filipino 2 kabanata 4 Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos Sa kabanatang ito, ipinapakita ang pagsusuri at pagiintindi ng mga datos na nakuha batay sa instrumentong ginamit sa pag-aaral.…Full description
credits to the owner icct collegesfoundation, incFull description
theses
KABANATA I ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL PANIMULA Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng mabuting asal, katangian at kaugalian na dapat na maipagmalaki. Ilan sa mga ito ay ang pagtitiwala sa Panginoon, pagiging magalang, pakikipagtulungan, mabuting pagtanggap at pakikitungo sa mga panauhin at higit sa lahat ay ang pagsasama- sama ng pamilya. Napakahalaga ng salitang pamilya sa mga mamamayan ng Pilipinas. Para sa kanila ito ay ang mahalagang pundasyon sa buhay. Ito rin ang nagbubuklod sa pagsasama ng isang buong mag-anak. Sa kahit anong sakuna o problema ang dumating, pamilya pa rin ang pinakaiingatan ng bawat isa na huwag mawala o magkahiwa- hiwalay. Binubuo ang isang pamilya ng ama, ina at ang kanilang mga supling. Kilala ang ama sa pagtataguyod ng mga pangangailangan ng kanyang mag-anak. Ang ina naman ang siyang namamahala sa mga gawaing bahay at pag-aasikaso sa kanilang mga anak. At ang mga anak naman ang siyang nagpapasaya sa mag- anak. Ito ang malimit na nararanasan ng mga pamilyang Pilipino. Sa pagdaan ng panahon, marami ang nababago sa bawat pamilya katugon sa mga suliraning nararanasan ng bayan. Ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa ay isa lamang sa mga ito. Ang mga bilihin at ang mga pangunahing pangangailangan ay mahirap na matugunan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo. Kasabay rito ang paghina ng kita ng mga tao at ang kawalan ng mga trabaho sa mamamayan. Hiling lang ng isang magulang ang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang mga anak kasabay ang mga dilemang nagaganap sa bansa. Malimit ito ang dahilan kung kaya't ang mga magulang ay napipilitang makipagsapalaran sa ibang bayan o karaniwan ay sa ibang bansa para masolusyonan ang kahilingang ito.
Ang pangingibang bansa ng mga magulang ay may napakalaking epekto sa nararamdaman ng kanyang naiwang pamilya lalo na sa mga anak. Kaya naman isang pananaliksik ang pagtutuunan pansin tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga magulang na nangingibang bansa o kilala sa pagiging OFW sa kabataan ngayong makabagong panahon. Bibigyang kaalaman ang problema ito sa pamamagitan ng pagiinterbyu, at paghahanap ng mga artikulo o balita na may kaugnayan sa pananaliksik na ito.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pag- aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang ilan sa mga problema na may kaugnay sa epekto ng pagkakaroon ng mga magulang na OFW sa mga kabataan. Ang mga problema na nangangailangan ng kaukulang pansin ay ang sumusunod: 1. Paano nakakaapekto ang pangingibang bansa ng mga magulang sa kanilang mga anak para magtrabaho 2. Ano ang kaibahan ng magulang na hindi nangingibang bansa at ang OFW?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay kaalaman tungkol sa epekto ng pagbabago ng mga kabataan sa makabagong panahon. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga: Mamamayan. Makakatulong ito para mabigyan kaalaman ang bawat isa sa pangingibang bansa ng ating kababayan. Pamahalaan. Makatutulong ito para matulungan at masolusyunan ang bawat mamamayan tungkol sa pagtratrabaho at problema ng bawat pamilya. Makatutulong rin ito para malaman ng nakatataas ang mga nagaganap sa bawat pamilya ng bayan.
Ekonomista. Makatutulong ito sa kanilang pag- aaral sa ekonomiya ng bansa. Magkakaroon sila ng mga batayan at ibang salik sa pagbaba at pagtaas ng ekonomiya. Pamilya. Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga pwedeng mangyari kung may nagbabalak sa isa nilang kapamilya ang pumunta sa ibang bansa. Malalaman nila ang epekto nito sa miyembro na maiiwanan dito sa bansa.
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL Ang pamanahunang papel na ito ay sumasakop sa pag-aaral ng mga bagay tungkol sa mga epekto ng pagkakaroon ng mga magulang na OFW sa kanilang mg anak. Ito din ay nagsasaad ng mga pangayayari sa mga buhay ng mga batang may mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang pananaliksik na ito ay hindi sumasakop ng mga dahilan ng pangingibang bansa ng magulang. Hindi rin ito magtatalakay sa mga kalimitang edad ng mga anak sa tuwing iiwan sila ng kanilang mga magulang. Kasama na rito ang hindi pagtukoy sa mga posibleng bansa na kalimitang pinupuntahan ng mga OFW na magulang para pagtrabahuhan.
KATUTURAN NG MGA KATAGANG GINAMIT Upang mas maintindihan ang pamanahunang papel na ito, ang mga sumusunod na kataga ay binigyang kahulugan. OFW. Anak. Pamilya. Pagtatrabaho.