PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA NBP Reservation, Poblacion, Lungsod ng Muntinlupa Dalubhasaan ng Pangangasiwa sa Kalakalan
ISANG KOMPARATIBONG PAGSUSURI HINGGIL SA BUNGANG PANGKAPALIGIRAN AT PANLIPUNAN NG POLYETHYLENE PLASTIC AT PAPEL
Ipinasa nina: Albino, Estefanie Jane Ambida, Kristine Joy Arraz, Melissa Demayo, Jenalyn Deocaris, Jelmar Salinas, Sydney Jane Justo, Hannah Ipinasa kay: G. Ghiebert Octavio
Talaan ng Nilalaman
Abstrak
3
Kabanata I Panimula
4
Layunin ng Pag-aaral
5
Kahalagahan ng pag-aaral
5
Paglalahad ng Suliranin
5
Theoretical na Balangkas
6
Konseptwal na Balangkas
7
Sakop at Hangganan
8
Batayan ng Pag-aaral
9
Kahulugan ng mga Salitang Ginamit
10
Kabanat II: Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Banyagang Literatura
11
Local na Literatura
13
KabanataIII: Pamamaraan ng Pag-aaral
14
Kabanata IV: Interpretasyon at Pagsusuri Interpretasyon ng Survey
16
Pagsusuri ng Survey
17
Pagsusuri sa Gamit ng Enerhiya
18
Kabanata V : Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
2
Buod
19
Konklusyon
19
Rekomendasyon
20
Mga Sandigan
21
ABSTRAK
3
Isang malaking usapin ngayon ang pagbabawal ng plastic at panghihikayat ng paggamit ng papel kapaplit ng huli. Maraming pag-aaral na ang isinagawa upang magkaroon ng batayan ang ganitong usapin. Napatunayan na mas matipid sa enerhiya ang paggamit ng plastic kaysa papel (Resources and Environment Profile Analysis of Polythylene and Unbleached Paper Grocery Sack, Franklin Group, 1990). Mula rito, sinubukang mapalawak ang pag-aaral na nabanggit sa pamamagitan ng pagsaklaw sa epekto nito sa pamumuhay ng tao. Sa pagsusuri, natunghayan na nanatiling kiling sa paggamit ng papel ang mga mamamayan kahit pa may mga katulad na pagsusuri na ang naisagawa. Lumabas na kulang sa kaalaman ang tao hinggil sa mga bagay na maaaring puminsala sa kanyang kapaligiran. Maipapaliwag ito ng mababang mean score ukol sa kabutihan ng paggamit ng plastic at mataas na mean score sa paggamit naman ng papel. Napatunayan na kinakailangan pa ng higit na kaalaman hindi lamang ang mga mamamayan bagkus pati ang mga taong nagbabalangkas at nagpapatupad ng batas
Kabanata I: Ang Suliranin
4
Panimula
“…ang hanapin ang tungkulin sa pagpapatuloy ng buhay sa daigdig ang dakilng layunin ng agham at pilosopiya.” (Michio Kaku, Alien Planet, Discovery Channel 2006).
Bilang paghahanda at pagpapahupa ng mga suliranin sa kalikasan, iba’t ibang hakbang ang isinagawa ng ilang grupong makakalikasan at mga pamahalaan. Halimbawa nito ang kamakailan lamang na pagpapatupad ng Ordinance 10-109 sa lungsod ng Muntinlupa na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng plactic bilang lagakan ng mga tuyo at kumakatas na pinamiling produkto. Bukod pa dito, hinikayat ng pamahalaang lungsod ang paggamit ng papel kapalit ng polyethylene plastic.
Nagdulot ang nasabing kautusan ng malaking pagbabago sa merkado. Umaasa ang mga nagpatupad na maiibsan nito ang lumalalang problema sa basura (Mayor Aldrin San Pedro, Ang Pag-Asa Enero 2011). Sa kabilang banda, naging isang malaking paksain ito sa mga mamamayan kaya’t minabuti ng mga manananliksik na magsagawa ng isang pag-aaral hinggil sa mga katangian ng papel at polyethylene plastic, at ang kaugnayan nito sa pagbibigay kasagutan sa suliraning pangkapaligiran tulad ng basura at maging ng paggamit ng enerhiya
Layunin ng Pag-aaral
5
Hinahangad na sa katapusan ng pag-aaral, mabigyan ng tugon ang mga sumusunod:
1. Paghambingin ang mga katangian ng polyethylene plastic at papel, at ang epekto nito sa kapaligiran. 2. Malaman ang epekto ng pagbabawal ng polyethylene plastic sa mga mamamayang tinuturing na mamimili.
Kahalagahan ng pag-aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na ang nasabing pag-aaral ay maaaring makatulong sa pagpapaliwanag at pagsagot sa ilang mga katanungan ukol sa pagbabawal ng polyethylene plastic at panghihikayat sa paggamit ng papel. Higit pa ditto, mabigyan ng ideya ang mga mamamayan sa tamang pagkuro sa mga batas na may kinalaman sa pagsasaayos n gating kapaligiran.
Paglalahad ng Suliranin Isinagawa ang pag-aaral upang (1) mapaghambing ang katangian ng papel at polyethylene plastic na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kapaligiran, at (2) malaman ang epekto ng paggamit ng papel kapalit ng polyethylene plastic sa pamumuhay ng tao.
6
Theoretical na Balangkas
Batay sa konsepto ng Gaia Hypothesis, ang daigdig ay tinutunghayan bilang iisang nilalang habang ang bawat nabubuhay ay mga bahagi lamang nito (James Lovelock 2001). Sinusuportahan ito ng prinsipyo ng Etikong Pangkalikasan (Environmental Ethics) na naglalayong naman alamin ang kaugnayan ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapatuloy ng buhay sa daigdig.
Maliwanag na iniyahag sa dalawang konseptong ito ang tungkulin ng tao sa pangangalaga ng kalikasan. Maraming mga grupo sa daigdig ang nagpasimula ng ganitong adbokasiya. Habang unti-unting nagpapakita ng palatandaan ang mga suliranin sa kapaligiran, lalong lumalakas ang panawagan ng mga makakalikasan sa kooperasyon ng bawat isa. Binatay sa mga nabanggit na prinsipyo ang pag-aaral na isinagawa.
7
INPUT
PROSESO
AWTPUT
1. Pagsasawa ng pag-aaral ukol sa mga suluraning pangkapaligiran upang mahanap ang tunay nitong ugat. 2. Pagbuo ng tamang solusyon sa problemang pangkapaligiran.
1. Panghihikayat sa mga taong maging aktibong kaagapay sa pagtugon sa suliranin. 2. Magbigay ng kaalaman sa mga mamamayan.
1. Pagpapahupa sa mga suliranin matapos mailatag ang mga solusyon. 2. Pagbibigay ng rekomendasyon sa maaaring maging problema sa hinaharap.
8
Conceptual na Balangkas
Ang basihan ng pagsasagawa ng isang komparatibong pagsusuri hinggil sa bungang pangkapaligiran ng polyethylene plastic at papel ay ang matulungan ang mga mamamayan ukol sa pagbibigay nila ng kuro sa pagsisimula ng pagbabawal ng polyethylene plastic at panghihikayat sa paggamit ng papel. Isinagawa ang pagsusuri upang mapag-alaman ang tiyak na dulot ng paggamit ng mga ito sa kapaligiran.
Nakatala sa ibaba ang balangkas ng gagawing pag-aaral upang masukat ang epektong pangkapaligiran.
Tanong na makikita sa survey na naglalayong makakamit ng sagot ayon sa damdamin ng respondents.
Sagot ng mga respondents sa survey.
INDEPENDENT VARIABLE
DEPENDENT VARIABLE
Survey na may mga katanungan na: 1. Gaano kabuti gamitin ang polyethylene plastic sa araw-araw na pamimili? 2. Gaano kabuti gamitin ang papel sa araw-araw na pamimili? 3. Gaano kadalas ka gumamit ng papel? 4. Gaano kadalas ka gumamit ng polyethylene plastic?
9
Sakop at Hangganan
Nakatuon ang pag-aaral sa mga potensyal na masamang dulot sa kapaligiran at pamumuhay ng tao sa paggamit ng polyethylene plastic at papel bilang lagakan ng mga pinamili sa merkado. Susukatin sa pag-aaral ang aspetong may kinalaman sa paksang “pamumuhay” sa libel na maykro tulad ng sariling opinion at palagay sa.
Kaugnay pa rito, sasakupin ang mga sumusunod na sangay: halaga at kaakibat ng paggamit/paggawa ng papel at polyethylene plastic bags, kakayahang muling magamit at epekto nito sa socio-economikong aspeto ng pamumuhay ng tao.
Ang mga nabanggit sa itaas ang tanging sinasaklaw ng nasabing pag-aaral at ang alin mang hindi na nabanggit tulad ng iba pang gamit ng polyethylene plastic at papel liban sa bilang lalagyan sa pamimili ay hindi na tuon at kaakibat sa pagsasagawa ng pagaaral.
10
Batayan ng Pag-aaral
Bago pa man matuklasan ang paggawa ng polyethylene plastic, ginagamit na sa merkado ang papel bilang lagayan ng mga pinamiling produkto, ngunit ang katangian ng papel na malusaw sa tubig ay naging isang problema sa paggamit nito. Sa paglipas ng taon, unti-unting maukyat ang popularidad ng paggamit ng polyethylene plastic bagama may nagsasabi ukol sa nakaambang panganib sa kalikasan sa patuloy na paggamit nito.
Naging paksain na rin ang papel at polyethylene plastic sa iba’t ibang pag-aaral na isinagawa sa loob at labas ng bansa.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Estados Unidos, natuklasan na maaaring makagawa ng isang plastin na may kakayahang mabulok . Tinawag ang nasabing imbensyon na Oxo Biodegradable (OBD) polyethylene plastic. Matutunghayan ang inobasyong ito sa: A Review of Polyethylene plastic Waste Biodegradation. Ying Zheng, Ernest K. Yanful, and Amarjeet S. Bassi. Critical Reviews in Biotechnology 2005.
MAMATAY NA SI SIR OCTAVIO
11
Kahulugan ng mga Salita
Polyethylene plastic bags: isang simpleng lagayan ng mga pinamili na makikita sa merkado. Gawa ito sa mga kemikal na mula sa langis.
Papel: isang kagamitang makikita rin sa merkado na ngayo’y ipininanghihikayat na gamitin kapalit ng polyethylene plastic sa pag-aasang mabibigyan nito ng sulosyon ang suliranin sa basura.
Gaia Hypothesis: isang pilisopiyang pang-agham panlipunan na nilikha ni James Lovelock. Ito ay ang paniniwala na ang mundo’s isang nilalang na nabubuhay bilang ang mga tao, hayop, halaman at iba pang component na biolohikal ay tangingg mga bahagi lamang,
Environmental Ethics: isang sangay ng Pilisopiya na tumalakay sa tungkulin ng taong pangalagaan ang kalikasan upang magpatuloy ang buhay ditto.
Ordinance 10-109: isang kautusang panglungsod na ipinatupad sa lungsod ng Muntinlupa na mahigpit na nagbabawal sa paggamit ng polyethylene plastic sa merkado.
British thermal unit: isang organisadong pagtaya at pagsukat ng enerhiyang na nagagamit sa paglikha ng isang kilong produkto ng anumang uri
12
Kabanata II: Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Banyagang Literatura
PAPEL Sa Estados Unidos lamang, mahigit 10 milyong paper bags taun-taon. Halos 14 na milyong puno ang pinuputol upang magawa ang ganitong kadaming papel.
Paggawa: Nagsimula ang paggawa ng papel sa masusing pagpili ng punong na nasa wastong gulang na. mataps mapili, puputulin ang puno at dadalhin sa pabrika upang patuyuin sa lood ng tatlong taon. Sunod na puputulin ang puno sa maliliit na pirasong may isang pulgada ang kapal. Ang mga ito ay lulutuin sa mataas na temperatura at pressure upang madurog. Ibababad ito sa limestone at sulfurous acid, nang maging maliliit na hibla. Sunod itong huhugasan at babanlawan ng paulit-ulit hanggang tuluyang maging papel. Iipitin ang mga ito hanggang makamit ang nais na nipis. Nangangailangan ng 2511 Btu sa buong proseso ng paggawa ng papel. Pollution: Ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng papel ay nagdadala ng polusyon sa tubig at hangin. Nagdudulot din ito ng acid rain. Recycling: Ang pagre-recycle ng paper bags ay katulad din ng paggawa ng mga bagong papel na nagangailangan ng mga kemikal at maraming tubig. Kumukunsumo ng 1, 444 Btu’s na enerhiya ang prosesong ito.
13
Biodegradable: Dahil gawa sa organikong hilaw na materyales, nabubulok sa kalikasan ang mga papel. POLYETHYLENE PLASTIC Sa bawat taon, apat na bilyong plastik bags ang ginagamit ng tao sa lahat ng panig ng mundo. Kung pagdudugtungin, maari nitong mapaikutan ang daigdig ng 63 na beses. Paggawa: Mula ang polyethylene plastic sa alit na resin pellets na gawa sa polyethylene. Initin at iipitin ang mga ito sa temperature 340˚C. Isang mainit na bloke ang umiipit ditto upang tuluyang polyethylene plastic. Gumagamit ng 594 ng enerhiya rito.
Pollution: Bukod sa mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng papel, nagdudulot din ng masama sa mga buhay ilang ang mga polyethylene plastic. Halimbawa dito ang pagkamatay ng ilang pagong matapos makakain ng polyethylene plastic.
Recycling: Simpleng muling pagtunan a pagremolde ang pagrerecycle ng polyethylene plastic na gumagamit ng 17 Btus ng enerhiya.
Biodegradable: Hindi nabubulok ang polyethylene plastic ngunit kumukunsumo lamang ito ng maliit na porsyento sa mga tambakan ng basura dahil na-compare ito.
14
Lokal na Literatura Maraming paraan sa pagreresiklo ng mga basura. Ilagay lamang ang pangrecycle na papel at mga lalagyanang material sa inyong asul na kahon. Huwag ilagay ang mga hindi pang- recycle na materyal sa inyong asul na kahon dahil ang mga material na ito ay kinokontimina
o dinudumihan ang daluyan ng pang-recycle. Sumangguni sa
likuran ng papel na ito para sa talaan ng mga tinatanggap at hindi tinatanggap na mga bagay sa asul na kahon. •
Ikonsidera ang paggamit ng bag
pang-recycle upang maiwasan ang
pagkalat ng mga bagay mula sa inyong asul na kahon sa kapaligiran. Maari mong ilagay ang material na pang-recycle sa isang kitang-kita (malinaw o mapusyaw na asul) polyethylene plastic na bag para sa koleksyon. Ang gagamitin ninyong bag ay hindi dapat hihigit pa ang laki sa 66cm(26 in.) sa palad at 90 cm (36 in.) ang taas. •
Ang inyong asul na kahon o ang bag na pang-recycle ay hindi dapat lalampas ang bigat sa 20 kg. (44 lbs.).
•
Huwag ilagay ang mga ginugutay-gutay na pael sa asul na kahon ninyo.iligay ito sa inyog berdeng lalagyanan o lalagyanan para sa basura mula sa bakuran..
•
Ang mga polyethylene plastic na bag ay maaring irecyclekung ang mga ito ay inilagay sa itinaling bag. (http://www.peelregion.ca/pw/waste/garbrecy/pdf/bb-tagalog.pdf)
15
Kabanata III: Pamamaraan ng Pag-aaral
Masusing pagsusuri, pagsasaliksik at pakikipanayam ang isinagawa upang mapatatag ang sandigan ng pag-aaral. Sa pagsusuring ito, nauna nang nabanggit na susukatin ang mga sumusunod na aspeto: halaga at kaakibat ng paggamit/paggawa ng papel at polyethylene plastic bags, kakayahang muling magamit at epekto nito sa socioeconomikong aspeto ng pamumuhay ng tao. Upang masukat ang halaga at kaakibat ng paggamit/paggawa ng papel at polyethylene plastic bags, atkakayahang muling magamit, naunang nagsaliksik ng mga pag-aaral at literaturang may kinalaman dito. Ayon sa isang datos na mula sa Society Polyethylene plastic Industry (1998), nangangilangan ng halos 2,551 BTU ng enerhiya. Kaugnay nito, 594 BTU naman ng enerhiya ang kinakailangan upang makalikha ng polyethylene plastic (Society of Polyethylene plastic Industry). Habang ang enerhiya namang nakokonsumo sa pagre-recycle na papel ay 1444 BTU at 17 BTU naman para sa polyethylene plastic.Mula rito, lilikha ng ratio upang maipaghambing ang enerhiyang nagagamit sa paggawa ng papel at polyethylene plastic.
Para naman sa aspetong socio-economikong aspeto ng pamumuhay ng tao nagsagawa ng isang non-structured survey ang mga mananaliksik. Makikita sa ibaba ang halimbawa ng survey form na ginamit:
16
Dalamput tatlong katao ang sumailalim sa isang survey na isinagawa sa magkakaibang lugar. 47.83% sa kanila ang may edad 18
taong gulang pababa
samantala 52.17% naman ang higit nasa 18 taong gulang pataas. Residente ng Muntinlupa ang 65.22% ng respondents at 34.78% naman ang mula sa lugar na hindi pa nagpapatupad ng kautusan laban sa paggamit ng polyethylene plastic bilang lagayan ng pinamili. 69.57% naman sa mga ito ang babae na madalas na tumungo sa pamilihan habang 30.43% ang lalaki.
Matapos makalap ang mga nasabing impormasyon at mahalagang datos, sisimulan na ang pagbibigay kahulugan sa mga ito. Susuriin ang bawat isa ang tutungo sa isang konklusyong sinusuportahan ng mga nasabing datos.
17
Kabanata IV: Interpretasyon at Pagsusuri ng mga Impormasyon
Survey Intrepretasyon
Demograpiya ng Respoendents
Lokasyon taga-Muntinlupa Hindi tagaMuntinlupa Edad 18 taong gulang pababa 18 taong gulang at pataas Kasarian Lalake Babae Kabuuan
UNANG TANONG
IKALAWANG TANONG
IKATLONG TANONG
IKAAPAT NA TANONG
Mean Score
Mean Deviatio n
Mean Score
Mean Deviatio n
Mean Score
Mean Deviatio n
Mean Score
Mean Deviatio n
2.4
1.04
4.13
0.72
4.2
0.746
2.8
0.975
2.62
1.111
3.5
1.32
3.25
1.195
3.125
1.27
2.727
0.75
4
0.739
4.182
0.936
2.818
0.936
2.25
1.233
3.833
1.213
3.583
1.037
3
1.225
2 2.688
1.07 0.982
4.143 3.812
1.356 0.808
4.143 3.750
0.639 1.146
2.714 3
0.881 1.173
2.478
1.058
3.913
1.018
3.87
1.034
2.913
1.1
*Unang Tanong: Gaano kabuti gamitin ang polyethylene plastic sa araw-araw na pamimili? Ikalawang Tanong: Gaano kabuti gamitin ang papel sa araw-araw na pamimili? Ikatlong Tanong: Gaano ka kadalas gumamit ng papel? Ikaapat na tanong: Gaano ka kadalas gumamit ng polyethylene plastic?
18
Pagsusuri:
Ayon sa Lokasyon Makikita na sa isinagawang survey na kung pagbabatayan ang Unang tanong, ang mga repondents na nakatira lugar sa labas ng Muntinlupa ay may higit na mataas na mean score kaysa sa residente ng nasabing lungsod. Subalit mababanaag na may maliit na mean deviation ang mga repondents mula sa lungsod ng Muntinlupa. Nangangahulugan lamang ito na kahit mas malaki ang pagsang-ayon ng mga respondents na taga-labas ng Muntinlupa, kakikitaan pa rin ng mas malaking pagkakasundo sa panig ng taga-Muntinlupa. Malalaman natin dito na hati pa rin ang palagay ng mga repondents mula sa labas ng Muntinlupa ukol sa kabutihan ng paggamit ng plastic sa araw-araw na pamimili. Ganitong paliwanag din ang makikita sa Ikalawang tanong hinggil sa kabutihan ng paggamit ng papel. Sa pagkakataong ito, nagtala ng mas mataas na mean score ang mga taga-Muntinlupa kaysa sa mga hindi. Patuloy pa ring makikita ang malaking mean deviation na nagpapahiwatig ng hindi magkakasundo sa sagot sa tanong na ito. Hati pa rin ang opinion ng mga respondents na na nakatira sa lugar na walang batas na nagbabawal sa paggamit ng polyethylene plastic sa pamimili. Ipinakita naman sa Ikatlo at Ikaapat na tanong ang epekto ng Ordinance 10-109 sa pamumuhay ng tao sa respondents. Lumalabas na mataas ang paggamit ng papel habang malimit ang paggamit ng polyehtylene plactic sa mga taga-Muntinlupa. Halos wala namang ipinagkaiba ang datos na mula sa mga naninirahan sa labas ng nasabing lungsod, gayon din ang mean deviation.
19
Ayon sa Edad Ipipnapakita sa pangkalahatan ng datos na mas kritikal ang pagpapalagay ng mga may edad 18 gulang at pataas sa nasabing paksa. Gumitna ang mga mean score na nakuha sa apat na tanong mula sa nasabing grupo ng respondents. Nagpapakita rin dito ng malaking hindi pagkakasundo sa kani-kanilang mga sagot. Samantala, konkreto at malinaw ang palagay ng mga respondents na may edad 18 taong gulang pababa. Makikita na may mataas na mean score sa Ikalawa at Ikatlong tanong habang mababa naman sa Una at Ikaapat. Consistent din ang mean deviation na hindi umaakyat higit sa 1 na nagpapakita maliiit na pagbabago sa mga sagot
Ayon sa Kasarian Batay naman sa mga datos na mula sa mga respondents na babae, makikita na kritikal ang pamimili sa pagsagot sa mga katanungan. Halos walang malaking pagitan ang mga mean score nito sa mga tanong. Ipinapakita rin ng malaking mean deviation sa ikatlo at huling tanong na may hindi pagkakasundo sa paggamit ng polyethylene plastic at papel. Subalit ang maliit na mean deviation sa una at ikalaawang tanong ay nagpapakita na malaki ang pagkakasundo sa mga sagot nito. Sa kabilang banada para sa mga kalalakihan, makikita ang maliwanag na katayuan ng mga ito sa paksa. Maliit ang mean scores ng una at huling tanong na nagpapahiwatig na hindi ito sang-ayon sa paggamit ng plastic habang mataas naman ang mean scores ikalawa at ikatlong tanong.
20
Sa Kabuuan Sa pangkalahatang pangsusuri sa mga datos na mula sa isinagawang survey, mahihinuha ang malaking pagkiling ng mga respondents sa paggamit ng papel at kaalaman sa panganib na kaakibat ng paggamit ng polyehtylene plastic. Ang mataas na mean scores sa ikalawang tanong higit sa unang tanong ay nangangahulugan na mas marami ang naniniwala na mapanganib sa kalikasan ang paggamit ng plastic. Kaugnay nito, nagpakita rin ng mataas na tala ang paggamit ng papel kaysa polyethylene plastic na suportado ng nsabing palagay ng mga responedent. Bagaman makikita ang malalaking pagkakaiba sa mga naitalang mean score, makikita pa rin ang mataas din mean deviation na nangangahulagan na malaki ang hindi pagkakasundo ng mga sagot. Nanatiling hindi konkreto at solido ang palagay ng buong sample na sumailalim sa survey.
21
Pagsusuri sa mga Impormasyon ng Polyethylene at Plastic Paggamit ng Enerhiya
Polythylene: Gumagamit ng 594 BTU ng enerhiya sa paggawa ng bagong plastic habang 17 BTU lamang tuwing magre-recycle ng kasing daming plastic.
Papel: Gumagamit naman ng 2,551 BTU ng enerhiya ang paggawa ng papel samantalang nangangailangan ng 1,444 BTU sa pagreresiklo ng ganoong kadaming papel.
Sa simpleng tingin, makikita na higit na malaki ang nakokonsumong enerhiya sa paggawa at pag-recycle ng papel kaysa plastic. Kung patuloy na susuriin, makikita na mas makatitipid nga sa enerhiya ang paggamit ng plastic. Makikita na 2.862% lamang ng orihinal na enerhiya ang nagagamit sa tuwing magre-recylce ng plastic habang 56.065% naman ng orihinal na enerhiya sa paggawa ng bagong papel ang nakokonsumong enerhiya sa simpleng pagre-recycle ng papel. Isa sa pa, nakatitipig ng halos 1497 BTU ng enerhiya kung marerecycle ang mga plastic.
Kabanata V: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
22
Buod ng mga Natuklasan
Matapos maisagawa ang mga karampatang gawain tulad ng pagsasaliksik at pagsasagwa ng survey, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1.
Lumabas na malaki ang naging epekto ng Ordinance 10-109 sa palagay ng tao sa masamang dulot ng paggamit ng plastic bag. Dahil dito nahikayat ang mga mamamayan ng Muntinlupa na gumamit ng papel sa pag-aasang maiibsan nito ang lumalalang suliranin sa basura at pagbaha. Nagkaroon din ng displina ang mga mamamayan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng nasabing kautusan.
2.
Napag-alaman na mas matipid ang paggawa ng plastic kaysa sa paggawa ng papel maging ang pag-re-recycle ng mga ito.
3.
Nakita na magkasalungat ang pananaw ng mga mamamayan at mga siyentipiko sa paggamit ng papel at plastic. Ilan sa mga dahilang inilatag ng tao laban sa plastic ay ang kakayahan nitong magbara sa mga daluyan ng tubig na siyang nagdudulot ng baha at mapanganib sapagkat hindi nabubulok. Sa panig naman ng mga siyentipiko, mas malaki ang epekto ng paggamit ng papel sapagkat makakadagdag ito sa mga suliranin ng deporestayon, polusyon sa tubig at magastos na paggamit ng enerhiya. Ito umano’y mga pawang malalaking usapin na nagdudlot ng malalaking epekto sa tao at kalikasan
23
Konklusyon Sa pagtatapos ng pag-aaral, may ilang bagay ang napatunayan ng mga mananaliksik. Higit sa lahat ng ito ay ang kaalaman ng mamamayan hinggil sa isyung pangkapaligiran. Mapag-alam na limitado sa nakikita lamang ng mata ang nalalaman ng mga tao sa pagtugon sa suliranin ng kapaligiran. Halimbawa dito ay ang pagbaha, sinisisi ng ilang lokal na pamahalaan ang paggamit ng plastic dahil ito ay bumabara sa mga daluyan ng tubig. Kaya isang ordinansa agad ang ipinasa upang masulusyonan ang nasabing problema. Makikita na tanging mga payak na batayana lamang ang sinandigan ng mga nagpatupad nito. Hindi isinaalang-alang ang ilan pang malalaking usaping nabanggit na sa itaas na dapat matugunan. Samantala ang mga tao ay nahila sa isang bandwagon at walang nagawa kundi ang sumunod.
24
Rekomendasyon
Sa mga nais magpatuloy ng ganitong pagsusuri, ipinapayo ng mga mananaliksik na pag-ibayuhin ang pangangalap ng impormasyon. Huwag limitahan ang mga sandigan sa Internet. Paglaanan din ng panahon ang malawakang pangsasagawa ng survey upang mas maging makatotohanan ang kalalabasan ng ganitong uri ng pangangalap. Ipinapayo rin na makipanayam ng mga taong may malawak na kaalaman at karunungan sa nasabing paskasain.
25
Mga Sandigan
American chemistry council American Forest and Ppr Association, Comparison of the Effects on the Environment of Polyethylene and Paper Carrier Bag. Federal Office of the Environment, August 1988 Institute for Life cycle Environment Assesment Paper Industry Asssociation Council Resources and Environment Profile Analysis of Polythylene and Unbleached Paper Grocery Sack Franklin Group, 1990: Reusesable Bags.com Society of Polyethylene plastic Industry US Environment Protection Agency Worldwatch Industry Washington Post
26