Sibonga Community College
Papel Pananaliksik Filipino 2
Inihanda ni:
Cristel Cedeño BEED-1
Ipinasa kay:
Gng. Manuelita Arcel
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Talaan ng Nilalaman i. Panimula
1
I. Suliranin at Kaligiran
2
A. Rasyonal B. Layunin II. Batayang Teoretikal
3
III. Batayang Konseptwal
4
IV. Kahalagahan ng Pag-aaral
5
V. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
6
VI. Pagbibigay Kahulugan ng mga Salita
7
VII. Pasasalamat
8
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Panimula Ang Kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan sa bansa o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pangangailangan ay maaaring malimitan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsyon, illegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonal na pang edukasyon at pangangailangan.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I. Suliranin at Kaligiran KAHIRAPAN -Kahirapan ang dahilan ng problema ng tao sa mundo! Sa ngayon ang buong mundo ay humaharap sa malaking problema ng kani-kanilang bansa. Pag may problema ang isang bansa damay na din pati ang mga mamamayan. Lalong-lalu na kung ikaw ay nabibilang sa mga bansang pinakamahihirap lalu na dito sa Asya. Mahirap isipin na ngayong natin nararamdaman ang pangdaigdigang pagsubok sa ating mga buhay. Mahirap ng makahanap ng trabaho dahil sa ngayon nagkakatanggalan na dahil wala ng mapasahod ang mga kompanyang kaunti nalang ay lulubog na. Dito sa Pilipinas marami ng mga kompanya ang nagsasara at pati narin ang mga foreign investor ay natatakot na mag invest dito sa Pilipinas. Paano na ang ating bansa kung wala ng mga banyaga upang umangat ang ekonomiya ng ating bansa. At isa pa hindi pa man nagkakaroon ng financial crisis sa buong mundo hirap na ang buhay ng mga tao dito sa Pilipinas lalu pa kaya ngayon. A. Rasyonal
-Napili ko ang paksa na ito dahil sa kadahilanan kung bakit naghihirap ang mga tao ngayon, ay sa pagiging tamad ng mga Pilipino kaya hindi natin masisi ang iba kung hindi ang ating sarili na napaka iresponsable o ang kawala ng paninindigan. Kaya dapat matutunan nating ang pagiging responsable sa ating sarili na magsikap tayo para tayo mabuhay, na maghanap tayo ng trabaho para hindi tayo mahihirapan sa ating buhay.
B. Layunin -Ang paksa o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy dito tungkol sa kahirapan, na kung saan dapat tayong magsikap sa ating sarili dahil bilang isang tao dapat tayong mabuhay sa mundong ito at isa lang tayong instrumento sa Dios at ang ating buhay ay isa lang hiram natin ito sa Dios dapat ang pagbuhay natin sa mundong ito ay dapat hindi natin pagsasayangin ang panahon, dapat tayong magsikap. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
II. Batayang Teoretikal
ANG KAHIRAPAN SA PILIPINAS: Gobyerno o Tayo? Nakakasabay man ang Pilipinas sa pag unlad ng ibang bansa pagdating sa teknolohiya at iba pang mgamodernong bahagi ng ating pamumuhay sa araw araw ay hindi rin ito sapat na dahilan para masabing tayo ay isang maunlad na bansa. Ayon sa Survey, marami pa rin sa ating mga Pilipino ang nagsasabingsila ay mahirap, kahit pa ginagawa ng gobyerno ang kanilang tungkulin upang mabawasan ito. Sino ngaba ang dapat sisihin sa paghihirap ng ating mamamayan? Ang gobyerno nga ba, o tayo? Ang kahirapanang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa.Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang maykasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?Tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ngkaramihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maramingtrabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino.
Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin panilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat natrabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin natayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.
Ang pagiging tamad ay dapat matuto tayong magsikap dahil ang buhay ng tao napakahalaga at dapat magtuto tayong magsikap sa ating buhay, dahil ang taong nakaupo nalang sa isang tabi at manghingi ng limos ay hindi natin masabi na ang tao ay habang buhay na ring magninigay sa
mga taong nanglilimos sa kanila. Ang bawat isa sa atin ay may sariling mga pangangailangan sa kanilang sarili. At ang buhay ay dapat natin ito alagaan dahil kung hindi ka magsikap talagang hindi tayo manunuhay sa mindong ito, kahit may buhay pa tayo ay dapat tayong magsikap para kung ano ang gusto natin meron tayong mabibigay sa ating sarili. Kaysa manglimos tayo sa ibang tao para matustusan ang ating sarili. Para sa akin hindi yon tama, kaya dapat nating pahalagahan.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
III. Batayang Konseptwal Ang kadahilanan sa paghihirap ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, O ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsable lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.
INPUT
Kahirapan
PROSESO
AWTPUT
- Pananaliksik gamit ang internet. - Mababawasan ang bilang ng mga taong naghihirap.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
IV. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang paghahalaga nga ba sa pag-aaral ang siyang susi upang makamit ang minimithing tagumpay o isa lamang instrumento upang higit na malirip ang mas malalim na kaisipan na siyang tuluyang sisira sa ugnayan ng tao sa Diyos at kalikasan? Ang pagpapahalaga sa pag-aaral ay napakaimportante sa isang tao dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan upang maabot ang layunin sa ating buhay. Kailangan natin ito, dahil makakatulong ang paghahalaga sa pag-aaral upang makahanap tayo ng magandang trabaho at
para hindi rin tayo naghirap. Para din malaman natin ang mga bagay-bagay mula sa simula hanggang sa katapusan ng ating buhay.
V. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Base sa aking pananaliksik sa panahon natin ngayon, ay maraming naghihirap kaysa mga mayaman. Mas malaking porsyento ang mga naghihirap kaysa mga mayaman kahit nasa Maynila at ibang barangay ay talagang mga taong walang hindi naghihirap pero kung nagsikap ka lang at dapat pinahalagahan natin ang pag-aaral, wala talagang naghihirap ngayon kung binigyan natin ito ng halaga. Hindi tayo mahihirapan na humanap ng trabaho dahil nakapagarala tayo.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
VI. Pagbibigay Kahulugan ng mga Salita
AsyaAng Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo.
EdukasyonAng edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.
Foreigm investorpamumuhunan sa Estados Unidos sa pamamagitan ng mga banyagang mamamayan;. Madalas ay nagsasangkot sa karamihan ng stock pagmamay-ari ng isang enterprise.
Financial krisis-
malawak na iba't ibang mga sitwasyon kung saan ang ilang mga pinansiyal na mga ari-arian biglang mawalan ng isang malaking bahagi ng kanilang mga nominal na halaga.
Gobyernoang gobyerno ay isang sistema na kumokontrol sa pagbibigay karapatan na gumawa ng batas at magpatupad nito sa isang pamayanan.
KahirapanAng kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi
Limospagbibigay ng pera o anumang bagay na walang kahirap-hirap
PilipinasAng Pilipinas ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa kanluran ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
VII. Pasasalamat
Ako nagpapaabot ng pasasalamat sa mgasumusunod para sa maluwalhating pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa mga mananaliksik ng determinasyon upang isakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman nakanilang ginamit sa kanilang pag-aaral. Sa pagdinig sa kanilang dalangin lalung-lalo na sa sandaling sila ay pinanghihinaan na ng pag-asang matapos ito ngayon sa itinakdang panahon. Sa mga magulang ng mananaliksik, na nagbibigay ng moral at pinansyalna suporta at nagsilbi nilang inspirasyon. Sa tagpayo, Gng. Manuelita Arcel sa pagbibigay ng mga ideya at
payosa paggagawa at pagrerebisa ng pag-aaral. Sa kaklase ko na si Lovely Lyn Gabison sa pag-encode nito at kay Kuya Hermilo Fernandez na laging kasama ko sa paggawa ko ng papel pananaliksik.