Isang masuring pananaliksik ukol sa Depresyon at Pagkabahala sa mga mag-aaral ng Far Eastern University-Manila.Full description
Ang kalagayan ng wika sa kulturang Pilipino
hh
komunikasyon at pananaliksik
Full description
Pagsusulit sa Pagsulat
Filipino PagbasaFull description
buwan ng wika pyesa
ANG PANANALIKSIK Isang gawaing pang- akademiko na tinutugunan ng mga taong sangkot sa isang akademikong komunidad at ang ilan sa mga ito ay propesor at mga mag-aaral. Kahalagahan ng Pananaliksik (Mag-aaral) 1. Nagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa isang paksa o mga bagaybagay sa paligid na higit pa kysa sa pagbabasa at pakikinig sa loob ng silid-aralan. 2. Nagdudulot ng bagong karansan gaya ng pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang uri ng tao, pagpunta sa ibang lugar, pagharap sa mga suliranin o dilemma (sarili man o hindi) at marami pang iba. 3. Pinalalawak ang isipan ng mga mag-aaral spaagkat inilalantad siya ng iba’t ibang pananaw na maaaring malapit o malayo sa kanyang paniniwala. 4. Isang gawain na tumutulak sa mga-aaral mag-isip, magtanong, magsuri, bumuo ng konglklusyon mula sa nakolektang datos at ibahagi ang nakalap na impormasyon sa kanyang komunidad. 5. Hinuhubod ang kasanayan sa pakikisalamuha, pamumuno, pakikipagtalastasan, pamamahala, pagbuo at pag-iisip. 6. Hinahasa ang mga mag-aaral na humarap sa at lumutas ng suliranin na bahagi ng pananaliksik at kung anuman ang matutunan niya rito ay magagamit niya sa kinabibilangang lipunan gayundin sa kanyang pagtatrabaho. Sa isang unibersidad ang pagpapabuti sa programang pananaliksik ay maghahanda sa mga mag-aaral na linangin ang kanilang kakayahan, kasanayan, kahusayan at tiwala sa sarili. Ano ang Pananaliksik? Ito ay magkakaugnay na mga gawain na nagsisimula sa (a) pag-iisip ng paksa o katanungan (b) pagalikom ng datos o impormasyon (c) ang mga nalikom na datos ay iaayos, susuriinm bibigyan ng interpretasyon (d) lalapatan ng konglusyon (e) idodokumento Ang pananaliksik ay masistemang gawain ng pangangalap ng datos o impormasyon na nagpapataas ng kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral/mananaliksik tungkol sa isang pangyayari. Ang pananaliksik ay pagtatangka sa isang maingat na pag-uusisa, pag-aaral, pagmamasid, pagsusuri at pagtatala ng mga bagong impormasyon, katotohanan at kaalaman. (pasensya, pagtitiyaga at pagsisikap)
MGA URI AT LAYUNIN NG PANANALIKSIK Mula kay Patton (1990). 1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research). Layunin ng pananaliksik na ito ang magpaliwanag . ito ay binubuo ng teorya ta paliwanag tungkol sa isang penomeno (o pangyayari) at ito ay deskriptibo o naglalarawan. 2. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research). Layunin na matulungan ang mga tao na amunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ediya kung paano kokontrolin ang suliraning yaon. (layunin nitong solusyunan ang mga suliranin ng tao at ang mga suliraning umiiral sa kanyang kapaligiran. Ang artificial insemination at vitro fertilization (IVF) ay bunga ng pagtugong pananaliksik sapagkat nilalayon nitong mabigyan ng supling ang sinumang mag-asawang nais magkaanak. 3. Pananaliksik na Nagtataya ( Evaluation Research). Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng proseso at kinalabasan ng isang solusyon. Kung ito ay nasa anyong formative research, ito ay may layuning pag-ibayuhin ang proseso kaugnay ng ilang kondisyon gaya ng oras, gawain at mga taong sangkot. Kung ito naman ay summative, susukatin nito ang bisa ng isang programa, polisiya o produkto. 4. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research). Ito nagllaayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa,, organisasyon o komunidad. Ang kaibahan nito sa pagtugong pananaliksik ay mas payak ang suliranin nito at ang pangongolekta ng mga datos ay impormal. Karaniwan ang mananaliksik ay kasapi ng pinag-aaralan. (mainam para sa mga mag-aaral sa sekundarya at kolehiyo)
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG ISANG MAG-AARAL NA MANANALIKSIK Mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga mag-aaral na mananaliksik ayon kina Shamoo at Resnik (2003). 1. Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik.