KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
INTRODUKSYON May mga mahalagang ginagampanan sa suliraning pangkabuhayan ng ekonomiya ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. May mga pangunahing pangangailangan ang bawat tao na dapat matugunan para sa kanyang kailangan. Ayn sa kasabihan, ³kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan´. Masasabing may katotohanan ang nabanggit na linya base sa mga sariling karanasan ng mga mananaliksik bilang mga mag-aaral. Dito sa pananaliksik na ³Ang Pananaig ng Usaping Pangangailangan sa Kagustuhan ng mga Mag-aaral ng BSA 1-1A sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina´, ating matatalakay kung ano magiging gamit ng mga iba¶ ibang baitang ng pangangailangan sa mga ambisyong ninanais at kung paan ito magiging mabisang pamantayan sa mambabasa.
SALIGANG KASAYSAYAN May mga dahilan o sadya ang mga mananaliksik kung bakit ang pag-aaral sa Hierarchy of Needs at Achievement Theory ang napili. May mga pangangailangan, kagustuhan, at ambisyon ang bawat mag-aaral sa kolehiyo mula pa noong unang kasaysayan hanggang sa kasalukuyan. Mayrong iba¶t ibang pinagdadaanan na mga suliranin ang mga estudyante bago marating ang inaasam na pangarap, hindi lamang sa kadahilanang mahirap at hindi madaling intindihin ang mga leksyon na tinatalakay sa kursong kinukuha, kung hindi ay marahil na din sa kakulangan sa pangpinansyal na gastusin o kaya nama¶y mayrong mga ibang bagay na nagbibigay ng dahilan upang makasagabal sa pag-aaral ng isang estudyante. Ang isang mag-aaral, upang makapasa at makatapos ng matagumpay, kinikailangan na maglaan ng higit na oras sa pagbibigay pokus sa pag-aaral. Ang mga ganitong sitwasyon ay nabibilang at nakapaloob sa mga teoryang Hierarchy of Needs at Achievement Theory. Sa pamamagitan ng pagaaral ng mga nabanggit na teorya, maraming mag-aaral ang magkakaroon ng kaalaman na patungkol sa pagbibigay halaga sa pagaaral.
BALANGKAS TEORITIKAL Sa isang pananaliksik, kinakailangang alamin at bigyang halaga ang teoryang ginamit, kung ano ang naging gamit nito upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning tatalakayin. Ang Hierarchy of Needs ni Abraham Maslow ang nagsilbing pamantayan sa mga suliranin sa pangangailangan at kagustuhan na kinahaharap ng mga estudyante. Ayon sa pagsusuri ng mga mananaliksik, ang sitwasyon ng mga mag-aaral ng BSA 1-1A sa PLMar ay may pagkukulang sa mga pangunahing pangangailangan at mas binibigyang pansin ang pansariling kagustuhan. Gaya na lamang sa mga pangangailangang pangpinansyal, madalas na inuuna ng mga mag-aaral ang mga pansariling kagustuhan tulad ng paggala sa mga ³mall´ at pagbili ng mga bagay na nakapagbibigay aliw na hindi naman gaanong kahalaga o hindi naaayon sa pag-aaral, kaysa unahin ang mga pangangailangan sa pag-aaral gaya ng pagbabayad ng mga maliliit na bayarin tulad ng mga ³hand-outs´ at kontribusyon sa klase. Pagdating naman sa pangangailangang pang-akademiko, mas inilalaan ng mga estudyante ang oras sa mga hindi mahahalagang bagay kaysa gamitin ito sa mas makabuluhang bagay, gaya ng paggawa ng mga proyekto at pagrerebyu ng mga napag-aralang paksa.
BALANGKAS KONSEPTWAL Ang paradimong ito ay nagsisilbing pamantayan upang tukuyin ang pinagkaiba ng pangangailangan sa kagustuhan at kung paano makakamit ng isang indibidwal ang kanyang potensyal. Ang tao ay may dalawang naisin sa buhay, ito ay ang pangangailangan at kagustuhan. Ang mga ito ay hinati-hati sa iba¶t ibang klasipikasyon, ito ay ang Physiological needs, safety needs, social needs, self-esteem at selfactualization needs. Na kapag paunti-unting natugunan ng tama, ito ay makapagbibigay sa tao ng magandang motibasyon sa buhay. At kapag nakamit na ang lahat ng ito, dito masasabing naabot na ng tao ang kanyang tagumpay na may buong potensyal.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN Bawat mag-aaral ay may kinahaharap na suliranin na kailangang sagutin sa sariling opinyon. Ilan sa mga katanungang ito ay ang mga sumusunod: 1. Anu-ano ang mga tamang pamantayan sa pagpili ng pangangailangan? 2. Kailan ba dapat sundin ang kagustuhan ng isang indibidwal? 3. Ano ang maaaring maging epekto ng bilang ng mga estudyante sa BSA 1-1A ng PLMar sa pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan? 4. Sa panahon ng kagipitan, dapat pa bang isipin ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan? 5. Sa paanong paraan inuuna ng bawat indibidwal ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan? 6. Ano ang maaaring maging epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng BSA 1-1A sa PLMar kung uunahin lagi ang mga kagustuhan?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sarili - Magkaroon ng disiplina sa sarili ang isang indibidwal kunga alam nitong isaalang-alang ang kahalagahan ng mga pangunahing pangangailangan bago pagbigyan ang mga luho na kanyang ninanais. Mag-aaral ng BSA 1-1A sa PLMar - Maiintindihan ng mga mag-aaral na sa bawat baitang, may iba¶t ibang pangangailangan na mas dapat pahalagahan at isipin kaysa sa mga kagustuhan na mas nagpapakumplikado sa kanilang buhay. Lipunan - Mas nagiging bukas ang isipan ng lipunan sa kaibahan ng pangangailangan sa mga kagustuhan. Mas uunahin nilang makamit ang mga pangangailangang nasa unang baitang para unti-unting nila marating ang mga sumusunod na baitang.
SAKLAW AT LIMITASYON Ang mga mananaliksik ay kinakakilangang isaalang-alang ang saklaw at kung hanggang saan ang limitasyon ang maaaring isama sa pag-aaral. Ang pag-aaral ay kinasasangkutan ng ikatlong pangkat ng BSA 1-1A ng Taong Panuruan 2010-2011 na kumukuha ng kursong B.S. Accountancy sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar). Sa paksang usapin, saklaw ng pag-aaral ang pagkuha ng opinyon ng mga mamamayan sa mga mag-aaral ng BSA 1-1A sa PLMar tungkol sa pagtalakay ng Hierarchy of Needs at Achievement Theory.
KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT May mga salitang lingid sa pang-unawa ng isang mambabasa. Dito sa pananaliksik, binigyang kahulugan ng mga mananaliksik ang mga salitang hindi gaanong malinaw sa isip ng mambabasa.
Self-actualization (Fulfillment Needs) - Ito ang pambihirang antas kung saan ang tao ay may kailangan ng layunin, ang personal na paglago at pagsasakatuparan ng kanilang potensyal. Ego (Self-Esteem Needs) - Sa antas na ito kailangan ng paggalang sa sarili at sa iba. Social Needs (Love and Belongingness Needs) - Sa antas na ito ang mga pangangailangan ng pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan ay mahalaga. Safety Needs - Ang antas na ito ay mas malamang na matatagpuan sa mga bata bilang sila ay may isang mas higit na kailngan sa pagiging ligtas. Physiological Needs - Sa antas na ito ay ang mga pangunahing pangangailangan ng tao gaya ng damit, tirahan, pagkain at inumin.
Pangangailangan - Ang mga bagay na dapat mayroon ang isang tao tulad ng pagkain, damit at tirahan. Kagustuhan - Ang mga bagay na nakatutulong sa tao upang mapagaan ang kanyang pamumuhay. Kakulangan - Tumutukoy sa kasalatan ng isang bagay na bumubuo sa isang elemento. Kakapusan - Limitadong pinagkukunang yaman.
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Ang nilalaman ng bahaging ito ay ang paraan ng pagpili ng mga kalahok na tutugon sa mga katanungan ng mga mananaliksik.
POPULASYON Kinakailangang alamin ng mga mananaliksik ang bilang at saan kukuha ng babasehan sa problema. Ang mga mananaliksik ay nakapokus sa mga mag-aaral ng BSA 1-1A sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Kumuha ang mga mananaliksik ng mga kasagutan sa mga katanungan batay sa teoryang ginamit sa mga mag-aaral ng BSA 1-1A sa PLMar na may bilang na apat na pu¶t pito. Kinuhanan ng kanya-kanyang opinyon ang bawat estudyante na maaring maging sagot sa mga suliranin ng bawat isa.
PARAAN NG PAGPILI NG MGA KALAHOK Isinaalang-alang ng mga mananaliksik na ang mga kalahok na pipiliin ay may kakayahan at may pinagdadaanan na naaayon sa nasabing pag-aaral. Napagdesisyunan ng mga mananaliksik na piliin bilang mga kalahok mula sa mga mag-aaral ng BSA 1-1A sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Iba-iba ang kalagayan sa buhay ng mga estudyante ng BSA 1-1A kaya marapat lamang na sila ang kuhanan ng mga impormasyon o opinyon.
PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS Kumuha ang mga mananaliksik ng mga datos mula sa internet at sa iba¶t ibang uri ng libro ng Ekonomiks na may kinalaman sa Hierarchy of Needs at Achievement Theory. Gumamit din ang mga mananaliksik ng paraang pagtatanong sa isa¶t isa upang mapunan ang mga katanungan na hindi mahanap sa internet o sa mga libro.
KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
BANYAGANG LITERATURA Sa paglipas ng taon, naobserbahan ng mga ilang behaviorial scientist na ang mga tao ay nagkakaroon ng isang matinding pangangailangan upang makamit at may ilan din namang hindi naniniwala dito. dito. Ang penomenong ito ay pinag-aralan ni David McClelland sa Harvard University sa mahigit dalawampung taon. Ang pananaliksik ni McClelland ang nagdala sa kanya upang maniwala na ang kailangan para sa tagumpay ay isang natatanging motibo ng isang tao na maaaring maging sikat mula sa iba pang mga pangangailangan. Mas mahalaga, ang mga motibo ng tagumpayay maaaring ilang at inayos sa anumang grupo. grupo.
Unang ipinakilala ni Abraham Maslow, isang sikologo, ang kanyang konsepto ng isang Hierarchy of Needs noong 1943 sa
kanyang papel na A Theory of Human Motivation at ang kanyang magkasunod na libro, Motivation and Personality. Ang hirarkiyang ito ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay nahihkayat upang matupad ang pangunahing pangangailangan bago lumipat sa iba pang pangangailangan.
BANYAGANG PAG-AARAL
Habang ang isang kapaki-pakinabang na patnubay para sa pagunawa kung bakit ang mga mag-aaral sa pangkalahatan ay kumilos na
ang paraan na ang ginagawa nila at sa Pagtukoy kung paano ang pagaaral ay maaaring maapektuhan ng pisyolohikal. Ang teorya ni Maslow ay nagbahagi ng ilang pagsusuri.Ang ilan ay may mapapansin na kung ano ang isang kakulangan para sa isa, ay hindi kinakailangan ng isang kakulangan para sa iba. Pangalawa, may iba't ibang mga eksepsiyon na madalas mangyari. Halimbawa, ang isang mag-aaral ay inuuna ang pagtuturo sa ibang kaklase na nahihirapan sa isang asignatura kaysa ilaan ang oras sa mga walang kwentang bagay.
LOKAL NA LITERATURA
LOKAL NA PAG-AARAL Ayon kay Allan Allan B. I. Bernardoa, Ipinapalagay ng Achievement Theory na ang self-instrumental (poder) nakakamit ang mga layunin na kaugnay sa akademiko. Gayunman, ang pananaliksik ng mga maaaral sa Asya ay nagpapakita na ang parehong kapangyarihan at pagganap-diskarteng layunin ay positibo na may kaugnayan sa mga nakakamit; marahil dahil sa achievement motivation sa kultura ng Asya ay ipinapakita ng maramihan at hindi indibidwal. Ang
kasalukuyang pag-aaral ay isinasayasat ang istraktura ng mga panlipunan at mga indibidwal na achievement motivation, at ano ang kaugnay ng mga ito sa mga nakakamit ng mga pilipinong mag-aaral sa unibersidad. Ang mga resulta ay nagpakita ng dalawang aspeto ng social-oriented achievement motivations -- parent-oriented at teacheroriented-motivations at dalawang sukat ng individual-oriented achievement motivations-personal na pamantayan ng pagganap at mga personal na layunin na pinili. Subalit, ang achievement-oriented motivatons ay hindi kaugnay sa mga nakakamit. Sa halip halip ang pagwawagi at pagganap-diskarteng layunin ay parehong positibo na kaugnay sa akademiko, mga personal na pagganap ng mga pamantayan, at parent-oriented achievement motivation.
Kapag naging panatag na ang loob mo sa isang grupo ng tao, doon na magsisimula ang paggawa ng mga bagay para pahalagahan naman siya ng iba. Ito ay isang magandang panahon para sa atin na gumawa ng layunin upang makamit ang isang bagay na makabuluhan.