KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Introduksyon
Kasabay ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya sa ating lipunan ay patuloy din ang mga pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng komersyo partikular na sa aspeto ng advertising o pag-aanunsyo. Sa kasalukuyan, hindi na lamang nalilimita ang pag-aanunsyo sa pagpapakalat ng mga tarheta o pamplet, pag-iimprinta ng mga magasin at pagpapaskil ng mga naglalakihang billboard. Hindi na lang din nakaasa ang mga negosyante sa paggamit lamang ng telebisyon, radyo at pahayagan bilang medya upang maipakilala ang kanikanilang produkto't serbisyo. Ngayon maging ang paggamit ng internet ay kabilang na sa pagmemerkadong istratehiya ng mga kumpanya para makahimok ng mga mamimili. Ang paggamit ng internet sa pag-aanunsiyo ay tinatawag na online advertising o minsan ay tinatawag ding internet advertising at web advertising. Nakita ang potensyal ng online advertising dahil sa tumataas na bilang ng mga taong gumagamit ng internet. Pinapayagan ng online advertising na maipakita ang mga anunsyo sa mga tao na maaaring interesado sa mga produkto at serbisyong nakapaloob dito, habang pini-filter o sinasala nito ang mga taong walang interes dito. Maaari ring masubaybayan kung ang mga taong iyon ay nag-click sa iyong mga online advertisement upang mabasa ang tungkol dito. Nagbibigay rin ang online 1
advertising ng pagkakataon na maabot ang mga potensyal na mamimili habang ginagamit nila ang maraming device — mga desktop, mga laptop, mga tablet, android phone at mga smartphone. Sa kabila ng mga potensyal ng online advertising ay mayroon din itong mga di kanais-nais na dulot. Pangunahin na dito pagiging huwad ng ilang mga anunsyo o di kaya'y kulang ang impormasyong inilalatag sa mga mamimili para lamang maipakita ang magandang panig ng mga produkto't serbisyo. Ang pagbabago sa kalakarang ito ng komersyo ay hindi naman masama. Ang mga negatibong epekto ay hindi maiiwasan sa bawat pagbabago, ngunit alam dapat kung paano matutugunan ang mga ito. Marapat din sanang suriin at timbangin ng mga mamimili ang positibo at negatibo ng online advertising. Makatutulong ito upang maging matalino at praktikal ang kanilang bawat desisyon sa kanilang pagtangkilik sa mga produkto't serbisyo upang maiwasan ang panloloko. Para mas maunawaan ang posibilidad ng paggamit ng internet sa komersyo ay maraming sarbey at pag-aaral ang isinagawa patungkol saiba’t ibang gawain ng mga mamimili sa internet. Ngunit karamihan sa mga naisagawang pag-aaral ay nakatuon lamang sa pagtingin ng mga negosyante hinggil sa epektibidad at kahalagahan ng online advertising nang hindi isinasaalang-alang o inaalam ang persepsyon ng mga mamimili tungkol ditto, (Berthon, Pitt, Watson, 1996).
2
Malinaw na maraming kaisipan ang umiiral sa paggamit ng online advertising. Kung kaya't ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang persepsyon ng mga estudyante sa positibo at negatibong epekto ng online advertising. Ito ay sapagkat ang mga estudyante ang pinakamadalas gumamit ng internet at sila ang pinakamalaking porsyento sa kabuuang populasyon ng mga gumagamit ng internet ayon kay Calisir (2003). Ang pananaliksik na ito ay partikular na nakatuon sa mga estudyante ng School of Business and Accountancy ng Colegio de Dagupan na kung saan ang gawain ng online ay malapit sa kanilang mga kurso.
Saligang Pangkasaysayan
Ang online advertising ay isang anyo ng pag-aanunsiyo na gumagamit ng anumang materyal na makikita sa internet tulad ng video clip, audio clip, larawan, e-mail messages, at maging mga interaktibong laro, na may layunin na bigyan ng impormasyon ang mga mamimili hinggil sa mga produkto at serbisyo na iniaalok ng isang negosyo. Ito ay itinuturing ngayon na pinakamabilis na lumalagong medya ng pagaanunsyo sa kasaysayan. Bago pa man umusbong ang online advertising na alam ng nakararami ngayon, ito ay may mga nauna ng anyo. Ang sinasabing pinagmulan nito ay noong 1978 matapos magpadala ng mga spam email campaign sa 400 tao si Gary Thuerk na noo'y marketing manager sa Digital Equipment Corporation. Layunin ni Thuerk na anyayahin sa demonstrasyon ng
3
bagong produkto ng kompanya na Decsystem-20 ang mga masigasig at may interest sa larangan ng teknolohiya. Samantala, ang unang spam email na pangkomersyo ay ginamit nina Laurence Canter & Martha Siegel sa kanilang pagpapakilala at pag-aalok ng kanilang serbisyo bilang abogado. Nakamit ng online advertising ang tugatog nito noong mga kalagitnaan ng 1990's kung saan inaasa ng maraming mamumuhunan sa online advertising ang balik ng kanilang ipinuhunan. Ang unang online advertisement naman ay unang nasilayan sa world wide web noong 1994 sa anyo ng banner ads na may sukat na 468x60 px. Ngunit hindi naging maganda ang pagtanggap dito, dahil sa kamahalan nito at hindi rin ito naging epektibo. Noong 1997 ang GeoCities’ Information Architect at Technical Project manager na si John Shiple ay umisip ng paraan kung paanong ang mga anunsyo ay mas maging epektibo kung ikukumpara sa paggamit ng banner ads. Ito ay tinawag na pop-up ads na kusang nabubuksan sa pagbisita sa mga website, dahilan upang ito ay hindi maiwasang mapansin at nagdudulot ng pagkaantala sa iyong gingawa. Samantala, ang website network na ExitExchange ay nagdebelop ng pop-under ads. Ang pop-under ads ay may parehong konsepto sa pop-up ads ngunit ito ay mas hindi nakakasagabal sa iyong ginagawang pagbisita sa website. Isang taon matapos malikha ang pop-up at pop-under ads ay lumikha si Bill Gross ng Goto.com ng paid placement model (PPM) para sa online advertising sa mga search engines. Nagtagumpay ang ginawang ito ng
4
Goto.com at kalaunan din ay nabili ito ng Yahoo. Matapos nito ay nag-alok ang Yahoo ng pay per click advertising na modelo. Ang online advertising ay gumagamit ng dalawang modelo. Una ay ang pay-per-click na kung saan ang mga advertisers ay kailangang magbayad sa bawat pagkakataon na ma-click ang kanilang advertisement. Ang pay-perimpression naman ay ginagamit upang masukat ang halaga ng kabuuan ng pagmemerkadong kampanya sa internet. Samantala, binago ng Google ang online advertising nang ilunsad nito ang Google Ad Words noong 2000. Ito ay binubuo ng mga maiikling teksto na naglalarawan tungkol sa advertisement at uniform resource locator o URL link patungo sa isang website. Ang mga ads na ito ay nakabase sa iyong hinahanap sa mga search engines na dulot ng Google. Ito ay makikita sa bandang itaas o gilid ng mga pangunahing resulta ng iyong gingawang paghahanap sa search engine. Ang pagsikat ng social media ay mas lalong nagpasigla sa online advertising. Noong 2008, inilunsad ng Facebook ang ‘Facebook ads for business.’ Ipinakilala naman ng Twitter noong 2010 ang ‘promoted trends’ at ‘promoted tweets.’ Ang itinuturing naman na pinakamakapangyarihan na social
media kung pag-uusapan ang online advertising ay ang Youtube na napansin ang impak nito noong 2008 matapos mailunsad ang‘promoted videos’ at ‘pre-roll ads.’ Ang mga pre-roll ads ay mga maiikli video na mapapanuod sa unang
5
bahagi ng video na iyong na-click, ito ay karaniwang nagtatagal ng 15 hanggang 30 segundo. Ang online advertising ay mahalaga dahil malaking tulong ito para sa isang mamimili na gumawa ng mga matalinong pagpapasya sa pagbili. Base sa mga pag-aaral ng mga mananaliksik tulad ni Gartner ay naipahatid sa mga nakararami ang pagtaas ng bilang ng mga consumer na gumagamit ng mga social media. Gayundin, ang pananaliksik sa pamamagitan ng mobile internet ay nagbigay-daan upang isakatuparan ang paunang mga produkto at ang pananaliksik sa presyo bago gumawa ng pinal na desisyon. Sa
pamamagitan
ng
marketing
sa
internet,
maaari
mong
mapagtagumpayan ang hadlang ng distansya. Maaari kang magbenta ng mga kalakal sa anumang bahagi ng bansa nang walang-set up ng mga lokal na outlet, magiging madali rin para sa iyo ang pagpapalapad ng iyong target na market.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aanunsiyo o advertising ay isang napakahalagang gawain sa larangan ng komersiyo. Kung kaya’t kinakailangang matukoy ang bawat aspeto nito para sa ikababatid ng mga mamimili at maging ng mga negosyante. Sa kasalukuyan ay iba’t iba ang kaisipang umiiral hinggil sa makabagong anyo ng
pag-aanunsiyo na tinatawag na online advertising, dahil dito ang mga mananaliksik ay humantong sa pag-aaral na ito upang maisakatuparan ang mga sumusunod na layunin: 6
1. Mabigyang-pansin at makapagbigay ng karagdagang kaalaman hinggil sa paggamit ng internet bilang midyum sa pag-aanunsiyo. Lalong-lalo na ng mga estudyante na pawang mga kabataan na madalas gumamit ng internet. 2. Mailahad ang mga positibong epekto ng online advertising batay sa persepsyon ng mga estudyante ng SBA. Ito ay makatutulong upang maipakita ang kagandahan ng internet bilang medyum sa pag-aanunsyo. 3. Mailahad ang mga negatibong epekto ng online advertising batay sa persepsyon ng mga estudyante ng SBA. Ito ay higit na makatutulong upang malaman ang mga nararapat na gawin upang mas mapabuti pa ang paggamit nito
sa
panghihikayat
ng
mga
mamimili.
Ganoon
din
ay
upang
mapangalagaan ang interes ng mamimili na tumatangkilik sa mga produkto o serbisyong nakapaloob
4. Matimbang ang mga positibo at negatibong epekto ng online advertising upang magkaroon ng malinaw na pagtingin sa kung ito ay ba ay epektibo sa panghihikayat ng mga mamimilina tangkilikin ang mga produkto’t serbisyong nakapaloob sa mga ito. 5. Matulungan ang mga mamimili upang magkaroon ng matalino at praktikal na desisyon sa kanilang pagtangkilik sa mga produkto't serbisyong nakapaloob sa mga online advertisement.
7
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang persepsyon ng mga estudyante ng School of Business and Accountancy (SBA) sa positibo at negatibong epekto ng online advertising. Inaasahan din na sa dulo ng pag-aaral na ito ay mabibigyan ng tiyak na kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga estudyante ng SBA, ayon sa: a. Edad? b. Kurso? c. Taon? d. Internet Access? e. Kadalasan sa Paggamit ng Internet? 2. Ano ang madalas na ginagawa ng mga estudyante ng SBA sa kanilang paggamit ng Internet? 3. Ano ang mga positibong epekto ng online advertising batay sa persepsyon ng mga estudyante ng SBA? 4. Ano ang mga negatibong epekto ng online advertising batay sa persepsyon ng mga estudyante ng SBA? 5. Sang-ayon ba ang mga estudyante ng SBA sa paggamit ng online advertising para mahikayat ang mga mamimili na tangkilikin ang iba't ibang produkto't serbisyo?
8
Balangkas Konseptwal
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa persepsyon ng mga estudyante ng SBA ng Colegio de Dagupan sa positibo at negatibong epekto ng online advertising. Ang daloy ng pananaliksik na ito ay mas mauunawaan sa pamamagitan ng isang paradaym.
INPUT
Positibong Epekto ng online advertising Negatibong Epekto ng online advertising Kabuuang pagtanggap sa online advertising sa panghihikayat ng mga mamimili
PROSESO
Pananaliksik
Sampling
Sarbey
AWTPUT
Persepsyon ng mga estudyante ng SBA ng Colegio de
Pagtatala at Komputasyong Istadistikal Pagsusuri at Interpretasyon
Dagupan sa Positibo at Negatibong Epekto ng Online Advertising
Makikita sa input ang mga pangunahing katanungan na layuning mabigyan ng kasagutan ng pananaliksik na ito. Ang mga input na ito ay dadaan sa iba’t ibang proseso na masusi at maingat na pinangasiwaan ng mga
mananaliksik upang malaman ang implikasyon ng bawat datos na makakalap. Ito ay susuriin at bibigyan ng interpretasyon na ayon sa suliranin at layunin ng pag-
9
aaral na ito. Sa dulo rin ng pag-aaral na ito ay matutukoy kung ano ang mga positibo at negatibong epekto ng online advertising batay sa persepyon ng mga estudyante ng SBA ng Colegio de Dagupan.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sinimulan noong Enero, 2016 at natapos noong Marso ng parehong taon sa Colegio de Dagupan, Lungsod ng Dagupan. Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito sa pagtukoy ng persepsyon ng mga estudyante ng School of Business and Accountancy (SBA) sa mga positibo at mga negatibong epekto ng online advertising sa komersyo. Nililimitahan naman ng pag-aaral na ito ang mga respondente sa mga estudyante ng SBA dahil na rin sa kakulangan ng sapat na oras at rmapagkukunan o resorses para maisagawa ang pag-aaral sa mas malawakang saklaw.
Kahulugan at Terminolohiya
Ang mga sumusunod na termino na nakapaloob sa pamanahong papel na ito ay binigyang kahulugan upang makatulong sa mga mambabasa na lubusang maunawaan ang kabuuang konteksto ng pananaliksik.
10
1. Advertising/pag-aanunsyo -ay isang uri ng komunikasyong inilaan upang manghimok ng isang madla (mga manonood, mga mambabasa o mga tagapakinig) upang kumuha't gumawa ng ilang aksyon. 2. Online advertising -ay isang anyo ng promosyon na gumagamit ng internet at world wide web para sa mga layunin na ipinahayag ng paghahatid ng mga mensahe sa pagmemerkado upang maakit ang mga mamimili. Halimbawa nito ay ang mga contextual ads sa mga resulta ng search engine sa pahina, banner ads, rich media ads, social networking advertising, interstitial ads, advertising network at mga e-mail sa marketing. 3. Internet -isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba'tibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba't-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko. 4. Persepsyon -paraan o kakayahang unawain at suriin ang isang bagay batay sa sariling desisyon at kaisipan. 11
5. Positibong Epekto -mga kanais-nais at kapaki-pakinabang na mga pagbabagong dulot ng isang pangyayari o bagay na isinagawa 6. Negatibong Epekto
-mga di kanais-nais at masamang pagbabagong dulot ng isang pangyayari o bagay na isinagawa 7. SBA -School of Business and Accountancy 8. BSA -Bachelor of Science in Accountancy 9. BSBA-FM -Bachelor of Science in Business Administration– Financial Management 10. BSBA-HRDM -Bachelor of Science in Business Administration– Human Resources and Development Management 11. BSBA-MM -Bachelor of Science in Business Administration– Marketing Management
12
KABANATA III METODO NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptiv-analitik na pananaliksik. Sa tulong nito ay mas matutugunan at mailalahad ang mga kasagutan sa mga nailatag na suliranin ng pananaliksik na ito. Mailalarawan ang persepsyon ng mga estudyante ng bawat kurso ng School of Business and Accountancy ng Colegio de Dagupan sa positibo at negatibong epekto ng online advertising. Gayundin ay masusukat ng wasto at masusuri ang kaugnayan ng mga kasagutan ng mga respondente mula sa talatanungan gamit ang ilang simpleng istadistikal na komputasyon. Kaugnay nito ay malinaw na matutukoy din kung ano ang implikasyon ng mga nakalap na datos sa isinasagawang pananaliksik.
Paraan ng Pagpili ng Respondente
Napili ng mga mananaliksik ang mga estudyante ng SBA bilang mga respondente dahil ang kanilang mga kurso ay may malaking kaugnayan sa gawaing komersyo, na hindi naman nalalayo sa paksa ng pananaliksik na tungkol sa makabagong paraan ng pagmemerkado at pag-aanunsyo. Isa pang dahilan, sila ay mga kabataan na mas madalas gumagamit ng internet.
13
Ang mga respondente ay pinili sa pamamagitan ng stratified random sampling. Mula sa populasyon ng SBA na 776 ay kumuha ang mga mananaliksik ng 34 na porsyento sa bawat kurso upang mapabilang sa sample. Ang sampling ay gumamit ng 5% bilang margin of error dahil sa kakulangan ng panahon at mapagkukunan para maisagawa ang pag-aaral sa mas malawakang saklaw. Ang dami ng respondente ay resulta ng ginawang komputasyon gamit ang pormula sa ibaba: Pormula:
n= Kung saan
N
(Slovin, 1960)
+Ne2
P=
N
n = laki ng sample N = kabuuang populasyon e = margin of error P = porsyento
Sa kabuuan ay 263 na respondente ang kabilang sa sample para sa isasagawang sarbey. Samakatuwid ay mayroong pantay na paghahati ng respondente batay sa kurso.
14
Populasyon ng mga Respondente
Ang pag-aaral na ito ay kinabibilangan ng mga estudyante mula sa limang kurso ng School of Business and Accountancy. Ito ay may kabuuang populasyon na 776 na estudyante at mula rito ay kumuha ang mga mananaliksik ng 34% na may bilang na 263 upang maging respondente sa isinasagawang pananaliksik.
Talahanayan Blg. 2.1 Distribusyon ng mga Respondente mula sa Bawat Kurso ng School of Business and Accountancy KURSO
BILANG
PORSYENTO
RESPONDENTE
BSA
318
34%
108
BSBA-FM
208
34%
71
BSBA-HRDM
24
34%
8
BSBA-MA
54
34%
18
BSBA-MM
172
34%
58
KABUUAN
776
34%
263
Sa kabuuang bilang na 318 na estudyante na kumukuha ng kursong BSA ay isang daan at walo (108) ang napiling respondente. Sa kabuuang bilang na 208 na estudyante na kumukuha ng kursong BSBA-FM ay pitumpu’t isa (71) ang napiling respondente.
Sa kabuuang bilang na 24 na estudyante na kumukuha ng kursong BSBA-HRDM ay walo (8) ang napiling respondente.
15
Sa kabuuang bilang na 54 na estudyante na kumukuha ng kursong BSBAMA ay labing-walo (18) ang napiling respondente. Sa kabuuang bilang na 172 na estudyante na kumukuha ng kursong BSBA-MM ay limampu’t walo (58) ang napiling respondente.
Deskripsyon ng mga Respondente
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay pawang mga estudyante ng School of Business and Accountancy. Sila ay mula sa iba’t ibang kurso, BSA,
BSBA-FM. BSBA-HRDM, BSBA-MA at BSBA-MM. Ang mga respondente rin ay kinabibilangan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang taon.
Instrumentong Ginamit
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng impormasyon para sa pananaliksik na ito. Ang mga tanong ay may wastong kaayusan at tiniyak na may kaangkupan ang mga ito sa suliraning nais lutasin ng mga mananaliksik. Ito ay ginamit sa sarbey na pinasagutan sa 263 na estudyante ng SBA para malaman ang kanilang persepsyon sa mga positibo at negatibong epekto ng online advertising. Ang mga tanong sa sarbey-kwetyuner ay nahahati sa limang bahagi: I.
Pagkakakilanlan ng mga Respondente
16
II. Madalas na Gawain sa Internet III. Positibong Epekto ng Online Advertising IV. Negatibong Epekto ng Online Advertising V. Kabuuang Pagtanggap sa Online Advertising
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsimula sa paghahanap ng mga sangguniang makatutulong upang madagdagan ang kaalaman at kabatiran tungkol sa paksang positibo at negatibong epekto ng online advertising. Kabilang na rito ang mga literatura, pag-aaral na may kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral, dyornal, aklat at iba pang mga babasahing nailathala sa internet. Mula sa mga impormasyong nakalap ay gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan para sa isasagawang sarbey. Bago pa man ito ay humingi na ang mga mananaliksik ng pahintulot mula sa dekana ng School of Business and Accountancy para isagawa ang sarbey sa nasasakupang departamento. Personal na pinamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbabahagi ng mga talatanungan sa 263 na respondente na base sa komputasyong ginawa mula sa 776 na populasyon ng SBA. Ang pinagkunan ng opisyal na bilang ng mga estudyante ng limang kurso ng SBA ay mula sa tanggapan ng dekana ng departamento. 17
Matapos nito ay kinalap ang mga talatanungan upang masuri at mapaghambing ang mga sagot ng mga respondente gamit ang ilang simpleng istadistika para matukoy ang kabuuan nito at mabigyan ng komprehensibong interpretasyon.
Tritment ng mga Datos
Ang mga nakalap na datos ay isa-isang itinala at ginamitan ng mga simpleng istadistikal na komputasyon upang malaman ang implikasyon nito sa mga suliraning nailatag ng isinasagawang pag-aaral. Sa mga nakalap na datos mula sa una at ikalawang bahagi ng talatanungan ay kinuha ang posryento ng mga kasagutan sa bawat tanong. Pormula:
P =
100
Kung saan: P
= porsyento/bahagdan
F
= bilang ng mga sumagot
N
= kabuuang respondente
Sa mga nakalap na datos mula sa ikatlo, ika-apat at ikalimang bahagi ng talatanungan ay kinuha ang weighted arithmetic mean ng mga sagot upang malaman ang kabuuang tugon ng mga respondente sa bawat tanong. Ang mga respondente ay binigyan ng Likert-Scale type na iskwala na may kaakibat na deskripsyon para sa kanilang kasagutan sa bawat tanong. 18
Deskriptibong Marka
Numerikal na Marka
Arbitraryong Marka
Lubos na sumasang-ayon
5
4.21 – 5.00
Sumasang-ayon
4
3.41 – 4.20
Neutral
3
2.61 – 3.40
Di sumasang-ayon
2
1.81 – 2.60
Lubos na di sumasang-ayon
1
1.00 – 1.80
Pormula:
x
=
∑fx ∑f
Kung saan: x
∑fx
= weighted arithmetic mean = kabuuang produkto ng f at x
f
= bilang ng sumagot
x
= numerikal na marka
∑f
= kabuuan ng bilang ng sumagot
19
KABANTA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan na ipinasagutan sa mga estudyante ng School of Business and Accountancy ng Colegio de Dagupan na tungkol sa Positibo at Negatibong Epekto ng Online Advertising. Grap Bilang 1 Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Edad
16-18 19-21 22-24
2.28% 25.48% 72.24%
Ipinapakita sa Grap Bilang 4.1 ang mga datos na naglalahad ng distribusyon ng mga respondente batay sa kanilang edad. Sa dalawang-daan at animnapu’t tatlo (263) na respondente, 72.24% na katumbas ng isang-daan at siyamnapo (190) ang mga nasa pagitan ng edad 16-18. Samantala, 25.48% ang
20
nasa pagitan ng edad 19-21 na may kabuuang bilang na 67 na respondente. Anim na respondente o 2.28% naman ng kabuuang respondente ang nasa pagitan ng edad 22-24.
Grap Bilang 4.2 Distribusyon ng mga Respondene Batay sa Taon
Unang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon 11.41% 14.45% 50.57% 23.57%
Ipinapakita sa Grap Bilang 4.2 ang mga datos na naglalahad ng distribusyon ng mga respondente batay sa kanilang taon. Sa dalawang-daan at animnapu’t tatlo (263) na respondente, 50.57% na katumbas ng isang daan at tatlumpu’t tatlo (133) ang nasa Unang Taon. Animnapu’t dalawa (62) o 23.57%
ng kabuuang bilang ng mga respondente ang nasa Ikalawang Taon. Samantala, 14.45% naman ng mga respondente ay nasa Ikatlong Taon na may bilang na
21
tatlumpu’t walo (38). Ang 11.41% naman ay binubuo ng tatlumpong (30) estudyante na nasa Ikaapat na Taon.
Grap Bilang 4.3 Bilang ng mga Respondente na may Sariling Access sa Internet
Mayroon Wala
15.59% 84.41%
Ipinapakita sa Grap Bilang 4.3 ang mga datos na naglalahad ng bilang ng mga respondente na may sariling access sa internet. Sa dalawang-daan at animnapu’t tatlo (263) na respondente, 84.41% na katumbas ng dalawang-daan at dalawampu’t dalawa (222) ang may sariling access sa internet. Samantala, apatnapu’t isa naman o 15.59 % ng kabuuang populasyon ng mga respondente
ang walang sariling access sa intenet.
22
Grap Bilang 4.4 Kadalasan sa Paggamit ng Internet ng mga Respondente sa Loob ng Isang (1) Linggo
1-2 araw 3-4 araw 5-6 araw araw-araw 19.39% 49.43%
21.67% 9.51%
Ipinapakita Grap Bilang 4.4 ang mga datos na naglalahad ng kadalasan sa paggamit ng internet ng mga respondente sa loob ng isang linggo. Sa dalawang-daan at animnapu’t tatlo (263) na respondente, 19.39% na katumbas ng limampu’t isa (51) an g gumagamit ng internet ng 1-2 araw sa loob ng isang linggo. Limampu’t pito (57) o 21.67% ng kabuuang bilang ng mga respondente ang gumagamit ng internet ng 3-4 araw. Samantala, 9.51% na may bilang na dalawampu’t lima (25) ang gumagamit ng internet ng 5-6 araw. Ang 49.43%
naman o isang daan at tatlumpo (130) na respondente ay araw-araw na gumagamit ng internet.
23
Grap Bilang 4.5 Oras na Ginugugol ng mga Respondente sa Paggamit ng Internet sa Loob ng Isang (1) Araw
1-2 oras 3-4 oras 5-6 oras 7-8 oras 7.98% 15.97%
39.54%
36.50%
Ipinapakita sa Grap Bilang 4.5 ang mga datos na naglalahad ng oras na ginugugol ng mga respondente sa paggamit ng internet sa loob ng isang araw. Sa dalawang-daan at animnapu’t tatlo (263) na respondente, 39.54% na katumbas ng isang daan at apat (104) ang gumugugol ng 1-2 oras sa paggamit ng internet sa loob ng isang araw. Siyamnapu’t anim (96) o 36.50% ng kabuuanng bilang ng mga respondente ang gumugugol ng 3-4 oras sa loob ng isang araw sa paggamit ng internet. Samantala, 15.97% na may bilang na apatnapu’t dalawa (42) ang gumugugol ng 5 -6 oras sa paggamit ng internet sa
loob ng isang araw. Ang 7.98% naman odalawampu’t isa (21) na respondente ay gumugugol ng 7-8 oras s a paggamit ng internet.
24
Grap Bilang 4.6 Madalas na Gawain ng mga Respondente sa Paggamit ng Internet
Gumagamit ng mga Social Media
31.59% 51.54% 16.86%
Naglalaro ng mga online games Nangangalap ng mga impormasyon
Ipinapakita sa Grap Bilang 4.6 ang mga datos na naglalahad ng mga madalas na gawain ng mga respondente sa paggamit ng internet. Sa dalawang daan at animnapu’t tatlo (263) na respondente, 51.54% na katumbas ng
dalawang daan at labing-pito (217) ang madalas na gumagamit ng social media sa paggamit ng internet. Samantala, 16.86% ang naglalaro ng mga online games na may kabuuang bilang na pitumpu’t isa (71) na respondente. Ang 31.59% naman o isang daan at tatlumpu’t tatlo (133) na respondente ang nangangalap ng mga impormasyon sa kanilang paggamit ng internet.
25
Talahanayan Bilang 4.1 Persepsyon ng mga Respondente sa mga Positibong Epektong Online Advertising
eighted Mean Deskriptibong Rank
Numerikal na Marka Epekto
x
Marka
72 360 113 452 20 60 42 84 16 16
3.70
Sumasangayon
3
2. Mas mabilis at malawakang maibabahagi sa mga konsyumer ang 104 520 59 236 50 150 37 74 13 13 impormasyon tungkol sa mga produkto't serbisyo.
3.78
Sumasangayon
2
3. Matagal ang eksposyur ng mga online advertisement
84 420 36 144 93 278 37 74 13 13
3.53
Sumasangayon
4.5
84 420 36 144 93 278 37 74 13 13
3.53
5. Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga konsyumer 92 460 84 368 84 252 43 86 17 17 hinggil sa mga produkto't serbisyong nakapaloob dito.
4.50
Lubos na Sumasangayon
1
3.21
Neutral
6
5 1. Mura ang paggamit ng online advertising.
4. Nakaeengganyo't nakaaanyaya ang mga online advertisement
4
3
2
1
6. Mas madaling matandaan ang mga produkto't serbisyo sa mga online advertisement kung 34 170 81 324 82 246 39 78 27 27 ikukumpara sa mga inaanunsyo sa telebisyon, radyo at pahayagan
26
Sumasangayon
4.5
Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 4.1 ang mga datos na naglalahad ng persepsyon ng mga respondente sa positibong epekto ng online advertising. Nagtala ng pinakamataas na weighted mean na 4.50 (lubos na sumasang-ayon) ang epektong “Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga konsyumer hinggil sa mga produkto't serbisyong nakapaloob dito” daan at animnapu’t Makikita naman na sumasang-ayon ang dalawang-
tatlo (263) na respondente sa apat pang positibong epekto ng online advertising. Una na rito ang epektong “ Mas mabilis at malawakang maibabahagi sa mga
konsyumer ang impormasyon tungkol sa mgaprodukto't serbisyo” na nagtala ng 3.78 na weighted mean. Para naman sa epektong “ Mura ang paggamit ng online advertising” ay nagatala ito ng 3.70 ang weighted mean. Nakapagtala naman ng parehong weighted mean na 3.53 ang mga epektong
“Matagal
ang
eksposyur
ng
mga
online
advertisement” at
“Nakaeengganyo't nakaaanyaya ang mga online advertisement ”
Nakakuha naman ng pinakamababang weighted mean na 3.51 o kung saan ay neutral ang persepsyon ng mga respondente sa kung positibong epekto nga ba ang epektong “Mas madaling matandaan ang mga produkto't serbisyo sa mga online advertisement kung ikukumpara sa mga inaanunsyo sa telebisyon, radyo at pahayagan.”
27
Talahanayan Bilang 4.2 Persepsyon ng mga Respondente sa mga Negatibong Epektong Online Advertising
eighted Mean Deskriptibong Rank
Numerikal na Marka Epekto
x
Marka
1. Nakaiirita ang biglaang paglabas ng mga online advertisement sa 78 390 69 276 62 186 30 60 24 24 paggamit ng Internet tulad ng social media.
3.59
Sumasangayon
3
2. Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang 93 465 69 276 61 183 25 50 15 15 konteksto ng mga ito ng karamihan.
3.76
Sumasangayon
1
3. Limitado ang mga impormasyon tungkol sa mga produkto't 39 195 92 368 87 261 33 66 12 12 serbisyong nakapaloob dito.
3.43
Sumasangayon
5
4. Walang kredibilidad ang nilalaman ng mga online 67 335 78 312 62 186 31 62 25 25 advertisement
3.50
Sumasangayon
4
5. Maaari itong pag-ugatan 22 110 83 332 95 285 46 92 17 17 ng mga ilegal na Gawain
3.18
Neutral
6
6. May kalakip ang mga ito na virus na makaaapekto sa sistema 70 350 90 360 56 224 20 40 27 27 ng kompyuter, tablet at cellphone.
3.60
Sumasangayon
2
5
4
3
28
2
1
Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 4.2 ang mga datos na na naglalahad ng persepsyon ng mga respondente sa negatibong epekto ng online advertising. Makikita na sumasang-ayon ang dalawang-daan at animnapu’t tatlo (263) na respondente sa lahat ng negatibong epekto ng online advertising maliban sa epektong “Maaari itong pag-ugatan ng mga ilegal na gawain.” Ito ay nagtala ng 3.18 na weighted mean o neutral kung ito nga ba ay negatibong epekto ng online advertising batay sa persepsyon ng mga respondente. Nagtala ng pinakamataas na weighted mean na 3.76 ang epektong “Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang konteksto ng mga ito ng karamihan.”
Hindi rin naman nalalayo ang weighted mean na naitala ng epektong“May kalakip ang mga ito na virus na makaaapekto sa sistema ng kompyuter, tablet at cellphone” na may 3.60 na weighted mean at 3.59 para sa epektong “Nakaiirita
ang biglaang paglabas ng mga online advertisement sa paggamit ng Internet tulad ng social media.” Sa epekto naman na “Walang kredibilidad ang nilalaman ng mga online
advertisement” ay 3.50 ang weighted mean. Samantala, 3.43 naman ang naitala sa epektong “Limitado ang mga impormasyon tungkol sa mga produkto't serbisyong nakapaloob dito.”
29
Talahanayan 4.3 Kabuuang Pagtanggap ng mga Respondente sa Paggamit ng Online Advertising
Weighted Mean
Numerikal na Marka (x) 5
4
3
87 435 97 388 30 90 25
2
x
1 50
24
Deskriptibong Marka
24
3.75
Sumasang-ayon
Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 4.3 ang mga datos na naglalahad ng kabuuang pagtanggap ng mga respondente sa paggamit ng online advertising upang makapanghikayat ng mga mamimilli na tangkilikin ang mga produkto at pu’t tatlo (263) na serbisyong nakapaloob dito. Sa dalawang daan at animna respondente, walumpu’t pito (87) ang nagbigay ng 5 puntos o lubos na
sumasang-ayon dito. Siyamnapu’t pito (97) ang nagbigay ng 4 puntos o sumasang -ayon.
Samantala, tatlumpo (30) na respondente ang nagbigay ng 3 puntos o neutral sa kung nakatutulong ba ang online advertising. Dalawampu’t lima ang nagbigay ng 2 puntos o hindi sumasang-ayon at dalawampu’t apat (24) ang nagbigay ng 1 puntos o lubos na hindi sumasang-ayon. Sa kabuuan ay nagtala ng 3.75 na weighted mean ang mga puntos na ibinigay ng mga respondente na ibig sabihin sumasang-ayon sila sa paggamit ng online advertising.
30
KABANATA V NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Natuklasan
Gamit ang mga datos na nakalap mula sa ginawang pagsasarbey sa mga estudyante ng School of Business and Accountancy, ay natuklasan ng mga mananaliksik ang sumusunod: 1. Batay sa mga nakalap na datos lumalabas na karamihan sa mga estudyante SBA ay may sariling access sa internet. 2. Malaking bahagdan ng mga estudyante ng SBA ay araw-araw kung gumamit ng internet sa loob ng isang linggo. Sa loob naman ng isang araw ay malaking bahagdan ang gumugugol ng isa hanggang dalawang oras sa paggamit ng internet. 3. Karamihan sa mga estudyante ng SBA ay ginagamit ang kanilang mga social media accounts sa kanilang paggamit ng internet. 4. Ang mga limang positibong epekto ng online advertising na inilatag sa pagaaral na ito ay sinang-ayunan ng mga estudyante ng SBA. Pangunahin na nga dito ang “ Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga konsyumer hinggil
sa mga produkto't serbisyong nakapaloob dito.” Ngunit neutral ang kanilang persepsyon hinggil sa epektong “Mas madaling matandaan ang mga produkto't serbisyo sa mga online advertisement kung ikukumpara sa mga inaanunsyo sa telebisyon, radyo at pahayagan.”
31
5. Ang lahat ng mga negatibong epekto ng online advertising na inilatag sapagaaral na ito ay sinang-ayunan ng mga estudyante ng SBA maliban sa epektong “Maaari itong pag-ugatan ng mga ilegal na gawain” sapagkat neutral ang pagtingin ng mga respondente dito kung ito nga ba talaga ay negatibong epekto ng online advertising. Pangunahin namang sinang-ayunan bilang negatibong epekto ang “Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang konteksto ng mga ito ng karamihan.”
Kongklusyon
Sa tulong ng isinagawang pananaliksik sa iba’t ibang mga literatura, pagaaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral, dyornal, aklat at iba pang mga babasahing nailathala sa internet, kabilang na rin ang mga natuklasan ng mga mananaliksik sa isinagawang sarbey, ay humantong ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod na kongklusyon. 1. Ang mga estudyante ng SBA ay aktibo sa paggamit ng internet na kung saan ay napapansin din nila ang mga iba’t ibang online advertisements sa kanilang
paggamit ng social media, paglalaro ng online gamesat pangangalap ng iba’t ibang impormasyon. 2. Batay sa mga naging tugon ng mga estudyante ng SBA, mahihinuha na sila ay may kabatiran sa kung tungkol saan ang online advertising at sila ay may kanya-kanyang pagtingin sa iba’ t ibang aspeto nito.
32
3. Nakikita ng mga estudyante ng SBA bilang pinakapositibong epekto ang “Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga konsyumer hinggil sa mga
produkto't
serbisyong
nakapaloob
dito” dahil
na
rin
sa iba’t ibang
pamamaraan ng makabagong teknolohiya. Kabilang na dito ang simpleng pag-click sa mga anunsyong ito at pagtatanong o pagbibigay ng reaksyon o suhestyon hinggil sa mga ito na mas madaling matukoy o masubaybayan dahil na rin sa makabagong teknolohiya patuloy pa ring umuunlad. Neutral naman ang persepsyon nila sa epektong“Mas madaling matandaan ang mga produkto't serbisyo sa mga online advertisement kung ikukumpara sa mga inaanunsyo sa telebisyon, radyo at pahayagan”dahil sa sila ay may ibang ginagawa sa paggamit ng internet, kung kaya’ t hindi nila ito madaling maalala
lalo na sa mga anunsyong biglaan na lang sumusulpot o lumilitaw. 4. Ang epekto naman na “Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang konteksto ng mga ito ng karamihan” ay nakikita ng mga estudyante ng SBA bilang pinakanegatibong epekto ng online advertising sapagkat hindi nga naman makapanghihikayat ang isang anunsyong hindi binabasa ang konteksto. Tulad ng karanasan ng karamihan naaantala ang kanilang gawain sa paggamit ng internet dahil sa lumilitaw na mga anunsyo, ito ay kanilang napapansin ngunit nais nila agad itong maalis nang hindi na binabasa o pinakikinggan kung tungkol saan ito. Siguro ay neutral naman ang kanilang persepsyon sa epektong “Maaari itong pag-ugatan ng mga ilegal na gawain” dahil sa ito lamang naman ay pag-aanunsyo gamit ang internet, at malulubos na ito ay maaaring pagmulan ng mga masasamang gawain.
33
5. Matapos mailahad ang mga positibo at negatibong epekto ng online advertising, sa pangkalahatan ay sumasang-ayon pa rin ang mga estudyante ng SBA sa paggamit ng online advertising upang makahikayat ng mga mamimili na tangkilikin ang mga produkto at serbisyong nakapaloob dito.
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nailahad, ay buong inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Para sa mga negosyante na gumagamit ng online advertising para sa kanilang mga produkto at serbisyo, marapat sanang konsiderahin ang persepsyon dito ng mga estudyante dahil sila ay mga kabataan na madalas gumamit ng internet na nakakita sa mga advertisement. 2. Para sa mga mamimili, kabataan at mga taong gumagamit ng internet, maging maingat sa mga advertisement o anunsyo na nakikita sa internet. Tiyakin muna ang kredibilidad ng mga impormasyong nakapaloob sa mga ito, bago ito paniwalaan. 3. Para sa mga mananaliksik na nais ipagpatuloy angpag-aaral na ito, mas mapagbubuti ito kung ito ay isasagawa sa mas malawakang saklaw ng mga respondente at mapagtuunan ang kaugnayan sa pagitan ng persepsyon ng mga mamimili sa online advertising at sa katagumpayan ng paggamit nito bilang isang pagmermerkadong istratehiya.
34
TALASANGGUNIAN Mga Pag-aaral
Abdul Azeem and Zia ul Haq (2012), Perception Towards Internet Advertising: A Study With Reference to Three Differennt Demographic Groups, Global Business and Management Research Vol. 4 No.1, p. 28-45
Muhammad Aqsa, Dwi Kartini (2015), Impact o f Online Advertising on Consumer Attitudes and Interests Buy Online (Survey on Students of Internet Users in Makaasar), International Journal of Scientific & Technology Research Volume 4, Issue 04, p. 230-234
McCoy et. al..(2004), AStudy of the Effects of Online Advertising: A Focus on Pop-Up and In-Line Ads, Proceedings of The Third Annual Workshop on HCI Research in MIS, Washington, DC, p. 50-53.
Ann E. Schlosser et. al., (1999), Survey of Internet Users’Attitudes Toward Internet Advertising, Journal of Interactive Marketing Vol. 13 No. 3, p.34-53
Berthon, P., Pitt, L. F., & Watson, R.T. (1996), TheWorld Wide Web as an Advertising Medium: Toward an Understanding of Conversion Efficiency, Journal Advertising Research, p. 43-54 35
Mga Literatura
Kasaysayan ng Online Advertising
https://yashi.com/blog/definitive-history-online-advertising
http://1stwebdesigner.com/online-advertising-history/
http://www.freelancepilipinas.org/2013/06/ano-ang-internetmarketing.html
Pros and Cons of Online Advertising, www.mindfirecommunications.com, (2010), Inga Rundquist.
36
APENDIKS A Colegio de Dagupan School of Business and Accountancy Arellano St., Dagupan City
Pebrero 4, 2016 TEOFILA S. ALBAY, CPA, DBA Dekana School of Business and Accountancy Dr. Albay: Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral ng Unang Taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy na kumukuha ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Bilang katuparan sa naturang asignatura, kami ay naatasang magsagawa ng isang pamanahong papel na may kaugnayan sa aming kurso. Ang amin pong pamanahong papel ay pinamagatang, “Persepsyon ng mga Estudyante ng SBA ng Colegio de Dagupan sa Positibo at Negatibong Epekto ng Online Advertising.” Kaugnay nito, nais po naming humingi ng inyong pahintulot na mangalap ng mga datos sa inyong nasasakupang departamento sa pamamagitan ng isang sarbey. Para maisagawa ito, nais po naming malaman ang kabuuang bilang ng mga estudyante ng SBA sa bawat kurso para malaman ang tiyak na bilang ng mga respondente na magiging kabilang sa aming sample. Ang inyo pong positibong pagtugon at kooperasyon sa aming kahilingan ay sadyang makatutulong para sa ikatatagumpay ng aming isinasagawang pananaliksik. Lubos na gumagalang, FERRER, ARJAY S. LAIGUE, CHRIS NICOLE Q. TIMARIO, HERMIE D. Mga Mananaliksik, 12-BSA-01
Binigyang-pansin ni: JOHN MICHAEL F. GEMINIANO Instruktor, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Pinagtibay ni: JULINDA S. NARVASA, MDM Dekana, School of Arts Sciences and Teacher Education 37
APENDIKS B Colegio de Dagupan School of Business and Accountancy Arellano St., Dagupan City
SARBEY-KWESTYUNER Ang sarbey na ito ay nakalaan lamang para sa mga estudyante ng School of Business and Accountancy ng Colegio de Dagupan. Ito ay nakatuon sa Positibo at Negatibong Epekto ng Online Advertising Panuto: Punan ang mga patlang ng kinakailangang impormasyon at lagyan ng tsek ang mga kahon ng iyong napiling sagot sa mga sumusunod na katanungan I.
Pagkakakilanlan:
Edad:
Taon:
Kurso:
1. Mayroon ka bang
access
Mayroon
sa Internet? Wala
2. Sa isang linggo, gaano ka kadalas gumamit ng Internet? 1-2 araw
3-4 araw
5-6 araw
araw-araw
3. Sa isang araw, ilang oras ang iyong ginugugol sa paggamit ng Internet? 1-2 oras II.
3-4 oras
5-6 oras
7-8 oras
Madalas na Gawain sa Internet
Ano ang iyong madalas na ginagawa kapag ikaw ay gumagamit ng internet? Ginagamit ang mga social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube Naglalaro ng mga online games Nangangalap ng mga impormasyon sa mga bagay-bagay Iba pa (Tukuyin)
38
Panuto: Punan ng tsek ang mga kahon batay sa iyong persepsyon sa mga sumusunod Na epekto ng online advertising, gamit ang mga sumusunod na iskwala: 5 – lubos na sumasang-ayon 4 3 2 1
III.
–
–
–
–
sumasang-ayon neutral hindi sumasang-ayon lubos na hindi sumasang-ayon
Sumasang-ayon ka ba na positibo ang mga sumusunod na epekto ng online advertising?
Epekto
5
1. Mura ang paggamit ng online advertising. 2. Mas mabilis at malawakang maibabahagi sa mga konsyumer ang impormasyon tungkol sa mga produkto't serbisyo. 3. Matagal ang eksposyur ng mga online advertisement 4. Nakaeengganyo't nakaaanyaya ang mga online advertisement 5. Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga konsyumer hinggil sa mga produkto't serbisyong nakapaloob dito. 6. Mas madaling matandaan ang mga produkto't serbisyo sa mga online advertisement kung ikukumpara sa mga inaanunsyo sa telebisyon, radyo at pahayagan
39
4
3
2
1
IV.
Sumasang-ayon ka ba na negatibo ang mga sumusunod na epekto ng online advertising?
Epekto 1. Nakaiirita ang biglaang paglabas ng mga online advertisement sa paggamit ng Internet tulad ng social media.
1
2
3
4
5
2. Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang konteksto ng mga ito ng karamihan. 3. Limitado ang mga impormasyon tungkol sa mga produkto't serbisyong nakapaloob dito. 4. Walang kredibilidad ang nilalaman ng mga online advertisement 5. Maaari itong pag-ugatan ng mga ilegal na Gawain 6. May kalakip ang mga ito na virus na makaaapekto sa sistema ng kompyuter, tablet at cellphone.
V.
Sa kabuuan, sang-ayon ka ba sa paggamit ng online advertising para mahikayat ang mga konsyumer na tangkilikin ang iba't ibang produkto at serbisyo? 5 – lubos na sumasang-ayon 4 3
–
–
sumasang-ayon neutral
2 – hindi sumasang-ayon 1 – lubos na hindi sumasang-ayon
40
APENDIKS C-1
ARJAY SICAT FERRER Poblacion, San Fabian, Pangasinan Contact No.: 09274564935 Email:
[email protected]
PERSONAL BACKGROUND Age Gender Height Weight Date of Birth Place of Birth Civil Status Religion Nationality Language or Dialect
: : : : : : : : : :
17 Male 5’5”
65 kgs. January 7, 1999 Dagupan City Single Catholic Filipino Filipino, English, Pangasinan
EDUCATIONAL ATTAINMENT COLEGIO DE DAGUPAN Bachelor of Science in Accountancy Arellano Street, Dagupan City
2015-2019
SAN FABIAN NATIONAL HIGH SCHOOL Nibaliw West, San Fabian, Pangasinan
2011-2015
EAST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL Caballero Street, San Fabian, Pangasinan
2005-2011
I hereby solemnly swear that the information contain here in, are true and correct to the best of my knowledge and belief.
ARJAY S. FERRER Applicant 41
APENDIKS C-2
CHRIS NICOLE QUELIZA LAIGUE Calmay District, Dagupan City Contact No.: 09272967521 Email:
[email protected]
PERSONAL BACKGROUND Age Gender Height Weight Date of Birth Place of Birth Civil Status Religion Nationality Language or Dialect
: : : : : : : : : :
17 Male 5’5”
55 kgs. July 29, 1998 Calmay District, Dagupan City Single Seventh-day Adventist Filipino Filipino, Ilocano, English
EDUCATIONAL ATTAINMENT COLEGIO DE DAGUPAN Bachelor of Science in Accountancy Arellano Street, Dagupan City
2015-2019
DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL Tapuac District, Dagupan City
2011-2015
T. AYSON ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL Calmay North, Dagupan City
2005-2011
I hereby solemnly swear that the information contain here in, are true and correct to the best of my knowledge and belief.
CHRIS NICOLE Q. LAIGUE Applicant 42
APENDIKS C-3
HERMIE DIAZ TIMARIO Lucao District, Dagupan City Contact No.: 09304546651 Email:
[email protected]
PERSONAL BACKGROUND Age Gender Height Weight Date of Birth Place of Birth Civil Status Religion Nationality Language or Dialect
: : : : : : : : : :
17 Male 5’5”
55 kgs. October 30, 1998 Dagupan City Single Catholic Filipino Filipino, English, Pangasinan
EDUCATIONAL ATTAINMENT COLEGIO DE DAGUPAN Bachelor of Science in Accountancy Arellano Street, Dagupan City
2015-2019
DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL Science, Technology and Engineering Program Tapuac District, Dagupan City
2011-2015
WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL I Burgos Street, Dagupan City
2005-2011
I hereby solemnly swear that the information contain here in, are true and correct to the best of my knowledge and belief.
HERMIE D. TIMARIO Applicant 43