filipino 2 kabanata 4 Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos Sa kabanatang ito, ipinapakita ang pagsusuri at pagiintindi ng mga datos na nakuha batay sa instrumentong ginamit sa pag-aaral.…Full description
theses
Full description
filipino
Epekto ng Social MediaFull description
Hi
education
Filipino Thesis Introduction onlyFull description
Summer 2018Full description
agFull description
hmmFull description
sdsds
:)
Filipino Thesis Introduction only
Filipino Thesis Introduction onlyFull description
Full description
cyber space
Isang pag-aaral tungkol sa impluwnsya sa atin ng kulturang Koreano (South Korea)Full description
ssss
jose rizal
KABANATA 1 INTRODUKSIYON Kaligiran ng Pag-aaral Ang malaking bahagi ng ating musika ay bunga ng impluwensiya ng ating mga katutubo at mga mananakop na Kastila at Amerikano (Ebora, 2014). Mula noon ay patuloy nang umunlad ang ating pagtingin sa larangang ito kasabay ang pagbabagong dulot ng pamamaraang likas sa kakayahan ng mga Pilipino. Bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ang musika at asahan na patuloy ang pag-usbong nito sa pagdaan ng panahon. Sa paglipas ng panahon ay mas lalo pang naimpluwensyahan ng musika mula sa ibang bansa ang ating sariling musika. May mga kantang mula sa ibang bansa ang naging popular sa Pilipinas na mas ginagamit at pinapakinggan ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, mas makikita natin na ang mga kabataan ay mas nahihilig sa musikang banyaga at kadalasan ay mas pinipili nila ito kaysa sa mga OPM. Sa ating pagkahilig sa musika ng ating mga karatig bansa, nagkakaroon ito ng iba’t-ibang epekto sa ating pamumuhay (Paraiso, 2013). Una, lalong lumalakas ang ating taglay na colonial mentality. Pangalawa, ang ating sariling musika ay nakakalimutan na ng paunti-unti dahil sa paglabas ng iba’t-ibang bagong genre at kategorya ng mga kanta. Pangatlo, naapektuhan ang ating pananamit at pananalita o wika sa ating bansa. Mahalaga ang pagsasaliksik na gagawin sa pag-aaral na ito dahil ito ay makatutulong upang malaman ang mga uri ng kanta na nais pakinggan ng mga estudyante. Sa pag-aaral na ito ay mas mauunawaan natin ang iba’t ibang salik na nakakaapekto sa kanila sa pakikinig ng mga kanta. Malalaman din natin kung ano-ano
2
ang tingin o persepyon ng mga estudyante sa mga genre ng kanta gaya ng rock, rap, jazz, ballad at marami pang iba. Maaari rin itong makatulong sa mga iba’t ibang indibidwal at institusyon upang mas magkaroon sila ng ideya ukol sa mga dahilan ng estudyante sa mga pinakikinggan nilang musika.
Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang uri ng musikang tinatangkilik ng mga Grade 11 na mag-aaral ng Garcia College of Technology Inc. Nilalayon din ng pag-aaral na ito na: 1.
malaman ang kasarian at strand ng mga kalahok;
2.
malaman ang uri ng musikang tinatangkilik ng mga Grade 11 na mag-aaral ng
Garcia College of Technology, Inc.
Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Uri ng musikang tinatangkilik ng mga Grade 11 na mag- aaral ng Garcia College of Technology, Inc.” ay naglalayong magbigay impormasyon ukol sa uri ng musikang pinakikinggan at tinatangkilik ng mga kabataan. Ito ay mahalaga sa mga sumusunod na indibidwal at institusyon: Mang-aawit. Ito ay magagamit ng mga mang-aawit upang malaman nila ang mga kagustuhan ng mga makikinig sa kanila. Malalaman ng mga musiko kung anong uri ng musika ba ang siguradong papatok sa mga tagapakinig lalo na sa kabataan. Makagagawa rin sila ng mga kantang aayon sa pandinig ng mga kabataan na siyang tatangkilikin nila. Kompanya o Industriya ng Musika. Ang mga datos na makukuha sa
3
pananaliksik ay makatutulong upang makabuo sila ng mga bagong kanta na hinahanap ng pandinig ng mga kabataan. Makapagpo-produce sila ng mga panibagong kanta batay sa uri ng musikang pinakatinatangkilik ng mgatagapakinig. Mabibigyan sila ng ideya kung ano ang mga uri at klase ng kantang nararapat nilang palabasin at kung ano ang mga uri ng kantang nararapat nilang mas pagandahin. Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay magagamit ng mga estudyante o mananaliksik na nag-aaral ng katulad na paksa. Makakakuha sila ng mga importanteng datos na makatutulong sa kanilang pananaliksik. Maaari rin itong maging gabay sa mga mananaliksik na may hindi katulad na paksa upang mas mapadali ang pagsasagawa ng kanilang tesis.
Depinisyon ng mga Termino Upang maging mas madali at mas maunawaan ng mga mambabasa ang mga nakapaloob sa pananaliksik na ito, minabuti ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang ilang mga terminong maaaring magdulot ng pagkalito sa mga mambabasa. Ang mga sumusunod na depinisyon ng terminolo ay nababatay sa kontekstuwal na kahulugan at kung paano ang pagkakagamit sa kanila sa pag-aaral na ito. Ang mga terminong nagamit sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod: Musika- isang uri ng pagpapahayag ng damdamin na gumagamit ng melody. OPM- ang pinaikling tawag para sa Original Pilipino Music. Ito ang mga musikang Pilipino. Colonial Mentality- kaugaliang pabor sa paggamit ng mga bagay na gawang dayuhan. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa iba’t ibang uri ng musikang tinatangkilik
4
ng mga estudyante. Ang lahat ng strand ng Grade 11 na mag-aaral ng Garcia College of Technology, Inc. Taong Panuruan 2017- 2018 lamang ang magiging tagatugon ng pagaaral na ito. Ang pananaliksik ay gaganapin sa Garcia College of Technology, Inc., Annex Building, Osmeña Avenue, Estancia, Kalibo, Aklan.
Teoritikal na Balangkas ng Pag-aaral
5
Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral Ang konseptwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat.
Mga MalayangBaryabol
Profayl ng mga
Di-Malayang Baryabol
Uri ng musikang
tagatugon:
tinatangkilik ng mga Grade
Kasarian
11 na mag-aaral ng Garcia
Strand
College of Technology, Inc.
Pigura 1. Ang Malayang Baryabol at Di-Malayang Baryabol ng Pag-aaral.