Kabanata 1 Ang Suliranin – Sanligan Nito
1. Panimula
Maaaring makakuha ng samot-saring kaalaman sa alinmang banda ng Internet. Marahil ay dumarami ang nagbabahagi ng kanilang kaalaman dulot ng demokratis asyong kinalabasan ng paglaki ng populasyong gumagamit ng makabagong teknolohiya. Isa rito ang social media : sinasabing nangunguna ang Pilipinas sa mga gumagamit ng Facebook sa buong mundo (Camus, 2018). Bukod dito, mapapansin ang pagdami ng mga lumalahok na Pilipino sa diskursong pulitikal. Patunay rito ang pagtagumpay ng lipon ni Pangulong Duterte sa paggamit ng social media upang mangumpanya (Mendoza, 2018). At sa pagtaas ng mga gumagamit at nagbabahagi nagbabahagi,, bumababa bumababa naman ang kalidad kalidad ng impormasyong makukuha sa Internet . Hindi na makita ng lahat kung ano man ang totoo sa hindi, at nagagamit ng iba ang ganitong panlilinlang para sa sariling pakinabang. Nakalulungkot ring isipin na maraming Pilipino ang nalinlang na sa mga ganitong bagay na kung tawagin ay Fake News, kung kaya mahalagang maintindihan ang pinagmulan nito, at kung ano at gaano kalawak ang epekto nito sa larangan pulitikal ng bansa. Malaki ang kahalagahan ng balita sa bawat mamamayan ng lipuna n. Matatandaan ang kasabihang “Ang Karunungan ay Kayamanan” o Knowledge is Power . Upang ang lahat ng bahagi ng isang estado ay makakasapi nang maayos, nararapat na ang bawat kaanib nito ’y nakakaalam ukol sa kasalukuyan, sa loob man o sa labas ng kinaroonan nito. Nakadidismaya naman na mayroong kaalamang umiikot sa Social Media na hindi
1
makatotohanan. Ang tinatawag na Fake News ay lumalaganap kahit habang sa pagsusulat ng papel na ito. Kung lumalaki ang dami ng nakakabasa at nagiging biktima ng Fake News, marahil ay marami rin ang hindi nakaaalam na malaki ang impluwensiya nito sa lipunan. Mahalagang matukoy ang dulot na epekto ng ganito, at ng mga pangyayaring kamakailan lamang ay naging laman ng Social Media, kasama na si Mocha Uson at ang mga taga-suporta ng mga kandidato, mapa-Duterte man o hindi. At sa pagalam ng sanhi nito, malalaman rin ang kalalabasan kapag nagpatuloy ang ganitong mga pangyayari sa mga susunod na taon.
2. Layunin
Nilalayon ng pananaliksik ang panunuri at pag-unawa ng paglaganap ng Fake News sa Social Media. Hangad ng mga papel na itong maiugnay ang paglaganap ng
Pilipina s. Nais ring tuparin Fake News sa kasalukuyang kalagayan ng pulitika sa bansang Pilipinas. ng papel na ito ang mga sumusunod; na: 1. Matukoy ang sanhi ng paglaganap ng Fake News sa social media ; 2. Maipakita ang mga naidulot ng paglaganap nito; at na 3. Malaman ang lawak ng epekto nito sa larangang pulitikal.
2
3. Batayang Konseptual
Ang batayang konseptual ng pag-aaral na ito’y ginagamitan ng modelong InputProcess-Output . Inilalahad sa bahaging Input ang paglalarawan ng mga tagatugon, tulad
ng edad, kasarian, kurso, at baitang. Ang bahaging naman Process ang nagtutukoy sa mga gagawing hakbang ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng datos mula sa mga tagatugon, tulad ng talatanungan at panayam. Sa bahaging Output naman isinasaklaw ang mga implikasyon ng mga nalagap na datos, na marahil ay pupuna sa kung ano man
kurso, lebel
ang epekto ng paglaganap ng Fake News sa Social Media sa larangang pulitika.
3
4. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: • Sa mga pulitiko, mambabatas o ibang kilalang indibidwal . Ang pag-aaral ay
makatutulong upang magkaroon ng pundasyon ang tiwala ng mga mamamayan at kalaunan ay ang pagpapatibay nito. Sa pamamagitan nito’y mas mapapahalagan ang kanilang reputasyon sa lipunan, kasama ng kanilang abilidad, pagkatao at ang mga proyektong kanilang inilulunsad sa pagtulong sa bansa. • Sa mga mamamayan, botante man o hindi . Ang kahalagahan nito ay ang pagtutuwid
ng pag-iisip ng mga bahagi ng lipunang kasama sa pagdedesisyon ng pulitikal na estado ng Pilipino, tulad ng pagboboto at pagsusuporta sa mga kandidatong tumatakbo para sa mga posisyon sa pamahalaan. • Sa mga mag-aaral . Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga mag-aaral
upang sila’y maging mapanuri sa pinagmumulan ng mga lathalang kanilang nababasa upang maiwasan ang mga lathalang mapanira at may pakay na mang-impluwensiya. Magdudulot ito ng mga matatalinong mag-aaral na may tamang pinanggagalingan ng opinyon. • Sa mga guro . Bilang mga edukador at akademikong inatasang maging paraan upang
maturuan ang mga kabataan, dapat ring maging mapanuri nang mabuti ang mga guro, mas lalo sa ganitong sitwasyon na nagkalat sa Social Media ang impormasyong hindi makatotohanan. • Sa mga susunod na henerasyon . Ang magiging bung ang pag-aaral na ito ay para sa
mga bahagi ng lipunang hindi pa lubos na nakikisalamuha sa ganitong mga pangyayari
4
ngunit, para sa kanilang kabutihan, ay dapat maintindihan ang pinanggalingan ng lipunang kanilang masasalubong.
5. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
Nakatuon ang pananaliksik na ito sa pagbibigay ng impormasyon, istatistika at konkretong datos ukol sa paglaganap ng Fake News sa Social Media at ang epekto nito sa larangang pulitika. Binibigyan nito ng higit na pansin ang mga taong tahas na naapektuhan ng nasabing usapin. Nakabatay rin ang mga kaalaman sa mga pag-aaral na ginawa sa loob at labas ng bansa. Naniniwala ang mga mananaliksik na napapanahon ang pag-aaral na ito dahil sa mga pangyayaring kamakailan lamang, upang ang mga mamamayan ng Pilipinas ay maging mapanuri rin at nakikisangkot sa isyu ng lipunang Pilipino.
6. Depinisyon ng mga Katawagan 1. Destabilisasyon – Ang proseso ng paghina ng katatagan ng isang rehiyon o Sistema,
lalong-lalo na sa pamahalaan. 2. Epekto – Ang magiging resulta ng paggawa ng isang pangyayari o bagay. 3. Fake News – Mga balitang gawa-gawa lamang at walang maayon at katiwa-tiwalang
basehan, ngunit ipinahahayag upang maging kapani-paniwala. 4. Paglaganap – Ang pagkalat o ang sirkulasyon ng isang bahay o ng impormasyon
upang malaman ng nakararami. 5
5. Propaganda – Ang impormasyong maaaring maging basehan ng pagkampi o
pagkawala ng tao sa isang konsepto, na naglalayong manghikayat. 6. Pulitika – Ang kasanayan at teorya na mang-impluwensya ng mga tao. 7. S ocial Media – Mga bahagi ng Internet na ginagamit ng mga tao bilang plataporma
upang magbahagi ng kaalaman o upang makipag-usap sa ibang tao.
6
Kabanata 2 Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ang paglaganap ng Fake News ay isang makabagong pangyayari. Nagsimula noong pagdako ng bagong dekada, walang makapagsasabi kung ano ang tunay na pinagmulan ng ganitong pangyayari, ngunit, ayon sa mga eksperto, ang ganitong pangyayari ay lubusang ginamit ng mga pulitiko para sa pansariling kapakanan, upang makaangat, o upang maiba ang opinyon ng tao sa kanila. Nasasaad rito ang mga dayuhan at lokal na literaturang kaugnay ng pagsasaliksik.
Lokal
Ayon sa Social Weather Survey na iginayod noong Marso ng kasalukuyang taon, maraming Pilipino ang nakakakita ng isyung may malaking kakahalagan sa paglaganap ng Fake News. Apat sa sampung nakatatandang Pilipino ang gumagamit ng Internet at nakararami rito ang nakakakita na nag Fake News ay isang malalang sitwasyon. Marami rin ang nagsabi na sa midya, problema ang Fake News. Animnapung bahagdan o 60% ang nagsasabi nio (Barreiro, 2018). Makabago man ang konsepto ng Fake News, matagal nang konsepto ang midya at paglathala sa Pilipinas. Noong panahon pa ng Espanyol, ayon kay Pura SantillanCastrence, nagsimula ang impluwensiyang hatid ng pamamahayag sa pamahalaan. Ang kalayaan ng pamamahayag ay naitatag sa bansa noong 1787 pa (Santillan-Castrence, 2001).
7
Malaki ang epekto ng midya sa tahanan ng mga Pilipino. Ayon kay David Wurfel, nakikita na ang pagtangkilik sa tinatawag na mass midday ay isang marka ng elitismo sa bansa, kung kaya naman nagdarami ang mga manonood ng pelikula, nakikinig ng radyo, nagbabasa ng dyaryo at sumusubaybay sa teleserye. Nakikita rin na ang mensaheng pinapalaganap ng mga ito, kaya masasabing elitista ito, ay makabago at may malaking impluwensya galing sa mga dayuhan (Wurfel, 1988). Sa pahayag ni Gng. Melinda de Jesus, direktor ng Center for Media Freedom and Responsibility , na, sa pagiging bahagi nito ng publiko at ng malaking kagustuhan ng
lipunan na maibahagi ang ganitong komunikasyon, ang sistemang dyurnalismo ng isang bansa ay may malaking ambag sa pag-unlad ng lipunan. Bilang isang uri ng pampublikong diyalogo, ang pamamahayag ay nakasamang totoo sa pangangailangang intelektwal at pang-edukasyon nito. Masasabing sa paghahatid ng imahe, simbulo, at mensahe, bahagi ang pamamahayag ng sinasabing kapital na pantao ng lipunan (De Jesus, 2001). Sinabi naman ni Hernando J. Abaya na ang pinakamahalagang katangian ng pamamahayag ay ang integridad. Kung wala ito, hindi maisasakatuparan ang pangarap na mas maayos na pamamalakad ng sistemang midya sa Pilipinas. Sa lahat ng mamahayag, ang integridad ang mahalagang bahagi ng kanyang serbisyo-publiko. Ayon kay G. Abaya, ang ganitong katangian ay nawawala na. Sa ganitong sitwasyon, maaaring maging nakasisira ang epekto ng isang mamahayag, lalung-lalo na kapag ginamit ang pamamahayag para sa korupsyon at tuluyang pagsira ng lipunan (Abaya, 2001).
8
Banyaga
Makabago ang pag-aaral ng Fake News. Sa isang pag-aaral na inilunsad nina G. Ong at Cabañes ng Pamantasan ng Leeds na tinatawag na Architects of Networked Disinformation: Behind the Scenes of Troll Accounts and Fake News Production in the Philippines, isang mahalagang bahagi sa kanilang pag-aaral ay ang pagkalat na
paggamit ng Fake News sa pulitika ng bansa, anumang lupon sila galing. Maraming nangunang papel ang nagsasaad ng pagkuha ng mga grupong ito ng operator na siyang mang-aakit ng mga mambabasa ’t magsisimula ng diskursong pulitikal upang making makatulong sa grupo, sa Facebook man o sa Twitter (Ong, Cabañes, 2018). Sa pag-aaral naman nina Vosoughi, Roy at aral na The Spread of True and False News Online , na inilathala ng Massachusetts Institute of Technology at Science Journal ,
pitompu na bahagdan o sa 70% na pagkakataon, maaaring Fake News ang nababasa sa Internet dahil sa paglaganap ng ganitong impormasyon gamit ang retweet sa Twitter . 30% o trenta porsyento lamang ang paglaganap ng tunay na impormasyon. Mahalaga rin raw, ayon kina Vosoughi, na ang pagiging makabago ng sasabi hin ng Fake News. Kapag ganito ang nangyari, mas malaki ang pagkakataong maibahagi ito ng bang tao, dahil bago ang balitang ito sa paningin ng tao (Vosoughi, Roy, Aral, 2018). Sa isang lathalang isinulat ni Philip Ball sa Prospect Magazine na pinamagatang The Science of Fake News , sinasabi na ang pagpapalaganap ng Fake News ay
nakadepende sa iba’t ibang paagusan sa Internet . Naiiba ito sa totoong balita na nanggagaling lamang sa iisa at namamayaning pagkukunan. Ito ang pangunahing paraan upang malaman na tunay ang balitang nababasa (Ball, 2018).
9
Kabanata 3 Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang upang maisakatuparan ang pagsusuri sa epekto ng fake news sa larangan ng pulitika. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik, respondente, instrumentong pananaliksik, at tritment ng datos.
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uring deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang sinusuri sapagkat mapapadali nito ang pangangalap ng datos mula sa mga respondent. Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.
10
2. Ang Respondente
Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang “Paglaganap ng Fake News sa Social Media . Epekto nito sa Larangang Pulitikal” ginamit
ang systematic sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay mangyayari lamang sa kinabibilangang grupo. Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga magaaral na kasalukuyang nag-aaral at mga nakatapos na ng kursong BS Legal Management sa Pamantasan ng San Beda. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral upang masiguro na nauunawaan ng mga sasagot sa talatanungan an g bawat tanong, maging ang pagiging kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang kanilang nararapat at kailangang mga impormasyon.
3. Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aara. Ang talatanungan may isang bahagi lamang. Ang survey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung sa papaanong paraan nakaaapekto ang fake news sa kanilang saloobin ukol sa epekto nito sa larangan ng pulitika. Ang isa pang ginamit ng mga mananaliksik ay ang pakikipanayam makakuha ng impormasyon na kinakailangan sa ibinigay na pag-aaral. Ito ay para madagdagan ang pangunahing pinagmumulan ng datos na ang talatanungan, na maaaring malinaw na pag-papaliwanag. Ito ay maaari ring gamitin upang talakayin ang mga may-katuturang mga isyu na tumutukoy sa paksa ng pag-aaral na marahil hindi ay sakop ng talatanungan.
11
Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos.
4. Tritment ng Datos/Pormula
Sa pagsusuri ng pahayag ng problema, mapaglarawang buod istatistika tulad ng dalas at porsyento ay ginamit. Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga data na nakalap mula sa survey questionnaires, ang mga mananaliksik ay ginagamit ang mga sumusunod na tool ng istatistika:
%=
100
Leyenda: %
= porsyento
f
= prikwensiya
n
= kabuuang bilang ng mga respondent
100 = isang constant value
Porsyento ay ginagamit para sa demograpikong propayl ng mga respondent ayon sa kanilang edad at kasarian.
12
Kabanata 4 Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Nakatuon ang kabanatang ito sa pagsasaad ng datos na nakalap mula sa mga mag-aaral ng College of Arts and Sciences ng San Beda University - Manila , ayon sa mga layunin ng pananaliksik. Pag-uusapan ng kabanatang ito ang bunga ng pamumudmod ng talatanungang sinagutan ng 32 na respondente. Ipinahayag sa mga respondente ang kahalagahan at kadahmilanan ng pananaliksik bago sumagot. Naibigay rin sa mga sumagot ang paniguradong lahat ng datos ay gagamitin lamang sa pananaliksik, at ang mga identidad ng mga mananaliksik ay hindi ilalahad, kung kanilang gusto ito. Lahat ng respondente ay mga mag-aaral ng Pamamahalang Makabatas sa ika4 na taon. Table 1. Pagtingin sa Sanggunian ng Balita Tanong: Tinitignan mo ba ang pinanggalingan/sanggunian ng balita? Sagot
Dalas
%
Madalas
23
71.9%
Minsan
8
25%
Madalang
1
3.1%
Hindi
0
0%
Kabuuan
32
100%
13
Nakasaad sa mga datos sa ibabaw ang mga kadalasan ng mga respondente na tuingin sa pinanggalingan ng balitang kanilang nakakalap. Ang pinakamataas na sinagot ay ang Madalas, na nakatamo ng 23 na sagot o 71.9 na porsyento ng kabuuan. Sumunod ang Minsan, na 8 o 25%. Ang pinakakaunti na sinagot ay ang. Madalang, na 1 o 3.1% ang sumagot. Walang sumagot ng Hindi. Dahil ang mga nakapanayam ay mga taga-kolehiyo at hindi ang masang Pilipino, maaaring mas malaki nga ang pagkakataong sila ay nakakahanap ng sanggunian sa mga binabasa dahil turo ito sa eskwelahan. Malaki rin ang posibilidad na mataas ang antas ng kanilang pag-aaral para magawa ito nang madalas. Sa minsan naman, na mayroong bahagdang di-makakaila, maaaring mataas rin ang antas ng pag-aaral ngunit hindi lamang sapat ang panahon upang maghanap, o nagbabasa lamang ng balita para sa kaligayahan at hindi sa pagkilatis rito. Mas malaki ang pagkakataong ganoon sa madalang maghanap.
14
Table 2. Kaalaman ng Pagkakakiba ng Totoong Balita sa Hindi Tanong: Alam mo ba ang pagkakaiba ng totoong balita sa hindi? Sagot
Dalas
%
Oo
30
93.8%
Hindi
2
6.3%
Hindi alam
0
0%
Walang pakialam
0
0%
Kabuuan
32
100%
Makikita sa datos na ang pinakamadalas na sinagot ay ang Oo, na alam ng madla ang pagkakaiba ng totoong balita sa hindi. Nakatamo ito ng 30 na sagot, o bumubuo sa 93.8%. Ikumpara ito sa sumagot ng Hindi, na dalawa lamang at nakatamo sa kabuuan ng 6.3%. Walang sumagot sa Hindi alam at Walang pakialam. Kapag pinagusapan naman ang kaibahan ng totoong balita sa hindi, maaaring dahil sanay na ang mga respondenteng makakita ng Fake News sa kanilang binabasa kung kaya karamihan ang sumagot ng Oo. Maaari rin na dahil marami sa kanila ang naghahanap ng sangguni, marami rin ang nakakakilatis kung totoo o di-totoo ang balita. Sa Hindi, maaaring kasama ito sa datos na nagsasabing madalang maghanap ang iba ng sangguni ng balita.
15
Table 3. Paggamit ng Social Media sa Pangangalap ng Balita Tanong: Ginagamit mo ba ang social media upang mangalap ng balita? Sagot
Dalas
%
Minsan
17
53.1%
Madalas
13
40.6%
Madalang
2
6.3%
Hindi
0
0%
Kabuuan
32
100%
Sa tanong na ito, makikita na ang pinakamadalas na sinagot ay ang Minsan, na nakatamo ng 17 na respondente, o 53.1% ng kabuuan. Sumunod naman rito ang Madalas, na nakatamo ng 13 na respondente o 40.6%. Huli naman o ang pinakakaunti ang sumagot ng Madalang, na 2 lamang ang sumagot, na bumubuo sa 6.3%. Wala namang sumagot ng Hindi. Ang paggamit ng Social Media ay hindi maikakaila dahil malaki na ang ambag into sa buhay ng sinuman. Nakakapagtaka naman na ang sagot na namayani ay ang Minsan. Maaari na ginagamit pa rin ng mga respondenteng sumagot ng ganoon ang panonood ng TV , o pakikinig ng radyo, o pagbabasa ng pahayagan upang mangalap ng impormasyon. Siguro na rin na may angking kredibilidad ang mga gayong sanggunian kung kaya doon pa rin nakapokus ang mga respondente kung pag-uusapan ang pangangalap ng balita.
16
Table 4. Website o A pp na ginagamit para sa Pangangalap ng Balita Tanong: Aling plataporma ang ginagamit mo para r ito? Sagot
Dalas
%
Facebook
29
90.6%
Twitter
22
68.8%
Messenger
5
15.6%
Instagram
1
3.1%
Pagdating naman sa platapormang ginagamit sa pangangalap ng balita, makikitang walang kabuuan na inilagay dahil pinayagang sumagot ang mga respondente ng mahigit isa sa mga pagpipilian. Pinakamarami ang sumagot ng Facebook ; binubuo ito ng 29 na respondente o 90.6%. Sumunod naman ang Twitter na 22 ang sumagot, o 68.8% ng kabuuan. Nahuhuli ang Messenger (5 o 15.6%) at ang Instagram (1 o 3.1%). Ayon rin sa mga pananaliksik na isinagawa ’t isinaad sa nakaraang kabanata, sa Facebook nagkandarapa ang mga karamihan ng mga gumagamit ng social media. Sa Facebook makikita ang pagpost ng marami, pag-comment sa mga post ng iba, at ang
pag-like o pag-react sa mga post na sinabi. Maraming makikita rito, kung kaya naman maaaring ang Facebook ang pinakamadaling paraan upang mangalap ng balita, sa pagscroll sa news feed. Sumunod na lamang rito ang iba pang mga pinagpilian dahil mas marami ang gumagamit ng Facebook sa kasalukuyan.
17
Table 5. Pagkakataong Makabasa ng Fake News sa Social Media Tanong: Ang Fake News ay ang sadyang paglaganap ng di-makatotohanang balita sa social media. Nakakita o nakabasa ka na ba ng ganito?
Sagot
Dalas
%
Oo
32
100%
Hindi
0
0%
Hindi alam
0
0%
Walang pakialam
0
0%
Kabuuan
32
100%
Ang tanging nakatamo ng sagot sa tanong na ito ay ang Oo, na lahat ng mga respondente, 32 sa lahat-lahat, o 100 na bahagdan, ang sumagot. Walang sagot na natamo sa ibang mga pinagpilian. Hindi maikakaila na ang Fake News ay malaking pangyayari sa kasalukuyan. Kaya hindi nakapagtataka na lahat ng respondente ay sumang-ayon rito. Ngunit mahalagang isipin na mayroong nagsagot na hindi nila alam ang pagkakaiba ng totoong balita sa hind i, na maaaring makaapekto kung ang kanilang nabasa ay Fake News o hindi. Maaaring kahit hindi alam ng nagsagot na iyon ang katotohanan ng isang balita sa kabuuan, napapansin pa rin ng mga mambabasang ito na Fake News ang kanilang nakikitang binabahagi sa Facebook o Twitter .
18
Table 6. Pagkakataong Nakaapekto ang Fake News sa Pananaw-Pulitika Tanong: Nakaapekto ba ito sa iyong pananaw ukol sa pulitika? Sagot
Dalas
%
Oo
23
71.9%
Hindi
9
28.1%
Hindi alam
0
0%
Walang pakialam
0
0%
Kabuuan
32
100%
Ang pinakamaraming sumagot sa tanong na kung nakaapekto ang Fake News sa kanilang pananaw sa pulitika ay ang Oo, na 23 sa mga respondente ang sumagot, o 71.9%. Nahuhuli naman ang Hindi, na 9 lamang, o 28.1% ang sumagot. Walang pumili sa Hindi alam at Walang pakialam. Dahil ang Fake News ay, unang-una, ginawa para sa makinaryong pulitikal, hindi na rin makakaila ang kapangyarihan nitong makapagbigay-epekto sa pulitikal na pananaw ng tao kung nakabasa ang isa ng ganito. Hindi na rin nakapagtataka na maraming sumagot ng Oo dahil ang Fake News ang isa sa mga maiinit na isyung tinatalakay sa pamahalaan, at ang kadahilanan ng pag-usbong nito.
19
Table 7. Epekto ng Fake News sa Pananaw-Pulitika Tanong: Kung oo, paano ito nakaapekto? Sagot
Dalas
%
Sa pagkawala ng tiwala sa pamahalaan
16
50%
Sa partidong-pulitikal (political party)
15
46.9%
Sa mga binoto noong eleksyon
1
3.1%
0
0%
32
100%
Sa pagiging manhid sa mga nangyayari sa pamahalaan
Kabuuan
Pinakamadalas na sinagot sa tanong ang pagkawala ng tiwala sa pamahalaan, na 16 ang sumagot o 50% ng kabuuan. Pinakakaunti naman ang sumagot sa mga binoto noong eleksyon, na 1 lamang o 3.1%. Napapagitnaan ito ng sa partidong-pulitikal, na 15 o 46.9% ang sumagot. Walang sumagot sa pagiging manhid sa mga pangyayari sa pamahalaan. Maaaring ang pagkawala ng tiwala sa pamahalaan dahil ang Fake News sa bansa ay palaging nakatuon sa kagandahang-loob ng kasalukuyang administrasyon. Hindi rin makakaila na ang mga tauhan ng pangulo ay sangkot sa pamumudmod ng Fake News sa Pilipinas, kung kaya malaki ang kawalan ng tiwala sa mga naapektuhan ng Fake News.
20
Table 8. Pagiging Positibo o Negatibo ng Epekto ng Fake News Tanong: Positibo ba o negatibo ang epekto nito? Sagot
Dalas
%
Negatibo
30
93.8%
Positibo
1
3.1%
Hindi alam
1
3.1%
Walang pakialam
0
0%
Kabuuan
32
100%
Negatibo ang pinakamarami sa mga sinagot ng respondente, na binuo ng 30 o 93.8% sa kanila. Pumantay sa dulo ang Positibo at Hindi alam, na parehong 1 lamang o 3.1% ang sumagot. Wala namang sumagot sa Walang Pakialam. Dahilan rin sa pagkawala ng tiwala sa pamahalaan, ang Fake News sa bansa malaking sitwasyong dapat pagtuunan ng pansin dahil ang epekto nito sa kaalaman ng tao ay maaaring nakasisira. Dahil sa hindi makatotohanan ang mga ito, maaaring masira ang kredibilidad ng pamahalaan dahil rito, at sa gayon ay maramdaman ng mamamayan ang epekto ng Fake News kahit na napalitan na ang mga nasa administrasyon ngayon.
21
Table 9. Sanhi ng Fake News Tanong: Ano sa tingin mo ang sanhi ng Fake News? Sagot
Dalas
%
Kakulangan ng kaalaman
22
68.8%
Pulitika ng bansa
5
15.6%
Demokratisasyon ng Internet
4
12.5%
Kawala ng tiwala sa pamahalaan
1
3.1%
Kabuuan
32
100%
Sanhi ng Fake News, ayon sa nakararami, ang Kakulangan ng Kaalaman rito. 22 ang sumagot nito, na bumubuo sa 68.8% ng mga respondente. Ang pinakakaunti naman ay ang Kawalan ng tiwala sa pamahalaan, na 1 lamang 0 3.1% ang sumagot. Nasa gitna ang mga sagot na Pulitika ng bansa, na 5 o 15.6% ang sumagot, at ang Demo kratisasyon ng Internet , na 4 o 12.5% ang sumagot. Sa kakulangan ng kaalaman maaaring nakaugat ang paglaganap ng Fake News. Dahil hindi masyadong bihasa ang payak na mambabasa sa paghahanap ng kaayaayang sanggunian, o dahil na rin pinipili ng payak na mambabasa ang kanyang binabasa, nawawalan ng pagkakataong malaman ng mambabasa ang panig ng iba ukol sa isyung binabasa. Sa kalaunan, maaaring masira ang sistema ng pamamahayag sa Pilipinas kung ganito ang mangyayari buhat na hindi na magiging makabuluhan ang pagbalita ng makatotohanan at walang-panig na batas.
22
Table 10. Ang Mananagot para sa Fake News Tanong: Sino ang dapat managot para rito? Sagot
Dalas
%
Awtor ng Fake News
26
81.3%
May-ari ng social media account
5
15.6%
Gobyerno
1
3.1%
Walang alam
0
0%
Kabuuan
32
100%
Ayon sa mga respondente, ang Awtor ng Fake News ang dapat managot para sa Fake News. Ang pinakamarami o 26 sa kanila (na bumubuo sa 81.3%) ang nagsasabi
nito. Sumunod rito ang may-ari ng mga social media account, na 5 ang sumagot o 15.6%. Nahuhuli ang Gobyerno, na pawang 1 lamang o 3.1% ang sumagot. Walang sumagot ng Walang Alam. Maaaring ang may-akda ng Fake News ang may pinakamalaking makukuha sa pagkalat ng kanyang sinulat. Dahilan sa bayaran siya (ayon sa pag-aaral na nakalap), at dahil na rin sa may panig siyang sinusuportahan sa pamahalaan, malaki ang kanyang pabuya sa pagkalat niya ng Fake News. Dahil dito, malaki ang pagkakataong siya dapat ang managot sa mga epekto ng Fake News.
23
Kabanata 5 Buod, Kongklusyon, Rekomendasyon
Sa kabanatang ito ibinubuod at ibinibigay ang mga natuklasan ukol sa layunin ng pananaliksik. Nakasama na rito ang pagbibigay-konklusyon sa pananaliksik, at mga rekomendasyon para sa mga susunod na magsasagawa ng ganitong pananaliksik.
Buod ng mga Natuklasan
Ang mga sumusunod ay ang mga natuklasan ayon sa mga sagot ng mga respondente at mga datos na nakalap patungkol sa mga layunin ng pag-aaral:
Sa unang bilang sa survey questionnaire na nagtatanong kung tinitignan ba ng mga respondente ang pinanggalingan/sanggunian ng balita , ang pinakamataas na sinagot ay ang Madalas, na nakatamo ng 23 na sagot o 71.9 na porsyento ng kabuuan. Sumunod ang Minsan, na 8 o 25%. Ang pinakakaunti na sinagot ay ang. Madalang, na 1 o 3.1% ang sumagot. Walang sumagot ng Hindi. Sa ikalawang bilang na nagtatanong kung alam ba ng mga respondente ang pagkakaiba ng totoong balita sa hindi, makikita sa datos na ang pinakamadalas na sinagot ay ang Oo, na alam ng madla ang pagkakaiba ng totoong balita sa hindi. Nakatamo ito ng 30 na sagot, o bumubuo sa 93.8%. Ikumpara ito sa sumagot ng Hindi, na dalawa lamang at nakatamo sa kabuuan ng 6.3%. Walang sumagot sa Hindi alam at Walang pakialam.
24
Sa ikatlong bilang na nagtatanong kung ginagamit ba ng mga respondente ang social media upang mangalap ng balita, makikita na ang pinakamadalas na sinagot ay
ang Minsan, na nakatamo ng 17 na respondente, o 53.1% ng kabuuan. Sumunod naman rito ang Madalas, na nakatamo ng 13 na respondente o 40.6%. Huli naman o ang pinakakaunti ang sumagot ng Madalang, na 2 lamang ang sumagot, na bumubuo sa 6.3%. Wala namang sumagot ng Hindi. Sa ikaapat na bilang naman na nagtatanong kung aling plataporma sa social media ang ginagamit ng mga respondente para sa pangangalap ng mga balita, pinakamarami ang sumagot ng Facebook ; binubuo ito ng 29 na respondente o 90.6%. Sumunod naman ang Twitter na 22 ang sumagot, o 68.8% ng kabuuan. Nahuhuli ang Messenger (5 o 15.6%) at ang Instagram (1 o 3.1%). Sa ikalimang bilang na nagtatanong kung nakakita o nakabasa na ba ang mga respondente ng Fake News, ayon sa mga respondente, ang sagot sa katanungang ito ay oo, na lahat ng mga respondente, 32 sa lahat-lahat, o 100 na bahagdan, ang sumagot. Walang sagot na natamo sa ibang mga pinagpilian. Sa ikaanim namang katanungan kung Nakaapekto ba ito sa pananaw ng mga respondente sa pulitika, ang pinakamarami ay sumagot ng Oo, na 23 sa mga respondente, o 71.9%. Nahuhuli naman ang Hindi, na 9 lamang, o 28.1% ang sumagot. Walang pumili sa Hindi alam at Walang pakialam. Sa ikapitong katanungan ukol sa kung paano ito nakaapekto sa mga pananawpulitika ng mga respondente, ang inakamadalas na sinagot ang pagkawala ng tiwala sa pamahalaan, na 16 ang sumagot o 50% ng kabuuan. Pinakakaunti naman ang sumagot
25
sa mga binoto noong eleksyon, na 1 lamang o 3.1%. Napapagitnaan ito ng sa partidongpulitikal, na 15 o 46.9% ang sumagot. Walang sumagot sa pagiging manhid sa mga pangyayari sa pamahalaan. Sa ikawalong katanungan kung positibo ba o negatibo ang epekto nito ng fake news, negatibo ang pinakamarami sa mga sinagot ng respondente, na binubuo ng 30 na respondente o 93.8% sa kanila. Pumantay sa dulo ang Positibo at Hindi alam, na parehong 1 lamang o 3.1% ang sumagot. Wala namang sumagot sa Walang Pakialam. Sa ikasiyam na katanungan kung ano sa tingin ng mga respondente ang sanhi ng Fake News, ayon sa nakararami, ang Kakulangan ng Kaalaman rito. 22 ang sumagot
nito, na bumubuo sa 68.8% ng mga respondente. Ang pinakakaunti naman ay ang Kawalan ng tiwala sa pamahalaan, na 1 lamang 0 3.1% ang sumagot. Nasa gitna ang mga sagot na Pulitika ng bansa, na 5 o 15.6% ang sumagot, at ang Demokratisasyon ng Internet, na 4 o 12.5% ang sumagot. At sa huli at ikasampung katanungan kung sino dapat ang managot para sa pagpapalaganap ng fake news, ayon sa mga respondente, ang Awtor ng Fake News ang dapat managot para sa Fake News. Ang pinakamarami o 26 sa kanila (na bumubuo sa 81.3%) ang nagsasabi nito. Sumunod rito ang may-ari ng mga social media account, na 5 ang sumagot o 15.6%. Nahuhuli ang Gobyerno, na pawang 1 lamang o 3.1% ang sumagot. Walang sumagot ng Walang Alam.
26
Mga Kongklusyon
Ayon sa buod ng mga kaalaman, ang mga sumusunod ay ang mga kongklusyong nais ipabatid ng mga mananaliksik: 1. Ang sanhi ng paglaganap ng Fake News sa social media , ayon sa nakararami, ang
Kakulangan ng Kaalaman rito. Pumapapangalawa ang Pulitika ng bansa at pang-apat naman ang Demokratisasyon ng Internet . Ang pinakahuli naman ay ang Kawalan ng tiwala sa pamahalaan. 2. Ayon sa mga respondente, Negatibo ang naidulot ng paglaganap nito. 3. Ayon sa mga respondente, ang paglaganap ng Fake News ay nagdudulot ng, unang-
una, pagkawala ng tiwala sa pamahalaan. Sumunod rito ang epekto nito sa partidongpulitikal ng respondente. Huling epekto nito ay sa mga binoto ng respondente noong eleksyon. Mga Rekomendasyon
Ayon sa mga kongklusyon, ang mga sumusunod ay ang mga rekomendasyong nais ibigay ng mga mananaliksik: 1. Sa mga susunod na mananalisik na mayroon ding ganitong pag-aaral: 1. Magandang pagtuunan ng pansin ang lupon-pulitikal ng mga respondente
upang magkaroon ng pagkakaiba ng estratehiya sa pananaliksik; 2. Maghanap ng iba pang pag-aaral, lalung-lalo na kung ito ay makabago, ukol sa
paglaganap ng Fake News sa panahong gagawin ang pananaliksik; at
27
2. Sa mga guro: 1. Tukuyin at panatilihin ang mga batayan ng pagkakaroon ng maayos na
sanggunian para hindi madala sa Fake News; at 2. Isama sa mga turo ang pagiging mabuting mamamayan, na kalakip ang
kredibilidad at pagkakaroon ng kaayusan sa pagbabahagi ng bagay sa Internet. 3. Sa mga mag-aaral ng San Beda: 1. Sumali sa mga diskusyong pulitikal na hindi nalilimita sa kulay ng kanyang
lupon, upang maintindihan ang buong proseso ng pulitika sa bansa; at 2. Pag-isipang gumawa ng mas malalim na pananaliksik ukol sa Fake News.
28