1 HANDOUT SA LIT 11 (Panitikan n g Pilipinas) PANAHON NG PROPAGANDA Kaligirang Kasaysayan 1. Pagbubukas ng Suez Canal– nagpaikli sa ruta ng paglalakbay ng mga sasakyang dagat. Ferdinand de Lesseps – inhenyero ng kanal. 2. Gob. Heneral Carlos dela Torre – liberal at demokratiko sa pamamahala
3. 4. 5. 6. 7.
Gob. Heneral Rafael de Isquierdo– Reign of Terror ang pamamahala Gob. Jose Basco – nagpasigla ng sining at agham Gob. Heneral Narciso Claveria– nag-utos na palitan ang apelyido ng katutubo Sarhento La Madrid – namuno sa paghihimagsik sa Cavite (Enero 20, 1872) Enero 17, 1872 – pagbitay sa tatlong pari (GOMBURZA)
Layunin ng Propaganda Pangkalahatan – pagbabago at mga reporma sa batas Mga tiyak na layunin 1. Pagpapantay ng Pilipino at Kastila sa harap ng batas 2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas 3. Ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya 4. Gawing mga Pilipino ang mga kura paruko
5. Kalayaang pangkatauhan sa mga Pilipino, gaya ng kalayaan sa pamamahayag sa pananalita, sa pagtitipon at pagpupulong at sa paghingi ng katarungan sa kaapihan Mga Tungko ng Propaganda 1. Jose Rizal – Bayani ng lahing kayumanggi 2. Marcelo H. del Pilar - Ama ng pamamahayag 3. Graciano Lopez – Jaena – Demosthenes ng Pilipinas Mga Propagandista 1. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda - Hunyo 19, 1861 (kapanganakan) – Calamba, Laguna - Nag-aral siya sa Ateneo de Manila - Sagisag Laong Laan, Dimasalang Mga Akda Me Tangere –(Huwag mo akong salangin) una at walang kamatayang nobelang 1. Noli nagpasigla nang malaki sa Kilusang Propaganda at siyang nagbigay– daan sa himagsikan laban sa Espanya. Inihandog niya sa Inang Bayan. Tumatalakay sa mga kabulukan/sakit ng lipunan. 2. El Filibusterismo – (Ang Pagsusuwail).Ang nobelang ito’y karugtong ng Noli. 3. Mi Ultimo Adios – ( Ang Huli Kong Paalam)– Ito ay kanyang sinulat noong siya ay nakakulong sa “Fort Santiago.” pI inalalagay ng marami naang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig. 4. Sobre La Indolencia de Los Filipinos – (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino). Ito’y isang sanaysay na tumalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad. 5. A La Juventud Filipino – (Sa Kabataang Pilipino)– Ito ay isang tulang inihandog niya sa mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas. 6. Mga Babaing Taga Malolos/Sa mga Kabataang Dalaga ng Malolos – isang liham ito
ni Rizalmatuto. sa mgaIpinaalala kababaihang na bumabati kanila dahil sa paninindigan nilang niyataga-Malolos ang mga tungkuling dapatsagampanan ng isang mabuting asawa at ina ng tahanan. 7. Sa Aking mga Kabata- sinulat niya ang tulang ito sa gulang na walo. Ipinakilala niya rito ang kanyang pagpapahalaga sa sariling wika. 2. Marcelo H. del Pilar - isinilang sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong ika-30 ng Agosto, 1850. - Sagisag panulat Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat,at Dolores Manapat - Itinatag niya ang Plaridel ang pahayagang “Diariong Tagalog” noong 1882.
2 Mga Akda 1. “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” – salin sa tulang Kastilang “Amor Patrio” ni Rizal na napalathala noong Agosto 20, 1882 sa Diaryong Tagalog. 2. “Caiigat Cayo” – ito’y isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon ni P.Jose Rodriguez sa “Noli” ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong1888. Gumamit siya ng sagisag na “Dolores Manapat” sa akda niyang ito. Libritong nagtatanggol sa “Noli Me Tangere” niRizal sa ginawang pagtuligsa rito ni Padre Jose Rodriguez.
3. “Dasalan at Tocsohan” – akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888. Dahil dito’y tinawag siyang “Pilibustero.” Gumagagad sa mga nilalaman ng aklat dasalan sa paraang mapanudyo. 4. “Ang Cadaquilaan ng Dios” – ito’y isang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilathala saBarcelona. Si MHdP ay isang katoliko ngunit hindi panatiko. 5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas – tulang sagot sa tula ng kanyang dating gurong si Herminigildo Flores na may pamagat na “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”. Binubuo ito ng 82 taludtod, naglalayong humingi ng mga pagbabago sa Espanya ngunit ipinahayag na walang ano mang tulong na maipagkaloob ito. 6. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – salin sa Tagalog ng “Amor Patrio” ni Rizal na nalathala sa Diariong Tagalog” at “La Solidaridad”. 7. Ang Kalayaan – bahagi ng kabanata ng aklat na hingad niyang sulatin na sana’y magiging huli niyang habilin ngunit hindi na niya natapos sapagkat siya’y sumakabilang buhay na. 3. Graciano Lopez Jaena (1856-1896) - kapanganakan Disyembre 17, 1856 - isa sa pinakadakilang bayani at henyo ng Pilipinas - kilalang manunulat at mananalumpati sa “GintongPanahon ng Panitikan at Pananalumpati” sa Pilipinas - itinatag niya ang kauna-unahang magasin, ang “La Solidaridad”. - Dakilang orador – nakagawa ng isandaang talumpati - Demosthenes ng Pilipinas Mga Akda ni Graciano Lopez Jaena 1. “Ang Fray Botod” - isa sa mga akdang isinulat niya saJaro, Iloilo, noong 1876, anim na taon pagkatapos ng himagsikan sa Kabite, na tinutuligsa ang mga prayle na masiba, ambisyoso, at immoral ang pagkatao.Ang “satire” o mapagpatawang Bisaya ay “malaki ang
2. 3. 4. 5. 6.
tiyan” o mapagpatawang kwentong tuligsa sa kasamaang laganap noon sa prayle. simbahan.tumutuligsa sa moralidad, kayabangan, at pagmamalabis ng mga “Sa Mga Pilipino” – 1891 – Isang talumpati na ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at may karapatan. El Bandolerismo en Filipinas – binigyang diin sa akdang ito na ang bandido sa Filipinas sa panahong iyon ay ang mga prayle at ang mga taong nasa pamahalaan. La Hija del Fraile- isang akdang nang-uuyam sa masasama at mahalay na mga Gawain ng mga prayle. Sa mga Pilipino – isang talumpating ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga kababayan. Mga Kahirapan sa Pilipinas – tinutuligsa ang maling pamamalakad gayundin ang edukasyon sa Pilipinas.
IBA PANG MGA PROPAGANDISTA Antonio Luna (1868-1899) - isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya - ang ginamit niyang sagisag sa panulat ay Taga-ilog - kapatid niya ang tanyag na pintor na si Juan Luna. - pinatay siya diumano ng mga tauhan ni Aguinaldo, sanhi nang mabilis niyang kabantugan na naging kaagaw niya sa pagtingin ng bayan. Mga Akda 1. Noche Buena – naglalarawan ng tunay na buhay Filipino. 2. Se Divierten – (Naglilibang Sila) – isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila na halos dimaraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw.
3 3. La Maestra de mi Pueblo – pinipintasan ang sistema ng edukasyon ng mga kababaihan. 4. Impresiones – inilalarawan dito ang labis na kahirapang dinaranas ng isang pamilyang naulila sa ama na isang kawal. Gumamit siya ng sagisag na Taga-ilog sa akdang ito. 5. Por Madrid – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo. Mariano Ponce ( 1863-1918) - naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng Kilusang
-
Propaganda. sagisag panulat niya ay Tikbalang, Kalipulako, at Naning
Mga Akda
1. Mga Alamat ng Bulakan – naglalaman ng mga alamat at kwentong bayan ng kaniyang baying sinilangan 2. Pagpugot kay Longino – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulakan 3. Sobre Filipinas 4. Ang mga Pilipino sa Indo-Tsina 5. The literatura of the Propaganda Movement (Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda) Pedro Paterno (1857-1911)
-
isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik, at nobelista ng Kilusang Propaganda sumapi sya sa kapatiran ng mga Mason at sa Associasion Hispano – Pilipino upang itaguyod ang layunin ng mga Propagandista. Kauna-unahang manunulat na nakalaya sa sensura sa panitikan sa panahaon ng Kastila
Mga Akda
1. Ninay – kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino. 2. A Mi Madre (Sa Aking Ina) – nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malungkot ang isang tahanan kung wala ito 3. La Civilization Tagala 4. El Alma Filipino mga akdang nagpapaliwanag na ang mga Pilipino ay 5. Los Itas may katutubong akda 6. Sampaguita y Poesias Varias – isang katipunan ng mga tulang kanyang sinulat Jose Ma. Panganiban (1865-1895) -
sagisag panulat – Jomapa kilala rin siya sa pagkakaroon ng “Memoria Fotografica” magaling na mamamahayag at mananalumpati
Mga Akda 1. Ang Lupang Tinubuan 2. Sa Aking Buhay 3. El Pensamiento 4. Noche de Mambulao Pascual Poblete (1858 – 1921)
- kasamahan siya ni MHdel Pilar sa pahayagang Diaryong Tagalog - siya ang namatnugot ng pahayagang “El Rasumen” - kauna-unahang nagsalin sa tagalog ng “Noli Me Tangere” - Ama ng Pahayagang Tagalog - Itinatag niya ang pahayagang “El Grito del Pueblo na may Tagalog na “Ang Tinig ng Bayan” Mga Akda 1. “Buhay ni San Isidro 2. “Ang Conde ni Monte Cristo”
4 3. “Ang kagilas-gilas na Buhay ni Juan Soldado Isabelo Delos Reyes ay napabilang sa tatlong panahon ng panitikang Pilipino; Panahon ng Propaganda, Himagsikan at Amerikano. Mananaggol, manunulat, mamamahayag at lider ng manggagawa. Itinatag niya ang “Iglesia Filipina Independiente”. Mga Akda 1. El Foklore Filipino 2. Las Islas Visayas en la Epoca la Conquista 3. Historia de Ilocos Pedro Serrano Laktaw - itintag niya ang “Lohiyang Nilad” na kaugnay ng KIlusang Propaganda na may layuning magkaroon ng mga sumusunod: Pilipinong kinatawan sa korte ng Espanya, demokratikong pamunuan, kalayaan sa karapatan ng bawat tao.
Mga Akda 1. Diccinario-Hispano-Tagalaog – nalathala ito noong 1889 2. Sobre La Lengua Tagala pinagbatayan ni Lope K. Santos ng Balarila sa Wikang 3. Estudios Gramaticales Pambansa
ANG PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK
Sanligang Kasaysayan Nabigo ang mga propagandista sa inaasahan nilang pagbabago sa mapayapang paraan. Ang pamahalaan ay naging bingi sa kanilang kahilingan. Nagpatuloy ang pamahalaan at simbahan sa pang-aapi, pagsasamntala, paghamak at labis na nagpahigpit sa mga Pilipino. Bunsod ng pangyayaring ito, itinatag ni Bonifacio at iba paniyang kasama sa “LaLiga Filipina” ang Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Mga Talutktok ng Tahasang Paghihimagsik Andres Bonifacio (Nobyembre 30, 1863) choose - Ama ng Demokrasyang Pilipino
--
Ama ng Katipunan Dakilang Maralita Dakilang Plebeyo Siya ang nagtatag ng samahang “Kataastaasan, Kagalang -galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Sagisag panulat – May Pag-asa, Bagumbayan at Agapito Ang kanyang pinag-aralan ay galling sa karanasan
Mga Akda ni Andres Bonifacio
1. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan – nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito. 2. Huling Paalam – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal. 3. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo PilarMabatid ng mga Tagalog – isang paglalagom sa kasaysayan ng Pilipinas, Angdel Dapat 4. H. isinaad dito ang magandang kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila. 5. Katapusang Hibik ng Pilipinas - pagdurugtong ito sa tulang “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya na sinulat ni Herminigildo Flores.Ang tula ni Marcelo H. del Pilar na “Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas” ay tugon na man sa akda ni Herminigildo Flores. 6. Katipunan ng Mararahas na mga Anak ng Bayan – Kartilya ng Katipunan na sinulat ni Andres Bonifacio. 7. Tapunan ng Lingap
5 Emilio Jacinto (Disyembre 15, 1875) - kinikilalang utak ng Katipunan, sapagkat tumayo siyang kanang-kamay ni Bonifacio - pinatnugutan niya ang “Kalayaan” – ang pahayagan ng Katipunan - sagisag panulat ay Dimas-ilaw at Pingkian - sinabi niyang “Walang lalaki maliban sa duwag ang makakatatagal na pagmasdan ang unti-unting pagkamatay ng kanyang lupang sinilangan”. Mga Akda
1. Kartilya ng Katipunan – nagtataglay ng mga kautusang dapat sundin ng mga katipunero. 2. Liwanag at Dilim – Katipunan ng kaniyang mga sanaysay na may iba’t ibang paksa, tulad ng Ang Ningning at Liwanag, Ang Tao’y Magkapantay, Kalayaan, Ang Pag -ibig”, Ang Bayan at ang Pinuno” Ang Gumawa at “Ag Maling Pananampalataya”. 3. A Mi Madre (Sa Aking Ina) – isang madamdaming oda. 4. A La Patria (Sa Bayang Tinubuan) – ang ipinalalagay na kaniyang obra-maestra. 5. Sa Anak ng Bayan – isang tulang nag-uukol ng pagmamahal sa kaniyang mga kababayan. Apolinario Mabini (1864-1903) - tinaguriang “Utak ng Himagsikan” - “Dakilang Lumpo” Mga Akda 1. Ang Himagsikang Pilipino 2. “Sa Bayang Pilipino” isinulat sa Kastila at isinalin sa Tagalog. 3. Ang “Pahayag” na kuha sa kanyang “Manifesto” na isnulat noong Abril 15, 1899. 4. “El Desarollo y Caida de la Republika Filipina” (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino) 5. “El Verdadero Decalogo” (Ang Tunay na Sampung Utos) na ang hangarin ay pagpapalaganap ng nasyunalismong Pilipino. 6. “El Liberal”, isang artikulo tungkol sa panunuligsa niya sa pamahalaang Amerikano sa ating bansa na naging sanhi muli niyang pagkadakip, at ipinatapon sa Guam, sapagkat tutol na tutol at mapait sa kanyang kalooban ang manumpa sa ilalim ng bandilang Amerika. IBA PANG MAGHIHIMAGSIK Jose Palma y Velasquez (1876-1903) - ipinanganak sa Tundo noong ika-6 ng Hunyo, 1876.
-
Pinakadakilang ambag niya sapanitikang Filipino ay ang mga titik ng “Pambansang Awit ng Pilipinas” sa Kastila, na nilapatan ng musika ni Julian Felipe. Sagisag panulat ay “Dapithapon”
Mga Akda
1. Himno Nacional Filipino- Pambansang Awit na Pilipino– ito ay titik ng pambansang awit ng Pilipinas sa Kastila sinulat niya noong Setyembre o Oktubre, 1899. Ito’y nilapatan ng musika ni Julian Felipe. 2. “De Mi Jardin” (Mula sa Aking Hardin) - ito ay isa sa mga pinakamadamdaming tula na nagpapakilala ng pagka orihinal, pagkamataas pagkamaingat sa pagpili ng mga salitang mahimig ng sumulat. 3. “Kundiman” – mga tulang sinulat niya noong siya’y kaanib sa hukbong manghihimagsik. ANG MGA PAHAYAGAN NANG PANAHON NG HIMAGSIKAN
1. Heraldo de la Revolucion – naglalathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawing gumigising sa damdaming makabayan. 2. La Independencia – pinamatnugutan niAntonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas. 3. La Republica Filipina – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898. 4. La Libertad – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta.
6 PANAHON NG AMERIKANO Kaligirang Kasaysayan - Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. - Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo, 1898, tanda ng pagkakaroon nating nga kalayaan. - Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
-
Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela at ibapa. Maliwanag na mababasa samga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan.
Ang masiglang kilusan sa larangan ng panitikan ay nagsimulang mabasa sa mga sumusunod na pahayagan. 1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) – itinatag ni Sergio Osmeña noong 1900. 2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) – itinatag ni Pascual Poblete noong 1900. 3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palam noong 1900. Mga Dulang ipinatigil ng mga Amerikano dahil sa diwang makabayan pa rin ang mga paksa. Kabilang dito ang mga sumusunod: 1. Kahapon, Ngayon, at Bukas – sinulat ni Aurelio Tolentino. Naglalahad ito ng panlulupig ng mga Amerikano at ang tangka nila ng manakop sa Pilipinas. 2. Tanikalang Ginto – ni Juan Abad 3. Malaya – ni Tomas Remegio 4. Walang Sugat – ni Severino Reyes MGA KATANGIAN NG PANITIKAN SA PANAHONG ITO
Tatlong pangkat ng mga manunulat ang kumakatawan sa Panitikang Filipino nang panahong ito. Sa mga unang taon ng panahon ng mga Amerikano, ang mga wikang ginamit sa panulat ay Kastila at Tagalog, at ang mga sari-sarili at katutubong wika sa mga lalawigan, ngunit Kastila at Tagalog ang namayani. Sa may dakong 1910, isa na naming bagongpangkat ng mga manunulat ang nagsimulang magpahayag sa Ingles. Ang mga manunulat sa Kastila ay naging mahilig sa pagpapahayag ng damdaming makabayan at pagpaparangal kay Rizal at sa iba pang naging bayani ng lahi. Ang manunulat sa Tagalog ay nagpatuloy sa maligayang pagpapahayag na may daing sa kaapihan ng bayan at may pagpapasigla sa pagmamahal at pagtatangi sa sariling wika. Ang mga manunulat sa Ingles ay nagtataglay ng mababaw na panunulad sa pamamaksa at pamaraang Amerikano. Sa kalahatan, ang Panitikang Filipino sa panahong ito ay sumusunod sa romantisismo ng Europa. Naging palasintahin ang himig ng halos lahat ng mga naisulat na mga akda tulad ng pagmamahal sa Diyos, sa bayan, sa kapwa, at iba pa. PANITIKAN SA KASTILA Cecilio Apostol
--
may tulang handog kay Rizal, Jacinto, Mabini ipinapalagay na pinakamainam na tulang papuriatbp. ang tulang handog kay Rizal (dakilang bayani ng Bagumbayan)
Fernando Ma. Guerrero - ipinapalagay na nating kasukob ni Apostol sa paghahari ng balagtasan sa Kastila noong kanilang kapanahunan. - Sumulat din siya ng tulang handog kay Rizal - Ang kanyang pinakamagaling niyang mga tula ay tinipon niya sa isang aklat na pinamagatang “Crisalidas” na nangangahulugang “Mga Higad” .
7
Manuel Bernabe - isang makatang liriko - higit siyang naging kaakit-akit sa madla dahil sa melodiya ng kanyang pananalita - ipinagtanggol niya ang “Olvido” na nangangahulugang “Limot”. Claro M. Recto - taglay niya ang katayugan at kadakilaan ngpananalita at pamamakas, - tinipon niya ang kaniyang mga tula sa aklat na pinamagatan niyang “Bajo Los
Cocoteros” (Sa Lilim ng Niyugan) PANITIKAN SA TAGALOG Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas at “Urbanaat Feliza” ni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog.
Inuri ni Julian Cruz Balmaceda sa tatlo ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod: 1. Makata ng Puso – kinabibilangan nina LopeK. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Carlos Gatmaitan, Pedro Gatmaitan, Jose Corazonde Jesus, Cirio H. Panganiban, Deogracias del Rosario, Ildefonso Santos, Amado V, Hernandez, Nemecio Carabana, Mar Antonio, atbp. 2. Makata ng Buhay - pinangungunahan nina Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, PatricioMariano, Carlos Gatmaitan, Amado V. Hernandez atbp. 3. Makata ng Dulaan – nagunguna sa hanay nito ang mga pangalan nina Aurelio Tolentino, Patricio Mariano, Severino Reyes, Tomas Remegio, atbp. Sa panunulat naman ng maikling katha na nagpasimulang lumabas sa mga pampitak na “Panandaliang Libangan” at “Dagli” nahanay rito ang mga pangalan nina Lope K. Santos, Patricio Mariano, Rosauro Almario, atbp. Sa pahayagang Liwaywaynaman ay sina Deogracias Rosario, Teodoro Gener, Cirio H. Panganiban, atbp. Naging tanyag naming nobelista o mangangathambuhay sina Valeriano Hernandez Peña, Lope K. Santos, Iñigo Ed Regalado, Faustino Aguilar, atbp. Lope K. Santos - nobelista, makata, mangangatha, mambabalarila - Apo ng mga mananagalog - Ang nobelang Banaag at Sikat– kanyang “obra maestra”
-
Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa
Jose Corazon de Jesus - ang kanyang sagisag ay “Huseng Batute” - tinagurian siyang “Makata ng Pag-ibig” - Isang Punungkahoy na tulang elehiya ang ipinapalagay na kaniyang obra maestra. - Hari ng Balagtasan Florentino Collantes - batikang “duplero” - unang makatang Tagalog na gumamit ng tula sa panunuligsang pampulitika sa panahon ng Amerikano. - Kilalang-kilala siya sa sagisag na “Kuntil Butil” - Lumang Simbahan ang kanyang “obra maestra”
-
Hari ng Balagtasan tulad ni “Jose Corazon de Jesus
Amado V. Hernandez
Mahusay na makata, kwentista, nobelista, mandududla, pulitiko atbp. -
tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa”/Anakpawis masasalamin sa kanyang tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa - Isang Dipang Langit, MgaIbong Mandaragit, Luha ngBuwaya, Bayang Malaya, Ang Panday (pinaka-obra maestra), Inang Wika at Muntinglupa. Valeriano H Peña - kilalang kilala siya sa tawag na“Tandang Anong” - sagisag niya ay “Kintin Kulirat”
8 - Nena at Neneng ang kanyang obra maestra - Ama ng Nobelang Tagalog Iñigo Ed Regalado - anak ng isang tanyag na manunulat noong panahon ng Kastila - sagisag niya ay “Odalager” - naging tanyag siyang kwentista, nobelista, at peryodista - ang kalipunan ng kanyang tula ay pinamagatang Damdamin -
naging patnugot ng “Ang Mithi”, “Pagkaka-isa”, “Watawat” at “Kapangyarihan ng Bayan”
Deogracias Rosario – Ama ng Maikling Kwentong Tagalog Alejandro Abadilla - Prinsipe ng Panulaang Tagalog Faustino Aguilar - Ang Pinaglahuan – ang kauna-unahang nobelang naipalimbag noong 1907 - Dahil sa nobelang ito si Aguilar ay tinawag ni Regalado na “Alejandro Dumas ng Panitikang Tagalog” Mga Akda: Lihim ng isanag pulo, Mga Busabos ng palad, Sa ngalan ng Diyos at Nangalunod sa katihan.
ANG DULANG TAGALOG
Severino Reyes - “Ama ng Dulang Tagalog” - may – akda ng walang kamatayang dulang “Walang Sugat”(Obra Maestra) - Ama ng Dulaang Tagalog/sarswela/Liwayway Aurelio Tolentino - ipinagmamalaking mandudula ng mga Kapampangan - dulang naisulat ay ang “Luhang Tagalog” kanyang obra maestra - Kahapon, Ngayon at Bukas na siya niyang ikinabilanggo Hermogenes Ilagan - nagtayo ng isang samahang “Compaña Ilagan” na nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon Patricio Mariano - sumulat ng nobelang “Ninay” at Anak ng Dagat na ipinapalagay na kanyang obra maestra. - Dulang “Lakangbini” ang kanyang obra maestra Julian Cruz Balmaceda - sumulat ng “Bunganga ng Pating”. Ito ang nagbigay sa kaniyang higit na karangalan at kabantugan. Rolando Tinio – Ama ng Teatrong Filipino Atang dela Rama – Reyna ng Bodabil/Sarswela ANG NOBELANG TAGALOG Maganda rin ang naging kalagayan ngnobelang Tagalog nang Panahon ngAmerikano. Bukod
kina Lope K. Santos at Valeriano HernandezPeñ, naging dakila rin naming nobelista sinaFaustino Aguilar at Iñigo Ed. Regalado. ANG MAIKLING KWENTONG TAGALOG - dalawang aklat na nalathala noong panahon ngAmerikano. Una ay ang “ Mga Kwentong Ginto” (1936), at ang ikalawa’y ang “50 Kwentong Gintong 50 Batikang Kwentista” (1939) ANG TULANG TAGALOG - ang mga tula sa tuwing ito’y lilitaw ay nagpapakita pa rin ng katamisan, kagandahan, at kalamyuan.
9 MGA IBA PANG PANITIKANG FILIPINO PANITIKANG ILOKANO Pedro Bukaneg - “Ama ng Panitikang Iloko” Sa pangalan niya hinango ang salitang “Bukanegan” na nangangahulugan satagalog ng Balagtasan. Claro Caluya
Leon Pichay -
“Prinsipe ng mga Makatang Ilokano”. Kilala siya sa pagiging makat at nobelista
kinilalang “pinakamabuting bukanegero”. Isa rin siyang makata, nobelista, kuwentista, mandudula at mananaysay.
PANITIKANG KAPAMPANGAN Juan Crisostomo Soto - “Ama ng Panitikang Kapampangan” . Ang salitang “Crisotan” na nangangahulugan ng “Balagtasan” sa Tagalog ay hinango sa kaniyang pangalan. Aurelio Tolentino - palibhasay nananalaytay sa kaniyang mga ugat ang dugong Kapampangan, ang kaniyang
“Kahapon, Ngayon at Bukas” ay iginawa niya ng salin sa Kapampangan at pinamagatan niyang “Napon, Ngeni at Bukas”. PANITIKANG BISAYA Eriberto Gumban “Ama ng Panitikang Bisaya”. Naksaulat siya ng sarsuela, moro-moro, at mga dula sa Bisaya. Magdalena Jalandoni - nag-ukol naman ng panahon sa nobelang Bisaya.Isinulat niya “ Ang Mga Tunuk San Isa Ca Bulaclac”. ANG PANITIKANG FILIPINO SA INGLES Jose Garcia Villa
-
pinakatanyag sa Ingles sa larangan ng maikling katha at tula. Kilala rin siyanasaPilipinong sagisag namanunulat “Doveglion”. Jorge Bocobo - isang mananaysay at mananalumpati. Ilan sa kaniyang mga sinulat ay ang “Filipino Contact with America, A Vision of Beauty” at “College Education”. Zoilo Galang - sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa Wikang Ingles na pinamagatang “A Child of Sorrow”. Angela Manalang Gloria - umakda ng “April Morning”. Nakilala siya sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komonwealth. Zulueta de Costa - nagkamit ng unang gantimpala sa kaniyang tulang “Like the Molave” sa Commonwealth Literary Contest noong 1940. NVM Gonzales ang may akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered Loom”.Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India. Estrella Alfon - ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago magkadigma. Siya ang sumulat ng “Magnificence” at “ Gray Confetti”. Arturo Rutor - may-akda ng “The Wound and the Scar” na siyang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild.
10 Austero, Cecilia S. (2010). Panitikang Pilipino. UNLAD publishing House Santiago, Erlinda M.(1989) Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad. Quezon City: National Bookstore Tumangan, Alcomtiser P. (1990) Panitikan ng Pilipinas sa Kolehiyo. National Bookstore.