Misamis University
Ozamiz City
EPEKTO NG MGA SOCIAL NETWORKING SITES SA MGA PILING MAG-AARAL
NG BSBA-1
Sulating Pananaliksik Bilang
Bahaging Pag-aaral sa Asignaturang
Filipino 2
Ikalawang Semester Taunang Panuruan 2012-2013
9:05-10:10 MWF
Ipinasa nina :
Khryss Mariz O. Origenes
Jessa M. Bacud
Lormae Lou B. Pescones
Irene S. Cabaitan
Jemimah T. Pabriga
Ipapasa kay:
Gng. Eusmel Uy Cericos
PASASALAMAT
Buong pusong pasasalamat ang nais naming ipaabot sa mga sumusunod na
indibidwal dahil sa kanilang pagtulong at kontribusyong ibinibigay nila
pati na rin sa walang sawang pagsuporta upang matagumpay na maisaayos at
maisagawa ang pamanahong papel na ito.
Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng determinasyon upang isakatuparan
ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na kanilang ginamit sa kanilang pag-
aaral. Sa pagdinig ng aming dalangin lalung-lalo na sa sandaling kami ay
pinanghihinaan na ng pag-asang matapos ito ng ayon sa itinakdang panahon.
Sa mga magulang namin, na nagbibigay ng moral at pinansyal na suporta
at nagsilbing inspirasyon.
Sa aming guro na si Gng. Eusmel Uy Cericos, sa pagbibigay ng mga
ideya at payo sa paggagawa at pagrerebisa ng pag-aaral.
Sa mga estudyante sa kursong BSBA sa Unibersidad ng Misamis para sa
tapat nilang pagsasagot ng survey-kwestyoneyr.
Muli nais naming ipahatid ang aming taos pusong pasasalamat sa inyo.
Maraming salamat po.!
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata I:
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
a. Panimula
b. Layunin ng Pag-aaral
c. Kahalagahan ng Pag-aaral
d. Saklaw at Delimitasyon
e. Depinisyon ng mga Katawagan
Kabanata II:
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
a. Mga Kaugnay ng Literatura
b. Mga Kaugnay na Pag-aaral
Kabanata III:
Metodolohiya
a. Uri ng Pananaliksik
b. Mga Kalahok
c. Instrumentong Pampananaliksik
d. Lunan ng Pag-aaral
Kabanta IV: Paglalahat at Interpretasyon ng mga Datos
Kabanata V:
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
a. Natuklasan
b. Kongklusyon
c. Rekomendasyon
Listahan ng mga Sanggunian
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO
Panimula
Maraming mga bagong teknolohiya ang naimbento at nagbago sa pamumuhay
ng mga tao. Isa na dito ang Internet, at sa pagdaan ng panahon, nauso ang
mga social networking sites. Ang pangunahing mithiin ng mga websayt na ito
ay ang pakikipaghalubilo sa iyong mga kapamilya at kaibigan pati na rin sa
ibang mga tao, nasa malapit man sila o malayo. Masasabing ang mga social
networking sites ang pinakadinarayo ng mga kabataan sa Internet dahil sa
maraming salik na nakakapag-udyok sa mga ito. Dumarami ang mga kabataang
sumasali sa mga social networking sites kung saan ang Facebook.com,
Twitter.com, at Tumblr.com and pinaka-popular.
Hindi na lamang ang pakikipaghalubilo o pakikipagkaibigan ang
nagagawa sa mga websayt na ito, malaki na rin ang naging tulong nito sa pag-
aaral ng mga estudyante. Dito nagpapalitan ng mga mensahe na may kinalaman
sa pag-aaral ang mga estudyante. Nagiging daan ito para makahabol sa mga
aralin ang mga mag-aaral. Nakakakuha din sila ng mga bagong impormasyon
dito na nakakatulong sa kanilang pag-aaral.
Pero, hindi lahat ng nagiging epekto nito ay positibo. Minsan,
nagiging sagabal ito sa pag-aaral at nagiging sanhi ng pagbaba ng grado ng
mga estudyante. Nahuhumaling ang ilan sa paglalaro ng mga games at ang iba
naman ay napupuyat sa websayt na ito na nagiging sanhi ng pagliban at
pagkahuli nila sa klase.
Ang Social Networking Sites ay bunga ng karunungan na kaloob ng
Panginoon na nararapat na gamitin sa mabuti at maayos na pamamaraan.
Layunin ng Pag-aaral
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang epekto sa pag-
aaral ng pagsali sa mga social networking sites ng mga mag-aaral sa
Unibersidad ng Misamis.
Tiyak na layunin ng pananaliksik na ito ang ang mga sumusunod:
1. Matukoy ang mga social networking sites na ginagamit ng mga mag-
aaral.
2. Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng isang Social
Networking Site?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa Mga Mag-aaral
Matutulungan ang mga mag-aaral na malaman o maintindihan kung ano ang
epekto ng social networking sites sa kanilang pag-aaral. At dahil sa
kaalamang ito, matututunan nilang palawakin ang paggamit nito o maglagay ng
limitasyon sapaggamit.
Sa Mga Magulang
Makatutulong din ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang magabayan
nilang mabuti ang kanilang mga anak sa wastong paggamit ng social
networking sites.
Sa Mga Guro
Magiging daan ito upang maging kawili-wili at mas epektibo ang
pagtuturo ngmga guro sa mga kanilang mag-aaral.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang aming pananaliksik ay tungkol lamang sa maaaring maging epekto ng
mga iba't-ibang Social Networking site sa mga piling mag-aaral ng BSBA-1 sa
Unibersidad ng Misamis. Bilang karagdagan, ang buong pag-aaral ay nakatuon
lamang sa mga Social Networking site. Ang saklaw ng aming pag-aaral ay 20
bahagdan ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng mga BSBA na studyante.
Limitado lamang ito sa aming paaralan at ang mga nasabingmag-aaral lamang
ang masasaklaw nito.
Depinisyon ng mga Katawagan
Facebook. isang Social Networking Site kung saan nakakatutulong
paramagkaroon ng komunikasyon sa mga taong nais mong kausap na nasa malayo.
Isarin itong aplikasyon na naglalaman ng mga laro at impormasyon tungkol sa
iyongmga kakilala. At maaari kang makagawa ng sariling profile. Itinatag
ito noongPebrero 2004 ng Facebook INC.
Social Networking Sites. Ito ay isang sosyal na instruktura na binuo ng
isang organisayon, upang ang isang indibidwal ay matulungan sa iba't-ibang
paraan tulad ng pagkokomunikasyon sa mga kaibigan , kamag-anak na nasa
ibang lugar,paglilibang at pagpapalitan ng mga mensahe.
Tumblr. Ayon kay Jonathan Jarc (www.trendingeducation.com ,2011), ang
tumblr ay isang "microblogging platform"na pinapahintulutan ang mga
gumagamit namag pahayag ng kanilang teksto, imahe, bidyo, link, kasabihan
at mga audio sa kanilan "tumblelog", na isang short-form blog.
Twitter. Ayon sawww.tweeternet.com, ang Twitter ay isang social networking
at microblogging service site na pinapayagan kang sagutin ang tanong ng
"Ano ang iyong ginagawa?´ gamit lamang ang maiikling mensahe na 140
karakter ang haba, o "tweets" sa iyong mga kaibigan.
Internet. Ay isang sistema na pangdaigdigang kung saan ito ay tumutulong sa
milyong-milyon tao para makakonekta sa isang web sayt. Tumutulong ito sa
mga tao na nangangailangan ng impormasyon parasa kanilang mga takdang
aralin,proyekto at iba pang mga gawain na may kaugnayan sa kanilang pag-
aaral at trabaho. Ginagamit din ito upang makausap natin ang mga taong
malayo sa pilingnatin.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Kaugnay na Literatura
A. Maikling Kasaysayan ng Social Networking
Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring
maging basehan para sa interaksyong sosyal nacomputer-mediated. Ito ay
bunga ng The Network Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na
nagdulot ng pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa
Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng
isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang websayt
kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang
kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang komunikasyon
sa pagitan nila. Ayon sa isang media release ngOregon State
University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito.
Sakaragdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita
muli angmga residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-
aral o kasama nila noong sila'y nag-aaral, nagtratrabaho o maging ang mga
kasama nila sa militar.Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa
40 milyong tao ang kasali sa SN na ito.
Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan tungo
sama buti at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa
negosyo. Hindi lamang ito pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang
internet kundi isang magandang paraan din ng maayos na pakikipag-
transaksyon sa iba't ibang sangay ng kalakal o negosyo. Itong networking
sites din ay ginagamit sa iba't ibang lugar sa mundo kaya di malayong
mangyari na magkaroon ng iba't ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon
ng transaksyon gamit ito.
Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng
teknolohiya, hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi
ng mganetworking website. Gayun din ang hindi pag-alam ng kung anong
masamangmaidudulot nito sa mga gumagamit depende sa site na
sinalihan.Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga
malalayongkamag-anak at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa
mabilis natransaksyon, ngunit pagdating ng mga epekto nito sa isang
estudyante, magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang networking
websites ding ito ay nagbibigay samga estudyante ng mga akala o masasabi
nating sa pamamagitan ng networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng
malalayong relasyon o long distance relationship. Hindi ito maiiwasan
ngayong marami ng magandang naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng bawat
tao.
Kaugnay na Pag-aaral
Ayon kay Young (1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras sa
Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang
independent naman ay kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o e-
mail lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang kakahayan
sa larangang sosyal ang apektado nga diksyong ito. Marahil ito ang
nagbibigay ng kung anong wala sila sa totoong buhay.
Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal
napag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay may
kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan
at pamilya.Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000
mag-aaral sa kolehiyo sa walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa
paggamit ng Internet upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang
pakikihalubilo at ang akademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na
gumagamit ng
Internet ay kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong
ito ang nagsasabing ang
Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang buhay.
Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics:
Identity and Community in Cyberspace (1997), sinasabi na may malaking
kahalagahan ang mga kapalit o katumbas ng paglalabas ng ating kakilanlan sa
mga teknolohiya. Ang mga uring teknolohiyang ito ay nagbibigay ng malaking
posibilidad na hindi tayo mawawala (Holmes, 1997).
Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating kinokonsumo ang ating oras
makabalik sa ating pinagmulan at hinahanap kung gaano natin kilala angating
sarili. Dahil dito, nawawalan tayo ng kontrol sa pisikal, mental, at
emosyunal namundo. Ito ay nababago sa paggamit ng mga kagamitang
komunikasyon.
KABANATA III
Metodolohiya
Uri ng Pananaliksik
Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga
impormasyon tungkol sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng isang
"descriptive research method". Kung saan ito ay naglalaman ng mga nararapat
naimpormasyong kailangan sa pag-aaral.
Mga Kalahok
Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga respondenteng
napili nila ay may malaking kauganayan sa kanilang pag-aaral. Pinili nila
ang kursong BSBA dahil alam ng mga mananaliksik na madalas itong nasa harap
ng kompyuter, hindi lamang para mga-aaral kundi pati narin mag-libang at
malaman kung ang mga ito ba ay apektado sa lumalalang bilang na gumamit ng
mga Social Networking Site.
Alam ng mga mananaliksik na ang kanilang mga respondente ay may
malaking maitutulong sa ginawa nilang pag-aaral upang malaman ang mabuti at
masamang epekto ng Social Networking Site. Ang naturang pagsagot ng mga
respondenteng ito sa mga katanungan ng mga mananaliksik ibabase ang resulta
ng isinagawang pag-aaral.
Instrumentong Pampananaliksik
Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang instrumento sa
pangangalap ng mga datos upang malaman ang damdamin ng mga kalahok sa
Epekto ng Paggamit ng Social Networking Sites sa Pag-aaral ng mga mag-aaral
sa mga piling estudyante sa kursong Business Administration sa Unibersidad
ng Misamis.
Lunan sa Pag-aaral
Inilarawan ng pananaliksik na ito ang mabuti o masamang Epekto ng
Paggamit ng Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa Unang
Taon ng kursong BSBA sa Unibersidad ng Misamis taong 2012-2013.
KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na
nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa paggawa ng pag-aanalisa ng
mananaliksik.
A. Maikling Kasaysayan ng Social Networking
Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring
maging basehan para sa interaksyong sosyal na ng pagsulong ng kagamitan ng
kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang pagtayo
ng isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang
mga lumang kaklase maging sa komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang
University (2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa
karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita
muli ang mga residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-
aral o kasama nila noong sila'y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga
kasama nila sa militar. Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa
40 milyong tao ang kasali sa SN na ito. Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-
unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na SixDegrees.com. Sa websayt na ito,
nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa ng kaibigan. Nakatulong
ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg padala ng mga mensahe sa
mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa SixDegrees, hindi nila
masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito kaya hindi rin ito
nagtagal. Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad
ng SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com
noong 2002, Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com
naman noong 2004.
B.Ano ang Social Networking?
Ang social networking ay isang istrakturang sosyal nagawa sa mga
Nodes o sa mas madaling salita, mgaindibidwal na konektado ng isa o
maraming tema tuladng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexualna
relasyon.
C.Mga Mabuti at Masamang Epekto ng Social Networking Sites
Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan tungo sa
mabuti at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa negosyo.
Hindi lamang ito pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi
isang magandang paraan din ng maayos na pakikipag-transaksyon sa iba't
ibang sangay ng kalakal o negosyo. Itong networking sites din ay ginagamit
sa iba't ibang lugar sa mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon ng
iba't ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyon gamit ito.
Mula sa pag-aaral noong 2007, maganda ang naidulot ng networking websites
sa mga bansang umaangat pagdating sa larangan ng negosyo. At sa pag-aaral
ding ito, na may resulta sa loob ng tatlumpung araw, makikita na higit sa
sampung porsyento ang naidagdag sa pagsulong na pakikipagnegosyo.
Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng
teknolohiya, hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi
ng mga networking website. Gayun din ang hindi pag-alam ng kung anong
masamang maidudulot nito sa mga gumagamit depende sa site na sinalihan.
Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga malalayong
kamag-anak at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa mabilis na
transaksyon, ngunit pagdating ng mga epekto nito sa isang estudyante,
magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang networking websites ding ito ay
nagbibigay sa mga estudyante ng mga akala o masasabi nating sa pamamagitan
ng networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o
long distance relationship. Hindi ito maiiwasan ngayong marami ng magandang
naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng bawat tao.
Isa sa masamang epekto ng social networking sites ay nakagagawa ito ng
isa pang katauhan at maling tala ng isang tao sa isa. Nakatala din sa pag-
aaral na ang mga taong walang masyadong social life ay dinaraan ang
pananahimik sa networking. Dahil nga sa nasabi natin na isa itong daan sa
komunikasyon sa mga taong malalayo sa'yo, kilala mo man o hindi. Mahirap
ding makahanap ng privacy dito lalo na sa ibang website na nakikita ang
bawat update mo. (Halimbawa: facebook) Dapat gabayan ng magulang ang
kanilang mga anak sa pagsasali sa iba't-ibang networking sites ngayon at
dapat alamin nila kung ano ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa kanilang
mga anak.
KABANTA V
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Mga Natuklasan
Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao partikular
ang mga estudyante tungkol sa social networking .Marami ang naidudulot na
maganda ang mga social networking sites na ito para sa pakikipaghalubilo sa
mundong virtual. Bagama't alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot
sa kanila ng pakikipaghalubilo sa iba't ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy
parin nila ang pagiging aktibo sa mga social networking sites na ito sa
kadahilanang nakikita nila at naipapakita nila angkanilang mga sarili sa
pamamagitan ng mga ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social
networking bilang isang "social trend" na humahatak sa bawat estudyante na
gumawa ng kani-kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot
ang pagkakaroon ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala
ang seguridad ng mga estudyante at maari silangmasangkot o mabiktima sa mga
di kanais-nais na tao na mayroonding account sa social networking sites. Sa
lahat ng mga nasabi,mayroon ngang maganda at masamang epekto ang
pagkakaroon ngaccounts sa mga social networking sites ngunit sa mga nakalap
naimpormasyon, mas nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto nito sa
kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pa.
Kongklusyon
Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na impormasyonay
napag-alaman ang mga sumusunod:
1. Ang Social Networking Site ay nakakatulong di lang sa
pakikipaghalubilo pati narin sa pag-aaral ng mga mag-aaral at sa mga
taong negosyante.
2. Ang Social Networking Site ay nanatiling mabuti pa rin angepekto sa
iba sa kadahilanang pagkakaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak sa
ibang bansa, pagpapatibay ng relasyon sa mga kaibigan at sa mga taong
pumapalibot sa kanila.
Rekomendasyon
Iminumungkahi ng mga mananaliksik na paghusayin at palawakin pa ang
mga pag-aaral sa larangan ng Social Networking. Ito ay sa kadahilanang
dapat na higit na maunawaan ng mga tao ang mga mabubuting implikasyon ng
Social Networking, at upang matuto ang mga tao sa tunay na kahalagahan nito
at magayak silang sumali na rin dito.Ito ay dapat gamitin sa wastong
pamamaraan. Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng
mga SN sa buhay ng tao, lalo na sa henerasyon ngayon na napakabilis
magpalit ng oras. Sa kabila nito, inirerekomenda rin ng mga mananaliksik sa
mga sumasali at mga nagbabalak na sumali sa mga SN site na dapat ay may pag-
iingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong network. Mahalaga pa rin
na maging protektado ang tunay na katauhan ng sinumang nais na sumali sa
mga SN site. Ito ay bilang pag-iingat sa mga manloloko na lumaganap na sa
mga SN site at sa mga nagnanakaw ng katauhan.
Sanggunian
http://ivaughnn.blogspot.com/2009/02/thesis-filipino.html
http://www.slideshare.net/faberNovel/social-network-websites-best-
practices-from-leading-services
http://www.corban.edu/studentlife/hilltop/4-7-08/socialnetworking.html
About Classmates Online, Inc., Classmates.com, Nakuha noongFebruary
12, 2008 from
http://www.classmates.com/cmo/about/;jsessionid=RIVWXDQ2MEVJ4CQKWZSSVRQ
KBK1GMIV3?s=74606&_requestid=171457,
http://en.wikipedia.org/wiki/Classmates.com
Anderson, K. Internet use among college students: An exploratorystudy[
Paggamit ng internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo: Isangeksploratoring
pag-aaral]. Nakuha noong February 12, 2008
fromhttp://www.rpi.edu/anderk4/research.html
Boyd, D. M. at Ellison, N. B. (2007). Social network sites:
Definition,history, and scholarship[Mga social networking
sayt:Depinisyon,kasaysayan at kaalaman] . JournalofComputer-
MediatedCommunication,13(1),article
11.http://jcmc.indiana.edu/vol13/issue1/boyd.ellison.html
Berkowitz, Stephen D. 1982.An Introduction to StructuralAnalysis: The
Network Approach to Social Research.Toronto:Butterworth.
S: I saw her. Is that khryss?
J: yeah. Ur ryt JM
S: Go with her,
( milakaw)
J: Hey
K: may I know u?
J: ahm I just meet you and this is crazy ahm can I get your number?
K: sure
(typing)
K: here it is! Thank u.
J: OH! Other network? Tsk.
K: text me?
J: maybe?
K: call me?
J: maybe?:(
S: oh jef don't wori about dat. Just used SMART JUMP IN sim, just lod 15
pesos and u can register to 2 days unli with all networks and 10 minutes
free call.
J: really?
S: yeah. Here it is I will give it to you.
J: oh JM thank you very much
K: okey jef. Just txt me or call me ha?
J: sure(
S: problem with other network? USED JUMP IN SIM for 20 pesos ONLY, SEE YAH(