DAHILAN AT EPEKTO SA KATAWAN NA MAAARING MAIDULOT NG ALKOHOLISMO AYON SA OPINYON AT PANANAW NG MGA ESTUDYANTE SA UNANG TAON SA POLANGUI COMMUNITY COLLEGE
Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Ni ______________________________
MARSO, 2013
PASASALAMAT
Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga indibidwal na siyang tumulong at umudyok sa amin upang matapos itong pamanahong papel na ito:
Kay_______________, ang aming kagalang-galang na propesor sa asignaturang Filipino 2.Nagpapasalamat kami sa inyong walang sawang paggabay at pagbigay ng mga magagandang puna at payo na siyang nakatulong upang mabuo namin ang pamanahong papel na ito.
Sa aming mga magigiliw na mga kaklase, ang aming pangkat, na siyang nagbigay kulay sa isang animo’y napaka masalimuot na semestre, maraming salamat. Hinding- hindi namin makakalimutan ang lahat ng mga bagay na ating pinagsamahan bilang isang klase.
Nagpapasalamat rin kami sa aming mga magulang, mga kaibigan at mahal sa buhay sa kanilang walang sawang pag-suporta at pag-intindi sa amin.
At higit sa lahat sa Poong Maykapal na siya naming pinag-aalayan nitong aming munting proyekto, maraming salamat po sa Inyong patuloy na paggabay sa amin at sa pagbabasbas ng biyaya.
Muli, maraming-maraming salamat po.
Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata I. Ang suliranin at kaligiran nito 1. Introduksyon 2. Layunin ng Pag-aaral 3. Kahalagahan ng Pag-aaral 4. Saklaw at Limitasion ng Pag-aaral 5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Kabanata II. Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 1. Disenyo ng Pananaliksik 2. Mga Respondente 3. Instrumentong Pampananaliksik 4. Tritment ng mga Datos Kabanata IV. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos KabanataV.Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 1. Lagom 2. Kongklusyon 3. Rekomendasyon
Listahan ng mga Sanggunian Apendiks
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. INTRODUKSYON Noon paman ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng taon ay inabuso ito at naging alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakakalasing, itinangi sa pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak, pagiging maligalig at pamamaluktot ng pag-iisip. Ang alkoholismo ay may marami at kadalasa’y mahihirap na depinisyon.Sa pangkaraniwang binibigay na depinisyon nito,ang alkoholismo ay isang kondisyon kung saan ang labis na pag-inom at patuloy na pagkonsumo ng mga nakakalasing na inumin o alcoholic beverages sa kabila ng masamang maidudulot nito sa sosyal at pangkalusugang aspeto ng isang indibidwal.( Searless, John S. 1990). Itinuturing ang alcoholism ay isang sakit at adiksyon na resulta ng madalas na paggamit ng alcohol kahit naito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa taong gumagamit nito. Noong ika-19 at ika-20 siglo, ang alkoholismo ay tinatawag na dipsomania na naglalarawan ng pagkahalina o di- maiwasang konsumasyon ng alkohol o ang walang abilidad na makapagkilala sa negatibong epekto nito sa sobrang alkohol na ininom.Kahit pa hindi sa lahat ng mga kahulugan nito ang nagsasaad na ang madalas na paggamit ng alcohol na isang kwalipikasyon upang maihanay sa depinisyon ng alkoholismo, ang iba naman aynagsasaad ng matagalang epekto o ang tinatawag na long term effects na madalas na paggamit ng heavy alcohol kasama na ang pagdepende ng isang tao sa alcohol.(www.google.com)
Gayunpaman, ang paggamit ng alcohol ng isang tao ay hindi nagsasad na nalulong sa alcohol ang isang tao. Ang dami (quantity), frequency at regular na pag-inom ng alcohol ay kinakailangang alamin upang maihanay ang isang indibidwal sa alkoholismo sapagkat ito ay nag-iiba-iba tao mula sa tao. Ilan pa sa mga salik ng kwalipikasyon ng alkoholismo ay ang sosyal na kapaligiran, stress, mental health at genetic disposition , edad at kasarian ng gumagamit ng alcohol. Mahigit sa 40% ang nagsisimulang gumamit ng alcohol sa edad na 14 pa lamang at nakadepende na dito, samantalang 10% ang hindi umiinom hanggang sa edad na 20 o pataas
at
nagdebelop
ng
problema
sa
alcohol
hanggang
sa
katandaan
nila.(www.google.com) Ang pag-abuso sa alcohol sa kabataan (adolescence) ay maaring maging sanhi ng panmatagalng pagbabago sa pag-iisip ng isang tao at maaring humigit pa ang risgo sa susunod na taon. Ang alak ay urihinal na bumubuo ng kaligayahan at oras na walang ginagawa kaya inaakala ng mga alkoholiks na may nakukuhang benepisyo dito dahil sa kasiyahan na natatamo sa pag-inom ng alak ngunit di nila nalalaman na ito ay unti-unting sinisira ang cnsna nagiging sanhi ng depression.( Flores, Berlin. 2009)
2. LAYUNIN NG PAG-AARAL Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa Alkoholismo at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong: 1. Anu-ano ang mga kritikal na karamdaman na maaaring maidulot ng alkoholismo sa tao? Sa aspetong pisikal, mental at sosyal?
2. Ano ang dahilan ng pag iinom? 3. Ano ang mga pagkilala sa Alkoholismo? 4. Ano ang mga realisasyon sa mga taong kasali nito? 5. Maimulat ba ang mga kabataan sa negatibong epekto ng pag-inom ng alak?
3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ng tao ang negatibo at masasamang epekto na maiidulot ng alcohol gayunpaman sa aspetong pisikal, mental, at sosyal. Para malaman ng tao kung ano ang alkoholismo at upang maagapan ang pagdami ng populasyon sa taong umiinom at mabigyan ng solusyon ang mga suliranin na ito sa ating lipunan. Anumang resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing pamulat sa mga umiinom lalong-lalo na sa mga estudyante sapagkat ito ay nakakasira ng kalusugan.Makakatulong ito sa mga taong dumaranas ng sakit na ito. Tumutulong din ang paksang ito sa iba pang mga mag-aaral at mananaliksik na palawigin pa ang kaalaman ukol sa nasabing paksa. Napakahalaga ng pag-aaral na ito dahil batid ng mga mananaliksik na ang paksang ito ay tungkol sa epekto ng alkoholismo sa kalusugan ng tao na magbibigay ng kaalaman sa mga tao na ginagawang kasiyahan at libangan na hindi iniisip ang masamang naidudulot nito sa katawan. Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang mga impormasyon ng mga epekto ng alkoholismo sa kalusugan. Naglalayon na ang mga impormasyong ito ay makakatulong sa lahat upang maiwasan ang alkoholismo at maagapan ang masasamang epekto nito sa katawan.
4. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa epekto sa kalusugan partikular ang mga sakit naidudulot nito sa katawan ng isang tao. At ito lamang ay nakatuon sa mga estudyante sa unang taon sa Polangui Community College, Polangui, Albay, Ikalawang semester, taong panluna 2012-2013.
5. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito: Cardiomyopathy - isang sakit samuscle ng puso, kadalasan ay hindi sigurado nag kadahilanan. Coronary artery disease -( sakit sa ugat sa puso) tinatawag ring sakit sa puso o atherosclerosis. Ito ay ang paninigas ng mga daluyan ng dugo dahil sa mga deposito ng taba na tinatawag na plak (plaque). Cardiac dysrhythmia -isang condition kung saan ang tibok na puso ay irregular. Myocardial infarction - atake sa puso Ulcer -Pananakit sa sikmura o maaari din po itong ulcer sa parte ng bituka Break-up- ang paghihiwalay ng magkasintahan Public disorder- ang pagdulot ng disturbo sa nakakarami o publiko
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ayon sa isang web article ng www.gotocld.com ,marami nang nanaliksik tungkol sa mga epekto ng alkoholismo sa tao sa pagdaan ng tao ay pataas ng pataas ang bilang ng mga tao na nalululong sa ganitong uri ng bisyo. Ayon sa World Health Organization (WHO), 140 milyong katao sa buong mundo ang may pag-uumasa sa alkohol. Isinalaysay ng Journal of the American Medical Association na ang alkoholismo ay isang pangunahing sakit na di malulunasan ngunit maaagapan. Ang alak ay isang pagkain na naiiba dahil hindi nangangaialangan ng prosesong digestion ngunit direktang inihahatid sa dugo at discharged sa bawat biological tissue sa katawang ng tao. Ang labis na paggamit ng alcohol ay maaaring progreso hilam pamingin at koordinasyon problems. Ayon pa kay Anne Sayers, ang alkoholismo ay isang sakit ng katawan, isip, damdamin at diwa. Bilang isang resulta, ang katawan at utak ay nangangailangan ng mas maramingalak. Ayon sa DSM-IV (pamantayan sa dayagnostiko ng sikiyatriya at Sikolohiya) ang pang-aabuso sa alkohol (alcohol abuse) bilang paulit-ulit na pag-inom sa Kabila ng mapanganib na epekto, pag-uumasa sa alkohol na may dagdag na pagpaparaan Ng Droga (drug tolerance) pamamanhid ng katawan sa karaniwang dosis ng gamot ng nagiging Sanhi ng mahigitang pag-iinom, abstinensya (withdrawal) at di pagkontrol sa damdaming makainom ng alak. Ayon kay Berlin Flores, isang kalusugan at gamit na manunulat, ang antas ng
Toxicity kapag ang alak ay nakonsumo matapos kumain at mas mataas bago kumain na nakakaapekto sa ating central nervous system(CNS). Sa mga tuntunin ng hydration, ang mga antas ng toxicity ay higit na maliit kung ang alak ay diluted muna bago ang pagiinom.Dagdag pa ni Flores, ang pagkilala ng alkoholismo ay ang paggamit ng pamamaraang screening ay karaniwang self-ulat na ang mga partikular na ginagamit upang tiyakin ang pagkakaroon ng alcohol addiction. Ang eksaminasyon naman sa dugo at ihi ay isang paraang upang malaman ang lebel ng alkoholismo.
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK DISENYO NG PANANALIKSIK Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga deskriptib-analytik sarbey.Isang paraan sa tulong ng talatanungan sa paglikom ng datos.Tinangkang ibigay ang epekto ng alkoholismo sa kalusugan ng isang tao. MGA RESPONDENTE Ang pamanahong papel na ito ay nangailangan ng respondente sa Polangui Community College. INSTRUMENTONG PANANALIKSIK Ang instrumento sa pananaliksik na ito ay sarbey-kwestyoner. Ang mga mananaliksik ay nagbibigay ng mga sarbey- kwestyoner sa mga respondente na siyang pinagbabatayan sa mga pangangalap ng mga datos. TRITMENT SA MGA DATOS Ang pamanahong papel na ito ay hindi gumagamit na istatistikal na komputasyon dahil ito ay hindi pampalakihang pananaliksik. Kinukuha lamang nito ang porsyento o ang bahagdan sa mga nakuhang mga datos.
KABANATA IV PRESENTASYON AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS
DAHILAN
personal na problema (broken family) 11%
walang gabay ng magulang 9%
stress 4%
impluwensya ng barkada 51% break-up 25%
Sa pitumpong respondente sa mga estudyante ng nursing, limampu’t isang porsyento ang nakakuha ng may pinakamataas na bahagdan at ito ay ang impluwensya ng barkada na isa sa mga dahilan ng alkoholismo. Samantala, ang nakakuha ng pinakamababang porsyento ay ang dahilan na stress. Dahilan ng Pag-iinom Impluwensya ng barkada- malaki ang impluwensya ng mga kabarkada sa isang tao. May mga bagay na ginagawa nila na hindi naman dapat gawin pero napipilitan lamang at kinakailangang sundin. Problema sa personal na Buhay - Ang tao na may personal na problema sa buhay ay nasabing isang sa mga dahilan kung bakit nag iinom ang isang tao upang panandaliang makalimutan ang problema.
paggawa ng krimen 7% makasanayan at
EPEKTO
hinahanap-hanap na 8% sakit sa puso 9%
depresyon, pagkabalisa (anxiety disorder) 20%
sakit sa atay at utak 56%
Sa pitumpong respondente sa mga estudyante ng nursing, ang nakakuha ng pinakamataas na bahagdan (56%) hinggil sa epekto ng alkoholismo ay ang pagkakaroon ng sakit sa atay at utak at pitong porsyento naman sa paggawa ng krimen na nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan. Mga Sakit na Maaaring Maidulot ng Alkoholismo Sakit sa atay Ang sakit sa atay ay sanhi ng pagkawala ng balance ng mga kemikal sa katawan, blood sugar, produksyon ng protina, at ang pagkabuo ng taba sa atay. Nagbubunga din ito ng pagkasira ng sirkulasyon ng dugo, kakaibang pagkabuo ng peklat pag nasugatan. Sakit sa Puso Cardiomyopathy; paglaki ng puso, dysrhythmias at pagbagal sa paghinga. Coronary artery disease; myocardialin infarction;ulcer
KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON LAGOM Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga dahilan at epekto ng alkoholismo sa katawan ng tao lalo na ang mga posibleng pinagmulan, karamdaman o mga sakit na maaaring maidulot nito. Sa aking pananaliksik, kinakailangan pa ring mag-ingat ang mga taong umiinom at sa mga taong hindi umiinom dahil ito’y nagsisilbing babala na dapat hindi sobra-sobra ang pag-inum ng mga alak. Ito’y naghahandog ng realisasyon at proteksyon sa mga tao lalong-lalo na sa mga kabataan at mga estudyante na malapit sa impluwensya ng alak. KONGKLUSYON Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: a. Ang ilang epekto ng alkoholismo sa katawan ng isang tao ay maaaring maging isang napakalubhang karamdaman at maaaring maging dahilan ng kamatayan ng isang nilalang. b. Ang alkoholismo ay hindi bago sa ating lipunan. Hangarin ng mga mananaliksik na maimulat ang mga tao sa maraming masasamang elemento sa mundo.Kahit ito ay isang bagay na nakapagpapasaya at nakakatanggal ng problema hindi pa rin ito ang solusyon. Dahil sa isang alak, maaaring mapahamak ang sariling katawan at nakasalalay ang kaligtasan ng isang indibidwal.
REKOMENDASYON Kaugnay
ng
mga
kongklusyon
nabanggit,
buong-pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: a. Para sa mga madalas mag-inom, nawa’y mag-isip muna kung ito ba ay nararapat gawin lalo sa panahon ng kahirapan. b. Para sa mga magulang, maging magandang ehemplo sa mga kabataan particular sa mga anak na may posibilidad na mahantong sa ganitong bisyo. c. Sa mga kabataan, isipin ang maaaring maging sitwasyon ng bansa kapag dumating na ang panahon na sila na ang namumuno sa mga malalaking organisasyon o kaya’t sa ating gobyerno at biglaan silang nagkaroon ng isang malubhang karamdaman dulot ng pag iinom.
TALAAN NG SANGGUNIAN Libro:
Searless, John S. 1990. Children of Alcoholics. New York: Guilford Press
Hahn, Dale B. 1991.
Flores, Berlin. 2009. Ang iba't ibang pisikal at medikal na mga epekto ng alak
addiction.
Elektroniko: http://www.gotocld.com/ph/ang-ibat-ibang-pisikal-at-medikal-na-mga-epekto-ngalak-addiction-\ http://www.disability-resource.com/medical-health/alcoholism/the-reasonsbehind-alcoholism.php www.google.com
APPENDIKS A KWESTYUNER Panuto: Lagyan ng tsek (kung sa palagay mo ay ang sumusunod na ito ay epekto o sanhi ng alkoholismo. DAHILAN: ____ impluwensya ng barkada ____kuryosidad ____stress ____walang trabaho ____pagpapainit ng katawan ____nakakahiligan ____walang gabay ng magulang ____walang gabay ng mabuting kaibigan ____pauso ____personal na problema (broken family) ____break-up
PISIKAL AT MENTAL NA EPEKTO: Nakakasama sa kalusugan at makapagdudulot ng sakit gaya ng: ____ sakit sa puso ____ depresyon, pagkabalisa (anxiety disorder) ____ withdrawal syndrome ____ nakakasira ng atay at utak ____ sanhi ng pancreatitis,epilepsy at cancer
____ panic disorder
SOSYAL NA EPEKTO ____ public disorder ____ pagkatanggal sa trabaho ____ naksanayan at hinahanap-hanap na ____ pagkadepende sa alak habang buhay ____ pagiging regular na pag-inom ____ pinansyal na problema ____ paggawa ng krimen ( domestic violence,rape)