FILIPINO GAWAIN 1 PATOTOHANAN Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay totoo o hindi totoo. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.
GAWAIN 2: UNAWAIN ANG DAGLI Basahin at unawaing mabuti ang dagli na pinamagatang pinamagatang “Maligayang Pasko” at sagutin ang kasunod na mga tanong.
1. Para kanino ang inihandang noche Buena ng tauhan sa dagli ng maligayang pasko? Para sa kanyang amo dahil binanggit na siya ay nagbitbit ng uwi niya sa kanila ang isang supot na hawak niya. 2. Madali mo bang naunawaan ang iyong binasa? Bakit? Hindi, dahil sa bitin ang istorya. May kulang sa elemento ng banghay. 3. Bigyang-puna ang estilo ng sumulat batay sa sumusunod na mga elemento: a. tauhan b. tagpuan c. banghay simula gitna wakas d. tema Ang istorya ay nagpapakita ng mga sitwayong may nasasangkot na tauhan ngunit walang aksyong umuunlad, kulang ang banghay, at paglalarawan lamang. Walang tiyak na wakas; Iisa lamang ang binibigyan ng tuon maaaring ang tauhan,tagpuan at iba pa. GAWAIN 3: MAGSALIKSIK Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng mga isla sa Caribbean. Gamit ang impormasyong nakuha ay magtala gamit ang fan fact analyzer. Pagkatapos, sagutan ang tanong na nasa ibaba.
GAWAIN 4: PAGLINANG NG TALASALITAAN AYUSIN ANG SUMUSUNOD NA SALITA AYON SA PORMALIDAD NITO AT PAGKATAPOS AY TUKUYIN ANG KAHULUGAN
1. 2. 3. 4. 5.
busabos, yagit, mahirap madatung, mapera, mayaman gulang, edad, taon banas, galit, suklam mag-aral ng mabuti, magpakadalubhasa, mag sunog ng kilay
GAWAIN 5. UNAWAIN MO
SAGUTIN ANG TANONG: 1. Suriin ang tauhan, tagpuan, at mga pangyayari sa binasang dagli sa tulong ng grapikong representasyon 2. Ipahayag ang iba’t-ibang damdaming nakapaloob sa binasang dagli sa pamamagitan ng Character in the Mirror. Sa paraang ito ay ipahahayag moa ng damdamin ng tauhan na tila kinakausap ang iyong sarili sa salamin, Gawain ng iskrip upang maging maayos ang mga bibitawang linya (Lungkot, hirap,galit,inis)
3. Saan higit na nakatuon ang binasang dagli? Lagyan ng tsek(/) ang sagot at ipaliwanag. /
Tauhan Banghay / Tunggalian
dayalogo paglalarawan ng matinding damdamin paglalarawan ng tagpo
Paliwanag: Tauhan at tagpuan sapagkat ipinapakita sa dagli ang mga karanasan ng Isang bata. Sa kanya umiikot ang istorya. Sunod ay ang tunggalian sapagkat ipinapakita ang paghihirap ng tauhan sa dagli kung paano niya harapin ang panibagong bukas at ang bangis ng kayang amo.
GAWAIN 6: Pagpapahayag ng Damdamin sa Teksto Paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin at pangyayari sa pagsulat ng sariling dagli? Basahin at unawain ang kasunod na teksto.
Mas naiparating nito sa mambabasa ang nararamdaman ng may akda at ganun din ang pinaka buod ng kwe nto o pangyayari. Nakatutulong ang mga salitang ito upang malinaw na mailarawan ang nadarama ng tao Naririto pa ang ibang halimbawa na ginamit na salita na nagpapahayag ng damdamin sa dagli na binasa. PARA SA KAGALINGAN AT KARAPATAN NG MGA BATA 1. Nagpipigil ng hikbi 2. Nagluluksa 3. Naiyak 4. Malungkot 5. Nagluluksa Ang mga salitang nabanggit ay ginagamit sa pagsasalaysay ng mga pangyayari. Ang mga salitang ito ay mga palatandaan na ang nagsasalita ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na maaaring batay sa karanasan, nasaksihan o napanood. KAIBIGAN SA KUBOL 1. Hindi umano 2. Nasaksihan 3. Apat na taon pa lang 4. Noong bata pa ako 5. Kwento ni Jojie 6. Takot na takot Gumamit din ng mga salitang nagpapahayag ng pangyayari sa dagli na iyong binasa, tulad ng: noon, sumunod, ngayon pong araw na ito, kagabi po, pagkatapos po, kung minsan po .
GAWAIN 7: UNAWAIN MO Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa tekstong binasa. 1. Paano tinanggap ng mga delegado sa pambansang kumperensiya ang pamamaslang sa isang bata sa Tarlac? Ang mga delegado ay nagluksa, nalungkot at naiyak dito.
2. Ilarawan ang iyong damdamin sa testimonya ng batang si Jojie tungkol sa sinapit ng kaibigan. Maaaring pumili sa mga emoticon o magbigay ka ng sariling paglalarawan ng iba pang damdamin. Ipaliwanag. Magkasamang lungkot, awa at takot ang aking naramdaman. Lungkot sa kanyang sinapit at naranasan. Takot naman sa pagaalala na kung sa aming pamilya ito mangyari.
3. Patotohanan ang sinabi ni San Miguel na hindi pa rin maganda ang kalagayan ng mga bata at patuloy pa rin ang paglabag sa kanilang mga karapatan. Sa naturang komperensya ay nagbigay sya ng mga datos na apektado ang 35.1 milyong bata sa 11.7 milyong Pilipino na walang trabaho. Dahil apektado umano ang mga bata sa kawalan o kakulangan ng trabaho ng kanilang mga magulang, napipilitan silang magtrabaho sa murang edad. Kahit sa datos ng International Labor Organization (ILO) at National Statistics Office (NSO), nasa limang milyon ang mga batang manggagawa, kalakhan nito’y nasa sektor ng agrikultura. Ganundin ay marami tayong nakikita na sa halip na nag-aaral ang ibang bata ay pakalat-kalat ang mga ito sa lansangan at namamalimos. 4. Paano mo ihahambing ang sitwasyon ni Amelia na taga-Carribean sa sitwasyon ng mga batang sina Jojo at Jojie na taga-Tarlac? Pareho silang nasa murang edad lamang subalit kinakailangang magtrabaho na.
5. Bilang isang kabataan, magbigay ng mungkahi sa ating pamahalaan kung paano mapangangalagaan ang karapatan ng mga bata. Gawin sa pamamagitan ng isang liham. Magandang araw! Mainit na pagbati po sa inyo Pangulong Duterte. Ako po si Brendan Lewis Delgado, labing anim na taong gulang at mag-aaral ng PCNHS. Sa mga pangyayari kasabay ng inyong programa laban sa droga ay ninanais ko pong magbigay ng suhestyon upang para sa mapangalagaan ang karapatan ng mga bata tulad ko. Kasabay po ng inyong programa laban sa droga, marahil ay nararapat na magkaroon at itaguyod ang programa upang patatagin ang pamilya bilang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Sa aking palagay ay kung matatatag at may tamang pagkakakitaan ang isang pamilya ay mas mapangangalagaan nito ang karapatan ng mga bata. Ganundin ay mababawasan nito ang kakulangan sa edukasyon at makakatulong sa pagbababa ng krimen. Sana po ay inyong mabigyan pansin ang aking suhestyon. Lubos na gumagalang, Brendan Delgado 6. Ilarawan ang kalagayang panlipunan na masasalamin sa binasang teksto. Magbigay ng reaksiyon ukol dito. Ipinahayag nito ang paghihirap at ang kakulangan ng proteksyon sa mga bata. Nakakalungkot na nakakatakot kung ito ay mangyayari sa akin.
7. Ang binasa mong teksto ay isang halimbawa ng tekstong nagsasalaysay. Isinasalaysay nito ang pagkakapaslang kay John Cali Lagrimas ng Tarlac. Halimbawa ng pangungusap na nagsasalaysay mula sa binasa: Kuwento ni Jojie, hindi nila makakalimutan ni John Cali ang pananakot ng mga guwardiya ng RCB C. Ikaw naman ang magbigay ng tatlo pang iba halimbawa mula sa teksto a.
Kinuwento niya na hindi taga-Luisita si John Cali, pero sumasama siya sa kaniyang mga magulang na tagaBrgy. San Roque na sumuporta sa “bungkalan” ng mga magsasaka sa lupang inaangkin ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC). b. Sa testimonya ni Jojie, sinabi niiyang hindi iyon ang unang pagkakataon na makasaksi siya ng k c. Kinuwento nya kung paano nya nakita/nasaksihan nung pinasubo ng silencer ng baril ang kanyang ama.