DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang, “Prostitusyon”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011 Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan. Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:
_____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro)
_____________________________
Bb. Jessilyn Ranges (Guro sa Filipino)
TALAAN NG NILALAMAN KABANATA 1 “ANG SULIRANIN
O
SALIGAN NITO”
A. INTRODUKSYON B. LAYUNIN
NG
PAG-AARAL
C. KAHALAGAHAN
NG
PAG-AARAL
D. SAKLAW AT HANGGANAN E. PAGLALAHAD
NG
SULIRANIN
KABANATA 2 “MGA KAUGNAY KABANATA 3 “DISENYO A. DISENYO
NG
AT
NA
PAG-AARAL
PARAAN
NG
O
LITERATURA”
PANANALIKSIK”
PANANALIKSIK
B. MGA RESPONDENT C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK D. TRITMENT
NG
DATOS
KABANATA 4 “PRESENTASYON KABANATA 5 “KONKLUSYON A. LAGOM
B. KONKLUSYON C. REKOMENDASYON
BIBLIOGRAPIYA
AT
AT
INTERPRETASYON
REKOMENDASYON”
NG MGA
DATOS”
A. INTRODUKSYON Ano nga ba ang Prostitusyon? Ang human trafficking ay ang makabagong paraan ng pang-aalipin. At isa sa mga anyo nito ay ang prostitusyon. Ito ay ang pagbibigay ng sekswal na serbisyo sa ibang tao kapalit ng pera. Ang mga gumagawa nito ay tinatawag na prostitute. Ang legal na katayuan ng prostitusyon ay nag-iiba sa bawat bansa, mula sa pagiging krimen hanggang sa pagiging isang legal na propesyon. Ang posisyon ng prostitusyon ay nag-iiba, ito ay sumasalamin sa iba’t-ibang opinyon sa pananamantala, sa hindi pagkakapareho, etika at moralidad, kalayaan sa pagpili at kaugalian sa lipunan. Ang prostitusyon ay itinuturing na pananamantala o isang lehitimong trabaho o isang krimen. Saan nagsimula ang prostitusyon sa Pilipinas? Ang prostitusyon dito ay nagsimula nang magkaroon ng mga base militar ang Estados Unidos sa Olongapo, Subic kung saan nagkalat ang mga babaeng nagbebenta ng kanilang katawan kapalit ng pera ng mga kano at ang pangako na maisama sila sa Amerika. Sa Pilipinas tinatayang 60% ng mga prostitute na nagbebenta ng katawan at puri ay mga menor de edad na ibinubugaw sa kalye at mga clubs ng mga bugaw na kinukumbinsi silang manatili sila sa ganitong klaseng trabaho. Malala na ang lagay ng prostitusyon sa bansa. At nakakatakot isipin ang edad ng mga kababaihang itinatapon ang kanilang kinabukasan sa pagpasok sa ganitong industriya. Tinatayang edad dose pataas ang pumapasok sa ganitong trabaho. Karaniwang sanhi ng pagbebenta nila sa katawan ay kahirapan, hindi nakatapos ng pag-aaral kaya bihira ang opurtunidad na magkaroon ng matinong trabahong mapag-kakakitaan. At ang karaniwang bunga nito sa kanila at sa mamamayang Pilipino ay
ang pagiging imoral nito sa mata ng publiko at diyos. Tumataas ang bilang ng babaeng nababastos sa Pilipinas dahil sa sistema ng kanilang trabaho. Mayroon din mga nagkakabunga sa serbisyo na kanilang ginagawa, at dahil sa kahirapan, kung minsan ay nagagawa nila itong ipalaglag at kung minsan naman hinahayaan na nilang lumaki at ipamana ang trabahong nakuha nila sa kanilang anak. Sa tulong ng gobyerno at kapwa Pilipino, magagawa nilang maisa-ayos ang kanilang buhay, ngunit ang pangunahing makakatulong sa kanila ay ang kanilang sarili. B. LAYUNIN
NG
PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipaliwanag ang klase ng pamumuhay na ginagawa ng mga kababaihang tinatawag na prostitute o pok-pok. Ilalahad din dito ang pananaw ng mga tao tungo sa mga kababaihang nagiging biktima ng kasumpa-sumpang trabahong ito. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay mai-papaliwanag ang mga dahilan kung bakit pinasok ng ibang kababaihan ang trabahong ito at kung mayroon bang kinalaman ang kanilang kahirapan, magulang o ang gobyerno. Sasagutin di nito ang dahilan ng pagpasok pati ng mga menor de edad sa ganitong trabaho. Sa pag-aaral na ito sisikaping sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang prostitusyon? 2. Bakit lumalaganp ang prostitusyon? 3. Ano ang papel ng mga ito sa paglaganap ng prostitusyon: a. Gobyerno b. Magulang c. Komunidad
4. Iba’t ibang sanhi kung bakit ito ang pinapasok nilang trabaho. 5. Ano ang tingin ng lipunan sa mga ganitong mga tao, base sa iba’tibang mga pananaw at kultura?
Ilalarawan ng pananaliksik na ito ang sistema ng pamumuhay at pagtatrabaho ng isang prostitute hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati sa ibang mga bansa sa Asya. Naglalayon din ang pag-aaral na ito na malaman ang mga ginagawa ng ating gobyerno upang mahango sila sa kanilang piniling buhay. C. KAHALAGAHAN
NG
PAG-AARAL
Sa mga mananaliksik. upang makakalap pa sila ng iba pang datos at makatulong pa sa pagbibigay ng impormasyon sa mga tao. Sa mga kabataan. ito ay makatutulong sa kanila upang malaman nila kung ano ang prostitusyon at kung ano ang mga panganib na maidudulot nito. Sa mga magulang. upang malaman nila kung paano mapoprotektahan ang kanilang mga anak laban sa ganitong makamundong kasamaan. Sa mga komunidad. makatutulong ang pag-aaral na ito upang mai-paliwanag sa mga tao sa mga komunidad kung bakit pinili ng ibang mga kababaihan ang propesyong ito. Sa gobyerno. makatulong ang pananaliksik na ito sa paghahanap ng mga solusyon sa lumalalang problema ng prostitusyon. D. SAKLAW
AT
HANGGANAN
Ang pag-aaral na ito ay naka-tuon sa pananaw ng mga tao sa mga kababaihang pumapasok sa industriya ng prostitusyon. Sa mga kababaihang nagtatrabaho sa kalsada, sa mga bar at club, sa kanilang uri ng pamumuhay dito at sa ibang bansa. Ngunit ito ay nalilimitahan lamang sa mga taong malapit sa mananaliksik.
E. PAGLALAHAD
NG
SULIRANIN
Isipin mong gigising ka isang araw na kailangan mo ng pera pero wala kang paraan para makakuha nito. Wala kang makain, mayroon kang mga bayarin, mayroon kang trabaho pero kulang ang suweldo mo. Ang pagkuha ng extrang trabaho ay pagkakatali lamang sa isang siwasyong patuloy lamang sa paglala at pagsasaalang-alang na dahil sa kakulangan mo ng kaalaman at edukasyon, iniisip mong ikaw ay siguradong matututlad sa isang nag-babaliktad ng patties o nag-tatanong sa isang customer kung magbabayad siya ng credit o cash. O isipin mo na sinasabi sa iyo magmula noong bata ka pa na ang tanging paraan para maka-alis ka sa barriong tinitiran mo ay makahanap ng taong may malalaking bulsa para tulungan ka. Kapag iniukit na sa isip mo ang ideya na hindi kaya ng talino mo na buhayin ka, ngunit ang mga low-cut shorts at malalaswang damit ay mas mapakikinabangan mo upang maka-ahon sa kahirapan. Iyan ang mga sitwasyon kung saan nabubuhay ang iba sa atin. Ang prostitusyon ay wari’y naaapektuhan ang mga tao mula sa malayo. Saka lamang kapag nahuhuli ang mga asawa sa higaan ng iba o nahuhuli sa raid ng mga pulis ang isang pulitiko ay saka lamang natin nakukumpirma na ang “bisyong” ito ay buhay sa ating lipunan. Pero kahit na hindi natin nakikita kung gaano kalawak o ka-tindi ang problema kapag ang ang mga lalaki at babae ay humihiga sa kung saan-saan para sa bayad na pakikipagtalik. Madadalang nating isinasaalang-alang ang mga nararamdaman ng isang prostitute sa kalagitnaan ng mga pagtatalik at sa pagtatapos nito, kapag binayaran na sila para sa kanilang mga serbisyo, at pagkatapos ay dine-despatsa sila habang pinaghahandaan nilang gawin iyon ng paulit-ulit. O kaya naman kapag sila ay “binibili” ng mga kalalakihan. Siguradong mayroong mga prostitute na naging manhid na sa buhay na pinili nila dahil sa iba’t-ibang dahilan. Paggamit ng droga, pagpili ng mga ala-ala, o pagbibigay-katwiran sa sarili ang kadalasang taktika ng mga prostitute.
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ang Estado ng Prostitusyon sa Pilipinas Ang prostitusyon sa Pilipinas ay labag sa batas. Ngunit ito ay matatagpuan kahit saan. Sinasabi ng mga ginawang pag-aaral na ang Pilipinas ang isa sa mga pugad ng prostitusyon sa mundo. Maraming lugar ang kinakikitaan ng mataas na insidente ng prostitusyon sa Pilipinas, katulad ng Olongapo, Angeles, Subic Bay, Pasay at marami pang iba. Dahil dito, masasabing ang industriya ng kalakaran ng laman sa Pilipinas ay malala na. Nakalulunkot isipin na ganito na kalala ang problemang ito kahit na ang ganitong gawain ay mahigpit na ipinagbabawal.(Wikipedia) Indikasyon ng Prostitusyon sa Pilipinas Estimadong 800,000 ang kababaihang nagtatrabaho bilang prostitute at pinaniniwalaang mahigit kalahati sa kanila ay menor de edad. Isang sarbey ang nagsasabing 34% ang nagsasabing pinasok nila ang ganitong trabaho upang suportahan ang kanilang mga magulang, 8% ang nagsasabing para suportahan ang kanilang mga kapatid at 28% ang para sa kanilang mga asawa o nobyo. Mahigit 20% ang nagsasabing ang kanilang trabaho ay mayroong sapat na suweldo, ngunit 2% porsyento lamang ang nagsasabing madali ang trabahong ito at isa pang 2% ang nagsasabing masaya ang trabahong ito. Ikatlo ang nagsasabing sila ay nakaranas ng karahasan mula sa mga pulis mismo at sa mga opisyal ng lungsod at mga gangster. Sinasabi ng ginawang sarbey ng International Labor Organization na mahigit 50% ng napa sama sa mga massage parlor sa Pilipinas ay nagtatrabaho sila ng mabigat sa kanilang kalooban at 20% ang nagsasabing sila ay nakokonsiyensiya dahil iniisip pa rin nilang ang pakikipagtalik sa mga kostumer ay isang kasalanan. May mga na-interbyu din na nagsasabing wala silang nararamdaman kapag sila’y nakikipagtalik at ang natitira ay nagsasabing nalulungkot sila sa kanilang ginagawa. (Wikipedia)
Mga Pilipinang Alipin sa Ibang Bansa Ang Pilipina na napatalsik sa trabaho ay gingawa ring prostitute. Mayroong mga Pilipina na nagtatrabaho bilang prostitute habang nagtatrabaho bilang DH upang kumita ng dagdag na pera. Araw-araw ay mayroong 700 hanggang 1000 DH ang nagiging “free-lance call girls”. Mayroong mahigit 3,000 aktibong prostitute sa distrito ng Mongkok lamang. Sa Hong Kong, hindi illegal para sa isang babae ang magkaroon ng sekswal na relasyon kasama ang isang lalaki na may bayad. Ngunit lumalago pa rin ang “commercial sex”. Ang karaniwang modus operandi ay isang Pilipinong bugaw ay lalapitan ang isang babae at papangakuan siya ng trabaho sa Hong Kong bilang isang waitress o receptionist. Ang iba ay nalalamang gagawin silang prostitute. Ang mga bugaw ay nakikipag-kita sa mga babae sa mga pampublikong lugar katulad ng restawran. Ang tirahan ng bugaw ay itatago lamang. Ang kadalasang edad ng mga babae ay 17 hanggang 21, pero ang pekeng pasaporte ay naglalaman ng pekeng impormasyon. Ang mga babae ay kailangang magbayad ng HK$1000 hanggang HK$2000. Ang pasaporte at iba pang importanteng dokumento ay ibinibigay sa paliparan. Sa paliparan, ang babae ay sasamahan ng isang matandang babae na may kasamang bata. Bibiyahe silang magkasama. Pagdating sa Hong Kong, kapag nawalan na ng bisa ang visa ay itatapon nila ang kanilang pasaporte at mananatili ng mas matagal. Agad silang nagsisimula sa trabaho, at may quota na 15 kostumer na kailangang serbisyon gabi-gabi. Pag balik nila ng Maynila ay sasalubungin sila ng bugaw at paghahatian nila ang kita. Child Prostitution Mayroong apat na raan hanggang limang daang libong tao ang ibinubugaw sa Pilipinas, karamihan ay mga babae at mas bata pang babae. Ngunit naapektuhan din ng prostitusyon ang mga bata, parehong babae at lalaki, mga mas matandang lalaki at mga homosekswal. Isang
pag-aaral ang nagpapakita na 75000 na mga bata ang ipinapasok sa prostitusyon sa ating bansa. Mga batang edad 11 hanggang 15 ang nagsasabing ipinasok sila ng sariling mga kaanak sa prostutisyon. Mga Pilipino ang pinaka gumagamit ng kababaihan para sa prostitusyon. Pang apat sa mundo ang Pilipinas pagdating sa child prostitution. 3,366 pang mga bata ay sapilitang ibinubugaw taon-taon. Ang prostitusyon ay hindi isang negosyo sa Pilipinas kundi isang industriya.
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. PARAAN
NG
PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa catamaran ng pag-sasarbey. Sinubukang ipakita dito ang mga pananaw ng mga tao ukol sa problemang ibinibigay ng prostitusyon. B. INSTRUMENTO
SA
PANANALIKSIK
Ang pag-sasarbey sa ilang mga tao ang naging daan upang mabuo ang ang pananaliksik na ito. Nangalap din ng impormasyon sa internet ang mananaliksik. Naghanap ng mga artikulo, mga tisis at mga journal tungkol sa prostitusyon. Naghanap din ang mananaliksik ng mga sarbey na ginawa ng International Labor Organization at iba pa upang mailarawan ang bilang ng mga pumapasok sa ganitong linya ng trabaho. C. MGA RESPONDENTE Ang mga respondenteng ginamit sa pag-aaral na ito ay mga kababaihan at kalalakihan na edad 15-50 na may sapat na kaalaman sa mga problemang paglaganap ng prostitusyon. D. TRITMENT
NG
DATOS
Ang pamanahong-papel na ito ay ginamitan ng matataas at kompleks na istatikal na pamamaraan. Ang bilang ng mga respondenteng sumasagot sa isang partikular na tanong gamit ang isa sa mga sagot na ibinigay ng mananaliksik para pagpilian ang ginawang basehan upang malaman ang opiniyon ng mga taong nasama sa sarbey.