag-aralan Natin! Politikal/Ideolohikal na Perspektiba
Ang perspektibang ito ay nakatuon sa wika bilang tagapagdala ng ideolohiya, pananaw-mundo (worldview), kulturang banyaga, at relihiyon. Namamalayan man o hindi, ang pagtuturo ng wika ay may kaakibat na pagtataguyod ng mga partikular na pananaw na naipapasa sa mga mag-aaral.
Mga Paalala
Mahalaga ang pagkatuto ng pangalawang wika sa gitna ng multikultural at multilingguwal na mundo.
Itinuturo ang pangalawang wika gamit sa iba’t ibang lapit at perspektiba—ang ilan ay nakatuon sa gramatika at istruktura samantalang ang iba ay nakatuon sa konteksto at ideolohiyang dala-dala ng wika.
Sa mas malalim na pag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagkatuto ng pangalawang wika, nararapat ding bigyan ng pansin ang mga isyung kaakibat nito gaya ng inperyoridad, elitismo, at uring panlipunan.
Mahahalagang Kaalaman
Ang pangalawang wika ay wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang matutuhan ang kaniyang unang wika.
May tatlong pangunahing perspektiba sa pag-aaral ng pangalawang wika: lingguwistika, sosyolingguwistika, at pulitikal/ideolohikal.
Mahalagang mabatid ng isang nag-aaral ng wika na hindi sapat na malaman lamang niya at masunod ang alituntunin sa istruktura at gramatika.
Nararapat na malaman ng nag-aaral ng wika na maunawaang bahagi siya ng mas malawak na lipunan at magkaroon ng kamalayan sa iba’t ibang kahulugan ng pananalita at pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Kinakailangang ang sinumang mag-aaral ng wika ay magtanong at magsuri ng mahahalagang usapin sa wika at sa lipunan sa pangkalahatan.
Question 1 Anong perspektiba sa pagtuturo ng ikalawang wika ang nakatuon sa pagtuturo ng mga alituntunin sa gramatika (tradisyunal), pattern ng pangungusap (istruktural), at mga istrukturang mental (kognitibo)? Question 2
Ano ang tawag sa paniniwala na ang pagkatuto ng wika ng mga di-taal na nagsasalita (non-native speakers) ay hindi kapantay ng pagkatuto ng mga taal na nagsasalita? Question 3 Ano ang tumutukoy sa kaangkupan ng paggamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon? Question 4 Ano ang tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matuto ng kaniyang unang wika? Question 5 Ano ang tumutukoy sa anumang impormasyon, data, konsepto, o alituntunin sa paggamit sa akademikong kontekstong paggagamitan? Question 6
Nasa ikaanim na baitang pa lang si Henry nang huminto siya sa pag-aaral dahil sa suliraning pinansyal. Hindi siya naging bihasa sa pagsasalita ng Ingles dahil sa mababang edukasyong natamo. Dahil dito, nahihirapan siyang makakuha ng magandang trabaho. Anong isyu ang maaaring iugnay rito? Question 7 Binibigyan ni Anita ang kaniyang mga mag-aaral ng mga modelong pangungusap sa wikang Nihonggo upang sundan at gayahin ito ng mga bata. Anong lapit ang kaniyang ginagamit? Question 8 Sa isang talakayan, kapansin-pansin kay Janelle ang pagbabahagi ng kanilang guro sa Ingles ng pananaw nitong maka-Amerikano. Marami sa kaniyang mga kaklase ang naimpluwensiyahan ng pananaw na ito. Saan maiuugnay ang pangyayaring ito? Question 9 Paano dapat ituring na isang taal na nagsasalita ang isang di-taal na nagsasalita ng wikang kasangkot? Question 10 Alin sa sumusunod ang mainam na gawin ng isang mag-aaral ng pangalawang wika?