“Pananaliksik patungkol sa kabisaan ng mga pampagtuturo sa asignaturang Pisika ng mga mag-aaral sa ika-unang taon ng kursong BS Medical Technology nang Far Eastern University- Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation”
Ipriniprisinta sa Far Eastern UniversityDr. Nicanor Reyes Medical Foundation
para sa pag-akomplish ng mga requirements sa asignaturang Filipino
Ipinasa nina Dela Cruz, Paulyn Bianca De Guzman, Claudine Faye Laforga, Princess C. Magpantay, Maria Jhoyce Martelino, Kaye Suyat, Angelie Zarate, John Paul ng Ika-Unang Taon BS Medical Technology Seksyon M, Ikalawang Semester S.Y 2011-2012
Ipinapasa kay Anna Lissa M. Gonzales
“Pananaliksik patungkol sa kabisaan ng mga pampagtuturo sa asignaturang Pisika ng mga mag-aaral sa ika-unang taon ng kursong BS Medical Technology nang Far Eastern University- Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation”
Ipriniprisinta sa Far Eastern UniversityDr. Nicanor Reyes Medical Foundation
para sa pag-akomplish ng mga requirements sa asignaturang Filipino
Ipinasa nina Dela Cruz, Paulyn Bianca De Guzman, Claudine Faye Laforga, Princess C. Magpantay, Maria Jhoyce Martelino, Kaye Suyat, Angelie Zarate, John Paul ng Ika-Unang Taon BS Medical Technology Seksyon M, Ikalawang Semester S.Y 2011-2012
Ipinapasa kay Anna Lissa M. Gonzales
Marso 2012 “Pananaliksik patungkol sa kabisaan ng mga pampagtuturo sa asignaturang Pisika ng mga mag-aaral sa ika-unang taon ng kursong BS Medical Technology nang Far Eastern University- Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation”
Ipinasa nina Dela Cruz, Paulyn Bianca De Guzman, Claudine Faye Laforga, Princess C. Magpantay, Maria Jhoyce Martelino, Kaye Suyat, Angelie Zarate, John Paul ng Ika-Unang Taon BS Medical Technology Seksyon M, Ikalawang Semester S.Y 2011-2012
_______________________ Lagda ng propesor
_______________________ Petsa
Tinanggap at Inaprobahan para sa pag-akomplish ng requirement ng asignaturang Filipino na may gradong _________ ngayong _________
PASASALAMAT
Ang pananaliksik na ito ay tunay na pagsubok subalit ang tagumpay na natamasa ay isang malaking gatimpala sa mga tagapananaliksik. Kami’y lubos na nagpapasalamat sa aming mga magulang para sa kanilang walang humpay na suporta sa moral at pinansyal na aspeto. Para kay Ma’am Anna Lissa M. Gonzales, ang aming propesor sa asignaturang Filipino sa pagbibigay ng kumento at paghubog ng aming mga ideya sa aming thesis. Para kay Ma’am Rose Marie O. Mendoza, na nagbigay sa amin ng ideya at suhestiyon sa aming napiling paksa. Para kay Sir Geronimo J. Fiedelan Jr., na nagbigay sa aming ng mga kinakailangan naming impormasyon tungkol sa asignaturang pisika. Para sa aming mga kaklase at kaibigan, sa kanilang mga ideya at totoong kumento sa aming nasaliksik. At higit sa lahat, gusto naming magpasalamat sa Poong Maykapal sa simula pa lang nandyan na siyang gumagabay sa amin at lagging nagbibigay lakas loob at tiyaga sa amin upang matapos ito.
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina Pamagating Pahina Dahon ng Pagpapatibay Pasasalamat Abstract Talaan ng Nilalaman KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Hypothesis Layunin ng Pag-aaral Kahalagaan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Depenisyon ng mga terminolohiya KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA KABANATA 3: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pananaliksik Respondente Instrumento ng Pananaliksik Tritment ng mga Datos KABANATA 4: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS KABANATA 5: LAGOM, KONGKLUSYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Lagom Kongklusyon Rekomendasyon Listahan ng Sanggunian Apendiks Curiculum Vitae
TALAAN NG MGA TALAHAYAN AT GRAP
ABSTRACT
Ang asignaturang Pisika ay isang pag-aaral ng mga pisikal na pangyayari sa mundo, mga interaksyon na nagaganap sa mga bagay-bagay at enerhiya nakasaklaw rito. Upang lubos na ito’y maunawaan kinakailangan gamitang ng mga kagamitang pampagtuturo. Ang mga ito ay nagsisilbing instrumento sa pagpapalawig ng kaalaman bilang pantulong sa mga guro upang malinawan ang mga estudyante nito.
KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Hangga’t may taong nabubuhay patuloy ito sa paghahanap ng mga sagot sa mga katanungan nila. At sa paglipas ng panahon, ilan dito ay unti- unti ng natutuklasan ang mga posibleng kasagutan. Marahil, dahil na rin ito sa pag-unlad ng syensya. Pagdating sa syensya, ito ay naghahanap ng mga paraan at iba’t ibang datos na makakatulong sa pagpapadali ng buhay ng tao at masagot ang mga kuro-kuro gumugulo sa isipan nito.
Isa sa mga aspeto nito ang Pisika. Ito ay isang pag-aaral na kinasasangkutan ng mga bagay bagay at mosyon na kaugnay sa mga konseptong gaya ng enerhiya at pwersa. Sa madaling salita, ito ay isang pangkalahatang analisis at pagsisiyasat ng kalikasan upang maunawaan ang galaw ng mundo at iba’t ibang bagay. At sa pag-aaral nito kinakailangan ng mga iba’t ibang kagamitang pampagtuturo upang lubos na ito’y maunawaan.
Ang mga kagamitang pampagtuturo ay mga instrumento na nakakatulong sa mabisang pag-intindi ng mga bagay- bagay. Kaya’t ang mga mananaliksik ay napagpasyahang na gumawa ng isang pag-aaral ukol sa kabisaan ng kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika.
Paglalahad ng Suliranin
Ang
sumusunod
na katanungan
ay naglalayon
makapagbigay
ng
impormasyon o datos ukol sa pagkakaroon ng kagamitang pampagtuturo o teaching materials sa asignaturang pisika:
1. Anu-ano ang demograpik na propayl ng mga respondente?
1.1.Pangalan 1.2.Edad 1.3.Kasarian 1.4.Paaralan
2. Anu-ano ang karaniwang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Pisika?
2.1.
Kagamitang Pansukat
2.2.
Kagamitang Panimbang
2.3.
Projectile Kit
2.4.
Air Track Device
2.5.
Force Table
3. Anu-ano ang kahalagahan ng mga kagamitang pampagtuturo? 3.1.
Nagbibigay karagdagang kaalaman
3.2.
Nagpapakita ng aktwal na proseso
3.3.
Nagpapadali ng komprehensyon patungkol sa paksa
3.4.
Kumukuha ng interes ng mga mag-aaral
4. Anu-ano ang mga karaniwang naidudulot ng mga kagamitang pampagtuturo? 4.1.
napapadali ang pagtuturo
4.2.
mas naiintindihan ang mga pinag-aaralan
4.3.
aktibong partisipasyon sa klase
4.4.
nagiging produktibong pamamaraan ng pagkatuto
Hypothesis
1.
Ang mga kagamitang pampagtuturo ay anumang bagay na karaniwang ginagamit ng mga guro sa silid- aralan upang masuportahan ang kanilang layuni sa pagtuturo hango sa kanilang lesson plan.
2.
Nakakaapekto ang kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Pisika sa pamamagitan ng paggamit at pagpapahalaga ng mga mag-aaral dito upang mas maintindihan ang nasabing paksa.
3.
Ang pakikinig sa guro ay hindi sapat na batayan ng pagkatuto, kinakailangan dito ang mga bagay na makikita at mahahawakan upang mas mapahalagaan ang pagaaral ukol sa paksa.
4.
Ang kagamitang panturo ay nagpapalawig ng kaalaman bilang pantulong ng mga guro para sa mga mag-aaral upang makakuha ng atensyon sa mga ito.
Kahalagaan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay para malaman ang posibleng paraan na mabilis na pagkatuto ng asignaturang pisika. Ang mga mananaliksik ay naglalayon makahanap ng pinkamabisang paraan at pinakaepektibo at produktibo na pagkatuto sa nasabing asignatura. Dito binibigyang kasagutan ang ilan sa mga katanungan na naging hadlang upang palawakin ang mga kagamitang ginagamit sa pagtuturo.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon mai-verify ang posibleng kabisaan ng kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Ang mga mananaliksik ay naghahanap ng mga posibleng naidudulot ng kagamitang pampagtuturo upang maging angkop ang paggamit sa mga ito at mas mabilis maintindihan ang asignaturang pisika. Sa kadahilanan na, madami sa mga estudyante ang nahihirapan sa nasabing asignatura. Ang epektibong paraan ng pagtuturo ng
asignaturang pisika a nakadepende sa ginagamit na kagamitang pampagtuturo na nakaayon sa lebel ng pagkakaintindi ng mga estudyante.
Depinisyon ng terminolohiya
Pisika-
Ang pisika ang isa sa mga pinakamatandang disiplinang akademika
na marahil ang pinakamatanda sa pamamamagitan nito ng astronomiya. . Ang pisika ay bumabagtas sa maraming mga interdisiplinaryong mga area ng pagsasaliksik gaya ng biopisika at kemikang kwantum at ang mga hangganan ng pisika ay hindi mahigpit na inilalarawan. Ang mga ideya sa pisika ay kalimitang nagpapaliwanag ng mga pundamental na mekanismo ng ibang mga agham habang nagbubukas ng mga bagong pamamaraan ng pagsasaliksik sa mga sakop gaya ngmatematika at pilosopiya. Ang pisika ay gumagawa rin ng malalaking mga ambag sa pamamagitan ng pagsulong ng mga bagong teknolohiya na lumilitaw mula sa mga teoretikal na tagumpay(breakthroughs).
Projectile Kit -
Ang projectile kit ay isang aparato na ginagamit sa
pagpapakita ng paggalaw ng feely-falling body at isang projectile. Ito ay clamped sa isang sulok ng talahanayan at gumagamit ng dalawang koleksyon ng mga lilok na yari sa marmol. Ito rin ay sinamahan ng mga metal sheets - isa para sa FFB at isa para sa panudla. Kapag ginamit mo ito, mapapansin mo na ang dalawang koleksyon ng mga lilok na yari sa marmol ay ilulunsad. Ito ay mahulog sa parehong oras.
Air Track Device -
Ang air track ay isang pang-agham na aparato na ginagamit
upang pag-aralan ang kilos sa mababang pagkikiskisan ng kapaligiran. Ang pangalan nito ay mula sa kaayusan nito. Ang air track ay karaniwang tatsulok na nasa cross-seksyon. Ang cart na may tatsulok na base ay ginagamit upang pagaralan ang kilos sa mababang mga pagkikiskisan ng kapaligiran. Ang air track ay ginagamit din upang pag-aralan ang mga banggaan-parehong nababanat at hindi nababanat. Dahil may kaunting enerhiya nawala sa
pamamagitan ng pagkikiskisan, ito ay naging madali upang ipakita kung paanong ang momentum ay napapanatili bago at pagkatapos ng isang banggaan. Ang air track ay maaari ring gamitin upang kalkulahin ang puwersa ng gravity kapag inilagay sa isang anggulo.
Kagamitang Panukat -
Ang
mga
kagamitang
panukat
na
karaniwang
ginagamit sa asignaturang pisika ay ang iskwala, ruler, at meter stick.
Iskwala-
Ang iskwala ay ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya,
pagtiyak sa lapad at kapal ng tablang makitid at kung nais tandaan ang iswaladong sulok ng bawat bahagi ng kahoy.
Ruler-
Ang ruler ay isang mahalagang tuwid na kagamitan na ginagamit sa
pagsusukat ng haba ng isang bagay at ginagamit upang maipantay ang pagguhit ng mga linya.Ang mga rulers na mahaba ang karaniwang gawa sa kahoy sa isang malawak na hanay ng mga laki.
Meter Stick- Ang meter stick ay isang panukat na isang metro ang haba na minarkahan sa sentimetro at millimeters.
KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Introduksyon
Ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura na nakalap ng mga mananaliksik ay tungkol sa kaligiran ng mga baryabol at pag-aaral na kaugnay rito. Ang mga mananaliksik ay nagbibigay ng mga impormasyon at datos na makakatulong sa pagpapahayag sa mga nagbabasa kung ano nga ba ang epekto ng kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika.
Kaugnay na Literatura
Sa pagtuturo, ayon kay Adeyanju (2003), mahalaga ang visual aids sa lubusang pagkatuto ng mga bata. Para kay kanya: “Learning aids are instructional materials and devices through which teaching and learning are done in schools. Examples of learning aids include visual aids, audiovisual aids, real objects and many others. The visual aids are designed materials that may be locally made or commercially produced. They come in form of wallcharts illustrated pictures, pictorial materials and other two dimensional objects. There are also audio-visual aids. These are teaching machines like radio, television, and all sorts of projectors with sound attributes.”
Ang advertisement ay maaari ring magsilbing visual aid. Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay isa sa mga faktor sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ay nasasalig sa iba’t ibang batayan sa pananaw na sosyokultural. Sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo dapat isaalang-alang ang mga gamit nito, ang objektib, panahon at istilo ng mga wikang gagamitin na naaayon sa kahalagahan ng mga taong nag-uusap at sa hinihingi ng pagkakataon. Ang ikalawa ay ang pananaw na pangkaisipan. Dito binibigyang
pansin ang pagkakaiba ng estudyante sa paraan ng pagkatuto. Ang ikatlo ay ang yumanistik na perspektib. Ang objektib nito ang lubusang malinang ang buong katauhan ng mga mag-aaral.
Para kay Gabuyo (1998), sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo ay kailangang alamin ang karakteristik at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang objektib, balangkasin ang nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay nang maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin ang mga gawain at pidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grapiks.
Ayon kay Transona (2002), walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante.
Tinalakay ni Aquino at Razon (1998) sa kanilang aklat ang kwalipikasyon ng isang mahusay na titser. Ayon sa kanila, matatawag na mahusay ang titser kung nagtataglay sya ng sariling kakayahan at katalinuhan, matapat sa pakikitungo sa kanyang kapwa titser at iginagalang ang karapatan ng bawat estudyante. Kailangan ding may alam sya sa mga prinsipol ng mabuting pagkatuto tulad ng paggamit ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo, motiveysyon, paggawa ng lesson plan, kasanayan sa pagtataya at integreysyon.
Ang pagkatuto para kay Panambo (1997) ay ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo at pag-aaral. Ang pagkatuto ng mga estudyante ay nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ng isang titser. Ang titser ang nababalak at nagpapasya sa pamaraang kaniyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais nyang makamtan ng mga estudyante, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mga estudyante at gayundin sa uri ng paksang-aralin at sabjek na kanyang ituturo.
Sa lektyur ni Francisco (2006) sa “Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” binanggit nya, ayon kay Espiritu, wika ang gamit ng titser sa pagpapaunawa ng nilalaman ng kurso at wika ang gamit ng estudyante upang ipakita ang kanyang pag-unawa at ipahayag ang kanyang iniisip at niloloob. Samaktwid, mahalagang konsiderasyon ang wika sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto.
Payo ni Lumbera (2005) sa mga manunulat sa interbyu sa kanya ng Pinoy Weekly Online: Importante na kilalanin ng isang manunulat na siya ay namumuhay sa ganitong lipunan at kung hindi man siya kumilos para baguhin ang lipunan na iyon, huwag namang maging hadlang sa pagkilos ng ibang tao. Lagi’t lagi, kilalanin ang kanyang kaugnayan sa buhay ng lipunang kanyang kinabibilangan. Sa ganoong paraan, ang kanyang mga tula, kuwento, dula ay uungkat sa mga nangyayari sa ating lipunan at ’yong kanyang odyens na bumabasa sa kanyang mga tula o nanonood ng kanyang dula ay mabigyan niya ng kamalayan na siya ay bahagi ng lipunang inilalarawan sa akda. Sa ganoong paraan ang manunulat ay hindi magiging kuntento na lamang sa paggamit sa wika ayon sa personal niyang kagustuhan.
Sa case study ni Adeyandu (2003) sa “Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching” na mahigit siyamnapung porsyento ng mga gurong sinorvey ay sumang-ayon sa positibong epekto ng pagtuturo na ginagamitan ng iba’t ibang mga kagamitan sa pagtuturo. Pinatunayan nilang 1) mas nauunawaan ng mga estudyante ang mga itinuturo kapag ginagamit nila ang mga kagamitang pampagtuturo sa kanila, 2) nag-iimprovayz sila ng mga kagamitang pampagtuturo kapag kinakailangan, at 3) gumamit sila ng kagamitang pampagtuturo upang maipaunawa ang iba’t ibang konsepto na nangangailangan ng pagpapaliwanag.
Kaugnay na Pag-aaral
Introduksyon
Ang pag-aaral na ito ay nagpapakilala sa mga kagamitang pampagtuturo na karaniwan at pinakaepektibo na makakatulong sa paglinang ng kaalaman sa asignaturang Pisika. Halimbawa ng mga kagamitang pampagtuturo ay ang Manila paper, mikropono at ispiker, powerpoint presentation, etc. Ipinapakita sa pag-aaral na ito kung sapat ba ang paggamit ng mga kagamitang pampagtuturo ng guro upang maintindihan nang mabuti ng mga estudyante ang kanyang tinuturo.
Kaugnay na Pag-aaral Ang mga paksang tinalakay sa mga pag-aaral nina Gastello (1999), Fortuno (1998), Lopez (2001), Mallapre (2004), Mettilla at Metilla (1996), Camaya at mga kasama (2004), Arenas (1995), Alcedo (1998) at Alegre (1998) ay hango sa midiya at nagkakaiba-iba sa ginamit na materyal. Ang kina Gastello, Fortuno at Lopez ay hango sa dyaryo: mula sa dyaryong brodsyit gamit ang mga komikstrip sa unang pag-aaral at mula sa dyaryong tabloyd gamit ang mga artikel sa ikalawa at mga balita sa ikatlo. Ang kina Mallapre, Metilla at Metilla, at Camaya at mga kasama ay hango sa telebisyon gamit ang nobelang popular sa unang pag-aaral at mga edyukeysyonal program sa huli. Ang kay Arenas ay hango sa sine gamit ang pelikula. Samantala, ang kina Alcedo at Alegre ay hango sa libro gamit ang iba’t ibang akda sa unang pag-aaral at mga tula lamang sa huli. Ang mga materyal na nilikom nina Fortuno, Gastello, Mallapre, Alcedo at Alegre ay iklinasifay: ayon sa paksa sa unang tatlong magkakahiwalay na pag-aaral at ayon sa kaisipan sa huling dalawa. Ang pinakamalapit sa kasalukuyang pag-aaral ay ang case study ni Adeyanju (2003) na tinukoy ang persepsyon ng epekto ng mga kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto, at ang pangmaster na tisis ni Transona (2002) na inalam ang kaangkupan ng sanayang-aklat sa kyurikulum ayon sa persepsyon ng mga titser sa Filipino. Tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo rin ang mga pagaaral nina Adeyanju at Transona.
Natutunghayan sa sumusunod na mga paragraf ang detalye ng mga nabanggit na mga kaugnay na pag-aaral. Isa sa mga objektiv ng mga pag-aaral nina Fortuno, Gastello, Alcedo at Alegre ay maikonekt sa edukasyon ang ginawang pag-aaral. Ang kina Fortuno, Alcedo at Alegre ay sa pagtuturo: sa Edukasyong Pagpapahalaga sa elementarya sa una at sa Panitikan sa hayskul sa ikalawa at sa kolij sa huli. Samantala, ang kay Gastello ay pagpapaunlad ng kurikyulum bukod pa sa paglinang sa kakayahan sa pagbasa at sa pagpapahalaga. Tinukoy sa pag-aaral nina Alegre at Gastello ang mga figyurovispits at islang sa mga maikling kwento para sa unang pag-aaral at mga komikstrip sa huli. Tinukoy naman sa pag-aaral ni Arenas ang mga role ng mga babaeng karakter sa mga pelikulang Pilipino at sa pag-aaral ni Gastello ang istilo ng presentasyon ng mga karakter sa mga komikstrip. Sa pag-aaral ni Gastello (1999), sinuri at inalam sa lipunan sa panahong iyon ang 96 na mga komikstrip na ‘Pugad Baboy’ ni Pol Medina Jr. na araw-araw na nailathala sa pahagang The Philippine Daily Inquirer. Batay sa isinagawang pag-aaral, ang mga paksang-diwa ay inilahad sa pagbibigay ng observeysyon at kritikal na pagsusuri sa mga kasamaan at katiwalian sa kalikasan, edukasyon, gobyerno, lipunan at ekonomiya ay ginawang katawa-tawa at hindi obvyus upang hindi maging masakit sa mga pinatutungkulan. Nakitang ang mga pangalang ibinibigay sa mga tauhan ay nababagay sa mga pag-uugaling taglay nila at ang mga taong ito ay nakakasalamuha natin sa araw-araw. Ang paggamit ng mga figyurovispits ay mabisang paraan sa paglalahad at pagpapasigla ng isang awtor upang mapukaw ang kawilihan ng mambabasa. Ang mga islang o balbal na salita na komon na ginagamit ngayon lalo na ng mga kabataan at maging ang mga komon na tao ay isang paraan upang maging riyalistik ang dayalog o usapan sa komikstrip. Ang mga komikstrip na ito ay may kahalagahan sa pagprepeyr sa mataas na level ng edukasyon. Sinuri at pinahalagahan ni Fortuno (1998) ang mga piling sanaysay ni Bella Angeles Abayan na pinamagatang “Maganda ang Buhay” na inilathala at linguhang lumalabas sa pambansang pahayagang Balita, mula Enero ng taong 1996 hanggang Disyembre taong 1997. Sa isinagawang pag-aaral, lumabas na ang apanapu’t walong (48) sanaysay ay naglalarawan ng mga paksang patungkol
sa intelektwal, sosyal at panlipunan, moral at ispiritwal na nagbibigay tuon sa kahalagahan ng karunungan, pag-aaral, determinasyon sa buhay, pag-ibig sa sarili, kapwa at bayan, pagtupad sa tungkulin at paniniwala sa Diyos. Ang 48 sanaysay ay nagtataglay ng mga pagpapahalagang nakapaloob sa DECS CORE VALUES na binibigyang-diin ang pagpapahalagang panlipunan, pagpapahalagang pang-ekonomiya, pagmamahal, katotohanan at pananampalataya. Ang 48 sanaysay ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng layunin ng pagtuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga (EP) na nakapaloob sa paksang intelektwal, sosyal at panlipunan, moral at ispiritwal. Inalam ni Lopez (2001) sa kanyang pag-aaral ang kahalagahan ng pahayagan bilang instrumento ng pag-unawa ng katarungang panlipunan. Batay sa kinalabasan, ang mga katarungang pambata ay mga karapatang para mabuhay, edukasyon, maayos na pamumuhay, pagtangkilik ng sariling pamilya at proteksyon laban sa pag-aabuso; sa katarungang pangkababaihan ay paghawak ng katungkulan, dangal at reputasyon at proteksyong sekswal; sa katarungang pangmagagawa ay maayos na paglilitis, tamang pasahod at pagtanggap ng benifit sa pinagtratrabahuhan. Ang mga dimensyong sosyal ay wastong paggamit at paggalang sa mga nabanggit na katarungan: pagpapahalaga sa karangalan, pantay-pantay na karapatan at pananagutan at katungkulan dapat gampanan. Ang mga epekto ng mga pagpapahayag ng pagkagalit, pagtawag sa ahensyang sangkot at pagbibigay tulong at payo upang maisaayos at maitama ang mga paglabag ng mga katarungang pantao sa lipunan. Si Mallapre (2004) ay gumawa ng pag-aaral tungkol sa “Mga Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga.” Sinuri at binigyang pagpapahalaga ang labin-limang nobelang popular na naipalabas sa ABS-CBN taong 1999-2000 sa pamamahala ni Charo Santos. Batay sa ininagawang pag-aaral, ang mga paksang-diwang nilahad ay pagsisikap na maiangat ang buhay na may sab-tapik na: pagsusumikap at pagtitiyaga, pag-asa sa kapalaran, pagsalig sa kapwa; pagkamatatag na may sab-tapik na: pagkamatatag sa pagharap sa problema sa pamilya, pagkamatatag sa pagharap sa problemang kinasasangkutan ng sarili at pagkamatatag sa pagharap sa nagawang kamalian; katangian ng pag-ibig na my sab-tapik na pag-ibig na matiyaga at magandang loob, pag-ibig na mapang-unawa
at hindi makasarili at pag-ibig na mapagbata at puno ng pagsasakripisyo; pagpapahalagang sosyal na may sab-tapik na: ugnayan sa pamilya, ugnayan sa kapwa at pagpapahalagang katapatan sa pag-ibig. Ang mga kakintalang nakapaloob sa mga nobela ay personal at interpersonal. Inases
nina
Metilla
at
Metilla
(1996)
ang
akseptabiliti
ng
at
pangangailangan para sa lokal na mga edyukeysyonal program sa telebisyon para sa mga bata sa Bicol. Inivalyuweyt ang aveylabiliti ng finansyal, teknikal at manpower resources sa pagproprodyus ng nasabing mga program. Sa pag-aaral, nadiskover na talagang mayroong pangangailangan para sa mga edyukeysyonal program na pantelebisyon na prinodyus sa bansa at katanggap-tanggap ito sa mga vyuwer. Ang telebisyon at ang mga programa na kakikitaan ng karahasan ay may impluwens at nakakapagpahamak sa mga bata. Ang mga lokal at nasyunal na kompani ay parehong nagbigay ng pagsang-ayon sa persepsyon na ang advertayzing ay ifektiv lalo na sa telebisyon. Ang panunuod ng telebisyon nang walang wastong patnubay ay maaaring magpahamak sa mga bata. Kailangan at gusto ng mga magulang at mga bata ng mga programang pambata sa telebisyon na parehong edyukeysyonal at konstraktiv sa kanilang development. Kung mabibigyan ng risonabol na presyo sa komersyal reyts at masisigurado ang vyuwersyip ay wiling na suportahan ng mga kompani ang mga programang pambata sa pamamagitan ng advertayzing. Ang mga potensyal na advertayver at isponsor ng program ay maaaring iimbayt at ipriprizent ang unang episowd ng program upang makuha ang suporta at komitment nila dito. Sa pag-aaral nina Camaya at mga kasama (2004), natuklasang mas pinipili ng mga kabataan sa Sta. Teresita, Iriga City ang mga produkto at serbisyong iniindors ng mga silebriti kaysa sa mga produkto at serbisyong iniindors ng mga disilebriti. Ang mga advertizment sa telebisyon ay mas napapanood ng mga rispondent tuwing praymtaym kaysa sa ibang oras. Natuklasan ring mas kaakitakit sa mga kabataan ang mga advertizment na iniindors ng mga silebriti. May epekto sa paggawa ng desisyon sa pagpili
ng kanilang pangunahing
pangangailangan ang mga advertizment sa telebisyon. Sinuri ni Arenas (1995) ang 14 pelikulang Pilipino na iprinodus at ipinalabas mula 1990 hanggang 1994 at sinubukang iaydentifay at ianalayz ang iba’t ibang
roles ng mga babaeng karakter. Natuklasang 9 sa 23 babaeng karakter ay ina o asawa ang role, 8 ay kabit o girlfriend, 3 ay anak, at 2 ay prostityut. Ang mga pwersang sosyo-kultural na nakaimpluwensya sa paghubog ng mga karakter na babae ay educational background, values orientation sa bahay, at marginalization sa tahanan, trabaho at sa lipunan. Ang mga sosyo-kultural na implikasyon sa iba’t ibang roles ng babae ay nakikita sa dalawang discernable forces tulad ng sa traditionalism at modernism. Sa Philippine setting, ang tingin sa kababaihan ay sabmisiv, konservativ at fultaym na ina. Ang tingin sa modern imij ay asertiv, kariroryented at libereyted. Natuklasan ni Alcedo (1998) batay sa isinagawang pagsusuri naipahayag ang mga kaisipang nakapaloob sa piling elemento ng nobela na patungkol sa mga kaisipang pangmakabayan, pangmakatao, pangmoral at pangkagandahang-asal at pang-intelektwal. Inilahad ang mga kaisipan at mga pagpapahalagang kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan. Ang mga nabuong kongklusyon ay ang mga sumusunod: 1) Ang mga kaisipang nakapaloob ay patungkol sa kaisipang pangmakabayan, pangmakatao, pangmoral, pangkagandahang-asal at pangintelektwal. 2) Ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa nobela batay sa mga kaisipan ay mga pangmakatao, pangmoral, pagpapahalaga sa kabutihang-asal at pagpapahalagang pangkaisipan. 3) Ang mga pagpapahalagang pagkamaka-tao, pagkamaka-Dyos at pagpapahalaga sa pangkaisipan ay magagamit sa pagtuturo kaugnay sa pagtuturo ng mga layunin pang-edukasyon sa pagtuturo ng panitikan sa hayskul. Nilayon ni Alegre (1998) na masuri at mapahalagahan ang dalawampu’t limang tula ni Tinio “A Trick of Mirrors” at maikonekt ito sa pagtuturo ng panitikan sa kolij level. Batay sa isinagawang pagsusuri, nailahad ang mga nilalamang-diwa batay sa iba’t ibang uri ng damdaming nakapaloob sa tula. Naipakita ang paggamit ng mga larawang-diwa at figure of speech sa tula ni Tinio at naikonekt ang mga kaisipang mga larawang-diwa at figure of speech sa pagtuturo ng panitikan sa kolij level. Nadiskover sa pag-aaral na ito na ang mga tula ni Tinio ay may nilalamang-diwa batay sa relasyon ng magulang, mag-asawa at kapwa na naglalahad ng iba’t ibang damdamin at isipan. Ang mga tula ni Tinio ay mayaman sa mga larawang-diwa at mga figure of speech gaya ng ayroni, metafor, epigram,
personifikeysyon,
pagtatanong,
metonimi,
simili
at
pagpapalit-diwa
na
nagpapalitaw sa iba’t ibang damdamin at kaisipang awtor. Sa case study ni Adeyandu (2003) sa “Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching” na mahigit siyamnapung porsyento ng mga gurong sinorvey ay sumang-ayon sa positibong epekto ng pagtuturo na ginagamitan ng iba’t ibang mga kagamitan sa pagtuturo. Pinatunayan nilang 1) mas nauunawaan ng mga estudyante ang mga itinuturo kapag ginagamit nila ang mga kagamitang pampagtuturo sa kanila, 2) nag-iimprovayz sila ng mga kagamitang pampagtuturo kapag kinakailangan, at 3) gumamit sila ng kagamitang pampagtuturo upang maipaunawa ang iba’t ibang konsepto na nangangailangan ng pagpapaliwanag. Bumuo ng sanayang-aklat sa Filipino VI si Transona (2002). Tinukoy nya ang mga nilalaman nito upang mapaunlad ang kasanayang pampanitikan ng mga estudyante sa Filipino IV, at ang iba’t ibang istratijing ginamit na angkop sa paglinang ng vokabyulari, mga kaugnay na aktiviti at pagpapahalaga sa pagsukat ng natamong kaalaman ng mga estudyante. Tinukoy rin nya ang kaangkupan ng binuong sanayang-aklat sa kyurikulum ayon sa pananaw ng 17 titser sa Filipino na nagsilbing mga juror. Ang kinalabasan: 1) Ang nilalaman ng sanayang-aklat ay paglinang ng vokabyulari, pag-usapan, kaugnay na aktiviti at ivalyuweysyon. 2) Ang paglinang ng vokabyulari ay pag-unawa ng mga nilalaman ng panitikan o ang diwang nais ipahiwatig sa akda. Ang pag-usapan ay bahaging nagbibigay ng mga tanong upang lubos na masuri ang akdang pampanitikan at maikintal ang anumang kaisipan o pagpapahalagang dapat matamo ng mga estudyante. Ang kaugnay na aktiviti ay magsisilbing pagpapahalaga sa akdang natalakay. Ang ivalyuweysyon ay ang bahaging pinakasaligan sa pagsukat ng natamong kaalaman ng mga estudyante. 3) Sa pananaw ng mga guro ay angkop na angkop ang sanayang-aklat kyurikulum sa layunin, at sa kawilihan, karanasan at kaayusan. Lagom
Sa kabanatang ito, ang ating pangunahing baryabol ay pinapakita sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa kasaysayan, kabisaan at uri ng mga kagamitang pampagtuturo at mga impormasyon sa asignaturang pisika.
Maliban rito, naipahayag rin ang mga kaugnay na pag-aaral na kung saan ang pag-aaral na ginawa ng mananaliksik ay may koneksyon sa nasabing pag-aaral sa pangunahing baryabol.
KABANATA 3 DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Introduksyon
Sa kabanatang ito, ipriniprisinta ang mga ginamit na paraan upang matukoy ang pinakamabisang kagamitang pampagtuturo o paraan ng pagkatuto sa asignaturang pisika.Ipinapakita dito ang deskriptib- analitik na pagkalap ng datos at impormasyon hinggil sa napiling baryabol.
Respondente
Ang mga mananaliksik ay kumuha ng limampung respondente (50 respondents) para sa sarbey upang matukoy ang kabisaan ng kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Ang mga respondente ay mga estudyante ng Far Eastern University- Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation ng ika- Unang Taon ng Pangalawang semester sa kursong BS Medical Technology. Ang mga respondente ay napili sa paraang random sampling.
Instrumento ng pananaliksik
Ang paraang ginamit ng mga mananaliksik ay sa paraang sarbeykwestyoneyr sapagkat ito ay isa sa madaling paraan ng pagkuha ng impormasyon at datos sa isang deskriptibong pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay kumuha ng limampung respondente upang masagutan ang sarbey na nakapaloob ang ilan katangungan upang malaman ang kabisaan ng kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika.
Tritment ng mga datos
Sa pananaliksik na ito, pinapakita ang mga datos o impormasyon na nakalap sa tulong ng sarbey-kwestyuner tungkol sa kabisaan ng kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika.Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga talahanayan at grap upang makita ang kabisang ng ilang kagamitang pampagtuturo na ginagamit sa asignaturang pisika, ang kahalagaan at mga karaniwang naidudulot ng mga ito.
Lagom
KABANATA 4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Introduksyon
Sa kabanatang ito, ipriniprisinta ang naging kalabasan n gaming nakalap na datos at impormasyon na dumaan sa deskriptib- analitik na paraan. Bago pa man, magsimula ang nasabing pagkalap ng impormasyon o datos, ang mga mananaliksik ay i-vinerify muna ang kahalagaan ng kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Dito napag-alaman na ang kagamitang pampagtuturo ay nakakatulong sa mabilis na pagkatuto ng mga estudyante. Samakatwid, ang mga kagamitang pampagtuturo ay isang instrumento para sa lubos na maintindihan ang mga inaaral sa asignaturang pisika.
Grap 1: Kagamitang Pansukat Bilang Kagamitang Pampagtuturo sa Asignaturang Pisika Sa grap na ito ipinapakita ang porsyento ng respondente na sumasang-ayon at di sumasang-ayon na ang kagamitang pansukat ay isang karaniwang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Sa limampung respondente, 27 respondente (54%) ang lubhang sumasang-ayon, 12 respondente ( 24%) naman ang sumasangayon, 7 respondente (14%) ang bahagyang sumasang- ayon, 2 respondente (4%) ang hindi sumasang-ayon at 2 respondente (4%) ang lubhang hindi sumasang- ayon.
Grap 2: Kagamitang Panimbang Bilang Kagamitang Pampagtuturo sa Asignaturang Pisika Sa grap na ito ipinapakita ang porsyento ng respondente na sumasang-ayon at di sumasang-ayon na ang kagamitang panimbang ay isang karaniwang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Sa limampung respondente, 22 respondente (44%) ang lubhang sumasang-ayon, 12 respondente ( 24%) naman ang sumasangayon, 9 respondente (18%) ang bahagyang sumasang- ayon, 6 respondente (12%) ang hindi sumasang-ayon at 1 respondente (2%) ang lubhang hindi sumasang- ayon.
Grap 3: Projectile Kit Bilang Kagamitang Pampagtuturo sa Asignaturang Pisika Sa grap na ito ipinapakita ang porsyento ng respondente na sumasang-ayon at di sumasang-ayon na ang Projectile Kit ay isang karaniwang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Sa limampung respondente, 14 respondente (28%) ang lubhang sumasang-ayon, 18 respondente ( 36%) naman ang sumasang- ayon, 10 respondente (20%) ang bahagyang sumasang- ayon, 7 respondente (14%) ang hindi sumasangayon at 1 respondente (2%) ang lubhang hindi sumasang- ayon.
Grap 4: Air Track Device Bilang Kagamitang Pampagtuturo sa Asignaturang Pisika Sa grap na ito ipinapakita ang porsyento ng respondente na sumasang-ayon at di sumasang-ayon na Air Track Device ay isang karaniwang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Sa limampung respondente, 10 respondente (20%) ang lubhang sumasang-ayon, 11 respondente ( 22%) naman ang sumasang- ayon, 15 respondente (30%) ang bahagyang sumasang- ayon, 12 respondente (24%) ang hindi sumasangayon at 2 respondente (4%) ang lubhang hindi sumasang- ayon.
Grap 5: Force Table Bilang Kagamitang Pampagtuturo sa Asignaturang Pisika Sa grap na ito ipinapakita ang porsyento ng respondente na sumasang-ayon at di sumasang-ayon na ang Force Table ay isang karaniwang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Sa limampung respondente, 14 respondente (28%) ang lubhang sumasang-ayon, 11 respondente ( 22%) naman ang sumasang- ayon, 12 respondente (24%) ang bahagyang sumasang- ayon, 11 respondente (22%) ang hindi sumasangayon at 2 respondente (4%) ang lubhang hindi sumasang- ayon.
KABANATA 5 LAGOM, KONGKLUSYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Introduksyon Ang mga mananaliksik ay nais ipahayag sa mga mambabasa ang lagom o buod ng pag-aaral sa kabisaan ng kagamitang pampagtuturo sa asignaturang pisika. Nandito rin ang aming kongklusyon na maaring valid o hindi, at rekomendasyon para sa ikakaunlad ng nasabing pag-aaral.
Bibliography Virgilio J. Adeyanju, Teachers Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching: a Case Study of Winneba Basic and Secondary Schools, Faculty of Education, Institute of Education, Obafemi Awolowo University, Nigeria, 2003 http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm (Binuksan noong April 12, 2007) Lydia S. Liwanag, Phoenix Educational Journal, 1995 Araceli Gabuyo, “Ang Sanayang-Aklat Bilang Kagamitang Pampagtuturo” Panayam sa Pambansang Seminar sa Filipino sa Pagtataguyod ng Kagawaran ng Filipino sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Philippine Normal University, 1998 Leopoldo R. Transona, Sanayang-Aklat Pampanitikan sa Filipino IV: Isang Pagsusuri, (Di-Nalathalang Masteral Tesis Ateneo de Naga University, 2002) Naga City Rosa Maria B. Panambo, Walong Linggong Kurikulum: Ang Bisa Nito sa Kakayahan ng mga Mag-aaral (Di-Nalathalang Masteral Tesis University of Nueva Caceres, 1997) Naga City Christian George C. Francisco, Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, De La Salle Unioversity-Dasmariñas, 2006 http://ptechs.org/ptechs2006/Presentation/CFrancisco.pdf (Binuksan noong April 12, 2007) Bienvenido Lumbera, “Dr. Bienvenido Lumbera: Pambansang Alagad ng Sining” Intervyu ng Pinoy Weekly Online kaugnay ng pagkakahirang sa kanya bilang Pambansang Alagad ng Sining, 2005 http://pinoyweekly.org/pw5-25/kult/kult_1.htm (Binuksan noong May 7, 2007) Roger Thompson, Filipino English and Taglish: Language Switching from Multiple Perspectives, Marketing messages through language switching in television commercials, Amsterdam: John Benjamins, 2003 http://www.clas.ufl.edu/users/rthompso/filipinocommercials.html (Binuksan noong March 30, 2007) Richard F. Taflinger, Taking ADvantage, Washington State University/Edward R. Murrow School of Communication, 1996 (Bersyon sa internet) http://www.wsu.edu:8080/~taflinge/advant.html (Binuksan noong February 20, 2007) Jon Gresko at mga kasama, Social Psychological Factors Underlying the Impact of Advertising, Miami University, 1996 http://www.users.muohio.edu/shermarc/p324ads.shtml (Binuksan noong April 2, 2007) Republic Act No. 8370, Children’s Television Act of 1997 Guillermo Gastello, Comic Strip: Larawan ng Galaw ng Buhay (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1999 Vivian B. Fortuno, Kagamitang Pampagtuturo at Edukasyong Pagpapahalaga (Dinalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998 Marivic S. Lopez, Pamahayagan: Instrumento sa Pagpapahalaga ng Karapatang Panlipunan (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 2001 Cherfield Metilla at kasama, The Acceptability of a Local Children’s Educational Program in Television, (Unpublished Masteral Thesis), Ateneo de naga University, Naga City, 1996