Mga Nene sa Lungsod ng Tarlac: Pag-aaral at pagsusuri sa mga Epekto ng Teenage Pregnacy
Isang Pamanahong papel na Inaharap Kay Bb. Juvy Galamay sa Kagawaran Ng Kolehiyo Ng “Arts & Social Science” Tarlac State University Tarlac City
Bilang Bahagi ng Pangangailangan Sa Pagbasa At Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik
Ipinasa Nina: Cortez,Christian Renz A. Tabaquero, Oliver John S. Velasquez Jr.,Marciano M.
Taong 2013 1|Page
Talaan Ng Nilalaman Pahina Pahinang Titulo
1
Talaan Ng Nilalaman
2
Kabanata I: Ang Suliranin
3
Kaligiran ng Suliranin
4
Paglalahad ng Suliranin
5
Kahalagahan Ng Pag-aaral
6
Saklaw At Limitasyon
7
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
8
Kabanata II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
11
Kaugnay na pag-aaral at literatura
12
Paradigma ng Pag-aaral
18
Kabanata III: Pamamaraan
19
Disenyo ng pananaliksik
20
Pagkukunan ng Datos
20
Instrumento
20
Paraan ng Pangangalap
20
Tritment ng mga Datos
21
Pagtatalakay ng mga Datos
22
Bibliograpi
27
Appendix
30
Tala Ukol sa mga Mananaliksik
32
2|Page
Talaan Ng Nilalaman Pahina Pahinang Titulo
1
Talaan Ng Nilalaman
2
Kabanata I: Ang Suliranin
3
Kaligiran ng Suliranin
4
Paglalahad ng Suliranin
5
Kahalagahan Ng Pag-aaral
6
Saklaw At Limitasyon
7
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
8
Kabanata II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
11
Kaugnay na pag-aaral at literatura
12
Paradigma ng Pag-aaral
18
Kabanata III: Pamamaraan
19
Disenyo ng pananaliksik
20
Pagkukunan ng Datos
20
Instrumento
20
Paraan ng Pangangalap
20
Tritment ng mga Datos
21
Pagtatalakay ng mga Datos
22
Bibliograpi
27
Appendix
30
Tala Ukol sa mga Mananaliksik
32
2|Page
Kabanata I: Kaligiran Ng Suliranin
3|Page
Kabanata I Kaligiran Ng Suliranin Panimula:
Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan. Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang mga kababaihan ay dinadala sa mga mumurahing hotel, ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin, at nininerbiyos na naghihintay sa kanilang “prince charming” na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang halik sa mga marurumi at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at kadalasan ay buntis.Di alintana na ang pakikipaglik, Ayon sa biolohikal na kahulugan, ang pakikipagtalik ay isang paraan ng isang lalaki at babae upang makabuo ng isang supling sa pamamagitan ng kanilang maseselang bahagi ng katawan.Ayon naman sa bibliya,ginamit ang salitang nakilala,kung kaya't ang pagtatalik ay pagkilala ng lalaki sa kanyang asawa,gayon din sa babae sa kanyang esposo.Ito rin ay isang gawain na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang taong natamo ang sacramento ng kasal; kung kaya ito ay isang sagradong gawain.Ito rin ang paraan ng pagmamahalan ng mag-asawa lamang.Hindi ito dapat ginagawa ng minor de edad.Ngunit kadalasan ay ginagawa pa rin ito ng mga kabataan dahil sa maling kaalaman sa pakikipagtalik. Isa na rin sa dahilan kung kaya gumagawa ng palabas ng may temang maagang nabuntis o maagang nakabuntis tulad na lamang ang palabas na "Anghelito" ay isang karakter na nakilala natin.Dala ng tukso at usig ng damdamin,nagkaroon ng anak at naging ama sa murang edad.Si Nene naman na mula sa teleseryeng Katorse,ay ganun din ang sinapit.Nabuntis at naging magulang sa kanyang kabataan.Ipinakita sa mga telerseyeng ito na kung gaanong kahirap ang kanilang buhay ng pasukin nila ito.Marami sa kabataan na ang pag-aasawa ay madaling yugto ng buhay, hindi nila alam na dadaan sila sa mga mahihirap na pangyayari at hindi madaling takasan sbe nga ng matatanda “Ang pag-aasawa ay hindi kanin na kapag isinubo na pag napaso ay iluluwa.” Tunay ngang hindi madaling yugto ang papasukin ng kabataan kapag sila’y nagkaanak na o nakabuntis 4|Page
ng maaga dahil kailangan nilang kumayod upang ipangbuhay sa kanilang pamilyang binuo ng maaga. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa napakabatang edad, karamihan sa mga kabataan ay may sarili ng mga anak. Sa Pilipinas, ayon sa 1995 census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad 15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon rin sa pagaaral ni Dr. Corazon M. Raymundo, 20% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. Ang mga kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na walang ideya sa maaaring epekto nito tulad ng “teenage pregnancy” at pagkakaroon ng ”sexually transmitted diseases.” Sa katunayan, sa mga kabataang aktibo sa sex, 74% ang hindi gumagamit ng kahit anong kontraseptib. Ayon naman sa World Heath Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga batang ina ay bumubuo sa 30% ng lahat ng pagbubuntis, 17% ng mga kaso ng hinimuk na aborsyon (induced abortion), 12% ng normal na panganganak, 6% ng boluntaryong aborsyon,. Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa Pilipinas, napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa sekswalidad. Samakatuwid, naniniwala ako na ang pagtalakay sa usaping sekswal ay isa pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa.”
Paglalahad ng Suliranin: Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa mga epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kabataan na may edad 16-19 sa Lungsod ng Tarlac. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng mga kongkretong impormasyon para maging aral na magmumulat sa mga mata ng kabataan sa mga hindi magagandang resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal. Ang mga nasabing epekto ng “teenage pregnancy” ay hahatiin sa aspekto ng: 5|Page
1.
Pag-aaral
2.
Kalagayang sosyal
3.
Kinabukasan
4.
Kalusugan
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa mga researcher.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga researcher ay makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa mga hindi magagandang epekto ng maagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na tumulong sa kapwa. Sa tulong ng mga impormasyon ay maaaring makabuo ang mga mananaliksik ng realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba upang mabawasan, kundi man mapigilan, ang paglaganap ng “teenage pregnancy.”
Sa kabataan.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmulat sa mata ng kabataan ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ng pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal.
Sa mga magulang.
Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa mga magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak. Makapagbibigay ito ng mga ideya kung paano nila papangaralan at didisiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang hindi ito magrerebelde at gagawa ng mga di kanais-nais na mga bagay at may mabibigat na kahihinatnan.
6|Page
Sa simbahan.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mapapalaganap lalo ang layunin ng simbahan na mabawasan, kundi man matigil na ang pagdami ng kaso ng maagang pagbubuntis. Sa tulong din nito, ang aral ng simbahan ukol sa maagang pakikipagtalik na siyang sanhi ng “teenage pregnancy” at ang aborsyon, na maaaring maging solusyon ng mga batang ina sa kanilang problema, ay lalong mapapalaganap sa mga kabataan.
Sa komunidad at pamahalaan.
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pamahalaan sa pagkontrol ng populasyon sa pamamagitan ng pagliit sa insidente ng “teenage pregnancy.” Ang mga datos na makokolekta ay maaaring magmulat sa kamalayan ng karamihan ukol sa maagang pagbubuntis at sa samu’t-saring epekto nito na kadalasan ay nakasasama.
Sa DOH at WHO.
Makakatulong ang aming pag-aaral sa kampanya ng Department of Health at World Health Organization sa STD at AIDS na ilan lamang sa maaaring maging di kanais-nais na epekto ng maagang pakikipagtalik.
Tunay at malaki ang paniniwala ng mananaliksik ng thesis na ito na makakaambag at maiimulat ang mga isipan ng mga kabataang makakabasa ng pirasong papel na ito at makakatulong sa mga magaaral,guro,manunulat,mananaliksik at iba pang manunuri sa kasalukuyan at susunod na panahon.
SAKLAW AT LIMITASYON: Ang pag-aaral ay gagawin sa Tarlac na kung saan doon naninirahan ang aming mapapagtanungan. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paghahanap ng epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kabataan gulang 16 – 19 na kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para makakuha ng mga impormasyon. 7|Page
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit Ang bawat termino na mababanggit ay mapapaloob sa aming sulatingpananaliksik. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upangmaunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan atupang mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mgadiksyunaryo, internet, atbp. 1.
Teenage Pregnancy
– ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang gulang. 2.
Abortion
– pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan. 3.
STD (sexually transmitted disease)
– mga sakit na napapasa sa isang tao patungo sa isa pang tao sa paraan ng pakikipagtalik. 4.
HIV (Human Immunodeficiency Virus)
- Ang HIV ay ang virus na siyang nagdudulot ng sakit na AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome na nakukuha sa hindi-ligtas na pakikipagtalik. 5.
WHO (World Health Organization)
– isang ahensya ng Nagkakaisang Bansa (UN) na tumutulong sa pagpapabuti sa kalagayan ng kalusugan 6.
Maternal
– hinggil sa ina o paggiging ina. 7.
POPCOM (Population Commission)
– isang ahensya ng gobyeno na namamahala at tumutulong sa pagbuo ng mga patakarang may kinalaman sa populasyon. 8.
Social Stigma
– ang tawag sa pagkakaroon ng tatak ng “kahihiyan sa lipunan.” 8|Page
9.
Gender role
– bahaging ginagampanan o ang papel ng kasarian sa isang tao. 10.
Nutritional deficiency
– kakulangan ng karampatang kalusugan ng isang tao. 11. Menarche – unang buwanang dalaw ng isang babae. 12. Maternal Mortality Rate – ang bilang ng mga batang naipapanganak sa isang araw. 13. Reproductive Health (RH) - tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang pisikal, pangkaisipan at panlipunan, na may kinalaman sa reproductive system, paraan at proseso nito. Nakapaloob dito ang karapatan ng mga tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili ng nais nilang paraan ng pagpaplano ng pamilya na naaayon sa batas, ligtas, epektibo at abot-kaya. Sinisiguro rin nito ang mga serbisyong pangalusugan na magsisiguro sa ligtas na pagbubuntis at panganganak ng mga kababaihan. 14. RH Law (Reproductive Health Law) - House Law 4244 o kilala rin A Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and for other purposes. isang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat.Ipag-uutos nitong magtakda ang estado ng pangkalahatang pondo upang maipatupad ang isang pambansang programang pangreporduktibo, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Kabilang dito ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak. Nais din ng panukalang batas na bigyan ang mga mag-asawa ng angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas, epektibo, at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang
9|Page
mga may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya.
10 | P a g e
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
11 | P a g e
Kabanata II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados Unidos ay nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao. Samantala, Sa Britanya naman, may legal na depenasyon kung saan ang isang babae ay sinasabing “maagang nagbubuntis” kung siya ay nabuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan. Ang terminolohiyang ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa isang babae na wala pa sa legal na edad, na nagkaka-iba-iba sa iba’t-ibang parte ng mundo, na nabubuntis. Ayon pa rin sa Wikipedia, ang average na edad ng “menarche” (unang buwanang dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12.5 taong gulang, pero ito ay nag iiba-iba parin ayon sa etnisidad at timbang ng isang babae, at ang unang obyulasyon ay nanatiling hindi regular hanggang ilang buwan matapos ang “menarche.” Sa kasalukuyan, ang average na edad ng menarche ay patuloy na bumababa. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng kakayahan na manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis, hindi pa rin dapat isawalang bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa pagbubuntis ng isang dalaga. Sa isang pananaliksik ni Robertson et al, nagawa niyang alamin ang mga impormasyon na sumusuporta sa “teenage pregnancy” bilang isang isyung sosyal sa mga mayayamang bansa. Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan, kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga mayayamang bansa, ang “teenage pregnancy” ay nagdadala ng “social stigma” o ang kahihiyan sa lipunan sa karamihan ng mga komunidad at kultura. Sa mga dahilang ito, nagkaroon ng mga pag- aaral at kampanya na naglalayong alamin ang mga dahilan at limitahan ang numero ng maagang pagbubuntis. Sa ibang mga bansa at kultura, partikular sa mga hindi pa gaanong masaganang mga bansa, ang
12 | P a g e
teenage pregnancy ay saklaw ng kasal at hindi nagdadala ng “social stigma.” May isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation, sinabi na ang maagang pag-aasawa at ang mga tradisyunal na “gender roles” o ang bahaging ginagampanan ng kasarian sa isang tao ay kabilang sa mga importanteng salik na nakakaapekto sa dami ng mga babaeng maagang nagbubuntis. At sa mga sociedad na hindi karaniwan ang maagang pag- aasawa, ang maagang pagkakaroon ng karanasang sekswal at ang kakulangan sa paggamit ng mga kontraseptib ang mga dahilan. Ayon pa rin sa naturang pag-aaral, gumawa sila ng sarbey tungkol sa sekswal na gawain ng mga kabataan na kung saan 29% ng mga teenager ang nagsabing nahihikayat sila na makipagtalik, 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong sekswal ang nagsabing sila ay “nasa isang relasyon na kung saan sila at ang kanyang karelasyon ay gumagawa ng mga sekswal na gawain”, at 24% ang “gumawa ng gawain na sekswal na hindi naman nila talaga gustong gawin”. Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang mga ipinagbabawal na gamot na nakakabawas sa mga inhibisyon ng isang tao ay isa marahil sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal na gawain. Ayon kay Leonard Sax, isang doctor at manunulat tungkol sa sekswalidad, ang mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay “nakakatanggal ng hiya at sakit.”
Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians, ang “maternal” at “prenatal” na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin lalo na sa mga dalagang nagdadalang-tao. Ang pandaigdigang insidente ng hindi napapanahong pagsilang ay mas mataas sa mga dalagang ina. Mayroong mga pananaliksik na nagsasabing ang mga dalaga na nagdadalang-tao ay karamihang hindi nakakatanggap ng “prenatal care” o ang karampatang pagaalaga bago manganak, at kadalasang nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na ng pagbubuntis. Ang Guttmacher Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 13 | P a g e
ng mga nagbubuntis na dalaga ay hindi sapat ang tinatanggap na “prenatal care” at ang kanilang mga anak ay ang madalas na dumaranas ng iba’t ibang mga sakit, kumpara sa mga anak ng mga mas nakatatandang mga ina. Marami sa mga nagbubuntis na dalaga ay mas may posibilidad na makaranas ng mga “nutritional deficiencies” o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng hindi sapat o hindi masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito, kasali na ang mga ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng pagdidyeta, hindi pagkain sa tamang oras, at iba pa. Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas malaking problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa. Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong 70,000 mga dalaga sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World Health Organization (WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis sa mga babaeng edad 15-19 kumpara sa mga babaeng edad 20-24. Ang “maternal mortality rate” na ito ay tinatayang mas mataas ng limang beses sa mga babae edad 10-14 kumpara sa mga edad 20 pataas. Ayon pa rin sa WHO, ang maging dalagang ina sa isang industriyalisadong bansa ay isang disadvantage dahil ito ay maaring makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang ina ay may mas malaking tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon paman, napag- alaman sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa pag-aaral bago pa man sila mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi rin malayo ang tsansa na makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan. Isang pag-aaral noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na nagsilang ng sanggol sa kanilang kabataan ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya 10-12% ay kadalasang nagpupursige ng post-secondary na edukasyon 14-29% mas kadalasan sa mga babaeng naghintay magbuntis hanggang sa edad na 30. Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili (alienation) mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa 14 | P a g e
karagdagan, ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mga problema sa isang batang relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang ina ay wala nang lalakeng kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang kalungkutan at problemang pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na masangkot sa hindi kaaya-ayang mga relasyon. Sa kasamaang palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na “social stigma”. Ang kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng isang batang ina tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pagiging ina, at pati na rin sa kanyang pagkatao. Ang mga negatibong pananaw (negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging batang ina ay nagdudulot ng pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili. Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa nagdadalang tao, mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Ayon sa Kaiser Family Foundation, ang masamang epekto ng pagiging batang ina ay makikita o mapapansin sa paglaki ng sanggol. Ang pagkakaroon ng kapansanan sa paglaki na maaaring sa pagiisip at mga kaibahan sa pagu-ugali ay mas mataas sa mga batang isinilang ng mga batang ina. Isang pag- aaral ang nagmungkahi na ito ay dahil sa kadahilanang ang mga batang ina ay paminsan- minsan lamang ginigising ang pakiramdam (iniistimulate) ng kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng paghawak, pagngiti, pakikipagusap, at ang pagiging maselan sa pagkilala ng nga pangangailangan ng kanyang sanggol. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga batang ina ang hindi gaanong magandang pagganap sa paaralan. Marami sa kanila ay tipikal lamang, ang iba naman ay hindi nakakapagtapos ng sekondarya, mayroon ding mga bumabalik sa antas na hindi nila naipasa, at marami din ang nakakakuha ng mababang mga marka sa mga pagsusulit. Ang mga anak na babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na maging batang ina rin sa kanyang paglaki. Ang mga anak na lalaki naman ng isang batang ina ay kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay nakukulong pa.
15 | P a g e
Sa Pilipinas, ang teenage pregnancy ay patuloy na tumataas at patuloy na nangangailangang pagtuunan ng pansin. Sa kasalukuyan, lalo pa ring tumataas ang bilang ng mga batang babae na nagiging ina at karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ang mga nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyon tulad ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina. Ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng karanasang sekswal ng mga kababaihan ayon kay Bempechat ay: Pananaw sa Kinabukasan. Ang mga kabataan na nawawalan ng pag-asa sa kanilang kinabukasan ay mas madalas na nabubuntis ng maaga kaysa sa mga kabataang naniniwala sa kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay. Mababang Pag-ganap sa Paaralan. Mayroong malaking kaugnayan ang mababang pag-ganap sa pagaaral sa pagkakaroon ng karanasang sekswal at pagbubuntis ng maaga. Kakulangan katawan.
sa
kaalaman
ng
Reproduksyon
ng
ating
Hindi pagkakaintindihan, maling palagay at kakulangan sa kaalaman ng kapaligiran ay may ginagampanang importanteng bahagi sa “teenage pregnancy.” Ang mga paniniwalang ang unang paggawa ng sekswal na gawain ay hindi nagdudulot ng pagkabuntis ay lumalaganap. Impluwensya sa Pamilya. Ang “teenage pregnancy” ay iniuugnay sa mababang edukasyon ng mga magulang. Karamihan sa mga kababaihang nabubuntis ng maaga ay galing din sa mga inang nanganak sa kanilang kabataan.
16 | P a g e
Ang mga nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyong tulad ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina. Ilan sa mga kumplikasyong maaaring makuha ng ina at ng sanggol ay malnutrisyon, mababang timbang, pagkawala sa tamang pag-iisip, atbp. Ang mga sanggol na naipanganak sa mga inang nabuntis ng maaga ay kadalasang mas mababa ang timbang at kadalasang namamatay sa kanilang unang taon ng pagkabuhay kung ihahambing sa mga sanggol na isinilang sa mga inang nasa sapat na gulang na. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapahiwatig na hindi sapat ang mga impormasyong ibinibigay sa publiko na napapatungkol sa teenage pregnancy at hindi sapat ang ibinibigay na kahalagahan sa kalusugan ng mga nagbubuntis at mga ina. Tayo ngayon ay nahaharap sa nakakasilaw na katotohanan na sa napakamurang edad, marami sa mga batang babae ngayon ay mayroon nang mga anak. Ayon sa National Demographic and Survey (2003), isa sa apat na mga babae ay nagiging ina sa edad na 19, habang apat sa sampung babae 20-24 taong gulang ay nagkaroon na ng karanasang sekswal. Dito sa kabataang populasyon na ito, ang mayorya ay hindi pa rin kasal 83.1% ay naglilive-in kasama ng kanilang mga kapares at 2.6% ang hindi magkasama. Ang dami o rate ng pagbubuntis ay tumataas mula 25% hanggang 50% sa panahong ang mga babae ay edad 20-24. Higit sa numero, ang teenage pregnancy ay isang rason ng pag-aalala dahil sa espesyal na role na ginagampanan ng mga kabataang babae sa sociedad. Samakatwid, ang mga masasmang epekto ay patuloy na dumarami at patuloy na lumalala. Masakit isipin, pero ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi alam ang gagawin kung sila ay napupunta sa mga sitwasyong tulad nito. Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, representatib ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa Pilipinas, napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon 17 | P a g e
tungkol sa sekswalidad. Samakatwid, naniniwala ako na ang pagtatalakay sa usaping sekswal ay isa pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa.” Paradim ng Pag-aaral Teenage Pregnancy
Tarlac
Sa Kabataan (Mga Nene) Pag-aaral
Kinabukasan
Kalugusan
Kalagayang Sosyal
Nakapag-aral pa rin
Pamilya
Kaibigan
Tumigil Na
Komplikasyon Sa Ina
Sanggol (bata)
Sa Sanggol(bata) Sa Simbahan
Ama At Ina Sa Lipunan
Sa pananaliksik na ito, ipinapakita ng figura I ang mga posibleng epekto ng maagang pagbubuntis (“teenage pregnancy”) sa mga kabataang pumasok sa nabanggit na suliranin ng ating bansa.
18 | P a g e
Kabanata III: Pamamaraan
19 | P a g e
Kabanata III Pamamaraan Disenyo ng pananaliksik Descriptive-status ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang pamamaraang ito ng pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin ang mga tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at mga kasalukuyang kondisyon. Ito ay isang paraan ng kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang mga umiiral na kondisyon sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral. Respondente Ang naturang sarbey at ipamahagi sa 20 na mga tagatugon na kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan: a.) Mga kababaihan sa Lungsod ng Tarlac b.)Nagbuntis o nagkaanak sa edad na 15-19. Instrumento Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-aaral ay isang sarbey kwestyuner. Ang mga babae ay gagawing sabjek ng sarbey. Sila ay pasasagutin sa kwestyuner at pagkatapos ay magkakaroon ng pakikipanayam tungkol sa kanilang buhay-ina. Paraan ng pangangalap ng Datos Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa paggawang talatanungan at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupanng mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga mananaliksik. Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal napinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sabawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang
20 | P a g e
mga instrumento at inihambing ang mga sagotng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan Tritment ng mga Datos Ang analisis at ang pagsalin sa mga datos para maging pamilang na impormasyon (numerical data) ay gagamit ng “percentage” at “mean” upang makuha ang ninanais na detalye. Ang mga ito ay itutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod: A. Percentage %=f/n x 100 Kung saan: % = kainaman (percentage) f
= dami ng mga sumagot sa tanong
n = kabuuang bilang ng mga babae B. MEAN x= ∑ Kung saan:
x= mean (katamtamang dami) ∑x= kabuuang dami mga babaeng sumagot sa particular na tanong. n = kabuuang dami ng sagot
21 | P a g e
Pagtatalakay ng mga Datos Talaan I: Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad EDAD
DALAS
PORSYENTO %
15 16 17 18 19
2 6 5 4 3
10% 30% 25% 20% 15%
Kabuuan
20
100%
Ang Talaan 1 ay nagpapakita na kadalasan sa maagang pagbubuntis ay nasa edad 16 na siyang nakakuha ng pinakamalaking porsyento na 30. Ang sumunod naman ay sa gulang 17 na may 25%. Samantalang ang pinakamaliit na porsyento ay sa edad na 15% at edad 15 na 10%. Pinapakita lang ng talaang nabanngit ay Talaan II: Distribusyon ng mga Respodente Ayon sa Pinakamataas na Antas ng Pag-aaral na Natapos Pinakamataas na antas ng pagaaral na natapos
DALAS
PORSYENTO %
Gradweyt ng Elementarya
13
65%
Gradweyt ng Hayskul Gradweyt ng Kolehiyo
7
35%
0
O%
Kabuuan
20
100%
Ang Talaan II ay ipinapakita ang kadalasan antas ng natatapos ng maagang pagbubuntis.Ang pinakamalaking porsyento ay nagtapos lamang sa Elementarya sa 65% at ang ikalawa ay Gradweyt ng Hayskul sa 35 % samantala nakakuha ng “0” porsyento na walang nagtapos sa antas ng kolehiyo. Tunay ngang ang maagang nabubuntis ay sadyang napapatigil sa kanilang pag-aaral sa kadahilanang mas gusto na lang nila 22 | P a g e
manatili sa kanila bahay at hintayin lumabas ang kanilang nasa sinapupunan.Tunay ngang napakalaking problema ng “teenage pregnancy” na nagbibigay malaking epekto sa atin bansa. Talaan III: Epekto ng maagang Pagbubuntis sa Pag-aaral Dalas
Mga Tanong
Porsyento
Oo
Hindi
Oo
Hindi
1. Ikaw ba ay huminto sa iyong pag aaral?
17
3
15%
2. Ikaw ba ay naiinspara para mag- aral?
5
15
3. Kung ikaw ay nag-aaral pa, ikaw ba ay nakararanas ng diskriminasyon sa paaralan? 4. Kung ikaw ay nag-aaral pa, ikaw ba ay nahihirapan sa iyong pag- aaral habang nagbubuntis? 5. Dumating ba sa isip mo na gusto mong ipalaglag ang bata?
2
18
85 % 25 % 10 %
2
18
10 %
90%
0
20
0%
100 %
75% 90%
Ang Talaan III ay pinapakita ang kadalasang epekto ng maagang pagbubuntis sa pag-aaral .Kadalasang Umihinto ang mga kabataang maagang nagbubuntis na kung saan sa mga nagpagtanungan naming ay sumagot Oo sa bilang na 17 sa porsyentong 85% at sumagot ng Hindi sa bilang na 3 sa porsyentong 15% lamang.Pinapakita din sa Taas na Hindi na sila nainspara para mag-aral habang sila’y nagbubuntis. (18 ang nagsabing hindi sa porsyentong 90% samantala 2 lamang ang sumagot Oo sa porsyentong 10%) .Sa dalawang sumagot na nainspara na aming napagtanungan ay nakaranas ng diskriminasyon habang sila’y nag-aaral na may dalang tao at nahirapan din sila kanilang pag-aaral habang sila’y nagbubuntis.Walang o ni hindi man daw sumagi sa dalawampung kababaihan na ipalaglag ang kanilang nasa sinapupunan.
23 | P a g e
Talaan IV: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kalagayang Sosyal Mga tanong
1.Ikaw ba ay masaya sa iyong kalagayan ngayon? 2. Nagbago ba ang pagtingin sa iyo ng iyong pamilya pagkatapos mong mabuntis sa murang edad? 3. Nagbago ba ang pagtingin sa iyo ng iyong mga kaibigan at kakilala pagkatapos mabuntis? 4. Sa palagay mo, nawalan ba ng respeto ang ibang tao sa iyo? 5. Nakaranas ka ba ng diskriminasyon sa lipunan?
DALAS
PORSYENTO %
Oo 20
Hindi Oo Hindi 0 100% 0%
3
17
15%
85%
4
16
20%
80%
6
14
30%
70%
6
14
30%
70%
Sa Talaan IV, pinapakita ang kadalasang epekto ng maagang pagbubuntis sa aspetong social .Pinapakita sa taas na naging masaya sila sa kalagayan ngayon sa kadahilanang manganak at makita ang kanilang anak ay napawi ang lahat ng hirap na kanilang nararanasan at nagkaroon ng kasiyahan.Tatlo lamang ang sumagot na nagbago ang kanilang pamilya ng sila’s maagang nabuntis sa kadahilanang marami pang gusto matupad ang kanilang mga magulang sa kanila (sa porsyentong 15%) samantala labing pito ang sumagot sa poryentong 85% na aming napagtanungan ay hindi daw nagbago ang pagtingin na kanilang pamilya bagkus sila’y naging suportado na lang at sila’y tinutulungan pa .Labingpito sa porsyentong 80% ang sumagot na hindi daw nagbago ang kanilang na mga kaibigan samantala 20% lamang sumagot oo nagbago ang kanilang kaibigan .Sa dalampung taong aming napagtanungan 70% ang sumagot na hindi nawalan ang respeto ng ibang tao sa kanila at 30% ang sumagot Oo nawalan ng respeto ang ibang tao sa kanila,di naman lingid sa kaalaman na konserbatibong bansa tayo at sa dahilang 24 | P a g e
iyon marami ang nangmamata o nanglalait ng pagkatao kapag maagang nabuntis kaya sa mga napagtanungan naming ay 30% ang sumagot na nakaranas sila ng diskriminsyon sa lipunan kanilang ginagalawan. Talaan V: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kinabukasan
Mga tanong 1. Ikaw ba ay mayroong mga plano noong ikaw ay dalaga pa na hindi natupad dahil sa iyong pagbubuntis? 2. May balak ka pa bang tuparin ang mga planong ito? 3. Mas mahirap ba ang buhay ngayon kumpara sa dati? 4. May plano ka bang bigyan ng magandang kinabukasan ang iyong anak? 5. May plano ba kayong magsama ng iyong partner sa pagpapalaki ng bata?
DALAS Oo 20
PORSYENTO % Hindi Oo Hindi 0 100% 0%
14
6
70%
30%
17
3
85%
15%
20
0
100% 0%
19
1
95%
5%
Ang Talaan V,pinapakita ang kadalasan epekto sa mga kabataang maagang nagbubuntis sa kanilang kinabukasan.Una Lahat ng napagtanungan naming ay sumagot na Oo may mga plano sila nung dalaga pa sila na hindi ngayong nagbubuntis sila.Sa dalampung kababaihan tinanung naming ay kung may balak pa ba silang tuparin ang mga planong iyon 70% ang sumagot Oo kung may pagkakataon samantala 30% na wala na silang balak.Sa kanilang pagbubuntis 85% ang sumagot na mas mahirap daw ang kanilang buhay ngayon kaysa nung dalaga pa sila samantala 15 % LAMANG ang sumagot na hindi. Sa lahat ng napagtanungan naming at sainyong nakikita sa talaan na may plano silang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang magiging anak.95% naman ang may planong makisama sa naging ama o partner sa pagpapalaki ng bata at 5% lamang ang sumagot na wala silang planong makisama sa kanilang partner. 25 | P a g e
Talaan 6: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kalusugan Mga Tanong 1. Maayos ba ang iyong pagbubuntis? 2. Matapos manganak, kumakain ka pa ba ng sapat? 3. Malusog ba ang bata ng naipanganak? 4. Pagkatapos manganak, nakaranas ka ba ng mga komplikasyon? 5. Kaya mo bang bigyan ng sapat na sustansya ang bata?
Dalas Porsyento% Oo Hindi Oo Hindi 20 0 100% 0% 19
1
95%
5%
20
0
100% 0%
15
5
75%
25%
19
1
95%
5%
Sa Talaan VI, Pinapakita ang kadalasang epekto ng maagang pag-aasawa sa kanilang kalusugan.Sa lahat n gaming nagpagtanungan 100% ang sumagot na maayos ang kanilang pagbubuntis hangga’t ng sila’y nanganak.95% ang nagsabi na kumakain pa sila ng sapat at 5% ang nagsabing hindi na sila kumakain bukod sa pag-iisip na kanilang makakain ay isa pa nilang iniisip ay paggatas ng bata na kung saan sila’y kinakapos. 100% naman ang ipinangak ang kanilang anak na malusog.75% ang nakaranas ng komplikasyon habang sila nagbubunti at 25% lamang hindi nakaranas ng komplikasyon.95% ang nagsabi makakaya nilang bigyan ng sapat na sustansya ang bata samantala tanging 5 porsyento laman ang nagsabing hindi nila kayang bigyan.
26 | P a g e
Bibliograpi
27 | P a g e
Bibliograpi [*]http://www.wikipedia.com/teenagepregnancy_html [*]D Robertson, R Andrews, P Buttner, G Byrnes, R Speare (2001) Teenage Pregnancy as a Social Stigma in Delhi, India, Journal of Maternal and Child Care, p. 33 [*]http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_h tml [*]American Academy of Physicians and Obstetricians.(2003 Pregnancy Guidelines: Pregnancy and Maternal Health. Accesses at: www.findarticles.com/cf_dls/m3225/6_67/article.jhtml [*]http://who.org/motherhood-teenage/research_html [*]Eileen Donnelly, Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991, Vol. 8, No. 2, Pages 85-94 [*]Janine Bempechat, Abuse:Sources of Problem
Teenage
Behaviors, arttikulong http://www.ericdigests.org/pre-
Pregnancy
nakuha
and
mula
Drug
sa
9214/drug.htm [*]Eileen Donnelly, Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991, Vol. 8, No. 2, Pages 85-94 [*]Bempechat, loc cit. 16Carlo P. Mallo, Lack of Accurate Info ups Tenage Pregnancies, artikulong nakuha sa sunstar issue noong Pebrero 23, 2008 na nakuha mula sa http://www.sunstar.com.ph [*]htpp://who.org/philippineissuesonpregnancy_html [*]Berenberg, Samuel R., et al. The Modern Book of Infant Child Care: A Practical
28 | P a g e
[*]Guide for Young Mothers. 1992. New York: Bartholomew House Inc. Benjamin, Leslie. Teenage Parenthood: The School’s Response. 1987. Indiana: Phi Delta Kappa Educational Foundation [*]Clark, Ann L. Childbearing: A nursing Perspective. 1994. Philadelphia: F.A. Davis Kosmak, George William. The Toxemics of Pregnancy. 1993. New York: Appleton Nattow, Anette B. The Pregnancy Nutrition Counter. 1992. New York: Pocketstar Books, Inc [*]Nelson, Reuben E. Dear Mother tc-bc: Prental Care of the Expectant Mother. revised edition, 1996. Manila: Philippine Publishing House, Inc. Stopperd, Miriam. Conception, London: D. Kindersley
Pregnancy
and
Birth.
2000.
[*]Wiggins, Jayne D. Childbearing: Physiology, Expenses, Needs. 1979. St. Louis: C.V. Mosby [*]http://www.globalpinoy.com/pinoyhealth/ph_feature/FED1100 6.php [*]http://www.iht.com/articles/2005/05/15/news/phils.phpv [*]http://www.pia.gov.ph/?m=12&fi=p060712.htm&no=57 [*]http://www.popcom.gov.ph/sppr/suppr01/sppr/chap3_3_5.htm
29 | P a g e
Appendix
30 | P a g e
Appendix Nilalaman nito ang aming sarbey “form” na aming ginamit upang makakalap kami ng datos upang magamit sa aming pamanahong papel . Ang mga sumusunod ay mga katanungan inyong sasagutin para sa amin pamanahonang papel upang makakalap ng tiyak na impormasyon na manggagaling sa inyong pagsagot : I. Edad: Natapos (sa pag-aaral) : II. 1. Ikaw ba ay huminto sa iyong pag aaral? 2. Ikaw ba ay naiinspara para mag- aral? 3. Kung ikaw ay nag-aaral pa, ikaw ba ay nakararanas ng diskriminasyon sa paaralan? 4. Kung ikaw ay nag-aaral pa, ikaw ba ay nahihirapan sa iyong pag- aaral habang na 5. Dumating ba sa isip mo na gusto mong ipalaglag ang bata? gbubuntis? III. 1.Ikaw ba ay masaya sa iyong kalagayan ngayon? 2. Nagbago ba ang pagtingin sa iyo ng iyong pamilya pagkatapos mong mabuntis sa murang edad? 3. Nagbago ba ang pagtingin sa iyo ng iyong mga kaibigan at kakilala pagkatapos mabuntis? 4. Sa palagay mo, nawalan ba ng respeto ang ibang tao sa iyo? 5. Nakaranas ka ba ng diskriminasyon sa lipunan? IV. 1. Ikaw ba ay mayroong mga plano noong ikaw ay dalaga pa na hindi natupad dahil sa iyong pagbubuntis? 2. May balak ka pa bang tuparin ang mga planong ito? 3. Mas mahirap ba ang buhay ngayon kumpara sa dati? 4. May plano ka bang bigyan ng magandang kinabukasan ang iyong anak? 5. May plano ba kayong magsama ng iyong partner sa pagpapalaki ng bata? V. 1. Ikaw ba ay mayroong mga plano noong ikaw ay dalaga pa na hindi natupad dahil sa iyong pagbubuntis? 2. May balak ka pa bang tuparin ang mga planong ito? 3. Mas mahirap ba ang buhay ngayon kumpara sa dati? 4. May plano ka bang bigyan ng magandang kinabukasan ang iyong anak? 5. May plano ba kayong magsama ng iyong partner sa pagpapalaki ng bata? VI. 1. Maayos ba ang iyong pagbubuntis? 2. Matapos manganak, kumakain ka pa ba ng sapat? 3. Malusog ba ang bata ng naipanganak? 4. Pagkatapos manganak, nakaranas ka ba ng mga komplikasyon? 5. Kaya mo bang bigyan ng sapat na sustansya ang bata?
31 | P a g e
Tala Ukol sa Mananaliksik
32 | P a g e