Makalah mengenai apakah uang dari asuransi merupakan harta waris atau bukan. Disertai dengan studi kasus mengenai korban meninggal di Arab Saudi.Full description
mga pakahulugan sa wika
serie de estrategias para familia y aula en apoyo a niños/as con FILDescripción completa
Descripción completa
FORMULARIO DE REVALUACIÓN FILDescripción completa
Fil 40 paperFull description
Full description
FILTRASIDeskripsi lengkap
OBE na estilo ng syllabus
Descripción: estrategias para trabajar con niños con FIL,
sdasfgewq
Filipino Module
Deskripsi lengkap
Abelardo villegasDescription complète
filozofija
Isang pagbasa sa tulang Three O’Clock in the Morning ni Cirio H. Panganiban Unang-una sa lahat, kapansin-pansin kaagad ang pamagat ng tula —ito’y isinulat sa wikang Ingles samantalang ang nilalaman naman ng tula mismo ay nasa wikang Tagalog. Kung babalikan ang panahon kung kun g saan nabuhay n abuhay si Cirio Panganiban, makikita na siya’y lumaki halos sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na marahil ay isang dahilan sa pagpapangalan niya sa tula sa wikang Ingles. Sa mga susunod na pagtalakay, ang pamagat na ito ay muling babalikan at titignan ang tungkuling ginagampanan nito sa tula. Konkreto ang tema ng tula — ang ang patuloy na pagdaloy ng panahon. Sinasabi sa tula na sa pagbabago ng larawan ng salon, nagbabago rin ang sitwasyon ng tao. Makikita ang ganitong mensahe sa ilang mga taludtod ng tula. Una na rito ay ang bahagi ng tula kung saan sinasabi na “ang mga talulot sa gitna ng salon nagising na lahat.” Sa pagsasabing nagising na lahat, binibigayang-diin ang pamumukadkad ng bulaklak. Kadalasan ay ang pamumukadkad ng isang bulaklak ay nangangahulugan ng pagbabago ng panahon. Dito makikita na ipinapahiwatig ng tula ang pagsisimula ng isang panibagong panahon, marahil kasaba’y ng pagtugtog ng orchestra. Ikalawang patunay ay ang bahagi na sinasabing “gaya ng pabangong sumama sa hangin.” Dito makikita ang isang imahe ng isang pabango na di magtatagal at tatangayin din ng hangin — parang ang kasalukuyan na dadaloy din patungo sa nakaraan. Ang ikatlong patunay, at ang pinaka-konkreto sa lahat ay ang bahaging “ang dating orkesta’y di na naririnig” na kung saan makikita na talaga ngang lumipas na ang panahon — lumipas lumipas na ang panahon kung saan may nagtutugtog na orkesta sa salon. Binibigyang diin pa ang paglipas ng panahon na ito sa paggamit ng salitang “dating.” Marahil, mahalagang balikan kung ano nga’ ba ang dalawang panahon sa tula. Una ay yaong panahon ng kasiyahan, tulad ang pagtugtog ng orkesta kasabay ng pag-indayog ng mga magkapareha. Ang imaheng ito ay binibigyang buhay ng alusyon na ginagawa ng pamagat ng tula, Three O’Clock in the Morning— na na isang tugtog o waltz sa sumikat sa taong 1922 sa ibang bansa. Malaki ang posibilidad na napakinggan ito ni Cirio Panganiban at ginamit ito upang makatulong sa pagbuo sa imahe ng nagaganap sa tula sa mga isip ng mga mambabasa. Ang sumunod na panahon ay yaong panahon ng pighati na makikita sa ikatlong saknong. Dito makikita ang panahon na wala ng tugtugan ng orkesta at may isang babaeng nagluluksa dahil sa nawaglit na puri. Kung tutuusin, napaka-simboliko ng pagbalik ng babae sa salon. Ito ang bumuo ng ugnayan sa dalawang panahon. Ipinapakita ng pagbalik na ito na epekto ng nagdaang panahon ang pagiyak ng babaeng nagbalik. Marahil ay noong may orkesta pa sa salong iyon ay isa rin ang babae sa mga nagsasayaw roon, at marahil doon sa panahong iyon nawaglit ang kanyang puri. At ito’y kanyang hinahanap sa kasalukuyang panahon ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito mababalik sa kanya.
Maaaring sa isang banda ay sinasabi ng tula na hindi na maibabalik ang nagdaang panahon. Kung ano mang nawala sa atin noong panahon na tayo’y sakop ay maaaring hindi na natin maibalik ngunit hindi ito nangangahulugang tayo ay dapat ng tumigil at humikbi na lamang. Mapapansin nga sa pamagat ng tula, ikatatlo noon ng madaling araw, madilim at walang kasiguruhan, ngunit hindi dapat kaligtaan na lilipas din ang ikatatlo ng madaling araw at susunod ang pagbubukang liwayway.