Ang Simula at Ang Katapusan _ TagalogFull description
Entrance Song for Lent- Choral Arrangement by Jordz VerdidaFull description
Filipino
The Fable of the Turtle and the Monkey originally written by Dr. Jose Rizal
Teksto sa Grade 10
ang matanda at ang dagatFull description
Ang Aking Pagtatapos By: Jovelyn A. Ebio
Sa ating kagalang-galang na mga guro, sa ating mga magulang, sa mga bisita na nandito ngayon, sa aking kapwa magtatapos, magandang hapon. Ang hirap at pagsasakripisyo ng ating mga magulang ay makikita sa ating pagtatapos. Puno ng kagalakan ang ating mga puso ngayon. Dumating na ang pinakahihintay na araw sa pag-ani ng ating mga pinaghihirapan. Ang araw na ito ay araw nating lahat, ito ang wakas ng ating mga pagsisikap, sa bawat araw nating pagpunta sa paaralan upang makamit ang ating mga mithiin sa buhay sa loob ng maraming taon nating paggugol. Ngunit, ito`y hindi hangganan, kailangan nating palawakin ang ating paroroonan upang mahubog ang ating mga sarili. Sa aking pinakamamahal na magulang, na walang sawang sumuporta at pagbibigay sa lahat ng aking pangangailangan sa pag-aaral, na kahit minsan ay kapos tayo sa pera upang matustusan ang pambayad sa paaralan, ang hirap na dinanas nyo sa ilalim ng sikat ng araw, at kung ito`y tag-ulan man ay pilit paring magtrabaho, sa wakas, ay may katumbas din. Sa aking pagtatapos ngayon, nais ko pong pasalamatan ng boung puso ang aking mga magulang, ma, pa, mahal na mahal ko po kayo, ang aking tagumpay ay tagumpay nyo rin. Maraming-maraming salamat po at sa uulitin, magandang hapon sa inyong lahat!